Gas and Beef

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Saturday. General cleaning sa dorm. Iniisip ni Karina kung kailan siya na-inlove kay Winter habang naglalampaso ng sahig.

 

 

Karina



 

I found myself wondering, “when did I start falling in love with Winter?”

 

I definitely knew it wasn’t that night when she randomly kissed me in the hotel room.

 

It was also not when we kissed in the middle of the park under the rain.

 

When could it be… was it that time?

 

 

 

 

 

 


 

I was so nervous.

 

“Sest, kaya mo yan! Tita Esme, pwede po tumabi kay Rina dun sa chair?” Paalam ni Winter, looking up at my mom.

 

“Winter, magpapabunot lang si Rina… sabi ni Doc, we can wait here sa seats at bawal natin sila guluhin, ok?" Malumanay na sabi ni mommy sa kanya.

 

“Sest… pag masakit, kurutin mo si Doc.” Bulong ni Winter sa akin at mahigpit na pinisil ang kamay ko.

 

“Narinig ko yun....” Sabi nung dentista na nakangiti ng sweet sa amin.

 

It was indeed painful. 

 

I cried a lot.

 

Hindi ko nasunod yung bilin ni Winter na kurutin ko daw si Doc.

 

“Sest!” Biglang tumayo si Winter habang nagmumumog ako, lumapit siya kay Doc.

 

“Ouch!” Sabi ni Doc.

 

Kinurot siya ni Winter.

 

Naluwa ko yung tubig sa bibig nung nakita ko yun at mabilis na nabasa yung damit ko.

 

Nagkatinginan kami ni Winter at tumawa na lang kami parehas.

 

“Ayy! Juskopo… sorry doc!” Panic na sabi ni mommy habang hila hila si Winter pabalik dun sa upuan.

 

 

 

 

 



 

Or was it that time when….

 

 

 

 

 

 

 


 

It was already past 11pm nang matapos kami sa isang school project na film documentation. It was so tiring. Palipat lipat kami ng lugar to capture every setting.

 

Nakakainis, na-low batt pa yung cellphone ko. Kampante naman ako na nakapag-paalam ako kay mommy na medyo gagabihin ako tonight. 

 

Pagkalabas ko ng bahay ng groupmate ko, nakita ko si Winter na nakaupo sa gilid ng gate. Hindi ko naman siya ka-group dito sa project.

 

Gulat ko siyang tiningnan. “Sest? Anong ginagawa mo dito?”

 

Pagalit na tumayo si Winter at lumapit sa akin, kinuha niya lang yung mga hawak kong libro tapos nauna na siyang maglakad at iniwan ako.

 

Pa-jog na nag-catch up ako sa mabilis na pace ng paglakad niya. Problema nito? At ano pang ginagawa niya dito at gabing gabi na? “Huy, anong problema-”

 

Humarap sa akin si Winter na nakakunot ang noo. Mukha siyang naiinis. “Akala ko ba sa Ramos Circle ang kitaan niyo? Bakit biglang nasa bahay na? Kung di ko pa chinat lahat ng mama ng ka-group mo, di kita makikita. Anong oras na, di pa kayo mga sumasagot.”

 

Tumalikod na ulit sa akin si Winter at naglakad na naman palayo.

 

Eh bakit ba siya nagagalit?

 

I scoffed. Dahil na rin siguro sa pinaghalo halong stress at pagod na dulot ng project namin at kung saan saang lugar pa kami nakarating, I snapped at her. “Wow ha, mommy ba kita? Kung makapagalit kala mo naman.”

 

Nakita kong napatigil sa paglakad dun si Winter sa sinabi ko.

 

Naka-pause lang siya habang nakatalikod sa akin.

 

My heart was racing dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon.

 

Why would she even bother to go all the way from here tapos susungitan lang ako?

 

Humarap sa akin si Winter at hindi ko maintindihan ang expression sa mukha niya, bihirang bihira ko siyang makitang napaka-seryoso ng aura.

 

“Best friend mo lang naman ako, Jimin. May karapatan akong mag-alala sa’yo. Kung bawal, fine. Edi wag.” Medyo patulak na binalik sa akin ni Winter yung mga hawak niyang libro ko kanina at tumalikod na ulit para umalis.

 

Naiwan akong hindi makasagot habang pinagmamasdan lang na lumalayo siya. Nag-init na ang mga mata ko. Naiinis ako sa kanya. Bakit ba kasi kailangan niya pa kong sunduin dito? Ang layo layo ng bahay ng groupmate ko sa bahay nila. Hindi ba niya alam na delikado magbiyahe mag-isa? Nakakainis!

 

Saktong bigla namang umulan ng malakas.

 

Nagmadali akong kuhain yung payong ko sa bag.

 

Teka, bakit wala…? Naiwan ko ba? Nagsisimula na akong mabasa. Naiwan ko yata dun sa bahay nung ka-group ko. Babalikan ko na lang. I felt the slight tremble from my lips and a lone tear came out of my eyes out of frustration-

 

Something shielded me from the rain.


Si Winter. 

 

Bumalik siya.

 

Yung suot niyang jacket.

 

“Dalian mo na.” sabi niya. Kinuha ni Winter yung mga libro ko at pinasok sa loob ng t-shirt niya.

 

Parehas kaming tumakbo habang nakasukob sa manipis na jacket ni Winter. Wait.. sa akin niya lang yun sinukob. Naliligo na siya sa ulan. Nakahanap kami ng waiting shed at dun muna nagpatila.

 

Pinagpagpag ni Winter yung jacket at buhok niyang basang basa.

 

Hindi niya ako pinapansin.

 

Naka-cross arms akong nakatingin ng masama sa kanya habang nakaupo dun sa bench. “Naiinis ako sa’yo.”

 

“Same to you.” Malamig na sagot ni Winter na hindi pa rin tumitingin sa akin. She was standing meters away from me.

 

“I hate you!” Gigil na sabi ko sa kanya.

 

“I hate you more.” Sagot pa rin ni Winter.

 

Umusog ako ng upo sa bench at sinipa ko yung paa ni Winter.

 

“Ah!” Napalingon siya sa akin. “Basang sisiw ka na nga, kabayo ka pa.”

 

Hahampasin ko sana si Winter with my hand pero mabilis niyang nahuli yun. Lumapit siya sa akin and she stared me down habang ako naman ay nakatingala sa kanya.

 

“Bakit mo pa kasi ako sinundo!” Paangil na tanong ko sa kanya. 


Nakakatitig lang si Winter sa akin na walang reaksyon and I didn’t realize that my heart was already beating fast. 

 

Tapos nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya at tuluyan na siyang natawa. 

 

Pagalit na tinanggal ko yung pagkahawak niya sa kamay ko. “Anong tinatawa tawa mo diyan?”

 

Umupo si Winter sa tabi ko habang nakahawak na siya sa kanyang tiyan at tawa lang ng tawa. “Ang.. ang pangit mo.. pag seryoso… sest..”

 

“Mas pangit ka. I’m your best friend, Jimin ka pa kanina. Nye, nye.” Pag-gaya ko sa line niya kanina, mocking her.

 

Natigil si Winter sa pagtawa at seryoso na naman na tumingin sa akin.

 

Iba yung tingin niya this time.

 

Kinabahan ako.

 

I knew it so well.

 

“Minjeong, isa.. subukan mong-”

 

I yelped when Winter attacked my ribs, tickling me. Napapasigaw na ako na natatawa habang pilit na hinuhuli yung mga kamay niya para mapatigil ito.

 

“Wow mommy pala ha… oo, ako ang mommy mo. Ako si Esmeralda...” Sabi ni Winter na kinikiliti pa rin ako.

 

“Stop!” Nahuli ko yung dalawang kamay niya at madiin na hinawakan yun.

 

We stared at each other for a while.

 

I suddenly felt a surge of happiness knowing Winter’s with me right now.

 

Parang nawala lang lahat ng inis ko na nararamdaman ko kanina.

 

Di ko na napigilan at niyakap ko na siya sa bewang. “Sest… I’m sorry…”

 

Hindi naman sumagot si Winter pero naramdaman ko yung paghaplos niya sa basang buhok ko. “Papatayin mo ko sa pag-alala, sest…”

 

I chuckled at hinigpitan ko lang ulit yung yakap ko sa kanya. “Ako din naman. I got mad nung nakita kita sa labas nung bahay, ang layo kaya dito.”

 

“Bayaran mo pamasahe ko…” Pabirong sabi ni Winter, rubbing my arms up and down to give me warmth.

 

I closed my eyes at contented lang na yumakap sa kanya.

 

“I love you…” mabilis na napadilat din ako when I blurted that one out. We say I love you naman to each other pero I was surprised at the sincerity and emotion na kasama nung sinabi ko yun. Naramdaman ko ulit na bumilis ang tibok ng puso ko.

 

Kinabig ako ni Winter sa may leeg and gave me a kiss on my forehead. My eyes immediately closed at the warm contact. “Pasalamat ka love din kita, sest…”

 

May pumaradang sasakyan sa tapat namin.

 

It was my mom.

 

“Tita Esme!” Masayang bati ni Winter.


“Winter, sa amin ka na matulog for the night. Napaalam na kita sa mama mo. Sakay na dali, baka umulan na naman.” Sabi ni mommy.

 

Nung nasa byahe na kami pauwi bumulong sa akin si Winter, “Ayaw kita katabi matulog…”

 

Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Sino nagsabi gusto kita katabi? Dun ka sa sahi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh 20 streak #1
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh 20 streak #2
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#3
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#4
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#5
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #6
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#7
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#8
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g
justsomeanimelover
#9
Chapter 3: Huhu yung akala mo jk jk lang yung gantong conflict pero it really happens talaga irl lmao
justsomeanimelover
#10
Chapter 1: Ang cute cute talaga nilang mag sest huhu