Chapter 1

Yes, Miss President?
Please Subscribe to read the full chapter

Ngayong araw ang kauna-unang araw ng class namin. Bagong lipat pala ako sa I.S.M University. Kinakabahan ako syempre kasi sina Ningning at Giselle lang ‘yung kilala ko sa lilipatan kong school.

 

Kaklase ko naman ang dalawang iyon pero kinakabahan pa rin ako, baka kasi hindi kami magkakatabi kasi syempre may seating arrangement na mangyayari. Alam ko na ‘yan.

 

Wala naman talaga akong balak na lumipat kasi marami-rami na rin akong kaibigan doon sa paaralang pinasukan ko noon. Pero ‘yung dalawa kasi, pinilit talaga ako nila na lumipat.

 

Graduating na rin kasi kami at sabi nila na mas maganda kung pareho lang kami ng paaralan. Para na rin daw makabuo ulit kami ng maligayang memories.

 

Napilitan din akong manirahan sa bahay nila Giselle simula pa noong enrolment namin. Medyo malayo-layo kasi ang I.S.M University sa bahay namin. Kaya nga hindi ako doon nag-aaral noon, tsaka wala ring kasama si Mama kaya hindi talaga ako lumipat. Ayoko rin naman mag dorm dahil natatakot ako at isa pa, namimiss ko talaga si Mama palagi.

 

Akala ko nga this time ay hindi papayag si Mama e’ pero grabe, siya pa talaga ‘yung sumang-ayon sa sinabi ni Tita. Hindi na siya nag-alinlangan pa dahil alam naman ni Mama na safe ako rito. Palagi naman akong nakikipag-call kay Mama gabi-gabi, tapos sabi niya sa akin na magvi-visit ddaw tuwing sabado.

 

Kakakita lang namin ni Mama last Saturday, pero ngayon miss ko na naman siya. Nasanay na talaga ako na kasama ko si Mama, dati-rati kasi ay siya ang naghahatid sa akin sa school and siya rin ang sumusundo sa’kin galing school.

 

Hindi na siguro masama ang napagdesisyon ko na lumipat. Kasama ko naman si Ningning at Giselle, siguro magiging masaya ang taon kong ito at mas maging memorable dahil kasama ko na ang dalawang iyon.

 

“Winter, Baby,” tawag sa akin ni Tita, nasa dining area pala kami ngayon. Ako lang at si Tita ang naririto dahil si Giselle, tulog pa yata. Si Ningning naman, baka maya-maya pa ‘yon makakarating dito. Sabi niya kasi may pupuntahan pa saglit Mommy niya.

 

6:30 am pa naman at 7:45 am pa magsisimula ang first subject namin which is Music. 

 

“Yes po, Tita?” sagot ko kay Tita. Busy na ito sa kanyang cellphone, parang may ka-text siya.

 

“Please tell Giselle na hindi ako ang maghahatid sa inyo ngayon, okay? May meeting kasi kami, but don’t worry sinabihan ko na si Manong Migs na siya ang maghahatid sa inyo,” nakangising sabi ni Tita sa akin.

 

Tumango-tango ako, “Opo, Tita. Masusunod po.” pagkatapos kong sabihin iyan ay agad na rin tumayo si Tita. “Ingat po kayo,” pasunod kong sabi kay Tita. 

 

“Kayo rin, Anak,” ani Tita at nag-wave ito sa akin saka tuluyan na siyang umalis.

 

Simula noon ay iyan na talaga ang tawag sa akin ni Tita, nasanay na rin ako sa pagtawag niya sa akin niyan. Minsan din ay nagtatampo sa akin si Giselle dahil bini-baby ako masyado ni Tita. Para na rin kasi akong anak ni Tita sa mga pinakita niya sa akin, kaya sino ‘yung hindi maiinggit diba?

 

Patayo na sana ako para magligpit ng pinagkainan ko nang biglang dumating si Giselle. Halatang kakagising niya lang talaga, ‘yung buhok niya parang akala mo sino ‘yung nakasabunutan niya. Kinusot-kusot niya rin ang mga mata.

 

“Good morning siguro,” pagbati ko rito habang niligpit ang mga nagamit kong plato at utensils.

 

“Where’s Mommy?” Giselle asked in her morning voice.

 

Inilagay ko muna si kitchen sink ang mga dala ko, saka bumalik sa table kung saan nakaupo na si Giselle, “May meeting daw sila, kaya hindi  siya ang maghahatid sa atin ngayon,” paliwanag ko sa kanya, sabay abot ng plato para maka pagkain na siya.

 

Ewan ko ba sa babaeng ito, parang hindi siya informed na first day of class namin ngayon.

 

Hindi naman nagsalita si Giselle pagkatapos kong sabihin sa kanya ‘yung pinapasabi ng Mommy niya. Nagpaalam muna ako sa kanya, para makapag ligo na rin. Feeling ko mala-late kami ngayon, pero bahala na tatlo naman kami e’ 

 

Umakyat na ako sa taas at agad na pumunta sa aking kwarto para maligo. Walang gumagamit sa room na ito, kaya sabi ni Tita na ito na lang daw ang gamitin ko. Nahiya nga ako noong una e’ kasi grabe talaga ‘yung pag-asikaso ni Tita sa akin. Balak ko ngang linisin ang bahay nila e’ para naman may maitulong ako rito, pero wala, hindi ako pinayagan.

 

Pumasok na ako sa banyo at agad na rin naligo. Hindi nagtagal ay natapos na rin akong maligo. Pumunta ako sa walk in closet kung saan nakalagay ang sandamakmak na uniporme na susuotin ko. Sinadya talaga ito ni Tita na marami ang binili, para hindi raw ako maglalaba araw-araw at para may magamit pa sa susunod na araw.

 

Kahit gano’n lalabhan ko pa rin ito ‘no, kahit na marami pang iba d’yan. Nakakahiya kasi e’ kahit pag walis ay hindi ako pinapayagan.

 

Bumaba na ako at nakita ko na si Ningning, nakikipaglaro lang naman siya sa mga aso ni Giselle. 

 

“Bagay na bagay talaga sa’yo uniform ng I.S.M, Winter,” pambobola sa akin ni Ningning. 

 

Tuluyan na akong bumaba at agad na pumunta sa kinaroroonan niya, “Eme mo,” sabi ko na lamang.

 

Nagulat ako nang makita ko si Giselle na tapos na siya lahat. Nakaligo na ito, nakapag suot na rin ng uniform at nakapag suklay na rin. Kalahi siguro nito si The Flash, ang bilis kasi e’ kani-kanina para talaga siyang inaapi ng mundo, pero ngayon parang willing na mang-api.

 

...

 

Nakarating na kami sa paaralan namin. Grabe, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ako makapaniwala na dito na ako nag-aaral. Ito kasi ang isa sa pinakasikat na paaralan dito. Marami rin ang nais makapag-aral.

 

Sobrang lawak din ng paaralan na ito, tapos maraming pang buildings. Kung siguro hindi ko kasama sina Ningning at Giselle, nawala na siguro ako ngayon.

 

Sa sobrang lawak kasi, may chance talaga na mawawala ka. Wala pa naman akong kilala rito, maliban sa dalawang kasama ko ngayon.

 

“Anong building nga tayo at anong room?” biglaang tanong ni Giselle sa akin. Kita mo, para talaga itong walang ka-alam alam e’

 

“South building, room 024,” sagot ko rito, si Ningning kasi nasa phone niya nakatuon parang hinahanap niya pa kung saang building at room kami. 

 

Paano na lang kaya kung hindi ako lumipat dito, anong kaya ang mangyari sa mga ito? 

 

Agad na kaming pumunta sa building na sinabi ko at hinanap ang room 024. Nang makita na namin ang room namin ay isa-isa na kaming pumasok. Nabibilang palang ang naririto. Sa pagkakaalam ko ay nasa 40 plus kami, pero kung ako tatanungin nasa 15 pa lamang ang naririto.

 

Umupo kami sa pinakadulo ng room kung saan malapit sa aircon. Ako ang pinag-gitnaan ng dalawa. Nasa kanan ko si Ningning at nasa kaliwa ko naman si Giselle. Kailangan na namin itong sulitin dahil may sitting arrangements na mangyayari mamaya.

 

Tahimik lang ang dalawa kong kasama, dahil kaharap nila ang kanilang mga phone. Gustuhin ko mang mag phone ay hindi ko ito ginawa. Naiinis kasi ako kay Somi, message nang message kasi sa akin. 

 

Hindi talaga ako tinatantanan ng babaeng iyon, akala mo talaga nanay ko e’ kung makatanong kasi ako kung nasaan ako ay wagas tapos grabe nang babanta pa sa akin.

 

Kaibigan ko rin ‘yan si Somi, nakilala ko sa dating kong school pero iba siya e’ kaibigan niya ako tapos gusto niya pa. Kaya gusto ko na talaga siyang iwasan. I mean, hindi naman problema sa akin if gusto niya rin ako e’

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
I truly hope you enjoyed reading this story. Your support and appreciation mean the world to me. Thank you from the bottom of my heart!

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Miss them
Shinmeruuu_ #2
Chapter 1: ginawa palang tagalinis hahahahaha
Genniee #3
Chapter 20: yey!! I've finally read it completely. It was fun and very cute, tho I wish minjeong and ningning have their own spotlight where their relationship progresses.
minminread #4
Chapter 18: HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA
ruan_ieee #5
Chapter 22: NAPAKAGANDAAAAA <33 THANK YOU FOR THIS, OTOR!
minminread #6
Chapter 12: WHAT DO YOU WANT FROM ME
minminread #7
Chapter 11: wow sha na ang nagseselos
minminread #8
Chapter 5: crush m cguro si win
minminread #9
Chapter 4: nag selos pa ata 😭
syrenity
#10
Chapter 5: lakas ng toyo nitong si karina HAHAHA