Vampire Encounters: Not a Love Story (Part III)

Scraps

Ang tahimik naman. Ang bigat bigat pa ng aurahan nitong katabi ko.

Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong napalunok kada magtatangka akong magsasalita eh! Parang hindi ko siya maistorbo.

“Yizhuo.” ayan na nga po. Mapapahugot na ako ng hininga ko rito kay Aeri eh.

“Aeri, promise walang kasalanan si Minjeong dito. Ako yung nagpilit sa kanya--”

“And you fully know she’s under a punishment, right?”

Napayuko nalang ako at natikom ang labi.

Tangina. Mas nakakatakot pang harapin ang kalmadong-slash-galit na Aeri kaysa sa galit na galit na bampira eh.

“At ako yung naatasan nila Atchi para bantayan siya. Ano nalang ang masasabi nila kapag nalaman nilang muntik nang maubusan ng dugo yung bunso nila?”

“Aeri, I’m sorry… I’m really sorry.” Pinipigilan kong ‘wag maiyak. Sa totoo lang kasi, kanina pa ako nilalamon ng konsensya ko.

“’Wag mo naman nang pahirapan pa sa ‘kin lahat, Yizhuo. I can’t always make up situations para lang hindi kayo mahuli ni Minjeong.” Yung tingin niya sa akin na kanina pa nanunuot sa pagkatao ko, hindi na naalis.

Tangina. I really messed up big time.

Tumayo na siya saka pinuntahan si Minjeong na nagpapahinga na sa kama.

“Will you tell them the truth this time?” tanong ko sa kanya. Potek, ayokong mahuli kina Atchi. Mahirap ang mahuli sa kanila.

Huminga siya ng malalim saka napapikit, “Pasalamat ka, mahal ko kayo.”

Dahil sa sinabi niya, napayakap nalang ako sa kanya. Masyado niya kaming mahal para pabayaan ng ganun ganun lang.

“Magiging okay naman si Minjeong… diba?”

Magsimula kasi kaninang pagkarating namin dito sa kwarto nila Karina, hindi pa gumigising ang kaibigan. Inaalala ko kung gaano ba karami yung nawala sa kanya.

“She’ll be fine. Her body’s gonna recover soon. I think enough rin naman yung blood na naibigay kanina sa kanya.”

Muli kaming natahimik ng kaibigan ko habang binabantayan lang naming matulog si Minjeong.

If you’re wondering how we ended up being here in Karina’s place, siya lang naman yung nag-insist sa amin na dumito muna raw. Delikado kapag nahuli pa kami sa daan ng ganung lagay.

Nung una, I didn’t believe na si Karina nga talaga yung nagmagandang loob sa amin kanina. Akala ko nga namamalik mata lang ako’t kamukha niya lang yun. Eh sino ba naman kasing hindi maniniwala na yung matagal naming hindi nakita for weeks ay bigla nalang nasa harapan namin at handa pang tumulong?

Nagulat ako at hindi ko expect. Kalmadong kalmado pa nga kanina nung tinutulungan akong buhatin si Minjeong papunta rito sa tinutuluyan niya.

Then doon ko nalang din nalaman na, umuwi muna siya dito sa probinsya nila which coincidentally na napuntahan namin ni Minjeong ngayon. Ang liit nga naman talaga ng mundo. Kaso, sana nagkita naman kami sa matiwasay na sitwasyon. Reunion na rin yun noh! Mini reunion. Namiss ko rin naman ‘tong kasama namin sa trabaho.

Tinanong ko kung paano niya kami nahanap, nakwento niya na inaantay niya raw yung pinsan niya na makauwi doon sa may labas ng eskinita para sunduin ito. Gulat raw siya nang makita niyang aligaga yung pinsan niya na dumating dahil may krimen daw na nagaganap, turns out pinsan niya pala yung mga pinagdidiskitahan nung mga gagong manyakis kanina. Oh diba, ang liit talaga ng mundo?

Ewan ko kung saan niya rin nakuha yung lakas ng loob. Pinuntahan niya yung kaguluhang nangyayare kanina at doon niya raw kami nakita.

“Paano mo nalaman na… kami yun?”

“Maniniwala ka ba kung sinabi kong pagkakita ko pa lang dun sa babaeng maikli ang buhok, alam kong si Winter na yun?”

Taray.

Memorize na memorize na ang features ha.

“Tsaka yung mga mata niya kasi… tandang tanda ko sila. Hindi ko sila malimutan.”

Taray.

Edi ikaw na, madam Karina!

Nang marating namin ‘tong bahay nila, mabuti nalang at tulog na ang lahat ng kasama nila sa bahay. Maski yung pinsan niyang naprotektahan namin kanina kaya naging madali rin ang pagpasok namin sa kwarto niya at walang kailangang ipaliwanag.

Uhm hello? Baka kasi mabigla ng tunay ang mga kasama niya sa bahay. Ang dudumi na naming tignan ni Minjeong, puno ng dugo yung damit.

Hindi kasi kami nakaitim this time! Nainitan kami eh kahit gabi na, bwisit.

Kasabay ng pagsettle naming tatlo sa kwarto ni Karina ay siya namang paglitaw ni Aeri dun sa may veranda ng kwarto niya.

Taray ng entrance ng aking beautiful friend. Makikita mo talaga yung shadow niya kanina dahil sa liwanag ng buwan at kung ‘di lang binuksan ni Karina yung ilaw ng kwarto niya hindi namin siya makikilala.

Ewan ko ha. Pero syempre bilang bampira, malalakas ang senses ko.

Kaya kaninang pagkakita nung dalawa, si Karina at Aeri, parang dumilim ang paligid at biglang nanlamig ang hangin.

Ang cold ng dating ni Aeri, naging intimidating ang aura ni Karina.

O….kay?

“Aeri! Buti nandito ka na—”

“Ano na namang pinasok niyong gulo ni Minjeong?”

Patay. Pagkarinig ko pa lang sa tono ng boses, alam kong I’ll be having an earful sermon mamaya galing sa kanya.

“Sino ka?” tanong ni Karina sa bagong dating kong kaibigan.

Pero shet. Walang pakielam sa surroundings ang peg ni Aeri dahil busyng busy siya sa paga-asikaso kay Minjeong.

“Bawal ang trespassing sa kwarto ko.”

“I’m sorry but I’ll deal with you later, miss.”

Napatingin ako on the spot kay Karina nung marinig ko si Aeri, and tama nga ako ng naramdaman. Hindi niya nagustuhan ang sagot ng kaibigan ko.

“I’m sorry rin pero sino ka ba? Bakit mo hinuhubaran si Winter?”

Wala pa ring tigil sa pag-aasikaso si Aeri kay Minjeong at parang hangin lang si Karina sa kaibigan ko.

Ay, parang something’s going up.

Tension sion sion sion sion sion—

Bago pa magsagutan ang dalawa, nilapitan ko na si Karina. Mahirap na noh. Baka matuluyan pa si Minjeong dahil hindi maasikaso ng maayos.

“Karina, relax. Kaibigan namin si Aeri and alam niya yung ginagawa niya.” Sinimulan ko na ang pag-akay sa kanya papalabas sa kwarto. Alam kong hindi niya rin kasi magugustuhan ang makikita niya sa mga susunod na mangayayari.

“Ningning? Kilala mo ‘yan? Pagsabihan mo ‘yang ‘kaibigan’ mo ha. Kung hindi lang urgent baka—teka… Bakit— Bakit ang lapit ng mukha niya kay Winter? Ano yung sinasaksak niya sa braso niya?”

Ang dami niyang tanong pero iisa lang ang sagot ko,

“Trust me. Alam niya ang ginagawa niya kay Minjeong. Kalma ka lang.”

Natahimik naman na siya nung makalabas na kami ng kwarto. Inantay muna naming matapos ang ginagawang ritwal ni Aeri sa loob para maagapan si Minjeong.

“Karina?”

“Oh?”

“Bakit mo nga pala kami tinulungan? Uhm diba alam mo naman na ano na… ganon. Na iba kami sa’yo…”

Nag-aantay lang kami sa labas ng kwarto niya kaya naisipan ko ring kausapin ‘tong katabi ko.

Marami rin akong tanong sa kanya eh.

“Kaibigan ko kayo eh.”

“Pero hindi ka ba natakot na baka mag-iba ulit ang anyo namin anytime nung kasama mo kami kanina?”

“Ning,” tumingin ako sa kanya, “nagawa niyo na nga once at sa mismong harapan ko pa last time. Anong pinagkaiba no’n kung mangyayari man yun ngayon?”

“So hindi ka takot sa amin knowing na anytime pwede ka namin kainin?”

“Matatakot lang ako kung merong dapat ikatakot sa inyo.” Nagtagal muna ang katahimikan bago niya muling pinagpatuloy ang pagsasalita, “Bakit? Meron ba?”

Ewan ko pero napangiti nalang ako sa sagot niya.

Umiling ako kay Karina at binigyan siya ng sincere na ngiti, “Wala. Wala ka dapat ikatakot.”

 

 

 

 

One week after that night, nabalitaan naming papasok na ulit si Karina sa office. Nag-file pala siya ng leave nung umalis siya for breathing para sa sarili.

Friday ngayon, sa lunes na papasok si Karina.

Guess what? Kung natutuwa na ako sa balita, what more naman ‘tong si Minjeong diba. Parang tanga nga these past few days.

Nagpa-practice kasi kung paano ulit harapin si Karina.

Asan na yung Minjeong na malakas ang loob ang confident? Gago, wala akong pinalaking mahinang nilalang!

‘Paano kung hindi niya pa rin ako papansinin?’

‘Nag-usap ba kayo nung tulog ako that night? Ano-ano mga pinagusapan niyo? Nabanggit niya ba ako? Is she still mad at me?’

‘Ano kayang gusto niyang ulam? Baka mandiri na siya sa mga ibibigay kong food. Totoong pagkaing-tao naman yung pinagbabaon ko sa kanya. Should I tell her that?’

‘Yizhuo, okay lang ba itsura ko? Hindi na ako mukhang nakakatakot?’

Iilan lang ‘yan sa mga bumabagabag hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa ‘kin. Parang ewan naman kasi ‘tong kaibigan ko. Masyadong napapraning! Sarap suntukin sa bangs.

Kung hindi nag-ooverthink, tulala namang nakatingin dun sa pwesto ni Karina.

‘I can’t wait to see her again, Yizhuo.’

‘Kamusta na kaya siya? I hope she’s fine. I wanna see her ngayon na.’

‘Does she still have those cute fluffy cheeks? Baka nangayayat na. Pagbabaon ko siya ng maraming food para I’ll get to see her stuff some food sa cheeks niya.’

‘Yizhuo, I’m nervous.’

I would be lying kung sasabihin kong hindi ako natatawa at napapailing nalang sa mga lumalabas sa bibig niya.

Don’t get me wrong ah. Natatawa in a way na, ngayon ko lang nakitang ganito ka-invest ang kaibigan ko sa isang tao. ‘Di ko akalaing makikita ko ang ganitong side ni Minjeong na tanging si Karina lang ang dahilan kung bakit why ganito like this mag-act at magbehave ang inlababo kong kaibigan.

Pero at the same time I can’t help but to feel sad rin.

Tao yun si Karina eh, bampira kami. Magkaiba kaming nilalang, magkaiba ang mga mundo namin.

I am happy for my buddy, given na ‘yon.

I just hope she’s ready sa kung ano mang posibleng mangyari soon kapag nahulog nang tuluyan sa isang tao.

Because in our world, that is the unspoken forbidden rule.

Knowing Minjeong she’ll do whatever it takes just to get what she wants.

And when that happens, I’ll still be here by her side supporting her. Kahit ano pa ‘yan.

Gora lang ako kahit saan pa siya pumadpad.

 

 

 

 

Karina

Kamusta. Kung ako ang tatanungin kung kamusta ba ako?

Eto, maganda pa rin. Walang charot.

Feel ko magmaganda ngayon kasi papasok na ulit ako sa trabaho. Syempre ako ang bida rito kaya grand comeback ang kinakailangan para sa entrada ng bida (bida).

Pwera biro. Isa lang naman din kasi yung dahilan kung bakit todo ayos ako ngayon eh, si Winter.

Ngayon ko nalang ulit siya makikita ng matino. Ngayon ko nalang ulit siya makakasalamuha at ngayon ko nalang ulit siya makakasama.

Sa pagleave ko sa trabaho, hindi ko na nakuhang magpaalam ng maayos sa kanya at kay Ning. Ang bigat kasi talaga sa pakiramdam that time. Parang bigla, may pasan akong mabigat sa balikat dahil dinamdam ko talaga yung panl-linlang nung dalawa sa akin.

Hindi rin naman kasi ako masisisi. Kung titignan sila, mukha naman silang normal katulad ko. Walang special powers, walang red eyes at mga fangs na nakakatakot.

Except doon sa part na minsan, napapansin ko na ang mabilis nilang pagputla sa gabi tuwing bumibilog ang buwan at naiiwan kami sa trabaho noon.

Ngayon ko rin narealize na palagi silang nakaitim tuwing papasok sa trabaho. Tagal tagal na naming officemates pero ni minsan, hindi ko kinwestyon kung may ibang kulay ba sa closet nila aside sa kulay itim at bakit palagi nalang ganitong shade ang suot.

Pero ngayong nalaman ko na ang lahat, it all makes sense. Lahat nung mga subtle at little things na napapansin ko na dati pa pero binabalewala lang, nagkakaroon na ng kahulugan at mas lalo ko nang naintindihan.

Nagalit ba ako sa kanila?

Hindi ako galit sa kanila.

Somewhat nasaktan lang kasi I felt betrayed. Lalo na’t kung kailan nararamdaman kong nagkakaroon na ako ng something kay… Winter.

Natakot rin ako at some point kasi noong magkasama kami ni Winter in that state, nung nagkasugat ako, pakiramdam ko mamamatay na talaga ako at that time.

Pero hindi.

Anong klaseng kontrol ang meron si Winter at nakayanan niyang hindi ako lapain despite of having my blood rushing sa binti ko?

Noong tumitig ako sa mga mata ni Winter, para akong nanlambot.

Sa takot, sa kaba, sa nerbyos at sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.

Hindi ko alam. Litong lito ako that time. Nasa kasagsagan na nga ako ng kamatayan kung ano-ano pa ang mga nararamdaman kong parang ewan.

Kaya naisipan ko ring mag-leave dahil bukod sa pinoprocess ko pa yung nalaman ko, ina-assess ko rin ang sarili para maging emotionally, mentally at physically strong. Kung haharap man ako muli sa kanila, ‘yang mga bagay na ‘yan naman ang kakailanganin ko, diba?

And here I am, malapit nang matunton ang office. Ilang hakbang nalang at makikita ko na ulit siya. Maririnig ulit ang mga chismosa kong officemates at ang nagmistulang ‘Snow World’ na workplace dahil sa sobrang lamig ng aircon.

Ay teka. Parang gusto ko magkape. Alam niyo na, energizer sa umaga para happy happy through out the day.

Bukod kay Winter, kape nalang din kasi talaga nagpapasaya sa ‘kin at bumubuo ng araw ko.

Walang charot.

Bubuksan ko pa lang pinto ng pantry namin, pero bumukas na agad ito.

Parang nag-slow mo bigla ang paligid ko nang hinarap ko na ang nagbukas nito.

Yung taong iniisip ko lang kanina habang papunta sa trabaho, eto na siya, nasa harapan ko na mismo.

Ang… ang lakas pa rin ng dating niya.

Ang bango bango pa rin niya.

Kitang kita sa mukha niya ang pagkabigla habang may hawak hawak na kape sa kamay.

“Karina…?”

Inayos ko ang sarili at hindi ko na napigilang ngumiti,

“Hi, Winter.”

 

 

 

Ang kulit ni Winter.

Hindi siya naririto’t katabi ko ngayon para kulitin ako ng literal pero kasi naman, yung mga panakaw niyang silay silay, kitang kita ko mga ‘yun!

Siguro dahil na rin sa malakas talaga ang enerhiyang nira-radiate niya kaya ramdam na ramdam ko rin mga tingin niya.

Minsan nahuhuli ko pa tas bigla pa akong ngingitian ng litaw yung dimple niya.

Ang harot niya, my gosh. I’m trying to focus here oh!

Chena. Idagdag mo pang lumipat pala siya ng pwesto. Dito sa may malapit pa talaga sa akin, siguro two desks away from me sa right side ko.

Pinipilit ko talagang maging casual at kalmado. Pachumchum tayo dito, hindi tayo marupok. Paghirapan niya muna kung gusto niya talagang makalapit sa ‘kin.

Hindi yung dinadaan daan niya ako sa mga tingin tingin na ‘yan!

Palapit na ang lunch break. Nagdala naman ako ng sarili kong baon kaya walang problema. Bagong buhay na rin after that leave, hindi na ako nago-OT.

Sumilip ako ng palihim kay Winter, mukhang may binubulong kay Ningning na sa tabi niya’t may nakalabas na ring dalawang lunchboxes sa desk niya.

Maya-maya tumayo na kaya napadiretso na ang tingin ko sa hinahanda kong lunchbox kanina lang.

“Hi, Karina. May I sit here beside you?”

Rinig ko pa lang boses niya pero nanunuot na yung kilig sa sistema ko.

Syempre tuloy tayo sa agenda nating pachumchum kaya kunwaring lumingon ako sa kanya’t hindi aware sa presensya niya.

“Hmm? Sige lang,”

“Thanks.”

Tahimik lang kaming dalawa. Inaayos ang mga pagkakainan.

“Oh, you bought your own food pala.”

“Oo. Sinipag akong magluto kanina eh.”

“Kung gusto mo pa ng ulam meron ako dito.”

Napatingin ako sa kanya at sa dinadala niyang pagkain.

Lumunok ako. Hindi ko kayang kumain ng ano ng dugo ng tao…

Napansin niya yata ang pag-iiba ko ng expression sa mukha kaya sinabihan niya akong lumapit sa kanya,

“Don’t worry, it’s safe. It’s not something na iniisip mo.” Mahina niyang bulong sa tenga ko.

I felt shivers.

“Ahh sige kuha nalang ako mamaya.”

Pagkatapos no’n kumain lang naman kami ng maayos. Walang nagsasalita, parang nagpapakiramdaman pa rin sa isa’t isa.

Pero may mga stolen glances pa rin saka infairness, maasikaso.

“Do you want me to get you some water?”

“Hindi na. May tubig na rin naman akong dala, thank you.”

“Kanin? Gusto mo pa?”

“Winter,” tumingin naman siya sa akin ng nakataas ang dalawang kilay. Hahahaha cute. “Ayos lang ako ano ka ba. Ikaw? Gusto mo pa bang kanin?”

“I’m good. Salamat.”

Tinanguan ko nalang siya.

Natapos na rin kaming kumain kaya nagligpit na rin kami para back to work work work na.

Ang akala ko ay babalik na siya sa desk niya after maligpit yung lunchboxes niya pero bigla niya akong tinawag,

“Karina, I’ll be straight with you. Can we talk after work?”

Nilingon ko siya only to find out nahihiya siyang magpaalam sa akin.

“Paano kung ayaw ko?” Nakita kong bahagyang nagulat ang cute niyang mukha kaya natawa nalang din ako.

“Joke lang. Sige, basta iuwi mo na akong maayos this time.”

Ayon. Ngiting panalo si Winter.

Natapos kami ng maaga sa trabaho at mag-aalas kwatro palang ay nakalabas na rin kami ni Winter sa kumpanya. Akala ko naman, simpleng pag-uusap lang ang magaganap sa aming dalawa ni Winter.

Hindi naman ako na-inform na parang pinaghandaan niya talaga ‘to dahil may dala dala talaga siyang sasakyan para lang makapag-usap kami ng maayos.

Biniro ko pa nga eh.

“Sure kang hindi mo ako tinatakas kasi kakainin mo na ako for real mamaya?”

“Karina if I were to eat you, I would’ve done it long ago.”

At first there’s still this awkward air na namagitan sa amin.

Siguro ay nahihiya pa rin siyang mag-approach.

Nagtanong tanong rin ako sa kanya ng mga bagay na curious ako or bigla nalang magp-pop up sa isip ko.

“Winter, curious ako,”

“Hmm? Saan?”

“Required ba talaga sa inyo na kulay black lang yung laman ng closet ninyo? Genuine question lang.”

“You’re funny, Karina.” Natatawa siya sa driver’s seat. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah.

“But to answer your question, it’s not required. It just comes natural sa amin na magsuot nang ganun, I guess.”

“Kasalanan rin ba sa inyo na magsuot ng other color than black?”

At dahil sa sinabi ko, tuluyan na siyang natawa. Tuwang tuwa ka naman sa ‘kin, Winter. Kagatin kaya kita diyan? Charot.

“Bakit ka ba natatawa? Curious lang naman ako. Syempre sa mundo ng mga tao may mga kasalanan kaming nagagawa. Natanong ko lang naman kasi parang wala talaga kayong ibang kulay na sinusuot.”

“Hmmm, if there’s a color you want me to wear, what would it be?”

Ano bang bagay kay Winter?

Cute naman siya kaya dapat cute rin yung color na babagay sa kanya.

Tinitigan ko muna ng matagal si Winter. Then napangisi nalang ako nung naisip ko na yung perfect color para sa kanya.

“Pink.”

 

 

 

Dinala ako ni Winter sa malawak na field ang sumalubong sa amin saka may mga kokonting tao na ring nagp-picnic at nagpapalipad ng saranggola.

Hindi naman na masyadong mainit. May mga silungan rin naman na malalaking puno.

“Wala akong maisip na lugar kung saan ka dadalhin pero I thought of bringing you here para makalanghap ng fresh air.” Narinig ko si Winter na nagsabi habang nagp-park na kami.

“Kahit saan naman pwede eh.”

“Just think of it nalang na advantage mong nandito tayo,” nakapag-park na kami saka hininto na niya ang sasakyan, “so that you won’t feel afraid around me. You’re free to run at sumigaw ng tulong since maraming tao rin ang mga nandito.”

“Wala ka namang gagawing masama sa ‘kin, diba?”

Ngumiti siya sa akin. I felt myself flustered nung hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko saka marahang pinadaan ang thumb niya sa cheek ko.

“I have no other intentions bukod sa gusto lang kitang makasama ng matagal, Karina.”

Nag-iinit pa rin ang pisngi ko hanggang sa makababa na kaming dalawa sa sasakyan.

Nagsettle nalang kami ni Winter do’n sa nakasilong na parte ng field. Presko naman dito. Unlike sa mga ibang taong namamasyal ngayon, wala kaming dalang pagkain o kahit anong pansapin man lang para makahiga man kami at makaupo sa damuhan.

Nag-insist naman si Winter na hubarin muna ang blazer niya para daw may maupuan ako kahit papano pero syempre, hindi ako pumayag. Kaso, in-assure niya naman na okay lang sa kanya ‘yon.

Pero bago ang lahat ay inaya niya rin muna akong magpalipad ng saranggola. At ang loka, pagkapayag ko ay bumili na agad agad.

Gusto niya raw kasing ma-experience ‘yon.

“Karina, look! Ang taas ng lipad nung sa ‘kin!”

Para siyang bata kasi tuwang tuwa talaga siya nung lumipad na yung saranggola niya ng pataas ng pataas.

I can’t help but to smile tuloy habang pinapanood ko siya.

“Tignan mo yung sa ‘kin oh! Mas mataas na kesa dun sa’yo!”

Pinagmalaki ko naman ang akin na nasa ere’t mas mataas ang lipad kaysa nung sa kanya.

Natawa ako nung nakita ko expression niya. Competitive pala Winter ah.

Ayon. Nag-contest kami kung sino ang unang mas makakapagpalipad, kung sino ang mas mataas at kung sino ang mas matagal na nasa ere nung saranggola.

After ng ilang sandali naming maging competitive sa isa’t isa, nagpaalam ako sa kanya na magpahinga muna ako. Napagod ako kakatakbo para lang umangat yung hawak ko. Pero siya? Ayun, game na game pa rin sa pagpapalipad.

Nakabalik na ulit ako sa pwesto namin kanina saka nakuntento nalang sa panonood kay Winter.

She looks happy.

Halata namang nage-enjoy rin siya sa ginagawa niya. Aakalain mong hindi nangangain ng tao ‘yan kapag bilog na ang buwan.

May nakalaro pa ngang bata na ngayon, tinuturuan niya na ring magpalipad ng saranggola.

For a vampire na nakakatakot ang itsura the other night, she looks so soft. Soft talaga. Magmula ugali, personality at siya mismo; soft.

Nung nakita kong papalapit na siya sa ‘kin, hinanda ko na ang tubig na nabili ko kanina. Panigurado pagod ‘to.

Tumabi siya sa ‘kin nang matapos na siyang uminom. Medyo hingal hingal pa ang loka.

“Napagod ka noh.” Kako sa kanya habang inabutan rin siya panyo ko.

“Thank you, Rina.”

Most of the time na ginawa lang namin ni Winter ay nagpahinga lang habang dinadamdam ang preskong hangin sa paligid.

Tama nga siya. Nakakakalma ‘tong pinuntahan namin ngayon. I feel relaxed, tamang lugar para mag-usap.

“I just wanted to say sorry for what happened the other day, Karina.”

“You don’t have to, Winter. Tapos naman na eh.”

“I know but I can’t help it.”

Sumilip ako sa kanya at nakitang diretso lang ang tingin sa field, pinagmamasdan ang mga batang naglalaro.

“Alam mo bang natakot ako nung nawala ka.”

“Bakit naman?”

“Kasi akala ko hindi na kita makikita kahit kailan.”

This time, hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya’t pinakinggan nalang siya sa mga susunod niyang sasabihin.

“And I thought I wouldn’t have the chance to talk things out with you.”

Nagsimula na akong kabahan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko eh parang kanina lang, kalmadong kalmado naman ito.

“Ano… bang gusto mong pag-usapan?”

Mas lalo namang nag-rigodon ang lagay ng puso ko nung tinignan na niya ako sa mata.

Sabay sabing,

“Ikaw at ako… tayo.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
786 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭