Hug In The Dark

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Nagdilim ang buong paligid sa kwarto at namatay yung nilalaro kong game.

 

“Sest!!!!” Malakas na tawag ko kay Karina. Pilit kong kinakapa kung nasan yung cellphone ko para buksan sana ang flashlight pero hindi ko talaga makita sa sobrang dilim.

 

“Hopia… nandyan ka? Hope… pspspspsps… tawagin mo si sest dali.” Pagtawag ko sa alaga namin.

 

Tinry kong wag magpanic. Ayaw ko talaga sa pitch black na dilim.

 

Pakapa kapa pa ko sa paligid nang biglang bumukas yung pintuan ng kwarto at pumasok si Karina na may hawak na maliit na lamp sa kanan na kamay at hawak niya naman si Hope sa kabila.

 

Thanks dun sa lamp na hawak niya, nagliwanag ng konti ang paligid.

 

“May advisory daw, I just found out. Mawawalan ng kuryente until 4am tom.” Nilapag ni Karina si Hopia dun sa cat bed nito, hinaplos haplos, at binigyan pa ng kiss sa ulo.

 

Ngayon ko lang napansin na malakas pala ang ulan sa labas, hindi ko narinig dahil busy ako maglaro kanina.

 

Pero teka, until 4am?

 


Ano yun, buong gabi walang kuryente?

 

Anong oras na ba?

 

Napatingin ako sa digital clock namin.

 

6pm pa lang.

 

May bigla kong naalala. “Hala siya, may kailangan pa kong i-research…”

 

“You should've done that bago ka naglaro.” Umupo si Karina sa kama at pinatong yung lamp sa may bedside drawer sa tabi niya.

 

Naging concerned ako sa lamp. Mamaya baka maubos na ang battery nito. Paano na kami?

 

“May kandila ba tayo?” I asked.

 

“Meron. But, ito muna hangga’t di nauubos ang battery.” Kaswal na sagot ni Karina na inayos na ang sarili para humiga sa kama namin. Nilabas niya rin yung phone niya.

 

Teka, yung phone ko, nasaan na ba?

 

Naaninag ko na yung phone ko na nakakalat sa sahig. Nung nakuha ko na yun, napatapik na lang ako sa noo nung nakita ko ang battery status.

 

2%.

 

“Babe, ilan battery mo sa phone?” Tanong ko.

 

“98%.” Sagot niya.

 

Ugh.

 

Mukhang ako lang ang mabobored.

 

Nanlulumo kong inikot ang buong paningin sa buong kwarto, naghahanap ng kung anong pwedeng gawin mamaya.

 

“Gusto mo ng kumain? Nakapagluto pa ako.” Tanong ni Karina na hindi umaangat ang ulo mula sa phone niya.

 

“Maya maya na siguro… ikaw?” Tumayo ako mula sa sahig at tumabi na sa kanya sa kama, inusisa ko kung ano ang ginagawa niya sa phone.

 

Baka mamaya pwede ko mahiram.

 

“Later na rin.”

 

Naglalaro siya nung parang pinagko-connect connect na letters para makabuo ng word.

 

Lumipas ang ilang minutong katahimikan sa aming dalawa. Nakahilig na ang ulo ko sa balikat ni Karina habang pinapanood lang siya maglaro.

 

Maya maya ay inangat ko na yung kamay ko sa phone niya para ako na ang mag-connect nung isa kong naiisip na word.

 

Biglang in-off ni Karina ang cellphone niya.

 

Nabawasan ulit ang liwanag sa paligid.

 

Napatingin ako sa kanya, yung mukha niya medyo naiilawan lang ng ilaw mula sa lamp.

 

Nakita kong kinagat niya ang labi niya at bahagyang ngumiti sa akin. “Sorry, I need to save the batt pala, babe. Baka mamaya magka-emergency.”

 

Pinat niya pa ako sa cheeks at tumayo bigla, dinala niya yung lamp nung umalis siya sa kama kaya nagdilim na naman kung nasaan ako.

 

Dun ko lang napagmasdan ang suot niya, she’s just wearing a short shorts at tank top. Her usual get up dito sa dorm.

 

Ready na ready sa brownout!

 

Ako naman naka-tshirt pa ng makapal kasi malamig ang aircon kanina. Naramdaman ko na ang init.

 

Bumalik na si Karina sa tabi ko na may hawak na medyo may kalakihan na cardboard.

 

“Ano yan?” Tanong ko, inaaninag ko pa sa dilim kung ano yung hawak niya.

 

“Pamaypay ni Selle. Naiwan niya.” Sinimulan na ni Karina na paypayan ako gamit yung pamaypay daw ni Selle.

 

Mabilis ko namang naramdaman ang ginhawa ng hangin na nanggagaling daw dun sa pamaypay ni Selle.

 

Pero inagaw ko yun sa kamay ni Karina. “Ako na, babe.”

 

Naisip ko na siya na nga yung nagluto dinner namin kaya ako naman ang magpapaypay sa kanya.

 

Kawawa naman ang baby ko!

 

Bawal ‘to mapagod!

 

Nung nakuha ko na yung pamaypay, tinutok ko na ito kay Karina at sinimulan ko na siyang paypayan.

 

Inagaw naman ulit ni Karina yung pamaypay sa akin. “Ako na, sest.”

 

Madiin kong hinawakan yung pamaypay para hindi niya maagaw pero mapwersa din niya itong hinihila.

 

“Ako na magpapaypay sa’yo, baby.” Mahinahon na sabi ni Karina.

 

“Ako na nga, mangalay ka pa.” Pagpilit ko.

 

Nag-aagawan na kaming dalawa dun sa pamaypay ni Giselle nang biglang napunit yun.

 

Parehas kaming may hawak na isang part.

 

Tumahimik kami ng ilang seconds.

 

“Lagot ka...” Rinig kong sabi ni Karina.

 

When I looked up at her face, I saw her with a teasing smile.

 

“Bakit ako?” Reklamo ko.

 

“Ikaw yung nakikipag-agawan diyan.” Sagot ni Karina na tumatawa ng mahina.

 

“Tsk. Wait nga, hahanap ako ng bago.” Nag-lean ako sa side ni Karina para abutin yung lamp na nasa gilid niya. Parehas kaming natigilan nung halos mabunggo yung mukha ko sa mukha niya.

 

Nung nilingon ko siya, I saw her slightly smirking tapos nag-gesture pa siya na parang nag-gigiveway.

 

With a grunt, naabot ko rin yung lamp at tumayo na in search for a new pamaypay alternative.

 

Napansin ko si Hopia na peaceful na natutulog sa pwesto niya.


Sana all comfy?

 

Kinuha ko yung manipis kong notebook sa study desk at bumalik na sa kama.

 

Natigilan ako sa pwesto nung nailawan ko yung itsura ng girlfriend ko.

 

Nakasandal siya sa headboard ng kama, nakapatong yung isang unan sa lap niya, yung isang kamay niya nakatukod sa chin niya, and she was intensely staring at me.

 

Kahit madilim, kabisado ko ang tinginan niya na ganyan.

 

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pasalampak na umupo na ulit sa kama namin. “Wag mo nga ako akitin.”

 

Natawa si Karina at pa-scoff na tumuro pa sa sarili niya. “Sino nagsabing inaakit kita?”

 

Kumunot ang noo ko at ngumuso sa kanya. “Yang tinginan mong ganyan. Alam ko na yan.”

 

Nilapit naman ni Karina yung mukha niya sa akin at pang-asar pa na nagtaas ng kilay. “Anong tinginan? Yung ganito ba?”

 

Hinawakan niya pa ko sa chin at mas lalong pinaglapit ang mga mukha namin.

 

Napalunok ako closeness namin. Mas lalong uminit ang paligid.

 

Nagsimula ng gumapang yung kamay ko..

 

Kumapa kapa…

 

Hanggang sa nakuha ko yung notebook na kinuha ko kanina at mabilis na pinaypay paypay sa kanya.

 

Napa-atras naman si Karina at pilit sinasanggi yung mabilis na pagpaypay ng kamay ko. “Sest, ano ba, wala namang hangin!”

 

Natatawa na binitawan ko yung notebook at hinila yung front ng damit ni Karina para palapitin siya sa akin.

 

Pinalibot ko ang mga kamay ko sa leeg niya habang niyayakap siya.

 

Ramdam ko na mas mabilis ngayon ang tibok ng puso ko.

 

I heard Karina chuckling near my ear. She gave me a quick peck on the side of my neck. “First time natin ma-experience ‘to noh?”

 

Hinigit ko pa siya lalo for a tighter hug at mainit na bumulong sa tenga niya. “Alin, yung nilalandi mo ko? Hindi ah, maraming beses na. Sanay na ko, sest.”

 

Karina laughed at hinampas ako sa likod. “Yung brownout kasi!”

 

Naramdaman ko na pumaikot na rin yung isang kamay ni Karina at pinasok niya ito sa likod ng shirt ko.

 

My breath hitched nung naramdaman ko yung init ng palad niya.

 

We were both giggling while still hugging each other.

 

“Babe?” Pagtawag ni Karina sa akin.

 

“Hmm?” I answered while burying my face on the side of her neck. Nararamdaman ko yung vibration dito pag nagsasalita siya.

 

“Nothing.” Sabi ni Karina and then she forced us to lay down on the bed while still in this hugging position.

 

I hummed my response.

 

Kahit mainit, mas okay pa rin talaga na kayakap ko siya, sanay na kasi akong lagi siyang niyayakap sa gabi pag matutulog.

 

Parang inaantok na tuloy ako.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
0 points #1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
0 points #2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g