I Speak All The Love Languages

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: May nabasa si Winter about sa 5 love languages pero parang mali ang interpretation niya.



 

Winter - present

 

 

Okay din ‘tong 5 love languages ah.

 

Gusto ko ma-try!

 

Ano kayang pwedeng language ko ngayon?

 

Hmm, espanyol.

 

Char!

 

Sabi dito sa article, it’s a secret daw to a love that lasts.

 

Huy, kinikilig ako.

 


Wait for me, babe.

 

 

 

 

 

 



 

Day 1: Words of Affirmation

 

“Good morning, babe.” Bati ko kay Karina habang umupo na sa dining table. Inaabangan ko yung pinapakuluan niyang noodles para sa almusal namin.

 

Humikab naman si Karina, nagkusot ng mata, at tumango lang sa akin. 

 

Meron akong agenda today at yun ay to implement my first love language, words of affirmation.

 

I plan na yan ang focus ko ngayong araw.

 

“Ang ganda mo naman.” Pag-compliment ko sa girlfriend ko. Hindi ko lang ‘to sinasabi kasi dahil sabi dun sa nabasa ko ha, pero she really looks good kahit sa umaga.

 

Hindi ko alam kung normal pa ba siya dahil sa kagandahan niya.

 

Buong buhay maganda? May sa engkanto ata. 

 

Saka hanggang ngayon, nahihiwagaan pa rin ako kung saan siya pinaglihi.

 

Sabi ng mama ko, ako daw ay pinaglihi sa sama ng loob.

 

Grabe siya noh!

 

Pero teka, ang tagal naman yata maluto ng noodles ko.

 

Feeling ramen ah. Lucky me lang naman.

 

“Mhm.” Tinatamad na pag-acknowledge ni Karina sa akin. Mukhang inaantok pa siya. Humihikab ulit siya habang hinahalo halo yung noodles.

 

“Galingan mo.” Pag-cheer ko. Oo, kailangan yun ng mga noodles para mabilis lumambot.

 

Minsan nga, sinasabihan ko yung fried chicken kapag nagpi-prito ako, “Go manok, alang ala sa mga pamilya mong buhay pa.”

 

Nakita ko naman na kumunot ng slight ang noo ni Karina at napatingin sa akin.

 

Maya maya pinatay na niya ang induction cooker at naghanda ng dalawang bowl para sa aming dalawa.

 

Excited na kong kumain!

 

Ano bang noodles 'to wala man lang itlog-

 

Napatigil ako nung naalala ko ulit yung binasa kong article about sa love language na words of affirmation. 

 

Compliments, words of appreciation, verbal encouragement…

 

Walang nakalagay na complain so wala akong karapatan mag reklamo.

 

“Ang sarap mo magluto ng noodles babe kahit walang itlog. Yung sabaw lang… parang yung mga libre dun sa karinderya pag bumili ng ulam. Pero ang sarap.” Sabay higop ko ng sabaw ng noodles mula sa bowl.

 

Nakita kong napatigil si Karina sa pagsubo ng kutsara at tinitigan ako. Tumaas pa ang isang kilay. “Edi sana hindi mo kinalimutan bumili ng itlog sa grocery diba.”

 

“Ah hindi. Okay lang naman, babe.” Ngumiti ako at nagthumbs-up pa sa kanya.

 

Bumalik na lang ulit si Karina sa pagkain at hindi na ako pinansin.

 

After ng ilang minutong katahimikan, “Babe, I love you…” banggit ko.

 

Napabuntong hininga si Karina at binaba ang kutsura niya. "Kanina ka pa ha. May kasalanan ka ba sa akin?"

 

"Bawal mag-I love you?" Paamang na sagot ko habang sinisimot yung noodles sa bowl.

 

"Winter… kinuha mo na naman yung SD card ko sa phone noh." Pag-aakusa ni Karina.

 

Kinabahan naman ako at napalunok.

 

"Winter, sabi ko wag mo kukunin ulit yun eh. Ba't ba hindi ka na lang bumili ng bago? Ibalik mo yun mamaya." Nakasimangot na sabi ni Karina at bumalik na ulit sa pagkain.

 

Naku po, lagot na.

 

"Babe, kailangan ko lang kasi kagabi eh…" Sabi ko na lang. Totoo naman kasi.

 

Hindi lumilingon sa akin si Karina.

 

Ang taas kasi ng size ng bagong update ng COD. 

 

Ubos na memory ko.

 

"Babe…” Mahinang pagtawag ko kay Karina.

 

“Level 602 na ko sa Gardenscapes. Dahil tinanggal mo SD card ko, nawala na naman yun. Ulitin mo yun.” Inubos na ni Karina yung noodles niya, nilagay ang bowl sa sink, at dere derechong umalis.

 

Juskopo.

 

Napahamak pa.

 

Effective ba talaga ‘tong Love Language kuno na ‘to?



 

 

 

 

 

 

 

 


Day 2: Acts of Service 

 

Kasalukuyan akong naglalaro ng Gardenscapes sa phone ni Karina.

 

Ano ba ‘tong laro na to!

 

Isa pa at malapit ko na ‘tong i-uninstall-

 

“Oh, anong level mo na?” Narinig kong tanong ni Karina habang nagbabasa ng libro sa tabi ko sa kama.

 

Hindi ako sumagot.

 

“Babe, ano ngang leve-”

 

“Five.” Mahina at impit na sagot ko habang nakasimangot.

 

Narinig ko ang pag-mock na tawa ni Karina. 

 

Nilingon ko siya at naka-smirk nga siya sa akin.

 

“597 levels to go.” Bored na sabi nito at tinuon ulit ang pansin sa libro.

 

Nag-try ulit ako maglaro. Narating ko ang level 8 pero after nun nag-give up na ko. Napabuntong hininga ako at binaba ko na yung phone.

 

Naalala ko yung focus kong love language ngayon.

 

Acts of service.

 

“Baby, gusto mong massage?” Biglang tanong ko kay Karina.

 

Tumaas ang ulo nito sa libro at tumingin sa akin. “Ngayon?”

 

“Oo...” Tugon ko.

 

Napatingin si Karina sa wall clock sa kwarto namin. 10AM. “Parang ang aga naman. Maya kayang hapon? Saang shop ba yan?”

 

“Hindi, I mean.. ako yung mag-mamassage.” Panlilinaw ko.

 

Tumaas na naman ang kilay ni Karina tapos biglang natawa. “Ikaw?! Wow, babe. Sige nga.”

 

“Okay… um, saan ba masakit sa’yo?” Hesitant na tanong ko. Di ko alam paano magsisimula. Teka, paano ba ‘to ulit? 

 

Sana pala nag-research muna ako.

 

“Buong katawan ko eh..” Nakangising sagot ni Karina na tinaas taas pa yung dalawang kilay niya sa akin.

 

“Ah, o sige lang.” Malalim akong nag-isip ng next step.

 

Naalala ko yung pag-massage sa akin ni Lola nung bata ako at yung sinabi niyang may lamig lamig daw ako sa likod.

 

Okay, alam ko na.

 

“Dapa ba ako, babe?” Tanong ni Karina na mabilis na dumapa na sa kama at hindi na hinintay ang sagot ko.

 

“Huh?” Nalilitong tanong ko.

 

Kailangan pa bang nakadapa sa kama?

 

Parang ang hirap naman.

 

Simpleng massage lang naman ‘to.

 

“Tanggalin ko din ba ‘tong top…?” Rinig kong tanong ulit ni Karina.

 

Napalunok ako.


Di pa nag-pprocess ang utak ko, ang daming tanong!

 

“Huy babe, ano nga-”

 

“Ah, eh wag na, wag na. Ako na lang magtatanggal.” Nanlaki ang mata ko sa nasabi ko. “I m-mean, itataas ko na lang…”

 

Natawa na naman si Karina at komportableng hiniga na ang ulo sa unan. “Sure, babe. Ikaw na magtanggal.”

 

Ano ba!

 

Tinaas ko na yung damit ni Karina at tumambad sa akin ang kanyang makinis niyang likod.

 

Namula naman at nag-init ang pisngi ko. 

 

Bakit ba ang awkward mag-massage!

 

“Uh.. babe, may lamig lamig ka ba?” Tanong ko na lang. Nag-hohover pa rin ang kamay ko sa likod niya. 

 

Massage lang ‘to Minjeong, bakit kasi hindi ka marunong!

 

“Ewan ko… why don’t you find out…” Sabi ni Karina na muffled ang boses sa may unan.

 

Huminga ako ng malalim.

 

Okay, here we go.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
0 points #1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g