Marecakes Pt 2

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Spicy realizations ni Winter. 


 

 

 

 

 

Winter

 

Nandito na ko ngayon sa loob ng kwarto ko. Marked safe.

 

Kanina nung nasa kwarto ako ni Karina after nung ano… nung pinaggagawa ko, bigla akong nahiya. Kaya mabilis na lang ako napabalik dito.

 

Sinara ko ang pinto ng kwarto at dramatic na napaupo sa sahig.

 

Bigla akong napahawak sa lips ko at nag-flashback na naman ang mga kaganapan - nung gabi sa hotel room, nung umuulan sa gitna ng park, at kanina nung naglalaro kami ng bahay-bahayan.

 

Ang kapal pala talaga ng mukha ko ‘no?

 

Hindi ko rin alam kasi kung bakit ginawa ko na naman yun… basta, walang explanation, yun na yon! May mga moments talaga na malalaman mo na lang na may gustong gusto ka gawin kasi di mo ito maalis alis sa isip mo. Tapos malalaman mo rin yung perfect time kung kailan yon, kumbaga mayroon kang invisible sign na makikita that will push you more to do it.

 

Kanina, nakita ko nga yung sign na yun.


Kaso di ko nga alam kung ano yun kasi invisible nga.

 

Napapikit ako ng madiin at napasabunot sa buhok ko.

 

Ano na namang excuse ang sasabihin ko sa kanya this time?

 

Hindi na ata mag-wowork yung “isipin mo na lang faceless yung kahalikan mo o kaya mag-imagine ka ng iba, sest” kasi valid lang siya sa first kiss.

 

Hmm, sabihin ko kaya na diba nga nagbahay bahayan kami tapos yung role namin mag-kumare, kunwari namiss ko bigla yung mister ko ganon, tapos siya lang yung available that time kaya… kaya…

 

Ahh! Masyado namang kinareer yung laro, di na believable. Ano ‘to dramarama sa hapon?

 

What if sabihin ko it was only a moment of weakness? It was only a moment like this… some people wait a lifetime, for a moment like this. Some people search forever for that one special kiss.

 

Teka, baka mahalata niyang lyrics. 

 

Sabihin ko na lang kaya na “wala eh, gusto ko talaga gawin eh, wala ka ng magagawa”. Masasapak ba ko nun?

 

What if sabihin kong crush ko siy-

 

Napalundag ako sa pwesto nang makarinig ng mahihinang katok sa pintuan ko. 

 

“Sest? Sest, kakain na.” Si Karina.

 

Bigla akong kinabahan.

 

Dinner na.

 

Sabay kami lagi mag-dinner ni Karina.

 

How to act?

 

What to say?

 

Di ako prepared.

 

Help me, Google senpai!


 

 

 

 

Mabilisang search:

 

“What to do when you kissed your best friend”

 

 

 

 

Google results:

 

Say something like, "I feel we really need to talk about what happened." Discuss your concerns about what it means for your friendship. Say something like, "I'm worried that the kiss might hurt us as friends." Let each other know if you have deep and sincere feelings that go beyond friendship.


 

 

 

 

 

Bigla kong in-exit ang phone ko.

 

Ayoko, Google!

 

I’m scared! 

 

Bye.


 

 

 

 

 




 

Dahil pala-desisyon ako, nagdecide na lang ako to just follow my own brain and heart and not follow what Google is saying.

 

Act normal, act normal, act normal, Winter Kim.

 

Hinila ko ang isang upuan at umupo sa harap ni Karina. Nakita ko siyang nag-aayos ng mga plato para sa aming dalawa.

 

Patago kong pinakikiramdaman ang kilos ni Karina, pero mukhang wala namang kakaiba sa kanya.

 

Her hair is already tied into a ponytail na kani kanina lang ay nakalugay habang…

 

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nag-aambang kilig.

 

“Ba’t ka ngumingiti diyan?” Tanong ni Karina na ikinagulat ko.

 

Mabilis akong napalingon sa kanya at sinabi ang unang dahilan na pumasok sa isip ko. “Ah, wala. Yung ano kasi… yung homework natin, ang hirap.”

 

Kumunot ang noo ni Karina. “So? What’s funny about that? Mahirap nga eh. Wait, ano pala yun?”

 

Hinalukay ko ang utak ko pero wala akong maisip na homework. “Ano.. bukas pa lang daw.”

 

Naguguluhan pa rin si Karina. “Bukas ang alin?”

 

“Oo! Bukas pa.. ibibigay yung homework.” Tumayo ako para kunin yung pitsel ng tubig sa ref.

 

“Pano mo nalaman?” Usisa pa rin ni Karina. Ayaw niya talaga tigilan.

 

“Sabi ni Magic 8 Ball..” Iniba ko ang usapan. “U-uy, sinigang! Ang sarap!” Pagpuna ko sa ulam na nakahanda sa mesa.

 

“Monggo yan, sest.” Seryosong sabi ni Karina.

 

Napaupo na lang ako at di na nakaimik.

 

Lihim ko ulit na pinagmasdan si Karina. Mukhang okay naman siya. Mukhang di naman siya nagalit sa nangyari. 

 

Ginagawa niya pa rin yung mga lagi niyang ginagawa kagaya ng pagsasandok ng kanin sa plato ko ngayon.

 

Whew. Malalim akong napabuntong hininga.

 

Mula sa pagtitig ng kamay niya na nagsasandok, naalala ko yung ginawa naming pag-hoholding hands habang…

 

Napalunok ako at nilipat na lang ang tingin ko sa iba.

 

Napatingin naman ako sa lips ni Karina, maling mali dahil saktong nag-wet pa siya ng lips.

 

Napatingin ako sa kisame ng dorm.

 

“Huy, ano ba yun?” Nakita ko si Karina na nakatingala at sinisipat sipat na rin kung anong tinitingnan ko sa itaas.

 

Napaubo ako at nagsandok ng ulam. “Wala, akala ko kasi may butas.. parang may tumulo kasi.”

 

“Ha?” Worried naman na nakatingin pa rin si Karina sa kisame. “Umuulan ba?”

 

Napatingin naman ako sa mahaba at makinis niyang leeg.

 

“H-hindi, hindi.. kahapon pa yun... nag-close na ata yung butas.” Hindi ko na talaga alam mga pinagsasabi ko.

 

Di ko pa rin maalis ang tingin ko sa leeg ni Karina at napakurap na lang ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Kumunot ulit ang noo niya. “Pa-check na lang natin.”

 

“Okay..” Sabi ko sabay subo ng kutsara na puro monggo. Ay, nakalimutan ko isabay yung kanin.

 

Bumalik na ulit si Karina sa pagkain. Naka-focus lang siya sa plato niya.

 

Hindi naman awkward ang atmosphere ngayon sa pagitan namin,

 

I guess lagi naman kaming ganito. Okay lang sa amin na walang nagsasalita paminsan minsan. Hindi namin kailangan laging punan ng pag-uusap ang bawa’t segundo kapag magkasama kami. Para sa amin komportable ang katahimikan.

 

Okay, so siguro nga wala lang kay Karina yung nangyari sa amin kanina sa kwarto niya.

 

Nararamdaman ko na wala naman yata siyang balak pag-usapan. 

 

Safe ako.

 

Ano kayang pwede kong gawin?

 

Kailangan ko na lang sigurong bumawi.

 

I need to do something good for her.

 

Hindi naman sa guilty ako pero guilty nga yata ako.

 

Kasalanan ba yung ginawa ko?

 

May bigla akong naisip. 

 

Act normal, Winter Kim.

 

Ngumiti ako ng confident kay Karina. “Sest, bukas ano pala gusto mo? Ako na lang magluluto ng meryen-”

 

Parehas kaming natigilan.

 

Nakita ko kung paano napa-pause si Karina sa pagsadok ng kanin sa kutsara niya.

 

Napatingin ako sa bowl ng monggo.

 

Uy.. ba’t may tag price pa ‘to? 79 pesos.

 

, naramdaman ko ang biglaang pagiging awkward ng paligid.

 

Hindi pa rin makatingin si Karina sa akin.

 

Nag-iinit na ang pisngi ko.

 

Kailangan ko maka-recover!

 

Kinorrect ko ang dapat sasabihin ko kanina. “...ng b-breakfast. Ng breakfast, sest. M-may gusto ka ba?” Nag-smile ako ng pangiwi.

 

Dahan dahang umangat ang ulo ni Karina at napatingin sa akin pero mabilis din siya nagbawi ng tingin. “Hmm, ano.. um, sinigang na lang.” Tarantang sabi niya.

 

Save me, Lord.






 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi ako makatulog. Tiningnan ko ang oras. 10:30 PM pa lang. Masyado pang maaga. Hindi ganito ang oras ng tulog ko.

 

Usually, mga ganitong oras nanunuod pa kami ni Karina ng movie sa living room.

 

Pero after nung naging awkward na dinner kanina na kasalanan ko ulit, tahimik kaming naghiwalay papunta sa sari sarili naming mga kwarto.

 

Nagpaikot ikot ako sa kama.

 

Hindi talaga ako mapakali.

 

Parang may mali.

 

Parang dapat may sinabi pero hindi nasabi.

 

Parang dapat may pinag-usapan pero hindi pinag-usapan.

 

Ang awkward pa nga ng good night namin sa isa’t isa kanina. 



 

 

 

 

 

 

FLASHBACK KANINANG DINNER: 

 

Naghuhugas ako ng plato kasi ako ang naka-schedule na cleaners ngayon.

 

Si Karina, tahimik lang na nag-aayos ng mga pinagkainan namin at maingat na nilagay ito sa tabi ko para mahugasan.


Napalingon ako sa kanya, nung nakita kong paalis na siya, di ko napigilang magtanong. “Matutulog ka na?”

 

“Oo eh...” Yumuko si Karina na parang may kinuha sa ilalim ng table.

 

“Ah okay, good night..” Nagbalik ako ng focus sa paghuhugas ng plato.

 

Maya maya ay naramdaman ko siya sa gilid ko. Napalingon ako sa kanya at mayroon siyang hawak hawak na tissue na naka-crumple. Nakatingin siya sa basurahan sa tabi ko at parang malalim na nag-iisip kung paano yun aabutin nang hindi ako naiistorbo.

 

“Akin na yan...” Nilahad ko yung kamay ko sa kanya para hindi na sya mamroblema pa.

 

Nilagay niya yung tissue sa kamay ko at nung kinuha ko yun di ko sinasadyang madiinan yung pagsara ng kamay ko at mahawakan yung kanya.

 

Parehas kaming nagulat nung nagdantay yung mga kamay namin at bago pa man ako makarecover, nakita ko nang tumalikod si Karina na may mahinang binubulong. “Good night…”

 

Hays.

 

Ba’t ang dami yatang hugasin ngayong gabi?

 

Ay, kanina ko pa pala sinasabon ‘tong isang plato.




 

 

 

 

 

 

 

 


 

Bumalikwas ulit ako sa pwesto at napatingin sa ceiling.

 

Anong meron at parang ang interesting ng mga kisame ngayon…

 

Hindi talaga ako mapalagay.

 

Ayaw ko ng nararamdaman ko ngayon.

 

Hindi kami dapat ganito ng best friend ko.

 

Hindi naman ito ang first time na maging awkward kami sa isa’t isa, madalas nung may mga tampuhan kami noon, nagiging ganito rin kami lagi.

 

Pero first time na sobrang maging awkward kami dahil sa… dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya!!!

 

Tatlong beses.

 

Naalala ko na naman ang mga pinagsasabi ko nung mga panahon na yon.

 

 



 

“Ows, di ka duwag? Kahit halikan kita ngayon?”

 

 

“Sest, buti talaga ikaw… buti ikaw yung nakiss ko..”

 

 

“Sest, pwede ba.. ngayon lang?”

 

 

 


 

Hinawakan ko yung unan ko at tinakip sa mukha ko.

 

Ano bang pinaggagawa mo sa buhay, Minjeong?

 

That’s your best friend. 

 

Rina.

 

Okay, crush mo siya dati pero...

 

Still, she’s your best friend.

 

Unaware na napahawak na naman ako sa lips ko.

 

No, no, this can’t be. Hindi ko hahayang lumipas lang ang gabi na ‘to.

 

Tumayo na ako.

 

Gising pa kaya siya?



 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

Nandito na ako sa tapat ng kwarto ni Karina.

 

Parang biglang gusto ko na ulit bumalik sa kwarto ko.

 

Tulog na siguro yun eh. 

 

Oo, tulog na yon.

 

Nakarinig ako ng pag-uusap sa phone mula sa loob.

 

 



 

“Yes po, mommy. We’re fine.”

 

“Winter’s fine too…”

 

“Nasa kwarto na siya…”

 

“Mom, tulog na yata siya? I think.”

 

“Mom, nag-good night n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g