Have I Told You Lately?

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Karina


 

Alam ko naman na sa isang relasyon, hindi lang puro saya.

 

It’s true when they say, “it’s not always rainbows and butterflies”.

 

May mga araw din na ang bigat bigat lang.

 

Umiiyak ngayon si Winter.

 

Nandito kami sa living room sa dorm at nakaupo sa sahig.

 

Nakatakip lang siya ng mukha at nakasubsob sa tuhod niya habang mahinang humihikbi.

 

Ako naman ay tahimik na nakaupo lang sa tabi niya habang marahan na hinahaplos ang kanyang likod at pilit siyang pinapatahan.

 

I made a wrong decision earlier.

 

Nakita ko kasi yung shared photo album naming dalawa nung high school habang naglilinis ng kwarto and I was so excited to show it to Winter.

 

I brought some memorable stuff with me in the dorm because there are times that I just wanted to have a trip down memory lane.

 

This is just one of those things.

 

Kung ano ano lang naman pinaglalagay namin dun, mostly pictures of us, the places we went to, and the things we used to love.

 

Pareho kaming tumatawa dun sa isang picture naming dalawa sa amusement park habang nakaturo siya sa akin na parang nang-aasar at ako ay nakaupo sa floor na mukhang badtip at kinukwestyon ang mga desisyon sa buhay.

 

Kakatapos lang namin nun sumakay sa roller coaster at hindi maipinta ang mukha ko pagkatapos. I swore not to ride that thing again.

 

When we switched the page of the album… parehas kaming natigilan at nawala ang ngiti sa labi.

 

Kabadong lumingon ako kay Winter at nakita ko ngang nag-iba na ang timpla ng mood niya.

 

Hanggang sa umiwas siya ng tingin dun sa picture at kumurap kurap ang mata na parang nagpipigil ng iyak.

 

"Baby…" Mahinang pagtawag ko sa kanya.

 

That did it.

 

Tumalikod na si Winter sa akin at nagtakip ng mukha. Medyo umuuga uga na rin ang balikat niya.

 

Umiiyak na na nga siya.

 

I sighed.

 

I shouldn't have shown this to her.

 

It was a picture of Rin.

 

Si Rin… it was her pet goldfish back when we were young.

 

Yung nakita naming picture was me happily pointing to Rin habang ito ay nasa maliit na aquarium.

 

Winter took the photo.

 

It was my gift to Winter back then.

 

She named it "Rin" after me.

 

Tapos, after ilang months… it died.

 

Naalala ko pa nung tumawag siya sakin dati na nagpapanic, "Sest… minsan ba lumulutang sa ibabaw yung goldfish? Okay lang naman ‘to diba?"

 

She was so devastated and in denial when it died.

 

Sabi niya, gift ko daw kasi yun tapos hindi niya naalagaan ng mabuti.

 

Hanggang ngayon di pa rin yata siya moved on.

 

"Sest…" I leaned my head on Winter's shoulders and caressed her thighs softly. "Don't cry…"

 

"Hindi ako umiiyak…" Kontra niya habang humuhikbi pa.

 

"Anong tawag diyan?" I faced her and put my chin on her shoulders.

 

Nagpahid na siya ng luha at humarap na rin sa akin.

 

Winter had this tough-act before when we were still just best friends.

 

Ayaw na ayaw niyang pinapakita sa akin na umiiyak kaya lagi niya lang patagong ginagawa iyon kahit alam ko naman.

 

Now that we’re together… she was openly being vulnerable to me and I love it.

 

Hindi sa gusto kong nakikitang umiiyak siya.

 

I just like that she’s so open to me now.

 

She’s just too cute sometimes.

 

She’s much more of a crybaby than me.

 

“Miss ko lang si R-rin…” Napakagat siya ng labi.

 

“I’m sure Rin is happy kung nasaan man siya… nasa Heaven na siya, I think.” Pag-comfort ko. Inangat ko din ang kamay ko para punasan ang umagos na luha niya sa pisngi.

 

“Ocean Heaven…” Sabi lang ni Winter at mahina na siyang tumatawa.

 

“Yeah…” Natawa na rin ako at binigyan siya ng kiss ng lingering kiss sa cheeks bago ko siya pinagmasdan.

 

My baby… I swear.

 

Kinuha ko na ulit yung photo album at muling nag-browse.

 

Ako na muna ang titingin dahil baka mamaya may picture na naman ni Rin dito.

 

Pagkalipat ko, natigilan ako sa nakita.

 

Hindi ko inexpect na makita ang picture na ito dito.

 

I was washed away with so many emotions.

 

Curious na tumingin si Winter sa photo album at nakita ko siyang ngumiti, “Oh, si Minny-”

 

Napalingon ako kay Winter.

 

Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko.

 

Takang napalingon siya pabalik sa akin at nung nakita niya ang expression ko, biglang nanlaki ang mata niya at nag-panic.

 

“Sest…” Mahinang pagtawag sa akin ni Winter.

 

Wala na.

 

Hindi ko napigilan ang sarili ko at may tumulong luha na rin sa mata ko.

 

Mabilis akong niyakap ni Winter.

 

“Shhh…” Pag-alo niya habang hinihimas himas na rin ako sa likod.

 

Mas lalo lang napalakas ang iyak ko sa ginawa niya.

 

Si Minny.

 

My Minny….

 

My cat who was with me for 8 years.

 

Napulot namin ito ni Winter nung baby pa and we decided to adopt it since wala namang nagmamay-ari.

 

Inalagaan namin yun parehas but it was staying with me at my house.

 

I named it “Minny” since it was close to Minjeong’s name.

 

When my cries turned into sobs, narinig kong umiyak na din si Winter sa balikat ko.

 

Parehas na kaming umiiyak ngayon dito sa sahig.

 

In this relationship, there are sad times indeed.









 

When I said to Winter na hindi ako nagseselos kay Patricia over that one picture that they were together… it was true.

 

I wasn’t jealous.

 

It was just a picture, why would I be jealous?

 

But seeing it in real-time action was a bit different.

 

Nandito ako ngayon sa library kasama si Giselle and not that far from where we are, nakita ko si Winter kasama yung mga blockmates niya sa isang table.

 

Nagtext siya sa akin na nagrereview daw sila dito sa Lib for finals.

 

Hindi naman sa sinusundan ko siya pero napadaan din kami ni Giselle dito to research for something.

 

I didn’t expect what I’m seeing right now.

 

Magkatabi si Winter and that girl… and they were so close to each other.

 

Naka-lean pa si Patricia over Winter’s shoulders and it looked yung chin niya ay nakapatong sa balikat ni Winter.

 

Nakikita ko pa siya minsan na lumilingon kay Winter and her face would be so close…

 

I squinted my eyes at them.

 

Iba rin yung nanuot na pakiramdam sa akin.

 

Something ached within my chest.

 

That’s my baby…

 

The fact na alam kong may gusto din si Patricia sa kanya.

 

Pinipigilan ko lang yung sarili kong lumapit sa kanila.

 

It’s fine, it’s fine, it’s fine.

 

“Rina, di ko mahanap yung book - ay, shet.” Napatigil si Giselle sa sinasabi niya nung nakita niya kung saan ako nakatingin.

 

Nagulat na lang ako nung biglang naglakad ng mabilis si Giselle at pumunta sa direksyon kung nasaan sila Winter.

 

Napasunod na lang ako dahil baka kung ano pa ang gawin niya.

 

Nakita ko ang medyo marahas na pagtapik ni Giselle kay Patricia, gulat namang napalingon si Patricia dito.

 

Nakita kong nanlaki rin ang mata ni Winter sa gulat nung bigla niyang makita si Giselle.

 

Humila pa ng upuan si Giselle at umupo sa gitna nila Winter at Patricia.

 

“Ang saya niyo naman. Anong nirereview niyo? Yung four seasons… ba? Ikaw, Pat? Nasan ka na? Nasa Winter ka na ba?” Nakatukod ang isang kamay ni Giselle sa table tapos nakaharap kay Patricia. Nakangiti pa siya na parang nangungutya.

 

Nakita kong nakakunot lang ang noo ni Winter kay Giselle tapos luminga linga na siya sa paligid na parang may hinahanap.

 

Nung lumingon siya sa likod, nakita na niya ako.

 

Pansin ko agad ang pagliwanag ng mukha niya.

 

Narinig ko rin ang pagpapaalam niya sa kanyang blockmates, “Guys, balik ako mamaya.” Kinuha na niya ang bag niya at mga librong nakakalat sa table.

 

Pa-jog siyang lumapit sa akin na ang ganda ng ngiti. “Sest... san ka?”

 

Napatingin ako kay Giselle at kumindat lang ito sa akin. Nakita ko rin yung kamay niya sa ilalim that she was motioning me to go ahead.

 

I nodded at her and mouthed my silent thanks.

 

“May niresearch lang kami ni Selle.” Nagsimula na akong maglakad palabas ng library.

 

Nakasunod lang sa akin si Winter.

 

“Ahh. Anong trip nun si Selle… bigla bigla sumisingit.” Winter was giggling beside me.

 

Lumingon lang ako sa kanya saglit pero hindi muna ako nakasagot.

 

“Kain tayo?” Winter linked her arms with mine.

 

I just nodded.

 

Papunta na kami sa cafeteria.

 

Medyo… wala pa rin ako sa mood.

 

Ang hirap lang ibalik.

 

Kumunot ng slight ang noo ni Winter at curious na pinagmasdan ako.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g