Chaperone's Point of View

Scraps

(A/N: Naka-align to dun sa Daydreamer. Enjoy!)

 

Grabe.

Hindi ko alam kung maiinis, maiinggit o matutuwa ba ako ngayon sa nakikita ko sa harapan ko.

Pano ba naman kasi, kung makapag-usap tong dalawa akala mo wala ako! Mga walang respeto sa single. Lampungan kung lampungan!

“Sure kang ayaw mong sumabay samin?” Tanong ni Karina kay Winter na inaayos ang gamit niya ngayon.

Tumango naman yung isa, “Oo. Maaga kasi yung pasok ko ngayon kaya mauuna muna ako.” Simpleng sagot naman ni Winter.

Ako? Pinapanood ko lang silang mag-usap at sumisipsip sa milk tea kong matcha-flavored.

“Sayang naman. Oh sige, ingat ka ha?” Malambing yung tono ni Karina kaya nakita kong napangiti naman si Winter.

“Text kita pag nasa room na ako.” Sabay hawak pa niya sa kamay ni Karina na nasa mesa.

Ang haharot!

Hindi na ako natutuwa sa pangbe-baby ni Karina kay Minjeong!

Nag-ngitian naman silang dalawa at saka pinisil yung kamay na hawak hawak ni Winter pagkatapos ay tumingin naman sakin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Akala ko, nakalimutan na talaga nilang may kasama pa sila eh.

“Mauuna na ako sainyo, Giselle.” Tinanguan ko siya at ngumiti nalang din siya sakin.

Matapos magpaalam ni Minjeong saming dalawa ni Karina na sinundan niya pa talaga ng tingin hanggang sa makalabas siya dito sa milk tea shop ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at hinampas ko sa braso tong maharot kong bestie.

“Hoy ano yun? Kayo na ba?” Naiintriga kong tanong sa best friend kong ngayon ay napatingin sakin na parang gulat na gulat pa.

“Anong ano yun? Si Minjeong yun!”

“Gaga, you owe me kwento kaya! Magmula nung nakauwi tayo galing EK parang something shifted between sainyo!” Saka ako muling sumipsip sa matcha milk tea ko.

Nakita ko naman ang pamumula ng maharot kong kaibigan kaya napataas naman akong kilay.

“Hindi ko pa pala nakwento sayo?”

“Yung alin?”

Halos hindi na niya mapigilan ang pag-ngiti niya na kinakunot ko namang noo. Girl, kulang nalang tumili na ang tita Karina niyo! Halatang pigil na pigil sumigaw eh!

“Si Minjeong kasi….” Panimula niya sa sasabihin niya, “Ihhh Giselle, kinikilig ako kung alam mo lang!!” impit niya pang sigaw at hinampas hampas pa ako.

Hinayaan ko nalang na hampasin niya ako kasi konting konti nalang makukurot ko na tong babaeng to. Ang harot harot eh.

“Ay, oo girl. Ramdam na ramdam ko nga hanggang dito eh.” Lumabas tuloy ang pagka-sarkastiko ko.

“Eh kasi naman! Diba nga nag-EK tayo?? Tapos, doon niya ako ano…”

“Ano??” Inaantay ko talaga ang kasunod ng sasabihin niya kasi jusko naman, pinipilit ko na ring intindihin siya sa lagay niyang yan kasi kilig kilig ang ate niyo.

“Hinga muna tayo ng malalim, okay bessy? Okay,” instruct ko naman sakanya at tumango tango naman siya. “Breathe in… breathe out…. Inhale… exhale….” Saka namin sinunod ang inhale exhale exercise para kahit papano naman kumalma tong katabi ko.

“So… ano na???”

She pursed her lips for a second saka rin tumitig sakin at hinawakan pako sa braso.

“Feel ko mutual yung feelings namin!” She exclaimed. Naguluhan naman ako, ‘feel’ niya lang?

“Feel mo lang? Girl anong feel mo lang. Halata namang may gusto kayo sa isa’t isa!” Eksaherada ko pang sabi sakanya.

“Aba ewan ko! Wala naman kasing usapan na nangyari eh,” pangakakalma niya sa sarili at uminom rin sa drink niyang oreo matcha. “Basta after nung trip, we became sweet sa isa’t isa lang. Alam mo yun? Yung parang naging natural samin bigla yung pagiging sweet namin towards each other.” Explain niya at ako naman ay nakinig lang sa kwento ng best friend ko.

“Yung pagme-message namin sa isa’t isa, nagiging madalas na. Heck we even send good morning and good night texts nung break natin.” Pagtutuloy niya pa sa sinasabi niya.

Pero teka. Something is missing talaga.

Hindi naman pwedeng magiging ganun ganun lang sila sa isa’t isa nang walang nangyayari.

“So, anong catch sainyo?” Napatingin naman siya sakin and gave me a look na nagtatanong.

Jusmiyo.

“Wala. We’re friends I guess….?” Napasalumbaba nalang ako as I stared my best friend with a confusing look plastered on her face.

“Friends rin naman tayo, bessy eh. Best friends pa nga but we never send each other good night and morning texts.”

Nilaro niya naman yung drink niya gamit ang straw saka napahinga ng malalim.

“I don’t know, Aeri. We never really talked about it kasi eh.”

Ayun. Haynako, mahirap yan! Walang label!!

“But you like her, don’t you?” As I asked her that question, I need no answer from her na kasi grabe lang makangiti yung ate niyo. Abot hanggang mata.

“Ihhh pwede ba, wag mo nakong tanungin. Nahihiya na nga ako.” Bumalik na naman siya sa pagpipigil niya ng kilig saka namumula ulit.

“Ngayon ka pa nahiya eh halos maging hangin lang ako sainyo dito kanina! Grabe ha, akala ko nga kinalimutan niyong kasama ninyo ako.” Natawa naman siya sakin at umiling, “buti nalang libre ni Minjeong kaya na-pardon ko siya sa kaharutan ninyo kanina.”

Paano ba naman kasi, nakasandal lang naman yung braso ni Winter sa may sandalan ni Karina at eto namang ate niyo, feel na feel yung pag-akbay sakanya kaya medyo nilapit pa yung upuan niya kay Winter habang nag-uusap.

Akala mo may label, wala naman. Hmp!

Kahit masakit sa mata, keri lang. Nalibre naman ako ng matcha eh hihihi

“Ang sabihin mo, inggit ka lang.” Belat niya pa sakin saka na inubos yung drink niya. Natawa naman ako sakanya.

“Gaga. Hindi ako maiinggit sa walang label noh, che!”

Hinampas naman niya ako sa braso kaya natawa na rin kaming dalawa.

“Pero di nga gaga ka. Anong nangyare at paano nagsimula lahat?”

Hindi ko palalampasin to kasi sure na sure akong may nangyari na nagpapush sakanilang dalawa to be confident with each other.

Huminga naman siya ng malalim at nagsimulang magkwento.

“Sa sasakyan kasi noon-“

“Oh my god! What the hell, Karina?!” Tinakpan niya ang bibig ko saka ako pinanlakihan ng mata, nilingon pa niya ang mga katabing table namin dahil napasigaw ako ng wala sa oras.

Sorry naman! Naexcite ako eh!

“Gaga! Patapusin mo muna kasi ako!” Pigil niyang sigaw habang nakatakip pa rin sa bibig ko.

Nung nasigurado na niyang kalmado na kami both, tinuloy na niya ang sasabihin niya.

“Sa sasakyan nagsimula lahat, hinarot niya ako nun eh so hinarot ko rin siya pabalik.” May ica-casual pa ba ang tono ng babaeng to? Grabe ha, parang sanay na sanay ah!

“Ah! Nung nahuli ko kayong nag-ngingitian sa isa’t isa?” Tumango naman siya. I chuckled at her response at sa itsura niya ngayon na nahihiya nga ang bruha saka namumula ang tenga.

Isa lang ang masasabi ko.

“Mga mahaharot.”

 

~~~~~

 

“Rina, sabay na tayo kay Minjeong pauwi.” Casual na sabi ko sa best friend ko while making ligpit na sa mga gamit namin. Tapos na kasi yung class and last subject na yung pinasukan namin.

“Kasabay naman talaga natin siya,” she answered and I feel like celebrating kasi nakakaasar lang na I don’t have a car with me. Ginamit nila dad for their business.

“Tinatamad talaga akong mag-commute. Ayoko na, ang hassle hassle.” Reklamo ko dahil naalala ko na naman yung journey ko kaninang pagpasok ko sa school.

Marunong rin naman akong mag-commute noh! Ayoko lang sa feeling na I have to be fast lang talaga kasi need ang makisabayan sa mga pasahero na eksaheradang pumasok sa jeep pag punuan.

I don’t want to take a taxi or uber. Ang mahal mahal naman kasi. Tas minsan, sinsadyang bagalan ng ibang driver yung pagmamaneho. Eh malelate na nga po ako, manong!

After fixing our things, lumabas na kami at nakitang nag-aabang pala si Winter sa labas ng room namin.

Taray, sundong sundo talaga tong bestie ko ha.

“Kanina ka pa ba?” Tanong ni Karina nang makasama na namin si Winter at naglalakad na pababa. Umiling naman yung isa.

“Hindi naman. May inabot rin ako sa faculty dito sa floor ninyo kaya medyo kadarating ko lang din.” Simpleng sagot niya, at tumango tango naman si Karina. “Hi, Giselle.” Tinanguan ko siya at minataan ko si Karina na napapagitnaan namin ngayon saka ko siya nginisian.

Natawa nalang si Winter sa ginawa ko at pasimpleng inakbayan ang bestie ko.

“Nagugutom ba kayo? Meryenda muna tayo?” Tanong naman ni Winter habang naglalakad pa rin kami at nakababa na rin sa ground floor.

“Maaga pa naman so keri lang naman sakin,”

Tumango tango naman si Minjeong saka siya bumaling kay bestie, “Karina? Nagugutom ka ba?”

“Okay lang naman.”

Anong sagot yan, Yu Jimin.

Pareho kaming natawa sa sagot niya kaya nag-insist na si Winter na kumain muna kami bago umuwi. Buti nalang, may mga coffee shops and fast-food chains na malalapit sa univ kaya di na rin hassle maglakad.

Nag-settle kami sa Mcdo at eto kami ngayon, hinihintay si Karina na nasa counter since she insisted to get our orders.

So naiwan kami ni Winter na magkasama.

“So how’s Jimin so far?” Kung di mo to kakausapin talaga, di to mag-iingay eh.

“She’s fine naman.” Tipid niyang sagot kaya umayos ako ng upo at pinag-clasp ang dalawang kamay ko sabay sandal ng baba dito.

“Walang progress sainyo?”

Tumingin muna siya sakin siguro for ilang seconds bago niya sagutin ang tanong ko.

“I don’t know. Ayoko lang din naman kasi siyang madaliin eh,” she answered and tumingin kay Karina na malapit na sa pagt-take ng orders, pangalawa na kasi sa linya.

“Besides, I’m still waiting for her to speak up. I don’t want her to feel pressured.” Pagtutuloy niya pa sa sinasabi niya.

Eto ang gusto ko kay Minjeong eh.

She’s sure of what she wants and certain din sa kung ano yung dapat niyang ikikilos in dealing with things yet andun pa rin yung gentleness niya.

Lakas maka-jowa goals! Kainis, swerte ni Karina!

I feel contented na makinig nalang muna sakanya about her thoughts kay bestie Jimin.

“I just want us to enjoy what we have and what we are right now? Ganun ba.”

Napatango nalang ako and the last thing I knew was nakangiti na pala ako sa kaibigan kong iba kung makatingin kay Karina ngayon.

Her eyes, mga beshie. Full of glow and makikita mo parang nagt-twinkle sila habang nakatitig kay Karina.

“I’m happy around her, Aeri.” Saka siya tumingin sakin and ngumiti rin sakin, “Kung maririnig niya lang ang mga sinasabi mo ngayon? Hinampas hampas na niya ako sa braso.”

Natawa naman siya sa sinasabi ko at napakamot siya sa likod ng tenga niya.

A habit she always does kapag nahihiya siya.

“I’m happy for the both of you, Minmin.” And I gave her a genuine smile saka ginulo ang buhok niya.

“I know I could trust you naman, we’ve been friends for a long time. And para na rin kitang kapatid,” I took a glance kay Karina na nasa unahan na ng linya, “Please take care of Jimin, okay? I swear to God, ayokong mahati ang sarili ko kapag nag-break kayo.” Saka ko binalik sakanya ang tingin ko.

She gave me a smile na nakakapagpa-assure sa mga sinabi ko at parang secured na secured din sa ngiti niya ang future ni bestie Karina.

“That won’t happen, Aeri.” She sincerely said and caressed my hands na nakapatong na sa table saka pinat yun ng mahinhin. “Thank you, ate Giselle.”

Muntik akong mag-cringe sa sinabi niya.

“Yah! Don’t call me that! Ang lakas makatanda, Minjeong.” Natawa lang siya sakin at nagsimula naman kaming magkwentuhan na ng mga bagay bagay.

More like sa sitwasyon nila ni Karina. It’s been 2 months na rin since that trip to EK. Syempre, hindi rin siya nakatakas sakin sa pang-aasar ko sakanila ni Karina nung nalaman ko yung kaharutan nila sa sasakyan and even sa amusement park mismo.

Kinwento niya lang din naman sakin nung sumakay ng drop tower ay kapit na kapit si Karina sa kamay niya dahil sa sobrang takot niya. Minjeong even kissed her sa noo raw para makalma si bestie. Oh diba? Walang binanggit sakin na may ganyang kaganapan yun si Karina!

I knew I could trust Minjeong talaga.

And for a moment, naiwan akong mag-isa dito sa table namin because Minjeong insisted na tulungan niya si Karina sa pagbubuhat ng mga orders namin.

Ang sarap lang sa pakiramdam. Makikita mo talaga yung pag-aalaga nila sa isa’t isa, and actually mas lumitaw pa after that trip to EK.

Alam kong they are in good hands. Sa piling ng isa’t isa.

“Hoy napaka-donya mo talaga noh, hindi mo man lang sinamahan tong si Winter or nag-insist man lang?” Sita ni bestie sakin nung nilapag na nila yung food sa table.

“Excuse me babaita, baka wala na tayong table now if sumunod din ako sa counter.”

Kumain naman ako ng fries at dinistribute sakanila yung mga orders nila.

When we settled down na, kumain na kami and nag-catch up rin ulit but this time with Karina na.

The usual set up na nakikinig lang si Minjeong samin, ngayon ay nagsh-share na rin siya ng mga kwento niya and even nagiging madaldal kay Karina.

Noticeable naman kasi. Parang may nagbago sa kaibigan namin na dati kuntento nalang sa pakikinig at pakikitawa, ngayon parang andami niyang ikekwento.

I’m enjoying the sight right now. Kahit na maiinis ako dahil paminsan minsan nilang paghaharot pero to think they would end up with each other makes me calm.

“Oh wait, you have something on your face.” Rinig kong sabi ni Winter saka kumuha ng tissue. Kinakapa naman ni Karina ang gilid ng labi niya kaso, hindi niya nakukuha yung mayonnaise na nasa kabilang gilid pala.

“Here, let me,” gentle na sabi ni Winter and carefully wiped the mayonnaise sa may lips ni bestie. Kitang kita ko na naman yung titig ni Karina kay Minjeong.

Ang lalim! Parang pati ako malulunod.

“Minjeong, how about me? May ketchup rin ako sa gilid ng labi oh,” I baby-talked Winter pa nung matapos niyang asikasuhin si Karina saka pa tinuro ang lips ko.

Natawa naman siya at naramdaman ko namang pinunasan ako ni Karina.

Bat ang bigat ng kamay netong babaeng to! Bakodera ng taon ha.

“Wala naman kaso sakin kung magp-pda kayo pero please lang noh, bawas bawasan niyo naman.” I joked.

We continued eating our meryenda na while still telling stories sa isa’t isa. Good catch up naman since halos lamunin din kami ng mga subjects namin at mga binabasa basing libro eh.

After namin kumain, niligpit nan amin yung pinagkainan namin saka iniwan yun ng maayos sa table namin. Tularan niyo kami. Be a good citizen.

Wag niyong iwang nakabulaslas yung pinagkainan ninyo sa kahit saan. At least, iwan man lang ng maayos yung table kasi dinatnan niyo to ng maayos.

Anyway, before I start lecturing pa, napansin kong we’re not our on our way back sa univ parking where Minjeong usually parks her car.

“Aren’t we gonna go back sa univ to get your car?” Takang tanong ko kay Minjeong.

Umiling naman siya kaya naman automatic na napataas yung kilay kong tumingin sakanilang dalawa.

“I don’t have my car with me today eh.” Minjeong explained kaya lumapat ang tingin ko sa katabi kong patay malisyang nagtitingin tingin ng jeep sa daan.

Kinurot ko siya ng mahina sa tagiliran niya, “Awch! Ano ba, bestie. Pauwi na nga tayo eh.” Reklamo pa niya kaya naningkit ang mga mata ko.

“Yeah, but aren’t we supposed to go back sa univ? Why are we waiting here sa may paradahan ng jeep?”

Hindi sumasagot ang katabi ko kaya si Winter nalang ang sumagot para sakanya, “Karina told me she wants to commute daw ngayon.”

I looked at my best friend with a look of disbelief at eto namang si Karina ay nakatingin lang din sakin.

“You told me na sasabay tayo kay Minjeong!”

“Aren’t we making sabay kay Winter ngayon?”

“I agreed kasi may car!”

“I didn’t say na may car nga, bestie.” Saka niya ako nginitian na mala-anghel pero with what I just witnessed at nakaalitan ay mukha siyang kampon ni Satanas ngayon dahil lakas niyang mang-asar.

Eh ayoko ngang commute!

“Why naman gusto mong mag-commute? Minjeong could’ve sent us home!” Naaasar kong sagot.

Kaso etong dalawang to ngayon parang walang pakiramdam dahil natatawa nalang sila sakin.

Talagang balak niyo akong gawing chaperone ha! Ningning, need kita here right now!

“She will pa rin naman,” tumingin siya ulit sakin at ngumiti ng nang-aasar, “we’ll be commuting nga lang.”

Saka pa natawa ang gaga.

Ano pa nga ba, edi wala akong magagawa! Ewan ko ba anong trip nitong bruha ngayon at naisipan pang mag-commute. Tong si Winter naman, gora lang sa gusto ng crush niya.

Hay nako.

I feel defeated.

“Fine! Pero you’ll be paying my seat ha.”

“Okay bestie, whatever you say.”

After ng 30 minutes siguro, nakasakay na kami. Puno kasi yung madalas naming napapara kaya tumagal rin kami sa pagsakay.

Etong dalawang kasama ko, parang ayaw talagang maghiwalay. Sila yung magkatabi habang ako naman ay kaharap ko sila. Yun nalang kasi yung available na space eh kahit hindi pa naman masyadong masikip yung nasakyan namin.

Habang biyahe, nakikita ko ang pagsandal ni Minjeong sa may likuran niya at napapapikit na rin. Tinignan ko naman si Karina na busy sa pagph-phone sa kabila niyang kamay kasi, hawak hawak lang naman ni Winter yung isa pa niyang kamay.

Jowang jowa ang datingan nila, bwiset! Nabibitter na naman ako!

Sinipa ko ng bahagya si Karina and napatingin naman siya sakin, eyeing at me with a questioning look.

I signaled her na yung katabi niya patulog na.

Mukhang nagets naman niya after ilang seconds at tinignan niya si Winter na borlogs na nga saka nakasandal ang ulo sa may likuran niya.

Tumingin ulit si Karina sakin na parang di niya alam ang gagawin. Kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ngayon ka pa aatras eh ang lakas lakas niyong humarot sa Mcdonalds kanina.

Nakita ko ang paglunok ng aking bestie saka marahan naman ang pag-abot niya sa ulo ni Winter saka sinandal yun sa balikat niya. Mukhang naalimpungatan pa nga yung isa dahil tinignan niya si Karina and eventually, sumandal na rin ng tuluyan sakanya saka pumikit na ulit.

Not to mention na humigpit rin ang pag-intertwine ni Minjeong sa kamay ni Karina.

Yung itsura ni Karina ngayon? Para na siyang kamatis sa pamumula ng mukha niya kaya umiwas ang tingin and looked out sa window na.

She looks cute and halatang nagpipigil ng kilig.

Yung kaninang inis na dinaramdam ko, napalitan ng tuwa. Humanda ka sa pang-aalaska ko mamaya, Yu Jimin.

Kasi naman eh! Tong mga kasama ko eh!

“Bayad po!” Napatingin naman ako sa katabi kong ngayon nag-aabot ng bayad niya.

 

But wait, parang may mali.

Ano yung naaamoy ko? Ang lakas lakas! Amoy na amoy!

“Bayad po! Ate, pasuyo naman!” Tinignan ko si Karina na parang nag-iba rin ang timpla ng face niya.

Hindi lang ikaw ang nakakaamoy, bestie!

Mukhang pati yung ibang mga nakasakay ay nakaramdam rin dahil nagtakip sila ng ilong.

“Bayad po!” Pigil hininga ko ng inabot yung bayad saka inabot ulit yun sa kasunod ko.

Hindi ako mapakali. Prenteng nakaupo pa sa may tabi ko si kuya na ang may anghit saka pa nakabukaka ng todo ang legs.

Kaya ayaw kong nagco-commute eh!

I have to endure this ride kaya pasimple akong yumuko at sinubsob ang mukha sa bag ko. Ayaw kong mahilo. Baka hindi ako makauwi sa amin.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nung narinig kong pumara na ang katabi ko.

Unti unti ring nawala yung amoy na feel kong huhugutan ako ng breath kaya dahan dahan rin ang paghiwalay ko sa bag ko.

Sumalubong sakin yung tingin ni Karina na nakakunot ang noo.

Nag-uusap ang mga mata namin.

Badtrip talaga yun si Kuya. Feel na feel pa niya yung pag-upo niyang spreading his legs. Urghhh

Napansin kong parang malapit na yung kanto nila Karina kaya tumgin ulit ako sakanya at kay Minjeong na ngayon ay gising na rin.

Magkahawak kamay pa rin ang dalawa.

We bid our goodbyes when they were getting off na sa jeep at saka pa kumaway sakin nung paalis na yung jeep ulit. Kinawayan ko rin sila saka na nag-settle ulit sa upuan ko.

‘To: Bestie Rina

Bakla kayo! Why did you leave me na mag-isa lang? Here I thought may kasama pa akong uuwi!’

‘From: Bestie Rina

She said gusto niya raw dumalaw kasi miss na niya kapatid ko. Hahahaha ingat bestie!’

‘To: Bestie Rina

Che! Mga scammas talaga kayo!’

‘From: Bestie Rina

:PP HAHAHAHAHA’

Tinago ko na yung phone ko sa bag to ready my things dahil malapit na rin ang bababaan ko. May kalapitan rin naman ang bahay nila Karina samin if sasakay ng trike or jeep. Kaya it’s my turn now to make para this jeep.

“Para po!!” I exclaimed but the driver didn’t stop, “Kuya para po!!” Pag-uulit ko kasi malapit na talaga.

“Kuya para po!!!” Sabi ko ulit dahil lumampas na ako sa bababaan ko.

Oh Lord, ilang perwisyo pa ba ang dadanasan ko sa commute journey kong to?!

“Para daw kuya oh!!”

“Kuya para daw!!”

After ng ilang spokesperson sa jeep ang pumara para sakin, tinigil na ni kuya yung jeep at halos lumipad na kami dahil sa bigla bigla niyang pagkakabreak.

Kinalma ko ang sarili ko bago ang bumaba.

“Teka, miss yung bayad mo! Di ka pa nagbabayad diba?!” the driver exclaimed before I could even step out of the jeep.

I could feel my frustration rising up and napapikit nalang sa pagpipigil.

All I could say was,

“Yung dalawang mahaharot na yon talaga!!”

 

~~~~~

 

I looked past the people na umaaligid sa room na nirent namin for the KTV night today. Yung pinsan ni Karina na si ate Seulgi invited us for her despidida party before she goes to States para mag-settle dun for good.

“Are you good, Aeri?” Tanong ni ate Seul sakin dahil napansin niya sigurong ang tahi tahimik ko. Wala kasi si Karina, hindi pa bumabalik eh kanina pa siya nag-cr.

“Yes, ate. I was just waiting for Karina.”

“Sure?”

I smiled at her and tinanguan rin siya, “Yes ate.”

“Okay, may mga snacks dito ha. And drinks rin! Have fun, Aeri! I’ll catch you up later, okay?” Ngumiti rin siya sakin ng walang mata kaya tumango tango ulit ako saka ngumiti pabalik.

Ang cute ni ate Seulgi and her bear smile.

I felt my tummy growling kaya I made my way to the snacks para makakuha ng makakain. Nagugutom na talaga ako, hindi ko na maantay yung bestie ko.

Nung makuntento na ako sa kinuha ko, bumalik naman ako sa pwesto ko kanina at tahimik na kumain. Hindi pa rin bumabalik si Karina, ang tagal naman niya ata?

I was about to make subo sa carbonara ko kaso may tumabi sa akin kaya I looked at them and saw Karina. Her face? Ayun mukha siyang badtrip.

“Ang tagal mo sa banyo ha. Hindi na kita nahintay eh,” sabi ko nalang at sumubo na sa pagkain.

Tahimik lang naman siya at mukhang humihinga hinga pa ng malalim.

Okay, what made her badtrip kaya?

“Hey, what’s wrong? Do you want pasta?” I offered her my food but she only shook her head and eventually let out a heave sigh.

“Wala. Hindi ako nagugutom.” She nonchalantly answered at napatango nalang ako. Maybe she doesn’t want to talk about it yet.

Minutes passed and I’m on my second plate na. Etong katabi ko ganun pa rin, ang tahi tahimik pa rin kaya hinayaan ko na muna.

Tahimik lang akong kumakain dito tapos nakita ko na si Minjeong na pumasok sa room and immediately made her way sa pwesto namin when she saw us.

Tumabi lang naman ito kay Karina and I saw na may concerned look plastered on her face.

O…kay??

“Karina…” she silently called Jimin as she tried to reach my bestie’s hand.

“It’s okay, Minjeong. I’m not mad.” Karina answered seriously.

Wala kang maloloko dito, bestie. Sobrang iba yung tono sa sinasabi mo.

The way Karina answered made Minjeong look at her hopelessly and decided to not to speak muna. Mukhang nagets niya rin yung tono ni Jimin.

After a while of silence siguro, Karina stood up, “I’ll go get myself some food muna.” Pagpapaalam niya saka na siya umalis at pumunta sa table para kumuha ng pagkain.

Automatic namang tumingin ako kay Winter na nakatingin pa rin kay Karina at napabuntong hininga nalang ang kaibigan ko.

“You guys good?” Napansin ko rin kasing ang tahi tahimik nilang dalawa. Not the usual Karina and Winter na nakakasama ko.

“She probably saw me kanina with Sungchan,”

Oh.

Kaya pala.

“I swear, I just bumped into him lang kanina then we decided to talk kahit saglit lang.” She explained and nilalaro ang mga kamay niya habang nakayuko.

I listened to her as she continued to explain her side.

“Minjeong,”

Tumingin siya sakin at hinawakan ko naman ang balikat niya, “you should be explaining this to Karina.” I said while directly looking her sakanyang mga mata.

“She won’t even let me explain.”

She sounds so defeated kaya pinisil ko ang balikat niya.

“Do you want me to talk to her?” Sabi ko nalang at umiling naman siya.

“It’s fine pero I think, it’s better kung ako yung nag-approach sakanya. Mas mabuti na kung sa akin manggagaling mismo.”

And napangiti ako ng genuine dun sa sinabi niya.

She really likes Karina.

Tumango tango ako sakanya, “Okay then,” saka ko tinap ang balikat niya, “but if you need help, I’ll be here, okay?” then I ruffled her hair just like I used to. She smiled at me naman and tumango saka huminga ng malalim.

“Thank you, Aeri.”

 

 

Karina

Hindi ako naiinis. Hindi ako galit. Hindi ako nagseselos.

Hindi ako nagseselos, okay? Kahit makita ko pa silang magkasama, ayos lang. Over naman na si Winter dun sa ex niya eh.

Ang kaso bakit may paghalik kasi sa noo at yakap na akala mo mawawala siya ng ilang taon?

Banas.

Karina?”

Akala ko naman makakakalma na ako sa pag-iisa ko dito sa swimming pool area. Nakababad lang naman kasi ang mga paa ko rito at iniisip ang mga bagay bagay.

Tulad ng kung paano kausapin tong si Winter na ngayon ay tumabi na sakin at pinapakiramdaman lang ako.

“Karina…”

Tawag niya pa pero hindi ako sumagot. Pinipilit ko namang hindi mainis eh. Hindi naman ako naiinis eh.

“Hmm?”

“Just let me explain, please? Kahit makinig ka lang.” She softly said kaya kahit anong pagtitiis na gawin ko ay lalambot pa rin ako dahil sa tonong ginagamit niya ngayon.

Yes, mga sisteret. Ganun tayo karupok for Kim Minjeong, okay?

Hindi ako sumagot at hinayaan lang siya mag-talk. Nakinig lang naman ako sa mga sinasabi niya.

Nabanggit niyang nakabungguan niya si Sungchan kanina kaya nag-usap muna sila ng konti. Hindi niya raw kasi expect na makikita niya ito sa party ng pinsan kong si ate Seulgi. Hindi ko rin alam bakit nandito siya pero sabi ni Winter, kaibigan raw siya ng pinsan ko. Coincidentally na nakasama niya raw sa isang firm na pinagtatrabauhan ng pinsan ko.

Eh bakit ngayon ko lang nalaman yun?

“Bakit ka niya hinalikan sa noo?” Tanong ko nang matapos na siyang mag-explain.

Napansin kong natahimik naman siya kaya umiwas ako ng tingin sakanya.

“Teka lang why am I even acting like this in the first place?” Sabi ko saka tumawa pa ng mahina, “you can be whoever you want to be with naman kasi wala namang tayo.”

Damang dama ko yung pait sa mga sinasabi ko.

Oo nga naman, bakit ba ako nagiging ganito eh wala namang kami? Wala namang label?

Hirap lumugar eh.

“Karina…”

“Minjeong, it’s fine. Really.”

“No, it’s not. Hinding hinding magiging okay dahil hindi settled ang relationship natin.” Napatingin ako sakanya dahil sa napansin kong may katigasan ang tono niya yet nangingibabaw pa rin yung pagkamahinahon.

“Pareho tayong nahihirapan kasi hindi naman talaga natin napag-usapan kung ano tayo, diba?” Para akong natahimik dahil sapul rin kasi ang sinabi niya.

Sure, andun yung sweetness and all. Pero yung certainness… hindi ko alam kung hanggang kalian yun naroroon sa pagitan namin. Hindi ko nga sigurado kung certain nga ba o one sided lang.

“Anong gusto mong mangyari?”

Tumingin siya ng direkta sa mga mata ko at kinuha ang dalawang kamay ko, “Ikaw lang naman ang hinihintay ko.”

Para akong natameme sa sinabi niya at gustong tumili dahil sa tuwa.

“We both know we like each other, Jimin.” Winter said while holding my hand pa rin and eyes not taking off mine.

I can feel her thumb carefully caressing my hand.

“And now, I’m letting you know that I am giving you right to own me.”

SHEMAY.

Feel ko pulang pula na ako!

“No pressure, Karina. Gusto ko lang malaman mo na I’ll always wait for you.” She smiled at me and good Lord, I felt my heart dropped.

Hulog na hulog na ako sayo, bebe Minjeong! Kung alam mo lang!

“You’re saying that pero nagpapahalik ka sa iba,” I sulky said saka binawi sakanya ang kamay ko to cross my arms.

She let out a chuckle and cleared , “I made him pay for that too, don’t worry. Nakasapak na ako sakanya.”

Hala, sinuntok niya yung ex niya? FOR ME????

Oh, magsiuwian na ang lahat. Ipaglalaban ako ni Minjeong hanggang kamatayan.

“Joke lang. But yeah, I already told him na hands off na ako since I am seeing someone na.”

She sincerely said and tumingin sa sky. Gabi na kasi tapos open pa tong pool area kaya, tanaw na tanaw namin ang mga nagniningning na mga bituin.

Umusog naman ako sakanya ng konti at sinamahan din siya sa pagtanaw sa mga stars sa sky.

Parang naglaho yung mga worries ko magmula kanina simula nung tabihan ako ni Winter at nag-explain ng side niya.

Napaisip rin ako. Ngayon pa ba ako magiinarte talaga right after what we have been through and kung paano ang turing namin sa isa’t isa?

Sa katunayan nga lang kasi, label nalang talaga ang kulang samin. Kaya may point rin naman yung iniisip kong baka nagsawa na si Minjeong sa akin dahil sa set-up naming mahirap gumalaw at hindi alam kung saan lulugar.

Pero lahat ng iyan, nawala lahat nung marinig ko si Winter. Ramdam ko yung sincerity at may laman talaga ang bawat binibitawan niyang salita.

Napasandal nalang ako sa balikat niya habang nakatanaw pa rin sa mga stars.

Ramdam ko naman ang paglingon ng ulo niya kaya niyakap niya ako at nilapit pa sakanya,

“You don’t have to worry na, okay? I’m yours and I’ll be yours only.” Bulong niya at huli kong maramdaman ay ang halik niya sa noo ko ng may katagalan.

“I like you, Karina.”

Ayan na naman po.

Ramdam kong mapupunit na ang mukha ko kakangiti.

“Kim Winter…”

 

Giselle

Nakamasid lang ako sa dalawa ngayon from here sa balcony ng KTV room. Nasa pool pala sila, good thing I found them kanina.

“Ano nang nangyayare? Bakit nag-cross arms si ate Karina?” tarantang tanong ni Ningning speaking from my phone.

Naka-video call kasi kaming dalawa. I decided to call her kanina while waiting for Karina and Winter na pumasok sa loob eh ang kaso, mukhang need talaga nila mag-usap privately.

“I don’t know. May kasalanan yang si Minjeong eh,”

We continued to watch them sa may pool area at nakatutok lang ang phone ko sa dalawa para mapanood ni Ningning.

We cannot hear them. Sadyang kung ano lang talaga nakikita namin, kuntento na kami doon.

“Oh shoot. Ate Gi, gotta go na,” Yizhuo said and I can feel na parang nagmamadali siya sa boses niya.

“Already?”

“Yeah. Mom’s gonna kill me kapag naabutan pa rin akong gising.” Natawa nalang ako dahil naging aligaga siya ngayon sa harap ng phone screen, nakapatay na ang lahat ng ilaw saka madilim na s abanda niya.

“Alright then. Talk to you soon, bunso?” I heard her chuckle sa kabilang linya,

“Yes, ate. Bye! Send my regards kina ate Rina and Minjeong ha!”

“Yeah sure! Ingat ka ha!!”

“Yess!! Byeeee”

“Babuuushh!”

Kinawayan ko pa si Yizhuo kasi alam ko naman na kitang kita niya pa ako and the call ended na right after we waved to each other.

I took a glance na naman sa dalawang nagmomoment sa pool area and saw them na watching the stars above the sky.

Napangiti nalang ako and decided na pumasok na ulit sa loob ng room.

I’m sure they talk about it na. I’m just really glad they found each other’s comfort sa piling nilang dalawa.

That’s enough for me.

 

“Sure kang ikaw nalang magd-drive pauwi, bestie?” Tumango ako kay Rina na nasa likod ngayon at katabi si Minjeong na nakapikit na.

“As if naman makakapagdrive ka eh ala-alalay mo nga yang si Minjeong.”

We can’t let Winter drive. Nakainom siya. Delikado nan oh.

“Sabi mo yan ah, oh sige ihatid mo na kami.” Saka pa natawa ang bruha dahil feel na feel niya talaga ang pagiging driver ko today.

Looks like nakarami si Minjeong kanina dahil nung bumalik sila ni Karina sa loob, pina-shot siya ni ate Seulgi. Syempre, nagpapalakas sa kamag-anak ng lovey niya, kinuha niya nalang at tinagay ang mga binibigay sakanya.

Sinita pa nga ni Karina ang pinsan niya bakit ang rami rami ng binigay niya sa jowa niya, eh ang saya daw makainuman ni Minjeong.

On our way home, may nadaan pa kaming 7/11 kaya niliko ko muna dito ang car saka nagpark na sa tapat ng convenience store.

“Anything you want or need, bestie?” Tanong ko kay Karina na binabantayan si Winter na matulog pagkababa ko sa car.

We sensed Winter na umupo ng maayos at parang naduduwal kaya dali dali kaming lumabas sa sasakyan ng bestie ko at inalalayan si Winter na ilabas ang lahat ng nainom niya.

“Can we get her a coffee? Para mahimasmasan siya.” Alalang sabi niya habang hinahaplos haplos niya ang likuran ni Minjeong habang nagv-v word.

You know the v word? Good. The thing you do when you’ve had enough alak sa sistema mo? Ganon.

“Ikaw? Wala ka bang gusto?”

“Tubig nalang bestie.”

I quickly made my way sa loob ng store at pumunta na sa coffee section. Mainit init na kape ang need ni Minjeong right now para mahimasmasan siya.

After I got my coffee, pumunta naman ako sa beverages to get some drinks. Not alcohol drinks but you know, mineral water. Naisip ko rin na baka want nila ng siopao or hotdog kaso kagagaling lang namin sa party kaya malamang, busog pa si Karina.

When I finally finished my business sa loob ng store and nabayad na ang lahat, bumalik na ako sa car and nakitang nakapahinga na si Winter sa loob while Karina is standing sa tabi niya. Inaalalayan pa rin ang tinamaan ng alak na si Minjeong.

“Here’s your water, bestie.” Inabot ko sakanya and then yung coffee ni Minjeong.

“Winter…” tawag niya sa kasama naming tulog at marahan niyang ginigising ito.

“Winter, eto kape oh, drink it para mahimasmasan ka…”

I silently watched my best friend na asikasuhin ang kaibigan namin. Nasa gilid lang ako and hindi pa pumapasok in case na need ng tulong ni Rina.

“Minjeong…”

After ng ilang beses niyang pagtawag ay nainom rin ni Winter yung kape pero wala pa rin siya sa sarili. Parang half tulog ganun.

“I… wanna sleep…” inaudible pang sambit ni Winter kaya hinayaan nalang namin siya sa pwesto niyang nakasandal at nakaupo.

Alalay nalang kami if ever dumuwal ulit tong batang to.

We both fell on silence as we stared Winter dozed off to her slumber. Nakita ko namang uminom si Rina sa water niya.

“She really took all those shots kanina para lang sakin because my cousin asked her to,” she started her kwento and I listened.

“Eh hindi naman siya nainom. Jusmiyong babaeng to,” she ranted.

“Syempre she’s going to take it. Lalo na’t hindi malayo na makakasama na siya ng family mo.”

Hinampas naman ako sa braso netong bestie ko.

“You talk naman as if we’re getting married already!”

“Para namang hindi mo gusto yung ganun, bakla ka!”

We both laughed at our sentiments dahil mukha kaming tanga. Ang aga aga pa para sa kasal.

“No, but seriously tho, she didn’t have to do that. Pwede naman siyang tumanggi.” She calmed herself down.

“But she liked it naman eh.”

Natahimik kami ulit at mga iilang cars lang sa daan ang maririnig.

“So, kayo na?”

In my peripheral view, kitang kita ko kung paano siya ngumiti ng todo.

“So, kayo na.”

“No.” tumingin naman ako sakanya with brows raised.

Hoy Yu Jimin, hindi kita pinalaki ng ganyan para tanggihan mo ang grasyang katulad ni Kim Minjeong!

“Calm down. Hindi pa kami kasi, I told her na manligaw muna siya sakin.” Saka siya bumungisngis at hinampas hampas na ako sa braso.

Baklang to!

Lahat ata ng kalandian, nasalo niya. May paligaw effect pa!

“Bakla ka! Yan ang gusto ko sayo! Perfect na perfect!” sinabayan ko na rin siya sa paghampas kaya ngayon naghahampasan kaming mag-best friend.

“Kung alam mo lang kanina gaano ako nagpipigil ng kilig, bestie!” Eto na naman yung impit niyang sigaw kaya alam na alam ko talagang kinikilig tong bruha na to right now.

“So clear na kayo niyan? Nasa ligawan stage na kayo?”

Kinikilig namang tumango sakin ang bestie ko kaya naghampasan ulit kami and careful not to wake Minjeong up dahil sinasabayan ko na rin siya sa pagsigaw.

When we calmed ourselves down, natawa naman kami ulit at may pagpalakpak pang kasabay.

Nagmumukha kaming tanga ngayon dahil sa lagay namin pero paki namin? I’m happy for my best friend.

Deserve naman niya to eh!

“I’m happy for the both of you then, bestie.” And I smiled at her genuinely saka hinug ko siya ng mahigpit.

“Ano ba yan, mags-soft hours ba talaga tayo dito?” napahampas tuloy ako sa likuran niya at natawa, “Che! Porke may love life ka na, gumaganyan ka na.”

She chuckled and I felt her tightening the embrace, “Thank you, Aeri.”

“Thank you for being there always hindi lang sakin kundi pati samin.”

Hinayaan ko lang siya magsalita dahil nafefeel kong magso-soft hours talaga kami dito ng magaling kong bestie.

“You always say na I’m the mother-like sating apat,” she paused and pulled away from the embrace para tignan ako sa mata.

May nangingilid na luha sa mga mata niya.

“Pero hindi mo rin naman kami pinapabayaang tatlo, lalo na kami ni Minjeong habang kasama mo kami.”

She smiled at me. Ramdam ko na ring umiinit ang mga mata ko pero ayaw kong maluha.

“Thank you for being the best bestfriend, Aeri-ah.” She said it sincerely and pulled me for another hug.

Humigpit rin ang pagkakayakap ko sa best friend ko, “I’ll be here always. Para sainyo.”

The hug lasted for a minute or two siguro before we broke it at natawa na rin after. We sometimes had moments like this rin naman. Kaso iba yung ngayon.

Siguro yung nagpaiba sa moment na we had earlier the fact that two of my best friends would end up together. I’m really happy kasi I have witnessed kung pano sila nag-grow together and had feelings for each other.

Alam niyo yorn. Iba yung tuwa kapag nakikita mong masaya yung mga kaibigan mo.

We’re in the middle of chatting ng bestie ko nang ma-sense ulit namin si Minjeong na magv-v word kaya madalian namin siyang inalalayan.

Nakahawak kaming pareho ni Karina sa balikat ng kaibigan while she’s doing her business sa ground. Nakita kong hinahaplos haplos pa rin ni Rina ang likod ni Winter at yung pag-aalala sa mga mata niya.

Pagkatapos ay biglang tumayo si Minjeong at tumingin muna sakin sabay tingin kay bestie na nakatingin lang din sakanya. Bigla itong yumakap kay Karina at siniksik ang mukha niya sa may leeg ni bestie.

I looked at my best friend and kitang kita ko paano siya nabigla kaya natawa nalang din ako. She’s pleading pa na tulungan ko siya kaya bilang ako ang dakilang best friend, tinulungan ko ngang alalayan muna si Minjeong na pumasok sa car saka naman sumunod si Karina.

When we were settled, we drove our way back home.

Sinilip kong muli yung dalawa sa likod and saw them sleeping peacefully while nakasandal yung ulo ni Winter sa balikat ni Rina.

If were to ask, I wouldn’t mind being a chaperone to them.

As long as alam kong nasa maayos na lagay ang mga kabigan ko.

Yun naman ang mahalaga sakin eh.

Kasi, kapag masaya sila,

Masaya na rin ako.

 

 

 

 

a/n: para to sa mga best friend diyan na palaging nariyan para satin. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭