Hey Mickey

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: It’s their yearly tradition as friends… to throw a simple Halloween party at home.


 

I.

 

Winter


 

I love Halloween.

 

2nd favorite holiday ko ito after Christmas.

 

New Year din, birthday ko kasi yun.

 

Pero pinaka-favorite ko pa rin talaga is Karina’s birthday.

 

Ang daming memories.

 

Ayy!

 

Anyway, naiinis pala ako kasi parang ang sikip nitong dress na suot ko ngayon.

 

May pa-ball party chenes pa kasi yung department namin bago mag-undas break at required daw umattend dahil mababawasan daw ang grades namin pag hindi.

 

Hindi naman Halloween ang theme.

 

Formal attire with a touch of black and white daw.

 

Boring.

 

Sinipat sipat ko ang sarili ko sa salamin.

 

Nakasuot ako ngayon ng zebra costume.

 

Joke lang!

 

Naka-dress ako ngayon ng color black and white.

 

White siya sa upper portion na may sleeves tapos black na all the way down.

 

Meron ding black na ribbon sa gitna.

 

Pwede na.

 

Attendance lang naman ang ipupunta ko doon.

 

Binili ko lang ito kasama si mama nung nag-mall kami nung isang weekend.

 

Si Karina, nasa kwarto niya ngayon at nagbibihis din.

 

Susunduin kami ni Giselle mamayang 8pm.

 

“Babe, can you help me zip this up?”

 

Mabilis ang paglingon ko sa pinto ng kwarto ko at nakita ko si Karina na nakatalikod sa akin.

 

Yung dress niya sa likod nakabukas pa at nakahawi ang buhok niya sa harap.

 

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at pinagmasdan ko ang suot niya.

 


Nakita ko naman na ito pero iba pala ang dating pag suot na niya.

 

Hapit na hapit ito sa katawan ni Karina kaya naman kita talaga yung curves niya.

 

Napalunok ko nung nakita ko yung makinis na likod niya na nakatambad sa akin.

 

“Babe.” Pag-nudge ni Karina na lumingon pa sa akin nung napansin niya siguro na ang tagal kong umimik.

 

“E-eto na… wait lang.” Inangat ko na yung zipper ng dress niya sa likod.

 

Medyo natagalan pa ko kasi nakakadistract lang talaga yung likod niya.

 

Humarap sa akin si Karina pagkatapos at nakita kong humagod din ang tingin niya sa suot ko.

 

Lumapit siya sa akin at inayos ang ribbon sa dress ko.

 

Napatingin naman din ako sa ayos niya at medyo nanlaki pa ang mata ko nung makita ko na siya ng buo.

 

Oh my God…

 

Nakalugay lang ang mahaba at wavy niyang buhok.

 

Sleeveless ang long black dress niya at medyo mataas ang slit.

 

Gumagala lang ang pangingin ko mula sa baba hanggang sa marating ko yung mababa din na dip ng dress sa may bandang cleavage niya.

 

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Karina. “You like it?”

 


Mabilis ang pag-angat ng tingin ko pabalik sa mukha niya at tumango na lang. “Ano pa ba… lagi ka namang maganda.”

 

“Talaga? Ano pa napapansin mo?” Masayang nilapit ni Karina sa akin ang mukha niya para mapagmasdan ko siya ng maayos.

 

Kumunot ang noo ko habang nakatitig lang sa mukha niya.

 

Wala namang nabago.

 

As I said, lagi naman siyang maganda.

 

Napansin ko lang na medyo mas makinang yung mga mata niya.

 

Ah!

 

" glow?!" Tanong ko.

 

Hinampas ako ni Karina sa braso "No, babe. Silly."

 

Naguguluhan ko na siyang tiningnan.

 

Tumawa ng mahina si Karina at nag-smack ng lips. Tinuro niya din ito kaya nagawi ang paningin ko doon. "Wala pa akong lipstick."

 

Naisip ko kung naubos na agad yung lipstick niya, kakaorder lang naman niya nung isang araw. "Meron ako dit-"

 

Di ko pa natatapos yung sinasabi ko nung napansin ko ang pagbabago sa aura ni Karina.

 

From all smiles kanina, nagmukha siyang biglang may susugurin.

 

Ako yata yun.

 

Ako nga.

 

Mabilis na nawala yung space sa pagitan namin ni Karina at hinapit niya ako sa batok.

 

Para halikan.

 

Kahit nagulat, napapikit agad ang mga mata ko nung naglapat na ang mga labi naming dalawa.

 

Ah... walang lipstick.

 

Kasi may balak pang gawin muna ‘to.

 

Malandi!

 

I gasped on Karina's mouth nung ginawa niya yung recently favorite kong… ginagawa niya.

 

Hehe.

 

Swirly tongue!

 

Gusto ko na naman tuloy ng ice cream.









 

Buong byahe namin sa kotse ni Giselle na dina-drive niya, ang ingay ni Ningning.

 

Reklamo siya ng reklamo na bigla daw nag backout yung ka-date niya sa ball.

 

Feeling pa-VIP daw, hindi naman daw ganun ka-pogi.

 

Napilitan nga lang daw siya pumayag.

 

Naguguluhan naman ako at napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Karina.

 

"Kailangan ng date?" Tanong ko sa kanila.

 

"Oo kaya." Inis na sabi ni Ningning. "Kung sino yung date mo, siya yung magiging kapartner mo dun sa opening dance."

 

"Opening dance?" Tanong ko ulit.

 

Ano ba ito, prom?!

 

"Oo, Winter. Ano ba. Hindi ka ba umattend ng practice?" frustrated na sagot ni Ning sa tanong ko. Napahawak pa siya sa ulo niya na parang stressed. “Nakakainis talaga, gahh! Sino na lang ka-partner ko mamaya?

 

Natawa si Karina sa tabi ko at hinaplos haplos ang kamay ko gamit ang thumb niya.

 

Lumingon ako sa kanya nagtatanong.

 

"Babe, hindi ka umattend ng practice. Niyaya kita nun pero di ka nakikinig sa akin. Maaga ka lagi umuuwi kasi sabi mo mayron kang kailangan tapusin." Sabi ni Karina.

 

Ah, oo. Naalala kong maaga nga akong umuuwi these past few weeks. Tinatapos ko yung Octopath Traveler ko na game....

 

Malay ko bang may practice.

 

Saka di naman siguro required.

 

"Pwede bang wag na lang sumali-"

 

"Sure. Let's sit it out." Mabilis na sagot ni Karina.

 

"Hindi ka rin nag-practice?" Tanong ko kay Karina.

 

"Hmm, alam ko yung steps. Pero kung di ka naman sasali, edi hindi na din ako." Dinala ni Karina yung magkahawak na kamay namin sa chest niya.

 

“Wala ka bang… ka-ano…” Hindi ko matuloy yung sasabihin ko. Nakaramdam ako ng inis bigla.

 

Baka kasi may iba pa lang kapartner na si Karina.

 

Tiningnan lang ako ni Karina ng seryoso at tumaas ang isang kilay niya. “Seryoso ka ba?”

 

“Edi kayo na.” Bitter na singit ni Ningning.

 

Napansin ko naman si Giselle na nanahimik habang patuloy lang sa pagddrive.

 

“Selle?” Tawag ko sa kanya. “Ikaw, meron ng… date?”

 

Sumulyap lang sa amin si Giselle tapos bored na sumagot. “Actually, ang daming naka-line up sa akin. Mga tatlo.”

 

Tatlo???

 

Nanlaki na ang mata ni Ningning kay Giselle na parang hindi makapaniwala.

 

“Me, myself, and I.” Sagot ni Giselle.

 

“Apir!” Masayang sabi ni Ningning.

 

Parang natuwa siya sa sagot ni Giselle at may karamay na siya na walang ka-date.

 

Napatingin ako kay Karina at napansin kong nakatingin na rin siya sa akin.

 

Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay at pasimpleng nagnakaw ng halik sa balikat niya nung hindi nakatingin yung dalawa.

 

I leaned on her shoulders. “Okay lang if you want to dance. Manunuod na lang ako.”

 

Hinalikan naman ni Karina yung ulo ko. “If it’s not you, I don’t want it.”

 

Kinilig na ako dun.

 

Hinampas ko siya sa braso.

 

“San na naman galing yan?” Pang-aasar ko sa kanya.

 

“Actually, napanood ko lang yun.” Natatawa na sabi ni Karina.

 

“T-tayo na lang kaya…” Naudlot yung pinagtatawanan naming dalawa nung narinig ko si Ningning na biglang sinabi yun na parang nahihiya.

 

Napa-diretso ako ng upo at pinanood ang mga ganap.

 

Giselle scoffed. “Are you seriously asking me out to be your date, Ning?”

 

“Edi wag! Kala mo! Kinaganda mo yan?” Masungit na sabi ni Ningning. Biglang nag-360 dun sa nahihiya tanong niya kanina.

 

Sumingit na ako. Dito ako magaling. “What if… kayo na lang dalawa.”

 

Umirap si Giselle. “Ayusin mo yung pagtatanong. Yung mga suitors ko, may pa flowers at pa-chocolate pa. Tapos ikaw, ganyan? I won’t lower my standards.”

 

Natatawa na ko sa itsura ni Ningning. Badtrip na siya.

 

Pero nagulat ako nung pagigil niyang kinuha yung bag ko.

 

“Hoy-” Sabi ko.

 

Di na ako nakaimik nung mabilis na hinalungkat ni Ningning yun at nilabas yung... lemon square cheesecake ko sa bag.

 

Teka, favorite ko yun eh…

 

“Aeri Giselle Uchinaga, be my partner sa opening dance. Be my date. Be my forever, my liver lover, girl.”

 

Napatili si Giselle.

 

Napailing na nagtakip ng mata si Karina.

 

I longingly looked at my cheesecake na nasa kamay ni Ningning.









 

I took an arrow to the heart

I never kissed a mouth that tastes like yours

Strawberries and somethin' more

Ooh yeah, I want it all

 

Lipstick on my guitar (ooh)

Fill up the engine, we can drive real far

Go dancin' underneath the stars

Ooh yeah, I want it all



 

Medyo namangha ako sa venue nung event nung nakarating na kami.

 

Ang bongga.

 

Nabasa ko yung malaking sign “School of Business: The Best Days Of Your Life” ang theme. Kaya pala may pa-opening dance pang nalalaman, marami palang budget.

 

Nakwento din ni Ning na yung “prom vibes” daw is one of the main agenda sa party.

 

May isa pa kong napansin.

 

Sa bawa’t dinadaanan namin, ang daming nagse-second look sa girlfriend ko.

 

Gusto ko silang samaan ng tingin lahat.

 

Yung tingin kasi nila mula ulo hanggang paa ni Karina.

 

Napatingin na din tuloy ako sa kanya.

 

Humagod na din yung tingin ko mula ulo hanggang paa niya.

 

May maliit na ngiti si Karina habang pinagmamasdan lang ang paligid at nagsssparkle ang mga mata niya.

 

She looked like she’s on her element. Sobrang bagay niya lang dito sa eleganteng lugar.

 

May naramdaman akong nag-tug sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko siya.

 

May narealize din ako.

 

This beautiful woman next to me... is mine.

 

Nakakaproud lang sa feeling.



 

I wanna be that guy, I wanna kiss your eyes

I wanna drink that smile, I wanna feel like I'm

Like my soul's on fire, I wanna stay up all day and all night

Yeah, you got me singin' like



 

Nung napansin ni Karina na nakatitig ako sa kanya, she playfully raised a brow at me. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong over the loud music. “Yes, baby?”

 

“Ang daming tumitingin sa’yo…” Pag-comment ko.

 

Sumulyap si Karina sa paligid para i-check yun at bumalik ulit ang tingin sa akin. “...and?”

 

I pouted. “Ikaw kasi pinakamaganda dito.”



 

Ooh, I love it when you do it like that

And when you're close up, give me the shivers

Oh baby, you wanna dance 'til the sunlight cracks

And when they say the party's over, then we'll bring it right back




 

Karina beamed at me at parang natuwa sa sagot ko.

 

Totoo naman kasi.

 

She’s the prettiest out of all the girls here.

 

The main event.

 

Karina chuckled. Lumapit ulit siya sa tenga ko at bumulong. “Mali. Ikaw yun, babe.”

 

Mabilis ang pagkontra ko sa sinabi niya. “Ikaw.”

 

Ngumiti naman si Karina sa akin at tinuro pa ako. “Ikaw nga eh. Look at all those people staring at you.”

 

Napatingin naman ako sa paligid.

 

Wala namang tumitingin sa akin?

 

Siya lang.

 

“Eh, basta ikaw.” Final answer.

 


No one can compare to her.

 

Hindi ako papayag.

 

Gusto ba niya mag-away kami dito?

 

Tinitigan ko si Karina na parang nanghahamon.

 

“Ok, fine. I love you.” Sabi ni Karina at mataman akong tinititigan.

 

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napakagat ng labi dahil di ko na mapigilan ang sarili ko sa pagngiti.

 

Okay, talo na naman ako.









 

Eto na yung opening dance na sinasabi nila.

 

Hahahaha!

 

Pumuwesto na lahat ng students sa gitna. Bawa’t isa may ka-partner nga.

 

Tawa ako ng tawa kila Ningning at Giselle.

 

Parang magsasabunutan na sila sa first position pa lang.

 

Kinuha ko yung cellphone ko para i-video sila.

 

Nakaupo lang kami ni Karina dito sa isang table dahil hindi kami sasali.

 

Hindi ko kasi alam yung steps.

 

Napatingin ako sa girlfriend ko.

 

Nakapatong ang isang kamay niya sa chin at kunteto lang na inaabangan ang mga magsasayaw.

 

Nagsimula na yung tugtog at gumalaw na silang lahat.

 

Narecognize ko agad yung kanta sa intro pa lang at first notes ng piano.



 

I love you

For sentimental reasons

I hope you do believe me

I'll give you my heart



 

I Love You For Sentimental Reasons by Nat King Cole.

 

Teka, alam ko to!

 

I love this song.

 

Lagi itong pinapatugtog nila mama sa bahay.

 

Sinend ko na rin ‘to kay Karina dati...



 

I love you

And you alone were meant for me

Please give your loving heart to me

And say we'll never apart



 

Pinanood ko ulit yung mga nagsasayaw.

 

It’s a couple dance.

 

Bigla akong napatayo sa upuan.

 

Bahala na.

 

Nagulat si Karina na tumingala sa akin.

 

Nilahad ko yung kamay ko sa kanya. “Sest…? Dance with me?”

 

Napakunot yung noo ni Karina pero unti unti na ring sumilay yung ngiti sa labi niya.

 

She took my hand.

 

Dinala ko siya sa tabi nung mga nagsasayaw.



 

I think of you every morning

Dream of you every night

Darling, I'm never lonely

Whenever you are in sight



 

Pasimple akong sumisilip sa ginagawa nung mga katabi ko para gayahin yung steps nila.

 

Okay, madali lang naman yata.

 

Right step, left step...

 

Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa balikat ni Karina.

 

Automatic naman na nilagay niya rin yung mga kamay niya sa bewang ko.

 

Nagulat si Karina nung hinapit ko siya sa batok at pinaglapit ang mga noo namin.

 

“Babe…” Bulong niya sa akin.

 

“Yes?” Tanong ko sa kanya.

 

“Ang daming nakatingin sa atin…” Mahinang sabi ni Karina, may amusement sa boses niya.

 

“Let them stare.” Mayabang na sabi ko.

 

Proud kaya ako sa girlfriend ko.

 

I think it’s time malaman na ng lahat.

 

This woman is mine… and mine alone.

 

Narinig ko ang mahinhin na pagtawa ni Karina at tinulak niya ako sa may dibdib.

 

Nagulat na lang ako nung bigla niya akong pinaikot.

 

Napansin ko rin na umiikot na din yung mga katabi namin.

 

Oo nga pala!

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
0 points #1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
0 points #2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g