Can't Take My Eyes Off Your... Pandesal

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Song: Can’t Take My Eyes Off You by Frankie Valli


 

You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you

You'd be like Heaven to touch

I wanna hold you so much



 

Magkaharap sila Winter at Karina na nakaupo sa dining table at kumakain ng breakfast.

 

Pinagmamasdan lang ni Karina si Winter habang nagpapahid ito ng mayonnaise sa hiniwang pandesal.

 

Pagkatapos nito palamanan ang tinapay ay isasawsaw nito iyon sa mainit na Milo.

 

Napasunod si Karina ng tingin nung inangat ni Winter ang kamay at akmang isusubo na ang pagkain.

 

Nakanganga naman si Winter na biglang natigilan sa pagsubo nung napansin niyang nakatingin sa kanya si Karina.

 

Medyo napaangat ang kilay niya dito.

 

Hindi pa rin matinag ang pagtitig ni Karina.

 

“G-gusto mo ba..?” Tanong ni Winter sa girlfriend niya.

 

Hindi sumasagot si Karina at patuloy pa rin ang pagtitig kay Winter.

 

“Babe...?” Pagtawag ni Winter. “Sabi ko gusto mo ban-”

 

“Ikaw ang gusto ko.” Mabilis na sabi ni Karina.

 

Napakagat na lang ng pandesal si Winter.



 

 

At long last, love has arrived

And I thank God I'm alive

You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you



 

 

Nagwawalis si Winter ng sahig sa dorm habang si Karina ay nakaupo at nanunuod ng TV.

 

Napatingin si Winter sa TV at natuwa siya nung makita na Detective Conan ang palabas, favorite nila iyon ni Karina panoorin simula pa nung mga bata sila.

 

“Sest, yan ba yung episode na-” Natigilan si Winter sa pagsasalita nung nilingon niya si Karina.

 

Hindi ito nanunuod ng TV.

 

Nakatingin lang ito sa kanya.

 

Naka-dekwatro.

 

Nakapatong ang siko nito sa armrest ng couch at nakahawak ang daliri sa lips.

 

Binalik ni Winter ang tingin sa sahig.

 

Nag-focus siya sa pagwawalis.

 

Sweep here… sweep there… sweep everywhere.


Swiper, no swiping!

 

Napa-pause ulit siya nung di niya namalayan na nagwawalis na pala siya malapit sa couch na inuupuan ni Karina.

 

Napalunok siya nang mapansin ang suot nito.

 

Naka-simpleng t-shirt lang ito at maikling shorts.

 

Nung nag-angat siya ng tingin, nakatitig pa rin ng mataman si Karina sa kanya.

 

“Dito pa sa ilalim.” Sabi ni Karina tinuro yung ilalim ng couch na inuupuan nito. Di naman nakaligtas sa pandinig ni Winter ang mababang boses na gamit nito.

 

“O-oo nga.. wait lang.” Tarantang sagot niya.

 

Yumuko na si Winter para walisin yung ilalim ng couch pero na-didistract siya sa legs ni Karina na nakaharang.

 

Napapatingin na lang tuloy siya dito.

 

Nag-clear ng throat si Karina.

 

Napakurap si Winter at mabilis ang inalis ang tingin dito. 

 

Bumalik siya sa pagwawalis.

 

Just keep swimming….

 

Nung palihim siyang nagnakaw ng sulyap kay Karina, nakita niyang nakangisi ito sa kanya at nakataas ang isang kilay.

 

“After that.. dito ka sa tabi ko.” Pinat ni Karina yung space ng couch sa tabi nito. “Nuod tayo.”

 

Di nakaimik si Winter sa suggestive na pagkasabi ni Karina non.

 

Asan na ba yung mga dumi… come out!

 

Wawalisin ko kayo lahat.




 

 

Pardon the way that I stare

There's nothin' else to compare

The sight of you leaves me weak

There are no words left to speak





 

Kakatapos lang nila mag-practice ng mga drills sa soccer.

 

Pumunta lahat ang team sa bleachers para uminom ng tubig.

 

Sa tabi ni Karina, ang lakas ng reklamo ni Winter. “Ang init! Selle, may pamaypay ka ba?”

 

“Meron.” Sagot ni Giselle.

 

“Pahiram nga.” Sabi ni Winter, halata ang irita sa mukha dahil sa init.

 

“Nasa bahay.” Bored na sagot ulit ni Giselle.

 

Tahimik lang na nakaupo at umiinom si Karina ng baon na bottled water, hinihihingal pa din siya. 

 

Ang lala at intense lang ng practice nila.

 

Dumagdag pa yung init ng panahon.

 

Nilalagok na niya yung tubig nang bigla bigla na naman magsalita si Winter.

 

“Pwede ba maghubad?” Tanong nito at walang pasitanbing inangat nga ang suot na damit.

 

Muntik na mabuga ni Karina ang iniinom nung nakita niyang naka-sports

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
0 points #1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g