The Origins

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Karina

 

“Isang hakbang mo pa, tandaan mo, mawawala na ako sa’yo…” Seryosong sabi ko.

 

Nakita kong natigilan si Winter sa sinabi ko at lumingon sa gilid. Walang kahit anong emosyon ang mababasa sa mukha niya. Narinig ko ang malamig niyang boses. “Tapos na tayo, kailangan ko ng tumuloy…”

 

Lumuhod na ako. “Minjeong, please, wag mo kong iwan…”

 

“Cut, cut, cut!” Malakas na sigaw ni Winter at lumapit sa akin na nagkakamot ng ulo at parang naiinis. “Sest, ba’t ba Minjeong na naman sinabi mo? Praktisin mo na na pangalan ng partner mo yung sasabihin mo, baka Minjeong pa banggitin mo sa play, aba umayos ka ha! Saka nakalagay sa script “pakiusap” yun at hindi “please”, Filipino subject ‘to, tapos nagi-english ka diyan!”

 

Walang ganang tumayo na ko mula sa pagkaluhod at pinagpag ang pants ko. Ang hirap naman mag-practice, masyado akong nadi-distract lately. Buti tinutulungan pa ko ng best friend ko sa pag run ng lines kahit mukhang naiinis na siya kasi lagi akong nagkakamali.

 

Nagulat ako ng biglang nag-snap si Winter ng daliri malapit sa mukha ko. Hinawakan niya pa ko sa dalawang balikat at inalog alog. 

 

Napatingin na lang ako sa kanya.

 

“Sest, focus nga. Okay, sige, sa confession scene tayo. Tingnan mo ko ng deretso sa mata habang sinasabi yung lines. With feelings ha, go.” 

 

Napalunok naman ako at napatitig nga sa mga mata ni Winter.

 

I always envied her long eyelashes and her expressive eyes. 

 

Ba’t ba kasi ako pa ang napili sa play at hindi na lang si Winter? Di hamak na mas magaling siyang umarte sa akin. 

 

Malayang napagmasdan ko ang features ng mukha niya. 

 

From her pointed nose, her cute cheeks, to her pink lips…

 

Iniisip ko kung anong nagbago sa best friend ko, is it her hair? 

 

Or bago yung style ng damit niya?

 

She’s blooming these days and that thought is distracting me.

 

I also can’t focus when she’s near and swimming in my head like this.

 

“I love you, Minjeong…” Wala sa sarili na nasabi ko na lang. Hindi ko alam kung yun pa yung tamang line na nasa script.

 

Malakas na napapalatak si Winter at nagroll ng eyes, she looked disappointed na napahawak pa sa noo niya. “Sest, ano ba… Iniirog kita, Armando! Iniirog kita, Armando, yun! Ang layo ha, nakakaloka naman!”

 

Sorry na, sest… 

 

Ikaw kasi.


 

 

 


 

“Rina, rina. Anong basa dito? Kulowsets?” Tanong ni Winter sa akin.

 

Tiningnan ko yung word dun sa line na binabasa niya sa book. Gumagawa kami ng assignment dito sa kwarto ko.

 

 “She’s my closest friend – we’ve known each other since we were five”

 

“Closest. Klo-sest.” Bibong pag-explain ko with matching right pronunciation.

 

Nakita kong napa-pout si Winter. “Anong ibig sabihin nun?”

 

“Pinakamalapit. In that sentence, it means yung pinaka-close mong friend. Number 1 friend, ganun.” I explained.

 

Nagliwanag naman ang mukha ni Winter sa narinig. “Ah.. ikaw pala yun.”

 

“Anong ako?” Takang tanong ko.

 

“You’re my kulowsets.” Ngumiti pa siya at kitang kita yung bungi niyang ngipin.

 

“Closest.” Pag-correct ko.

 

“Oo na… klowsets, closets, ay ewan, peste.” Sabi ni Winter. 

 

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Mabilis na tinakpan ko yung bibig niya baka marinig pa siya nila mommy na nagmumura.





 


 

Winter

 

Lahat ng tao sa paligid namin sanay na sa aming dalawa. Pag nakikita akong mag-isa, laging hinahanap si Karina, kesyo bakit hindi ko daw kasama, nasaan daw ba, parang first time daw nila nakita na di kami magkasama, etc etc. 

 

Para bang guguho ang mundo pag nakita kami na hindi magkasama.

 

They were always telling us that we are joined by the hip, yung iba nagtatanong nga kung kambal ba daw kami, kung ate ko daw ba, minsan nga tinatanong kung magjowa ba daw kami, at kung ano ano pa. 

 

Syempre, sanay na din naman kami sa kanila.

 

Totoo naman kasi. We are the best of friends. Sister from another mother, ganun ang peg. Madalas talaga kaming magkasama. We know each other too well - from her toes, her knees, her shoulders, her head. Bakit mo kinakanta?

 

We’re also roommates since we’re living in the same dorm. We’ve decided this with our parents para mapalapit kami sa college namin and to learn na rin to be independent on our own. Pero di kami same ng course noh, grabe naman na, di naman kami conjoined twins.

 

Pero honestly? 

 

Secret lang ha.

 

I don’t think I can live without Jimin Karina Yu.

 

Pero syempre, di ko yun aaminin sa kanya. Hah. Strong and independent woman kaya ‘to! 

 

Sobrang sanay lang talaga na ko sa kanya? 

 

Simula bata ba naman, kasama ko na siya.

 

We literally grew up together.

 

 

 





 

Mabilis na iniwan ko yung posiyon ko at tumakbo papunta sa babaeng nakita kong pumatid kay Karina kaya dumausdos ito sa gitna ng field.

 

Parang mas napabilis pa nga ang takbo ko ngayon kesa kaninang nasa actual game kami.

 

Aba, lintek lang ang walang ganti!

 

Kitang kita ko kung paano patirin nung bruhilda na player sa kabilang team ang best friend ko.

 

Nung nakalapit ako, nahagip ko agad ang ponytail nung babae at hinila ito pababa, dahilan para mapaupo at mapatili din yung babae sa gulat.

 

Parang tumigil ang mundo na ginagalawan ko dahil sa biglang pagtahimik ng paligid. Yung mga teammates ko, maski yung mga nanonood tila napasinghap at nagulat sa mga nangyayari.

 

“Tingen mo di ko nakita yung ginawa mo?!” Mataray na sabi ko dun sa babaeng mukhang natigilan at napatunganga lang sa akin.

 

Pinuntahan ko na si Karina at mabilis na inalalayan patayo. “Sest, let’s go.”

 

“Aray, Winter naman dahan dahan, saglit.” Reklamo ni Karina na paika-ikang naglalakad sa tabi ko.

 

“Coach, dalhin ko lang sa clinic.” Tumango lang ang coach namin na parang shocked pa rin. 

 

Habang nasa clinic, hindi ako umalis sa tabi ni Karina kahit alam kong kailangan ako sa game. 

 

Mamaya na yun, kaya naman na siguro nila. Mas importante ‘to.

 

Inusisa ko ang mga sugat ni Karina. Meron siyang mga gasgas sa braso, sa binti, God, not her face, please… at ayun nga, nakitang kong may gasgas din sa right cheek niya.

 

Nag-init na naman ang ulo ko. Nagagalit ako. Una, dun sa babaeng nangpatid sa kanya. Sunod sunod kasi ang goals ni Karina kanina kaya naman nakaisip siguro yung kabilang team ng bobong strategy na iinjure ‘to. 

 

Pangalawa, galit ako kay Karina. Masyado kasing lapitin ng disgrasya. Dati pa man nung bata pa kami.

 

Naka-cross arms akong nakatingin lang ng masama sa kanya.

 

Nakita kong natawa si Karina sa itsura ko. “Oh sest, ang puso mo. Hey, easy, easy. I’m okay.”

 

Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa bedside niya. “Masakit ba?”

 

Napangisi si Karina sa tanong ko. “Ay, hindi. Ang saya nga gumulong gulong sa damuhan. Di pala masakit yun?”

 

Napapalatak ako. Dahan dahang tinaas ko yung kamay ko at hinaplos yung pisngi niya na may gasgas, napawince naman si Karina. “See, masakit.”

 

Nakatitig lang si Karina sa akin habang sobrang ingat na hinahaplos haplos ko yung sugat sa pisngi niya.

 

“Minjeong, thank you…” Bulong niya.

 

“Sus.” Sabi ko na naparoll-eyes.

 

Tumawa ng mahina si Karina. “You’re always there for me…”

 

Napatitig ako sa mukha niya.

 

Her beautiful face…. tapos gagalusan lang. May araw din yung babaita na yun. Sana mawala yung isang tunog ng earphones niya, tapos sa isang angle lang gagana. 

 

Di ko namalayan na matagal na pala akong nakakatitig sa mukha ni Karina.

 

“Uy, mas maganda ba ko pag may ganito? Mukhang astig noh?” Tanong ni Karina, a playful smile on her lips.

 

Napakurap ako to shake my thoughts.

 

Mabilis na lumapit ako sa kanya to plant a soft kiss on her forehead. “Mas maganda ka kung di ka lampa.”

 

I get really protective when it comes to my best friend.

 

Pinaka ayaw ko lang na nakikita siya na nasasaktan.

 

It’s just one of my weaknesses… when she’s hurt or when she cries.

 

 

 

 




 

Pinipiigil ko ang hindi mapaiyak habang nasa tabi ni Karina na himihikbi dahil may malaking sugat sa tuhod niya. 

 

Hindi ko kasi alam ang gagawin ko para mapatahan siya. Parang ang sakit kasi ng sugat niya.

 

“Ayan.. k-kasi ikaw...” Sabi ko kay Karina, ayaw kong tumingin sa mukha niya na may umaagos na luha. Tinatatagan ko na lang ang sarili ko kasi dalawa kaming iiyak dito kung di ko lalakasan ang aking  loob.

 

“Intayin natin sila mama kukuha daw ng alcohol para mapahid na diyan.”

 

Mas lalong napaiyak si Karina sa sinabi ko.

 

Kumunot ang noo ko at kunwari nagagalit sa kanya kahit nangingilid na ang luha ko. Naiiyak talaga ako pag nakikita ko siyang nasasaktan. “Ba’t.. ba’t ba kasi hindi mo nakita na may bato don? A-ang lampa kasi…”

 

“S-sinong l-lampa?” Tanong ni Karina sa akin na paputol putol dahil sa lakas ng pag-iyak.

 

“Yung.. yung ano… yung sahig! Hindi ka nakita! Ayan tuloy! Dapat hawak ka lang sakin lagi para di ka na madapa ah!” Sabi ko na lang. Ayaw kong sabihin na lampa siya. Sa ibang araw na lang pag di na siya ngumangawa.

 

Pinupunasan ko ng bimpo ko yung luha niya pero patuloy pa rin ang pagtulo nito. Nagkamali naman ako nung napatingin ako sa mukha niyang sobrang lungkot.

 

Kunwari naghikab ako. “Inaantok ako, anu ba yan.” 

 

At tuluyan na ring tumulo ang aking luha.

 

 

 

 

 

 



 

Karina


 

One of my favorite things about Winter, my best friend, is that she's very caring. 

 

Even though, pinapakita niya lang ang concern niya sa akin in a cool slight tsundere way.

 

She’s always there to protect me.

 

Yung kayang kaya ako ipagtanggol na akala mo eh ang laki niyang tao. Psh, I’m taller than her. 

 

Pero siya yung mas matapang at mapang-asar.

 

Mukha lang siyang mabait pag tulog.

 

Pero deep inside, I know that she’s very soft and sweet.

 

There was this time na nakita ko siyang nagpipigil ng luha nung nadapa at umiyak ako when we were young. Sabi pa siya ng sabi na dahil lang daw kasi inaantok siya kaya hikab siya ng hikab. Pero I could see naman na tumutulo na yung luha niya na mabilis niyang pinapahid ng bimpo para itago sa akin.

 

She also secretly cried when I was confined in the hospital because of a simple upset stomach. Kinuwento ng mama niya sa akin.

 

She cried too when I got hurt on one of our soccer games, I saw her sa locker room.

 

Basically, she cries when I’m hurt.

 

From the looks of it, she’s the one looking after me but believe me when I say that Winter’s the one that needs tending after. 

 

She’s always teasing me that I’m the one who’s clumsy but I’m sorry sest, kung lampa ako, I think mas may pagkalampa ka.

 

We’re just in the confines of our dorm and Winter still gets these “small accidents”.

 

Nung isang araw, naglilipat lang siya ng plant sa paso, tumusok yung dahon sa mata niya.

 

Nung last week nag-open lang siya ng fridge, tumama pa ito sa mukha niya.

 

At lately nga, madalas niyang naiiwan yung payong niya dahilan para umuwi siya ng basang basa sa ulan.

 

Kaya whenever we're apart, I always try to remind her sa texts to take care of herself. 

 

 


 

Karina: Sest where are you na? Ingat 

Winter: Yes sest! Dito na ko

Karina: Saan?

Winter: Sa future mo ;)

Karina: Edi bahala ka diyan

Winter: Grabe di man lang kinilig??

Karina: San ka na nga 

Winter: Lapit na sa dorm huhu


 

 

 

 

 

Karina: Sest yung payong mo, nadala mo ba?

Winter: Ayy wait

Winter: Promise nadala ko yun kaninang umaga

Winter: Parang nawala…

Winter: Sest, nahulog ata sa kanal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g