Chapter 7

Yes, Miss President?
Please Subscribe to read the full chapter

“Why are you walking so slowly?” naiinis na tanong sa akin ni Miss President. Nasa parking lot na kasi kami ngayon. 

 

Honestly, ayoko naman talaga magpahatid sa kanya, pero nambabanta kasi siya. Ika niya sa akin kanina e buong Campus daw lilinisin ko kapag hindi ko siya sinunod. Nakakainis kaya ‘yun, kaya ito ako ngayon napapasunod sa kanya. 

 

Pumasok na ako sa passenger seat, at pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan. Nag seatbelt na ito, kaya nag seatbelt na rin ako. Tinanong niya pa ako kung saan bahay namin, pero hindi ko siya pinansin at nasa labas lang ng sasakyan ang atensyon ko.

 

“Do you hear me?” short tempered talaga ang babaeng ito, hindi bagay sa kanya ang maging guro. 

 

“Ha? May tanong ka?” pa-as if ko sa kanya. Inikutan niya lang ako ng mata, at nagsimula na itong magmaneho.

 

Sobrang tahimik ng byahi, at ni-isa sa amin ay hindi nagsasalita. Nasa daanan ang atensyon niya, samantalang ako naman ay nasa labas lang. Binibilang ko kung ilang sasakyan ang makikita ko. As of now, nasa bente na lahat nakita ko. 

 

Sa napapansin ko ngayon, parang hindi ito ‘yung way papunta sa bahay nila Giselle kaya agad ko siyang nilingon at tinanong.

 

“Saan tayo pupunta?” confused kong tanong. Nakakapanibago kasi ‘yung place.

 

“Sa house namin.” direkta niyang sagot sa tanong ko. Natulala ako for seconds sa aking narinig.

 

“Ha? Anong sa house niyo?” naguguluhan kong tanong, “Anong gagawin ko roon?” dugtong ko pa sa aking sinabi.

 

“Stop. Talking.” may diin ang bawat pagbigkas niya. 

 

“Pero, ano ba ang gagawin ko sa bahay niyo?” binalewala ko ang sinabi niyang stop talking.

 

“Ki-kidnap—” hindi ko natuloy ang sasabihin dahil bigla niyang itinigil ang sasakyan. Buti nalang talaga at naka-seatbelt ako. Bwisit na Presidenti to, bigla-bigla nalang tumitigil.

 

“What the hell are you talking about?” sabi niya sa maarteng accent. “For God’s sake, I’m not going to kidnap you.”

 

“Eh ba’t mo ‘ko dinadala sa bahay niyo?” she closed her eyes, at muling tumingin sa akin.

 

“I asked you earlier where your house is located, but you just ignored me.” she said habang pilit na pinapakalma ang sarili.

 

“Ayaw ko pa kasing umuwi sa amin. Sabi ko naman sa’yo di ba na meron akong date.” sagot ko rito. Gusto ko lang naman talagang mag me time ngayon. 

 

Ganito rin naman ako sa mga kaibigan ko, sinasabi kong I have a date pero me time lang pala. Wala lang, pang uto ko lang sa mga kaibigan kong uto-uto.

 

“Who asked?” aniya at nagsimula na ulit itong magmaneho.

 

“Share ko lang naman, Miss President.” sagot ko.

 

Sinabi ko na lang sa kanya ang location kung saan ang bahay nila Giselle, kaya doon na siya nagtungo agad. Ilang sandali ay nakarating na rin kami sa bahay nila Gi.

 

Maaga pa naman kaya itutuloy ko ‘yung me time keme na sinasabi ko pero saka na lang siguro kapag tuluyan ng umalis si Miss President, nakakainis kasi siya. Parang ayaw niya talaga makipag-date ako sa sarili ko. 

 

“Thank you sa paghatid,” buong puso kong pasasalamat kay Miss President.

 

“Do you live here?” she asked.

 

“Bakit?” pabalik kong tanong sa kanya. 

 

“Just answer my question.” tumango nalang ako, para kasing nauubusan na siyang ng bait. 

 

“Nakikitira lang ako rito, why?” tinignan ko siya. Sapat na siguro ‘yan, hindi ko naman siya close friend para malaman niya ang buong detalye.

 

“Nothing,” maikling sagot niya, “You can go now.” she added.

 

Napangiti naman ako sa aking narinig. 

 

Finally!

 

Lumabas na ako ng sasakyan niya. 

 

Nahihiya akong sabihin ang salitang ito, pero bahala na. 

 

“Mag ingat ka.” sincere kong saad sa kanya. She just nodded sa sinabi ko. 

 

I closed the door at nagsimula na nga siyang umalis. Hindi muna ako umalis sa kinaroroonan ko, at pinagmasdan muna ang sasakyan niya na papalabas ng subdivision.

 

Hindi ko na matanaw ang sasakyan niya, kaya naman ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita ko pa ang mga maids nila Giselle kaya isa-isa ko silang binati. 

 

After I greeted them ay nagpaalam na rin ako sa kanila, gusto kong kumain nalang muna tsaka mamayang gabi na siguro ‘yung me time na sinasabi ko. Wala pa kasi ‘yung sasakyan ni Giselle, ‘yun na lang muna ang hihiramin ko. 

 

Nakapasok na ako nang tuluyan sa bahay. Walang tao ang naririto since nasa labas lahat ng maids. Sa pagkakaalam ko rin ay mamaya pang 9 P.M. pa out nila Tita at Tito. Habang si Giselle, hindi ko alam kung saang lupalop na ‘yun ng mundo napadpad. Nag expect ako na nakauwi na iyon.

 

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis muna. I got dressed quickly after feeling famished, and went to the kitchen. Wala pa rin ang mga maids kaya hindi ko na sila tinawag pa. Mamaya na siguro kapag tapos na akong magluto, yayain ko silang kumain.

 

Simpleng pagkain lang ‘yung niluto, sakto lang to satisfy me and whoever eats with me. Ilang sandali ay natapos na ako sa niluto kong sisig tsaka adobong manok. Buti nalang talaga at kumpleto ang mga ingredients dito, kaya hindi na ako nahirapan pa.

 

I ventured out for a while and saw Giselle’s maids, parang nag kwe-kwentuhan sila habang naglilinis sa labas. 

 

“Oh, Winter, naparito ka?” tanong sa akin ni Manang Gloria.

 

“Yayain ko po sana kayong kumain?” patanong kong pagyaya. 

 

“Sure ba ‘yan?” si Manang Daisy, but Manang Judy immediately slapped her on the arm, causing her to yelp in surprise.

 

Actually, lima ang maids nila Giselle. Sa pagkakaalam ko ay itong si Manang Daisy is a new maid has just started working here, while the others have been here for a long time na. Makikita ko rin na palabiro talaga itong si Manang Daisy. 

 

“Nako, Winter huwag na. Kami’y nakakain na. Nagugutom kana ba? Kasi ipagluluto ka namin ng makakakain mo.” ani Manang Judy.

 

“Done na po akong magluto.” nahihiya kong saad. Nagkatinginan naman sila sa isa’t-isa, at tumingin ulit sa akin.

 

“Aba’y bakit hindi mo naman sinabi sa amin. Eh, gawain namin ang paglutuan ka.” si Manang Gloria na ang nagsalita.

 

“Kaya ko naman po.” sagot ko. 

 

Ayaw na ayaw talaga nila na nagluluto ako, lalo na rin si Tita eh. Dapat daw tawagin ko ‘yung mga maids. Pero kaya ko naman eh, kaya hindi na kailangan. 

 

Ngayon lang din naman ito since wala naman si Tita, pero kapag nandito si Tita hindi talaga ito nangyayari. I can suggest naman kung ano ang kakainin ko, o gusto kong ipaluto pero bawal akong magluto. 

 

“Kumain na ikaw roon, Winter. Baka ika’y gutom na gutom na riyan.” si Manang Judy ang nagsalita. 

 

Tinanong ko ulit sila kung gusto ba nilang kumain, pero ayaw talaga nila. Kahit si Manang Daisy ay hindi na rin siya nagsalita. 

 

“Sure po ba kayo?” paninigurado ko pa ulit sa kanila. Ang hirap nilang kumbinsihin.

 

“Yes, Winter. Kumain na ikaw.” si Manang Daisy. 

 

A few minutes after persuading the maids, Giselle’s car suddenly arrived.

 

Saan kaya siya galing?

 

Pinagmasdan ko ito, nakita ko naman si Giselle na lumabas ng sasakyan niya. Pumasok na agad ito sa loob at para pa siyang nagulat dahil yata mas nauna akong nakauwi, compared sa kanya.

 

“Kanina ka pa?” tanong nito sa akin at agad ding binati ang mga maids nila.

 

“Oo, gusto mo bang kumain?” tanong ko sa kanya. Gutom na talaga ako.

 

“Ang random mo naman,” sabi nito at natatawa pa. Nagpaalam na ulit ako sa mga maids at kasama kong pumasok si Giselle sa loob. 

 

Nagtungo ako sa dining area. Gusto ko na talagang kumain. Tinanong ako ni Giselle kung sino ang nagluto, sinagot ko naman ang tanong niya pero hindi siya naniniwala. 

 

Kita niyo, magtatanong tapos hindi maniniwala. 

 

“Seryoso ikaw nagluto nito?” hindi makapaniwalang tanong ni Giselle sa akin. Umupo na ako, ganun din siya.

 

“Oo nga,” sagot ko sa kanya. Ayaw talaga maniwala eh. 

 

Nagsimula na akong kumain dahil tumutunog na talaga itong tiyan ko. Buti nalang talaga at ganitong oras ako ginutom, kasi kung kanina ito nangyari, ‘yung time na kasama ko si Miss President siguro she’s secretly laughing at me na.

 

“Ang sarap,” komento ni Giselle sa aking niluto. 

 

Syempre ako nagluto, kaya masarap talaga.

 

Charot.

 

“Ako lang ‘to,” sarkastikong saad ko sa kanya.

 

“Kapal,” aniya kaya natawa ako. Patuloy lang kami sa aming kinakain. 

 

Hindi nagtagal ay natapos na rin akong kumain, si Giselle naman ay marami-rami pang kanin ang nasa plate niya. Tumayo muna ako para kumuha ko ng juice na nasa refrigerator. Kinuhanan ko rin si Giselle at agad kong binigay sa kanya.

 

“Saan pala sasakyan mo? Hindi ko nakita sa labas.” napatigil ako sa aking pag-inom dahil sa narinig kong tanong ni Giselle sa akin.

 

Paano ko sasabihin sa kanya na iniwan ko school without telling na iniwan ko nga sa school?

 

“Gusto mo pa bang kumain?” hindi ko alam, pero ‘yan talaga lumabas sa bibig ko.

 

“Last na ito, busog na rin kasi ako.” sabi niya, at nagpatuloy sa kanyang pagkain.

 

“Saan nga ba sasakyan mo? Akala ko wala ka pa kasi hindi ko nakita sasakyan mo sa labas.” narinig kong sabi ni Giselle. 

 

“Wala ba sa labas?” tumango-tango naman siya.

 

“Iniwan ko eh.” sagot ko at napatingin naman siya agad sa akin.

 

“Saan naman?” curious niyang tanong sa akin.

 

“Secret, no clue.” pang gago ko sa kanya. Hindi nagtagal ay natapos na siyang kumain.

 

Parang ayoko na lang ituloy ‘yung me time keme ko na sinasabi ko kanina. Nahihiya na rin akong manghiram kay Giselle ng sasakyan, kaya huwag na lang siguro.

 

Kapag talaga hindi ako sinundo ni Miss President bukas, malalagot talaga siya sa akin. Siya pa naman may pakana kung bakit iniwan ko ang aking sasakyan sa school. 

 

...

 

I was conflicted about whether to go with Giselle or wait for Miss President. Ilang oras na lang din kasi at mag a-alas syete na. Wala naman kaming first subject ngayon, kaya sobrang tuwa ko. Ang aga kasi ng first subject namin, 6 a.m. nag s-start.

 

Mamaya pa naman talaga ako aalis, but Miss President messaged me na maaga niya raw akong susunduin. 

 

So, wala akong choice kung hindi ay maagang gumising. Siya naman palaging nasusunod eh.

 

“Sure ka, Win? Hindi ka talaga sasabay sa akin?” narinig kong tanong ulit ni Giselle sa akin.

 

“Oo,” maikling kong sagot sa kanya. 

 

“Mauna na ako, ha? May pupuntahan pa kasi ako.” aniya sabay wink sa akin. 

 

Parang timang talaga.

 

After a while, I received a message from an unregistered number. The message said that the person who sent it would soon arrive.

 

Ang tagal niya naman.

 

Ilang minuto ang paghihintay ay may nakita akong isang pamilyar na sasakyan, papalit dito sa kinatatayuan ko. Hindi naman ako nagkamali, at nakita ko si Miss President lumabas ng sasakyan nang makarating siya rito.

 

“Matagal ba ako?” hindi ako sanay na marinig siyang nag tatagalog, ang cute niya pakinggan.

 

“Oo,” sarkastikong sagot ko sa kanya. 

 

“Let’s go.” aniya at nauna na itong pumasok sa loob. 

 

I got in, and as I was fastening my seatbelt, I was stopped in the process. I slowly turned to where she was, but she averted looking at me. 

 

“Bakit?” ako na ang nagtanong, parang ang weird niya ngayon. 

 

“Nothing,” aniya, “Anong oras mag s-start class niyo now?” she asked.

 

“Mamayang 9 pa, wala kaming first subject ngayon.” sagot ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
I truly hope you enjoyed reading this story. Your support and appreciation mean the world to me. Thank you from the bottom of my heart!

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Miss them
Shinmeruuu_ #2
Chapter 1: ginawa palang tagalinis hahahahaha
Genniee #3
Chapter 20: yey!! I've finally read it completely. It was fun and very cute, tho I wish minjeong and ningning have their own spotlight where their relationship progresses.
minminread #4
Chapter 18: HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA
ruan_ieee #5
Chapter 22: NAPAKAGANDAAAAA <33 THANK YOU FOR THIS, OTOR!
minminread #6
Chapter 12: WHAT DO YOU WANT FROM ME
minminread #7
Chapter 11: wow sha na ang nagseselos
minminread #8
Chapter 5: crush m cguro si win
minminread #9
Chapter 4: nag selos pa ata 😭
syrenity
#10
Chapter 5: lakas ng toyo nitong si karina HAHAHA