Chapter 5

Yes, Miss President?
Please Subscribe to read the full chapter

"Nandyan ba si Miss President?" tanong ko sa isang dalaga na kakalabas lang ng room 035. Hindi ko ito kilala pero palagi ko itong nakikita sa garden. Doon yata 'yung tambayan niya e'

 

"Oo," maikling sagot nito sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya, pero tinalikuran niya lang ako.

 

Okay

 

Pumasok na ako at nakita ko si Miss President. One hundred times ko itong sasabihin na may ginagawa na naman siya. 

 

"Good morning, Miss President." nakangiti kong bati sa kanya.

 

"There is nothing good in the morning, especially when I see your face.” ay, wow? galit na naman.

 

Ewan ko ba sa babaeng ito. Simula noong sinamahan ko siya sa isang restaurant noon doon sa unfamiliar na place for me, after nun ay palagi na niya akong sinusungitan. Ang malala pa doon ay grabe na 'yung mga pinapalinisan niya. Kulang nalang talaga ay linisin ko ang buong canteen e' o di kaya 'yung gym dito.

 

What if mag apply na akong janitress dito? Sa pagkakaalam ko kasi may monthly na 15k dito e' ayos na siguro 'yun? CHAROT LANG.

 

"Ang ganda-ganda kaya ng mukha ko." ani ko, sabay upo sa sofa. 

 

Tinaasan niya ako ng kilay, "What are you doing here?" tanong nito sa akin na naka-crossed arms pa.

 

“Mag papalamig lang, ang init sa room namin.” pagsisinungaling ko. Kahit ang totoo niyan ay gusto ko lang talaga tumambay dito. Wala kasi 'yung dalawa e'

 

"Then turn on the aircon there, is that a problem?" may halong inis sa boses niya. 

 

Sabagay, tama naman siya. Bano lang ako mag-isip ng dahilan. Sa dinami-dami ng pwedeng dahilan, iyon pa talaga. 

 

“Tinatamad kasi ako.” pagrereason ko.

 

“Siguro hindi mo lang abot 'yung saksakan.” bulong niya pero narinig ko.

 

Hindi ko alam kung matatawa rin ba ako o maiinis? 

 

"Abot ko kaya. Gusto ko lang talaga tumambay dito." Sagot ko, at nilibot ang tingin. 

 

Malaki-laki talaga itong room na ito o should I say, office niya? or nila? Ewan ko. Siya lang kasi ang nadadatnan ko dito palagi. Sa room na ito kasi may two doors pa, maliban sa banyo. Hindi ko alam kung kaninong office ang mga iyon. At hindi pa ako nakapasok doon. Hanggang dito lang ako, tsaka sa banyo. 

 

"This is not a waiting shed, for goodness sake."

 

Gusto lang tumambay e. Arte naman nito. Pero kung makautos naman sa akin, wagas. Ayaw na ayaw pa niya akong patigilin hangga't hindi kumikinang. 

 

“Ano ba 'yang ginagawa mo? Tulungan kita, mamaya pa namang 2:10 last subject namin." prisinta ko sa kanya. 

 

Mag-aala una pa naman kasi. Dalawang subjects lang meron kami kanina sa umaga, tapos isa ngayong hapon.

 

"There is no need for you to help me with this. I can easily do this on my own." may halong pagmamayabang pang sabi nito sa akin. Edi sana pati sa paglilinis dito, di ba?

 

Tahimik lang ako dito sa loob. Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya. Hindi niya rin naman yata 'yon napansin dahil hindi talaga ito nagtangkang tignan ako. Patuloy lang siya sa kanyang ginagawa. 

 

"Ano pala name mo, Miss?" pambasag ko sa katahimikan. 

 

Honestly, hindi ko pa rin talaga alam name niya. Ayoko kasing magtanong kila Ningning o Giselle. Syempre, isyu na iyon sa kanila. 

 

Oo, ang pagtatanong ng kung ano sa kanila na related kay Miss President ay isyu na sa kanila. Kaya shut off nalang ako palagi kapag may gusto akong tanungin about kay Miss President.

 

Umangat ang tingin nito, at tinignan ako ng nagtatanong. Para itong nagsasaad ng, "Seriously?" 

 

"Gusto ko lang naman malaman." makatotohanan kong saad. Malay natin, kasing ganda niya rin ang pangalan niya. Sana huwag lang gumaya sa ugali niyang (pangit) minsan.

 

"You don't know?" she asked in disbelief. Kahit naman ako hindi maniniwala kapag 'yung kasama ko palagi ay hindi ako kilala. I mean, hindi alam ang pangalan.

 

"Oo?" patanong kong sagot. Hindi ko naman talaga alam, kaya nga nagtanong ako e.

 

"What a nice joke." mukha ba akong nakikipag biruan dito? 

 

"Hindi ako nakikipag biruan, Miss." seryoso kong sagot. Feeling niya siguro kilala na siya ng lahat. Pwes, hindi ako kasama sa lahat ng iyon.

 

"I'm not a fool to believe in you." usal nito. Amputek. 

 

"Seryoso nga kasi. Basta ang alam ko, last name mo lang. Yun lang. Kahit nga initial ng name mo, hindi ko alam e" pagpapaliwanag ko pa. 

 

"Ask someone." amp- kahit pangalan niya, pinapa-utos niya pa. Kainis naman ito. 

 

"Huhulaan ko nalang 'yung name mo, Miss. Tapos kapag nahulaan ko, hindi na ako maglilinis dito," nakangisi kong saad, "Kahit kailan." pahabol ko pa.

 

"No way. You know me, already. I swear." pagmamatigas niya pa.

 

"Hindi nga kasi, Miss. Kahit pa tanungin mo pa si God." 

 

Nag buntong hininga lang ito, "Okay, start guessing now." aniya na ikana-ngiti ko naman.

 

"Bigyan mo muna akong clue." sabi ko sa kanya. Mahirap kaya manghula ng names?

 

"No clue."

 

"Kahit syllables lang o di kaya initial." saad ko. 

 

"5 syllables." rinig kong sabi niya. 

 

Teka, limang syllables? Ang hirap naman, pero sige i-try ko.

 

"Hmm... Alexandria?" 

 

"No," aniya at agad na uminom ng tubig.

 

"Ang hirap naman." bulong ko, pero narinig niya.

 

"You are the one who initiates this." nagkibit balikat pa ito.

 

Ano ba kasi ang pangalan nito? Syllables lang ang binigay amp- 

 

Sabagay, ako rin naman ang nagsabi kahit syllables lang.

 

"Evangelina?" hula ko ulit pero umiling lang siya. "Serendipity?" umiling lang ulit. 

 

I give up.

 

"It's not. You're giving me a cringe names." sabi pa nito na tila ba nasusuklam pa.

 

"Eh? Yun ang pumapasok sa isip ko. Tsaka, hindi ko alam ang initial ng name mo, kaya expected na talaga." ang hirap kaya mag isip ng pangalan na may 5 syllables. Mostly kasi sa mga names diba may dalawa o tatlong syllables lang. 

 

"Miss, 'yung 5 syllables ba na sinasabi mo ay 1 word lang?" umiling siya. HA?

 

So, para na akong baliw kanina?

 

"2 WORDS?" parang nasigaw na ako sa tanong. Paano ba kasi, maypa-limang syllables pa siyang sinasabi e' two words pala name niya. Edi nagmumukha na akong tanga?

 

"Yeah, why? Do you have any problem?" sunod-sunod nitong tanong. Napa-facepalm na lamang ako. Kahit kailan talaga ang babaeng ito.

 

"Sana sinabi mo na two words pala," usal ko rito.

 

"Is it my fault?" Oo, kasalanan mo. 

 

"So, ilang syllables 'yung first name mo? Yun nalang ang huhulaan ko." pag-iiwas ko sa tanong niya. Hindi niya rin naman aaminin na may mali siya o should I say mali niya naman talaga. Kaya mas magandang iwasan nalang. 

 

"I already gave you a clue, isn't it enough?" aba?

 

"Huwag na nga lang, magtatanong nalang ako sa iba." pagsuko ko. Alam kong pinagtitripan niya na ako. Kita ko kasi dito yung ngisi niyang maloko. 

 

"Karin-" hindi natuloy ang sasabihin ng babae, dahil tila nagulat yata ito sa akin? 

 

Sa akin?

 

"Oh, may bisita ka pala." sabi nito at napakamot pa sa kanyang ulo. May dala-dala itong white folders. Ang ganda niya, ah. 

 

"What brings you here?" malamig na tanong ni Miss President, sa babaeng nasa tapat na nito. 

 

"Ito, pinapaabot po sayo ni Ms. Cabrera." sabi ng babae at agad na inabot kay Miss President ang dala nitong white folders. 

 

Ang ganda ng babaeng kaharap ni Miss President ngayon. Matangos ang ilong nito, at matangkad din. Gaya ni Miss President. 

 

"Thank you for these." rinig kong pasasalamat ni Miss President sa dalaga. Umalis na ang babae at naiwan na ulit kaming dalawa.

 

Buti pa doon sa babae, nagpapasalamat siya. Pero sa akin na naglinis umaga tsaka hapon, hindi man lang nakarinig ng ganoon. 

 

"So, Karina is your name?" tanong ko rito. Yun kasi yung narinig ko kanina sa babae e. Hindi na ako need magtanong sa kung sino.

 

As usual, tinaasan niya lang ako ng kilay. 

 

"Clean this room before you leave." sabi nito sa akin, at agad na bumalik sa pagka-upo.

 

Ano na naman ba ang problema niya?

 

Tumingin ako sa wristwatch ko at mag-aalas dos na pala. Malapit na mag start ang last subject namin. 

 

Hindi na ako nagreklamo sa utos niya, at agad na akong kumuha ng walis. Sinimulan ko na ang aking paglilinis at mabilis lang akong natapos. Hindi naman talaga marumi e, sadyang maarte lang talaga siya. 

 

Inayos ko na ang aking sarili, saka ulit tumingin sa kinaroroonan niya. "Wala bang thank you dyan?" tanong ko. Tinignan niya lang ako ng nagtatanong.

 

"Yung babae kanina, may inabot lang sayo nag thank you ka. Pero sa akin na naglilinis dito mismo sa office mo, hindi mo man lang pinasasalamatan." may halong pagtatampo sa boses ko. Ewan ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
I truly hope you enjoyed reading this story. Your support and appreciation mean the world to me. Thank you from the bottom of my heart!

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Miss them
Shinmeruuu_ #2
Chapter 1: ginawa palang tagalinis hahahahaha
Genniee #3
Chapter 20: yey!! I've finally read it completely. It was fun and very cute, tho I wish minjeong and ningning have their own spotlight where their relationship progresses.
minminread #4
Chapter 18: HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA
ruan_ieee #5
Chapter 22: NAPAKAGANDAAAAA <33 THANK YOU FOR THIS, OTOR!
minminread #6
Chapter 12: WHAT DO YOU WANT FROM ME
minminread #7
Chapter 11: wow sha na ang nagseselos
minminread #8
Chapter 5: crush m cguro si win
minminread #9
Chapter 4: nag selos pa ata 😭
syrenity
#10
Chapter 5: lakas ng toyo nitong si karina HAHAHA