Pretty Ka-Bonding

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter


 

Bogs, walang namilit sayo…

 

Walang nagmakaawa sayo...

 

Sinabi ko lang naman sayo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayang itago yun.

 

Bogs, sana lumayo ka nalang…

 

Sana umiwas ka nalang…

 

Maiintindihan ko pa yun…

 

Pero bogs, shinota mo ako eh!

 

Shinota mo ang bestfriend mo!

 

 

 




 

“Hehe.” Rinig kong mahinang paghagikgik ni Karina sa tabi ko. 

 

Nanunuod kami ngayon sa living room ng nakita naming nag-play na movie sa cable TV. 

 

Ipinagpatuloy na lang namin panuorin dahil parehas na kaming invested dito.

 

“Anong nakakatawa?” Tanong ko sa kanya.

 

Lumingon siya sakin saglit at pa-ngiting umiling. “Wala… may naalala lang ako.”

 

Nacu-curious naman ako na di inaalis ang tingin sa kanya. “Ano nga yun?”

 

“Ikaw.” Ngumisi pa sa akin si Karina nung sumagot.

 

“Bakit ako?” Taka kong tanong sa kanya.

 

“What’s that term? Shinota mo din kasi best friend mo…” Sabi ni Karina na kitang kita ang amusement sa mukha.

 

Di ako nakasagot agad dun.

 

Binalik ko ang atensyon sa TV.

 

 

 

 

At nang bumalik si Anna...

Ipinatalo mo ang lahat...

Ipinatalo mo ang lahat...

Pati ako...

Pati ako ipinatalo mo bogs...

Congratulations…

Congratulations natalo tayo…

 

 

 


 

Ay, anu ba yan, ang drama naman nito.

 

Nag-cocongrats pa kasi natalo daw… bakit? Baligtad na pala.

 

Napapakunot na rin ang noo ko sa mga linyahan at iyakan ng mga characters sa movie.

 

“So… anong feeling?” Tanong ni Karina, kinuha niya pa ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

 

Napaharap ako sa kanya, distracted din akong napalingon sa magkahawak naming mga kamay. I really like holding her hands like this… I smiled deep inside. Iba kasi yung feeling, alam mo yung nanunuot yung kilig? “Ha? Feeling ng ano?”

 

Lumapit pa si Karina sa tenga ko at bumulong. Nakagat labi pa itong nakangiti sa akin. “Na crush din kita.”

 

Namula na ako nun. Umiwas ako ng tingin sa kanya pero unti unting napapangiti na rin. “Ang landi mo…” mahinang sabi ko.

 

Hinigpitan ni Karina ang hawak sa kamay ko at dinala ito sa bandang chest niya. “Grabe ka sa landi, babe ha. Sino kaya mas maharot sa ‘tin?”

 

“Ikaw.” Tukso ko naman sa kanya.

 

Pinandilatan ako ni Karina na parang di makapaniwala. “Ako talaga?! Eh sino kaya yung nanggagapa-”

 

Mabilis na tinakpan ko yung bibig ni Karina bago pa niya ipagpatuloy yung sasabihin niya. “Sest, yang bibig mo talaga..”

 

Hinalikan naman ni Karina yung palad ko bago ito tinanggal sa pagkakatakip sa bibig niya. “Sa’yo lang…”

 

“Ha?” Naguguluhan kong tanong.

 

“Eto.” Tinuro ni Karina yung lips niya. “Sa’yo lang, sabi ko.”

 

Napakagat ako ng labi sa kilig at pinaghahampas siya. “Napaka ano mo, Pepita...”

 

Natatawang hinuli naman ni Karina ang mga kamay ko. Maya maya ay inangat niya ang kanyang kamay to cup both of my cheeks. "So… anong balak mo sakin?"

 

"Para saan?" Tanong ko.

 

Saglit lumingon si Karina sa TV and then back at me, grinning. "As the movie says, shinota mo ang best friend mo…. which is me." Masayang tinuro niya pa ang sarili niya. "So.. paano mo ko papanindigan?"

 

Natawa naman ako sa term na nakuha niya sa movie. Shinota talaga.

 

I stared at her.

 

Pinalibot ko ang mga kamay sa leeg niya. "Paano pag bumalik si Anna?"

 

Kumunot naman ang noo ni Karina. "Sinong Anna?"

 

"Yung isa pang jowa ni Bogs…" Natatawang pag-alala ko sa line dun sa movie.

 

"Sest naman eh!" Pabirong tinulak ako ni Karina at hinampas pa sa braso.

 

Hinila ko siya ulit papalapit sa akin at muling pinalibot ang kamay ko sa kanyang leeg, pulling her much closer. 

 

I whispered as I was staring at her lips. "Anong gagawin ko sa'yo?"

 

Bumaba ang tingin ko sa leeg ni Karina.

 

My weakness.

 

And most probably, my favorite part of her.

 

I couldn’t help it.

 

I dove in for a soft kiss on her neck, slowly trailing kisses on the length of it as I spoke hotly on her skin, my eyes closing. "Edi araw araw kitang…"

 

Malalim na napasinghap si Karina - looking up to expose more of her, one of her hands tangling in my hair.

 

 "... araw araw na?" Tanong nito, her other hand squeezing my shoulders.

 

"Yung ginagawa ng gagamba…" Wala sa wisyong nasabi ko as I on a spot in her flawless skin.

 

Karina inhaled sharply. "G-gapangin?"

 

Natigil ako sa ginagawa at nanlaki ang matang humarap at mariin na umiling sa kanya. "Hindi, anu ba!"

 

Hinila ni Karina ang ulo ko pabalik sa leeg niya, urging me to continue. "Finish what you started. Eh ano pala? Make webs? Sapot ba yun?"

 

Nakakaloka! 

 

Ba't ba kasi gagamba nasabi ko?

 

Ano bang connect...

 

Bigla ko na lang kasi naalala kanina yung laro namin nung kabataan pa, yung pinaglalaban yung mga gagamba na hinuli namin sa loob ng posporo.

 

About ipaglalaban hanggang dulo yung context sana ng sasabihin ko pero...

 

Hindi ko rin gaano gets, change topic na!

 

As I placed a gentle kiss to soothe that one part, umakyat na ang labi ko papunta sa labi ni Karina to claim her again. "Basta. Hanggang dulo na."

 

Karina smiled sweetly at that and quickly gave me a peck on the lips. "Okay, gagambina."

 

Nakakainis!




 

 

 

 









 

Kung ano ano lang naman ang bonding na ginagawa namin ni Karina sa dorm after class.

 

Syempre, ka-bonding namin lagi ang homeworks at projects sa school.

 

Pero we still find time to do things na na-eenjoy namin na kami lang dalawa.

 

Hindi naman yung ano lagi ha.

 

Grabe ka!

 

Nung isang hapon, may dala dala si Karina na package na naka-box.

 

Komportable na siyang umupo sa sahig ng living room at binuksan ito.

 

Napatigil naman ako sa ginagawa kong paglilinis sa lamesa ng makita ko ito.

 

“Ano yan?” Curious kong sinisilip kung ano ba yun.

 

“My fave game…” Nakangising sabi ni Karina sa akin.

 

Ay, ano yan?

 

Barbie?

 

Umupo na rin ako sa tabi niya para makita ko ang laman nito.

 

Ba’t ba ako yung na-eexcite sa Barb-

 

“Puzzle.” Sabi ni Karina pagkatanggal nito ng plastic, waggling her eyebrows at me.

 

Ay.

 

Patayo na sana ako para bumalik sa paglinis ng lamesa pero mabilis na pinigilan ni Karina ang braso ko. “Hey, hey. Gagawin natin ‘to both. Sit down, please.”

 

Mali pala yung sinabi ko kanina. 

 

Things na na-eenjoy niya lang pala.

 

Kasi naman… kung maglalaro ako ng puzzle, mas gusto ko yung sa app.

 

Yung kapag di mo na alam, pwede ka pumindot ng “hint” hanggang sa yung app na ang bumuo nito mag-isa.

 

“Baby, please? Puzzle date?” Pag-pout pa ni Karina sa akin.

 

Nakakainis, triple kill. 

 

Tinawag akong baby, date pa daw, tapos yung pag-pout pa niya.

 

I couldn’t resist her.

 

Mama, bakit mo ko pinaglihi sa rupok?

 

Sumalampak na ulit ako sa tabi ni Karina sa sahig. “Sige na nga. Asan ang reference photo?”

 

Pinakita lang sa akin ni Karina yung box. 

 

Wala namang picture.

 

Tumaas kilay ko. “Asan nga?”

 

“Eto nga, babe.” Sagot ni Karina, nilahad lang ulit sa akin yung box.

 

Pinagmasdan ko ulit maigi yung cover nito.

 

Gradient Jigsaw Puzzle 1000 pcs.

 

Nanlaki ang mata ko. 

 

Wala ngang picture.

 

Puro colors lang na iba iba ang shade.

 

Napatingin ako kay Karina. “Seryoso ka ba?”

 

Sana bumili na lang ako ng illustration board tapos nag-color na lang kami ng oil pastel.

 

Natatawa namang binunggo ni Karina ang balikat ko. “Come on, sest.. this should be fun. Kayang kaya mo ‘to.” 

 

Duda ako. 

 

Oo na nga lang.

 

Hay.

 

Do it for the love.

 

Parang napansin naman ni Karina yung pananahimik ko.

 

“Sest, diba nagbuo na tayo ng puzzle before?” Kinurot pa ni Karina yung cheeks ko at pinanggigilan ito.

 

“Aray, oo nga… pero yung mga tig-sisingkwenta lang yun na nabibili sa palengke.” Reklamo ko habang hinihimas ang pisngi.

 

100pcs lang ata yun. O baka 50pcs nga lang ata.

 

Bakit naman kasi biglang nag-next level na siya pagdating sa puzzle?

 

“Yung sa videos nga sa Karen Puzzles, solid color yung binubuo niya. I wanted to try that.” Sabi ni Karina na sinaboy na yung mga pieces sa sahig.

 

Ang dami, ang sarap walisin!

 

Gulat akong napalingon sa kanya. 

 

Ano daw, solid color?

 

Ini-imagine ko pa lang na nagbubuo ng puzzle na isang kulay lang, parang sumasakit na ulo ko.

 

Buti naman may iba iba pang color dito sa nabili niya.

 

Bahala na nga si Batman.

 

Wag niya lang ako sisihin kung abutin k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
14 streak #9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g