Michael Jackson's Greatest Hits

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter

 

Hello.

 

Nahanap ko naman na yung pencil case ko, yung color black na may design na K.

 

Nasaan?

 

Nasa bag lang naman ni Karina!

 

Ewan ko ba kung bakit napunta don. 

 

Sumasakabilang bahay!

 

Pero buti nahanap ko, ang tagal ko na rin kasing gamit yun, simula nung high school pa. Saka may sentimental value din sa akin.

 

Bigay kasi yun ni Karina.

 

Nung tinanong ko nga siya, “Bakit letter K?”

 

Sabi niya, kanya naman daw talaga dapat yun, ayaw na lang niya daw gumamit ng pencil case kasi cool daw siya.

 

Anong cool kapag walang pencil case? 

 

Cool pa ba siya pag nag-tae tae na yung mga ballpen niya sa bag?

 

Hay, di ko gets.

 

Pero yun nga, gamit ko pa rin ito hanggang ngayong college.

 

Minsan yung mga iba kong classmate pag nakikita ito, inuusisa pa. 

 

“Uyy.. letter K. Sino yan, Winter? Ayiee.”

 

Grabe na ang mga kabataan ngayon noh? Pati pencil case ini-issue.

 

Tumatahimik naman sila pag binabara ko at sinasabing bigay yun ni Korina Sanchez nung may pa-project ito ng free school supplies.

 

Ah, nung gabing yon pala?

 

Hehe.

 

Nag-sleep over ako sa kwarto ni Karina.

 

Wow, kala mo ang layo ko eh no!

 

Mga 6 steps lang ata layo ng kwarto ko sa kwarto niya.

 

Maraming nangyari na hindi ko inaasahan that night.

 

 

 

 

 

 





 

FLASHBACK:

 

Tinulak ko si Karina hanggang sa umabot yung likod ng tuhod niya sa kama.

 

Marahan ko ulit siyang tinulak hanggang sa mapaupo na siya. Humawak ako sa kanyang mga balikat.

 

She looked up at me.

 

Pinalibot niya ang mga kamay niya sa bewang ko at pumasok ako sa pagitan ng legs niya.

 

Inangat ko ang dalawa kong kamay to cup her face.

 

Tiningnan ko lang muna siya nang matagal. 

 

Napakaseryoso ng itsura niya ngayon habang nakatingin sa akin, nakaawang ang mga labi at medyo humihingal hingal pa dahil sa ginawa naming paghahalikan kanina.

 

Masyado na kong nasasanay sa mga halik niya. 

 

Ewan ba, minsan kasi talaga, parang hinahanap hanap ko na lang.


Adik na ba ko?

 

Nung pinagmamasdan ko ang mukha niya, automatic akong napangiti. 

 

Sobrang ganda niya kasi kahit madilim yung kwarto. Her eyes are sparkling and her lips are glistening. Nakaramdam ako ng kilig sa may bandang tiyan. “Ang cute mo, sest..” sabi ko.

 

Lagi ko pa rin siyang natatawag na ‘sest’ kasi nasanay na ko masyado, kinikilig kasi ako kapag ‘babe’ ang tinatawag ko sa kanya.

 

Di ko napigilan kaya hinalikan ko ang kanyang ilong at mahinang pinisil ang kanyang cheeks.

 

Napakurap si Karina sa akin. “Babe…”

 

“Oh?” Tanong ko, still smiling at her. 

 

Ang cute niya lang talaga.

 

Sure na ba talagang ako ang pinili niya?

 

“Are we not.. going to kiss more?” Kunot noong tanong ni Karina.

 

Malawak akong napangiti sa tanong niya.

 

Sure!

 

I closed my eyes and placed a gentle kiss on her lips.

 

I stayed there for a while.

 

Nung humiwalay ako, nagkatitigan lang ulit kami.

 

Hahalikan ko na sana siya ulit… pero may pumasok bigla na boses sa utak ko.

 

 

 

 

“Something that resonates with you.”

 

“Literary piece.”

 

“Something you’re feeling right now.”

 

 

 

 

 

Parang boses ni Prof Bae...

 

Oo nga!

 

“Sest!” Malakas na sabi ko.

 

Nagulat naman si Karina na napadilat ng mata. Concerned ang itsura na nagtanong, “Ano yun…?”

 

“Yung homework sa English Lit… bukas na ba yun?” Kinakabahan na tanong ko.

 

Malalim na nag-isip si Karina at medyo kumunot pa ang noo. “Oo, bukas yun ipapasa. Bakit?”

 

Napatingin ako sa wall clock sa kwarto niya.

 

11:20 PM.

 

May oras pa. 

 

Nanlulumong umupo ako sa tabi ni Karina sa kama. “Nakalimutan ko. Di ko pa nagagawa.”

 

Niyakap ako ni Karina sa may bewang at mabilis na hinalikan ako sa may braso. “Gawin mo na. I’ll wait for you.”

 

Humarap ako sa kanya at ngumiti. “Tuturuan mo din ako?”

 

Pa-cute na nag-smile lang din si Karina sa akin at tumango. “Of course. Gusto mo dito matulog tonight?”

 

“Okay! Wait, kunin ko lang gamit ko sa room.” Excited na sabi ko at tumayo na para bumalik ng kwarto.

 

Pagbalik ko sa kwarto ni Karina,

 

tulog na siya.

 

Grabe lang.

 

Inayos ko na lang ang pagkakahiga niya kasi nasa floor pa rin yung dalawa niyang paa, I tucked her in with her blanket and I kissed her sa forehead.

 

Hmm.

 

Goodluck to me and my homework.

 

 

 

 

 

 

 

 



 

English Literature Homework: Write your favorite literary piece that resonates with what you are feeling right now. Explain.


 

Yizhuo, Ning

MM1A

 

Title: Perfect (Oh Perfect!)

By: Sheeran, Edward Christopher

 

I found a love for me

Oh darling, just dive right in and follow my lead

Well, I found a girl, beautiful and sweet

Oh, I never knew you were the someone waiting for me

'Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what it was

I will not give you up this time

But darling, just kiss me slow, your heart is all I own

And in your eyes, you're holding mine

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favourite song

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight


 

Explanation:

 

This is my favorite literary piece right now. I feel like I am floating whenever I read this…. like the clouds in the sky or the floating rubber ducks in the bathtub. That is the feels. The feeling of every day in love, you know? If you know, you know. 


 

Scoring: 5.0 lowest, 1.0 highest

 

Score: 2.50

Prof. Irene Bae’s Note: 

This looks familiar…. actually, I used this in my own wedding. Mind to sing it in class next meeting?

 

 

 

 

 

 

 

 



 

Uchinaga, Aeri Giselle

FM1A

 

Title: See Me Now

by: Cash Money Gigi

 

See me now

In that mirror always seen, yuh!

Am I synked out?

Can't see where my reflection at

(Ayy, ayy, ayy, ayy)

Oh, feeling so dizzy when things get hazier

A faintly visible silhouette

(Huh? Huh? Huh?)

An odd feeling, where you at?

Open my eyes again, like I’m reborn

Seen in the mirror, little different

All black, a black-shaded villain (Huh?)

Walking slowly, Black Mamba

Welcome to my palace

Champagne in your chalice

The moment you drink it all, follow to me

To be seen clearly, too deep

Rolling around the world, ah

City to city I swerve, skrrt!

 

Explanation:

 

This is an original piece written by me. I believe that you have to be supportive of your own works because that means believing in yourself and in your capabilities. I appreciate all forms and pieces of art. I appreciate myself. I am an art. Like the sign “you can look but no touching”.

 

 

Score: 2.00

Prof Irene Bae’s Note: 

Thank you for creating your own piece. I appreciate it. I just have a few comments... what is “ayy, ayy, ayy” and “skkrt?” I can give you a better score if you explain it to me well. Also, your pen name is Cash Money Gigi? 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

Kim, Minjeong Winter

MM1A

 

Title: Hansel and Gretel

By: Brother Grimms

 

Hansel and Gretel are brother and sister abandoned in a forest, where they fall into the hands of a witch who lives in a house made of gingerbread, cake, and pastries. The cannibalistic witch intends to fatten the children before eventually eating them, but Gretel outwits the witch and kills her.

 

Explanation:

 

The first thing that came to mind while I was doing this homework, it’s already 12 AM here, “Ah! I’m hungry!” I searched for a literary piece but then I remembered Hansel and Gretel who went to the house made of gingerbread, cake, and pastries. I wanted to join too and eat all I can! Imagine the fun. I bet I can also take down the witch since I learned Kendo when I was young.

 


 

Score: 2.00

Prof Irene Bae’s Note: 

Okay, you are very particular and literal about this homework. Good. Good to know about the Kendo lesson too. Next time, don’t just put in the summary of the piece but write your favorite part/scene of it.



 

 

 

 

 

 

 

 



 

Yu, Jimin Karina

FM1A

 

Title: “I Want To Be Single With You”

By: Isabelle Tessier

 

I want something that will be both simple and at the same time not so simple. Something that will make sure that I often ask myself questions, but the minute I'm in the same room as you, I know. 

 

I want you to think I'm beautiful, for you to be proud to say that we're together. I want to hear you say you love me and I especially want to tell you in return.

 

I want to make plans not knowing whether or not they will be realized. 

 

To be in a relationship that is anything but clear. 

 

I want to be your good friend, the one with whom you love hanging out.

 

I want you to keep your desire to flirt with other girls, but for you to come back to me to finish your evening. Because I will want to go home with you. 

 

I want to be the one with whom you love to make love and fall asleep. The one who stays away when you work and loves it when you get lost in your world of music. I want to live a single life with you. For our couple life, would be the equivalent of our single lives today, but together.

 

One day I will find you.

 

 

Explanation:

 

When I first read this, I knew the feeling just hit right home. It became my favorite and I always go back to each part because I could resonate that much. It spoke to me from the core of my heart. The last line “one day I will find you” was what got me… it was the perfect end to the piece. 

 

For single people, it gave them hope that someday, someone good will come along.

 

For me, it gave me a smile on my face… because I found the one.

 

 


 

Score: 1.50

Prof Irene Bae's Note: Nice piece and good explanation. I hope everyone will.


 

 

 

 

 

 

 

 



 

Madami na kaming beses na nagkatampuhan ni Karina lalo na nung mga bata pa kami. 

 

Kung ano ano lang naman ang dahilan, minsan maliliit lang na mga bagay.

 

May mga times na umaabot kami ng ilang days na hindi nagpapansinan.

 

Pero every time na mangyari yun, ang bigat lang talaga sa puso.

 

Parang di ko yata kaya, ganun ba.

 

Yung di niya pagpansin.

 

Yung pag-iyak niya.

 

Tagos lang talaga lahat sa akin.

 

Connected ba ang umbilical cord namin?

 

 

 

 

 

 



 

Grade 5:

 

Nakita ko si Karina na papalapit na sa desk ko at may hawak hawak na lalagyan ng Stick-O na puro barya ang laman.

 

Gusto kong magtago.

 

Siya yung student-in-charge na naniningil ng paluwagan na piso araw araw.


Ayaw ko magbayad!

 

“Sest… piso.” Masayang sabi sa akin ni Karina. Mukhang tuwang tuwa siya sa role niya.

 

Hindi ko siya pinansin at kunwari busy lang ako na nagsusulat sa notebook.

 

“Uy, sest… piso.” Pag-ulit pa ni Karina.

 

“Ayoko magbayad.” Mahinang sabi ko. Napalingon pa ko sa likod baka narinig pa ng teacher namin.

 

“Hala, bakit? Wala ka bang baon?” Concerned na sabi ni Karina.

 

“Meron.” Mabilis na sagot ko. 

 

May baon ako noh! 

 

50 pesos pa, belat! 

 

Joke lang, 40 pesos lang.

 

“Ba’t ayaw mo magbayad ng piso?” Tanong pa ni Karina.

 

“Kinukurakot lang yan ni ma’am.” Nakasimangot na sabi ko.

 

Nanlaki ang mga mata ni Karina. “Huy, Winter.. ano ba sinasabi mo? Pambibili kaya ‘to ng floorwax saka ng eraser.”

 

Suminghal ako. “Di ah! Nakita ko diyan kumuha si ma’am nung may naglako ng siopao sa classroom tapos kinain niya mag-isa. Ayaw ko. Lipat ka na don.”

 

Nakatingin lang ng seryoso sakin si Karina. “Sest… binibilang ‘to ni ma’am. Baka sabihin kulang yung kinollect ko...”

 

Di ko na pinansin si Karina. Pinagpatuloy ko na lang yung pagkopya ko sa blackboard.

 

Parang nainis na umalis si Karina sa harap ko at lumipat na sa unahan para singilin yung susunod na estudyante.

 

Kinabukasan, di niya ako pinapansin.

 

Nilalagtawan niya lang ako kapag naniningil na siya ng piso.

 

Umabot ang dalawang araw, patuloy lang siya sa pagsingil pero hindi niya nilalapitan yung pwesto ko.

 

Di niya rin ako kinakausap.

 

Curious naman ako masyado.

 

Inaamin ko nakakalungkot din ang di niya pagpansin.

 

Galit ba siya sa akin kasi di ako nagbayad ng piso?

 

Nung pangatlong araw na nangongolekta na siya, hinanda ko na yung tatlong piso ko sa table.

 

Tatlong piso para sa lahat ng araw na hindi ako nagbayad.

 

Akmang lalagpasan ako ni Karina pero malakas ako sumigaw, “Uy, paluwagan! Eto yung bayad ko oh! Psst!”

 

Napalingon sa akin si Karina, masungit ang itsura niya. “Kala ko ayaw mo magbayad?”

 

Nagkamot ako ng ulo. “Eto na nga eh…” Pinakita ko yung tatlong piso at pinilit na inaabot sa kanya. “Di ka ba… napagalitan?” Kinakabahan na tanong ko. Baka kasi napagalitan siya dahil kulang yung total kasi di ako nagbayad.

 

Seryoso pa rin ang itsura ni Karina nung sumagot. “Hindi. Binayaran ko yung sa’yo.”

 

Nagliwanag ang mukha ko. “Bayad na pala eh… tago ko na ‘to.”

 

“Eh, sest...” Mabilis na kinuha ni Karina yung tatlong piso ko.

 

Bago pa makaalis si Karina, hinila ko ang kamay niya. “Bati na tayo?” Tanong ko sa kanya with matching pa-cute na smile.

 

Unti unti naman ang pag-ngiti ni Karina sa akin saka tumango. 

 

“Ma’am, may naghoholding hands po oh!” Si Ningning.

 

Sinamaan ko siya ng tingin.

 

Hinulog ko din yung lapis niya sa sahig.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 




 

1st year High School:

 

This time, medyo mas malala yung away namin?

 

Pumasok si Karina ng classroom at pansin na pansin ang bago niyang sapatos.

 

White na white and shining bright ang kanyang new rubber shoes.

 

Syempre, ako naman na pasimuno… malakas ko siyang kinantiyawan ng pang-aasar.

 

“Uy, bago shoes ni Karina, guys…. binyagan! Binyagan! Bin! Ya! Gan!” Nag-chant pa ako ng sunod sunod nun kaya syempre ang iba naming classmates na nakakita ng pagkakatuwaan, naki-join na din.

 

Sinimulan kong tapakan yung white na sapatos niya at mabilis itong nadumihan.

 

Yung ibang classmates ko, nakikitapak din pero sinusuway iyon ni Karina. 

 

“Stop…” Pilit ang tawa ni Karina, natigilan din ako nung nakita ko yung mata niya na parang may namumuo ng luha.

 

Bigla akong kinabahan.

 

Sakto namang dumating ang moderator namin kaya natahimik kami lahat.

 

Buong araw, tinitingnan ko lang si Karina pero hindi ito lumilingon para kausapin ako kahit isang beses.

 

“Lagot ka…” bulong ni Giselle.

 

Sinamaan ko siya ng tingin. “Nakitapak ka din ah!”

 

“Mas grabe yung sa’yo, tingnan mo oh, ang dumi.” Sabi ni Giselle.

 

Napatingin ako sa bagong white shoes ni Karina at ang dumi na nga non.

 

Nung uwian na, di rin siya sumabay sa akin pauwi na dati naman ay lagi kaming magkasabay. 

 

Mabilis siyang lumabas ng room at iniwan ako.

 

Patagong nasa likod lang ako ni Karina habang sinusundan siya pauwi.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
13 streak #9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g