Melon and Gulaman Pt 1

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Happenings when Winter and Karina were still in college.


 

 

 

 

 

Winter


 

Naka-cross arms lang na pinapanood ko ang intermission ng katabi naming booth, pati na rin ang mga naghihiyawan na audience nito.

 

May pa dance number kasi.

 

Hindi ko rin ma-gets nung sinabi ni Karina sa akin kagabi ang tungkol sa magiging paandar ng booth nila ngayon.

 

Dapat nga hindi niya yung kinukuwento sa akin kasi technically, magkalaban ang booths namin pero syempre, wala naman kaming sinisikreto sa isa’t isa.

 

Sabi niya the best way to get customers daw is to get their attention, first thing.

 

Kaya ayun, nagtitinda lang sila ng Gulaman, may pasayaw sayaw pa silang nalalaman.

 

Wow, rhyming.

 

Si Karina lang ang pinapanood ko sa mga sumasayaw. Siya lang naman talaga yung kapansin pansin.

 

Karina, my best friend, has always been passionate about everything. Sa studies, sa football varsity, sa friends, family, at maski sa mga simpleng event kagaya nito.

 

She inspires me a lot at minsan nagra-radiate ang energy niya sa akin kaya naman I tend to fair well din on my own.

 

Now let me see the booty work, booty work

Booty, boo-boo-booty work

Booty work, booty work

Boo-boo-boo-booty work

 

Pero, ewan ko… parang hindi nagrub-off sa akin ang passion niya ngayon sa event namin sa program. 

 

Ang objective ay... to market local products. 

 

Magkahiwalay kami ng grupo ni Karina kaya ako ang naging leader ng booth namin.

 

Tiningnan ko yung sarili naming booth na kulang na lang ay alayan ng bulaklak sa sobrang peaceful at tahimik nito.

 

Wala ring pumipila para bumili.

 

Napatingin din ako sa katabi naming booth, which is yung kila Karina na halos umabot na ata dito sa amin ang pila habang ang mga students ay masayang nanunuod ng pa-gulaman dance number nila.

 

Bakit ba kasi Melon ang naisip naming ibenta?

 

Sana yung mas medyo hip at patok sa mga estudyante like Strawberry or Buko juice.

 

Currently, nilalangaw lang naman yung Melon booth namin.

 

Kasi naman nandun lahat sa Gulaman booth ang mga customers.

 

“Winter, ano na?” Worried ang look ni Ningning habang umiinom ng melon juice sa cup. “Wala pa tayong kalahati sa quota na sales for today.”

 

Sinamaan ko naman siya ng tingin nung mapansin kong umiinom siya ng Melon. May balak pa ata siyang ubusin ang products namin. Sobrang lugi na nga.

 

Parang nagets naman agad ito ni Ning na biglang napataas ang kamay na akala mo ay guilty. “Hoy, nagbayad ako para inumin ‘to!”

 

Napabuntong hininga na lang ako. 

 

O, diba ang sad?

 

Kami na nga yung nagtitinda, kami pa din ang customers.

 

Love your own, 'ika nga nila.

 

Narinig ko na naman ang malakas na hiyawan at nakita kong tapos na ang sayaw ng gulaman dance troupe. 

 

Nakita ko si Karina na napaharap sa akin, lumuwang ang ngiti, at humahangos na lumapit sa booth namin.

 

“Sest! How was it?” Nakangiting pagtanong niya sa akin.

 

Nung napagmasdan ko naman ang kaitsurahan niya, mabilis na kinuha ko agad yung towel ko sa bag. “Pawis na pawis ka naman, sest…” Kunot noong pagpuna ko, lumapit pa ako sa kanya at pinunasan na ang pawis sa kanyang noo. 

 

Karina just leaned in closer sa akin at hinayaan ako na punasan ang pawis niya. Nag-turn pa siya ng ulo sa side para maexpose ang kanyang leeg na parang sinasabi na punasan ko rin daw doon.

 

“Syempre, magaling kayo, ano pa ba...” Bulong ko habang nagfofocus na pinupunasan ang leeg niya. Given na yun, lahat naman kasi ng ginagawa ni Karina, magaling. Swerte lang talaga ng mga ka-grupo niya. Pinatalikod ko din na si Karina para mapunasan ko naman yung likod niya. 

 

Mahirap na matuyuan ng pawis.

 

In my peripheral vision, nakita ko si Ningning na exaggerated na humigop ng melon juice niya.

 

Napatingin si Karina sa punong punong container ng Melon juice namin. 

 

Tinitigan niya ako at minuwestrang lumapit sa kanya.

 

May binulong siya sa akin at pagkatapos nun ay kumindat pa. 

 

Natigilan ako. 

 

Hala….

 

Mabilis na hinalikan ako ni Karina on top of my head at nagpaalam na para bumalik sa booth niya. “Laters, sest baby…”

 

Ano daw? Zesto baby?

 

Sana pala Zesto na lang ang binenta namin.

 

Napatingin ako kay Ning at nakita ko siyang sumasandok na naman ng Melon sa cup niya. Pangalawang cup na niya yata ito.

 

Naisip ko yung binulong ni Karina.

 

“Ning, diba… may bluetooth microphone ka?” At that question, natigil si Ning sa pagsandok ng juice at nanlaki ang mata sa akin.

 

“Oo bes!” Excited na sabi ni Ning na binitawan yung melon cup at hinalungkat agad ang bag niya para ilabas ang kanyang most treasured bluetooth microphone. Alam kong lagi niyang dala ito kasi ang hilig niya mag free concert sa classroom kapag wala ang prof.

 

“Gusto mo bang.. mag-song number?” Alanganin na tanong ko. Hindi ko pa rin alam kung good idea nga ito.

 

Kumislap na ang mga ni Ningning. “Bes, pwede ba, sure yan? Oh my God, oh my God, kakapractice ko lang kagabi ng Aegis.”

 

Marahas ang paglingon ko sa kanya.

 

No, no, no. Hindi Aegis. Kailangan ko siyang pigilan habang maaga pa at bago pa niya magawa yung naiisip niya. “Ah, Ning.. parang hindi okay kung Aegis na song, need sana related sa booth natin. What if… Watermelon Sugar by Harry Styles? ” Pag-suggest ko. Yung kantang yun ang una talang pumasok sa isip ko. Parehas namang melon.

 

Pumasok din sa isip ko yung kanta sa Cocomelon, pero syempre wag yun.

 

Kumunot ang lahat ng facial features ni Ningning. “Ay, ayoko nun, ang baba masyado.”

 

Frustrated na napa-exhale ako. “Ning, di mo naman kailangan bumirit.” 

 

“Hay nako, ako na bahala, Winter!”

 

“Ning, yung Melon related sana…”

 

Hindi ko na napigil si Ning nung madaling pumunta na siya sa gitna at in-on ang bluetooth microphone niya. Malakas na nag-feedback ito kaya naman ay napatingin lahat ng estudyante sa kanya.

 

Nagclear pa siya ng throat bago confident na nagpose at sinimulan na ang kanta niya.

 

Gusto ko na lang magtago sa likod ng mga melon container namin sa sobrang hiya.

 

 



 

"Ayoko sana na ikaw ay mawawala

 

Mawawasak lamang ang aking…. melooooon ~ (tinuro ni Ning ang Melon booth namin)

 

Ngunit ano'ng magagawa kung talagang ayaw mo na?

 

Sino ba naman ako para pigilin ka?"

 

 



 

Malakas na naghiyawan ang mga estudyante sa paligid namin nung narinig nila ang mala-Aegis nga na pagbirit ni Ningning.

 

 

 


 

“Nasasaktan ako, oh beybe!

 

Sa tuwing nakikita ka

 

Naninibugho ako, oh beybe!

 

'Pag bumibili ka sa iba!”

 

 

 



 

Tinuturo pa ni Ningning ang mga estudyante na kasalukuyang nakapila sa ibang booth.

 

Nagulat naman ako at biglang kinabahan nung lumapit si Ningning sa akin at tinapat sa bibig ko ang bluetooth mic niya.

 

“Oh, chorus na, yung leader namin ang titira nito, let’s go, Winter!!!” Malakas na sigaw ni Ningning sa mic at ine-encourage na kumanta ako. 

 

Gusto ko siyang sabunutan non.

 

Napagawi rin ang tingin ko sa kabilang booth kung nasaan si Karina.

 

Nakangiti lang siya sa akin at tuwang tuwa na nag-thumbs up pa. “Go, sest!!!” Rinig kong pag-cheer niya.

 

Ano pa nga bang magagawa ko?

 

Inis na inabot ko yung bluetooth mic ni Ningning bago at pinukulan siya ng masamang tingin.

 

Napahinga ako ng malalim.

 

Sige, para sa sales today saka na rin sa grades ng group namin.

 

Nagsimula na akong kumanta.

 

 

 

 

 

 


 

“Ang… melon mo…. namimiss koooo!

 

Ang melon mo, namimiss ko!

 

Bakit iniwan mo akooooo?”

 

 

 


 

Nakakabingi yung palakpakan at hiyawan ng mga estudyante na nakapalibot sa amin.

 

Tuwang tuwa ata sila at parang ngayon lang nakarinig ng kanta na may melon sa lyrics.

 

Hay.

 

Kasalanan mo ang lahat ng ‘to, Karina.

 

Yung binulong niya lang naman sa akin kanina, “Pakantahin mo si Ning.”

 

Hindi ko naman in-expect na dahil don pati ako mapapakanta.

 

Pero mukhang effective naman.

 

Nagsimula ng magkaroon ng pila sa booth namin.





 

 

 

 

 

 

 

 

“Aray!” Reklamo ko nung naramdaman ko na may sumipa sa bewang ko.

 

Napatingin ako kay Karina, ang salarin, na nakatutok pa rin ang atensyon sa phone niya na ngiti ng ngiti at parang hindi yata napapansin na natatadyakan na niya ko.

 

Maya maya pa ay napasipa na naman siya habang nagtatakip na ng bibig sa pagpigil ng tuwa.

 

Aba't, may sa kabayo ata-

 

"Aray sest, ano ba yan?!" Kunot noong sabi ko.

 

Natigilan si Karina sa ginagawa niya sa phone at napatingin sa akin. "Ay, sorry, sest…"

 

Umangat ang katawan ko mula sa pagkadapa sa kama niya at nagpamewang. "Ano ba yang ginagawa mo?"

 

Kasakuluyang nandito kami ngayon sa kwarto ni Karina at gumagawa ng mga sandamakmak na homework.

 

Umiwas ng tingin si Karina sa akin at mabilis na in-off ang phone niya. "W-wala… Nagreresearch para sa homework natin."

 

Sus, di ako naniniwala. Kanina pa kaya siya ngiti ng ngiti.

 

Sino bang kachat nito?

 

"Patingin nga ng research..." Unti unti na kong lumalapit sa pwesto niya sa gilid ng kama.

 

Napahawak nang mahigpit si Karina sa phone niya at uumusog din palayo sa akin. “Sest, ano ba, tapusin na lang natin yung homework, pwede ba?”

 

Napatili si Karina nung sinunggaban ko na siya at inagaw ang phone niya. Successful kong nakuha ito. Gamit ang right hand ko ay bina-block ko ang pilit niyang pagbawi nito sa akin tapos yung left hand naman ay inuusisa ko na yung ginagawa niya sa kanyang cellphone.

 

Nasipa ako ng dahil sa kung ano man ito.

 

“Sterling Notebook…” Pagbasa ko sa title nung binabasa niya. Natigilan ako at tahimik na binabasa ang content nito. 

 

Ah, nagbabasa pala siya ng story.

 

Akala ko naman kung ano na.

 

Mabilis na nahagip ni Karina pabalik ang phone niya, umirap pa siya sa akin at mataray na nagsalita, “What about it?”

 

Nag-cross arms ako sa harap niya at napa-scoff. “Ah ha, nagbabasa ka lang pala diyan, samantalang ako busy gumawa ng homework dito, tumulong ka nga.”

 

Seryoso lang si Karina na kinuha at nagbrowse na ng textbook namin. “I can do this in 10 minutes, Minjeong.”

 

“I can do this in 10 minutes, Minjeong, nye nye…” Pag-mock na inulit ko ang sinabi niya. Umangat ang ulo ni Karina at nagtaas lang ng kilay sa akin.

 

“Oo nga, sabi ko nga.” Mabilis na pagbawi ko. 

 

Baka di pa niya ako pakopyahin eh.

 

Bumalik na ko sa pagsalampak sa kama niya na nakadapa.

 

Maya maya ay nagbounce ang kama at naramdaman kong ginaya na rin ni Karina ang position ko sa kama niya. 

 

Umakbay pa siya sa akin at hinila ako palapit. “I have a serious question, sest… and promise me na wag kang magagalit.”

 

“Ano yun?” Kumunot ang noo ko, aware na ko sa closeness namin at naamoy ko na ang scent ng gamit niyang lotion.

 

“Yung binabasa ko, well… sobra kasing nakakakilig.” Ngiting ngiti pa si Karina na parang inaalala yung mga scenes dun sa binabasa niya.

 

“So?” Bumalik ako sa pagbabasa ng libro, parang nararamdaman kong di ko magugustuhan ang takbo ng usapan pag ganito. 

 

Hinawakan ni Karina yung chin ko at pilit na hinarap ang mukha ko sa kanya. 

 

Napalunok ako sa lapit niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
0 points #1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
0 points #2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g