Banda Rito

Scraps

Gusto ko lang namang tumugtog nga maayos at mapayapa.

Pero hindi nakakatulong yung isa kong kasama sa banda,

Si Katarina.

Yung tipong agaw pansin talaga siya kahit saan mo dalhin.

Sa set, sa gig, sa classroom, sa rehearsals at lalong lalo na sa stage at tumutugtog na kami kasama ng banda.

Pilit ko namang nililihis yung tingin at pansin ko sa kanya, pero maya’t maya parang ewan yung mga mata ko’t malalaman ko nalang nakatanaw na sa direksyon niya habang kumakanta pa siya.

Ang ganda niya.

Hindi ko ‘yun maipagkakaila kaya hindi niyo rin ako masisisi kung olats ako at minsan pa ay tangang tanga sa kanya.

Tulad ngayon.

“Winter, ulitin nga natin from the top. Focus tayo sa practice ngayon ah.” Wika ng lead guitarist namin na si Giselle.

Nako, konti nalang mababanas na ‘to sa akin. Kanina pa kasi ako medyo na-o off sa beat na tinutugtog namin.

“Sorry. Sige sige, promise na talaga eto na. Seryoso na.”

Kita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin lang sa akin si Karina.

‘Wag mo akong tignan, parang awa naman! Hirap na nga akong pakalmahin ang sarili ko kapag nariyan ka, tapos tititigan mo pa ako ng ganyan!

“Wait lang, Gi. Rest muna tayo. Baka pagod na si Winter.”

O sige, sabayan mo pa ng malumanay mong pananalita, may bahid pang concern sa boses nang hindi umaalis ang mga mata mo sa gawi ko.

Hay nako, Karina.

“Masakit na mga daliri mo?” Tumigil na ang banda at gaya nga ng sabi ni Karina ay nagpahinga muna kami.

10-minute break.

Kung kailan naman kasi may importanteng okasyon na pupuntahan bukas, saka pa ngayon umariba ang epekto sa akin ni Karina.

Hindi naman ‘to ganun kalala noon ah!

Ewan ko bakit parang ano, alam niyo yun? Parang isang araw nalang at paggising ko sa umaga, nagbago na ang lahat.

Yung tingin ko sa kanya, nag-iba. Panalangin ko lang na sana hindi niya mahalata.

Sana nga hindi halata.

“Ahh, okay lang naman ako. Pahingahin ko lang mga kamay ko. Kanina pa pumipindot ng string eh, baka magilitan na ‘tong mga ‘to.” Nginitian ko pa siya na may sinabayang pagtango.

‘Wag ka munang lumapit, please.

Doon ka muna tumabi kay Giselle kasi mukhang mainit na ang ulo niya sa akin.

“Okay lang ‘yang si Winter, Rina. ‘Wag mo masyadong isipin. Para namang hindi ka sanay sa kanya eh.” Tugon ni Ryujin na umupo sa kabilang side ni Karina saka inakbayan pa siya.

Ay.

Bakit parang mas masakit pa yung nakikita ko ngayon kaysa sa mga daliri kong halos mapudpod na kakatugtog ng bass guitar.

“Eh kanina pa kasi tayo tumutugtog. Namamaos na nga rin ako, baka mawalan na ako ng boses for tomorrow.”

“Nako, hindi ‘yan. Heto uminom ka ng tubig,”

“Ikaw, uminom ka na ba? Akin na ‘to ah.”

“Sige lang. Sa’yong sa’yo na ‘yan. Pangkuha pa kita mamaya ‘pag gusto mo pa,”

Ang sweet.

Odi sige, ako nalang ang maga-adjust para sa inyong dalawa. Kakahiya naman eh.

Ako nalang yung tatabi kay Giselle kahit baka kalbuhin na niya ako.

“Oh, Winter sa’n punta mo?” Si Ryujin.

“Kakausapin lang si Giselle. Pakalmahin ko muna, jirits sa ‘kin eh.”

“Kalmahan niyo ah! Baka maghampasan na kayo ng gitara diyan,”

“Gago.”

 

 

 

 

2nd year college

Ang boring naman ng discussion kay sir ngayon.

Kulang nalang tutulugan ko na talaga ‘to.

Malay ko ba sa mga numbers numbers at research design na ‘yan? Gusto ko lang naman pag-aralan ang behavior ng mga tao bakit umeeksena ‘yang statistics na ‘yan.

Putragis lang. Naliligaw ako sa mga sinasabi ni sir. Partida wala pang kalahating oras na nagsimula ang klase.

Ano ba naman ‘yan.

“Sir!”

Biglang bumukas ang pinto, niluwa ito ang isang babae na pagod na pagod at hingal na hingal pang nakahawak sa door frame.

Mukhang nag-marathon si ate. Sorry siya, kanina pa nagsimula ang klase.

“Are you Ms. Yu?”

At ang matapang niyong ate, may lakas ng loob pa siyang mag-wait sign sa prof namin.

Hinarap lang naman ang palad niya kay sir habang hinahabol ang hininga.

“Yes, sir. Sorry po for being late.”

Hinga ka muna ng malalim, teh. Baka mahimatay ka diyan.

Ba’t mo kasi tinakbo ‘tong building natin lalo na’t may bitbit-bitbit ka pang gitara sa likuran.

Aba’y napakabigat talaga niyan ano. Hihingalin ka ng tunay diyan.

“The class started kanina pa. Bakit ngayon ka lang?”

“May sinubmit lang po kasi ako do’n sa club namin, natagalan po. I’m sorry sir.”

“Hmm sige. Since this is only your first time, excused ka na. Pero hindi na pwedeng maulit ‘to ha. Know your responsibilities.”

“Yes sir.”

Ang sabihin niyo lang sir, nadala kayo sa beauty ni ate.

Ang ganda niya nga naman kasi. Sinong hindi aayaw diyan?

“Siya ata yung makakasama natin sa banda, Win.” Bulong ng katabi kong si Giselle na nakikiusyoso rin sa commotion.

“Ha?”

“’Yu’ yung apelyido, diba? Nabanggit ni Ryujin ‘yan. Katalina Yu ata ang pangalan.”

Binalik ko ulit ang tingin ko dun sa kadadating lang na babae.

Naghahanap siya ngayon ng mauupuan habang nakahawak sa strap ng guitar bag niyang nasa kanyang likuran.

Teka. Bakit ngayon lumitaw talaga yung ganda niya?

Ngayon ko lang talaga napansin yung mukha niya.

Ang…. Ang ganda nga pala talaga.

“Baka hindi naman. Karaming ‘Yu’ dito sa university.”

“Hindi. Sure akong siya ‘yan. Kita mo nga oh, may dalang gitara diba? Tsaka ngayon yung deadline ng pasahan ng requirements sa club natin.”

Ano raw?

Kung kanina ay bored na bored ako sa klase, ngayon naman ay gising na gising ang isip ko.

Hindi na kasi naalis sa utak ko yung sinabi ni Giselle kanina.

Imposible naman kasi. Baka nagkataon lang, ang rami raming estudyante rito saka maraming banda rin naman yung meron ng club namin.

Baka sa kabilang banda siya nakasali.

Palabas na kami ni Giselle dahil dismissed na rin sa wakas ang last subject namin for today, pero bago pa kami tuluyang makalabas ng room may tumawag sa amin.

“Wait! Teka lang!”

Yung babae kanina.

“Sabi sa’yo eh,” bulong ni Giselle habang nakatingin sa babaeng papalapit sa gawi namin.

“Kayo yung bandmates ni Ryujin, diba?”

Tumango lang ako, si Giselle ang sumagot.

“Ahh, oo. May kailangan ka ba?” pa-inosente naman ‘tong si ate Gigi. Akala mo walang alam eh.

“Uhm wala naman. Sasabay na sana ako sainyo papuntang meeting ng banda.”

Nakita ko ang pag ngiti ni Giselle habang ako naman ay natulala lang.

So kasama nga namin siya? ‘Tong si Miss Ganda?

“Sakto papunta nga kami dun. Tara na?”

Hindi naman halata na tuwang tuwa ‘tong kasama ko ngayon. Hindi ko magawang kumibo, nakaramdam rin ako ng biglang hiya.

“Sure!”

Ngumiti pa siya ng pagkaganda ganda, yung tipong walang mata.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Tangina! Paano ko pakakalmahin ‘to?

 

 

 

 

 

Ang tagal naman nila.

Sabi ko na nga ba’t hindi maganda ang desisyon kong mauna dito sa studio. Wala tuloy akong kausap, tanging drum set, yung keyboard sa gilid, mga gitara at bass ko lang na hawak ko ang mapagtutuonan ko ng pansin ngayon.

Una palang alam ko nang scam yung usapan na alas dos ng hapon yung practice.

Sila Ryujin at Giselle pa, jusko.

Kaysa naman maburyo nalang ako dito all by myself, nilinis ko nalang ang gitara ko saka tinono ito.

Nag-try try rin ng mga ibang tabs para lalong masanay yung mga kamay at hindi gaanong mapagod sa session namin mamaya.

Warm up ba ganon.

“Uy, kanina ka pa ba diyan?”

Muntikan na akong mapatalon sa gulat dahil may narinig akong boses na nagsalita.

Siya pala.

Nakalimutan kong sa grupo namin, may kasama pala akong willing sumunod sa napag-usapan at hindi talk katulad ng dalawa.

Si Karina, kapapasok lang ng silid at nilalabas ang kanyang dala-dalang gitara.

“Ahh ano hindi naman. Halos kadarating ko lang din kani-kanina lang.”

“Hmmm, sige.”

Tahimik lang kaming dalawa.

Inaasikaso namin ang mga sarili namin; ako na patuloy sa pagtugtog, siya na inaayos ang set up niya at ang amplifier na gagamitin.

Hindi ko namamalayan na ninanakawan ko na pala siya ng tingin sa gawi niya.

Ang angas ng datingan.

Nakasukbit ang gitara sa kanyang harapan habang tinetesting ang tono nito at inaadjust pa-minsan minsan.

“Practice tayo?”

Napahinto ako sa pagtugtog.

“Anong kanta?”

“Hmmm,” tinetesting naman niya ngayon ang pagstrum-slash-pagpluck ng strings.

Tangina, ang angas talaga.

“Ikaw na ang bahala, sabayan nalang kita.” Sambit ko saka umayos ng pagkakaupo.

Sinimulan na niya ang isang intro ng pamilyar na kanta kaya hinanda ko na rin ang sarili ko na makisabay sa kanya.

“Alam mo ‘to?”

Ngumiti ako sa kanya.

“Oo naman,”

Chill lang naman kaming tumutugtog, or more like parang natural nalang sa ‘ming dalawa ang daloy tugtugan namin.

Eto ba yung sinasabi nilang dynamics?

Siguro ay dahil ineenjoy rin kasi namin ang tinutugtog namin.

Tapos na ang unang kanta at akala ko ay hihinto na kaming dalawa pero matapos ng ilang sandali naming pag-puri sa isa’t isa, lumipat siya sa keyboard at inalis ang takip no’n.

“Jamming muna tayo habang wala sila.” Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya.

Prenteng nakaupo, marahan ring pinipindot pindot ang keys ne’to.

“Anong gusto mong tugtugin? Ikaw naman ang pumili ah, ako na yung nasunod kanina eh.” Eka pa niya habang chill lang na tinutugtog ang instrumentong nasa harapan niya.

“Kahit ano naman pwede eh.”

“Sure ka? Parang gusto rin kitang marinig na kumanta.”

Napatingin ako sa kanya.

Napalunok na naman ako.

Bakit ba sa tuwing ramdam ko ang presensya niya, napapalunok nalang ako?

“Naririnig kita kanina nung papasok ako. Ano nga ulit yung kinakanta mo?”

“Uhmm, sinderela.” Tahimik kong sambit.

Ganon ba kalakas yung pagkanta ko kanina to the point na rinig pala hanggang labas?

“Sinderela…? Ah! Yung sa Cup of Joe ba ‘yon?”

“Oo.”

“Halika tugtugin natin. Alam ko naman ‘yung chords niya sa keyboard,”

Umayos siya ng upo habang ako naman ay parang ewan na napasunod nalang sa gusto niya.

Sa katunayan nga ay nahihiya ako dahil narinig niya akong nag-concert dito sa loob. Eh hindi naman kasi ako gaanong kumakanta talaga. Siya yung bokalista namin at back-up vocals lang ako.

Nakasuporta sa kanya sa bawat pagkanta’t pagtugtog namin.

Hawak ko na ngayon ang acoustic guitar, pinalitan ko ang bass ko dahil mas swak ‘to sa kakantahin namin ngayon.

I mean, kakantahin ko pala.

naman. Paano ba ako humantong sa ganito. Kabadong kabado akong tinitimpla ang mga nota sa gitara.

Hindi rin naman kasi nakatulong ang pagtitig lang sa ‘kin ng kasama ko ngayon.

Parang binabantayan ang bawat kilos ko.

“Ready ka na?”

“Ready na.”

“Hindi kagandahan ang boses ko ah.”

“Sus. Parang ewan naman ‘to. Dali na,”

Hingang malalim, Winter. Hindi naman ‘to yung unang pagkakataon na marinig niya ang boses mo.

Bakit ka ba kasi kabado? Para saan ‘yang kaba mo? Anong pinanggagalingan at ano ang puno’t dulo?

‘Ano’ nga ba at hindi ‘sino’?

 

Unti-unti nang napapagod

Sa aking puso'y humahagod

Sa paghintay hanggang sa dulo

Ako'y nalulunod

 

Di inaasahang oras

Huminto na ang paglipas

Sa lugar na walang ala-ala

Nabigyan ng halaga

 

Nanginginig nginig pa ang boses kong sinimulan ang kanta.

Paano ba naman kasi! Nakamasid lang talaga sa ‘kin si Karina.

Hindi ko naman alam kung saan ibabaling ang tingin kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko.

Kaysa naman hahayaan kong malunod ang sarili ko sa tingin niya’t mawala sa tono.

 

Ika'y aking nakita

'Kala ko namalik-mata

Sa wakas nahanap ko'ng

Hinahangad ng aking puso

Ito na ang segundo

Di ko na palilipasin

Pilit na hahabulin

 

 

Pagkapikit na pagkapikit ko naman ay siya rin ang dali dali kong pagmulat ng aking mga mata.

Sinabayan niya lang naman ako sa pagkanta kaya napatingin tuloy ako sa gawi niya.

Ayon ulit. Natagpuan siyang nakatingin lang sa akin pero this time, may bahid na ngiti sa kanyang mukha.

Bumabalik ulit ang kabang nadama ko kani-kanina lang.

Pero at the same time, nagkaroon rin ako ng lakas ng loob.

Parang nawala ‘yung hiya na dinadama ko kanina at mas gugustuhin pang kumanta kasama siya.

 

Wala nang hininga

Ako'y nanghihina

Pero di alintana

Oh kahit ako'y matapilok

Tuloy parin ang pagtibok

Ng puso kong

Sinisigaw pangalan mo

Huminto na at wag lalayo

Malapit nang mapatingin

Ika'y mapapasakin din

 

 

Hindi ko na napigilang ngumiti.

Nahawa na rin ako dito sa kasama ko dahil ang contagious lang ng ngiting binibigay niya sa ‘kin.

Nawala na rin ang kaba ko na kinanta ang buong chorus ng kanta, with her backing up my vocals.

Ang ganda sa tenga, ang sarap pakinggan ng himig niyang bumeblenda sa boses ko.

Para tuloy ayaw ko nang matapos ‘tong kantang ‘to.

 

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib

Ikaw ang tanging nasa isip

Sa panaginip na malabo

Hindi na hihinto

Ika'y muling nakita

At ngayon alam ko na

Ikaw ang laman, alam

At aalamin ng aking puso

 

Pawala na ang segundo

Isip ay gulong gulo

Tuloy ang pagtakbo

 

Wala nang hininga

Ako'y nanghihina

Pero di alintana

Oh kahit ako'y matapilok

Tuloy parin ang pagtibok

Ng puso kong

Sinisigaw pangalan mo

Huminto na at wag lalayo

Malapit nang mapatingin

Ika'y mapapasakin din

 

 

Sa maikling session na nagkaroon kami ni Karina, isa lang ang narealize ko.

Bagay nga talaga kami sa isa’t isa.

I mean, ang gaan kasi sa tenga ng harmonizationism na nangyare kanina.

So safe to say naman na bagay kami, diba? Bagay kaming dalawa.

‘Di bale kung sino ang nagl-lead sa kanta, maganda pa rin naman pakinggan kahit sino sa ‘ming dalawa ang nangunguna.

Tama. Bagay talaga kami sa isa’t isa

….kung boses ang pinaguusapan.

Kung kaming dalawa talaga yung tinutukoy ko dito,

No comment nalang ako.

Hindi naman kasi kami talo.

Hindi dahil ayaw ko sa kanya pero dahil mababa ang chance na magkaroon ng pagkakataon para masabi ko ng tuluyan ang nararamdaman ko para kay Karina.

Straight kasi siya eh.

Ang hirap, diba?

 

 

 

‘Yun ang inakala ko.

Akala ko imposibleng pumatol siya sa kapwa ko.

Sa ilang buwan naming magkakasama sa banda, ‘yon ang tumatak sa isip ko.

Na straight siya at walang chance para bumenda ang kasama namin sa banda.

Pero kasi hindi naman ako nagtanong at inassume ko na talagang nasa tuwid na daan siya’t ‘di baliko.

Tapos malaman laman ko lang na pinopormahan na pala siya ni Ryujin pagkatapos naming tumugtog sa isang gig.

Tangina lang, diba? Kaya hindi dapat nagpapadala sa maling akala eh, kasi hindi mo naman alam kung ano ang kahahantungan nito kapag napaniwala ka dito.

Tulad ko na olats ngayon.

Olats talaga. Wala ng pag-asa eh.

Nagpapatulong kasi si Ryujin na i-surprise daw namin ang nililigawan niyang si Karina.

Tutugtog kaming tatlo nila Giselle sa araw na tatanungin niya si Karina kung pwede ba siyang maging kanyang nobya.

Hirap pare.

Play Pare Ko nga by Eheads! ‘Pag ako nainis, eto talaga tutugtugin ko kapag nagtanong na si Ryujin.

Joke lang.

Hindi ko naman hahayaan na mabuwag ang pagkakaibigan namin nung mokong dahil lang sa isang babae.

Kaibigan ko pa rin naman siya, best friend pa nga eh.

Lahat ng bagay ay napagkakasunduan namin, parehong interests and all.

Kaso sa sobrang a-like namin mag-isip, pati taong magugustuhan pareho rin.

Ang kaibahan lang, siya yung may lakas ng loob.

Habang ako, hinayaan ko lang at nakuntento na sa inakala kong alam ko na katotohanan.

“Oy walang mahuhuli bukas ah. Pinaghandaan ko talaga ‘to para kay Rina kaya walang aabsent!” Si Ryujin na inaayos ang gamit niya matapos ang so-called meeting niyang ginanap para sa munting surpresa niya kay Karina bukas.

“Dami mo namang alam. Pwede mo naman siyang tanungin nalang eh.” Sagot ni Giselle. Halata sa mukha niya ang pagiging bitter dahil sa pagiging cheesy netong si Ryujin.

Tangina uso pa ba yung harana? Ang old skool talaga ng mga trip netong kaibigan namin.

“Ano ba kayo, malamang excited ako para dito kasi eto na yung araw mga tsong eh. Eto na ‘yun eh.”

“Ewan ko sa’yo. Mauuna na kami ni Winter,”

“Winter! Ikaw pala susundo kay Karina ah. Magkatabi lang naman kayo ng room sa papasukan bukas, diba?”

“Ryu, ilang beses na naming narinig ang plano mo magmula kanina. Memorize na namin ang gagawin.”

“Sus nireremind ka lang eh. Baka kasi hindi ka nakinig, kanina ka pa walang kibo.”

“Chill ka lang kasi. Alis na kami baka naghihintay na bebe mo sa room niya,”

Aray. Yung bebe mo na sana ako nalang yung bebe niya.

“Kita kits bukas ah! Thank you guys!”

 

 

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko, lumabas na agad ako para maantay ko si Karina sa labas ng room nila na nasa kapit bahay lang ng room namin.

Ba’t parang mas matagal silang i-dismiss ng prof nila ngayon ‘di tulad ng usual na labasan nila sa subject na pinasukan niya ngayon.

Kadalasan kasi, kasabay lang namin silang madismiss ng ganitong oras. Himala ata at nag-over time ang prof nila today.

Pero oks na ‘yon noh. Mas maganda nang ako yung mag-antay kaysa siya.

Kahit gaano pa katagal, ayos lang.

Maya’t maya ng lumalabas ang mga estudyante sa room nila kaya maigi kong hinintay ang pagkakataon na siya ang lalabas dito.

“Winter?”

“Karina.”

Ayan na nga po ang babaeng hindi kailanman mapapasa ‘kin.

“Sorry natagalan. Sinagad kami ni prof eh,” parang binagsakan pa siya ng langit dahil sa tonong ginamit.

Tangina anong subject nga ulit ang pinasukan niya ngayon ngayon lang?

“Halata nga.”

Nag-offer ako na tulungan siya sa binibitbit niyang libro na malugod naman niyang tinanggap kaya hawak hawak ko ngayon ang mga ito.

“Nakakainis kasi. Isa pa sa ‘min ang napaginitan niya ng ulo eh hindi naman nga kasalanan ng kaklase ko yung nangyare.”

Hinayaan ko lang siyang magkwento.

“Tapos idadamay pa niya ang buong klase. Haynako ewan ko sa kanya. Ang boomer talaga,” natawa ako sa term na ginamit niya.

Mukhang badtrip nga ah.

Pero ‘wag kang mag-alala, Rina. Mapapalitan ‘yan ng tuwa maya maya, just wait.

“Nga pala si Ryujin asan? Hindi ako tinetext nun magmula kanina. Walang update eh, kaya hindi ko tuloy alam kung nasan siya or kung anong ginagawa.”

“Hindi ‘yun pumasok eh,” syempre alibi ko lang ‘yan, “masakit raw ang katawan. Nagkatrangkaso ata.”

Napatingin naman ng mabilisan si Karina sa ‘kin.

“Ano bang ginawa nu’n at bakit sumakit ang katawan?” nakakunot ang noo niyang tanong na may pag-aalala rin sa boses.

“Ewan ko. Walang sinabi eh. Basta nagtext lang din siya sa ‘kin kanina na hindi raw papasok kasi nga, ayon,”

“Wow buti pa sa’yo nagte-text. Ako ni isa wala eh.”

Ganito ba magtampo si Karina?

Kasi kung oo, ang cute niya ngayon.

“Halika na nga sa studio. Puntahan ko nalang pag-uwi sakanila si Ryu.”

Kung alam mo lang, Karina.

Mas nauna na siyang naglakad kaysa sa ‘kin kaya hinabol ko naman siya.

Tangina parang ayaw ko pa siyang makitang maging masaya at angkinin na siya ng iba.

Hindi pa ako handa.

“Uhh Karina,” hinawakan ko siya sa braso. Napatingin siya sa ‘kin.

“Oh?”

“Samahan mo muna pala ako, may bibilhin lang sa bookshop.” Pagdadahilan ko.

Gusto pa kitang makasama ng matagal, Karina. Bago ang lahat.

“Bookshop? Ngayon na ba?”

“Oo eh. Okay lang ba?”

Napaisip pa siya ng sandali.

At the back of my mind, napangiti nalang ako ng mapait.

Kahit isang saglit lang okay na ako doon.

“Sige sige. Magtitingin na rin ako ng libro,”

Ngumiti nalang ako sa kanya at nagsimula na ulit kaming maglakad.

May kalayuan ng bookshop sa studio na pupuntahan namin maya maya.

Hindi naman siguro magagalit si Ryujin kapag na-late si Karina sa surprise niya diba?

Ang selfish ko tuloy tignan. Nakonsensya tuloy ako.

“Uhm ‘wag nalang pala. Sa studio na tayo tumuloy,”

Muli na namang napatingin sa ‘kin si Karina.

“Ha? Akala ko ba may bibilhin ka?”

“Sa susunod nalang pala. Marami pa namang bukas eh.”

Kahit naguguluhan, tinanguan niya ako at sumang-ayon na rin.

“Oh sige, sabi mo eh.”

Tahimik na ulit kaming naglakad. Bitbit-bitbit ko pa rin ang mga libro niya, habang siya kapani panibago ang katahimikan niya.

Usually, kasi nagdadaldal siya eh. Pero dahil siguro masakit ang loob niya kay Ryu, ayan, tahimik tuloy.

“’Wag mo masyadong isipin si Ryujin. Ayos lang ‘yun,”

“Sana nga. Kung ganun lang din naman, sana minessage niya man lang ako diba?”

Mali atang pinakalma ko ‘tong kasama ko. Mas lalo siyang naging seryoso eh.

“Uhm Karina?”

Ang tahimik talaga. Hindi ko na kaya.

“Hmm?”

“Masaya ako para sa’yo.”

Mula dito sa nilalakaran namin ngayon, natatanaw ko na ang studio na papasukan namin maya-maya.

“Huh? Ano ‘yan, Winter. Saan naman nanggaling ‘yan?” Nagtataka ang boses saka nakatingin lang sa akin.

“Wala naman. Masama bang maglabas lang ng saloobin?”

“Ay, sa ganitong lugar pa talaga? Oh sige, ilabas mo ‘yan. Makikinig ako.” Natawa pa ako sa kanya kasi mukhang hindi siya makapaniwala na nago-open ako ngayon sa kanya.

Well, mas maganda na rito kaysa doon sa loob, diba? Habang kasama ko pa siya’t wala kaming kasamang iba.

Habang kami lang dalawa.

“Ano uhm, ayun nga. Masaya ako para sainyo ng best friend ko.” pagpapatuloy ko, “lagi mong tatandaan ‘yan ah. Nakikita ko kasi kung gaano kayo kasaya at ‘yun lang naman ang importante sa ‘kin.”

Nalalapit na kami sa studio. Ilang hakbang nalang ay dito na mawawala ang pag-aalala niya kay Ryujin.

Ilang hakbang nalang din ay matutuldukan na ang mga lihim at nakaw kong tingin sa kanya dahil pagma-may ari na siya ng iba.

“Sapat na sa akin ang makita kayong masaya. Kaibigan niyo ako eh. Ganun naman kapag friends, diba?”

“Oo naman.”

Ngumiti ako.

Ang bigat sa dibdib ng mga salitang lumalabas sa bibig ko.

“Gusto ko lang din malaman mo na suportado ko kayo ng best friend ko. Pero sabihin mo sa ‘kin kapag ginagago ka niya ah, ako mismo babanat sa kanya.”

Natawa siya sa huling sinabi ko kahit seryoso naman talaga ako doon.

“I don’t think kayang gawin yun ni Ryu sa ‘kin,” kampante mo pang sagot.

Nakapasok na kami sa loob ng studio.

Kabadong kabado ako dahil ilang segundo nalang bago natin marating ang practice room, ay yun na rin ang pagkakataon kong palayain ka.

Kahit kailanman hindi ka naman talaga naging akin.

“That’s good to hear then,” humarap na ako sa kanya at binigyan siya ng ngiti, totoong ngiti. “Be happy, Karina.”

Sabay ng pagbukas ko sa pintuan ng practice room na kung saan naroroon ang banda ay siya naman ang pagkabigla ni Karina dahil sa kanyang nakita.

Naghihintay lang naman si Ryujin na may hawak na bouquet of red roses, todo ngiti pa.

Nagulat nalang ako  nang  bigla siyang sugurin ni Karina saka hinampas siya ng kanyang bag.

“Gagi ka talaga! Akala ko ba may trangkaso ka? Bakit ka nandito? Saka ano ‘yan ha?”

“Uy teka, sorry na nga eh. Andito ako-“

“Tapos hindi ka pa nagrereply sa mga texts ko! Mahirap bang pumindot ng kahit simpleng ‘okay lang ako’ ha, Shin Ryujin?!”

Kinailangan pa naming pakalmahin si Karina kasi baka mamaya, gitara na ang ihampas niya.

Daming alam naman kasi Ryujin eh!

“Sorry na! Eto na nga oh. Eto lang kasi inasikaso ko magmula kahapon at kanina.” Pagkakamot pa ng ulo ni gago.

“Ano ba kasi ‘yan. Tss, magp-practice pa tayo. Hindi pa tayo tapos, maguusap tayo mamaya.”

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at hindi ko namalayan na tinabihan na pala ako ni Giselle na nakasuot na sa balikat niya ang gitara.

“’Wag mo nang tignan. Papanoorin mo pa eh.”

Sinikil ko siya sa braso.

Tangina ne’to mang-aasar pa eh.

“Para sa’yo nga pala ‘to oh,” abot ni Ryujin nung kanyang hawak kay Karina.

“May kasalanan ka na naman ba bukod dito?”

“Rina babe, huminahon ka muna please? Wala akong kasalanan. Manghaharana lang.” sabay flash ng killer smile ni Ryu.

“Hep hep hep, stay put ka lang diyan. Ikaw ang audience namin for today, special audience to be exact.”

Kinukuha kasi ni Karina yung gitara niya’t pumepwesto na kaso, ininsist siya ni Ryujin na maupo sa couch.

Nakapwesto na kaming lahat gaya nung rehearsal namin kahapon.

Sinenyasan naman kami ni Ryujin na nakaupo sa drums.

Okay, ready na.

NP: Your Universe – Rico Blanco

 

Tell me something

When the rain falls on my face

How do you quickly replace

It with

A golden summer smile?

Tell me something

When I'm feelin' tired and afraid

How do you know just what to say

To make

Everything alright?

 

Sinimulan ni Ryu ang kanta.

Kita naman ang pagliwanag ni Karina sa mukha niya dahil ngayon lang niyang narinig kumanta si Ryujin.

Diretsa lang sa kanya ang tingin ko pero sa ibang mata naman siya nakatitig.

Karina, gusto kita.

 

 

I don't think that you even realize

The joy you make me feel when I'm inside

Your universe

You hold me like I'm the one who's precious

I hate to break it to you but it's just

The other way around

You can thank your stars all you want but

I'll always be the lucky one

 

Kalmado na ang postura ni Karina kung ikukumpara kanina.

Nakikinig nalang siya sa tinutugtog ng banda at hindi naman nakatakas ang namumuong ngiti sa labi niya.

Ang ganda talaga ng ngiti niya kahit kailan.

Hindi nakakasawang tignan kahit hindi naman ako yung dahilan niyan.

 

Tell me something

When I'm 'bout to lose control

How do you patiently hold

My hand

And gently calm me down?

Tell me something

When you sing and when you laugh

Why do I always photograph

My heart

Flyin' way above the clouds?

 

Karina, gustong gusto kita.

Sana sinabi ko nalang ‘yon sa’yo ng mas maaga.

 

“Rina, para sa’yo ‘tong kantang ‘to,” panimula ni Ryujin habang patuloy lang kami sa pagtugtog ni Giselle.

“Lahat ng gusto kong sabihin at nararamdaman ko, nasabi na halos ng kanta. Kilala mo naman ako Rina, diba? Hindi ako nagpapatumpik tumpik pero gusto kong malaman mo na masaya ako dahil binigyan mo ako ng pagkakataon para makilala ka’t hinayaan mo akong pumasok sa mundo mo.”

“Matapos lahat ng pinagdaanan nating dalawa, naririto ako sa harapan mo ngayon para sa isang tanong, Karina.”

Okay Ryu, ready na akong marinig ‘yang tanong mo.

“Will you be my girlfriend, Katarina Yu?”

Nakatingin lang ako kay Karina.

Kung kanina ay all smiles siya, ngayon ay all tears na. Tears of joy.

“Yes!”

Pinanood ko lang siyang yakapin ni Ryujin sa harapan namin.

Naluluha pa rin siya. Sobrang tuwa siguro talaga ang dinadama.

Habang ako ramdam ko na rin ang pagluha,

Pero hindi dahil sa tuwa.

“Congratulations love birds!”

“Congrats Ryu!”

Humiwalay na sila sa yakap ng isa’t isa saka humarap sa amin.

Kitang kita ko sa mga mata ni Karina kung gaano siya kasaya. Yung tipong hindi na niya kailangang ipangalandakan kasi ang expressive rin ng mga mata niya.

Sapat na siguro sa ‘kin ‘to.

Tutal sinabi ko naman sa kanya na magpakasaya siya, diba? Edi eto na nga ‘yon.

Yun naman ang mahalaga eh, diba Kim Winter?

Tama.

Be happy for her, Winter.

Kasi masaya na siya, sa iba.

Alexa! Play Waltz of Four Left Feet nga by Shirebound and Busking! Trip ko mag-senti today eh!

 

Sapat na sa'kin ang ganito

Ang pagmasdan ka sa malayo

Kapag kinausap

Walang masagot

Hininga'y lagot

 

Hindi ko naman yata ikamamatay

Kung hindi ko mahawakan ang iyong kamay

Handa 'kong mabuhay sa aking kalokohan

Kung wala ka sa'king buhay, walang kalungkutan

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭