Chapter 3

Yes, Miss President?
Please Subscribe to read the full chapter

Gaya ng sinabi ni Miss President kagabi ay inagahan ko ang pagpunta sa school. Hiindi ko rin alam kung bakit sinusunod ko siya, kahit sa totoo naman ay labag talaga sa aking kaloob-looban.

 

Nakapasok na ako ng campus at patungo na akong south building. Ilang minutong paglalakad ay may nakita akong babae. I guess she’s a Teacher. Base kasi sa nakikita kong suot niya ay gaya ito doon sa sinuot ni Miss Isacar kahapon. 

 

Pumunta ako kay Ma’am hindi ko kilala dahil tila ba ay nabibigatan na siya sa dala-dala niyang box. Hindi naman ito kalakihan, pero feeling ko mabigat.

 

Agad na akong tumungo sa kinaroroonan niya. Nang makarating ako ay timing din na nilagay niya ito sa bakanteng upuan na naririto.

 

“Ma’am, need niyo po ng help?” tanong ko kay Ma’am hindi ko kilala. Hindi ito nakasagot agad dahil hinihingal siya. 

 

Meron akong nakikitang mga students na naririto na, pero ni-isa sa kanila ay wala man lang nakakita sa gurong nahihirapan na sa pagbubuhat ng box.

 

Huminga ito nang malalim, “Wait,” huminga ulit at nagpatuloy na sa kanyang sasabihin, “Okay lang ba?” sunod-sunod akong tumango sa kanyang sinabi. Binigyan niya naman ako ng magandang ngiti. 

 

Ewan ko ba, sa tuwing may nakaka-usap ako rito sa campus puro sila maganda. Gaya nong tumulong sa akin kahapon, napaka ganda niya. Mas maganda sana kung alam ko pangalan niya e’ 

 

“Saan ko po ito dadalhin, Ma’am?” tanong ko sa gurong nagpupunas ng pawis sa kanyang mukha. Kahit gano’n ay maganda pa rin itong si Ma’am.

 

“room 035, Langga” ewan ko ba, narinig ko lang ang numero ng room na ‘yan ay naiinis na naman ako. 

 

Bahala na, doon din naman punta ko.

 

Agad kong kinuha ang box na nilagay ni Ma’am sa upuan. Tama nga ang hinala ko na mabigat talaga ito. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero, hindi ko magawa dahil nakakahiya. Ako pa ang nagsabi tapos tumango-tango pa ako na okay lang sa akin. Kaya nakakahiya talagang bawiin. 

 

Nang makarating na ako sa building ay agad na akong pumunta sa room 035. 

 

Nakarating ako rito nang bukas na ang pintuan. Kaya naman ay agad na akong pumasok dahil grabe, parang mabibitawan ko na talaga itong dala-dala kong box na hindi ko alam kung ano ang laman at bakit sobrang bigat.

 

Agad ko itong inilapag sa table na naririto, si Ma’am kasi ang may sabi na doon ko raw ilalagay. Kaya naman sinunod ko siya. Nilibot ko rin ang paningin ko at wala pa pala si Miss President.

 

Sabagay mag se-seven palang naman. Naisip ko lang na agahan talaga kasi feeling ko maglilinis na naman ako here, baka matagalan ako kaya ito mas inagahan ko para iwas late. 

 

“Thank you rito, Langga. I really appreciate your help.” nakangiting sabi ni Ma’am. Buti pa ito si Ma’am ang bait-bait.

 

Mas maganda talaga tumulong lalo na kapag marunong magpasalamat ang tinulungan mo. Hindi gaya ni Miss Pre—

 

Hindi ko natuloy dahil biglang dumating ang isang napakangandang dalaga. Naka-uniform na ito at suot-suot na niya rin ang kanyang I.D. 

 

“Good morning, Mrs. Cruz” nakangiting bati ni Miss President kay Ma’am kilala ko na. 

 

“Good morning, Miss. Nasa table mo na pala ‘yung ipapagawa ko sa’yo. Kukunin ko ‘yan after meeting. Need na rin kasi ng mga teachers.” paliwanag ni Ma’am at nginitian niya rin si Miss President.

 

Wait

 

Wait

 

Wait

 

Don’t tell me, ako ang uutusan ni Miss President? 

 

“Okay po, Mrs. Cruz. Makakaasa po kayo.” 

 

“Oh siya, mauna na ako. Thank you in advance Miss P.” wow Miss P. 

 

Miss Panay Utos I believe.

 

Hindi ko namalayan na nakaalis na pala si Ma’am Cruz. Bumaling ako kay Miss President at inirapan niya lang ako.

 

Lintek na Presidente ‘yan, kay aga-aga nagsisimula na naman siya.

 

“Maglilinis na ba ako, Miss President?” ako na mismo ang nagtanong sa kanya. 

 

“No, you won’t clean up this time. I want you to sort all this out,” sabi niya sabay turo sa laman ng box na buhat buhat ko kanina. Printed attendance sheets pala ang laman ng box tapos kay dami-dami kaya ang bigat. 

 

At bakit naman ako ang inutusan niya? Narinig kaya ng dalawa kong tainga na siya ang inutusan ni Mrs. Cruz. Tss. Sumbong ko siya e’

 

“Sabi ni Ma’am Cruz ikaw raw e’” sarkastikong sabi ko sa kanya. Ayan, tinaasan niya na naman ako ng kilay. Bwisit na babae ‘to.

 

“Oo na, oo na. Basta hindi na ako maglilinis dito ah?” sabi ko nalang. Hindi niya sinagot ang aking sinabi, kaya feeling ko ay maglilinis pa rin ako. 

 

Agad kong kinuha ang box na nakabukas na. Binuhat ko ito patungo sa sofa, para doon ko i-arrange ang mga ito. 

 

“There are sections designated for you to view placed on top of that. I want you to arrange them from section 1 to section 47.” teka, section 47? 

 

Mamamatay na ata ako, Lord. 

 

Tulong.

 

Hindi na ako nagreklamo pa dahil malapit na rin mag 7:45. Alam kong hindi ko ito matatapos within a few minutes pero okay lang, at least may nasimulan na ako. 

 

Na-arrange ko ng ang set ng section 1, 2 and 3. Nang biglang may inabot sa akin si Miss President. Isang chuckie na 110 ml at dalawang oreo biscuits.

 

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy lang ang aking ginagawa. Kaya naman ay ipinatong niya lang ito sa naka-arrange na attendance sheets dito malapit sa akin.

 

Nag-expect pa naman ako ng, ‘Kunin mo ito, at maaari ka ng umalis’ o ‘di kaya ay ‘Kunin mo ito, at ipagpatuloy mo nalang ‘yan mamaya.’

 

Huminga nalang ako nang malalim, dahil nasa anim na sections palang ang natapos ko.

 

“What time is your first subject now?” Miss President asked. Tumingin ako sa kanya pero tila ba ay busy pa rin ito sa kanyang ginagawa.

 

“7:45 po, Miss President,” sabi ko at agad na bumalik sa ginagawa.

 

Narinig ko pa itong nag ‘What?’ nang hindi kalakasan. 

 

“Leave that, and go to your class now” sabi nito sa akin. Tinignan ko ang wristwatch at 7:40 na pala. Kaya naman ay agad kong kinuha ang aking bag at tumayo.

 

“Paalam na po, Miss President. Thank you dahil kahit papano ay may magandang puso ka rin pala” sarkastikong sabi ko sa kanya. Akala ko kasi ipagbabahala niya lang e’ tapos i-excuse niya na naman ako. 

 

Nag ‘tsk’ lang naman ito sa akin at inikutan pa ako ng mata. Sarap talaga tanggalin ang mga mata niya, nang hindi na niya magawa ‘yang pag-ikot ikot na nakasanayan na niya yata.

 

...

 

Nakarating na ako sa room namin. Buti nalang talaga at wala pa si Mr. Suarez — ang Music teacher namin. 

 

Pumunta ako sa inuupuan nila Giselle at Ningning. Dito muna ako dahil si Mr. Suarez naman teacher namin ngayon, saka nalang ako lilipat sa unahan kapag kay Ma’am Isacar na.

 

“Akala ko ba maaga ka pumunta dito?” bungad na tanong ni Giselle sa akin. Totoo ‘yung sinabi niya, pero hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit maaga ako pumunta here sa school.

 

“As usual, may inutos na naman ang inyong Presidente” pagsabi ko at agad na umupo. 

 

“Presidente. Natin.” pang-cocorrection pa ni Ningning sa akin, na may diin.

 

“No, Presidente niyo lang ‘yon. Hindi naman ganun si Miss —” hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil dumating na si Mr. Suarez. May dala-dala pa itong gitara. 

 

”Good morning, class” bati ni Sir sa amin. Tumayo naman ang lahat at bumati rin sa kanya. Inilapag ni Sir ang kanyang gitara sa ibabaw ng kanyang table at nagsalita muli.

 

“As I told you yesterday, you have a quiz today. However, that doesn't mean that you are going to use your pen and paper,” ani Sir nang natatawa pa, “All you need to do is to sing here in front.” 

 

“Sir, individual?” tanong naman ng isang kaklase ko na nasa unahan. 

 

“It’s up to you, class. Pwede namang solo, duo, trio or Group,” sabi ni Sir at agad na nilabas ang gitara.

“Who wants to be our first performer? Come here in front”

 

“Tayong tatlo, ha” ani Giselle. Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Lumingon ako kay Ningning, kinuha niya kasi ang phone niya na para bang naghahanap i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
I truly hope you enjoyed reading this story. Your support and appreciation mean the world to me. Thank you from the bottom of my heart!

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Miss them
Shinmeruuu_ #2
Chapter 1: ginawa palang tagalinis hahahahaha
Genniee #3
Chapter 20: yey!! I've finally read it completely. It was fun and very cute, tho I wish minjeong and ningning have their own spotlight where their relationship progresses.
minminread #4
Chapter 18: HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA
ruan_ieee #5
Chapter 22: NAPAKAGANDAAAAA <33 THANK YOU FOR THIS, OTOR!
minminread #6
Chapter 12: WHAT DO YOU WANT FROM ME
minminread #7
Chapter 11: wow sha na ang nagseselos
minminread #8
Chapter 5: crush m cguro si win
minminread #9
Chapter 4: nag selos pa ata 😭
syrenity
#10
Chapter 5: lakas ng toyo nitong si karina HAHAHA