Chapter 10

Yes, Miss President?
Please Subscribe to read the full chapter

Naglalakad na ako ngayon papuntang north building, kasi kikitain ko si Yeji. Oo, medyo close na kami. She’s not difficult to be friend naman dahil sobrang approachable niya at mabait din. Since we don’t have classes during these hours, I decided to meet her. It’s perfect timing din naman since they don’t have class during these hours either.

 

While I was walking towards the North building, I saw Miss President, she was talking to a guy now. Hindi ko ito kikala or namumukhaan man lang, dahil ngayon ko lang din ito nakita. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na ako sa aking paglalakad. 

 

Nasa ground floor palang ako nang makita ko na si Yeji. She is really beautiful and her smile makes her even more beautiful. I went to where she was and greeted her immediately.

 

“Hindi naman halata na gusto mo na agad akong makita, nuh?” natawa nalang ako sa sinabi niya.

 

Ang boring naman kasi sa room namin tapos ‘yung dalawa kong kaibigan naman eh inutusan ni sir Sevan dahil na-late kasi sila kaya ayon, binigyan sila ng slip. 

 

“Wala lang akong magawa,” sabi ko at nagsimula na kaming maglakad-lakad.

 

“Bakit pala wala kayong class now?” tanong nito sa akin. 

 

Nagkibit balikat lang ako, “Hindi ko rin alam.” sabi ko at natawa naman siya.

 

“Saan mo gustong tumambay ba?” tanong ng aking kasama.

 

“Ikaw? wala akong maisip kung saan tumambay eh, hindi ko pa rin kasi ma-alam ang school na ‘to.” sabi ko sa kanya.

 

Kahit dalawang buwan na ang nakalipas ay hindi ko pa rin talaga kabisado ang mga rooms at places dito. Sobrang lawak kasi eh. Tsaka, wala rin akong time para mag roam dito.

 

“Bagong lipat ka lang dito?” hindi makapaniwala na tanong nito sa akin.

 

Tumango ako, “Oo, hindi ba halata?” natatawang tanong ko sa kanya.

 

“Hindi, akala ko dito kana talaga since then.” sabi nito, habang papasok na kami sa canteen.

 

“Yung dalawa kong kaibigan, dito sila nag-aaral noon pa man.” pagbabahagi ko sa kanya.

 

“Saan sila? Absent ba?” tanong nito tsaka hinila ang bakanteng upuan. 

 

“Thank you,” sabi ko dahil naghila rin siya ng mauupuan niya sa kabilang bahagi.

 

“Saan pala friends mo?” balik tanong nito sa akin.

 

“Hindi ko alam kung saan sila dinala ni sir Sevan.” sagot ko sa kanya.

 

Nagulat naman ito sa aking sinabi, “Sir Sevan??” tumango ako sa kanya.

 

“Ang strict niyan,” sabi nito sa akin. “Dati, pinaglinis niya ako doon sa garden, at sa court din.” pagpapatuloy nitong sabi sa akin.

 

Kapag talaga paglilinis ang usapan, si Miss President talaga unang pumapasok sa isipan ko. 

 

“Seryoso ba?” yan lang ang lumabas sa bibig ko. 

 

“Oo, akala ko nagbago na ‘yun.” aniya tsaka may inabot ito sa akin na biscuits.

 

“Salamat,” nahihiya kong pasasalamat sa kanya. 

 

“Hate mo rin ba si Sir?” natawa ako ng onti sa biglaang tanong niya sa akin.

 

“Oo? Siguro. Hindi ko alam.” ewan ko rin ba. 

 

“Hindi na ako magtataka if ganon,” aniya sabay tawa. Feeling ko magu-guidance kami nito eh. 

 

Nag-usap lang kami ni Yeji, at hindi ko man lang napansin ang oras. Malapit na palang mag eleven, kaya naman ay naisipan kong magpaalam na sa kanya. Ganoon din siya dahil meron daw silang class ngayong 11:10. 

 

Humiwalay na kami at agad na akong nagtungo sa south building. Subalit, nang makarating ako sa second floor ng building ay agad akong tinawag ni Miss President. Ang sama-sama niya pang tumingin sa akin ngayon, na akala mo naman may ginawa akong karantaduhan sa kanya.

 

Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siya tinanong, pero irap lang ang natanggap kong sagot at agad niya na rin akong tinalikuran. 

 

“Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya?” bulong ko sa aking sarili.

 

Nakita ko siya kanina, maayos naman mood niya tapos ngayon, magsusungit sa akin.

 

Sumunod na ako sa kanya at pumasok na rin ako sa loob ng opisina niya. Padabog pa siyang umupo kaya bigla akong kinabahan. 

 

Inis na inis talaga eh, sino kaya umaway nito? 

 

“Ano p—” she cut me off.

 

“Shut up.” utos nito kaya napatakip na lang ako sa aking bibig. 

 

Masama pa rin ang tingin nito sa akin. Binuksan niya ang kanyang Laptop at nagsimula na itong mag type subalit ‘yung way niya sa pag t-type ngayon ay parang may halong inis o ano man ‘yan.

 

“Did you receive my messages to you?” hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang isang kilay nito habang nakatutok sa kanyang Laptop.

 

“Hind—”

 

“Why? Were you so busy that you didn’t even notice that I messaged you?” naiinis na tanong nito sa akin.

 

“Hin—”

 

“What are your excuses now, Winter Safanzar?” bigla akong nakaramdam ng takot at kaba dahil sa pagtawag nito sa aking pangalan.

 

Grabe, with first name ko pa talaga?

 

“Hi—”

 

“Clean this room, NOW.” maotoridad nitong utos sa akin. 

 

Agad naman siyang lumabas at grabe ‘yung pag-close niya ng pinto, ah. Inis na inis talaga eh.

 

Naiwan akong mag-isa rito sa room 035. Bwisit, hindi niya man lang ako hinayaan na magsalita. 

 

Pero curious ako kung bakit siya inis na inis sa akin at kung ano kaya ang sanhi ng pagka-inis niya. Wala naman akong ginawang masama sa kanya, tsaka maayos naman kami kahapon? Masaya nga rin kaming nag-uusap dito kahapon eh. 

 

Pumunta kasi ako rito kahapon dahil gusto kong i-sure if okay na ba talaga siya. Maayos naman siya kahapon, tapos ang bait-bait niya rin sa akin. Pero ngayon? Hindi ko alam, bigla nalang siya naging dragon. Bwisit na yan.

 

Ilang minuto ang lumipas ay biglang bumukas ang pintuan, nakita ko si Miss President na grabe, inis na inis pa rin talaga sa akin. May mga tao talagang ganito nuh? ‘Yung tipong, wala ka namang ginagawa sa kanila pero naiinis sila sa’yo.

 

Ang weird lang.

 

“Are you done cleaning?” buti nalang talaga at mahinahon na boses niya ngayon kahit halata naman naiinis pa siya sa akin. Tumango lang ako dahil alam kong magsasalita na naman siya nang hindi pa ako tapos.

 

“How about the restroom? Was it thoroughly cleaned?” tumango ulit ako. Hindi naman gaano karumi ‘yun, sobrang arte niya lang talaga. Tsk.

 

“Can’t you speak?” naiinis na naman nitong tanong sa akin.

 

“Eh kasi, ni-cu-cut off mo ako.” sabi ko rito.

 

“Did I?” ay, wow? 

 

“Oo, tsaka, bakit ka ba naiinis sa akin?” hindi ko na maiwasang itanong. 

 

“I’m not,” sinungaling talaga ito. 

 

“Kulang na nga lang suntukin mo ako eh.” sarkastikong saad ko sa kanya. Inikutan niya lang ako ng mata at umupo na siya sa swivel chair.

 

“I’ll punch you talaga if I saw you with her again.” hindi ko na masyadong rinig ang huling sinabi nito dahil pahina nang pahina ang boses niya.

 

“Huh? Hindi ko narinig.” sabi ko at umupo sa sofa. Tumingin ako sa wall clock at malapit na pala mag 12 noon.

 

“Kain tayo, Miss President.” pag-aya ko sa kanya. Nakita ko naman na ngumiti ito pero nawala rin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

 

“Your treat?” tanong nito sa akin.

 

Wow, parang nothing happened lang ah.

 

Tumango ako, “Oo, tapos bukas, ikaw na naman manlilibre sa akin.” sabi ko at agad na akong tumayo.

 

“Just wait for a while,” ika niya kaya hinintay ko muna siya. Hindi naman nagtagal ay tumayo na rin ito at agad kinuha ang susi ng kotse niya.

 

“There is a place that I am familiar with.” aniya at nauna na itong maglakad sa akin.

 

Pababa na kami ngayon at patungo na kaming parking lot, kung saan nakaparada ang kotse ni Miss President. Nang makapasok na kaming dalawa ay agad na niyang pinaandar ang sasakyan. 

 

Tahimik lang ang buong byahi namin, parang hindi na rin naiinis sa akin si Miss President dahil kanina ko pa siyang napapansin na panay tingin sa akin. Hindi niya rin ako iniirapan o iniikutan man lang ng mata. 

 

Upon our safe arrival at the restaurant, a hostess warmly greeted us and escorted us to our designated table. As I surveyed the surroundings, I couldn’t help but notice the restaurant’s luxurious and sophisticated ambiance. The walls were adorned with exquisite paintings, and the tables were draped in pristine white linen. The waitstaff were impeccably attired in tuxedos, further adding to the establishmentrefined atmosphere.

 

“Ang ganda ng lugar na ito.” sabi ko, taking in the beautiful surroundings.

 

“I know, right.” Miss President replied.

 

While we perused the menu, my gaze was inevitably drawn towards the variety of delectable options, and I found myself unable to resist the temptation to explore each and every one of them. 

 

“It’s my treat today. You can order whatever you want.” sabi ko at nginitian siya.

 

We ordered our food already at tahimik lang kaming naghihintay ngayon. Pero ayoko naman na hayaan nalang na hindi kami mag-imikan kaya nagsalita na ako. 

 

“Ba’t ka pala umalis kanina?” tanong ko sa kanya, habang hinihintay namin ang aming order.

 

“Nothing,” simpleng sagot niya sa akin.

 

“Weh?” ani ko, at tumango naman siya.

 

“Ito nalang, bakit ka naiinis sa akin kanina?” since kami lang naman dalawa, naisipan ko nalang na itanong yan. Wala naman sigurong masama roon tsaka, gusto ko talaga malaman ang dahilan. 

 

“I just saw something that irritates me.” maarte niyang sagot sa akin.

 

“Edi sana pumikit ka,” pabiro kong sagot. 

 

“What if, i’ll punch you now?” may pagbabanta na sabi nito sa akin.

 

“Alam mo ba? Gusto ko talagang malaman kung ano ang pinaglihi sa’yo ng parents mo.” natatawa kong sabi kaya agad tumama sa mukha ko ang isang table napkin. 

 

“Ito naman, hindi mabiro-biro.” sabi ko at agad kong kinuha ang binato niya. Naka-crossed arms na ito at hindi na siya nakatingin sa akin. 

 

Dumating na ang inorder namin kaya napangiti ako. Good timing din kasi feeling ko, hindi na ako kakausapin nitong kasama ko. 

 

Nagsimula na kaming kumain and the food was delicious. The standard of service extended to us was beyond compare. Every morsel of my meal was savored with great pleasure, and the staff’s unwavering attention and expertise left an indelible impression. 

 

As soon as I realized that her plate had been completely cleared, I couldn’t help but comment on it. In response, she grabbed hold of a tissue and proceeded to delicately wipe her lips, perhaps indicating that she was thoroughly satisfied with the meal. I couldn’t h

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
I truly hope you enjoyed reading this story. Your support and appreciation mean the world to me. Thank you from the bottom of my heart!

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Miss them
Shinmeruuu_ #2
Chapter 1: ginawa palang tagalinis hahahahaha
Genniee #3
Chapter 20: yey!! I've finally read it completely. It was fun and very cute, tho I wish minjeong and ningning have their own spotlight where their relationship progresses.
minminread #4
Chapter 18: HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA
ruan_ieee #5
Chapter 22: NAPAKAGANDAAAAA <33 THANK YOU FOR THIS, OTOR!
minminread #6
Chapter 12: WHAT DO YOU WANT FROM ME
minminread #7
Chapter 11: wow sha na ang nagseselos
minminread #8
Chapter 5: crush m cguro si win
minminread #9
Chapter 4: nag selos pa ata 😭
syrenity
#10
Chapter 5: lakas ng toyo nitong si karina HAHAHA