Rivals pa rin ba....?

Scraps

"Ms. Kim, we are about to close the library in 15 minutes." 

Tumingin ako sa may likuran ko at nakita kong yung student in charge pala ang nagsalita.

Mangilang ilang estudyante nalang ang natira dito sa library at sa katunayan nga lang, mga student assistant nalang ang mga naririto. Ako nalang din ang nakikita kong nagbabasa sa may corner ko.

"Sige, salamat. Tapusin ko lang to." 

Tumango naman siya at iniwan nako.

Tinatapos ko ang mga readings na binigay samin, pero dahil suspended ako ng ilang araw, kinailangan ko ring habulin ang mga natambak na acitivities at paper works na ibinigay ng mga prof. 

Akalain mong in a span of 3 days, marami raming load din pala ang binigay ng mga professors namin. 

Nakarating sa head of department namin yung gulo nung nakaraang linggo, dahilan para ipatawag kaming mga sangkot sa bugbugan. Malamang, kasama rin si Karina noong nasa loob kami ng office at nagkaroon ng diskusyon sa pagitan naming mga estudyante. 

Ang kapal lang din talaga nung pagmumukha nung gagong yun. He had the audacity na i-deny yung kabalastugang ginawa niya kay Karina in front of our dean, making himself like a victim. Mukha siyang tanga sa part na yun.

Hindi ko rin alam kung saan ko napulot yung pasensyang meron ako nung araw na nasa office kami at kinakausap dahil napigilan kong huwag sugurin muli yung lalaki. Siguro ay dahil ayaw ko na ring lumala pa yung record ko. Nabahiran tuloy ng pagka-pulang marka yung malinis kong record sa block namin.

Mukhang mahihirapan rin akong i-maintain ang pagka-DL ko dahil doon.

Pero anong magagawa ko? He was being too much. Kaso, what’s done is done. Tapos na at wala na tayong magagawa.

Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko at nakitang may iilang minuto nalang ako para magligpit. Okay naman na tong mga natapos ko, nakalahati ko naman na yung mga paper works at isu-submit ko na ang iba sakanila bukas.

Mga 6 na akong nakauwi sa unit na tinutuluyan ko. Saktong pang-isang tao lang ang laki, hindi maliit at hindi rin kalakihan. Hindi pa naman ako gutom kaya inuna ko na ang pagliligo kaysa kumain nang makapagpahinga ako.

Habang naliligo, hindi ko maiwasang isipin si Karina.

Wala namang nagbago saming dalawa. Bukod sa paminsang minsan naming pagc-clash sa loob ng klase, nagbabatuhan ng mga kanya kanyang punto kaya nagmimistulang may debate sa room minsan. At dahil pareho kaming may tungkulin sa block namin, hindi maiiwasang magtatalo rin kami sa kung ano ang mas better option para sa gagawin namin sa mga bagay bagay.

Sa huli, siya yung nasusunod. Kalaunan rin naman ay kino-consider niya yung mga ideya ko. Kaso nga lang mas pabor yung block namin kadalasan sakanya.

Wala lang naman sakin yun. No hard feelings, magaganda rin naman kasi yung mga nilalahad niya.

Ganyan ang nakasanayan naming dalawa. Kaya magmula noong gabing binigyan ko siya ng rosas, masasabi kong wala naman talagang nagbago sa pagitan namin.

‘Wala nga ba talaga?’ Eka ng second thoughts ko.

Wala talaga ah, as in wala.

 

 

 

“Pupunta ka ba sa lib, Winter?” tanong ng kaklase kong nag-aayos ng gamit niya.

“Dito nalang muna ako. Okay lang naman ako dito na mag-review,” sagot ko nang hindi naaalis ang tingin ko sa reference book na gamit ko for our quiz bee.

“Sure ka? Akala ko ba mag-group review tayo ngayon?”

Doon na ako tumingin sa kaklase ko at nakitang inaantay pa niya ako.

“Halika na. Mas marami, mas mare-retain yung mga aral.” Wala na akong nagawa at napakamot nalang sa ulo ko.

“Sige.”

 

Scam.

Scam sila dahil ang usapang sa library mag-aaral ng leksyon, nauwi sa pagre-review sa may unit ko. Paladesisyon ang mga mokong, palibhasa hindi ako makahindi minsan sakanila. Pasimuno rin naman kasi tong si RJ. Sulsolera.

“Trip niyo talagang mag-review dun eh ang sikip sikip ng apartment ko.” Umaasa pa akong mababago ko ang mga isip nila.

Lima kaming representative sa block namin na lalaban para sa quiz bee sa aming department. Di naman kami marami pero, may mas magandang lugar para samin na mag-review.

“Daming ebas naman, vice pres. Hindi naman kami maarte eh. Kebs na samin yun, ang lapit lapit lang din naman sa school.”

“Sure kayong ayaw niyo sa coffee shop? May malapit naman na eh, ayun oh, dun nalang tayo.” Saka ko tinuro yung madadaanan namin na coffee shop.

“Libre mo kami, vice pres?” asar naman nung isa sakanila. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Neknek niyo. Wag kayo magrereklamong masikip doon ah,”

Maglalakad na sana kami ulit nang biglang mag-ring ang phone ni RJ.

“Oh, Karina? Hello?? Ahh, oo, magkakasama na kaming apat. Ha?? Papunta sa unit ni Winter sana. Ay weh? Sure?? O sige sige, sabihin ko nalang sakanila.” Tumingin naman siya samin at nagsalita ulit, “Subukan daw humabol ni presi, pinatawag kasi siya nung org nila kaya kailangan niya raw munang umattend doon.”

Tumango tango lang naman kami dahil sa narinig na balita.

Oo nga pala, nakalimutan kong pati siya kasama.

Narrating na namin ang unit ko at nagkanya kanya na rin sila ng pwesto’t higa na parang bahay nila yung kanilang tinutuluyan. Wala lang naman sakin yon, they’ve been here na rin naman nung gumagawa kaming group paperwork.

“Let’s start?” panimula ko sakanila after namin mag-settle sa aming mga pwesto.

Lumipas ang mga oras at nagkakaroon na kami ng diskusyon sa grupo. Either nage-explain, tinuturuan at nakikinig sa isa’t isa. Parang mini classroom tuloy ang lagay ng unit ko dahil sa brainstorming-slash-review na ginagawa namin.

“Teka, nagpapasundo si Rina sa labas, malapit na raw siya.” Sabat ni RJ na hawak hawak ang phone niya.

Tumingin silang lahat sakin at tinaasan ko naman sila ng kilay, “Ikaw nalang magsundo kay pres?”

“Ikaw na, alam naman naming miss mo na siya kasi di siya nakasama eh.” Saka pa sila humiyaw sa kantyaw ni Jarred.

Mga gago.

“Gago niyo talaga.”

Papunta na ako kay Karina ngayon na naghihintay raw sa labas ng kanto ng eskinita papunta sa unit ko.

At doon ko nga siya nakita, nakatayo at nagc-cellphone. Nilapitan ko na siya at nanahimik muna sa tabi niya bago magsalita.

“Tara na? Andun na sila,” bahagya pang nagulat si Karina saka napahinga ng malalim.

“Papatayin mo naman ako sa gulat.” Natawa ako at nagsimula naman kaming maglakad pabalik sa unit ko.

Nadatnan namin silang naka-kanya kanyang pagbabasa sa libro. Yung dalawa sakanila, ayun, tulog. Nagpahinga muna ata.

“Uy, andiyan na pala kayo. Rina- uy ano yan, kape?? Grabe naman, nag-abala ka pa talaga.”

Napatingin tuloy ako sa katabi kong may hawak hawak ngang cup holder na apat na kape ang nilalaman. Ba’t hindi ko to napansin kanina?

‘Malamang, distracted ka sa beauty niya.’

Tangina, self. Ayan ka na naman eh.

“Hindi naman. We need this rin to keep ourselves up, refreshment na rin for the group.” Saka inabot ni Karina yung dala niya kay RJ na ngayon ay dinidistribute isa isa.

“Akala ko, magw-water lang kami dito eh. Ala na kasing stock si Winter, kahit isang 3in1 man lang sana.”

“Hoy, kayo kaya yung nag-punta rito.”

Tinawanan lang ako ng kaibigan ko at tumingin ulit kay Karina, “Kulang ng isa. Wala si Winter?” Nagtataka pa niyang tanong sa president namin na ngayon ay inaayos at nilalabas ang mga gamit niya.

“Hmmm? Oh, I forgot. Lima nga pala tayo.”

“Oh, mukhang ikaw nalang ang magtu-tubig, vice pres. Solo mo naman yon, unli pa.” gatong pa ni Jarred kaya napakibit balikat nalang ako.

“Ayos lang naman. Di ko kailangan ng kape.” Saka ko binuksan ang isang libro at tinuon ang pansin ko doon.

“Pero you can have mine naman, Winter. I had coffee naman na nung binibili ko yang mga yan.” Tuloy tuloy na sabi ni Karina habang nakatingin sa screen ng laptop niya at hindi man lang kami tinapunan ng tingin.

Ramdam ko naman yung tingin nung dalawang mokong saka yung mapang-asar nilang ngiti.

“Oh eto na raw kape mo, sabi ni presi. Wag ka na magtampo.” Pang-aasar pa ni RJ na inabot sakin yung isang iced americano.

“Salamat.” Labas sa ilong ko pang sambit kaya natawa naman ng tuluyan yung dalawa.

Kaninang ala una pa kami nagsimulang mag-aral kaya halos apat na oras na kaming nagle-lecturan dito. Time check, almost 5:30 na rin kaya tinanong ko na ang mga kasama ko.

“Okay pa ba kayo?”

“Oo naman. Saka, uuwi na rin kami maya maya.” Sagot ni Lia na nag-inat inat pa.

“Grabeng grind natin today ah.”

Matapos nilang mapagpasyahan na umuwi na’t nagligpit ng gamit nila hinatid ko na sila sa pinto at tumuloy na ako sa banyo para maligo. Nag-insist naman ako na ihatid ko sila kahit sa kanto man lang pero sabi naman nila, marami rami sila kaya na nila yun.

We had a long day sa pagre-review. Batak yung mga braincells dahil sa papalapit na quiz bee next week. Kami kami lang kasi ang nag-volunteer sa block namin.

Math quiz bee yon, to be exact. Mabibigat na formulas ang mga isinaulo namin. Prinaktis na rin namin na mag-solve under a minute dahil time pressured daw yung quiz bee.

Sayang rin pag di namin nakuha. Road to Regionals na kami nun if ever.

Pagkatapos kong maligo, chineck ko ang phone ko para tignan kung anong oras na. Kaya pala nakaramdam na ako ng gutom, past 6 na pala.

Magr-ready na sana ako para lumabas at kumain nang makarinig ako ng katok sa pinto. Nagtataka pa akong nilapitan ito para buksan dahil sino naman ang maglalakas ng loob na dalawin ako ng ganitong oras-

Oh.

Bakit siya nandito?

“Karina?”

“Uhm, nakalimutan ko yung charger ng laptop ko.” Diretsahan niyang sagot, napatingin tuloy ako sa loob at napansing may nakatabi ngang charger dun sa may study table ko na kung saan siya nakapwesto kanina.

“Ahh, teka saglit, kunin ko.” Paalam ko naman sakanya at kinuha nga yung charger para iabot kay Karina.

Nagulat naman ako nung nakapasok siya sa loob. Nakamasid lang ako sakanya dahil parang nagtitingin tingin pa siya sa unit ko. Hanggang sa dumapo na sa akin ang kanyang mga tingin.

“Do you mind if I stayed here longer?”

Dahil sa sinabi niya, tumaas ang kilay ko.

“Ayaw mong umuwi at magpahinga? Tapos naman na yung review.” Kako nalang at inabot na sakanya yung charger niya.

“Ako hindi ako nakapag-review ng maayos dahil late ako nakarating,” umupo siya sa may sofa at tumingin ulit sakin, “hindi sapat sakin yung oras na ginugol natin kanina. Saka may mga formulas pa rin akong hindi ma-gets.” Sagot niya naman.

Oh, oo nga pala. Kahinaan niya ang Mathematics.

“Uhh, palabas palang sana ako para kumain. Okay ka lang mag-isa rito?” siya naman yung napataas ng kilay.

“Iiwan mo akong mag-isa dito?”

Napalunok ako.

Edi ‘technically’ parang nagd-date na rin kami if we went out together?

“Baka gusto mo kasing magsimula ng mag-review. I can drop you off some food naman at pagt-take out kita. Mabilis lang ako sa labas-“

“I’ll go out with you. Nagugutom na rin naman ako.”

I stayed silent. Kaya parang natawa naman siya sa pwesto niya.

“Why? Ayaw mo bang maka-date ako?” saka pa niya ako nginitian.

Gusto ko.

“Okay, tara na. Nagugutom na talaga ako.” Pag-iiwas ko sa tanong niya at sinuot ang hoodie ko. Narinig ko naman siyang tumawa kaya napailing nalang ako.

Karina and her playful side never failed to make my heart go boom boom. What the lang.

Sa sobrang daming choices na pwede naming pagkainan, napagdesisyunan namin na sa KFC nalang kumain. Kahit na gusto kong kumain ng unli rice Mang Inasal, gumora kami dito. Nagc-crave daw siya ng Zinger eh. Odi dun na kami.

“Ako nalang magt-take ng orders,” she insisted

“Ako na. Pili ka nalang ng upuan natin,” kako naman

“Winter, ako yung nag-aya dito, right? Kaya go na. Ako na rito.”

Napabuntong hininga nalang ako at bibigay ko na rin yung bayad ko, kaso she gently pushed my hand at umiling.

“Why so kulit? Ako na nga, Winter. O baka gusto mong pati dito, magtalo tayo?” natatawa niya pang sambit.

Tumingin ako sakanya and can’t help but to smile kasi ang contagious ng chuckle niya.

“Fine.”

After namin kumain, bumalik na rin kami agad sa unit ko. The dinner went well. Tahimik at paminsang minsang nagc-converse tungkol sa napagreview namin kanina. Past 7 na rin kaya nag-aalala ako dito kay Karina na baka sobrang late na siya makauwi. Delikado pa naman sa gabi.

“Anong oras ka uuwi?” tanong ko habang tinitignan yung sagot niya.

“Hindi ko alam. Anong oras na ba? Ayaw ko pang umuwi eh.”

Napakunot naman ako ng noo sa narinig at tumingin sakanya, nakita ko siyang nakatingin lang sa librong binabasa niya.

Panandalian pa akong sumilip sa wall clock ko at nakitang 8:22 na. Ano bang balak neto sa buhay niya?

“It’s getting late na. You should probably head home after kong ma-check tong last number.”

“Tinatamad pa akong umuwi, honestly. Saka bakit ba parang atat na atat kang pauwiin ako? Ayaw mong may alone time tayo?” Para akong nasamid sa litanya niya pero buti nalang, I kept my cool.

Whoa there, miss Yu. Lowkey hinaharot mo ba ako? You’re really getting bolder these days ha.

“Nag-aalala lang ako dahil gagabihan ka na ng uwi. Kargo pa kita kapag may nangyare sayo.” Seryoso ko namang sagot.

“Problema ba yun when you can let me sleep naman dito?”

Winter, kayanin mo ang hamon ng buhay. Hindi tayo marupok dito.

“Who says I’ll let you sleep here?”

“Hmmm so, hahayaan mo akong umuwing mag-isa ng ganito kalate?” What is she trying to pull off? Good lord, I am not your strongest soldier when it comes to my crush.

She’s clearly lowkey flirting with me oh!

“Miss President concerned classmate mo lang naman ako. Di ba natural lang naman yon?”

Hinarapan ko na siya ng tuluyan pero siya, nanatili lang sa pagbabasa sa reference book na gamit namin.

“Hmmm,” tango tango pa niya, “concerned classmate… hmmm yeah, sure,”

Puzzled look akong nakatingin sa katabi ko ngayon kasi kanina pa ako naw-windang sa mga lumalabas sa bibig niya.

Lakas mangharot, putaena.

“Okay, let’s say I’ll let you stay here pero may damit ka bang pampalit? May baon ka bang extra shirt?”

“Nope.” She simply answered popping the sound ‘P’ sa hulihan.

“Okay you know what, dito ka nalang matulog. Walang patutunguhan tong argumentong to.” I defeatedly said nang marealize kong neither of us will stop this discussion.

Parehong mapride ampota. Paano pag mag-jowa na kami?

Fine. Wala namang pupuntahan to kung patuloy ko lang ide-deny sa sarili kong crush ko tong presidente namin slash ‘kaaway’ ko kuno.

Aminado akong gusto ko siya.

I don’t know how I don’t know when. Gumising nalang ako sa isang umaga then boom! I find myself gay panicking whenever nagkakalapit kami or minsan, pag nagsasagutan pa kami. She’s just so attractive kasi na pinaglalaban niya yung stand niya. Ang ganda niyang tignan lalo kapag nilalahad yung opinions and point of view niya sa mga discussion at recitation.

My sapioual gay self is feeling giddy.

“I’ll let you borrow my clothes. Balik mo nalang kapag nalabhan mo na,” simpleng sagot ko at binalik sakanya yung papel niya dahil kailangan ko magbanyo.

Kinikilig ako.

Hindi makalma yung takbo ng puso ko. Iniisip ko palang na magtatabi kaming matulog, muntanga akong nagpipigil ng kilig for keeping my cool. Chill sa labas, nagwawala inside.

“Oh san ka naman pupunta? Tama ba yung mga sagot ko?” napabalikwas siya nung tumayo ako sa tabi niya.

“Bakit? Mamimiss mo ako agad? I’ll use the cr lang,” kalmado kong sambit, “and yeah, congrats kasi gets mo na yung lesson.” 

Pagkapasok ko sa banyo, sinarado ko agad at sumandal sa pinto.

I clenched my fists at binuksan sila muli. Parang tangang baby na nagc-close open ng mga kamay para ikalma ang sarili.

Yeah. This will be a long night dealing with Karina Yu.

 

 

 

“Good luck satin bukas! Mauuna na kami ha, sure kayong hindi kayo sasabay?” Tanong ni RJ samin habang naghihintay kami ng masasakyan.

“We’ll be fine, RJ. Thank you. Ingat kayo.” Karina smiled sa mga kagroup namin at kumaway na sila sa isa’t isa pati na rin ako, tinanguan ko ang kaibigan kong si RJ.

“Ingat kayo!” Habol ko pa nang makasakay na sila ng jeep.

Naiwan na kaming dalawa ni Karina dito sa paradahan ng jeep malapit sa univ kaya tumingin naman sakin ang katabi ko.

“Oh, ano pang ginagawa mo dito?” patay malisya akong nakatingin pa rin sa daan nang sinagot ko siya.

“Hinihintay ko yung kaibigan ko.” Pagdadahilan ko naman sakanya. Pero ang totoo niyan, gusto ko lang siyang makitang makasakay ng jeep.

We stayed silent again at naghintay ng jeep na masasakay.

“Matagal pa ba yung kaibigan mo?”

“Darating na yun maya maya. Samahan muna kita dito,”

I mentally slapped my face dahil nadulas ako sa sarili kong mga salita. And I could already see her grinning at me from my peripheral vision.

“Sure, sana in the first place you told me that.” 

Ilang saglit rin ay nakasakay na siya ng jeep kaya nagpaalam na kami sa isa’t isa. Pero bago ako tuluyang umalis sa kinatatayuan ko, hinayaan ko munang mawala yung jeep sa mga mata ko saka na nagsimulang maglakad pauwi.

Nasa eskinita na ako nang may nararamdaman akong mabigat na pakiramdam na nagmumula sa likuran ko.

Ang bigat ng aura. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin.

Para masigurado ko ang dinaramdam ko tumingin ako sa likuran ko at doon ko nakita na may mga sumusunod sakin.

Mga kasabwat ni Jeno.

“Gago ka, Kim Winter!” Hindi ako nakailag sa suntok niya kaya bumalandra ako pahiga.

Ang sakit pucha.

Naramdaman kong kinwelyuhan ako ni Jeno, “Babawian kitang gago ka.” At yon ang mga huling kataga na narinig ko bago dumilim ang aking paningin.

 

 

 

“Hnnngg…”

Nagising nalang akong sobrang sakit ng ulo ko.

Sinubukan ko ring hawakan ang ulo ko pero naramdaman ko rin ang pananakit ng aking katawan. Punyeta, ano bang nangyari?

“Winter?”

Napabalikwas naman ako sa boses na narinig. Akala ko, nakauwi na siya pero heto siya’t papalapit sakin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

“Winter, do you need help? Makakaupo ka ba?” May pag-aarugang magkakasunod na tanong ni Karina at nakalahad ang mga kamay na parang handa akong tulungang makaupo.

“A-anong ginagawa m-mo dito?” Hira pakong magsalita, pucha, ramdam ko yung sakit mula sa bahagi ng tiyan ko. Parang eto ata yung malalang nabugbog kanina.

“Mamaya mo na ako tanungin. Bakit ka ba nagkaganyan? Nag-riot na naman kayo ni Jeno?” Tinignan ko siya ng direkta sa mata at umiling.

“Wala naman akong ginawa sakanya. A-aray, tangina naman.” 

Pinilit kong umupo nang ako lang mag-isa kahit inaalalayan na ako ni Karina. Hawak hawak ko ang tiyan ko at napapangiwi pa sa sakit.

“Siya ang sumugod, hindi ako.” Tipid kong sagot.

Nakatingin lang siya sakin at huminga muna ng malalim bago ako tabihan sa higaan ko.

“I was about to give you something kanina nung naghihintay tayo ng jeep, pero nakalimutan ko. Bumalik ako rito para ibigay sayo kaso naabutan kitang nakahandusay sa tapat ng apartment mo.” She answered at seryoso ang mukha.

Tangina, talagang nakabawi nga sakin yung lalaking yun.

“I’ll report this to the Dean.” Matigas niyang sabi kaya napatingin naman ako sakanya.

“Wag. Baka matuluyan akong mawala sa list kapag nalaman niyang sangkot na naman ako sa gulo.”

“Pero siya lang naman yung may gawa nito, diba? Wala ka namang ginawa.”

Parang déjà vu lang ulit.

Nag-aaway na naman kami dahil sa lalaking yun.

Ang kaibahan lang, siya naman yung galit at ako yung kalmado. Nasa laylayan kasi yung pagka-DL ko, kaya pag nagkataon lagot ako sa Dean at malaglag ako sa listahan.

“I’ll make sure the dean will know about this at hindi ka madadamay.”

“Damay na nga ako, Karina. Ako nga yung biktima eh. Tsaka, you don’t have to do that. Ayokong lumaki pa yung gulo. Okay naman ako oh.”

She looked at me ng nakakunot ang noo at naparolyo ang mga mata.

“You look okay? Yung pisngi mo, may sugat sugat tas basag na naman yang labi mo. Saka yang ilalim ng mata mo may pasa. You call that okay?” naiinis niyang sambit.

“And why the hell are you smiling? May nakakatawa sa sinabi ko?”

Oh shoot. Hindi ko napigilang ngumiti habang sinesermonan niya ako kaya balik neutral face ako ulit.

“For God’s sake, Winter. May quiz pa tayong aattendan bukas. Paano yang lagay mo, ha?”

“Marami naman tayo ah? They can be the representative.” Kalmado kong sagot at sinubukang hawakan ang labi ko pero wrong move dahil masakit nga to.

Tanginang yan. Sira na naman yung mukha ko? Basag na naman yung labi ko?

“Ikaw nga yung gusto kong kasama eh.”

Mabilis naman akong napabaling ng atensyon sakanya. Seryoso pa rin ang mukha at nakatingin ng direkta sa akin.

“Gusto mo… ako?”

“Oo. Bakit? Aangal ka pa?”

Pinipigilan kong wag ngumiti kaya kahit masakit ang labi, kinagat ko to para hindi ako mangiti sa inaasta ni Karina ngayon.

Ang sakit niya naman magpakilig.

Nagulat ako nung tumayo siya at may kinuha sa bag niya saka siya pumwesto ulit sa tabi ko.

“Here oh,” abot niya sa hawak niya sa akin.

Red and white roses.

“Ano yan?” tanong ko at nakatingin pa rin sa mga rosas na nakalahad sa harapan ko.

“Kunin mo na, nangangalay ang kamay ko.” Kinuha ko naman sakanya yung mga rosas, mahirap na. Baka bawiin sakin.

“Binigyan mo ako ng ganitong rosas nung nakaraan, diba?” Tumango ako.

“Ikaw ang partner ko sa quiz. At ikaw lang ang gusto kong makapares.” Tahimik niyang sambit kaya nakikinig lang ako sa tabi niya. “I just wanted to give them sayo since it will be a first sating dalawa na magsasama at hindi na magkaribal.” Page-explain niya pa at hinawakan ang mga rosas na nasa kamay ko.

Bumaba ang hawak niya sa kamay kong nakahawak sa mga rosas at tumingin sakin, “Aside from that, you deserve them rin naman kasi.”

Nakatitig lang ako sakanya and processing things. Halos hindi ko na rin mahabol ang tibok ng puso ko kasi halos dumagundong ito habang hawak hawak niya ang kamay ko.

“Thank you,” she suddenly blurted out. Genuine ang pagkakasabi niya kaya binigyan ko nalang siya ng tango. Afraid na baka the words that’ll come out of my mouth will betray me.

Baka sumabog na ako sa kilig.

“Salamat rin.” I simply responded and gave her a smile kaya bumalot ulit ang katahimikan sa pagitan namin.

After ng ilang segundo namin sigurong titigan at ngitian, binitawan niya ang kamay ko. Natauhan ata dahil naubo ako.

“Masakit pa rin ba mga sugat mo?” Umiling ako.

“Hindi. Hindi na.”

“Bakit nagdudugo ulit yang labi mo?” Nataranta niya pang tanong.

Hala, putaena.

Napasobra ata ang pagpipigil ko ng kilig!

Nakita ko kung paano siya tumayo para maghanap ng first aid kit sa unit ko pero sinabihan ko siyang, “Walang kit diyan. Okay lang ako.”

Natatawa na rin ako kasi ang cute niyang mabalisa.

Nababaliw na ba ako? Tinatawanan ko ang crush kong naghahanap ng pwedeng ipanggamot sa labi ko ngayon pero wala siyang mahanap.

“Okay mo mukha mo. Buhusan kaya kitang alcohol?” kinalkal niya naman yung bag niya at doon siya nakahinga ng maluwang.

Hanep, girl scout laging handa. May nilabas siyang maliit na medic kit at humarap sakin, “Nakalimutan kong may dala dala pala ako. Halika, gamutin natin mga sugat mo.”

And just like that, sinimulan niyang gamutin ang mga sugat kong natamo sa mukha.

Inaalala ko kung paano ako papasok bukas pero lahat ng pag-aalala ko, humupa nang makita ko na ng malapitan ang magandang mukha ni Karina.

Nakakalma. Ewan ko pero parang it brought me a sense of calmness at serenity nung tignan ko ang serene niyang serene niyang mukha habang ginagamot niya ang pisngi ko.

Ni hindi ko nga maramdaman yung sakit ng alcohol na lumalapat sa fresh kong sugat.

“Ang ganda mo talaga noh..”

“Oh, bakit? Crush mo naman ako noh.” Saka pa siya nangiti ng pilya at nailing.

Nanatili akong nakatitig lang sakanya.

Inaaral ang bawat features sa maganda niyang mukha.

Doon ko na rin nasabi na,

“Oo, crush kita. Bawal ba?”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
786 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭