Banda Saan?

Scraps

Ang lakas ng ulan.

Ganun pa man, hindi pa rin umuuwi si Winter dito sa apartment. Nagsisimula na rin akong mag-alala kasi ni chat, ni text or kahit anong update man lang sa kanya, wala.

Gumagabi na pa naman. Saan ko naman siya hahagilapin? Umalis ng walang pasabi matapos niyang makipagpalitan ng salita sakin. 

Akala ko naman 'di na mauulit 'to. Iiwan ako sa gitna ng away while I was just trying to explain myself bakit gano'n ang nangyari. Ayaw niyang makinig, napangunahan na naman ng emosyon.

Buti sana kung nagkulong lang siya sa kwarto eh. At least kahit papaano, alam kong nandiyan pa rin siya, diba? Nandun lang sa kabilang kama, kitang kita ko pa kung anong ginagawa.

Kahit man ako nagagalit at naiinis. Don't get me wrong. Hindi sa kanya mismo but sa mga actions niya. Doon ako naiinis. Why does she have to leave me in the middle of our argument? 

Ang sakit lang isipin.

Pero hindi ko siya matiis. 

Kinuha ko na ang payong saka lumabas kahit halos hindi ko na pala kailanganin kasi grabe sa lakas yung hangin. Baka mapano pa siya, walang payong na dala. 

Bahala na kung saan man ako makapunta. Basta mahanap ko siya.

Siguro mga nasa malapit 50 missed calls na ako sa kanya. Kahit isa don hindi niya sinagot. Space ba kailangan niya? Ibibigay ko. Kahit sa sala na ako matulog, sa kanya na yung kwarto.

Nakakainis pa na pa-lowbat na ako. Hindi ko matatawagan if ever na kailangan.

"Karina hey!" 

Napatalon na lang ako sa gulat. Ang lakas naman kasi nung bumusina eh.

Ano bang kailangan ne'to?

Huminto ako nung naramdaman kong sinusundan pala ako nung kotseng puti. Binaba niya ulit ang window niya kaya sumilip na ako.

"Uy Yujin!" 

Si Yujin pala. Akala ko sino na.

"Anong ginagawa mo diyan? Gabi na! Malakas pa yung ulan oh!" 

Halos magsigawan na rin kami ni Yujin kasi hindi kami magkarinigan. Minabuti kong lumapit na lang muna sa kotse niya.

"Hinahanap ko si Winter! Wala pa kasi sa bahay saka walang payong e!" 

"Oh halika na, pwede kitang samahan!" 

"Nako wag na! Mukhang pauwi ka na rin naman, lumayo ka pa sa byahe pauwi!"

Sakto namang dumagundong ang langit. Malakas ang kulog at lumakas rin ang ulan. Sige lang, sumabay ka pa at ibuhos mo lahat yang kinikimkim mo.

"I insist na, Rina. Saka delikado na rin out there. Malakas pa yung ulan oh,"

"Sure ka ha?"

And that's how I ended up here sa kotse ni Yujin. Oo nga naman, baka mapano pa ako sa daan eh. Buti na lang nakita niya ako.

"Buti dito ka dumaan? Natyempuhan mo pa akong naglalakad." 

She's currently focused sa pagd-drive. Medyo mabagal nga lang kasi halos wala na rin masyadong makita eh. 

"Baha dun sa dinadaanan ko. Ayoko namang lumubog, kawawa ang baby ko." 

Natawa ako sa kanya. She's pertaining to her car na pinakaiingat ingatan niya nga. Sad lang kasi naexperience niya yung ganito kalakas ng ulan.

"Saan ba punta mo niyan?"

Hindi ako agad nakasagot kasi hindi ko naman alam kung ano isasagot.

"Uhm if you don't mind lang naman. I saw you walking na panay tingin sa phone kaya it made me wonder rin kung saan ka niyan papunta. I can accompany you, I really don't mind." 

"Actually kasi, hindi ko alam eh. I have no idea kung saan pumunta si Winter..." 

Napatingin na lang ako sa labas. Wondering where did Winter go. 

"Have you tried calling her na ba?" 

Pinakita ko sa kanya yung call log ko and napatango na lang siya. 

"Looks like ayaw magpakita ah.." 

"I can handle kung ayaw niya akong makita or what basta dun lang siya sa bahay. Ako na ang mag-aadjust. She can have the room all by herself."

I can feel myself naiirita na naman. 

Naalala ko lang kasi kung gaano kabigat yung naging away namin kanina.

 

I've watched those eyes light up with a smile
River in the not good times
Oh, you taught me all that I know
I've seen your soul grow just like a rose
Made it through all of those thorns
Girl into the woman I know

 

"Anong balita kay Ryujin?" I can't place her tone. Ano na naman bang gusto niyang ipahiwatig?

"Win can we just eat first?" I tried calming myself muna kasi ayoko rin siyang sabayan. 

"Ano? Nagtatanong lang naman ako. Masama ba?" 

"And I asked you if pwede muna tayong kumain, mahirap bang gawin?" 

I looked at her pointedly. She looked at me with no emotions sa eyes, sa face niya.

Parang hindi ko na feel na tapusin 'tong niluto kong steak para sa dinner naming dalawa. 

"Okay." 

"Thank you." 

Another nakakabinging silence crept between us. The tension is still there, hindi humupa. I can feel her energy radiating kahit nandito pa ako sa kabilang side ng table.

Hindi kami nagtabi kumain this time. And that's when I knew something's gonna happen.

"Kamusta acads? Marami pa rin bang backlogs?" I heard her ulit na magsalita. But this time, her tone is more calmed kaysa kanina.

"Yeah. We are never running out of it nga eh, nakakapagod na." 

Honestly I'm so drained dealing with acads lately.

Nakakastress pagsabay-sabayin lahat. Puro libro na lang din ata yung nakakaharap ko because of the quizzes and kailangang reviewhin for the oral recitations.

Our profs don't even give us a break. Nakakabreakdown na minsan.

"Pahinga ka muna,"

"You know I can't kahit gustohin ko." 

Silence ulit.

How did we end up this way? Medschool is stressing me na, plus eto pang rising argument na I can't even figure the hell out of it.

"Kwentuhan mo naman ako. Anong nangyari sa araw mo," 

"Kasama kita kanina most of the time. We had a date so I think alam mo na rin how it went?" 

"Pero yung part na nakita ko kayo ni Ryujin hindi ko alam. So kwentuhan mo ako," bitter niyang pagkakasabi, "Gusto kong malaman kung gaano kasarap yung naging kwentuhan niyo kanina." 

Stay calm, Rina. Walang mangyayare if magb-burst out ka rin.

"You saw us right? We were just catching up, yun lang." 

Sinimulan nang paglaruin ni Winter yung steak niya sa plato. She can't even look at me in the eye at parang yun lang ang may napukaw sa atensyon niya.

"Catch up hmmmm," patango tango pa siya.

"Kung ayaw mo na ng steak amina. Ulamin natin bukas, 'wag mong paglaruan." 

I was about to reach her plate nang nilayo niya sa akin 'to. Doon na kami nagkatitigan, intense staring ang ganapan.

"Hindi pa ako tapos." 

"Then ubusin mo na 'yan para mahugasan ko na rin." 

Tahimik ulit siyang kumain while I was just watching her munch the food. 

Okay, something's up and we need to address it immediately.

"Winter, ano bang problema?" Kalmado kong tanong sa kanya.

"Pwede bang kumain muna ako?" Panggagaya niya sa akin. 

Napapikit na lang ako. 

Oh God. Spare me patience. 

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sagutin, "Fine." 

After a while naubos niya rin yung steak. Tahimik lang kami, walang nagsasalita. I don't think eirher of us will dare to talk. Considering na yung tension between us is getting thick.

"Tapos ka na?"

"Leave the dishes, ako na diyan." Tumayo na ako and nagligpit ng pinagkaininan namin.

Tumuloy ako sa sink and started with my thing. Hahayaan ko na lang muna siguro siyang kumalma kahit papano. Baka sakaling walang away na magaganap today.

Nagsimula na akong hugasan ang mga plato.

"Parang ang saya kausap ni Ryujin noh, Karina?" 

Karina. Not 'Jo'. 

I didn't answer.

"Catch up pala yun... akala ko kasi mini reunion na. Kulang na lang ayain kang tumingin tingin sa mall." 

"Kung hindi pa siguro ako lumapit nun at nakita niya ako, aayain ka pa nun tumingin ng gitara niya." 

Saan naman nanggagaling lahat 'yan, Winter?

"Tapos ako back to chaperone ulit. Parang college days lang noh," 

Napapikit na ako. Ang higpit na rin ng pagkakahawak ko sa sponge.

"Winter, anong pinagsasasabi mo? I think normal lang na magcatch up lalo na if medyo matagal nang hindi nagkita, diba? She approached me first. Ang rude ko naman if iiwan ko na lang siya–"

"Tell that to the relationship you had with her. Anong normal dun, Karina? Ex mo 'yon. Makikipag-catch up ka ba ng ganung katagal sa ex mong cheater? Nakalimutan mo na ba yung ginawa niya sa'yo?" 

Just what I expected. 

"I didn't forget. Alam ko naman at tandang tanda ko pa yun. She just asked few things and that's it. Bakit mo ba binibigyan ng malisya?"

Napagbubuntungan ko na ng inis 'tong mga hugasin. Natatakot ako na baka mabasag ko sila.

"You could've dismissed her agad para hindi na siya nagtangkang makipag-small talk pa sa'yo!"

Tumataas na ang tono ng boses niya kaya hinarapan ko na siya.

"Well then kung nakita mo na pala kami, bakit hindi ka lumapit agad? Don't put all the blame sa akin when you know you could've done something either!"

She scoffed and napailing na lang.

Walang mangyayare sa usapan namin pero sige lang.

"Wow naman Karina. Parang pinapamukha mo sa akin na ginusto mo ring magkaroon kayo ng interaction nung ex mo. Ano? Namiss mo ba? Gusto mo bang sumama ulit sa kanya?" 

Lalo lang napapakunot ang noo ko sa mga naririnig ko sa kanya. Bakit ganito siya ka-hyped up na manumbat?

"Tell me, Rina. Gusto mo ba siyang balikan? Sabagay hindi naman kita masisisi kung ganun nga. Graduate na siya, may trabaho pa. Samantalang ako ano? Wala. Wala pang nararating sa buhay."

"Winter, you know na hinding hindi ko gagawin 'yan. Saan ba nanggagaling 'yang mga 'yan?" 

"Nagseselos ako!" 

The way she said that it's full of rage and I can tell she's hurt.

"Alam mo ba kaninang nag-uusap kayo kinakain ako ng insecurities ko? I can't help but to think na ikumpara ang sarili ko sa kanya. Kitang kita kasi yung distinction, Rina eh!" 

Naguguluhan ako.

Hindi ko alam kung saan ang pinanggagalingan niya to say those words sa akin. 

Nauubusan na rin ako ng pasensya at nasstress na ako.

"Why are you comparing yourself to her? You know na over na ako sa kanya, matagal na. Wala naman dapat ikabahala, Win. Ano ba?" 

"Tingin mo ba magkakaganito ako kung hindi mo siya kinausap? Hindi! Sabagay kasi paano mo nga naman maiisip kung nag-eenjoy kang kausapin siya, diba?"  

That's my last straw. 

Naubos na ang katiting na pasensya ko.

Nabubulag ako ng stress at galit ko.

"Ang kapal ng mukha mong manumbat. Sa akin mo pa talaga isisisi lahat? Kung ganyan lang din pala magiging reaction mo, sana nilapitan mo kami agad para matigil yung lecheng usapan na yun!"

"I was expecting you to go and hindi mo na siya kausapin! But you didn't! Ano bang pinag-uusapan niyo ha? Something really important?!" 

Padabog kong sinara ang gripo at tinignan na siya ng matalim.

"Winter 'wag mo akong pagtaasan ng boses, kaharapan mo lang ako!" 

"Bakit?! Kasi totoo ba? Kasi yun ba yung totoo, ha?!"

"Pwede bang tumigil ka na? Pagod na pagod na ako Winter please. 'Wag na tayong mag-usap kung ganito lang din ang nangyayari." 

"Oh bakit hindi ka makasagot? Kasi totoo ngang gusong gusto mo pa siyang kausapin?!"

Humihinga na ako ng malalalim habang siya, galit na galit rin ang mukha. 

"You know what? Tama ka. Wala ngang mangyayari. Your silence is enough for me to think kung ano talaga ang sagot sa tanong ko."

After that, umalis na siya sa harapan ko.

Narinig ko nalang ang malakas na pagbagsak ng pinto. Leaving me on the verge of crying and the unfinished dishes behind. 

Nakakaiyak.

 

You're my all and more
All I know you taught me, yeah
You're my all and more
But I need room to breathe, yeah

 

"Hey Rina... Karina uy... Huyyy.." 

Napatingin ako kay Yujin at automatic na napapunas ako sa cheeks ko. Shoot. Lumuluha na pala ako.

"Hey is everything fine?" Nag-aalalang tanong ni Yujin. 

Napansin kong huminto muna kami sa tabi. She pulled over muna pala, medyo lumilintik lintik na lang din.

"U-uhh yeah. Oo naman, I'm okay. May naano lang uhh naalala." 

"You can talk to me, okay?" 

Tumango lang ako.

Buti na lang mabait 'tong si Yujin.

"Gusto mo bang bumili ng ice cream muna sa 7/11? You know para macool down ka saglit." 

May malapit pa lang convenience store dito. 

Tinanguan ko siya.

"Ako na bibili. Stay put ka na lang diyan," hindi ko na siya hinintay pang sumagot at lumabas na ng kotse niya.

Tolerable naman yung ulan. Hindi malakas tulad kanina.

Nakabili ako ng dalawang tub ng solo pack na ice cream. Palabas na sana ako nang mapansin kong may tao sa labas.

Hindi ko 'to napansin kanina nung pagkapasok ko.

May iilang bote ng beers sa table niya at nakadukmo na lang siya sa table.

Pero pagkakita ko pa lang sa suot niya nang mapansin ko 'to, muntikan na akong maiyak.

"Winter!!" 

Agad agad ko nang nilapitan si Winter na natutulog sa mesa niya.

"Winter... Jo... hey..." naiiyak na ako. Wala na.

Nakita ko namang papalapit na rin si Yujin sa amin. 

Agad-agad niya rin akong tinulungan na buhatin ang girlfriend ko pabalik sa kotse niya. Lalo lang ako nag-alala dahil hindi responsive ang girlfriend ko.

Wala siyang malay. 

Tangina naman oh. 

"Rina, hatid ko na kayo pabalik."

"Sige maraming salamat Yujin..."

Hawak hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Winter. Yung tipong ayaw ko na siyabf pakawalan, ganon. 

Parang pagkakita ko sa lagay niya kanina humupa lahat ng nararamdaman kong mabigat. 

I'm just relieved na nahanap na namin siya. Na kasama ko na siya.

"Hhhmmmmm...." 

Nakasandal na sa akin ngayon ang girlfriend ko at yakap yakap siya. Basang basa ang damit. Nag-insist nga ulir si Yujin na pahiramin sana niya ng damit si Winter kaso wala siyang extrang damit na dala.

"Jo... andito ka na..." 

Naiiyak pa rin ako.

Nasasaktan ako sa itsura niya.

Amoy alak at walang malay.

"Jo, mahal kita... ikaw lang. Palagi..." 

Winter, mahal na mahal kita.

Kahit minsan, ang sakit sakit na. 

 

Uh
Uh
Uh
Gotta breathe for me, it's now or never
Gotta breathe for me, it's now or never
Uh
Uh
I should leave, 'cause you deserve better, better
Gave my all and more
But I need room to be me
You're my all and more
All I know you taught me, yeah
You're my all and more
But I need room to breathe, yeah

 

 

 

 

 

 

 

last song: breathe // lauv (salamat sa isang friend diyan na nirecommend i2)
hello pi 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
786 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭