Banda Saan??

Scraps

Nagising na lang ako nang sobrang sakit ng ulo. Tanginang 'yan nakailan ba akong bote?

Teka... sa pagkakaalam ko marami rami din yun. Sa sobrang rami, hindi ko na madistinguish kung umuwi ba ako talagang mag-isa at nagising ako dito sa kwarto namin. Malinis at bagong palit na damit.

Wala na akong maalala, ayaw ko nang alalahanin.

"Putangina naman oh..."

Ang sakit talaga.

Dahan dahan na lang akong umupo saka napatingin sa side table na tabi ng kama.

Yung picture namin ni Karina. Nasa photobooth kami dito eh, ang kulit at saya lang naming tignan.

Narealize kong iniwan ko siyang mag-isa dito sa apartment kagabi at sumakto namang bumuhos ang malakas na ulan. Naalarma ako. Nagsimula akong mag-alala. Asan na ang girlfriend ko?

Walang sabi-sabi akong lumabas ng kwarto. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang kausapin. Wala akong ibang gusto kundi ang makita siya't mag-sorry...

Naalala ko na naman yung away namin kagabi. Ang bigat bigat tuloy sa pakiramdam.

"Jo?"

Hinanap ko sa banyo, wala.

"Jo? Mahal???"

Pumunta ako sa sala, wala.

"Jo??? Asan ka, Jo??"

Pumunta na ako sa kusina, wala.

Nililibot ko ang buong apartment na maski sa labas, wala rin akong nakita ni anino niya.

Nagtry akong humanap ng notes sa ref namin baka may iniwan siya. Ayaw ako nun nag-aalala eh.

Kaso... wala rin.

Umupo na lang ako sa couch at tinry kong kontakin ang girlfriend ko. Pero malas lang kasi deadbatt pala magmula kagabi.

" naman,"

Chinarge ko nga at hindi ko na mahintay pang ma-full yun kaya binuksan ko agad. Bumungad sakin ang maraming missed calls ni Karina and even messages saying umuwi na raw ako, nasan ako and such.

Ang tanga tanga ko.

Nagpalamon na naman ako sa emosyon ko kahapon at hinayaan kong ako yung kontrolin nila imbes na sila ang kontrolin ko.

'You know what? Your silence is enough for me to think kung ano talaga yung sagot sa tanong ko.'

Ang hapdi. Ang sakit.

I didn't even give her a chance to explain. Hindi ako nakinig, hindi ko siya pinakinggan...

I never meant to say those words sa kanya.

I want to see her and tell her na hinding hindi ko gugustuhin na makipagbalikan siya.

"Karina... Mahal... I'm sorry..."

Naiiyak ako habang binabasa isa isa yung messages niya.

'Winter, I know you're hurt pero please umuwi ka na muna.'

'Nasaan ka na? Umuulan na ng malakas.'

'Winter uwi ka na. Kahit bukas na tayo mag-usap...'

'Ang lakas ng kulog. Asan ka na?'

'Win, uuwi ka pa ba?’

Kung hindi ko siya mahanap dito sa bahay namin, ako na mismo ang lalabas.

Karina, I'm so sorry...

Lalabas na ako. Hindi ako mapakali. Wala na akong pake kung ano mang itsura ko.

"K-Karina??"

"Winter..."

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Winter... bitawan mo ako."

Umiling ako. Kahit hindi niya ako niyayakap pabalik at nagpupumiglas pa ng onti ay hinigpitan ko lalo ang pagyakap sa kanya.

“Winter... Si Karina nasa labas pa…”

Napabitaw tuloy ako.

Tinignan ko ulit kung sino ‘tong niyayakap ko at medyo nakaramdam ako ng hiya nung nalaman ko kung sino.

Si Minju pala.

“Uhm, sinamahan ko kasing mag-grocery si Rina. Kinukuha niya pa yung mga gamit sa car,”

“S-sorry, Min. Ahh halika pasok ka,” binuksan ko lalo ang pinto para makapasok siya. Napansin ko nga yung dala dala niyang paper bags and grocery stuff.

“Puntahan ko lang si Karina…”

Nagmadali na nga akong pumunta sa labas para sunduin si Karina sa kotse ni Minju. Nakita ko siyang kinukuha ang mga pinamili nila sa trunk ng kotse kaya lumapit na ako sa kanya.

“Jo..”

Hindi siya humarap.

“Jo tulungan na kita diyan…”

Tumingin na siya sa akin.

Nanlumo ako nung nakita ko yung mga mata niya. Halatang napuyat at pagod na pagod ang itsura.

Ano ba naman ‘to, Winter.

“Jo, amina tulungan na kita. Meron pa ba sa loob?” Magaan kong tanong.

Hindi siya sumagot at tahimik lang ulit na bumalik sa pagkarga ng mga gamit.

Winter, ‘wag kang magreklamo. Kasalanan mo rin kung bakit ganito ang trato niya sa’yo ngayon.

Nilagpasan niya lang ako at hindi na hinintay nung kinukuha ko ang natirang pinamili nila. Mukhang hindi lang din grocery ang ginawa nung dalawa. May mga iilang paper bags din kasi na nasa loob nung kotse nung sinilip ko.

Nang makabalik na ako sa loob ng apartment, hinanap ko agad si Karina.

Wala siya sa kusina at sala kaya baka pumasok na siya ng kwarto.

Pasado alas dose na pala. Kumain na kaya sila? Wala pang luto na makakain nila kung sakali. Magpiprito na lang siguro ako ng spam at itlog para sa lunch namin.

“Minju?” Wala rin kasi siya sa loob pero may narinig akong pagbuhos ng tubig galing sa banyo, “Kumain na ba kayo ni Rina?”

“Oo, Win. Dumaan muna kami ng BK bago umuwi.” Sumagot si Minju nung makalabas na siya. “May take-out ka na diyan kung hindi ka pa kumakain.” Habol niya ulit nang makita niya akong nagp-prepare para makapagluto.

“Eto oh, may binili ring donut si Rina. Panghimagas mo raw.” Inabot niya sa’kin yung dalawang box ng J.Co.

Napangiti na lang ako ng malungkot sa kaloob looban ko.

Iniisip niya pa rin pala ako.

“Winter?” Napatingin tuloy ako kay Minju na nakaupo na pala.

“Hmmm?”

“Ayusin niyo ‘yan ha.”

Kahit pa hindi niya direktang sabihin kung ano ‘yon, alam ko na agad kung ano sinasabi niya.

Sa totoo nga nahihiya ako ngayon kay Minju eh, bestfriend ni Karina.

“If you’re ready na to talk things out syempre. Pero as much as possible sana mapag-usapan niyo na nang maayos. ‘Wag niyo nang patagalin.” Seryoso niyang sabi.

“Min alam kong may mali ako. Balak ko na nga rin siyang kausapin ngayon eh…”

“I think…” tumingin siya saglit sa kwarto namin ni Karina, “I think let her be muna sa ngayon, Win…”

Naiintindihan ko.

“May sinabi ba siya sa’yo…?”

Ngumiti siya sa akin at umiling.

“Kilala ko si Karina. Wala man siyang nabanggit or nakwento kahit ano pero halata rin kasi Win eh.”

Nakinig na lang ako kay Minju kung paano niya kinwento kanina nung kasama niya si Karina.

Nagtext raw pala sa kanya yung girlfriend ko at nagpapasamang bumili ng stock namin dito sa apartment. Ang aga pala nila umalis kaya wala akong nadatnan kanina dito pagkagising ko. 8 pa lang daw ay nag-aya na ang girlfriend ko.

“Ang random rin kasi nung pag-aya ni Rina. To think na she’s busy sa school tapos out of the blue na magte-text sa’kin. 8 pa yun ng umaga ha. That’s when I knew na something’s up.”

“I’m sorry, Minju…”

Nagsisisi talaga ako sa ginawa ko at mga sinabi ko kay Karina kahapon.

“’Wag ka sa’kin mag-sorry.” Tahimik niyang sagot.

“No. I’m sorry for hurting your bestfriend.” Tumingin ako sa mga mata ni Minju. “Hindi ako gagawa ng excuses kasi alam ko namang mali yung ginawa ko.”

Ngumiti lang siya sa akin.

“I won’t say it’s fine kasi nasaktan yung bff ko pero, apology accepted. I just hope hindi na mangyayari ‘yun…”

Tumango naman ako sa kanya.

Tumingin siya sa wrist watch niya at tumayo na, “I have to go na, Win. Magsusundo pa ako.”

Sinamahan ko siyang pumunta muna sa kwarto namin ni Karina para makapagpaalam siya sa bestfriend niya. Kaso, hindi na sila nakapag-usap ng direkta sa isa’t isa dahil naliligo pala ang girlfriend ko dun sa banyo sa kwarto.

Nagpaalam na rin kami sa isa’t isa ni Minju nung hinatid ko siya hanggang gate namin. Pumasok na rin ako sa loob kalaunan.

Tumuloy ako sa kusina saka ko tinignan ulit ang mga biniling pagkain ni Karina.

Puro favorite ko naman ‘to lahat eh. Bumili ba siya ng kanya?

Gusto kong bumawi sa girlfriend ko.

Kahit… kahit hindi man kami makapag-usap ngayon, maiintindihan ko. I’ll give her the time she needs to process things.

Pagluluto ko na lang siya ng favorite niyang ulam, sinigang. Gusto ko ring humigop ng mainit na sabaw. Feel ko may konting hangover pa rin ako.

Tinignan ko muna kung may enough na rekados ba para sa sinigang namin ni Karina. Mabuti naman at nakabili na rin sila ng baboy saka iba pang rekado para sa future ulam.

Sisiguraduhin kong made with love ‘tong sinigang ni Karina.

Ginawa ko na ang loob ko sa kusina. Hanggang mamayang gabi na ‘tong ulam namin para hindi na rin siya magluto pa. Deserve ng girlfriend ko magpahinga.

Matapos kong gawin lahat para maluto yung sinigang, naka-low heat na lang yung kalan at pinapakulo na lang ng onti para medyo mainit init kapag hinigop mamaya. Tapos naman na siguro maligo si Karina. Check ko sa kwarto namin para maaya ko na siyang kumain at sabay kami.

Kumatok muna ako bago pumasok. Pero pagkasilip ko, nakita ko na lang na tulog ang girlfriend ko sa kama.

Hindi man lang kinumutan ang sarili saka nakahawak pa sa cellphone niya habang nakadapa.

Nilapitan ko naman ang natutulog kong mahal… saglit kong hinawakan ang buhok niya at mabuti naman, tuyo ‘to bago makatulog.

“Alis lang ako saglit, jo ha. May bibilhin lang ako…”

Hinaplos ko ng marahan ang buhok niya papunta sa kanyang pisngi. Dahan dahan ko ring hinalikan ang noo niya para hindi magising.

“Babalik ako mahal. Tulog ka lang diyan,”

Pinatay ko muna yung stove bago ako umalis para may bibilhin sa tapat na tindahan. May binebenta naman siguro silang ice cream dito noh? Kung wala, ipasasara ko na lang.

Gaya nga ng naisip ko kanina, papasara ko na yung tindahan sa tapat. Wala raw silang tinda ngayon, naubusan ng stock. Kung kailan naman gusto ko nang bumili sa kanila doon sila nawalan ng paninda. Hindi pwedeng hindi ako makabili ng ice cream ngayon.

Gusto ni Karina yun eh!

Mga ilang tindahan rin ang pinuntahan ko para makabili na ng ice cream. Ayaw ko kasi yung flavor nung ibang tindahan na binebenta nila. Hindi trip ni Karina ang Cookies n Cream. Kaya kahit mahirap hagilapin yung Magnum na tub, susuyurin ko ang barangay namin mabili lang siya ng ganun.

Stressed ang girlfriend ko. Deserve niya ng tatlong ganito.

May pambili rin naman ako noh. Kahit unemployed pa ako sa ngayon, nakakaipon naman ako sa mga gigs na tinutugtugan ko.

Pagkauwi ko ng bahay, dumiretso na ako agad sa kusina para maghanda na ng late lunch namin ni Karina.

Pero muntikan na akong magulat nang madatnan ko na lang ang girlfriend kong nasa kusina na pala. Inaayos sa cabinet ang mga pinamili nila kanina.

Grabe. Namiss ko siya.

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita.

Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya at nilagay muna sa table ang binili kong ice cream.

“Jo…” 

Hindi ko na mapigilan ang sarili.

Marahan ko nang niyakap sa likuran ang girlfriend ko ng mahigpit saka siniksik ang mukha ko sa gilid ng leeg niya. Naramdaman ko naman ang pagtigil niya sa ginagawa.

“Miss na kita…” pinipigilan kong hindi umiyak. Hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.

Hindi niya ako kinikibo.

“Jo, I’m… I’m sorry…”

Wala pa ring sagot.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka na rin pinatong ang kamay niya sa mga brasong nakayakap sa kanya.

Lalo ko naman siniksik ang mukha ko sa likuran niya.

“Let me hold you, please? Kahit saglit lang?”

Hinayaan niya lang ako.

Nakayakap lang din ako sa kanya. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa siya na mismo ang nagtap sa akin.

“Prepare ko lang yung lunch mo.”

“Okay...”

Syempre hindi na ako nagmatigas. Ramdam kong parang may malaking boundary sa amin ngayon ni Karina. Ayaw ko na rin namang ipilit pa yung sarili ko sa personal space niya.

Hindi ko lang talaga napigilan yung sarili ko kanina.

Pero to think na pinayagan niya rin akong yakapin siya… okay na ako dun.

Pagkatapos namin maghain, kumakain na kami. Inaya ko siya para sabay na kaming kumain. Hindi tulad kagabi nung dinner, ibang katahimikan ang bumabalot sa amin.

Wala nang tensyon- o baka ako lang? She’s clearly giving me silent treatment. Ayaw ko na lang tuloy mag-talk.

“Jo,” tahimik kong tawag sa kanya. Tumingin siya sa akin.

“May ice cream ka pala dun sa ref. Binili ko kanina kaya wala ako nung nagising ka…”

“You didn’t have to pero, thank you.”

Parang nanlalamig ako sa mga sagot niya.

I can’t blame her. Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling.

Ayokong lokohin ang sarili kong wala akong ginawang mali dahil kitang kita ko naman yung epekto nung nangyari kahapon sa sitwasyon na meron kami ngayon ni Karina.

Tahimik lang kami throughout ng late lunch namin. Hindi ko magawang magbukas ng topic para may pag-usapan.

Napapangiwi na lang ako tuwing naaalala ko na naman yung mga salitang binitawan ko sa kanya kagabi.

I’m disappointed sa sarili ko.

I could’ve handled my emotions better para hindi na kami humantong sa ganito.

“May gagawin ka ba mamaya?” maingat kong tanong.

“Wala. Pero gusto ko lang sana magpahinga sa kwarto.” Saka na niya niligpit ang pinagkainan naming dalawa.

Hindi ko alam ang sasabihin.

Obvious naman na ayaw pa niya akong kausapin.

“Uhm sige…”

Katahimikan ulit.

Hanggang kailan na naman ba kami ganito?

 

 

 

 

Siguro nga may mga bagay na hindi talaga madadaan sa isahang pag-uusap, or isang araw lang pag-usapan ganon. Mga sinasabi nila na kapag may away ang magjowa eh, agad agad dapat ayusin.

Hindi naman lahat maaayos agad. Kung dati ay naniniwala ako sa ganyang usapan, ngayon ako na mismo ang nakakaranas, parang hindi naman kailangan. Both partners need time and space para maprocess ang mga bagay.

Tulad namin ni Karina.

Magta-tatlong araw na kaming hindi nag-uusap, hindi okay.

Casual sa isa’t isa para kamustahin yung isa gano’n.

But I think three days is enough for us to finally settle things na. Syempre, pinakikiramdaman ko rin si Karina these past days after that night. Mas reachable na siya compared sa first nights namin matapos yung incident.

Namimiss ko na rin siya big time, pero I still give her time for herself rin. I can see it’s working rin naman, convenient para sa aming dalawa yung silent agreement na give each other’s space.

I thought of doing something.

Kahit simple lang, I still want to do something for her.

Kaya heto ako ngayon nag-aayos ng ‘surprise’ para kay Karina. Yung gitara ko nakahanda na rin para sa harana.

Ano lang naman ‘to, simpleng dinner movie date. Gusto ko mang ayain sa labas ang girlfriend ko pero panigurado, pagod na siya kauwi.

Nilinis ko ang buong apartment para pagdating niya wala na siyang aasikasuhin. Walang nakatenggang hugasin sa lababo, nakaayos yung mga sofa sa sala, napagpag rin yung mga divider at tv. Dito naman sa kwarto namin, malinis tignan yung study table niya. Yung mini bookshelf niya rin wala ng kalat kalat na scratch papers. Yung kamang maayos ang pagkakatupi nung kumot at bagong palit rin na punda maski bed sheet.

Buong araw wala si Karina kaya nagkaroon rin ako ng oras para matapos ang mga gawaing bahay. May inattendan na meeting sa school para sa nalalapit nilang pago-OJT. Mas doble na niyan ang pagod ng girlfriend ko.

Nakahanda sa sala yung niluto kong… favorites niya. With ice cream ulit. Ubos na pala yung binili ko nung isang araw. Ganun siya ka-stressed. Though medyo nagw-worry ako na napapadalas yung pagmamatamis niya, baka tumaas ang sugar.

Nakaayos yung lamesita namin sa sala. Meron rin akong inorder na pizza na hindi pa dumadating hanggang ngayon. Buti na rin yun para mainit init namin kakainin mamaya.

Sinet up ko na rin ng maigi yung TV. Ano kayang trip panoorin ni Karina mamaya? I’m okay with anything kahit ano pang piliin niya. Because tonight will be the night I’ll fall for you.

De joke lang. Because tonight she’s the main character.

Pagsisilbihan ko siya. Babawi ako sa kanya.

Time check muna, 7:14 pa lang. Nasabihan naman ako ni Karina na medyo late ang uwi niya ngayon kaya no problem sa akin ang maghintay. More time pa para i-check kung ano pang pwede kong gawin sa little event ko tonight for her.

Practice na lang muna ako nung hinanda kong kanta para sa kanya.

What if… what if hiramin ko muna keyboard ni Karina dun sa kwarto?

This time lang hindi ako nakapagpaalam na manghiram muna ng pinakamamahal niyang keyboard. Kundi, bistado ako sa gagawin ko.

Tama, tama. Para medyo romantic naman kahit papano ‘tong set up namin kung keyboard gagamitin ko.

Madali ko lang naman naset yung keyboard ni Karina sa gilid. Sorry Jo, pahiram mo muna ako saglit.

Paano ba kasi ‘to gamitin…

Hmmmm…

Unang note pa lang, buti tanda ko pa. Sige, practice muna tayo Winter.

 

 

Goin' out tonight, changes into something red
Her mother doesn't like that kind of dress
Everything she never had she's showin' off

 

“Hinga po ng malalim ma’am,”

“Medyo masakit po ma’am ha, hinga lang po muna ng malalim. Inhaaale,” nag-inhale naman ng malalim si Karina, “Saglit lang po ma’am.”

Kitang kita ko kung paano pigilan ni Karina na ‘wag umiyak. Gusto ko man matawa pero baka warlahin naman ako mamaya ng girlfriend ko pagkalabas namin dito sa piercing shop.

“Ate matagal pa po ba?”

“Ma’am eto na po, done na siya! Makakahinga na kayo ng maluwang,” excited na sabi ni Ateng nagp-pierce matapos niyang tusukin yung tenga ni Karina.

Bumukas na ang mga mata ni Rina at lumuwag na rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakangiti lang naman akong nakatingin sa kanya.

“Jo, ang ganda ganda mo. Bagay sa’yo.” Pag-compliment ko sa jowa ko. Tama lang ang desisyon niyang magpalagay ng industrial piercing. Ang tapang nga. Industrial agad sa left ear niya.

Hindi siya umiimik. Kita rin yung pamumula ng tenga niya. Maiiyak na ‘to ilang seconds na lang.

“Ma’am proceed na po tayo sa labas para sa payment?”

“Ahh sige po, sunod po kami ate…”

Tumango naman si saka na niya kami iniwan dito sa loob.

Pagkaalis na pagkaalis ni ate, saka naman naiyak ang girlfriend ko. Hindi ko tuloy alam kung maaawa o matatawa ako sa kanya.

“Sige tawanan mo pa ako, Winter.” Banta niya habang nakasubsob na ang mukha niya sa balikat ko. Careful ko namang niyakap ang ulo niya baka matamaan ko yung bagong pierce niyang tenga.

“Sorry na Jo. Ang cute mo lang ehh… Bakit industrial agad pinalagay mo kasi? May helix naman oh…”

“Gusto ko industrial eh, it looks cool. Ikaw rin kaya, lakas mo mang-impluwensya…” biro niya. Natawa naman ako.

“Oh eh tapang tapang nga ng Jo ko oh. Lika na sa labas para sabihan tayo kung paano yung tamang way na linisin ‘yan,”

“Ikaw na lang maglinis dito.”

Ang kulit ng girlfriend ko. Ganito coping mechanism niya para hindi mainda yung sakit.

“Kahit ako pa ulit magbutas sa kabilang tenga mo…”

Humarap naman siya sa akin nang dahan dahan. Nakatingin lang naman ako sakanya nang nakangiti.

“Hmmm kung gano’n, get pa tayo ng another one?” she teasingly said habang hawak hawak ang kanang tenga ko na may helix piercing.

Lumuwang lang naman ang pagkakangiti ko sa sinabi niya.

Ang swerte ko sa kanya.

 

 

Drivin' too fast, moon is breakin' through her hair
She's headin' for somethin' that she won't forget
Havin' no regrets is all that she really wants

 

 

“Jo, kain ka na muna. Mamaya mo na ituloy ‘yan,” nilapag ko sa tabi niya yung tinapay at juice.

“Later na lang, Jo. Need ko pang talunin ‘to…

Pagkasabi niya diyan alam kong hindi ko na siya mapipigilan.

Kada nilalaro niya kasi yung Genshin parang… parang lumalabas pagkacompetitive niya? Grabe lang mag-farm para sa mga kakailanganin nung characters niya, tapos maririnig ko na lang din siyang tumatawa o kaya naf-frustrate ‘pag hindi niya napapatay yung certain boss.

Minsan nagugulat na lang din ako kasi napapamura na rin siya.

“Bakit kasi hindi ka pa mamatay putangina ka?”

Nakakatakot marinig, diba.

“Akala mo mapapatay mo ako? Hah! Don’t mess with my Raiden,” proud na sabi niya at nag-inat inat.

Feel ko tapos na siya mag-farm.

Humarap naman siya sa akin saka ako nginitian, proud na proud pa niya akong tinanguan.

“Did you see that, Jo? 300k na yung Raiden ko. Gusto ko na isalang sa Abyss para makuha ko na yung primos do’n.” Tuwang tuwa niyang balita sa akin.

Kahit wala akong alam sa sinasabi niyang Raiden at Abyss, gustong gusto ko pa rin makinig sa kanya at sa kinekwento niya sa akin ngayon kung ano pang kailangan niya to make her character strong.

I love listening to her talk about the things she loves.

Iba yung sparkle ng eyes niya kapag naglalaro at kinekwento yung Genshin eh. Nabanggit niya na rin sa akin na naglalaro siya not because of past time pero yung story rin mismo nung game.

Sa sobrang tuwa ko sa kanya, bigla ko siyang siniil ng halik.

I felt her smile between our kiss.

“Paano ba laruin ‘yang Genshin, Jo?” sabi ko nang maghiwalay kami.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Karina.

Oh God, that smile…

I’ll never get tired of it.

 

 

Chasing it tonight, doubts are runnin' 'round her head
He's waitin', hides behind a cigarette
Heart is beatin' loud and she doesn't want it to stop
Movin' too fast, moon is lightin' up her skin
She's fallin', doesn't even know it yet
Havin' no regrets is all that she really wants

 

 

Napangiti ako while still playing the keyboard.

Naalala ko lang naman kasi kung paano ako nanood ng Genshin-related videos para mas maintindihan pa yung laro at ma-gets si Karina.

Hindi naman pala ganun kahirap. Nag-enjoy na rin ako maglaro pero hindi ko magawang i-grind yung world ko. Tinutulungan naman ako minsan ni Rina kapag may time at hindi siya busy. Tapos… ayun! Bonding namin ang maghabulan at maglandian sa kahit saang kasulok-sulukan ng Teyvat map.

Nag-eenjoy na akong tugtugin ang favorite song ni Karina.

Hindi ko na namalayan na nakatayo na pala siya sa pintuan at nakasandal sa door frame habang pinapanood ako.

Feel na feel kong kumanta kanina, ngayon lang ako nagmulat ng mata at siya pa talaga ang una kong nakita.

Sumakto pa sa chorus…

 

We're only gettin' older, baby
And I've been thinkin' about it lately
Does it ever drive you crazy
Just how fast the night changes?
Everything that you've ever dreamed of
Disappearing when you wake up
But there's nothing to be afraid of
Even when the night changes
It will never change me and you

 

The last thing I knew is I saw her smile. The same smile she gave me nung nagpaturo ako ng paborito niyang laro.

Nahulog na naman ang puso ko.

Paano na ‘to, parang mauulol na naman ako…

 

Everything that you've ever dreamed of
Disappearing when you wake up
But there's nothing to be afraid of
Even when the night changes
It will never change, baby
It will never change, baby
It will never change me and you...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭