Marecakes Pt 1

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Tunghayan ang dorm life ng mag-sest na si Winter at Karina.

 



 

Kasalukuyang nasa dorm at kwarto ni Winter si Karina para tulungan ang best friend niya na ayusin ang mga gamit nito from the boxes. 

 

Siya kasi, mabilis lang siya natapos kasi kaunti lang naman ang mga gamit na dinala niya sa dorm, they’re just mostly clothes and books. Kapag may kailangan siya from her house, pwede naman siyang umuwi anytime.

 

Pero napapansin niya na parang kanina pa sila nag-aayos ng gamit ni Winter. Nangangalay na siya. Pang-ilan na ba ‘tong laruan na ‘to ang kinuha niya mula sa box at dinisplay sa shelf? 

 

Parang pang bente nay ata yung susunod niyang dadamputin.

 

“Sest, ano ba ‘to?” Tanong ni Karina kay Winter habang hawak ang isang Funko Pop! na kinuha niya sa box.

 

Saglit na napatingin si Winter sa hawak ni Karina. “Naruto: Sage Mode yan, sest. Yung special edition.” Pagkatapos sabihin non ay busy na ito na bumalik sa ginagawang pag-oorganize ng mga Pop niya.

 

Kumunot ang noo ni Karina. “I mean, oo nga, sest... pero kailangan ba dalhin lahat? Gagamitin mo ba ‘to?”

 

“Hindi, sest. Dinidisplay lang yan. Gusto ko lang silang nakikita.” Seryosong sagot ni Winter.

 

Okay po.

 

Tumahimik na lang si Karina. 

 

Hay, whatever makes you happy, sest.

 

Pinagpatuloy niya ang pagkuha ng mga Funko Pop daw mula sa box ni Winter nang may mapansin siya. Napangiti siya dahil dito.

 

“Sest, ba’t pati si Jollibee nandito?” Tanong ni Karina habang nakahawak sa naka-box na si Jollibee, an amused smile curving her lips.

 

Napalingon ulit si Winter. “Ah, oo. Meron din ako niyan.”

 

Maya maya pa ay nakita na ni Karina ang lahat ng friends ni Jollibee. Natatawa na siya. “Meron ka rin pala ng buong Jollibee gang, si Hetty, si Champ, si Yum…” Iniisa ni Karina ang mga characters. “Hmm, nai-inspire ka din sa kanila, sest?”

 

Weird na tiningnan lang ni Winter si Karina.

 

Something piqued Karina’s interest. “Sest, akin na lang ‘to…”

 

Mabilis na napalingon si Winter at nakita niyang hawak hawak na ni Karina ang Popo Funko Pop niya. “Sest, wag yan, naka-set yan eh… eto na lang sa’yo.” 

 

Kinuha ni Winter yung isang Pop niya na Zombie from Walking Dead at in-offer kay Karina.

 

“Ew, ayoko niyan!” Madiin na tanggi ni Karina na parang nandidiri pa. “Sest, sige na kasi... akin na lang ‘to.” Pag-whine ni Karina na mahigpit na ang pagkakahawak kay Popo at naka-pout pa. 

 

Honestly, who could resist her?

 

Nagkamot na lang ng ulo si Winter at nagdalawang isip kung ibibigay niya si Popo.

 

“Sige ka, hindi kita papagamitin ng PC ko.” Pag-banta ni Karina.

 

Natigilan si Winter. Sa kanilang dalawa, si Karina lang ang may PC na pwedeng pang-gaming ng mga gusto niyang heavy duty na laro. 

 

Napag-isip isip niyang mas kailangan niya yun kaysa kay Popo. Needs over wants.

 

“Sige na nga, sa’yo na yan...” Pagpayag ni Winter. Tiningnan niya ng one last look si Popo. A secret farewell.

 

Bye Popo, say bye to your friends in my collection… sana maging masaya ka sa piling Karina.

 

“Yey, thanks sest!” Inakbay pa ni Karina ang isa nitong arm at hinila siya for a side hug.

 

Medyo natatawa na si Winter, of all the Pops naman na napili ni Karina, yung kay Popo pa. 

 

Para talagang baby minsan ang best friend niya. 

 

“Ba’t ba yan ang gusto mo…” Curious na tanong niya.

 

Tumingin si Karina kay Winter and smiled. 

 

Pansin na pansin ni Winter ang cute na dimples nito.

 

“It looks like you.”



 

 

 

 







 

Maraming realizations si Karina ever since they started living together ni Winter sa dorm.

 

Madaming realizations… at madami ring adjustments.
 

 

Una sa lahat, ang pagbabago ng routine niya tuwing umaga.

 

Kung dati ay after niya maligo ay deretso na siya sa kusina para kumain ng breakfast, ngayon ay nagkaroon siya ng extra task.

 

To wake Winter up.

 

It’s not an easy feat. Hirap na hirap si Karina na gisingin si Winter, para lang kasi itong natutulog na bato. 

 

May days na gusto na lang niyang iwan ito at hayaang malate sa school pero hindi naman niya magawa. May days naman na gusto niyang buhusan ng tubig si Winter like what they do in the movies pero di niya rin naman din magawa. 

 

Minsan talaga pag sobrang napuno na siya, gagawin niya ang mga ito.

 

Hirap na hirap na siya to the point that she had to ask help from Tita Tonya, Winter’s mom.

 

 

 

 

Karina: Tita, bakit ganun po si Winter, ang hirap gisingin sa umaga

 

Tita Tonya: Hindi ko nga rin alam jan kung san ba pinaglihi yan rina at kung bakit ganyan. Patayan mo na lang ng aircon o electric fan

 

Karina: Ah, okay po, thanks Tita!

 

 

 


 

Patayan daw ng electric fan.

 

Hmm, it sounds easy.

 

Tinry ni Karina yung advice ng mama ni Winter.

 

One Saturday afternoon habang nag-ssiesta si Winter at nagnanap sa kwarto niya after lunch, nag-implement si Karina ng dry run.

 

Pinatay niya ang aircon at pati na rin ang electric fan nito. 

 

Aba ang sarap ng buhay at doble doble pa!

 

Maya maya lang ay lumabas na nga si Winter ng kwarto na nakasimangot. Pinuntahan nito si Karina na nasa kitchen at umiinom ng tsaa.

 

Nung nakita ni Karina sa Winter, natatawa siya deep inside saa itsura nito na mukhang nalugi.

 

“Sest, ikaw ba nagpatay ng electricfan ko?” Paangil na tanong ni Winter sa kanya.

 

Painosente naman at kunwari confused na tumingin si Karina dito. Nagkibit balikat lang siya to say na walang siyang kinalaman sa nangyari bago humigop ng tsaa at pinagpatuloy ang ginagawa niyang pag-browse sa phone.

 

In her peripheral vision, nakita niyang ang sama ng tingin sa kanya ni Winter at may halong pagdududa pa. “Eh sino? Nag-brownout ba?” Napadako naman ang tingin nito sa gumaganang electric fan sa tabi ni Karina.

 

Karina shrugged again. “Don’t know.” 

 

“Ang init eh.” Reklamo ni Winter na medyo padabog na humila ng isang chair at umupo.

 

Patagong pinagmasdan ni Karina si Winter, at oo nga, basang basa ito ng pawis. She secretly chuckled.

 

Success. Eto lang pala ang pampagising sa kanya eh…

 

Di rin naman natiis ni Karina ang kanyang best friend kaya naman ay tumayo siya sa kanyang pwesto at lumapit dito. Kinuha niya yung towel na nakita niya sa table. 

 

“Sest naman… pawis na pawis ka oh.” Malambing na sabi ni Karina kay Winter habang pinupunusan ang pawis sa leeg at likod nito. Parang baby lang.

 

Tahimik lang si Winter at hinahayaan siya.

 

Nung napaharap si Karina sa mukha ni Winter, muntik siyang magulat nung napansin niya ang seryosong pagtitig nito sa kanya.

 

“Sest, ikaw talaga yung nagpatay noh?” Pinatong ni Winter ang kamay niya sa kamay ni Karina na may hawak na towel sa kanyang leeg.

 

Umiwas si Karina sa tingin ni Winter. “Sorry na sest… ang hirap mo kasi gisingin eh.” Pag-amin niya sa sa ginawa niyang kasalanan. 

 

Nag-scoff si Winter at nag-roll eyes. Pero nung napagawi ang tingin nito sa hawak na towel ni Karina, bigla itong napatayo sa upuan dahil sa gulat.

 

“S-sest, san mo kinuha yan..?” Turo ni Winter sa towel.

 

Takang napatingin si Karina sa towel na hawak niya na kanina lang ay pinupunas niya sa leeg ni Winter. “Um, dito?” Tinuro niya yung table.

 

Para namang nanlumo si Winter na pinahid na ang sariling leeg niya gamit ang kanyang t-shirt. Nakunot pa ang noo nito na tila nandidiri. “Sest naman eh, pamunas ng dining table yan…”

 

“Ayy.” Sabi ni Karina.




 

 

 

 






 

Pangalawa, the TV in the living room.

 

Mahilig si Karina manuod ng TV maski pa nung nasa sariling bahay niya siya. Napag-desisyunan nilang dalhin yung TV ni Karina sa kwarto at ilagay sa living room sa dorm so she and Winter can share.

 

When she said she likes watching TV, she meant something funny likes variety shows and sitcoms, movies and drama na ang genre ay romance, comedy, and even animated movies. Those are her favorites.

 

Pero lately, lagi niyang naabutan na nauunahan siya ni Winter sa panunuod sa TV. Okay lang sana pero ang mga pinapanood nito, the genre that she hates the most, horror movies.

 

Kahit hindi naman nakikinuod ng horror si Karina kasama si Winter, madalas ay nagugulat na rin siya kapag napapadaan lang siya sa living room at biglang mag-pplay ang nakakatakot na scene sa kung ano mang movie na pinapanood ni Winter that time. 

 

Naka-max pa kasi ang volume nito at nakapatay ang ilaw.

 

Hindi naman ganun kalakihan ang dorm nila kaya hindi maiwasan na maranasan niya ito from time to time.

 

Minsan, pag minamalas, nahihila pa siya ni Winter.

 

“Sest! Lika dito...” Hinila ni Winter ang kamay ni Karina nung napadaan ito.

 

Gusto lang naman ni Karina kumuha ng tubig sa kusina. Pinalo niya ang kamay ni Winter na nakahawak sa kanya. “Ayoko.”

 

“Samahan mo lang ako....” Pag-ungot pa lalo ni Winter sabay hila ulit sa kanya, this time with force, kaya napaupo na lang si Karina sa couch sa tabi nito.

 

“Hindi ako manunuod ah.” Madiin na sabi ni Karina.

 

Tumango lang si Winter. “Oo, di ka manunuod, dito ka lang sa tabi ko. Oh, eto unan, magtakip ka.” Inabot ni Winter ang unan kay Karina.

 

Kinuha naman niya yun at hinarang sa view niya sa malaking TV screen. Wala naman siyang ibang titingnan kaya napaharap na lang siya kay Winter. 

 

Bad move.

 

Kitang kita niya ang side view ng profile nito dahil madilim sa sala at naaanigan lang ito ng ilaw mula sa TV.

 

Naalala na naman niya yung kiss nila sa gitna ng park nung umuulan. 

 

Tuwing naalala niya ito, may something siyang nararamdaman that would curl up inside her stomach. Napapikit ng madiin si Karina at the memory. 

 

They vowed not to bring up the topic again dahil sabi ni Winter isipin na lang daw ni Karina na yung first kiss niya ay someone ‘faceless’ o kaya ay iimagine na lang niya na yung crush niya yun.

 

Umagree na lang si Karina non pero she thought that it’s useless and silly. 

 

It’s also stupid.

 

Paano niya iisipin yung someone ‘faceless’ na yun kung aware na aware siya kung sino yung hinahalikan niya that time?

 

Paano siya mag-iimagi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
0 points #1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
0 points #2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g