Chapter 4

Yes, Miss President?
Please Subscribe to read the full chapter

“Get 1 whole sheet of paper, now.” Bungad sa amin ni Ma’am Razon  — PE teacher namin this semester. 

 

Maaga ang klase namin this week. 6:20 a.m. mostly ‘yung first subject namin tapos every Wednesday lang yata ‘yung 10:00 a.m. which is Music.

 

Ewan ko ba sa mga minor subject na ito, nag fefeeling major sila. Dapat kasi isang oras lang time nila, pero umaabot sila ng dalawang oras. Nakakainis kaya ‘yon.

 

“In your 1 whole sheet of paper. I want you to write what your expectations are in my subject. 300 words. You may start now.” ani Ma’am Razon na ikinagulat ng lahat. 

 

Araw ng lunes ngayon at ito ang bubungad sa aming lahat. Ano ba ang expectations namin sa subject na ito? Para sa akin siguro ito ‘yung subject na sisira sa card ko. 

 

Nagsimula na sina Giselle at Ningning, kaya nagsimula na rin ako. Lahat ng nasa isip ko ay isinulat ko, bahala na si Ma’am dito.

 

Pero grabe rin si Ma’am, ah. Pwede namang nasa 2 to 3 sentences lang, bakit maypa-300 words pa siya.

 

Bahala na nga.

 

Isang oras at kalahating minuto rin akong nagsusulat dito sa pinapagawa ni Ma’am Razon. ‘Yung ibang kaklase ko naman ay naririnig ko pang nagrereklamo dahil wala naman daw silang expectations sa subject ni Ma’am at nagsasaad iyon na wala silang maisusulat. 

 

‘Yung iba naman ay paulit-ulit lang ‘yung sentences nila, bahala na raw basta 300 words na. Iba rin itong mga kaklase ko e’ halata talagang hate na hate nila ang PE na subject.

 

“Miss Safanzar, please collect all the papers.” nasa likuran ako nakaupo kaya naman ay agad akong tumayo para i-collect ang mga papel ng mga kaklase ko. 

 

Nang matapos kong i-collect ang mga ito ay ibinigay ko na rin ito kay Ma’am. Agad niya naman itong tinanggap at nagpasalamat sa akin. Nginitian ko lang si Ma’am at lumabas na rin ito ng classroom namin.

 

“Close mo si Ma’am?” tanong ni Giselle sa akin nang nakabalik na ako sa likuran. Umiling lang ako dahil hindi ko naman talaga close si Ma’am. Ngayon ko palang siya nakita talaga. Since, once a week lang naman itong PE subject namin. Tsaka, walang PE subject last week, kaya syempre expected na hindi pa kami close.

 

“Kilala ka niya, ah.” si Ningning ang nagsalita habang pilit na binubuksan ang water bottle nito. Kinuha ko ito at pinagbuksan siya. Nagpasalamat naman ito sa akin at uminom na rin ng tubig.

 

“Siguro nakita lang ni Ma’am surname ko, kaya ako ang tinawag niya.” ani ko sa dalawa, sabay upo. 

 

“Hindi ba kayo lalabas?” tanong ni Giselle sa amin. Free time na kasi namin ngayon, isang oras lang tapos after that, ibang subject na naman.

 

“Dito muna ako.” flat kong sagot dito. 

 

“Sure ka? Ikaw, Ningning?” baling naman ni Giselle kay Ningning.

 

“Saan ka ba pupunta?” tanong ni Ningning.

 

“Canteen, bibili me foods.” sagot naman ni Giselle. Tumayo na ang mga ito at paulit-ulit pa akong tinatanong kung sasama ba ako. Ilang sandali ay lumabas na rin sila.

 

Wala akong gana pumunta sa canteen ngayon. Hindi kasi ako nagugutom at tinatamad talaga akong lumabas.

 

Ako at iilang kaklase ko nalang ako naririto sa classroom namin. Second week ko palang dito, pero marami-rami na rin ang mga nakilala ko here. Sila kasi ‘yung kusang lumalapit sa akin at nagpapakilala pa. Nakakahiya naman if tititigan ko lang sila. 

 

“Louis,” rinig kong tawag sa akin ng isa kong kaklase. Ilang beses ko na siyang sinabihan na Winter nalang ‘yung itawag sa akin, pero ‘yan talaga ‘yung nitatawag niya. Kahit nga sa group chat namin, ay iyan talaga.

 

“Yes, Yuqi?” sagot ko rito. 

 

“Louis name mo, pero palagi kang highest sa quizzes” ha? Ah, okayyyy

 

“Wala, sabi ko ang ganda mo.” aniya na natatawa pa. ”Hindi ka ba lalabas?” tanong ulit nito. Akala ko sa group chat lang siya maingay, doble pala if sa personal. 

 

“Hindi, busog pa kasi ako.” pag rarason ko sa kanya. 

 

“Ay, sayang. Lilibre sana kita.” as if nakukuha ako sa mga ganyan.

 

“Thanks, but no thanks.” nakangiti kong saad. Hindi na rin ito nagsalita muli at lumabas na rin ito ng classroom namin.

 

Nasa phone lang ang atensyon ko ngayon. Tamang scroll lang sa Facebook habang nakikinig ng music. Naka-do not disturb ako ngayon dahil feeling ko ay mag memessage na naman sa akin si Miss President. Kagabi pa ‘yon message nang message sa akin. Kaya ito ako ngayon, naisipan kong mag do not disturb, para may irarason ako sa kanya. 

 

Ilang sandali ay may nakita akong nakatayo sa aking harapan. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. At nakita ko si Miss President, na naka crossed arms pa ito at masama ang tingin sa akin. Agad kong tinanggal ang earphones ko, at inayos ang aking pag-upo. 

 

“Bakit po?” tanong ko sa babaeng nakatayo pa rin sa harapan ko. Ako nalang pala ‘yung nandito sa classroom namin, hindi ko man lang napansin na nagsialisan na pala ‘yung ibang kaklase ko.

 

“Did you receive my message?” naiinis na tanong niya sa akin. 

 

“What message po, Miss President?” hindi ko naman talaga alam kasi naka-do not disturb ako. haha.

 

Huminga ito ng malalim, tsaka nagsalita. “Follow me.” sabi nito at agad din akong tinalikuran. Tumingin muna ako sa aking wrist watch at may 40 mintues pa pala kami sa aming free time.

 

Tumayo na ako at agad na sumunod kay Miss President. Hindi pa naman ito kalayuan kaya naman ngayon ay nakasunod na ako sa kanya. 

 

Saan pa ba kami pupunta? Edi sa room 035 na naman. 

 

Ang pangit ng office niya kamo.

 

Pumasok na kami at bumungad sa akin ang sandamak-mak na mga papeles na nasa table niya. Meron ding nagkakalat sa round table na naririto. ‘Yung mga books din na nasa bookshelf ay hindi nakaayos ang pagkalagay. Napapansin ko mula rito ‘yung ibang books na paliktad pa ‘yung pagkakalagay.

 

Another work, I guess?

 

“Help me to clean all of these.” malamig na sabi sa akin ni Miss President. 

 

Hindi na ako nagreklamo pa, at agad na rin akong kumilos. Inayos ko muna ang  pagkalagay ng mga books na nasa bookshelf. After that ay inayos ko na rin ‘yung mga papeles na nasa round table at agad ko iyon ipinasok sa mga boxes na naririto. 

 

Si Miss President naman ay siya ‘yung nag-ayos sa mga nagkakalat na mga papeles na nasa ibabaw ng table niya. Kumuha na rin ako ng walis para linisan ang mga bahagi ng room na ito na may mga kalat talaga. 

 

Natapos na rin kami sa aming ginagawa. Kung kanina ay sobrang kalat ng office niyang ito, ngayon naman ay sobrang linis na. 

 

10 minutes left saka magsisimula ‘yung next subject namin. 

 

“Miss President, mauna na po ako. May class pa po kasi kami.” seryoso kong saad sa kanya. Tumango lang siya at hindi nagsalita. Hindi naman iyon bago sa akin. Kaya naman ay lumabas na ako at bumalik na sa aming classroom.

 

Minsan talaga ay naiinis ako, pero hindi ko nagagawang mainis sa kanya. Nakakaloka lang ‘di ba.. Gustong-gusto ko talaga marinig mula sa kanyang bibig ‘yung salitang thank you, o salamat sa tagalog. Pero ewan ko ba sa babaeng ‘yon.

 

Bahala na nga.

 

Titignan ko nalang ‘yung messages ko mamaya if meron ba siyang minessage na ‘thank you’ ayos na rin ‘yon kahit papano.

 

Nakarating na ako sa aming classroom at agad akong pumasok. Kung kanina ay iniwan ko itong walang tao, ngayon naman ay marami-rami na. Nandito na rin sina Ningning at Giselle, tila ba hindi pa sila tapos sa kanilang biniling pagkain.

 

“Saan ka galing?” bungad ni Giselle sa akin nang makarating na ako sa likuran kung saan kami nakaupo.

 

“room 035,” flat kong saad at umupo na rin.

 

Busy si Ningning kumain kaya naman ay hindi ito nagsasalita. ‘Yung ibang kaklase ko naman ay busy rin pero sa paglalaro. Medyo maingay na rin ang classroom namin dahil nagsisigawan na ‘yung mga kaklase kong naglalaro ng ML yata. Sigaw kasi sila nang sigaw tapos ‘yung iba naman ay mura nang mura. 

 

Ilang minuto ang nakalipas ay bumukas ang main door ng aming silid-aralan. Iniluwa ang isang magandang dalaga — si Miss President. 

 

Anong ginagawa niya rito? 

 

Miss niya na agad ako? Gagi.

 

“Good morning,” cold na bati nito sa amin. 

 

“Hi Miss President.”

 

“Morning, President.”

 

“Good morning, Miss President.”

 

“Morning po, Miss President.”

 

‘Yan lang naman ang naririnig ko mula sa aking mga kaklase.  Pati nga sina Ningning at Giselle ay bumati rin sa dalagang dumat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
I truly hope you enjoyed reading this story. Your support and appreciation mean the world to me. Thank you from the bottom of my heart!

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Miss them
Shinmeruuu_ #2
Chapter 1: ginawa palang tagalinis hahahahaha
Genniee #3
Chapter 20: yey!! I've finally read it completely. It was fun and very cute, tho I wish minjeong and ningning have their own spotlight where their relationship progresses.
minminread #4
Chapter 18: HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA
ruan_ieee #5
Chapter 22: NAPAKAGANDAAAAA <33 THANK YOU FOR THIS, OTOR!
minminread #6
Chapter 12: WHAT DO YOU WANT FROM ME
minminread #7
Chapter 11: wow sha na ang nagseselos
minminread #8
Chapter 5: crush m cguro si win
minminread #9
Chapter 4: nag selos pa ata 😭
syrenity
#10
Chapter 5: lakas ng toyo nitong si karina HAHAHA