What Lovers Do

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: What lovers do… neighbor’s edition.






 

Karina

 

I keep on sighing habang tinutulungan ko si Winter ayusin yung mga gamit niya sa kanyang luggage.

 

2 nights lang yun, Rina. You can do it.

 

“Ilang days ulit kayo dun, babe?” I asked Winter again, wishing na baka nabago yung dates.

 

Nag-buffer pa siya bago sumagot. “Hmm… 4 days 3 nights.”

 

Ugh. Mas matagal pa pala.

 

Bakit ngayon pa lang namimiss ko na siya agad?

 

“San san nga ulit kayo pupunta?” Tanong ko habang nilalagay yung Tong sa bag ni Winter. Wait.. bakit may Tong dito?

 

“Sa Enchanted Kingdom.” Excited na sagot ni Winter.

 

Napamaang ako. “4 days kayo sa Enchanted Kingdom?!”

 

“Hindi, babe.. kasama lang yun sa mga places na pupuntahan namin.” Sagot ni Winter na nakita kong may sinisiksik na Eden Cheese dun sa bag niya.


Sinundan ko yun ng tingin. “Magluluto ba kayo dun?”

 

Nginitian lang ako ni Winter. She looked excited about this whole Tagaytay org assembly trip ng block nila. 

 

Parang wala siyang iiwan dito eh.

 

She waggled her eyebrows to me. “Just in case lang. Baka mag-barbeque party daw kami eh…” 

 

I knew I was already sulking nung medyo padabog na nilagay ko sa bag niya yung.... yung mga McCormick spices namin. 

 

She brought two, three… five.

 

Napagawi yung tingin ko kay Winter na naghuhum pa habang inaayos ang mga gamit niya.

 

She looked really happy.

 

I automatically smiled at the sight despite the heavy feeling na mamimiss ko siya starting tomorrow.

 

I’m just happy if she’s happy.

 

I knew I was also overreacting, it’s just 3 nights. 

 

It’s not that long.

 

But still...

 

Lumipat ako ng pwesto sa tabi ni Winter at pinatong ang ulo ko sa balikat niya. “Have fun there…” I told her while I mindlessly played with the strap of her bag.

 

Winter quickly kissed me on top of my head. “Of course babe, mag-sesend ako ng pictures.” 

 

I nodded. Pictures. Okay. “Ingat ka dun… wag ka masiyadong… ano ba yun? Maligalig.” Isa pa that I’m worrying about. Makulit kasi si Winter. I just know she would run around na parang batang nakawala. Lalo na kapag kasama niya si Ningning.

 

“Of course, babe.” Sagot ulit nito.

 

Kanina pa ‘to of course babe ng of course babe. 

 

Inangat ko yung ulo ko and I gave her a stern look.

 

Nawala yung ngiti ni Winter nung napalingon sa akin. Nagtataka siyang nagtanong. “Bakit?”

 

“Come here.” I gestured for her to come closer and face me. Umusod naman siya agad and we’re now sitting face to face habang nakacross-legs kami parehas.

 

“I’m serious… wag kang makulit don.” I added na parang nagbibilin sa isang 5-year old. I couldn’t help it sometimes… she’s always been my baby. “Ibibilin kita kay Ningning… wait no, not Ningning. Anong name nung classmate mo… yung dean’s lister?” I snapped my fingers habang inaalala.

 

Winter held both of my cheeks. “Babe. Don’t worry, okay? Behave ako, promise.”

 

Hinawakan ko yung kamay ni Winter holding my face and interlocked it with mine. I sighed again. “Fine. Sorry. Ang OA ko.” 

 

Hinapit na ako ni Winter for a hug. She whispered to my ears. “Ikaw ang mag-behave dito, babe. Sige ka, magagalit si Curse of La Llorona.”

 

Hinampas ko si Winter sa balikat habang siya naman ay tawa ng tawa. 

 

Pinalibot ko na yung kamay ko sa leeg niya and pulled her much closer to me. I buried my face on her neck. We were quietly holding each other for a while.

 

“Mamimiss mo ko nyan?” Winter asked, a hint of teasing tone in her voice.

 

I huffed a breath at hindi ko siya sinagot.

 

Lumayo sa akin si Winter at pinagmasdan ang mukha ko. She playfully squinted her eyes at me.

 

My shoulders slumped at kinuha ko yung isang kamay niya at nilaro laro yun. I couldn’t voice out my frustration. I know I shouldn’t be like this but… hindi ko maiwasan.

 

“Ano pa ba… ikaw nga yung parang hindi makakamiss.” Naka-pout na sabi ko sa kanya.

 

Winter pulled me again for a hug habang hinihimas himas yung likod ko. “Ey, sest naman.. I miss you nga ngayon pa lang.”

 

I beamed at her. “Really?

 

“Oo nga… babe! Dalhin ko ba yung griller natin?” Tanong niya.

 

“Dalhin mo…” Pa-whine na sabi ko.

 

See, mas excited pa siya dun sa pa-barbeque niya…

 

“Ikaw, dalhin din kita? Kasya ka pa sa bag ko, babe..” Nakangising sabi ni Winter sa akin.

 

“Baliw…” Sabi ko but then Winter pulled me close and gave me repeated pecks on my lips habang kumakanta pa siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang amused na ginagawa niya yun.

 

“One.. you’re like a dream come true.” Peck on my lips. “Two, just wanna be with you…” Peck again. “Three… girl it’s plain to see that you’re the only one for me and four… nakalimutan ko ang lyrics, babe ano sunod dun?” 

 

Hinapit ko na siya palapit sa akin at hinawakan ko ang kanyang jaw. “Four… I am number four.” Bago ko siya tuluyang hinalikan.


 

 

 

 

 

 

 





 

Winter

 

Nung nakasakay na kami sa bus dun lang nag-sink in ang lahat. Napalingon ako sa bintana at sinulyapan ang Mcdo kung saan naiwan ko si Karina.

 

Gumising talaga siya ng 4am para ihatid ako sa meeting place namin kahit sabi ko sa kanya  na kaya ko na mag-isa, nagpumilit pa rin siya. 

 

Masyado akong excited sa trip na ‘to at aga ko pang natulog kagabi.

 

Pero ngayon parang ang bigat na ng pakiramdam ko.

 

Bigla akong nalungkot.

 

“Oh, ba’t ganyan mukha mo?” Tanong ni Ningning sa tabi ko.

 

Hindi ko siya sinagot.

 

Napabuntong hininga ako ng malalim.

 

“May plastic ako dito... kung masuka suka ka. Meron din akong Bonamine. Let me know lang.” Sabi pa ni Ningning, na tinuturo yung mga plastic na nakalagay sa pinakaunahan ng bag niya.

 

Tumango lang ako sa kanya.

 

Hindi naman ako nahihilo sa sasakyan pero mabuti na rin yung handa siya.

 

Kinuha ko yung cellphone ko at chinat si Karina.


 

Winter: Miss na kita agad…


 

Mabilis naman ang reply niya. 


 

My Pepita: I miss you more. Ingat kayo.

 

 

Ano ba yan, gusto ko tuloy umiyak!

 

“Winter, naiihi ako.”

 

Mabilis ang paglingon ko kay Ningning. “Bakit di ka kasi nag-CR bago umalis?”

 

“Di ko naman ‘to nararamdaman kanina.” Seryosong sabi sa akin si Ningning.

 

Kakaalis pa lang ng bus namin. Hindi pa kami sobrang nakakalayo from the meeting place. “Pwede pa naman sigur-”
 

“Kaya namang pigilan.” Confident na sabi niya at nag-thumbs up pa sa akin.

 

Tiningnan ko siya na may halong duda. “Sure ka?”

 

Tumango lang si Ningning sa akin.

 

Okay...

 

Tumingin na ulit ako sa bintana.

 

“Ma’am!!! Pwede po mag-CR muna?!” Malakas at parang maiiyak na sabi ni Ningning sa tabi ko.

 

Nagulat naman ako at napalingon ulit sa kanya. 

 

Akala ko ba….?

 

Hay, sabi ko na nga ba eh...

 

Wala namang nagawa yung prof namin kaya nag U-turn na ulit yung driver pabalik ng meeting place kanina.

 

Bigla akong nabuhayan ng loob.

 

Wait, baka nandun pa si Karina!

 

Excited na sinamahan ko si Ningning na bumalik sa Mcdo.

 

Luminga linga ako sa paligid at sobrang tuwa ko nung makita ko si Karina na nakaupo dun sa isang table at may hawak na coffee.

 

“Sest!” Masayang pagtawag ng pansin ko sa kanya.

 

Nanlaki ang mata ni Karina na tumingin sa akin. “Babe? Ba’t kayo bumalik?”

 

Natawa ako at nagkibit balikat. “Ano pa, Si Ningning… need daw mag-CR. Pinabalik niya yung bus.”

 

Natawa naman ng mahina si Karina.

 

Tinitigan ko lang siya.

 

She looked so pretty wearing only a simple shirt.

 

I’m yearning for her so much… not even a day has passed.

 

Nakatingin lang din siya sa akin habang pinapaikot yung cup ng coffee niya.

 

Mabilis na hinawakan ko ang kamay ni Karina at hinila siya patayo.

 

Naguguluhan naman na sumunod lang sa akin si Karina. “B-babe-”

 

Dinala ko siya sa labas ng Mcdo.

 

Dun sa may likod… sa walang tao.

 

Marahan na tinulak ko siya sa may wall.

 

Hinawakan ko ang mukha ni Karina at siniil siya ng halik.

 

Sorry, babe…

 

Kailangan ko ng baon.

 

Parang nagulat naman si Karina sa ginawa ko pero gumanti na lang din siya ng halik. 

 

Maya maya at naramdaman ko na ang paghawak niya ng madiin sa balikat ko at mahinang tinutulak ako palayo.

 

“Babe… baka hanapin ka na.” Humihingal na sabi ni Karina sa akin.

 

“10 seconds..” Bago ko pa hinawakan muli ang kanyang jaw at madiin ko siyang hinalikan.


 

 

 


 

Nakangiti na ko habang nakatingin sa bintana pagkabalik namin sa bus.

 

Nag-vibrate ang cellphone ko at automatic na kinilig ako nung nakita ko ang message galing kay Karina.


 

My Pepita: What a goodbye kiss… I’m missing you more tuloy.


 

“What a goodbye kiss... I’m missing you more tuloy. Pota.” Rinig kong sabi ni Ningning sa tabi ko. Nakikibasa na pala siya ng message. Mabilis na nilayo ko yung cellphone ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

 

“Ang harot niyo… ew, nagmake out pa kayo kanina noh?” Pag-aakusa ni Ningning.

 

“Hindi ah.” Pag-deny ko.

 

“Ulul, tingnan mo yang lipstick mo.” Tinuro niya yung labi ko.

 

Napahawak naman agad ako sa labi ko at tiningnan agad yung reflection ko sa phone. 

 

Yung lipstick ko, medyo burado na nga.

 

Ano ba… bakit kinilig ako?

 

Nginitian ko lang ng pang-asar si Ningning habang inaayos ko yung lipstick ko.

 

May naiisip na kong message pang harot kay Karina.

 

Feel ko ang cool ko kapag sinabi ko ‘to.


 

Winter: Babe, you ruined my haskdhaksdl;;d


 

Nagulat ako nung malakas na hinampas ni Ningning yung braso ko at excited na tumuro sa bintana. Ako kasi yung nasa window side kaya naman grabe siya kung maka-lean sa akin pag may nakikita sa labas.

 

“Winter, tingnan mo, may baka!” Tili ni Ningning.

 

Inis na tumingin ako sa bintana. 

 

Anong baka?

 

Wala namang baka.

 

Grr.

 

“Practice lang! Andoks lang yun..” Natatawa pa na sabi ni Ningning. “Pero mamaya, makakakita tayo ng totoong baka diba?”

 

Gigil na tiningnan ko si Ningning.

 

Ipapakain ko ‘to sa baka eh!

 

Teka, yung tinetext ko!

 

, nasend ko pala.


 

Winter: Babe, you ruined my haskdhaksdl;;d

My Pepita: I ruined your what? ;)



 

Hay, nakakainis si Ningning.

 

Ma’am pwede po makipagpalit ng seatmates?


 

Winter: Sorry babe. Sabi ko you ruined my lifekguasda87daius



 

Nagulat ako ako kasi malakas na inalog na naman ni Ningning yung balikat ko.

 

“Ning, ano ba-

 

“Winter, bilis, yung plastic!”

 

Takang nilingon ko siya.

 

Yung itsura niya.. mukha siyang ewan.

 

Bigla akong kinabahan sa kinikilos niya.

 

Para siyang maduduwal.

 

Anong plastic?

 

“Winter, nasusuka ako.”

 

!

 

Yung plastic na sinasabi niya kanina!

 

Taranta at nagmadali ako na hinanap yung bag niya.

 

“Uwok, uwok…” Paduwal duwal na sabi ni Ningning na nagtatakip na ng bibig.

 

Mabilis na nahanap ko yung plastic na sinasabi niya at tinapat yun sa bibig niya.

 

Napapikit na lang ako.

 

Ano po bang parusa ito?

 

Wala pa nga kami sa kalahati ng byahe….



 

My Pepita: I ruined your life? :o




 

After nung disaster, tahimik lang akong nakatingin sa bintana.

 

Ayoko muna kausapin si Ningning.



 

Winter: No, babe. Ningning ruined my life.



 

Napatingin muna ako sa katabi ko bago ko isend ang next message.

 

Nakapikit lang si Ningning at mukhang natutulog na. Good. Keep it that way. 

 

Uminom na rin siya ng Bonamine na dala niya. Para pala sa kanya yun. Ino-offer niya pa sa akin kanina.

 

 Ininom niya din yung tubig ko kasi wala daw siyang dala.




 

Winter: You… you ruined my lipstick.

My Pepita: What happened sa inyo ni Ning?

My Pepita: And ohh.. that… ;)

My Pepita: I can still taste you

 


 

Namula at nag-init naman ang pisngi ko sa nabasa ko.



 

Winter: Haha

My Pepita: Haha lang?

My Pepita: Hahalikan kita diyan eh

Winter: Stop... mas lalo kita namimiss :(


 

 

Napapangiti na lang ako sa cellphone nung naramdaman ko na may nilagay si Ningning sa tenga ko.

 

Yung isang airpods niya.

 

Takang nilingon ko siya.

 

Ano na naman bang-

 

“Share tayo music…” Sabi ni Ningning.

 

Okay.

 

Yun lang pala.

 

Fine.

 

Pinakinggan ko na yung music na tumutugtog sa airpods niya.

 

Teka…

 

Teka.

 

“Ikaw ba toh?” Kunot noong tanong ko sa kanya

 

Kaswal lang na nilingon ako ni Ningning. “Song covers ko yan, baket?”

 

Napasandal na lang ako at napabuntong hininga habang pinapakinggan ko yung mga recordings ni Ningning...

 

Hay.


 

And if in the moment I bite my lip

Baby, in that moment, you'll know this

Is something bigger than us and beyond bliss

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
0 points #1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
0 points #2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g