Nakapagtataka (Saan na napunta?)
Still Into YouSummary: Hindi kinakausap ni Karina si Winter simula nung matapos silang kumain.
present
Hindi ka ba napapagod
O 'di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhan
Walang hanggang katapusan
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw?
Napa'no na'ng pag-ibig sa isa't-isa-
Mabilis na pinatay ni Winter ang kantang tumutugtog sa radyo ng sasakyan.
Hindi niya kailangan ng mga ganitong kantahan na umaayon sa nararamdaman niya ngayon.
Hindi ito nakakatuwa.
Umalingawngaw ulit ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng kasama niya sa loob ng kotse.
Mas okay na siguro yung ganito, sa isip isip niya.
Tutal silang dalawa naman ang nagsimula, panindigan nila ito hanggang dulo.
Tumingin lang siya sa bintana at napabuntong hininga.
Walang tigil ang malakas na ulan.
Naisip niya yung kama niya sa bahay, mas gugustuhin na lang niya matulog maghapon at hindi yung ganito, nasa ulanan na nga, ang dami pang problema.
Ayaw niyang lumingon sa katabi niya.
Makikita lang niya ang seryoso at malamig na tingin ng babaeng kasalukuyang nag-ddrive ngayon at hindi man lang siya kinakausap simula nung matapos silang kumain kaninang tanghalian.
Maghahapon na.
Kanina naisip ni Winter na bumaba na lang ng sasakyan.
Parang mas gugustuhin na lang niyang maglakad pauwi habang bumabagyo kesa manatili sa sitwasyon nila ngayon.
Naisip niya ang dahilan ng pag-aaway nila, lagi na lang ba siyang mali?
Kapag nagpapaliwanag naman siya, ayaw nitong pakinggan.
Nakakapagod din.
Lumipas pa ang ilang minuto at di na nakatiis ni Winter.
“Ibaba mo na lang kaya ako diyan sa kanto.” Simula niya.
“Walang bababa.” Malamig na sabi ng girlfriend niya.
“Karina, sabi ko-”
“Diyan ka lang, Winter. Mag-uusap pa tayo.” Madiin na sabi ni Karina.
“Mag-uusap? Ilang oras na nga tayong hindi nag-uusap, Karina. Hindi mo ko pinapansin diba?” Pinipigil ni Winter ang emosyon sa boses niya.
Nasasaktan talaga siya kapag hindi siya pinapansin ni Karina.
Wag na siyang pansinin ng lahat ng tao, wag lang sana ito.
Pero heto sila ngayon.
Kumambyo bigla si Karina at pinarada ang sasakyan sa gilid ng daan.
“You want to talk? Fine, then we’ll talk.” Humarap sa kanya si Karina at nag-cross arms. Ang seryoso ng itsura nito.
Hindi naman makatingin dito si Winter.
“What now? Ano, akala ko ba mag-uusap tayo? Then talk and explain to me, Minjeong.” Alam ni Winter na malala na ang away nila kapag tinawag na siya ni Karina by her first name.
Ayaw niya pa rin tumingin dito, baka maiyak lang siya sa emosyon na nararamdaman niya ngayon.
Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at nakacross arms.
Ano ba sasabihin niya? Sorry na naman? Siya na naman mag-sosorry?
Ganun ba kalaki a
Comments