Still The One Pt 1

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Senior year in college.



 

Winter

 

Dumaan na ang pasko, bagong taon, at balentayms.

 

Dumaan na ang 2nd year at 3rd year namin in college. Dumaan na yung nagtitinda ng taho, ng palitaw, pichi pichi, hopia, mani at popcorn. Dumaan na si Nestle ice cream man, pati na rin si kuyang nagtitinda ng taho at yakult, dumaan na ang ilang birthday, monthsary, at anniversary namin ni Karina pero…

 

Pero hindi pa rin dumadaan si kuya na nagtitinda ng plastic na bangko.

 

Naging suki kaming dalawa ni Karina nun si kuya dahil natuwa kami sa kung ano anong anek anek na binebenta niya. May shower gel, may panglinis ng toilet, may bangko, may nail cutter, may walis, may walis tingting, may battery, may charger, may phone case, etc. etc. Nakakatuwa kasi lagi ito dumadaan sa tapat ng dorm at lagi naming sinisilip ni Karina ang mga paninda niyang all out. Nangako rin kami na sa kanya na bibili pag may kailangan para makadagdag na rin ng benta sa business niya.

 

Pero kanina pa ako nandito sa bintana at inaabangan si kuya all-out, pero wala pa rin.

 

Nasira kasi yung ginagamit kong maliit na bangko pag naglalaba. Hindi ako mapakali pag wala akong ganun. Kailangan ko nun sa buhay. Nagpapa-laundry naman kami ng damit namin madalas pero minsan mas pinipili kong mag-gusot at maglaba in traditional way pag wala akong magawa.

 

O diba? Nagsimula akong tumira sa dorm ng walang kaalam alam kung paano maglaba pero ngayon ginawa ko ng passion! Iba na talaga ang married life! Char!

 

Naalala ko din kung anong nangyari nung time na nasira yung bangko ko yun.

 

Peaceful akong naglalaba nung isang araw nung nadatnan ako ni Karina.

 

“Babe, naglalaba ka na?”

 

“Oo.” Sabi ko, gusot dito, gusot don. Humming, humming. De color, on the red corner. All white, on the blue corner. Nakakarelax kaya maglaba.

 

“Pasabay na rin nito, please. Kailangan ko lang tomorrow.” Rinig kong sabi ni Karina.

 

“Sure bab-” Natigilan ako at napanganga nung pagkaangat ko ng ulo at pagtingin sa kanya, bigla na lang niya hinubad yung damit niya at inabot sa labahan ko. With matching kagat labi at kindat pa on my direction.

 

Hindi lang ako ang bumigay nun.

 

Pati na rin ang color pink kong mini bangko.

 

Bigla na lang bumigay yung dalawang legs nung not-so-trusty anymore na upuan ko kaya naman plakda ang pwet ko sa cold, hard, tiled, floor.

 

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa living room.

 

Another breaking news!

 

Hindi na pala kami nagsstay ni Karina sa nirerentahan namin na dorm kay Ate Luwalhati.

 

Kasi lumipat kami sa mas maliit na dorm.

 

One bedroom na lang!

 

Ang bagong pangalan ng landlady namin ay si Ate Luzviminda. Hindi ko rin alam ba’t ang hahaba ng pangalan nila.

 

Don’t worry, kasama namin si Tita Esme nung naghahanap kami ng malilipatan. Sabi namin sayang yung binabayad sa medyo may kalakihan na dorm namin dati kaya mas better siguro na kumuha kami ng mas maliit at mas mura.

 

We also suggested to pay half the price hanggang sa kaya na naming bayaran ng buo. Hindi naman pumayag si Tita Esme. Be good and responsible kids na lang daw until graduation... and don’t fight and just love each other.

 

Ang bait ng mother-in-law ko!

 

Alam na rin ni Tita Esme na lagi na kami magkatabi matulog ni Karina kaya siya na ang nagsuggest na isang bedroom na lang ang kunin namin na dorm.

 

In one condition, dalawa daw ang bed.

 

Alam niya din na pagdidikitin lang namin yung dalawang kama pero she still insisted na dalawang double bed ang kunin namin sa isang room. Sabi niya in a relationship daw, it’s important to still have space sometimes kahit one meter apart lang in our case… kakailanganin daw namin yun for processing our thoughts and emotions individually.

 

Wise words from Tita Esme! Naiiyak ako.

 

Anyway, naiiyak pa rin ako kasi wala pa rin si kuya all-out na naglalako ng bangko.

 

Biglang pumasok si Karina sa kwarto namin, kakauwi pa lang galing sa Saturday class niya.

 

“Wala pa rin?” Nilapag niya yung bag sa study desk niya at nagsimulang tanggalin ang butones ng kanyang damit habang papalapit sa akin.

 

Distracted akong napatingin dun sa mga butones bago ibinalik ang tingin sa bintana. “Wala pa eh.”

 

Naramdaman ko ang labi ni Karina na lumapat sa cheeks ko nung nakalapit na siya sakin. Pinisil ko naman ang kamay niya nung nahawakan ko iyun.

 

“Sigurado ka bang dumadaan si kuya pag Saturday?” Pasalampak na naupo sa kama namin si Karina at pinagpatuloy ang pag-alis ng butones sa blouse niya. Hinubad na niya yun completely hanggang sa naiwan na lang ay yung white niya na tank top. Hindi na yata ako masasanay sa pagiging hubadera ng girlfriend ko dito sa dorm. It’s always a sight to behold.

 

 

After nun, tinukod niya yung dalawang kamay niya sa kama at pinagmasdan ako na pabalik balik ang tingin sa bintana.

 

Bigla akong nag-overthink. May point. Baka nga day off ni kuya at hindi talaga siya dadaan sa tapat ng dorm ngayon.

 

“Come here.” Sabi ni Karina sa akin - arms wide open, motioning for me to come closer.

 

Tumayo naman ako sa pinaglalagyan ko at padambang sinalubong ang nag-aabang na yakap ng girlfriend ko. Napaupo naman ako sa lap niya at automatic na pinaikot ko yung kamay ko sa leeg nya.

 

Mahigpit niya akong niyakap at bumulong sa tenga ko. “I’ve missed you.”

 

“Mhm. I know…” Mayabang kong sagot while burying my face on the crook of her neck and inhaling her sweet scent.

 

Karina chuckled deeply. “May gift ako sa’yo.” Mainit na bulong pa niya sa tenga ko.

 

Napalayo ako sa katawan niya at tiningnan kung nagbibiro ba siya o ano. Duda ako sa mga sinasabi niyang gift gift.

 

Last time na sinabi niyang may gift siya sa akin, she pushed me hard and kissed me senseless.

 

“Anong klaseng gift yan?” Pagtaas ko ng kilay sa kanya.

 

Pilyang tinaas taas din ni Karina yung dalawang kilay sa akin. “Yung gift na… hindi sasakit ang pwet mo.”

 

Nag-buffer ako nung una pero nagets ko din yung sinabi niya. Napanganga at napatakip ako ng bibig. “Baby!!!” Excited na sigaw ko. “Bangko ko?!”

 

Natawa na si Karina at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi. “Nasa sala. Nakita ko si kuya nung pauwi ako.”

 

I gasped. “Yung color light blue na may design na sunflower?!” Excited ko pang dagdag.

 

“Yung color light blue na may design na sunflower.” Proud na pag-confirm ni Karina na nabili niya yung gusto ko.

 

I squealed at dinala ko yung dalawang kamay ko para hawakan ang pisngi ni Karina. “Alam mo…?”

 

“Ano?” Nakapout at pacute na sabi niya sa akin.

 

Dinala ko ang labi ko sa tenga niya at pababa at dahan dahan na hinalikan ang paligid nun bago ako mainit na bumulong. “Ikaw ang pinaka favorite kong girlfriend sa buong mundo…”

 

Tinulak ako ni Karina palayo sa katawan niya at nag-cross arms, nakataas din ang isang kilay. “Pinaka-favorite na girlfriend?”

 

Pang-asar na nilapit ko ulit ang mukha ko sa kanya. “Yup. Ikaw ang pinaka the best na naging girlfriend ko in the whole… sige na nga, in the whole universe na.”

 

“Ah ganun..” May pa-warning ang boses niya.

 

Napasigaw ako nung biglang inatake ni Karina ng kiliti ang ribs ko. “Ano ulit yung sabi mo? Pinaka favorite? Pinaka the best na girlfriend, huh? At bakit, may iba pa ba, huh?”

 

Mangiyak ngiyak na ko sa kakatawa at nagsimulang mahulog na sa sahig habang pilit na hinuhuli yung kamay ni Karina. “Oo na, babe! Ikaw lang! Ikaw lang ang naging girlfriend ko!”

 

“Parang kulang…” Naka-poise pa rin ng pag-kiliti sa akin ang torturous fingers niya.

 

“At ikaw lang din ang magiging girlfriend ko!” Dagdag ko pa.

 

Naawa rin si Karina sa akin at tinigilan na ang pangingiliti. Ngumisi pa siya ng nakakaloko. She fisted my shirt and pulled me up on the bed on top of her. “Yun naman pala eh. Now, give me my kiss.”










 

Tonight, ako ang big spoon. Salit salitan lang kami ni Karina every night.

 

Pati pwesto ng pagtulog may schedule noh?

 

Nakayakap na ang kamay ko sa bewang ni Karina habang siya naman ay nakatalikod sa akin. Parehas pa kaming gising at nagpapaantok na lang. Nakabukas na ang dim light ng kwarto.

 

“Sest, di ka pa antok?” Bulong ko malapit sa tenga niya.

 

“Di pa.. ba’t gising ka pa?” Tanong niya sa akin pabalik.

 

“Pag nakatulog ka na, aantukin na rin ako.” Komportable kong siniksik ang ulo ko sa may leeg ni Karina at hinapit ang bewang niya nang mas mahigpit. Naramdaman ko naman ang kamay niya na marahan na humahaplos sa nakadantay kong kamay.

 

Malamlam na ang mata ko at ramdam ko na ang pagsundo sa akin sa dreamland nang biglang magsalita ulit si Karina kaya bigla akong napadilat.

 

“Babe, do you think magagamit natin yun?” Rinig kong tanong niya.

 

Naalimpungatan akong napatingin kung san ang tinutukoy niyang magagamit daw ba namin.

 

Ah…

 

Naghikab ako.

 

Yung isang kama dito sa kwarto.

 

Yung pinilit ni Tita Esme na kunin din namin in case may time na kailanganin daw namin mag-process ng kung anong emotions namin na kailangan i-process individually. Maghalos three years na kami dito sa dorm na nilipatan namin at never pa kami naghiwalay matulog gamit ang isang kama na yun. Naging tambakan na lang ng mga bag.

 

“Hmm.. gusto mo dun tayo matulog minsan…” Wala sa wisyo kong sabi dahil inaantok na ako.

 

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Karina. Naramdaman ko ring kinuha niya para hawakan ng mahigpit ang kamay ko at dinala sa bandang tummy niya. “I mean, yung sinasabi ni mommy…”

 

“Ayokong gamitin yan...” Sabi ko na nakapikit na… sleep is coming in 3, 2..

 

“Bakit naman?” Naaninag ko na binaling ni Karina ang katawan niya para humarap sa akin.

 

“May mumu na na natutulog diyan…” Pagkasabi ko nun, nilamon na ako ng kadiliman at tuluyan ng nakatulog.

 

“Sest naman eh!!”

 

May malakas na humampas sa balikat ko. Pero hindi na ko umangal para magreklamo dahil mas nangibabaw ang powers ng antok.








 

Exciting naman! Exciting!


 

Marahas ang pagbalikwas ko sa kama nung nagising ako ng alarm.

 

Pambihira. Di ko pa pala napapalitan yung alarm na sinet ni Ning sa phone ko. Pero effective naman.

 

Una kong napansin bago ko patayin ang alarm ko, wala na si Karina sa tabi ko.


Pangalawa, hindi ko makakalimutan kung anong araw at kung anong okasyon ngayon.

 

Ang tagal kong inabangan ‘to.

 

Napangiti ako at napakagat ng labi.

 

Aga agang kay landi!

 

Tumutunog pa rin yung alarm ko at nung kinuha ko yun para i-off, may note nga sa notifications.

 

“4th Anniversary <3”

 

Para akong nakainom ng barakong kape sa energy ko kahit bagong gising pa lang.

 

Sobrang excited ko lang! 4th anniversary na namin ni Karina!

 

Asan na ba ang baby ko-

 

Bigla akong napatapik sa noo ko nung maalala kong ngayon din yung out of town na event ni Karina sa org niya.

 

Kaya wala siya ngayon sa tabi ko.

 

, , .

 

Di niya ako ginising kaninang 4am!

 

Sest!!!

 

Sabi ko ihahatid ko siya eh!

 

Mabilis na akong napatayo sa kama nung napansin kong may pink na envelope na nahulog nung inalis ko yung comforter.

 

Bumilis ang tibok ng puso nung nabasa ko yung nakasulat.

 

To: My Love

 

Nawala ang pakagka-frustrate ko nung nakita yun at excited na kinuha ito at pasalampak na bumalik sa kama para basahin agad.

 

Kinikilig na agad ako. May pa-letter pa eh.









 

Sest.

 

My baby.

 

By the time you read this, I’ll be out na to my event. Don’t be mad! I intentionally didn’t wake you up, it’s not that I didn’t want to celebrate our special day first thing in the morning but I know when I come back later, our time would be even more special. Ngayon pa lang sobrang namimiss na kita and mas lalo lang yun magi-intensify as I’ll be out the whole day with my thoughts just full of you. I have a few surprises up ahead so I hope you’ll be ready for me later ;)

 

My love, it’s been 4 years with you… and every day you still make me happier than the last.

 

Seriously, what more could I ask for when I feel like I’m the luckiest woman on earth just by having you.

 

I’ll make this short and sweet. Minjeong, I’m not yet done loving you. Everyday, I will prove that to you.

 

For now, happy 4 years, my closest. I love you so much.

 

Forever, all of my life,

 

Jimin


 

PS. I suggest we miss each other to the fullest. So I’ll see you when I get home! Wait for me! Won’t be long!










 

Mga twenty times ko yata binasa yung letter ni Karina bago ako naka-recover.

 

God, even the letter smells like her.

 

I miss her so much already. Pero I have something planned for the day too, so kailangan ko ng mag-prepare as early as possible.

 

I’ll make this anniversary the most memorable.

 

“Tao po! Delivery po!”

 

Nagulat ako nung may nagtawag na delivery sa labas.

 

Ito ba yung surprise ni Karina for me..?

 

“Saglit lang po!” Mabilis kong tinakbo ang pintuan namin para alamin kung ano yun.

 

Sest, ang ag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g