Sana All May Date

Scraps

"Congrats sating lahat, guys! Cheers!" Sabay taas ng baso ng president namin saka naman sumunod ang mga officemates ko na tinaas din ang kanilang mga baso. Tinaas ko na rin ang akin saka sabay sabay naming pinag-cheers ang aming mga shot glass.

"Drinks on me, fam. Enjoy the night!" Habol pa niya bago niya tunggain ang shot niya, ganun din naman ang ginawa ng iba naming kasamahan. Maririnig ang malakas na tugtugan mula sa dance floor kahit nandirito na kami sa taas dahil VIP ang binayad ng president namin. Galanteng galante dahil na-promote na siya sa trabaho.

Tinignan ko muna ang mga kasamahan kong nagsasaya na sakanilang mga buhay saka ko naman tinungga ang aking shot. Nyeh, ampait ng alak pero ano pa nga ba? Libre naman to kaya sulitin ko na! 

Kailangan ko rin naman to. Gusto ko ng stress reliever, kaya hindi ko naman sinayang pa ang pagkakataong bigyan muli ng laman ang shot glass ko saka tinungga na naman ito ng mabilisan. Bottoms up pa nga eh, sayang ang alak kapag may tira pa sa baso.

"Woah, dahan dahanin mo lang Kim Minjeong. Ayokong magbitbit ng lasing!" Sita sakin ni Ryujin na nasa tabi ko nang makita niya akong binibigyan ko na naman ng laman ang baso ko.

Wala lang naman sakin kung maparami ako ng inom. Alam kong mataas naman ang tolerance ko sa alak. 

"Baka nga ikaw pa yung buhatin ko eh!" Sabi ko naman pabalik sakanya dahil halos nakakadalawang bote na rin siya. Nako, pag to talaga tinamaan ewan ko nalang.

Kinuha ko na ulit ang shot glass ko at inoffer yun kay Ryujin na nakatawa naman niyang tinanggap mula sakin, "Gago ka, ihatid mo ako sa bahay ah," sabi niya saka dali daling ininom ang binigay ko sakanya. 

Masaya naman naming pinagsaluhan ng bespren kong tukmol ang mga shot na nakahilera sa harapan namin. Mukhang all out ang panlilibre ng officemate namin dahil sa sobrang tuwa niya. May kadiliman dito sa taas at ang mga ilaw na nanggagaling sa dance floor ang nagsisilbing liwanag. 

Nakakailang bote at shot na rin kami kaya medyo nakaramdam na ako ng konting pagkahilo. 

Tinignan ko ang bespren ko sa tabi ko at himala, going strong pa ang gago. Mabuti nalang at matibay kaming pareho sa inuman. Kung hindi, baka nagkalat na rin kami ngayon dito dahil sa pagkalasing.

Pinalibot ko naman ang tingin sa paligid namin habang hawak ko ang basong halos mapuno ng beer at nakitang mas dumami pa ang mga tao sa taas, tumingin ako sa relo ko at nakitang maga-ala una pa lang. Ah, kaya pala. 

"Uy, pinapauwi na ako ng girlfriend ko." Narinig ko naman na sambit ni Ryujin at napalingon ako sakanya na nakatingin na sakanyang phone. Ang aga naman, uwi na agad? Hay buhay may jowa. Lumingon naman siya sakin at tinago na ang kanyang cellphone. 

"Uwi ka na?" Tanong ko naman at nakita siyang tumungga muli sa baso ng beer. Pagkatapos naman niyang lagukin ito, napapikit siya at napahinga ng malalim saka tumingin na rin sakin, "Hindi ka sasabay sakin?" Balik tanong naman niya sakin.

Parang ayoko pang umuwi. Masyado akong nawiwili at natutuwa sa kinaroroonan ko ngayon. 

"Uwi na tayo, may trabaho pa bukas." Paalala niya at natawa pa kaya natawa na rin ako. 

Yari. Oo nga pala, baka sumakit ang ulo ko sa hangover ko bukas pag napasobra sa inom.

Mga ilang minuto siguro muna kaming nagpahinga at napagdesisyunan na ring magpaalam sa mga kasamahan namin. Nag-offer pa nga sila na ihatid raw kami kaso, tumanggi ako. Hassle masyado para sakanila at nakakahiya rin dahil wala pa naman sakanila ang uuwi. Kung ihahatid naman kami at babalik pa rito, sayang lang ang gas at pagod nila.

Pababa na kami ni Ryujin saka napaguusapan rin ang nangyare ngayong araw pati ang trabaho.

Kaibigan ko na to mula pa first year ng college. Hindi ko nga rin alam kung sa sobrang pagkakasundo namin pareho rin kami ng kumpanyang napasukan. Akala ko kasi, maga-abroad itong magaling kong kaibigan. Ang kaso, hindi daw natuloy dahil hindi pa sapat ang pamasahe't budget niya para lumipad ng ibang bansa.

"Luh gago, valentine's day pala ngayon?" Nakalabas na kami sa club at naglalakad na papunta sa malapit na Mcdo, dating gawi lang. Magpapababa ng tama dahil medyo tipsy na rin kami ng bespren ko.

"Ay, valentine's ba? Hindi ko ramdam," mapait na sambit ko naman na ikinatawa niya at hinampas pa ako sa braso. 

Gago to, nahihilo na nga ako!

"Pano mo ramdam eh wala ka namang ka-valentines!" Asar niya sakin at natawa naman ulit siya sa hirit niya. Konti nalang baka ingudngod ko na siya sa pader, namemersonal na eh.

"Alam mo, tangina mo. May jowa o wala ganun pa rin ang valentine's ko," Sagot ko naman saka at nakarating na nga kami sa Mcdo. Papasok na sana kami at tinulak ang pintuan ngunit ayaw niya bumukas. Aba, akala ko ba 24 hours tong nakabuklat? Bakit sarado na? 

"Lasing ka na, Minjeong. Pull kasi hindi push." Natatawa naman niyang litanya at hinila na nga ang pintuan saka na pumasok. 

Napahilamos nalang ako sa mukha ko at susunod na sana kay Ryujin kaso, naramdaman kong humampas ang sarili ko sa glass door kaya napahawak naman ako dito at sa ulo ko. Tumingin naman ako sa direksyon ng magaling kong kaibigan na nasa loob na at ayun siya, tumatawa na parang tanga. Halos pagtinginan nga siya ng mga kokonting customer na nasa loob. 

Namumuro na talaga sakin. Hindi ba naman ako hinintay?! Fake friend! 

Asar akong pumasok sa loob at dali daling pinuntahan ang bespren ko saka siya piningot sakanyang tenga. Tama yan, at nang magising ka saka bumalik sa wisyo mo. Nakakahiya na dahil hindi pa rin tumitigil sa pagtawa niya na kinailangan ko pang kurutin sa tagiliran. 

"Nakakahiya ka, gago," bulong ko sakanya saka tumingin sa paligid namin at naglakad na papunta sa isang upuan na nasa sulok. Hila hila ko pa rin siya dahil natatawa pa rin ang tita niyo. Umupo na kami rito at magkaharap na kami ngayon. Pilit na pinapakalma ang kasama ko dahil wala atang balak tumigil sa kakatawa.

Tulong. Ang kalat na namin ng bespren ko. 

"Mas nakakahiya ka, salubungin ba naman ang glass door," 

"Sinaraduhan mo ako!" 

"Edi sana tinulak mo, push the door ganon," asar niya pa kaya akmang pipingutin ko na naman siya kaya lang naunahan niya ang kamay ko saka pinalo ito, "Masakit na ang tenga ko!" Reklamo niya sabay hawak hawak pa ng tenga niyang namumula na. 

"Buti nga sayo," saka pa ako natawa dahil hinimas himas na niya ang kanyang tenga. Masakit nga siguro. Pfft. 

Nang matahimik kami ni Ryujin, nagtinginan naman kami at natawa naman ulit. Mukha kaming gago at halatang nakainom na dahil sa mga pinaggagawa namin.

Pero di kami lasing ah! Hindi kami lasing.

Tipsy lang hehe

Napatigil lang kami sa pagtawa nang mag-ring ang phone niya bigla at kinapa na niya ito sa kanyang bulsa. Tinignan niya muna ang caller id at agad agad naman ito pinindot ang green button.

"Hello, love?" Malambing niyang sagot sa tawag. Napatango naman ako nang marinig niya ko ang malambing niyang boses.

Parang di gumawa ng kahihiyaan!

Tumingin muna siya sakin dahil napansin niyang nakakunot ang noo ko, tinuro niya ang phone niya saka nagsalita siya ng walang boses at sinasambit na si Yeji daw ang tumatawag saka pinapauwi na talaga.

"Oh shot pa!" Nilakasan ko talaga ang boses ko para marinig ng kabilang linya dahilan para paglakihan ako ng mata ni Ryujin, "Ryujin, shot pa! Sayo na to oh!" Wala akong pake saka pinagpatuloy ko pa ang pantitrip ko sa kaibigan ko na ngayon ay akmang susuntukin na ako kaso nagbelat lang ako sakanya at natatawa na.

"Love? Hindi love! Nakauwi na kami, promise. Ay! Ibig kong sabihin, nakalabas na. Ha? Oo ah, si Minjeong lang ang kasama ko ngayon. Seryoso nga love." Hihirit pa sana ako kaso tinakpan na ni Ryujin ang bibig ko habang kausap niya pa rin ang girlfriend niya sa kabilang linya, "Hehehe opo, sige uwi na ako maya maya. Miss you, love! Dalhan kitang fries ha? Sige, oo, text kita pag pauwi na. I love you!" 

Saka na niya pinatay ang tawag at tumingin na sakin. Bigla naman niyang pinitik ang noo ko, "Gago, ipapahamak mo pa ako!" Sabi niya saka binulsa na ang kanyang phone. 

Napahagikgik nalang ako dahil sa itsura niyang parang naasar. Ang under naman neto sa jowa niya. 

"Bibili ako, may gusto ka ba?" Bigla naman niyang tanong. Tinignan ko naman siya ng parang hindi makapaniwala, etong kaibigan ko, manlilibre? Luh, lasing nga to.

"Ayaw mo? Edi wag." Saka siya tumayo at paalis na sana kaso sumigaw ako, "Kape nalang sakin, Ryu!" Nag-okay sign nalang siya sakin at saka na pumunta ng counter.

Naiwan akong mag-isa rito at naisipan ko nalang na  kalikutin muna ang cellphone ko habang inaantay ko ang bespren ko. Napatingin ako sa date.

1:46am, Feb 14, 2020

Tanginang yan. Araw nga pala ng mga puso ngayon. 

Kaya naman pala uwing uwi na rin ang kaibigan ko sakanyang nobya. 

At dahil sa wala nga akong magawa, pumunta na lamang ako sa facebook at nag-scroll scroll na lamang doon. Baka sakaling malibang ako habang inaantay ko si Ryujin.

Sa kalagitnaan ang pags-scroll ko, may isa sa mga friends ko ang nagpalit ng kanilang dp. Medyo mahina pa ang signal kaya hindi ko pa nakikita yung letrato. Pero dumako ang tingin ko dun sa pangalan ng nagpalit. 

Katarina Yu.

Woah, friend ko pa pala siya dito sa facebook? Akala ko kasi, naka-block pa rin ako sakanya at inunfriend na. 

Masuyo kong hinintay ang pagloading ng letrato dahil hanggang ngayon, wala pa rin nagl-load. Naaakit akong pindutin ang pangalan niya at mapunta sa profile niya kaso, binalewala ko nalang. Baka kasi may ma-like pa ako habang nags-scroll sa profile niya. 

Ilang sandali na ang nakalipas, wala pa rin. Hindi pa rin lumilitaw ang letrato niya kaya napabuntong hininga nalang ako at nag-exit na sa app. Baka nawalan na ako ng load. 

Sayang naman.

Kamusta na kaya siya?

"Oh, kape mo, para naman di mo dama na nanlalamig ka ngayong araw ng mga puso," Nagulat ako dahil nakaupo na pala si Ryujin sa harapan ko at nakasilip pa sa phone ko.

"Kawawa ka naman, wala ka ng load. Gusto mo hotspot kita para makita mo siya?" Nang-aasar pa niyang ngiti sakin at umiling nalang ako saka napabuntong hininga. Kinuha ko na ang kape ko sakanya at hinigop yun. 

Ahhh, ang sarap ng kape. 

"Akala ko ba, moved on ka na?" Napalingon ako sakanya na parang nagtatanong at ngumuso lamang siya sa phone kong nakalapag na sa mesa't hindi nakapatay ang screen, "Kay miss Katarina Yu." Dagdag pa niya.

Nanahimik nalang ako at humigop nalang sa kape kong nagpapainit sa kalamnan ko ngayon.

"Napadaan lang siya sa feed ko." 

"Hmmm, napadaan. Sige, sabi mo eh," tumango tango pa ang mokong at humigop na rin sa kape niya. 

Napansin kong nag-take out din pala siya ng order niya. Dalawang chicken spaghetti saka dalawang bff fries, tapos tatlong chicken sandwich. Para siguro sakanilang dalawa ni Yeji kauwi niya sa apartment nila. Alam niyo na, pambawi para hindi gaanong mapagalitan ni jowa. 

"Baka gutumin ka, nahiya naman ako sayo," saka niya inabot sakin yung isang chicken sandwich na nanggaling sa supot. Nangiti nalang ako ng nang-aasar sakanya. 

Iba rin pala to kapag tinamaan ng alak, nanlilibre.

"May bayad to, gago. Sisingilin kita bukas,"

"Sige, kunwari babayaran ko,"

 

Halos kinse minutos na rin ang nakalipas nang umalis si Ryujin. Umuwi na at nagpaiwan ako dito sa Mcdo. Ayoko munang umuwi, eh. Masyado pa akong tinatamad at mag-abang sa labas ng taxi para ihatid ako samin. 

Syempre, bago umalis ang bespren ko, siniguro niya munang ayos lang talaga ako na maiwang mag-isa rito. Ang kulit nga eh, kaso kailangan na niya talagang umuwi kaya sinabihan ko siya na ayos lang talaga. 

Pagkaalis na pagkaalis niya, pinroblema ko na kung anong balak kong oras na umuwi saka magpahinga. Hindi naman kalayuan ang inuuwian ko mula dito sa Mcdo, siguro mga trenta minutos pa bago makapunta samin.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nagtatagal dito ngayon. Mag-isa at nakatingin lamang sa baso ng kape na pinaginuman ko. Yung chicken sandwich ko, hindi rin nagalaw. Hindi rin naman kasi ako nagugutom.

Hindi naman ako naiinip. Siguro ay dahil na rin medyo pagod na ang utak ko at kinailangan ko ng ganitong katahimikan. Swerte nalang dahil hindi marami rami ang mga customer ngayong oras na to dahil malamang, masyado pang maaga at pasado alas dos palang ng umaga. 

Siguro okay naman sakaila na dumito muna ako? Hindi naman mapupuno ang mga table nila dahil marami pang bakante.

Wala sa isip kong dumako ang tingin ko sa pumasok na bagong customer. 

Aba teka, bat nandirito siya?

Totoo ba tong nakikita ko ngayon?

Isang babaeng nakalugay ang buhok at may katangkaran saka nakasuot ng dilaw na hoodie saka sweatpants. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko at tumingin muli sa babaeng nakita ko.

Ang aga aga, bat siya nandito?

Teka, siya ba talaga to? Bakit parang... masyado siyang gumanda?

Pumunta siya sa counter at nagsabi na ng kanyang mga order. 

Ako naman ay napapalunok na dahil hindi ako makapaniwalang ang babaeng hinihintay ko lang na makita ang letrato niya sa screen ng phone ko ay natatanaw ko na ngayon.

Mataman kong inaral ang kanyang mukha mula dito sa pwesto ko para siguraduhing siya nga yon at hindi ako nagkakamali,

Si Katarina nga yun!

Nahanap ko nalang ang sarili ko na papuntang banyo at napahilamos sa mukha. Jusko, baka naman sa pagka-tipsy ko namamalik mata lang ako?

Humarap ako sa salamin na basa ang mukha at tinitigan ang repleksyon ko, "Winter, kalma ka lang. Kalma lang. Cool lang tayo," pampapakalma ko sa sarili ko habang nakatukod pa ang mga kamay ko sa may sink. Naghilamos ulit ako at saka na nagpunas ng mukha. Muli kong tinignan ang sarili sa salamin at saka na lumabas ng restroom.

Gusto ko siyang makita ulit.

Hinanap agad ng mga mata ko ang babaeng dahilan kung bakit ako aligaga ngayon at tila ba'y bumalik sa wisyo nang siya ay masilayan ko kaninang pagkapasok niya sa loob.

Putek, bat wala siya? 

Bat wala na siya? Ang dali naman niyang makuha ang order niya kung ganon!

Dahil sa hindi ko na siya nakita sa loob, napagpasyahan kong lumabas nalang at umuwi na para mag-abang ng taxi. Baka hindi siya yun. Kailangan ko na matulog dahil baka namimiss ko lang yung tao at siya na ang lumilitaw sa isipan ko't nakikita ko na kung saan saan.

Wala sa sarili akong kumagat sa chicken sandwich ko dahil pakiramdam kong nagutom ako dun sa nangyari habang inaantay na may dumaan ng taxi. Kaya lang, may biglang bumusina na kotse sa likuran ko dahilan para mapatalon ako sa gulat at tinignan kung saan nanggaling ang pitpit.

"Ay! Sorry!" Paghingi ko ng paumanhin dahil nakaharang pala ako sa driveway nila. Umusog naman ako para makalabas na ang kotse at bumusina nalang siya muli. 

Kakagat pa sana ako sa chicken sandwich ko nang bumukas ang bintana ng nasa driver's seat, "Winter?" Lumingon pa ako dahil sa pagtawag sakin at nakita ang dalawang tao na nasa loob ng sasakyan.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko.

Si Jeno ang tumawag sa pangalan ko,

Kasama si Katarina na nasa front seat.

Wow.

 

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa pwesto ko ngayon.

Nasa loob ng sasakyan nila at nakasakay na dahil ihahatid na raw ako pauwi. 

Todo tanggi pa ako dahil ramdam kong ayaw rin naman maramdaman ni Katarina ang presensya ko kaso, nagpumilit din itong kasama naming lalaki. Gabi na raw. Baka mapano pa ako sa daan.

"Buti, nandun ka pa? Masyado naman atang napa-sobra ang overtime mo?" Natanong ni Jeno habang nagmamaneho. Tahimik lang mula kanina pa si Katarina at hindi umiimik sa harapan. Nakatingin lang ako sa labas at pinipilit kong wag masyado mag-overthink dahil sa kung ano ano na ring naiisip ko sakanilang dalawa.

Tong si Jeno kasi, kung tatanungin niyo ako, matagal nang may gusto kay Katarina. 

Si Katarina na ex ko. 

Naaalala ko pa nga ang reputasyon niya bilang lalaki. Chick boy. Hindi pwedeng walang girlfriend every month.

Kaya medyo laking gulat ko talaga kung bakit sila ang magkasama ngayon. Akala ko ba ayaw ni Katarina dito?

Isipin niyo nalang ang lagay namin ngayon kung hindi masyadong awkward o ano. Kayo nalang mag-judge. Pagod nako mag-isip, utang na loob.

"Ahh, hindi. Ano lang uhm natripan ko lang mag-Mcdo," sambit ko mula dito sa loob at hinigpitan ang paghawak ko sa handle ng sasakyan sa may taas.

Bwisit! Nang-aasar ba talaga ang tadhana? 

Sa ganitong paraan pa talaga kami magkikita muli ng ex kong halos hindi ko na makilala dahil andami niyang pinagbago. Mula sa pananamit hanggang sa mukha.

Mas lalo lang siyang gumanda kumpara noon nung kami pa. 

"Okay lang ba kung magpa-gas muna tayo? Igigilid ko lang saglit sa gas station ha," Um-oo nalang ako dahil okay lang naman talaga. Sa katunayan nga, para akong nilalamon ng hiya ngayon at kaba. 

Nakaka-intimidate naman kasi tong nakaupo sa front seat! 

Hanggang dito sa likod, mararamdaman mo yung mabigat at malamig niya na aura. Idagdag mo pang poker face lang magmula kanina at nakatuon lang ang pansin sa labas ng bintana. 

"Babe, ihi lang din ako ha. Saka ch-check ko rin yung tubig ng car," paalam pa ng lalaki sa katabi niyang nakatingin pa rin sa labas habang pinapark ang sasakyan, "Huy galit ka pa rin ba? Sorry na. I swear, wala lang yun babe." Masuyo pa na sambit ni Jeno habang nakahawak na rin sa balikat ni Katarina.

"Bilisan mo." Tipid na sagot ni Katarina nang hindi man lang nag-abalang tapunan ng tingin ang nobyo niya. Napabuntong hininga nalang si Jeno saka na lumabas ng sasakyan.

Grabe, maski ako nanlamig dun sa sinagot ni Katarina. 

At tignan mo nga naman. Talagang nang-aasar ang tadhana, ano? 

Naiwan lang naman kaming dalawa ng ex ko dito sa sasakyan!

Dadaldalan ko ba siya o hindi?

Kakamustahin ko ba?

Nakakakaba siya sa lagay niya ngayon, sa totoo lang. 

Napaubo nalang ako at lihim pang sumulyap sa pwesto ni Katarina. Kaso, wala. Ganun pa rin. Walang pagbabago.

Umubo ubo ulit ako at tumingin muli sa direksyon niya na ngayon ay nagce-cellphone na. Ayos siya ah. Parang wala lang ako dito sa likod sakanya kung makaasta.

Para namang wala kaming pinagsamahan!

"Katarina?" 

Tawag ko sakanya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko dahil gusto ko siyang makita ng maayos. Panay likod at side view lang kasi niya ang nakikita ko magmula kanina.

"Ikaw ba talaga yan?" Paninigurado ko pa. Siguro, mukha na akong tanga dahil tinatanong ko pa kung ano yung halatang halata na.

Pero kasi tsong, sobrang laki ng pinagbago niya talaga. Ibang iba na. Mapapakanta nalang ako ng Magasin ng Eraserheads dahil sa nakikita at nasisilayan ko ngayon.

Simpleng hoodie at sweatpants lang naman ang suot niya pero bakit ang lakas pa rin ng kanyang dating? Mukha siyang artista!

"Sabog ka ba?" Pambabasag naman niya sakin kaya napakamot nalang ako ng ulo at natawa sa sinagot niya. Boom panes, gago. Asahan mo talagang magtatarayan yan sayo.

"Hindi naman. Sobrang ganda mo lang kasi ngayon," siguro dahil na rin sa nakainom ako at nakuha ko pang sambitin ang mga katagang yan at lakas loob kong puriin ang taglay niyang ganda.

Hindi siya sumagot at muling bumalot ang katahimikan sa loob ng sasakyan at siya ay nakatuon pa rin ang pansin niya sa kanyang cellphone.

"Kamusta naman kayo ni Jeno?" Hindi pa rin ako tumigil sa pakikipag-usap sakanya. Ngayon nalang kasi talaga kami nagkita ulit kaya hindi ko rin mapigilang magtanong sakanya. 

Saka, normal lang naman siguro makipag-catch up sa ex mo diba?

"Ayokong pag-usapan." Malamig niyang sagot na para bang ayaw niya talaga akong kausapin. Tumango tango naman ako saka lumapit sa likuran ng upuan niya at tumingin sa screen ng phone niya, nakita kong naglalaro siya ng Candy Crush.

Hindi pa rin pala siya nagbabago. 

"Ayos lang ba kayo? Valentine's ngayon, mukhang hindi kayo in good terms ah." Puna ko naman at narinig ko ang paghinga niya ng malalim. 

:Baka naiinis na to sa kadaldalan ko ngayon.

"That's none of your business. Mag-date siya mag-isa kung gusto niya," napalunok nalang ako sa narinig ko dahil matigas na rin ang tono ng boses niya. Kaso ewan ko ba dito sa bibig ko. Parang may sariling isip dahil kusa nalang bumubukas at nagbibitaw ng mga salita.

"Wow, sana all may date," natawa pa ako sa kagagahan na sinambit ko pero natikom rin nang tumingin lang siya sakin ng walang expression sa mukha, "Hehe sana all hehehe" Nginitian ko pa siya ng pilya at nag-peace sign pa. 

"Nakainom ka ba? Mukha kang tanga diyan na tumatawang mag-isa," 

"Nakakatawa naman kasi. Sana all may date nga,"

Napakunot na ang noo niya at nilapit niya ang mukha sa mukha ko kaya natigilan ako sa pagtawa.

"Hoy, makita tayo ni Jeno, sige ka." Bahagya pa akong umatras dahil baka mahimatay ako pag nasa harap ko na ang napakaganda niyang mukha.

Mukha siyang santo, sa totoo lang. Yung tipong mapapadasal nalang talaga ako. 

Kitang kita ko kung paano niya aralin ang mukha ko magmula sa mata, tenga at ilong. Hindi naman nakatakas sakin ang mabilisan niyang pag bawi ng tingin sa mga labi ko at binalik agad ang tingin niya sa aking mga mata at direkta itong tinitigan,

"Nakainom ka nga."

 

=====

 

"Ryu, tara kain na tayo. Nagugutom nako. Gusto ko na ng kwek kwek." Pag-aaya ko sa bespren kong katabi ko lang dito sa office. Mabuti nalang at hindi masyadong sumakit ang ulo ko dahil sa inuman kagabi at nakuha ko pang gumising ng maaga para hindi malate sa trabaho.

"Masakit pa ang ulo ko, pambili mo nalang ako," reklamo niya saka hinawakan pa ang bahaging sentido niya saka minasahe masahe pa to, "Tutal mukha namang di ka tinablan ng sakit ng ulo, panghatid mo nalang ako dito. Kaya mo na yon," pagtataboy niya pa sakin at muling bumalik sa pagaasikaso ng mga files sa harap niya,

"Tara na, malayo sa bituka yang sakit mong ulo na yan," hinila ko na rin siya at napa-tch nalang siya sa ginawa ko. 

"Ililibre mo ko." Sabi niya nalang habang papalabas na kami sa office. Halos lunch time na rin kasi at hindi ako nakapag-baon. Wala na akong oras kanina para maghanda ng makakain ngayon. 

"Mukha mo," 

Nasa harapan na kami ng building na pinagtatrabauhan namin at masayang kumakain sa pishbolan ni aling Toyang dito sa pwesto niya. Madalas na kaming bumili dito, after work o kaya naman ay kapag nagugutom na kami kaya naging suki na rin kami ng pishbolan niya.

Kuntento na ako sa kwek kwek lang para sa tanghalian ko ngayon. Di ko trip kumain ng matinong pagkain dahil ayokong kumain ng heavy meal.

Etong kasama ko naman, kuha nang kuha ng tusok tusok niya. Balak atang butasin ang wallet ko porket libre ko nga.

Masaya naman akong kumakain ng kwek kwek nang bigla akong sikuhin ni Ryujin kaya napatingin ako rito ngunit may nginungusuan siya sa malayong direksyon.

Sinundan ko naman ang tinuturo niya at natanaw ko na wala naman dapat pagtuonan ng pansin.

"Ano bang nginunguso nguso mo diyan, gusto mong halikan kita? Di tayo talo gago- Aray!" Hinampas naman niya kasi ako sa braso at ngumuso ulit siya dun sa direksyon kanina, pilit ko namang tinitignan kung ano yung kinaiintrigeran ng kaibigan ko. Napapakunot na nga ako ng noo dahil hindi ko talaga matanaw.

"Ang labo naman ng paningin mo, si miss Katarina Yu kasi ayun oh! Sitting pretty!" Tinuro na niya gamit ang kamay niya saka dun ko lang nakita ang kanina pa niya nginungusuan. 

Nakaupo sa malapit sa glass window at nakatingin lang sa cellphone niya. Hindi ko makita ng maayos yung mukha dahil nakaharang ang mahaba niyang buhok sa mukha niya dahil sa pagkakatingin niya sa cellphone niyang nakababa.

"Weh, si Katarina ba yon, parang hindi naman eh," pagwawalang bahala ko sakanya at kumain na muli ng kwek kwek ko. Nagugutom ako, istorbo itong bespren ko.

"Tanga, naging ex mo lang hindi mo na nakilala? Siya nga kasi yun!" Pangungulit sakin ni Ryujin kaya tumingin naman ako muli sa direksyon niya at sakto namang tumaas na ang kanyang ulo at tumingin pa sa may entrance ng restaurant na kinaroroonan niya.

"Oh, may inaantay na date?" Patanong na sabi ni Ryujin at napakibit balikat nalang ako.

Ayokong magpakita sakanya. Naalala ko kasi yung kagagahan ko kaninang hinahatid nila ako sa bahay,

Mukha pala akong tanga kanina! 

"Ewan ko. Bat mo ba inaalala yung tao, kumain ka nalang diyan." Sita ko sakanya at patuloy na kumain nalang ng kwek kwek ko.

Pero sumilay ako ulit sa babaeng nakaupo na tila ba'y parang may hinihintay nga dahil tumitingin tingin na rin siya sa relo niya at tumitingin sa labas. 

Mukhang hindi pa nga sila nagkaayos ni Jeno.

 

 

Katarina

Ilang beses na akong tumingin sa wrist watch ko at babalik din ang tingin sa entrance ng restaurant. Jeno told me to wait him here, dahil nagpa-reserve daw siya dito for our date. 

He even told me na he'll be late because he has some errands to finish pa. Kaso, hindi ko namang inasahan na halos magi-isa't kalahating oras na akong naghihintay dito sa table na pinareserve niya.

More like, baka babae ang inaasikaso niya at hindi work.

Yung babae niyang kasama kahapon at nahuli kong magkasama sila sa apartment namin. 

Friends lang daw sila.

Friends my . 

Magkaibigan na kung makapalupot yung kamay ng babae sa braso ni Jeno eh dinaig pa ang linta. 

I'm so tired of his bull. Ulit ulit nalang. Malamang hihingi na naman siya ng tawad sakin saying he's truly sorry for what he did and eventually, going back to his business again after akong masuyo at makuha.

Don't get me wrong. I'm aware of his reputation since we were college and I just don't know what gotten into myself at napasagot ako ng gago.

We've been together for one year na rin. 

Nung una, okay naman siya. Saying nagbago na siya sakanyang pagiging play boy and syempre, ako naman na nakita yung pagbabagong yun, I decided to give him a chance. Nalaman niya rin kasing naghiwalay kami ni Winter kaya nagpakatino 'daw' para sa akin.

Well, it's been what, 3 years since me and Winter broke up. I don't know. Basta matagal na ring panahon. Since then I've never heard anything mula sakanya. Walang balita, walang contact. Lahat!

I blocked her rin kasi sa mga social medias. Bitter dahil sa kagaguhang ginawa niya sakin.

Kaya sobrang gulat ko lang nung makita namin siya ni Jeno sa Mcdonald's kagabi. Nung una kasi, napansin kong parang siya na yun nung na nakapasok ako sa Mcdo. I thought hindi siya yun dahil she looks sabog talaga kahapon while nakaupo lang sa sulok at nakatingin sa basong nasa harapan niya.

I just confirmed na siya nga yung nakita ko sa loob dahil nakita't tinawagan naman siya ng magaling kong boyfriend sa pangalan niya and even offered her a ride. 

Buong byahe tahimik lang ako.

Yung init ng ulo ko, mas lalong dumagdag dahil nakita ko pa ang ex kong walang pakiramdam.

Masyadong oblivious sa nangyayari. 

Mukhang hindi lang naman si Winter ang hindi marunong makiramdam dahil iniwan pa kami ni Jeno sa sasakyan.

I'm annoyed. 

Naiinis ako sakanya, naiinis pa rin ako sakanya. Bakit ba affected pa rin ako sakanya? Eh, tapos naman na ang samin at over na ako kay Winter.

I thought she was sleeping rin dahil ang tahimik niya lang din sa likod kaso bigla bigla nalang naubo. May sakit ba to? Konti nalang palalabasin ko na para bumili ng tubig sa convenience store.

Maya maya pa ay bigla siyang nagsalita. Akala ko mananahimik pagkatapos ng halos isang minuto niya atang pagpapapansin sa likuran. 

Ang daldal pa rin talaga niya. 

"Wow, sana all may date," bakas sa boses niya ang pagkapilya at nang-aasar. Pansin ko lang na doble ang kulit niya ngayon kaya naman hindi na rin ako nakatiis saka siya hinarapan at tinignan kung tama ba ang hinala ko.

Amoy alak siya, beer saka parang dumikit pa sakanya ang matapang na amoy ng alcohol.

Nakailan ba to? 

Nang mapansin kong nakangiti na naman siya ng loko nung dumapo ang tingin ko sa labi niya agad agad kong binawi ito at binalik sakanyang mga mata.

Tama nga ang hinala ko,

"Nakainom ka nga,"

After many more minutes ay wala pa ring sign of Jeno. Nakuha ko na ngang maisip yung magaling kong ex, and until now hindi pa rin nagtetext sakin. Ughh, kairita. Bakit ba ako pilit na nagpapadala kasi sakanya? Nasisira ang ganda ko. Hindi ko deserve to.

Okay, that's it. I've had enough already. I pulled my phone out saka ako nag-compose ng message sa boyfriend ko. Mukhang wala rin namang date na magaganap.

'You know what, Jeno? I'm done. Salamat nalang sa lahat at wala ka ng aasahan sa akin.

Have fun on your date with your friend.'

Sent! 

Masyado nakong nagpapakatanga sa taong hindi naman deserve ng oras at pagmamahal ko.

He's not worth it.

I'll just date myself instead or better, magpahinga nalang sa bahay dahil puro couples lang naman din ang makikita ko.

Tumayo na ako sa upuan ko at binitbit ko na ang bag ko saka na naglakad papalabas ng restaurant. Sinabihan ko rin yung isang staff na bakante na yung table ni Mr. Jeno Lee para hindi naman sayang. 

Saktong pagkalabas ko naman ng pintuan, may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Ininjan ka ng date mo?" 

Winter.

Humarap ako sakanya and gave her a look. 

Nakita ko siyang nakabihis at mukhang galing pa ng work dahil may suot siyang i.d.

Infairness, she's cute sa get up niyang naka-rolled up sleeves niya hanggang siko ha.

"Hula ko, hindi pa rin kayo okay ni Jeno, noh? Naku, ayusin niyo na yan. Valentinie's pa naman." Pagu-usisa naman niya kaya napa-roll eyes nalang ako. Saka ano bang pake niya kung hindi kami okay ng ex-boyfriend ko.

"Walang maaayos dahil wala na kami ni Jeno," sabi ko nalang saka na tuluyang naglakad. Hassle. Bwisit naman talaga. Akala ko naman, I'll be spending my Valentine's ng matiwasay but jokes on me. Heto ako ngayon at nagb-book na ng grab.

"Sayang naman ang ganda mo ngayon, ako nalang ang mag-aaya ng date sayo," narinig kong sabi niya nang mahabol niya akong nakatayo at nagta-tapo sa cellphone ko.

I turned my way to look at her and saw na she's flashing a naughty smile. 

Just like what she always had pag inaasar niya ako.

"Look, I just want to spend my day ngayon ng maayos dahil kagabi pa ako exhausted. I want to sleep." Paliwanag ko naman sakanya dahil magsasalita pa sana siya kanina. 

Nabigla nalang ako when she took my hand and caressed it gently saka tumingin sakin, "Alis tayo. Promise, magbebehave ako." She smiled genuinely at me and I felt my heart suddenly beating so fast.

Good Lord. Why does she have to be so cute when she smiles?

"May sasakyan rin! Kaya less hassle na," paniniguro pa niya dahil nakatingin lamang ako sakanya.

And believe me, konti nalang bibigay na ako sa ex kong inaaya ako mag-date ngayon.

Nanatili lang siyang nakahawak sa kamay ko at nakatingin din ng direkta sa mga mata ko na parang sinusuyo ang mga ito, "Please?" 

"Fine." 

 

I don't know kung saan kami papunta ngayon dahil hindi rin naman ako nagtanong. Basta sumama nalang ako sakanya dahil pagod rin naman ako makipagtalo kay Winter. 

Kanina pa kami nags-stroll sa daan at mukhang walang matinong plano tong kasama ko ngayon. 

She's behaving naman so far just like what she said kanina. 

And me? I was starting to feel comfortable na rin around her. I was tensed din kasi kanina nung bago bago lang kaming nakasakay sa kotse. But eventually, I calmed down na rin dahil sa familiar na vibe na nararamdaman ko.

Beside her, it feels warm and calming. 

I feel at ease somehow.

Just like what I felt when we were still together. 

Parang wala lang sakin yung pag-iwan niya sakin sa ere at ng walang paalam dahil sa sobrang kalmado at ibang aurahan niya ngayon. 

She looks different pero the vibe and energy she radiates? Still Winter. 

The Minjeong I knew from back then. 

And siguro I missed being with her rin kaya natural lang na maramdaman kong kalmado ako ngayon katabi niya.

"Is there any particular place you wanna go?" Tanong niya habang nagd-drive, eyes not taking off the road. I heaved a sigh at tumingin nalang sa labas,

"I don't know, just take me somewhere far away. Away from the city."

 

And so she did.

I wasn't expecting her to bring me sa beach dahil ang layo pa ng pinanggalingan namin.

Maybe a 2-3 hour drive? 

Hindi ko rin namalayan na nakatulog na pala ako habang nagba-byahe. 

Nakita ko nalang na may nakapatong sakin na blazer, probably sakanya to dahil naamoy ko rin ang pamilyar niyang pabango. 

Grabe, she never changed pala noh?

Nag-unat muna ako at umayos na ng upo. Inayos ko muna ang sarili ko habang nakatingin sa side mirror at napagpasyahan nang umalis bumaba sa sasakyan. 

Sumalubong naman sakin ang malamig na hangin na nanggagaling sa dagat at hinanap ng mga mata ko si Minjeong. I'm starting to get kinda impatient dahil hindi siya matanaw ng mga mata ko. Tumingin pa ako sa likuran ng kotse dahil baka tinataguan pa ako nun.

O baka naman ghinost niya ulit ako? Iniwan na naman?

Gago talaga yun kung ganon!

"Katarina!" Napalingon ako sa likuran at nakita siyang may bitbit na supot saka dalawang buko juice na nasa kabilang kamay niya. Kumakaway naman siya sakin kaya di ko na rin napigilan na mapangiti.

Maybe I really did miss her.

"Sorry, hindi na kita ginising. You were too peaceful kasi para istorbuhin eh," nahihiya niyang paumanhin at kinuha ko naman yung isang buko juice na inalok niya sakin.

"It's okay. Akala ko nga, ghinost mo na naman ako," pambawi ko naman sakanya at nasamid siya sa buko juice niya. Bahagya naman akong natawa sakanya dahil sa itsura niya. 

Binigay ko sakanya ang panyo ko at tinignan niya lang ito, "Grabe, hindi mo ba ako pupunasan?" Kunwaring nagtatampo pa niyang sambit.

"Punasan mo mukha mo. Matanda ka na,"

"Valentine's na valentine's, nagsusungit ka," pagkakuha niya sa panyo ko saka na niya pinunasan ang sarili niya. Napailing nalang ako sakanya at tumuloy na sa trunk ng kotse. Umupo naman ako dun at pinakiramdam ang malamig na hangin saka pinakinggan ang paghampas ng alon sa dalampasigan.

Ilang saglit pa ay tumabi sakin si Minjeong at sinamahan na rin akong manood sa papalubog na araw.

"Wala akong maisip kung saan ka dadalhin eh," tahimik niyang sabi habang nakatingin pa rin sa dagat. "Naisip ko lang na masyado kang stressed at kailangan mo ng pampakalma." Tuloy pa niya.

Nakikinig lang ako sa mga litanya niya at nakatingin pa rin sa sunset.

"You know, I've never forgotten the things that you love, Jimin." 

Hearing her say my name again feels like music to my ears.

It's been a while.

"I know how much you loved watching the sunset." Tumingin na siya sakin at dahan dahan niyang itinaas ang kanyang kamay habang nakatitig lang sa mga mata ko.

She then carefully tucked some strands of my hair behind my ear and flashed a smile.

"And you know how much I love you, right?" 

I was taken aback dahil sa mga binitawan niyang salita. 

I don't know what to respond nor what to feel.

Halo halong emosyon. Takot, kaba, kilig, saya, tuwa. 

Lahat na ata ng pwedeng maramdaman, nararamdaman ko na ngayon.

She broke our eye contact and binalik na ang tingin niya sa dagat. 

The sun is setting na rin pero hindi ako makatingin sa scenery na nasa harapan namin ngayon. 

Kay Minjeong lang ako nakatingin.

Prino-process pa rin yung mga sinabi niya sakin kanina.

"I'm sorry," nasabi ko nalang dahil nangunguna pa rin ang takot. Napayuko ako dahil nararamdaman ko na rin ang malapit kong pagluha, maya't maya pa ay naramdaman ko nalang ang kamay niya sa kamay ko at pinipisil pisil niya ito.

"It's okay. You don't have to say anything naman." She assured sakin at hinarap ako sakanya, "Ang pangit ko naman ka-bonding, pinapaiyak ko yung date ko oh," biro pa niya nang makita niyang maluha luha na rin ang mga mata ko.

Natawa naman ako sakanya at napahampas sa braso niya, "Gago ka talaga," nangiti nalang siya at pinunasan na ang mukha ko gamit ng thumb niya.

"Ayan, ngiti ka lang. Mas bagay sayo yan." Sambit niya pa kaya tuluyan na akong napangiti.

Natahimik ulit kami at taimtim nang pinanood na lumulubog ang araw. Nakaramdam naman ulit ako ng antok kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Minjeong. Naramdaman ko rin na pinatong rin niya ang ulo niya sa ulo ko.

Until we decided to go home na. Maga-alas siete na rin kasi tapos malayo pa ang iba-byahe namin.

We're on our way na pauwi and naisipan kong tanungin siya.

"Will you be okay driving pabalik? We can switch naman. Baka pagod ka na," offer ko sakanya at saglit naman siyang napatingin sakin.

"Oo naman. Strong ako, wag kang mag-alala. Ako nagkaladkad sayo paalis kaya marapat lang na ihahatid kita pauwi," sagot naman niya nang binalik ulit ang tingin niya sa daan.

"Sure?" 

"Sure na sure, ma'am." Tumango pa to sakin at nag-thumbs up.

I let her be nalang at nag-focus sa daan. 

Nag-drive thru din kami on our way dahil nagutom kami pareho sa byahe. Gustuhin ko man siyang subuan while driving kaso baka isipin niya na okay na talaga kami. 

Ano siya, sineswerte. Hindi ako madaling kunin noh.

"Baka naman gusto mo akong subuan?" Pang-aasar niya sakin habang kumakagat ako sa chicken sandwich ko.

"Ano ka, sineswerte?"

"Ayy, dali na kasi. Last lang eh, date nga to eh," reklamo niya naman at nakanganga pa indicating na subuan ko nga siya.

"Oo, friendly date." 

"Friendly date daw. Ihh sige na, last lang eh," pangungulit niya habang nagda-drive. Jusko baka mabangga pa kami pag di pa to nagtigil.

Kaya naman sinubo ko sa bunganga niya ang sandwich na hawak ko at hindi agad kinuha yun. Natatawa naman akong kinuha ito pabalik nang makita kong mahuhulog na yung burger sa pagkagat niya.

"Ang sweet mo talagang ka-date noh," sarkastiko niyang sabi kaya napatawa nalang ako. 

 

"So, I guess I'll see you when I see you?" Sabi niya nang makalabas kami ng sasakyan at nasa tapat na kami ng gate namin. Tumango ako at binigyan siya ng ngiti. 

"Thank you, ha." Pagpapasalamat ko naman sakanya. Tumango lang naman siya saka sinabing, "Walang anuman."

Papasok na sana ako sa gate namin kaso tinawag niya ako, "Uhm, Jimin?" 

I turned around her with brows raised indicating na ituloy niya ang sinasabi niya,

"Yun pa rin ba ang number mo?" 

Sus. Yun lang pala.

Tumango naman ako at siya naman ay napatango rin saka napangiti. 

"Sige, una na ako." Paalam niya naman. I watched her as she entered the driver's seat. 

And for a moment there, I just found myself knocking at her window.

"Yeah?"

Hindi ako sumagot but I pulled her head gently close to me and kissed her carefully

sa cheeks.

Medyo nagtagal din ang pagdampi ng labi ko sa pisngi niya and when I pulled out, I saw her shocked face at nakaawang pa ang kanyang labi.

Natawa naman ako sa nakita ko.

Lumipat ako sa tenga niya saka bumulong ng, "Thank you for today. Ingat ka sa pag-uwi." 

Then I kissed her cheek again.

Saka na ako tumakbo papasok sa gate namin.

Ilang sandali pa ay naka-receive ako ng text. Napangiti nalang ako sa pangalan na nakaflash.

Si Minjeong. 

 

From: Minjeongie 

'Ang panget mo naman ka-date! Nang-iiwan right after magpakilig. 

Bumalik ka rito, panagutan mo ako!" 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭