So Into You

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Winter


 

Winter's 8th Birthday:


 

Kanina pa ako nakatingin sa pintuan namin.

 

"Happy birthday Winter ~ happy birthday Winter ~ Happy birthday! Happy birthday!”

 

Malakas na ang kantahan ng mga tao na nakapalibot sa akin dito sa bahay. Di ko naman sila kilala lahat. Nandito yung sabi ni mama na mga kamag-anak daw namin, sila tita, si tito, sila lola, lolo, pati yung lagi ko nakikita sa labas na kapitbahay namin.

 

Nandito rin yung mga pinsan kong sila Mark, John, Tessie, saka yung iba kong mga classmates sa school kasama ang mga parents nila. Pati si Teacher Anne nandito pa.

 

"Happy birthday, Winter!!! Oh anak, blow mo na ang cake mo! Pero bago yan, magwish ka muna! Baby, close mo na eyes mo to wish!" Sabi ni mama sa akin.

 

Nakatingin pa rin ako sa pintuan namin.

 

Wala pa sila.

 

Wala pa siya.

 

Si Karina…

 

Akala ko ba pupunta siya sa birthday party ko? Niyaya ko siya nung naglalaro kami nung isang araw eh. Saka binigyan naman siya nila mama nung invitation card diba?

 

"Nak, done ka na sa wish mo? After niyan, blow mo na ang cake ha." Sabi naman ni papa sakin.

 

Bigla akong napapikit para magwish…

 

Ang wish ko po ay sana pagdilat ko ng mata nandito na si Rina sa birthday party ko.

 

May narinig akong sumigaw.

 

"Ay jusko! Ning, anak! Ba't mo naman binlow ang candle, anak naman eh.. hindi naman natin birthday, sorry naku, mare, pasensya."

 

"Gutom na po ako, ma.. ang tagal po magblow eh."

 

Napadilat ako at nakita kong nawala na nga ang apoy sa kandila at hinihila na si Ningning ng mama niya palayo sa birthday cake ko.

 

Sinindihan na lang ulit ni papa ang candle sa cake ko. Ngumiti pa siya sa akin. "Anak, take two ha, wish ka na lang ulit, tapos saka mo i-blow itong candle mo ha?"

 

Napatingin ulit ako sa pintuan.

 

Wala pa rin siya… napapikit ulit ako para magwish. Ulitin ko na lang yung wish ko kanina para magkatotoo na.

 

"Wait wait, di nakuha sa video. Ulitin natin, guys. Kanta na lang from the start! 1, 2, 3.. Happy birthday…" Panimulang pagkanta ni Ate Taeyeon habang nakahawak sa camera.

 

"Happy birthday Winter! Happy birthday Winter ~"

 

Naudlot na naman yung pagwish ko nung bigla ulit sila nagkantahan.

 

Titingin na sana ulit ako sa pintuan nang marinig ko ang boses na yun na isa sa mga kumakanta.

 

Kilala ko ang boses na yun!

 

Napatingin ako sa kanan ko at tama nga… si Rina.

 

Nandito na si Karina sa birthday party ko! Yehey!

 

Nakangiti siya at nakatingin sa akin. Sumasabay na rin sa pagkanta ng iba pang mga bisita.

 

Napangiti na rin ako habang nakatingin din sa kanya.

 

"Oh anak, wish na!" Sabi ulit ni mama.

 

Sa loob loob ko, nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng 2nd wish.

 

Ang wish ko po ay…

 

Dinilat ko ang isa kong mata para sumilip kay Karina.

 

Nakatingin pa rin siya sa akin at medyo natawa na parang nahihiya at nagtakip ng bibig nung napansin niya na nakasilip ako sa kanya.

 

Pinikit ko na ulit ang dalawa kongmga mata.

 

Ang wish ko po ay sana bilhan ako ni papa ng gameboy, sana laging masaya na ganito ang family ko, good health, long life, at sana nandito lagi si Karina.

 

Gusto ko nandito lang siya lagi kasama ko.

 

May narinig akong sumigaw at malakas na umiyak kaya mabilis akong napadilat ng mata.

 

"Aeri Giselle! Why did you do that?!" Kitang kita ko ang mama ni Giselle na parang galit na hinila ang anak niya mula sa pagkasabunot sa buhok ni Ningning.

 

"I-bblow niya po ulit yung candle ni Winter eh!" Mataray na sabi ni Giselle.

 

"Ay wala na, sira na.. from the start na lang ulit, guys. Kanta na lang tayo ulit." Frustrated na sabi ni Ate Taeyeon habang hawak pa rin ang camera niya.

 

Sinisindihan ulit ni papa yung kandila na namatay na rin pala dahil sa kaguluhan nilang lahat. "Anak, last na ito promise…"

 

Ibig sabihin ba niyan may 3rd wish ako?

 

Napatingin ako ulit kay Karina.

 

Nakatingin din pala siya sa akin at nag-thumbs up pa.

 

Ang 3rd wish ko po ay sana… magkaroon ako ng pet na goldfish at saka lagi kami maging classmates ni Karina sa school para lagi ko siya kasama at kalaro at saka sana nandito siya lagi at-

 

May bigla na namang nagsigawan kaya napadilat ulit ako.

 

Yung mama ni Giselle at Ningning nagsasabunutan na.

 

Woo, okay!!!

 

Ibig sabihin may 4th wish ako?!
















 

Wag kayo maingay kay Tita Esme.

 

Pero gabi gabi na kami magkatabi matulog ni Karina sa dorm.

 

Minsan sa kwarto niya kami natutulog, minsan naman sa kwarto ko.

 

Tipid kaya sa kuryente! Practical lang ‘no!

 

Saka tipid sa tubig na rin.

 

Pero ngayon… ano ba nangyari sa amin these past few months?

 

What can I say, it was a rollercoaster ride.

 

Literal.

 

Kasi pumunta talaga kami ng theme park nung Christmas break at sumakay kami sa rollercoaster. Kami lang pala ni Ning. Ayaw naman kasi nila Karina at Selle sumakay sa ganun kasi takot daw sila kaya hinintay na lang nila kami sa baba hanggang sa matapos yung ride.

 

Saka may narealize ako nung nakasakay na kami sa rollercoaster at nung nasa tuktok na kami, nakabitin patiwarik, at habang umiikot na yung mga kalamnan ko sa tiyan.

 

Hindi naman sa nag-ooverthink pero what if mag-malfunction to?

 

What if…? Ayaw ko. Gusto kong mamuhay ng matagal. Gusto ko pang…

 

Kaya naman habang pumapaikot-ikot kami at nagsisigawan na ang lahat ng mga nakasakay, I screamed at the top of my lungs.

 

“Hindi na ulit ako sasakay ng rollercoaster!!! Gusto ko pang pakasalan si Karina!!!!”

 

Yan ang sinabi ko.

 

Nung natapos na yung ride at nakababa na kami, tumakbo kaagad ako kung nasaan si Karina at mahigpit siyang sinunggab ng yakap.

 

“Sest, hindi na ulit ako sasakay ng rollercoaster.” Pag-amin ko sa kanya habang hinihingal pa.

 

Naging worried ang mukha ni Karina at hinalikan niya agad ako sa cheeks. “Bakit naman? Are you okay?”

 

“Kasi-”

 

“Winter, ang saya! Tara isa pa!!!” Malakas na sabi ni Ningning at niyayaya ulit ko ng isa pang round.

 

I looked longingly sa rollercoaster na sinakyan lang namin at binalik ko ang tingin kay Karina.

 

I made a promise.

 

Never again.

 

Bye, rollercoaster…

 

I have priorities in life.

 

“Sest, ano yung sinasabi mo kanina? Before you go with Ning.” Tanong ni Karina, may worry pa rin sa mukha niya.

 

Umiling ako. I pointed my index finger at her and poked her chest. “Dahil sa’yo… gusto kong ingatan ang sarili ko. Marami pa kasi akong gustong gawin.. na kasama ka. Hindi ko yun magagawa kung bigla na lang ako mahulog sa rollercoaster.”

 

Nakita ko ang unti unting pagpalit ng facial expression ni Karina. Ngayon ay amused na pinagmamasdan na lang niya ako. Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin to give me a kiss on the corner of my mouth. Bumulong din siya. “Babe, promise, hindi ko hahayaan na may mangyari sayo and promise din, gagawin natin ang lahat ng magkasama.”

 

Aanhin ko pa ang rollercoaster kung mga ganitong salita lang ni Karina ay katumbas na rin ng thrill sa mga exciting rides?

 

It’s even better.

 

“Winter, kung ayaw mo na sa rollercoaster, dun tayo sa Drop Tower dali!” Sigaw ulit ni Ningning.

 

Drop tower?

 

Hmm… masaya nga yun pero…

 

Rollercoaster lang naman sabi ko kanina na di ko na sasakyan diba?

 

I gave a quick peck sa lips ni Karina. “I love you, babe. Ning, taraaaaaaaaaaaa!”









 

 


 

Last Christmas Break:



 

Karina


 

After dinner, nagliligpit ako ng dining table at hindi ko maiwasang marinig ang usapan nila Winter at Ningning on the phone kasi naka-loud speaker ito habang siya ay naghuhugas ng plato.



 

On the phone:

 

Ningning: Exchange gift tayo!

 

Winter: Ano

 

Ningning: Exchange gift, Winter! Kahit tayo lang apat nila Rina at Selle! Tingin mo?

 

Winter: Kayo…

 

Ningning: Sige, sige! Kahit worth 500 lang! Gagawa ako ng bunutan pero secret lang ah.. ikaw ang ipapabunot ko sa akin.. may gusto kasi akong matanggap na gift!

 

Winter: Bigyan na lang kaya kita ng 500 tapos ikaw na lang bumili ng gusto mo… pano pa naging exchange gift yun…

 

Ningning: Eh kasi Winter! KJ na naman neto!

 

Winter: Ning, maya na lang, naghuhugas lang ako ng plato

 

Ningning: Pero kasi-

 

Winter: Bye…


 

I sighed after i-end ni Winter yung call nila ni Ning.

 

Halatang halata ko na wala siya sa mood.

 

The whole dinner while we were eating, she barely spoke to me.

 

Akala niya siguro hindi ko napapansin ang madalas niyang pag-iwas ng tingin sa akin.

 

I have a feeling kung ano yung dahilan kaya siya nagkakaganyan pero I have to make sure.

 

Nung napansin kong tapos na siya maghugas at nagpapatuyo na ng kamay, alam kong pupunta lang siya ng diretso sa kwarto niya at hindi na ko papansinin buong gabi.

 

I won’t let her.

 

“G-good night.” Mahina at hesitant pa na sabi ni Winter and as expected, papunta na nga sa kwarto niya.

 

Mabilis kong hinarangan ang dadaanan niya.

 

Napatigil siya sa paglakad at saglit na umangat ang ulo para tumingin sa akin.

 

“Excuse me…” Mahinang sabi ni Winter at akmang iiwasan ulit ako.

 

Inangat ko yung kamay ko sa dingding para harangan ulit yung dadaanan niya.

 

“Karina…”

 

“Karina?” Tinaasan ko siya ng kilay.

 

I’m a little hurt whenever she calls me only by my name.

 

Nag-iwas lang ng tingin sa akin si Winter.

 

“Galit ka?” Tanong ko while searching her face.

 

Hindi siya sumagot.

 

Lumapit ako sa kanya. Inangat ko yung chin niya with my index finger. “Look at me.”

 

This time, tumingin na si Winter sa akin. I held her gaze.

 

“Let’s talk… para malaman ko kung bakit ka galit. So I can apologize properly.” Seryosong sabi ko sa kanya.

 

“Nawalumm lumm akom sa mmm.” Pag-murmur ni Winter na hindi ko maintindihan.

 

“Ano yun?” Kunot noong tanong ko na naguguluhan.

 

“Nawala lang ako sa mood… sabi ko. I’m sorry.” Nag-iwas na naman si Winter ng tingin sa akin at yumuko.

 

“Dahil natalo kita sa game?” Tanong ko. An amused smirk on my lips.

 

Mabilis ang pag-angat ni Winter ng ulo para tumingin sa akin at defensive na sumagot. “Di ah! Bakit naman ako magagalit ng dahil lang dun…”

 

Except yun nga ang dahilan kung bakit siya wala sa mood ngayon.

 

I smiled knowingly at the memory.

 

Kanina naglalaro kami ng video game. Ayun nga… the fighting one, Tekken.

 

I guessed Winter was frustrated with me… kasi may na-discover akong move gamit yung isang character, I think it was... Xiaoyu.

 

I found out na super effective yung move na yun. I was just smashing the same buttons repeatedly and all… pero natatalo ko lagi si Winter every round.

 

Di na ako nagpalit ng character since.

 

And of course, she’s the gamer between us… and I never really play games so…

 

It’s amazing that I beat her so many times.

 

Yung nakapatong sa dingding na kamay ko, kaswal na pinatong ko sa balikat niya… at inangat ko na rin yung isa kong kamay para ipalibot naman sa leeg niya.

 

“Baby.” I called out to her with a small smile.

 

Tumitig na si Winter sa mga mata ko. Malalim ang ginawa niyang pagbuntong hininga.

 

Inangat niya rin ang kanyang dalawang kamay para ipatong naman sa hips ko.

 

I pulled her closer for a hug. Pinagdikit ko ang cheeks namin habang hinihimas ko ang likod niya. “I’m sorry na…” Malumanay na sabi ko.

 

Pumaikot na rin ang mga kamay ni Winter sa waist ko, returning my embrace. “Ba’t ka ba nagsosorry, babe… ako nga ang dapat.”

 

I chuckled softly, loving the feel of our bodies being this close. “Hmm. Kasi nawala ka sa mood ng dahil sa akin.”

 

“Hindi dahil sa’yo…” Mabilis na sabi ni Winter.

 

“Eh kanino?” Tanong ko.

 

Magkayakap pa rin kami habang naguusap.

 

“Kay ano… hmm, ewan ko ba. Kay Xiaoyu.” Pag-amin ni Winter, mas lalo siyang sumiksik sa leeg ko.

 

This time, I let out a laugh at mabilis ko siyang binigyan ng kiss sa cheeks.

 

I knew I did a pretty good job with my chosen Tekken character.

 

“Joke lang, sest… I’m so sorry. Mali na hindi kita napapansin gaano kanina.” Mahinang sabi ni Winter, her voice vibrating softly on my neck. Ramdam ko rin ang mainit na labi niya na nakalapat sa leeg ko causing me to feel something.

 

“It’s okay.” Sabi ko. Marahan kong hiniwalay ang katawan ko sa kanya at nilipat ang mga kamay ko to cup her face.

 

Sinimulan ko ng panggigilan yung cheeks niya at pinisil ito nang madiin. "You're so cute."

 

"Aray, sest!" Pilit tinatanggal ni Winter yung kamay ko sa pisngi niya.

 

Nung natanggal niya yun, she urgently leaned forward and tugged my head lower for a kiss.

 

"Mhm." I sighed when our lips met and my eyes automatically closed.

 

Ganito lagi ang nararamdaman ko whenever I kiss Winter.

 

It never changes…

 

The butterflies in my tummy, the heat pooling inside.

 

The warmth in my heart.

 

Nung naramdaman ko na medyo lumalalim na yung ginagawa naming kiss, I gently bit Winter's lower lip bago ko pinatong yung dalawang kamay ko sa chest niya at marahan siyang tinulak palayo sa katawan ko.

 

Winter's lips were still chasing mine when we parted.

 

Tinitigan ko siya ng diretso sa mata.

 

“I love you, Minjeong...” Mahina at sincere na sabi ko. I could feel the weight of my words.

 

I could feel how my heart hurts in a good way while saying it.

 

Kitang kita ko ang pagliwanag ng mukha ni Winter sa sinabi ko, her bad mood’s completely gone. But instead of saying it back, she smiled in a teasing way and just stuck her tongue out at me.

 

Nagsimula na rin siyang lumayo sa akin and acted like she’s going back to her room pero bago pa niya magawa yun, nahila ko yung laylayan ng t-shirt niya. “Hey.. where’s my I love you?” Pag-whine ko sa kanya habang nakapout.

 

Natatawang hinapit ulit ni Winter ang bewang ko papalapit sa kanya at kinulong ang dalawang pisngi ko ng mga kamay niya.

 

I was biting my own lips while staring at hers.

 

She gave me a long and sweet kiss then.

 

I felt it again, the curling in my stomach.

 

It never really goes away, does it?

 

I’m filing this moment in my head because I will definitely miss her when she goes back to her province on Christmas break starting tomorrow. I will have to go home too to spend the holidays with my family.

 

Nakakalungkot na hindi kami magkakasama ni Winter ngayong pasko at bagong taon.

 

Pinisil ni Winter ang ilong ko. “Mahal kita. Pero isang round ulit.” Natatawang sabi niya.

 

I pecked her lips again. “Deal.”

 

I think Xiaoyu and I will crush it again for the second time.

 

Biglang nagseryoso ang mukha ni Winter, she was slowly tracing patterns on the dip of my chest now. “Saka sest, di talaga yun tungkol sa game… mamimiss kasi kita sa break.”

 

Hinapit ko si Winter sa akin at niyakap ulit ng mahigpit. “I know… lalo naman ako.”

 

Namimiss ko na siya ngayon pa lang. I don’t ever want to let her go.

 

We stayed hugging for a while at maya maya lang, naramdaman ko na na gumagala na ang kamay ni Winter on my lower back.

 

May bigla ako naalala. “Babe, bago yan, call Ningning back. Dinamay mo siya sa bad mood mo kanina.”

 

Kumunot ang noo ni Winter na parang nagtatanong.

 

I raised my brow at her.

 

Tinaas niya ang dalawang kamay niya habang natatawa. “Okay!”




 

On the phone:

 

Winter: Ning? Hello?

 

Ningning:

 

Winter: Andyan ka ba?

 

Ningning:

 

Winter: Wala ka pala eh, ibababa ko na ‘to-

 

Ningning: Hmph!!!

 

Winter: Dun sa exchange gift na sabi mo…

 

Ningning: Ayoko na

 

Winter: Ning naman… sorry na kanina, nawala lang ako sa mood

 

Ningning: Hmph

 

Winter: Gawin nating 1000 yung worth

 

Ningning: Sige!

 

Ningning: Final na yan ah!
















 

Winter


 

“Ay don waaaaant alat for Christmaaaas ~”

 

Nakahawak na ko sa dalawang tenga ko habang ini-endure ang malakas at sentunadong pagkakaraoke ng kapitbahay namin.

 

Christmas break na namin at andito na ako ngayon sa probinsya sa side nila papa kasi dito raw kami magpapasko at magba-bagong taon na pamilya.

 

Napabuntong hininga ako ng malalim. Naalala ko na naman si Karina. Ano na kaya ang ginagawa niya? Miss ko na siya agad.



 

Winter: Babe, ano ulit yung pwedeng kaso pag ang ingay ng kapitbahay?

 

My Pepita: Hahaha it’s Christmas, let them be

 

Winter: I miss you :(

 

My Pepita: I know, miss you more



 

Pagpatak ng alas dose mamaya, pasko na.

 

Hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil pasko na… ito kasi ang isa sa pinakapaborito kong araw.

 

Pero parang may kulang pa rin.

 

At alam ko, malaking part ng kakulangan na yun ay dahil sa hindi ko kasama si Karina ngayon.

 

Wala akong ginawa buong maghapon kundi humilata at magkulong sa kwarto.

 

Sa baba, nagluluto si mama ng mga handa at nagmamarathon ng mga lum

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
11 streak #9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g