Mema

Scraps

Okay, kunware isang (intro ng) indie movie ‘to. Hinde. Joke lang pala. Indie movie talaga ‘to na echos echos lang. Tapos, sa intro magkikita yung mga bida, mata sa mata sa gitna ng maraming tao. Yung parang… parang huminto rin ang mundo nila kasi after a long time, ngayon na lang nila nakita yung isa’t isa? Gano’n.

Gano’n ang ganap ngayon sa event na inattendan nila Karina at Winter.

Parehong imbetado because of a common friend nila both dahil may art exhibit si Ningning. Ang daming dumalo. Ine-enjoy ring tignan yung mga guhit ng kanilang kaibigan na kahit saan, kahit anong sulok ay may mga nakasabit na portraits and painting.

Pero bago ang lahat nang ‘yan, paano ba nila nahanap ang isa’t isa eh andami dami ngang tao?

Sabihin nalang nating napagod maglakad lakad si Karina at ubos na ang social battery kaya minabuti na munang magpahinga sa isang table, na nagkataon namang malapit sa kinaroroonan ni Winter na busyng busy tumingin sa isang painting ni Ningning.

Walang ideya ang dalawa. Busy sa pag-check ng phone si Karina habang ina-appreciate naman ni Winter ang guhit ng kaibigan.

Cliché na kung cliché pero after itago ni Karina ang phone, sumakto ang tingin niya sa direksyon ni Winter, ang ex niya…

Ex-bestfriend.

Ano ba dapat ang maramdaman? Malamang kumakabog na ang dibdib nang biglaan, parang hindi makahinga for a moment nung pinagmasdan niya ang ex niya sa may ‘di kalayuan.

Ang laki ng pinagbago.

Maayos nang manamit, bago ang kulay ng buhok tapos humaba na rin pala ito.

Parang… parang huminto ang mundo ni Karina nang mapagtanto niyang si Winter nga talaga ‘tong nilalapatan niya ng mata ngayon. Kahit nung una ay medyo in denial pa dahil almost ‘di na niya makilala pero anong sabi naman ng 7 years nilang pagsasama (bilang kaibigan. Aray) kung hindi niya malalaman si Winter sa posture niya pa lang? Sa tayo niya pa lang? Sa tikas niya pa lang?

Pa’no niya hindi malalaman, tandang tanda niya talaga ‘tong pigura na ‘to eh pitong taon niyang minahal?

Nang ma-satisfy si Winter sa pagtingin ng art ni Ning, naisipan niya munang sagutin yung kanina pang vibrate nang vibrate niyang phone na nasa bulsa niya lang.

“Hello mahal? Hiii… Oo, nandito pa rin ako sa exhibit, paalis ka na ba diyan? Sunduin na lang kita, papaalam ako kay Ning,” kausap niya lang naman sa phone ang girlfriend niya. Lumilinga linga na siya para hanapin sana si Ningning at makapagpaalam na, not knowing na may mga matang nakatingin na pala sa kanya,

“Punta tayo ulit dito no’n mahal. Babalik tayo para makita mom ga obra ni Ning, magaganda sila mahal! I know you’ll love it. Hmmmm?” Nagsimula namang maglakad si Winter at hinahanap pa rin si Ningning.

Habang si Karina, ayon. Nakatitig pa rin.

Naghahanap pa rin si Winter, nakatanaw lang si Karina.

“Mahal ibababa ko na, nakita ko na si Ningning. Yes mahal. Call na lang kita if nakasakay na ako sa sasakyan—”

At ayon na nga.

Natigilang magsalita nang magtama ang kanilang mga mata.

“Mahal?”

Huy Winter galaw-galaw…

“A-ah mahal hello? Uhmm call na lang kita ulit…” nakahawak pa rin sa phone si Winter at nakadikit pa rin sa tenga habang nakatingin na rin kay Karina.

“Yes mahal… I love you too…”

Binaba na niya ang phone without breaking the eye contact.

Hindi niya rin pala napansin na kakalakad niya while looking for Ning kanina, ilang centimeters na lang ang layo niya sa table ni Karina.

Mga tipong kapag tinawag nila ang isa’t isa maririnig pa rin nilang dalawa gano’n.

Napakamot na lang ng batok si Winter at unang umiwas sa eye contact.

Naubo na rin para mawala yung awkwardness nung lumapit na siya kay Karina.

Pero yung isa? Ayun. Titig na titig talaga kay ex-bff Winter.

 

“Uy…”

“Minjeong…”

 

Parang walang pinagsamahan. ‘Di nila alam paano kausapin ang isa’t isa, nagpapakiramdaman pa.

 

“May kasama ka? Pwedeng tumabi?” paninigurado ni Winter.

Mabilis na umiling si Karina, “Ako lang,” tipid niya pang sagot.

 

Awkward…

Awkward…

Awkward…

 

“Kamusta ka?”

“How’s life?”

 

Pero parang mag-bff pa rin. Sabay na sabay mag-tanong.

Natawa naman sila at tumango tango na lang si Winter.

Si Karina parang hindi rin mapakali pero pilit kinakalma ang sarili.

 

“Uhh eto, mabuti naman. Nabubuhay at humihinga pa naman,” sagot ni Karina.

“That’s good to hear then…”

 

Tumango tango na lang ulit ang dalawa at natahimik ulit.

 

Awkward…

Mas lalong awkward…

 

Hindi na nakapagpigil si Winter.

Chineck niya ang phone at may text messages siyang natanggap.

 

“Minjeong ikaw, kamust—”

“Ahh sige una na ako ha. May susunduin pa ako eh,” paalam ni Winter kay Karina nang naalala niyang may agenda pa nga pala siya. “Catch up tayo soon? Sorry I have to go na talaga.”

Mukhang nagmamadali nga.

“Hindi sige lang, okay lang uy. Sige na. Nice seeing you ulit!” ngiti ni Karina kay Winter na kinuha na ang gamit na nilapag sa table,

“Nice meeting you rin!”

 

At ayun na… umalis na si ex-bff Winter leaving her all behind na nag-iisa, habang nakasunod lang naman ang tanaw ni Rina sa kanya.

Hays…

Sige na nga…

Sleep Alley, pasok!

Tugtugin ang ‘Di Naging Tayo habang nagt-try na maghabol pa rin ng f̶e̶e̶l̶i̶n̶g̶s̶  tingin ni Karina kay ex-bff Winter!

[ cue intro ng 'Di Naging Tayo ]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

mema- memasulat lang ahe xD pero hmmm...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭