Pepita and Aunor

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: First few weeks as a couple.

 

 

 

 

 


 

Winter and Karina became an official couple the morning after ‘that’ night.

 

Right now, hindi ma-describe ni Karina ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa ni Winter. 

 

Parang wala namang nabago na ang laki ng nabago?

 

Ang gulo diba? 

 

Kagaya ng nararamdaman niya ngayon. 

 

Halo halong emosyon.

 

It’s mix of relief, happiness, and a bit of awkwardness.

 

Awkwardness in good kind of way kung meron man nun. 

 

Hindi niya gaanong ma-explain ng maayos.

 

Pero naramdaman niya yun habang kumakain sila kanina ni Winter ng lunch together.




 

 

 

 

 

 







 

Ginagawa pa rin ni Karina ang lagi niyang pagsasandok ng kanin sa plato ni Winter.

 

Pero this time, lihim siyang napapasulyap kay Winter at pinipigil ang kanyang ngiti. 

 

Pansin din niyang nakatingin lang si Winter sa kamay niya the whole time.

 

“More? Say stop.” Tanong ni Karina habang patuloy pa rin ang pagsandok sa kanin.

 

Medyo napaparami na yung sandok niya pero di pa rin siya pinapatigil ni Winter. Malapit na mapuno ang plato nito.

 

“Babe-” 

 

Natigilan si Karina nung natawag niya ng babe si Winter. 

 

Natigil din siya sa pagsasandok.

 

Nakita niya din ang biglang pagsulyap ni Winter sa kanya.

 

Nag-aadjust pa rin sila sa tawagan nila ngayon at narealize ni Karina na sobrang nakakahiya pala sa ganitong normal setting.

 

“I mean, s-sest.. sabihin mo kung tama na yung kanin.” Awkward na pinagpatuloy ulit ni Karina ang pagsandok ng kanin para kay Winter.

 

Napatingin siya kay Winter at nakita niya na itong nakatingin din sa kanya.

 

“Gusto ko pa…” Mahinang sabi ni Winter.

 

“Hmm? More rice?” Tanong ni Karina.

 

“Hindi… tawagin mo nga ulit ako ng b-babe, sest.” Nag-iwas ng tingin si Winter pagkasabi nito non at namula ang mukha nito.

 

Binitiwan ni Karina ang hawak na sandok, a small smile forming on her lips. “Babe.”

 

Napalingon sa kanya si Winter. “Hm? Ako ba?”

 

Tumaas ang kilay ni Karina. “Sino pa ba?”

 

Napatingin si Winter sa likod niya na akala mo naman ay may kasama silang ibang tao sa dorm. “Ah, okay…” Maya maya ay nahihiyang nagtakip na ito ng mukha.

 

Natawa ng mahina si Karina. “Sabi mo gusto mong tawagin kita ng babe.”

 

“Oo nga… pero wag muna ngayon.” Inalis ni Winter ang takip sa mukha at nagsimulang sumandok ng ulam. Hindi ito makatingin ng deretso kay Karina.

 

“Eh kelan pa?” Tanong ni Karina.

 

“Eh.. bahala ka, hindi ako sanay, Karina!” 

 

“Ah ganon, Winter? Ikaw kaya nag-suggest ng babe na tawagan, ba’t nahihiya ka ngayon?”

 

“A-ako ba?” Kinuha ni Winter yung baso at uminom. Napansin ni Karina na wala pang laman na tubig yung baso nito.

 

Pinatong ni Karina ang kamay niya sa chin at seryosong tinitigan si Winter. Tinaasan niya ito ng kilay. “May dual personality ka ba, sest? Nakakatakot ka na ah...”

 

Mabilis na binigyan siya ni Winter ng pointed look. “Baliw, wala ah…”

 

“Eh ano lang, babe?” Napapangisi naman si Karina na patuloy pa rin na pinagmamasdan si Winter. Kinagat niya ang kanyang lower lip. She really find Winter so cute sa mga ganitong sitwasyon kaya gustong gusto niyang inaasar ito.

 

Pero seryoso din siya dun sa dual personality, minsan kasi ang bold tapos ang lakas ng mga paandar ni Winter, minsan naman sobra kung mahiya ito.

 

Nakita niyang nanlaki ang mata ni Winter sa kanya at kumunot ang noo nito. “Ayan, tingnan mo, ikaw kasi!”

 

“Anong ako?” Naguguluhan na tanong ni Karina.

 

“Yung mga ganyan ganyan mo…” Tinuro pa siya ni Winter ng tinidor bago ito sumubo ng ulam.

 

Kumunot ang noo ni Karina pero parang gets na niya. Lumawak ang kanyang pag-ngiti. “Bakit, sest? Kinikilig ka sakin?”

 

Hindi sumagot si Winter.

 

“Silence means yes…” Pag-singsong pa na sabi ni Karina at sumandok na ulit ng ulam para ipagpatuloy ang pagkain niya.

 

Tahimik pa rin si Winter kaya sumulyap ulit si Karina dito.

 

Muntik siyang matigilan sa pagsubo nung nakita niya kung paano siya titigan ni Winter.

 


Ang intense lang ng pagkakatingin nito.

 

“Talaga bang akin ka na?” Biglang tanong ni Winter kay Karina.

 

Kakasubo lang ni Karina sa kutsara niya non kaya muntik pa siyang mabulunan sa biglaang pagtanong ni Winter. Kinuha niya ang baso para uminom. 

 

Tumango lang siya kay Winter biglang pag-acknowledge sa tanong nito.

 

“As in… you’re mine?” Nakatitig pa rin sa kanya si Winter.

 

Teka, parang in-English niya lang?

 

Nung nahimasmasan na si Karina at maayos na nalunok ang pagkain, she responded again. “Yes…”

 

“You’re mine. Huh, okay.” Nakita niya ang pag-ngiti ni Winter at ang pagbalik ng tingin nito sa plato. 

 

Napatitig lang for a while si Karina. Something stirred in her stomach at that smile. 

 

Bigla naman siyang nakaramdam ng pag-init ng cheeks nung naalala niya ang mga words na kakasabi lang ni Winter.

 

I’m hers…

 

And she’s mine too.

 

Nagpatuloy ulit silang dalawa kumain in silence.

 

Sumusulyap sulyap lang si Karina kay Winter at napapangiti na lang siya sa itsura nito na pangiti-ngiti din.

 

“Babe...” Pagtawag ni Winter.

 

Nag-angat ng ulo si Karina. “Yup?”

 

Winter smiled widely again. “Lumilingon ka nga…”

 

Kumunot ang noo ni Karina. “Eh diba tinatawag mo ko?”

 

“I mean, ina-acknowledge mo talaga na babe kita…” Patawa tawa pa na sabi ni Winter. Parang ang saya niya lang.

 

“Ayaw mo ba?” Tanong ni Karina.

 

Mabilis na sumagot si Winter. “Gusto!”

 

Tiningnan lang siya ng weird ni Karina at bumalik na ulit sa pagkain.

 

Natahimik ulit silang dalawa.

 

Maya maya nagsalita ulit si Winter. “Pepita…”

 

Napalingon ulit si Karina dito.

 

“Oh bakit ka lumilingon sa Pepita? Ikaw ba yun?” Pang-asar na sabi ni Winter.

 

“Minjeong…” May pag-warning na sabi ni Karina, sinamaan niya na ito ng tingin.

 

Nagtaas si Winter ng dalawang kamay. “Joke lang, sest!”







 

“Baby…” Rinig niyang sabi na naman ni Winter.

 

Ayaw ng lumingon ni Karina baka kasi nang-aasar na naman ito.

 

“Uy, baby...” Ungot ulit ni Winter sa kanya.

 

Di pa rin lumilingon si Karina.

 

Narinig niya ang marahan na pagtawa ni Winter, tumayo din ito mula sa inuuupan at umikot sa table palapit sa kanyang pwesto.

 

Pumunta ito sa kanyang likod at napasinghap na lang si Karina nang pumulupot ang mga kamay ni Winter sa kanyang leeg. Napahawak naman siya sa braso nito.

 

“Ayaw mo ng baby?” Bulong ni Winter malapit sa tenga niya na hinigpitan pa lalo ang pagpulupot sa kanyang leeg. “Pwede naman yun eh, babe, baby, sest, or Pepita…”

 

Natatawang pareklamong lumingon si Karina paharap kay Winter pero natigilan din siya dahil mabilis lang itong nakanakaw ng halik on the corner of .

 

Napatitig lang si Karina kay Winter, magkalapit na ang mga mukha nila.

 

Lumalakas na ang tibok ng puso niya.

 

“Sest…” Mahinang sabi ni Karina. Napansin niyang nakatingin si Winter sa kanyang labi at unti unting lumalapit ito sa kanya.

 

Napapikit na lang si Karina at inabangan ang susunod na mangyayari.

 

Naramdaman niya ang mainit na labi ni Winter sa kanyang noo.

 

Napadilat siya at nakita niyang nakangiti si Winter sa kanya, umangat pa ang kamay nito sa kanyang pisngi at marahang humaplos. “I like you… sobrang gusto kita, sest.”

 

Humilig lang si Karina sa kamay ni Winter at napapikit.

 

She couldn’t explain the overwhelming emotions she’s feeling right now.

 

It’s as if her heart is full.



 

 

 

 

 

 

 

 

 

 



 

I think, sa ating dalawa, mas gusto kita… Minjeong.






 

 

 

 

 

 



 

“Ubusin mo yung kanin mo, Pepita.” Biglang sabi ni Winter, cutting their moment.

 

“Fine, Aunor.” Mabilis na nakaisip si Karina ng comeback.

 

Marahas ang ginawang paglingon ni Winter sa kanya.

 

Tinaasan niya lang ito ng kilay.




 

 

 

 

 

 









 

Napapangiti mag-isa si Winter habang nakikinig ng music sa kwarto niya. 

 

Kasalukuyan siyang nagsusulat sa yellow pad para sa isang homework.

 

Naghu-hum pa siya at napapasabay sa lyrics ng kantang tumutugtog sa radyo.

 

 

 


 

Ngunit sayo, ewan ko!

 

Ikaw ba'y iba na buhat nang tayo'y magkalayo ~



 

 

 

 

Alam niya ang chorus, kayang kaya niya ito tirahin.

 

“Kapit kamay…. tayong dalawa! Nakangiti at kapwa masaya!”

 

Teka, bakit kinikilig siya sa kanta?

 

“At ang tunay na pagmamahal…. nakalarawan kahit kupas na!” Dramatic na pagkanta ni Winter na may pa-sway sway pa. Hinawakan niya pa ang kanyang ballpen at ginawa itong mic.

 

Naisip niya si Karina.

 

Her best friend.

 

Her girlfriend.

 

Nasa kabilang kwarto lang ito.

 

Naalala niya yung mga pinag-usapan nila kaninang lunch.

 

Ang pagtatawagan nila ng… babe.

 

Baby.

 

Ang pagpayag ni Karina nung tinanong niya kung sa kanya na ba talaga ito.

 

You’re mine, babe.

 

Kinikilig na naman siya.

 

Ano ba!

 

Ang sarap tuloy gumawa ng homework.

 

Give me more, professors.

 

Gimme, gimme. 

 

Gimme more!

 

 

 

 

“Ning Yizhuo calling...”

 

 

 

 

 

Oh, si Ningning!

 

Why are you calling, Ningning?


 

 

 

 

 


 

Winter: Helloooooo?

 

Ningning: Winter?

 

Winter: Yes, Ningning? What’s up my Ningning, bituing may Ningning?

 

Ningning: Uhh, okay ka lang?

 

Winter: Mas okay pa kay Kokey!

 

Ningning: Winter, favor naman oh…

 

Winter: Yessss?

 

Ningning: Absent kasi ako bukas

 

Winter: Oh, why??

 

Ningning: Parang tinatamad kasi ako…

 

Winter: Hahaha ang saya naman!

 

Ningning: A-alin ang masaya..?

 

Winter: Yung tinatamad ka! Sana all!

 

Ningning: Talaga ba? Oo nga eh. Pero…

 

Winter: Pero…?

 

Ningning: Pwede pa-attendance?

 

Winter: Sure!

 

Ningning: Sure??

 

Winter: Yep!

 

Ningning: Seryoso ka ba?

 

Winter: Gusto mo i-lettering ko pa yung pangalan mo sa attendance sheet eh? 

 

Ningning: Uh, isulat mo lang… Winter, okay ka lang ba talaga?

 

Winter: Oo nga, bakit ba? Haha

 

Ningning: Bakit.. bakit ang bait mo ata ngayon?

 

Winter: Nakaka-hurt naman yan… lagi naman akong mabait!

 

Ningning: Kay Karina ka lang mabait eh…

 

Winter: Kay Karina? Haha, bakit naman kay Karina lang… haha! Sabagay, si Karina lang naman kasi talaga...

 

Ningning: Baliw ka ba?

 

Winter: Baliw na baliw sa’y-

 

Ningning: Yak! [ends call]

 

 

 


 

“Ang feeling mo, Ningning. Kay Karina lang ako noh.” Nakapout at napapangiti na naman na sabi ni Winter na nakatingin sa ended call ni Ningning.


 

May nagchat sa kanya. 

 

Automatic naman ang pag-ngiti niyang dali daling nireplyan ito.

 

 

 

 

 



 

Karina: Ang lakas ng music mo

 

Winter: Hinaan ko ba? ;)

 

Karina: Ay, hindi. Lakasan mo pa lalo

 

Winter: Sabi mo eh :)

 

Karina: Sest, ang ingay!!!

 

Winter: Joke lang! Toh na!

 

Karina: Good

 

Winter: Gawa mo? Punta ako jan

 

Karina: Homework. Bawal

 

Winter: Mamaya? :)

 

Karina: Hmm

 

Winter: mHmmHmhm

 

Karina: :P

 

Winter: Gusto mo kantahan kita?

 

Karina: Go

 

Winter: [sen

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh 20 streak #1
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh 20 streak #2
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#3
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#4
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#5
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #6
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#7
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#8
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g
justsomeanimelover
#9
Chapter 3: Huhu yung akala mo jk jk lang yung gantong conflict pero it really happens talaga irl lmao
justsomeanimelover
#10
Chapter 1: Ang cute cute talaga nilang mag sest huhu