Still The One Pt 2

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Winter


 

“Sest!!!!” Paiyak na sigaw ko.

 

Binitawan ko agad yung mga bulaklak na kanina ay pilit ko pang sinasalba at inaayos. Naisip kong wala na pala akong pakialam dun.

 

I just want my girl right now.

 

Kasi naman.

 

Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

 

Tadaaaah!

 

Sa akin pala galing ang mga flowers na yun. Toinks.

 

Pero in my defense, malay ko ba, kinancel ko yung order na yun what... 2 years ago?! Bakit biglang nagpush through pala?

 

Meron na naman akong isa pang ‘facepalm’ moment nung naalala ko na tinawagan ako ni Kuya Kyunghoon about sa charge sa credit card niya 2 years ago din.




 

Kyunghoon: Winter?

 

Winter: Yow, kuya! Wazzup?

 

Kyunghoon: Ginamit mo ba credit card ko?

 

Winter: Luh? Bakit ko naman gagamitin yan?

 

Kyunghoon: May charge sa card ko from Tiffany Flower Shop

 

Winter: Hala ka, ba’t ako? E diba ikaw ang lagi nag-oorder diyan sabi mo?

 

Kyunghoon: Oo pero-

 

Winter: Nako, nako.. check check din, sir

 

Kyunghoon: Anyway, sobrang daming memories lang nitong flower shop na ‘to sa akin. Alam mo ba? Nung nag-propose ako, sila yung nag-ayos lahat tapos sobrang na-appreciate ni-

 

Winter: Kasi dream proposal niya yun tapos sinagot ka ng yes tapos happily ever after na kayo. O diba alam ko na? Mga 1000 times mo na ata kinuwento

 

Kyunghoon: Grateful lang talaga. So kung may charge man sa card, baka hidden charges noh? Hehe. Bahala na. Donate ko na lang

 

Winter: Wowww bait, eh ako ba’t di mo binibigyan ng pera?!




 

Lagot ako kay Kuya Kyunghoon, naku.

 

Tumakbo ako papunta sa kwarto namin at nung bubuksan ko na sana yun, biglang binuksan ni Karina ang pinto. Briefly kong nakita ang pag-aalala sa mukha niya bago ko siya dinamba ng mahigpit na yakap. Muntik pa kaming ma-out of balance sa impact ng ginawa ko.

 

“Sest…? Anong nangyari?” Naramdaman ko rin na pumalibot ang kamay ni Karina sa likod ko para yakapin din ako pabalik.

 

Teka naman, saglit, nahiya ako bigla mag-kuwento ng kashungaan ko!

 

Siniksik ko lang lalo ang mukha ko sa leeg ni Karina at dahan dahan akong nagsimulang maglakad paloob ng kwarto namin. Magkayakap pa rin kaming dalawa ni Karina hangga’t sa umabot kami sa dulo ng kama at inalalayan ko siyang mapahiga, me hovering on top of her.

 

Dun na ako umangat ng ulo para tingnan maigi ang girlfriend ko na ngayon lang nagsi-sink in sa akin na sobrang miss na miss ko na. Nakatitig lang si Karina sa akin na may halong pagtataka. Umangat din ang isang kamay niya para haplusin ako sa isang pisngi. Tahimik niya lang na inaabangan ang gusto kong sabihin.

 

I put both of my hands up to cup her face. Napansin ko din na mamasa masa pa ang mga mata niya, bahagya kong pinahid yun gamit ang thumb ko at mabilis ko ding hinalikan - planting soft kisses on her cheeks and on the side of her eyes. Kumirot ang puso ko nung naalala kong napaiyak ko siya kanina. “I’m sorry, I’m sorry baby…”

 

Nagtago ulit ako sa leeg niya habang kinukwento yung unfortunate na hindi ko pag-alala sa ginawa kong pag-order sa flower shop na nirecommend ni Kuya Kyunghoon.

 

Sinabi ko rin na sana yun ang gift ko sa kanya nung 2nd anniversary namin pero kinancel ko kasi gumawa na lang ako ng origami flowers. Hindi ko alam na napindot ko pala yata yung submit button at successful na nag-charge ito sa credit card ni Kuya Kyunghoon.

 

Pagkatapos ko ikwento ang lahat kay Karina, natahimik lang kami pareho.

 

Tapos naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya at mahina niyang pagtawa.

 

Umangat ako ng ulo mula sa pagkasiksik sa leeg niya at nakita kong pinagtatawanan na niya nga ako. Sinamaan ko siya ng tingin.

 

“Sest... I can’t… I can’t with you…” Sabi niya tapos humagikgik na naman.

 

Naalala ko ang posisyon namin. Nasa ibabaw niya ako baka nakakalimutan niya. So much advantage.

 

Pinaloob ko ulit ang maliit niyang mukha sa dalawang kamay ko at tinaasan siya ng kilay. “Pinagtatawanan mo ko?”

 

Nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Karina. Pinalibot niya ang dalawang kamay niya sa leeg ko. “Babe, you made me overthink. Tinawagan ko pa sila Selle and asked if this was one of their pranks. Sobrang tanggi niya at sabi hindi naman daw sila magpa-prank na ganyan ka-expensive.”

 

“Nag-overthink din ako noh.” Pamaang na sagot ko.

 

Tumaas ang isang kilay ni Karina. “So… ganun ka pala magselos kung may biglang manligaw sa akin?”

 

I scoffed. “Eh syempre, hindi naman pwedeng-”

 

Bago ko pa natapos ang sasabihin ko, madiin na hinila ni Karina ang ulo ko pababa para halikan.

 

Yung halik na nakakawala ng pag-ooverthink.

 

At one point, biglang tumigil sa ginagawa si Karina at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong cheeks at pinagdikit ang mga noo namin. She was panting hard habang sinabing, “It’s only you, baby…”

 

Di agad ako naka-react kasi bahagya niyang kinagat ang lower lip ko bago ulit ako hinapit sa kanya at binigyan ulit ng halik na nakakawala ng overthink.

 

Napalitan lahat ng thoughts ko ng…

 

Tang Orange Juice.

 


Medyo lasang orange yung halik niya?

 

Tang inumin mo!

 

Tongue.

 

Enter.

 

Command.

 

Swirly tongues.

 

Swirly, twirly, tongues.

 

4th anniversary.

 

I have a few surprises up ahead so I hope you’ll be ready for me :)

 

Teka, naalala ko bigla yung letter niya, sabi niya may surprise siya sa akin!

 

Kailangan ko din ibigay yung gift ko sa kanya!

 

“Babe…” Saglit akong humiwalay sa labi ni Karina pero parang hindi niya narinig yun at nagpatuloy lang.

 

Lumipat ang labi niya sa cheeks ko, sa jaw...

 

“Babe…ahh…” Mas lalo akong naapektuhan nung naramdaman ko ang mainit na halik niya malapit sa tenga ko at dahan dahang bumababa sa bandang leeg ko.

 

“Mhm?” Pag-acknowledge ni Karina sa tawag ko.

 

“Y-yung surprise mo…” Nanghihina ang resolve na sabi ko habang kumapit na ang mga daliri ko sa buhok niya, guiding her further down my neck.

 

“Ah that…” She on my skin.

 

Ah that, talaga. Susmaryosep.

 

Impit akong napaungol sa ginagawa niya.

 

She peppered my neck with hot kisses, exploring the expanse of it, , gently biting, killing me softly.

 

Naalala ko lang yung kanta.

 

“What do you want…” Mainit niyang bulong while she kissed my throat, her teeth softly scraping it.

 

“Huh?” Wala sa wisyo kong tanong pabalik, feeling all the sensations swirling and spreading throughout my whole body.

 

“I said, baby… what do you want.. this first or the surprise?” Pataas na ang mga halik ni Karina, she kissed me again on my chin, on my jaw, before capturing me full on the mouth.

 

“Nyenyurmray.” Muffled kong sagot while kissing her back, never wanting this moment to end.








 

Nagbato bato pick pa kami ni Karina kung sino ang mauuna magbigay ng gift.

 

Natalo ako!

 

Kaya ngayon, magkaholding hands kaming lumabas ng dorm habang hila hila ko siya papunta somewhere.

 

“Sest, san tayo?” Curious na tanong ni Karina na nagpapahila lang kung san ko man siya dadalhin. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.

 

“Dito lang, babe.” Sagot ko naman.

 

When I say dito lang, dito lang as in sa katabi lang na pinto ng dorm namin.

 

Sa katabing bahay kung saan nakatira ang aming landlady.

 

“Ate Luz! Si Winter ‘to, ready na po ba?” Pagkatakok ko sa pinto.

 

Ay jusko ayan na si Winter! Madali kayo, dali! Dali!

 

“Wait lang, hija!” Malakas na sigaw ni Ate Luz sa loob. Napatingin ako kay Karina at nakangiti lang siya sa akin.

 

I will really make her the happiest today.

 

“Okay, eto na kami!” Rinig namin na sabi ni Ate Luz, biglang bumukas ang pinto ng bahay nila at hinila kaming dalawa ni Karina papasok sa loob.

 

Madilim sa loob ng bahay nila.

 

“Ate Luz, nandun po sa likod ng bahay diba-”

 

Naputol yung sinasabi ko nung biglang bumukas ang ilaw at may malakas na nagpatugtog ng music.














 

I can keep a secret, could... you? ~


 

Napanganga na lang ako sa gulat nung biglang lumabas ang mga malilit na anak ni Ate Luz mula sa kurtina ng kusina nila at nagsasayaw dun sa maharot na music.



 

Got my mind on your body and your body on my mind ~


 

Got a taste for the cherry, I just need to take a bite ~



 

Nabitiwan ni Karina yung pagkahawak sa kamay ko at napahawak sa bibig niya.

 

Dun ko lang napansin na may mga hawak na color paper yung mga anak ni Ate Luz at may mga lettering na nakalagay na “Hapi Anubersari Ate Wentir and Ate Korina”

 

Ang lakas ng music sa loob ng bahay at todo bigay ang mga bata na paikot ikot habang nagsu-sway sway ng katawan.

 

Nakakaloka!

 

Napatingin naman ako kay Ate Luz at mukhang proud na proud naman siya sa mga chikiting niya.

 

Si Karina ay nakalabas na ang phone at mukhang tuwang tuwa na vini-video ang mga ito.

 

Nung natapos na ang sayaw ng mga bata, excited ang mga itong binati kami sa aming anniversary.

 

Nakita ko si Karina na lumapit dito at pinagyayakap ang mga iyon.

 

Speechless pa rin ako.

 

Lumapit ako kay Ate Luz. “Ate Luz…”

 

“Congrats sa inyo, sensya na ito lang gift namen, yung sa gift mo pala, punta na lang kayo dun sa likod ng bahay…” Sabi ni Ate Luz sa akin.

 

Niyakap ko na ang landlady namin. “Thank you, Ate Luz…”

 

Habang kausap ko si Ate Luz, napatingin ako kay Karina na kasama pa rin yung mga bata.

 

Umangat ang ulo niya at nagtama ang mga mata namin.

 

She gave me a shy smile tapos nag-iwas ng tingin.

 

Nilapitan ko yung mga little performers at ginulo ang mga buhok ng mga ito. “Ang galing sumayaw ah? Mamaya may ibibigay akong gift sa inyo…” Nagtalunan naman sila sa tuwa at niyakap pa ako sa bewang.

 

Nung napatingin ulit ako kay Karina, inabot ko ang kamay ko sa kanya, “Babe?”

 

Now, for my real gift.












 

Nakatakip ang kamay ko sa mga mata ni Karina habang inaakay ko siya sa likod ng bahay nila Ate Luz where lies my real surprise for her.

 

Yung pa-dance number ng mga anak ni Ate Luz, appetizer pa lang. Personal gift yun ng aming landlady for us na wala akong kaalam alam. Nakakatuwa din at sobrang na-appreciate ko yung thoughtful gesture niya.

 

Nag-enjoy naman din si Karina at nagsabi na first time niyang masayawan ng ganun.

 

“Sige, on 3 sest, tanggalin ko na ha.” Bulong ko sa tenga ng girlfriend ko.

 

“Dali na...” Inip pa niyang reklamo.

 

Tinanggal ko na yung pag-cover sa mata niya at hinayaan siyang pagmasdan yung regalo ko that I secretly spent countless hours making sa likod ng bahay ni Ate Luz.

 

“Baby, is that a…” Amazed na sabi ni Karina nung nakita na ito fully. Nilapitan niya yung malaking bagay na nakabalot pa ng gold na ribbon.

 

A wardrobe closet… that I built myself. I also painted it in blue, her favorite color.

 

Karina’s been wishing for one since last year, nauubusan na kasi siya ng space para sa lahat ng damit niya. Hindi naman kami makabili bili because of our hectic schedules and it’s a bit pricey kaya ayaw muna bumili ni Karina.

 

“Sest, this is so… ikaw gumawa nito?” Tanong ni Karina, her eyes glinting.

 

I nodded.

 

Alam ni Karina na sometimes I like making things... with my hand.

 

Nagsimula ang interest ko sa pagbuo ng kung ano ano nung 2nd year college.

 

Saka siguro napansin niya na medyo chuwariwap ng slight yung quality kaya nahulaan niya na gawa ko, hindi pa kasi ako sobrang kagaling noh!

 

Lumapit siya sa akin and gave me a kiss on my lips. “Thank you so much, baby. Bigla tuloy ako nahiya sa gift ko.”

 

Hindi ko pinansin yung sinabi niya at hinapit lang siya sa bewang, already looking at her lips. Pero mabilis lang siyang nakawala sa yakap ko at pumunta dun sa wardrobe at aktong bubuksan na ito.

 

Bigla akong kinabahan.

 

“Babe, saka mo na buksan yan…” Saway ko sa kanya.

 

Napatigil si Karina sa pagtanggal nung ribbon at nilingon ako, a small smile forming on her lips. “What? Bakit naman? What’s inside?”

 

Ang cheesy kasi ng mga pinaglalagay ko dun eh!

 

Makikipagbardagulan na sana ako sa kanya para madelay lang yung pagbukas niya nun pero that didn’t stop Karina.

 

With her expert and fast hands, nabuksan na niya yung wardrobe closet.

 

Gusto kong magtago sa hiya.

 

Inside it kasi, nakaprint at naka-decorate all over yung sandamakmak na pictures naming dalawa.

 

Hindi lang yun!

 

Nagprint din ako ng mga quotes mula sa mga books, movies, songs, na alam kong favorite ni Karina…

 

Eek!

 

Things I do for love.

 

Ewan ko ba.




 

“I would live alone for fifty years to have one day with you.”

- The Priory of the Orange Tree



 

“I love you.

What?

I love you. How many more times do I have to say it?

One more would be nice.

I love you... please. I love you.”

- Say Anything




 

“I've learned that love is about finding someone who pulls you to them even when reason might tell you otherwise. Someone who pushes you out of your comfort zone, not because of them doing or saying anything, necessarily, but because they make you want to try new things. They make you want to be daring, because maybe something new and scary doesn't feel quite as scary by their side.”

- Those Who Wait




 

“If it were me, If I were to answer,

I wanted it to be us.

Now, tomorrow, the days after.”

- Sterling Notebook




 

“Heaven, I'm in heaven

And my heart beats so that I can hardly speak

And I seem to find the happiness I seek

When we're out together, dancing cheek to cheek”

- Louis Armstrong


 

“Baby, these are all my favorites…” Mahinang bulong ni Karina.

 

Di naman ako nakasagot.

 

Pinagmamasdan ko lang si Karina na busy tingnan lahat nung mga naka-decorate sa loob.

 

Hanggang sa napadako yung tingin niya dun sa isang corner.

 

Shet.

 

Siningit ko yung personal message ko at hinalo ko dun sa mga quotes para hindi halata.

 

Nakita ko na yun na nga ang binabasa ni Karina.

 

She had this smile on while reading it.




 

“4 years… we’re in love and together. The rest of my days, I’m yours and yo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
0 points #1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
0 points #2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g