Daydreamer

Scraps

"Bes, penge akong siomai ha," sambit ni Giselle at kitang kita ko naman ang pagtusok niya ng siomai ko sa aking fried rice. Hinayaan ko nalang. May sinisipatan kasi ako mula sa malayo- or should i say sa kabilang table.

"Bes, penge ako ulit ha," rinig ko na naman at akmang kukuha na naman ng siomai sa pagkain ko saka na ako napatingin sakanya at nilayo na ang pagkain ko.

"Aba, nakakarami ka na. Bili ka na ng iyo, wala na akong ulam!" Bulaslas ko naman at tinignan pa ang fried rice kong dala dalawa nalang ang natirang siomai. Tumingin naman ako sakanya na parang binibigyan ko ng halos matalim na tingin. 

Nagugutom kaya ako!

"Eh kung tigil tigil mo na kaya ang pagtanaw kay Minjeong diyan para di ko na maubos yang siomai mo!" Inirapan ko nalang siya at sinimulan ko nang kumain. Mahirap na. Baka kasi maubusan pa ako ng pagkain netong katabi ko ngayon.

"Bat ba kasi bantay ka nang bantay don, malaki na yon kaya na niya ang sarili niya." Sabi niya saka siya uminom sakanyang gulaman at sabay subo pa ng lumpiang shanghai. 

Nandirito kami ngayon sa cafeteria ng school. Napag-isipan kasi naming mag-early lunch dahil bukod sa nagugutom na kaming pareho ni Giselle, maaga rin kaming dinismiss ng prof namin. 

Nasa ikalawang taon na namin dito sa kolehiyo, kursong nursing pareho ni Giselle. 

"Wag mo sabihing baka ihatid mo rin siya sa room niya mamaya?" Di pa makapaniwalang tanong ni Giselle sakin nang mahuli niyang nakatanaw pa rin ako kay Minjeong na tahimik lang nakaupo dun sa table na di naman kalayuan sa pwestuhan namin. 

"Eh kasi naman, baka maligaw yun dito," alalang sagot ko naman nang mapansin kong hindi talaga siya kumikibo sa mga kasama niya. Tahimik lang na nakikinig at paminsang minsang sumisipsip sa iced tea sakanyang harapan. 

Napainom na rin ako sa gulaman na hawak hawak ko kanina pa at biglang bumulaslas tong si Giselle, "Haynako, Karina. She'll be fine, don't worry! Masyado mong binebaby yung bata eh." 

Potek. 

Nasamid ako sa ininom kong gulaman!

"Huy, kalma lang gaga. Oh eto tubig!" Dali dali niya akong inabutan ng tubig at ininom ko naman yun. Nang makalma na ako saka ko siya tinignan ng masama. 

"Baby ka diyan! Natural freshie siya kaya normal lang na medyo I'll keep an eye on her!" Depensa ko naman sa sarili ko. Baby? Anong baby jusko naman. Masama bang medyo bantayan yung bagong lipat dito sa univ? Lalo na't medyo mahiyain pa naman tong kaibigan namin ni Giselle.

Tong si Minjeong kasi naisipang lumipat sa state u na pinapasukan namin ni Giselle. Kursong Architect, first year. 

"Okay po, Mother Rina," asar niya pa sa akin at saka na nagpatuloy sa pagkain ng kanyang siomai rice. Napailing nalang ako sa litanya ng kaibigan ko at tumingin muli sa direksyon nila Minjeong. Mukhang paalis na rin sila ng mga blockmates niya, nagliligpit na ng mga pinagkainan at inaayos ang mga gamit. 

Sinundan ko na lamang sila ng tingin hanggang sa makaalis sila sa paningin ko. 

Ang cute niya lang sa uniform niyang suot ngayon. 

Nakasukbit ang body bag niya sakanyang kanang balikat at dala dala rin ang sketchbook sakanyang kaliwang kamay. 

Nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko, naisip ko na okay lang din naman sigurong hayaan ko na muna siya. Alam ko namang lalapit din yun samin kapag may tanong o kailangan. 

Sa halos anim na taon namin nila Giselle na magkakaibigan, masasabi kong kilala ko na siya as a person. 

Tahimik lang. Mahiyain. Isang tanong, isang sagot. Siya yung tipong hindi kikibo talaga unless you initiated the conversation. Paminsang minsan naman siyang dumadaldal samin kapag nagkakasama kami pero most of the time talaga, tahimik lang sa sulok. Gumuguhit o kaya ay nakikinig lamang sa amin tuwing nagkekwentuhan.

Kaya naman hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung medyo nagmumukhang oa na ako sa pagba-'bantay' ko kuno sakanya. 

On top of that, ang sarap niya rin kasing alagaan. Masyadong precious at babyng baby ang dating. Kaya naman tong si Giselle, todo asar sakin minsan pag nagiging maasikaso ako kay Minjeong. 

Di ko lang kasi maintindihan. Para namang hindi lang pantay sakanila ang pag-aaruga ko sakanilang dalawa. 

"Do you want to go sa library?" Pambabasag ni Giselle sa pagkatulala ko. Di ko namalayan na nakatingin pa rin pala ako sa dinaanan nila at hindi ko na nagalaw ang pagkain ko.

"Ha? Hindi pa ako tapos kumain, di naman to pwede dalhin dun eh," sabay tingin ko sa pagkain kong nakakalahati ko pa lang pala. Jusko, parang nabusog na ako dun sa gulaman at tubig dahil sa kagagahan na sinambit kanina ni Giselle.

"Maybe if you weren't tulala kanina pa, kanina mo pa naubos yan! Lakas mo mambawal sakin na kumuha ng siomai mukhang di mo rin pala mauubos." Reklamo niya at akmang kukuha pa ng siomai sakin.

"Ubusin mo na, nabusog ako sa tubig eh," sabi ko nalang at sumubo pa for the last time bago ko ibigay kay Giselle ang natira kong pagkain na masaya naman niyang sinimulang kainin. 

Sino ba naman kasing hihindi sa siomai rice, diba.

"Pagkatapos mo diyan, punta na tayo sa library. Alas dos pa naman ang next subj natin diba?" Sabay tingin ko sa relo at nakitang maga-alas dose palang. Tumango tango naman tong best friend ko at maya maya lang ay tapos na siyang kainin ang fried rice ko.

"Goods ka na?" Tumingin siya sakin habang nagpupunas ng kanyang bibig saka nag-thumbs up sakin. Natawa nalang ako at niligpit na namin ang pinagkaininan namin saka na tumayo at dinala ito dun sa may lalagyan ng mga tray tray.

"Hanggang 4 lang tayo ngayon, diba?" Sabi niya naman habang naglalakad na kami papuntang library. Inaalala ko muna kung hanggang alas kwatro nga ba talaga kami at tumango na sakanya,

"Oo. Bakit? May lakad ka mamaya?"

"Nah, just checking kung magkakaroon ba ako ng enough na tulog mamaya pagkauwi ko."

Tumango nalang ako at hindi na nagtanong.

Sana ako rin matutulog nalang mamaya. Pero kasi, kailangan ko pang magbasa basa ng mga libro para sa advance reading rin at hindi na ako mahirapan makipag cope up sa mga bagay bagay na mababanggit sa discussion.

Lalo na't scientific terms pa naman.

Hayy, buhay estudyante. Nkakakapagod ngunit di rin maipagkakailang masayang mag-aral. 

Si Minjeong kaya? 

Kamusta siya sakanyang block?

 

~~~~~

 

"Aeri, hindi ka ba talaga makakapunta dito sa school? Ang lakas ng ulan. Wala pa akong dalang payong." Sagot ko sa kabilang linya at hawak hawak ang phone ko habang pinapanood ang mga estudyanteng sumulong sa ilalim ng ulan dahil uwian na. 

"Bes, I don't think I can. Nandito pa kasi kami sa airport. Gamit nila ang sasakyan. Hindi ko naman pwedeng itakas kasi di kami makakauwi," rinig sa boses niya ang sinseridad at paumanhin. Napabuntong hininga nalang ako at tumango tango na para bang makikita niya rin ako.

"Si Minjeong ba? Baka may dala siyang kotse, pasama ka sakanya," suggest niya. Nabuhayan naman ako ng loob kaso inalala ko rin siya. 

Ayokong makaistorbo saka panigurado, kanina pa yung out niya. 

"Baka nakauwi na siya eh. Hintayin ko nalang tumila ang ulan," saka ako muling tumingin sa labas at mukhang hindi pa agad agad huhupa ang ulan. 

"Are you sure? Hay, may kasama ka naman ba diyan?" Luminga ako sa paligid at nakitang kokonti nalang din ang mga estudyanteng nakakalat. Yung iba naghihintay rin na tumila ang ulan kagaya ko. 

"Oo naman. Marami rami pa kami rito sa building," paninigurado ko sakanya dahil alam kong mag-aalala ang best friend kong pag nalaman niyang wala akong kasama. 

Bumuntong hininga pa siya bago sumagot, "Sure ka ha. I'll try to fetch you agad agad pag nakauwi na kami,"

"Sige thank you, Aeri. I'll update you nalang." Sagot ko naman saka pinatay ang tawag.

May follow up text pa siya saying she's really sorry at mag-text ako kung makakauwi na ako. I replied to her naman na and tinago ko na ang phone ko sa bag.

Malakas pa rin ang ulan. Mukha ngang matatagalan pa bago ito tumila.

Naisip ko nga rin si Minjeong. Kaso kasi naman, nakakahiya kung papasundo pa ako sakanya dito sa building namin eh medyo may kalayuan yung building nila dito.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit sa lahat pa ng pagkakataon, ngayon ko pa hindi dinala ang payong ko? Araw araw naman yun nakalagay sa bag ko kaso kaninang umaga, naisipan kong alisin muna ito sa loob dahil nabigatan rin ako at may mga libro akong kailangan dalhin. Wala  ng space kung dadalhin ko pa ang payong kaya inalis ko na rin.

Naramdaman ko naman ang paghangin ng malakas kaya napapikit ako at dahan dahang pang nag-cross arms dahil nilalamig na rin ako. Tinignan ko ang oras sa relo ko at halos maga-alas sais na pala. 

Badtrip. 

Iniisip ko na susulungin ko nalang ata tong ulan at hayaan nalang mabasa. Maliligo nalang ako agad agad pagkarating sa bahay.

Ni-ready ko na ang sarili ko at sinecure ang bag saka pasulong na sana ako sa ulan kaso may biglang humawak sa braso ko. 

Grabe, muntikan pa akong mag-slide!

"Huy!-" 

"Susulungin mo yang ulan?" Napatingin akoa nakahawak na kamay sa aking braso at sa boses na narinig.

"Minjeong?"

Hindi siya sumagot bagkus hinila niya ako papalapit sakanya at nilabas ang panyo saka pinunasan ang braso't kamay ko. 

Ngayon ko lang naramdaman na nabasa pala ako talaga kanina nung pagkahangin ng malakas. 

"Magkakasakit ka," sabi niya pa habang tuloy tuloy pa rin ang pagpunas niya sa akin ng kanyang panyo. 

Nakatingin lang ako sakanya at siya naman ay focused sa ginagawa niya. Kalaunan ay tumingin siya sa akin at pinunasan ng dahan dahan ang mukha ko. Bigla akong napalunok dahil sa ginagawa niya sa akin ngayon.

"Sabay ka na sa akin," sambit niya pagkatapos niya akong punasan, "Karina?" tawag niya pa.

Napakurap nalang ako at napahawak sa mukha. 

Jusko naman. Ano ba tong epekto na to?

Para akong mahuhugutan ng hininga kaninang pinupunasan niya ang mukha ko!!

"Wala kang kasabay?" Tanong niya muli at tinignan kung may kasama ba ako.

Bat hindi ako makapagsalita? Anong nangyayare sakin? Huy, Karina kinakausap ka ni Minjeong!

"A-ah, wala. Pinapatila ko lang ang ulan." Pilit ngiti kong sagot at umiwas na sa tingin niya. 

Tumango lang naman siya at nanahimik muli. Maya maya ay may kinalikot siya sa bag niya at ako lamang ay pinapanood ko siya sa pagkalkal ng kung anoman sa bag niya.

Teka, akala ko ba tapos na ang klase niya? Bat nandito pa siya? 

"Minjeong," nag-hmmm lamang siya at patuloy pa rin sa pagkalikot sa bag niya. 

"Bat nandito ka pa? Di ka pa umuuwi?" Tuloy tuloy na tanong ko sakanya at sakto naman ay nailabas na niya ang payong niya saka hinarap sakin.

"Halika, sabay na tayo," sabay ngiti niya pa at pambabalewala niya sa tanong ko. 

"Baka mabasa ka, hindi tayo kasya diyan." Pagtanggi ko. Naku, baka magkasakit pa to at sisisihin ko sarili ko.

"Hindi yan. Halika na, sabay na tayong umuwi," wala na rin akong nagawa kasi inakbayan niya na ako at nagsimula na kaming maglakad sa ilalim ng ulan. Nararamdaman ko naman na nababasa sa may side ko kaya mas lalo niya akong nilapit sakanya. 

Tahimik lang naman kaming naglalakad papalabas ng campus.

Pigil hininga ako sa inakto niya dahil eto na naman yung epektong naramdaman ko kani kanina lang. 

Ang paghapit niya sakin papalapit sakanya, habang naglalakad sa ilalim ng ulan. 

Kaso napansin kong hindi kami padaan papuntang parking. Wala siyang dalang sasakyan? 

"May klase kasi ako sa building ninyo kaya nandon ako," basag niya sa katahimikan naming dalawa habang naglalakad. Napansin niya sigurong nananahimik rin ako kaya naisipan niyang magsalita.

Tumango tango nalang ulit ako at pilit na nag-focus sa dinadaanan namin. Mahirap na. Baka madulas pa ako. Buti nalang, hindi na rin gaanong malakas ang ulan ngayon di tulad kanina. Tolerable na siyang lakarin.

Nang makalabas kami sa campus, tumuloy kami dun sa waiting shed sa may harapan. Ah, siguro magco-commute lang din siya ngayon kaya walang dalang sasakyan.

Nang makasilong na kami sa shed nagpagpag muna kami ng mga paa at pinunasan rin ang mga sarili, siya naman ay pinapatuyo ang payong niya. Napansin ko rin na medyo basa ang kaliwang parte ng katawan niya kaya nilapitan ko ito at nagsimulang punasan na rin ang kanyang braso. 

"Bat kasi sakin mo lahat tinutok yung payong eh ikaw yung may ari." Pinagsabihan ko siya, siya naman ay tahimik pa ring inaasikaso ang payong niya. 

"May jacket ka naman, hindi mo ginamit." Lektyur ko pa sakanya nang makita ko yung jacket niyang nakasabit sa may body bag niya. 

"Mababasa rin naman yun," sagot niya naman at saktong matapos akong punasan siya ay tapos na siya sa payong niya. 

"Tignan mo yung uniform mo oh, basa na," Sita ko ulit at natawa naman siya dahil sinimulan ko ulit na punasan ang uniform niya. 

As if naman na matutuyo ito gamit ng pagpunas ko rito.

"Okay lang ako, maliligo nalang ako kauwi," natatawa pa niyang sambit.  Tumingin ako sakanya at nakitang nakatingin pala siya sa akin habang ginagawa ko ang kagagahan na magpunas sa uniporme niya. 

"Baka kasi magkasakit ka," alala ko namang sambit at umiling naman siya.

"Hindi yan," siguro pa niya. 

"Talaga lang, Minjeong ah," natawa ulit siya at nanahimik na ulit habang tumingin na sa labas at naghihintay na tumila ang ulan. Napagdesisyunan ko na rin na tumigil na sa panenermon sakanya at manahimik na rin. 

Habang naghihintay ng masasakyan, sumagi bigla sa isip ko yung sinabi ni Giselle. Na masyado kong binebaby itong kaibigan namin. 

At sa inakto ko lang kanina, doon ko nakita yung ibig sabihin ng best friend ko.

Mukha akong nanay na pinapagalitan ang pasaway niyang anak dahil naligo sa ulan.

Shems, ganun na ba ako ka-obvious? Paano pag nakita rin ni Minjeong ang mga inaakto kong ganito? Paano kung maramdaman niyang sobra sobra pala yung pagbibigay ko ng alaga sakanya? Paano kung isipin niyang may gusto ako sakanya?

Hala, nakakabaliw naman!

Hindi naman porket na ganun yung pinapakita ko, gusto ko na siya. Eh concern lang naman kasi talaga ako. Bilang kaibigan. 

Tama. Kaibigan. 

Kaibigan lang naman ang tingin ko sakanya, noh. Hanggang doon lang yon!

Kaibigan nga lang ba talaga?

Sa kakadaldal ko sa sarili ko rito, naramdaman ko nalang na may sinabit sa magkabilang balikat ko si Minjeong. Tinignan ko naman kung ano yun at yun pala yung jacket niyang nakita ko kanina. 

Tinignan ko siya habang inaayos niya ang pagkakalagay ng jacket niya sa akin at nginitian ako, "Nilalamig ka eh," sambit niya lang saka bumalik ulit ang tingin niya sa daan.

Napakagat na lang ako sa labi ko para magpigil ng ngiti at palihim na inamoy pa ang jacket niyang sobrang bango. 

Jusko, para ko na ring kayakap si Minjeong neto. 

Naisip ko na naman. Masyado siyang maasikaso sa akin today ha. Ganito kaya ang nararamdaman niya tuwing siya naman ang inaasikaso ko?

Kumakabog ang dibdib at halos tumigil na ang mundo?

Palihim naman akong tumingin sakanya at nakitang tumitingin tingin siya sa mga jeep na dumadaan sa harapan namin. 

Ang ganda niya pala talaga.

Napahawak naman ako sa jacket na nakabalot sa akin at tuluyan nang ngumiti. Muli kong tinanong ang sarili ko habang iniisip ang nangyare ngayong pauwi na kami at nagaabang ng masasakyan.

Kaibigan nga lang ba talaga?

 

~~~~~

 

"Huy malapit na ang Christmas break, may mga plano ka na ba?" Excited na tanong sakin ni Giselle habang busy ako nagta-type para sa aming term paper na ipapasa mamaya. Ewan ko ba dito sa prof namin. Patapos na nga lang ang semester, pauulanan pa kaming mga papeles na sasagutan.

"Ang plano ko ay tapusin tong lecheng paper na to. Grabe naman kasi yung 5000 words ni sir," labag sa kalooban kong sagutin ang tanong ni Giselle. 

Speaking of, tong best friend ko sobrang chill lang ngayon. Tapos na ba to sa papel niya?

"Hayaan mo na yan, mamaya mo na ituloy," sinundot sundot pa ako sa braso ko at ako naman ay nanatiling naka-focus sa screen ng laptop. Hindi pwedeng ipagpamamaya ko pa tong papel na to. Gusto ko nang magkaroon ng kapayapaan at katahimikan para wala nang inaalalang gagawin for the rest of the day.

"Di pwede. Saka ikaw, asikasuhin mo na yung sayo hindi yung nangungulit ka dito." Matigas ko ng sabi dahil alam ko kapag bumigay ako dito sa best friend ko ngayon, wala talaga akong matatapos.

"Eh, bakit kasi kailangan pang tapusin ang mga to kung kailan patapos na ang sem saka dun siya maglalapag ng pagkakaabalahan." Bulaslas niya nang mapagtanto niyang hindi ako bibigay sa hirit niyang lumayas dito sa coffee shop at umuwi nalang. 

Nakita kong nilabas na rin niya ang kanyang laptop at nilapag ito sa tapat niya saka na binuksan. 

"Tapusin nalang muna natin to saka tayo mag-plano diyan sa binabalak mong get away," sambit ko nalang para mamotivate matapos tong bestie ko. Napa-yes naman siya at nagsimula nang mag-type rin sakanyang laptop.

Half day lang kami ngayong huwebes. Kaya naisipan naming dito nalang sa coffee shop na malapit sa univ kami gumawa ng mga papel na isusubmit rin namin. Kaninang ala una pa kami rito at halos magd-dalawang oras na ring nakaupo sa aming pwesto. Panigurado namang hindi kami sisitain ng coffee shop owner na paalisin kami dito dahil karamihan din naman ng estudyante ay dito dumadalo at halos nagtatagal din kaya sanay na sanay na sila sa lagay ng mga estudyante na ganito.

Basta ba syempre, oorder at kakain ka ng kape't pastry nila. Mahiya nalang ang mga students kung talagang tambay lang ang habol dito at hindi bumili ng kahit na ano.

I took a sip from my coffee and nag-type with my other free hand, not taking my eyes off sa screen. 

Maya't maya habang busyng busy ang lagay namin ni Giselle dito habang nagawa ng paper, may biglang humila sa isang upuan sa table namin at napatingin naman ako doon.

Laking gulat ko na nandirito si Minjeong sa tabi namin at tahimik na nilalapag ang kanyang mga gamit may table saka umuupo.

"Minjeong?" Tawag ko sakanya at napahinto sa pagt-type dahil nakatingin nako sa taong kadarating lang at kumportable nang nakaupo sa harapan ko. Napatingin naman siya sakin at nginitian lang ako,

"Kanina pa kayo dito?" Tanong niya at minamataan ang mga gamit na nakalapag sa table namin.

May mga librong nakapatong at dalawang large coffee na nakalapag saka dalawang platito na pinagkainan namin ng cake kanina. 

"Ah, oo. Tinatapos kasi namin tong paper na ipapasa mamaya." Sagot ko sakanya at tumango tango pa. Bumalik ulit ang tingin ko sa screen at kunwaring may tinitignan para hindi naman halatang sobra na ang pagtitig ko kay Minjeong.

Etong isa naman naming kasama ay sobrang busy na to the point na hindi napansin ang bagong dating namin na kaibigan.

"Order lang ako saglit ng kape ko," napatingin naman ako kay Minjeong na tumayo na at tinanguan ko nalang siya. Pumunta na siya sa counter at ako naman ay sinundan siya ng tingin.

Mukhang nakauwi na siya at pumunta nalang dito dahil hindi siya nakasuot ng uniform.

Tapos na ba ang pasok nila? 

"Girl, wala na tayong kape. Gusto mong bumili ulit?" Rinig kong sabi ni Giselle nang hindi naaalis ang tingin niya sa laptop niya. Gaga to. Wala na ngang laman ang kape niya samantalang kanina eh halos kalahati palang ang laman nung sakanya?

"Oh, andito na pala si Minjeong? Kailan pa?" Napansin na rin niya kasi yung bagong nakalapag na bag sa lamesa.

"Kadarating niya lang, ayun nga kumukuha ng kape niya," 

"Oh, sakto! Wait lang. Minjeong!" Tawag niya sa kaibigan naming nasa counter at nago-order na, "Minjeong!" Tawag niya ulit kaya napatingin na samin si Minjeong.

Nakatingin lamang ako sa katabi kong sinasabihan si Minjeong na umorder pa ng kape habang yung isa naman ay natatawang tumatango tango at nag-thumbs up pa saka muling humarap sa counter. 

Napailing nalang ako dahil sa inasta ng kaibigan ko. Nagpalibre pa ng kape sa bagong dating.

Tinuon ko muli ang pansin ko sa pagbabasa ng papel ko. Patapos na rin naman ako. Chinecheck ko nalang ang mga errors o kaya spelling para ipapasa ko na. Mabuti nalang at soft copy ang hinihingi ni sir. Less hassle, kung pina-hard copy pa to ay nako ewan ko nalang. 

Sisipsip na sana ulit ako sa kape ko kaso wala akong nainom. Ay, ubos na rin pala yung sakin? Takteng yan! Bitin ako sa large coffee na yon!

Naaasar ako. 

Sarap na sarap pa naman ako dun sa kapeng ininom ko dahil paborito ko yon. Lalo na ngayong tapos na ako sa ginagawa ko. Ang sarap lang humigop ng kape after the stress na dinamdam ko dahil sa papel na to.

Nagsalumbaba nalang ako habang nagb-browse pa ng kailangan kong tapusin today nang may biglang umusog na kape sa may gilid ko. Napatingin naman ako dun at sa nag-abot ng kape, si Giselle ngiting ngiti naman sakin. 

"Oh, akala mo si Minjeong noh? Nag-cr siya saglit." May bahid ng pang-aasar yung boses niya at inirapan ko nalang siya saka kinuha yung kape.

"Minjeong ka diyan," asar na sabi ko saka ininom yun. Kaso pagkainom ko, may nasalat ako na parang may naka-dikit sa baso ng kape kaya tinignan ko ito at inikot pa ang baso.

May note.

Sulat kamay ni Minjeong. 

'Wag ka masyadong pa-stress, konti nalang. Kaya yan. :)' 

Napangiti naman ako sa nakasulat at napakagat din ng labi.

"Masyado ka namang kinilig diyan, Bestie. Tignan mo rin yung akin meron ako." Ngiting ngiti pang pinakita sakin ni Giselle ang baso niya at nakita ko ngang may note dun na nakadikit, galing rin kay Minjeong.

"Mas mahaba naman ang sinabi sakin." Belat ko pa sakanya.

"Ang hopeless mong gaga ka!" Natawa nalang ako sa bulaslas niya at mahina pa siyang hinampas sa braso dahil ang ingay ng pagkakatawa niya. Lakas neto tumawa eh.

Ilang sandali rin ang lumipas, nakabalik na si Minjeong mula sa banyo at tapos na rin si Giselle sakanyang papel. Nag-kwentuhan pa kami saglit sa loob ng coffee shop at kalaunan din ay napagdesisyunan naming umalis na.

Pauwi na rin kami ngayon. Si Minjeong ay sinabihan nang ihatid kaming dalawa dahil matagal tagal na rin nung huli kaming magsasabay umuwi. Binabaybay na namin ang daan saka naman patuloy na nagkekwentuhan sa loob ng sasakyan. 

Nasabi rin samin ni Minjeong na natapos na rin ang classes nila last week pa kaya naisipan niya ring daluhin kami kanina ni Giselle sa coffee shop.

Namiss niya raw kami.

"Ay oo nga pala mga bakla, alis tayo this Christmas break, want niyo ba?" Maligayang banggit ni Giselle mula sa likod. Ako kasi yung pinapwesto dito sa harapan, lakas ng trip ni Giselle eh. Tsaka kawawa naman si Minjeong na magmimistulang driver talaga ang peg niya kung magtatabi kami ni Aeri sa likod.

Nakikinig lamang si Minjeong saming dalawa na paminsan minsan namang tumatango tango rin saka sumasagot sa tuwing tinatanong namin siya. 

"Kailan?" Simpleng tanong ni Minjeong while nasa daan pa rin ang tingin. Ang cool niyang tignan habang nagmamaneho.

No wonder she drives me crazy rin. 

Eme!

Shems lang naman kasi mga sizt and koya. Lahat ata ng gawin netong babaeng to, sobrang cool niyang tignan eh.

"Ehem," pag-ubo ni Giselle kaya napatingin ako sakanya. 

"Masyado ka namang titig diyan, bestie. Maganda ba ang view?" Asar niya saka sinundot sundot pa ang balikat ko. Bumalik nalang ang tingin ko sa harapan at binalewala ang pang-aasar netong si gaga. 

"As I was saying, before Christmas nalang siguro? Or after? What do you guys think?" 

"Free naman ako sa bakasyon so, g lang ako." Sagot naman ni Minjeong at huminto muna dahil pula ang nakailaw sa ilaw trapiko.

"How about before Christmas nalang?" Tanong naman ni Giselle na ngayon ay nakatingin na sakanyang phone. Lumingon naman ako sa likod at sinamahan na maghanap ng date ang best friend ko para sa get away namin.

"22? Gora lang?" 

"23 nalang," sabi ko naman. 

"O sige, 23 nalang." Pag-sang ayon naman ni Giselle at bumalik ako sa pagkakasandal sa upuan ko.

"Saan tayo pupunta?" Naitanong ko. 

"EK."

 

~~~~~

 

"Tagal naman ni Minjeong, what's taking her so long?" Impatient na sabi ni Giselle na katabi kong naghihintay sa harapan ng gate namin. Nag-overnight kasi siya para hindi na hassle kung magsusundo man si Minjeong samin dahil may kalayuan din ang bahay nila Giselle samin.

"Parating na yun, nag-text na sakin kani kanina lang," Patient na sagot ko naman at nag-groan pa siya ng very light. 

Sobrang excited kasi ng tita niyo. Ngayon nalang nakapag-out of town.

"Ayan na siya! Omg tara na bestieeee," Inalog alog pa ako at hinawakan na sa braso saka halos magtatalon na sa pwesto niya ngayon. Jusko, di ko rin masisisi dahil kailangan din namin ng breather dahil sa nagdaang sem. 

Huminto na ang sasakyan sa harapan namin at bumukas pa ang window ng passenger seat. 

"Sorry, natagalan. Ready na ba kayo?" 

Napakurap ako sa boses na narinig, at naramdaman ko ring napatigil sa pagkakatalon tong katabi ko.

"NINGNING??" Sabay na sabi namin at narinig naming tumawa siya at bumaba sa kotse. 

Dali dali naman naming niyakap ang kaibigan naming sobrang tagal nang hindi nakita. 

Ning Yizhuo. Childhood friend namin, kasama naman namin siya nung nasa high school pa pero lumipad na papuntang abroad dahil dun niya napagdesisyunan na ituloy ang kanyang pag-aaral. 

"Grabe, kailan ka pa nakauwi? Ikaw ah! Bat di mo man lang kami sinabihan!" May paghampas pa sa braso ni Ningning na sa litanya ni Giselle saka nagpupunas na ng luha sa kanyang mga mata.

"Surprise?" Ngiting sabi ni Yizhuo saka na rin natawa. 

"Gaga! Surprise talaga!" Niyakap ulit ni Aeri si Yizhuo saka na bumaling sakin, 

"Namiss kitang bata ka," nasambit ko nalang at naluluha na ring sumali sa yakapan nilang dalawa.

Grabe. Alas siete ng umaga at nagdadramahan kami dito sa labas ng bahay namin. 

"Oh, tara na, naiinip na yung driver natin." Pabirong sabi pa ni Yizhuo saka tumingin sa driver's seat. 

Nagtanguan kami saka papasok na sana sa front seat si Ningning nang hilain naman siya ni Giselle, "Girl, dito ka tabi tayo. Marami kang ikekwento sakin!" Sabi niya at ako naman ay napailing na naman sa pakulo niya.

Sa una ay naguluhan pa si Ningning pero kalaunan ay tumingin din siya sakin ng nang-aasar at nginitian pa ng nakakaloko.

Bat ba trip na trip nila kami ni Minjeong?

Nang makapasok na kaming lahat sa sasakyan, doon ko napansin si Minjeong na kalmado lang naghihintay saming tatlo at prenteng nakaupo sa driver's seat. Nginitian pa niya ako nung pumasok ako sa front seat saka kinamusta. 

"Okay lang naman ako, sorry natagalan kami," paghingi ko ng paumanhin. Medyo nagtagal din kasi talaga kami tatlo kanina habang nagiiyakan sa gilid ng kalsada. 

"Ayos lang. Namiss ko rin yang si Yizhuo kaya alam ko ang pakiramdam," kalmadong sagot niya naman saka handa ng mag-change ng gear,

"Okay na ba ang lahat?" Muling tanong niya bago nagsimulang magmaneho na sinagutan naman naming masaya at full na full of energy na,

"Okay!" 

 

Halos dalawang oras na naming binabaybay ang daan papuntang Laguna at naisipan munang mag-stop over sa isang gasoline station. Naiihi na rin kasi si Aeri at Minjeong kaya nandito kami ngayon, kumakain din ng sandwich na ham and cheese ang palaman. Baon talaga namin to, ginawa namin kagabi ni Giselle para get away namin.

Naiwan kami ni Ningning dito sa sasakyan habang kumakain at hinihintay yung dalawa. Pinagtimpla niya na rin ako ng hot milo at nagk-kwento siya tungkol sa buhay niya sa abroad.

"Ikaw, kamusta ka na, ate? Ganun pa rin ba?" Tanong niya saka siya kumagat sa sandwich niya.

"Ganun pa rin. Kumakayod pa rin para maka-graduate," sagot ko naman. Nakaupo kami ngayon sa likuran ng sasakyan na nakabukas naman ang pintuan neto. Nandito rin kasi halos yung gamit at pagkain kaya mas madali nalang makakuha ng kailangan namin kaya naupo kami rito.

"Gusto mo pang milo?" Tanong ko naman at tumango siya, tumayo ako at agad agad na kinuha yung thermos na dinala rin namin. Syempre, always ready noh!

Pinagtimpla ko na siya ng milo niya at habang hinahalo ko naman ito, biglang nagsalita si Ningning.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, noh ate?" Napatingin naman ako sakanya saka siya ngumiti sakin nang nakuha na niya ang milo niya sa kamay ko.

"Alagang alaga mo pa rin talaga kami," habol niya pa bago hipan at ininom ang mainit init niyang milo. Tinabihan ko naman ulit siya at pinanood ang mga sasakyan na dumadaan sa highway.

"Babyng baby kaming lahat pagdating sayo eh," natawa naman ako sa litanya niya at napailing. 

"Namiss mo lang ako eh." Saka ko siya kinurot sa pisngi at medyo napangiwi naman siya. Nanggigil kasi ako sa cheeksh niyang malambot. Ang fluffy ng bunso ko huhuhu

"May balak ka bang gawin talaga kaming anak?" Tanong niya naman habang nakahawak pa rin ako sa pisngi niya,

"O isa lang samin ang gusto mong maging baby?" Napatigil ako sa pagkurot sa pisngi niya dahil nakita ko rin ang pagkurba ng gilid ng labi niya't nang-aasar na tingin sakin. 

"Hay nako, ewan ko sayo, Yizhuo." Kinurot ko pa lalo ang pisngi niya saka tumawa na rin dahil napa-aray siya't napahawak na rin sakanyang pisngi. 

Kung ano ano lumalabas sa bibig. 

Kinilig naman ako sa thought na binebaby ko nga si Minjeong dahil shems lang, ang sarap niyang alagaan for real!

"Trip niyo na naman kami ni Minjeong," sambit ko nang makalma kaming dalawa na ikinatawa naman niya ng malakas. Binaba niya muna ang milo niya sa tabi niya at tumingin sakin,

"Wala naman akong sinabi na si Winter yung tinutukoy ko eh!" Panga-alaska niya sakin habang tumatawa pa rin. Napakagat nalang ako ng labi at hinampas siya sa braso. 

Jusko tong batang to.

Kung hindi ko lang to namiss, baka kinurot ko na sa tagiliran.

Pagkatapos ng chikahan at asaran namin ni Yizhuo, natanaw na namin sina Aeri at Minjeong na nag-uusap pabalik sa sasakyan. Kaya naman kaming dalawa nin Ningning ay nag-ayos na rin saka sinara na ang likuran ng sasakyan. Sasakay na sana ako sa front seat kaso naunahan ako ni Ningning. Okay, tama yan. Para hindi kami ang pagdiskitahan niyo ni Minjeong habang nagba-bybahe.

Kanina kasing nagba-byahe bago mag-stop over, paminsang minsan din kaming inaasar nung dalawa sa likuran. Syempre eto namang katabi ko, busy sa pagmamaneho at focused lang sa daan kahit nakikitawa rin siya sa mga hirit nung dalawa.

Ako? Pulang pula.

Asar sila nang asar sakin kay Minjeong pag nagkatotoo yon, nako! 

Jojowain ko talaga tong katabi ko.

Charot. 

Not charot. 

Eme!

Sumampa na ako sa sasakyan at naupo na. Saka naman ang pagsalita ni Giselle na nasa harapan na pala, "Akala ko sa labas ka nalang eh. Iiwan ka na sana namin," bulaslas niya mula sa driver's seat.

Teka, driver's seat? Akala ko ba si Minjeong ang magmamaneho?

Tumingin ako sa harapan at sa katabi ko. 

Bwisit talaga sila. Trip na trip kaming dalawa ni Minjeong!

Halata namang nagpipigil ng tawa yung dalawa sa harapan namin at nagsimula ng magmaneho si Giselle. 

"Ayaw mo ba akong katabi?" Biglang tanong naman ni Minjeong nang mapansin niyang nakakunot ang noo kong nakatingin kay Aeri, tumingin naman ako sakanya at madali daling umiling.

"Hindi! Ay nako, ano ka ba. Baka kasi puntiryahin na naman tayo." Sabi ko nalang at umayos na ng upo. Kinalong ko pa yung isang pillow na nandito sa sasakyan para in case na makatulog si Minjeong, pahihigain ko nalang sa may hita ko.

Eme. Syempre joke lang yon. Masyado na akong halata kung ganon. 

Nakita kong kinuha niya ang earphones niya mula sa bag niya sa baba at sinaksak yun sa phone niya saka pinasak sa isa niyang tenga, nagulat ako dahil inoffer niya sakin yung isa. 

"Share tayo," ngiti niya pa sa akin at malugod ko namang tinanggap yung isang pares ng earphones. Medyo nahihila yung wire kaya umusog ako ng konti sakanya at siya rin naman ay ganun. Nagkalapit ang mga braso namin at natawa dahil sabay kaming umusog papalapit sa isa't isa. 

"Buti si Aeri na ang nag-drive?" Tanong ko habang nagb-browse siya ng kanta sa phone niya. Tumingin naman siya sakin at binalik rin agad ang tingin niya sa ginagawa niya.

"Nakipag-palit muna ako sakanya. Medyo nangalay na rin ako eh," sagot niya at pinisil rin ang braso niya. 

"Gusto mong milo? Sandwich?" Offer ko naman sakanya. Baka nagutom to sa byahe dahil kanina pa nagmamaneho at hindi na rin nakakain kaninang nag-stop over kami. 

"May sandwich? Anong palaman?" Nagsimula naman akong kalkalin yung gamit sa likod habang siya naman ay nanatili sa pwesto niya at nagb-browse pa rin ng kanta. Inabot ko yung bag ko dahil hindi ako makakapagtimpla ng milo sa lagay namin na umaandar ang sasakyan. Baka matapon lang ito at mabasa ang mga gamit namin. 

Kinuha ko yung chuckie ko na nandun sa side ng bag ko saka kumuha na rin ng dalawang sandwich. Umayos na ulit ako ng upo saka inabot sakanya yung mga hawak ko. 

Sakto naman niyang nahawakan ang kamay ko nang iabot ko sakanya ang hawak kong sandwich at chuckie, napatingin siya sakin at ngumiti nalang. 

"Thank you," sambit niya saka kinuha na yung sandwich at chuckie. Ramdam ko naman yung pamumula ko nang nararamdaman ko pa rin ang paghawak niya sa kamay ko kanina. 

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at nakiusyoso na ulit sa pagpili niya ng kanta habang siya naman ay kumakain sa kabila niyang kamay.

Matapos ang ilang minuto siguro sa pagpili niya ng kanta, unang bitaw palang ng liriko para na akong binalik sa panahon ng kajejehan ko noon.

Hey Daydreamer // Somedaydream

Oh you could just pretend to be with her all day
Remember the feeling when you first held hands today
Imagine her in your favorite white dress
Smiling at you as if she thinks that you're the best

Ayos din pala ang music taste niya. Ang cute, parang siya. 

Nakita kong pinatay na niya ang phone niya at tumingin sa labas saka pinahinga ang kamay niya sa may hita niya saka malimit na tinatap pa ng mga daliri niya na parang sinasabayan ang beat ng kanta sa hita niya. 

Hey Daydreamer
You gotta be prepared to leave her in your fantasy
Coz when it's over, you gotta make sure
That it's you who'll be with her

Napangiti nalang ako dahil sa paminsang minsang  pag-hum niya rin sa kanta. Tumingin nalang ako sa harapan namin at pinahinga na rin ang kamay ko sa may hita ko. Natamaan ko pa ng konti yung pinky finger niya sa pinky finger ko. 

Maya't maya na lamang ay nararamdaman kong parang gumagalaw yung pinky finger niya't sinusuyo yung akin. Napakagat naman ako sa labi at hinayaan nalang siyang laruin niya ang pinakamaliit kong daliri gamit nung sakanya. Pasimple ko rin tong nilalapit ang kamay ko sa kamay niya at nararamdaman ko rin na parang papalapit rin ang kanyang kamay sa may hita ko. 

Pulang pula na ako! Feel na feel ko na talagang nag-iinit ang pisngi ko at hindi ko na rin kayang pigilan ang pag-ngiti ko kahit kagatin ko pa ng todo todo ang labi ko. Kaya huminga naman ako ng malalim at umubo saka palihim na tumingin kay Minjeong. 

Ayun, nakatanaw pa rin sa labas ngunit hindi rin nakatakas sakin ang pamumula ng pisngi niya dahil halatang halata ito kasi naaarawan siya't sobrang puti rin niya. 

Hindi pa rin nagtitigil ang mga daliri naming dalawa sa paglalaro nila sa isa't isa. Tinignan ko itong mga ito at nakita na lamang na kinuha na niya ang kamay ko't dahang dahang pinagsaklob ang palad namin. Habang nakapatong lang ang kamay ko sa kamay niya, nilalaro pa rin niya ang isa kong daliri gamit ng daliri niya at kalaunan rin at inintertwine niya na ang mga daliri niya sa kamay ko.

Ramdam ko na talagang sasabog ako sa kilig, mumsh!

Hindi ko na kinakaya!

Sigurado na rin akong ramdam na niya ang panlalamig ng kamay ko.

Hindi sa mahigpit niyang pagkakahawak dito kundi dahil sa kaba at kilig na dinadama ko ngayon! 

"Ang lamig ng kamay mo," bulong niya sapat lang na marinig ko. Nakatingin na pala siya sa mga kamay naming magkahawak at tumingin siya sa akin.

"Adjust natin ang aircon?" Umiling naman ako at napapikit nalang dahil hindi ko kayang tumingin sakanya. 

"Kinikilig ka sakin?" Ano ba namang tanong yan! Napamulat nalang ako at talagang nilakasan ko ang loob kong tumingin sakanya.

Hindi ko alam ang sasagutin.

Pinisil niya ang kamay ko na para bang naghihintay ng sagot ko. 

Nakatitig lang siya sa mga mata ko at ako naman ay hindi rin nagpatinag dahil nilabanan ko rin ang mga titig niya sa akin.

"Kinikilig rin ako." Sambit niya lang saka siya ngumiti ng matamis at umiwas na rin ng tingin sakin nang hindi pa rin naaalis ang ngiti niya sa labi.

Wala na! 

Uwian na. Kotang kota na ako ngayong araw.

Hindi ko na kailangan pang pumunta sa EK para mabuo ang araw ko!

 

Hey Daydreamer
You gotta be prepared to leave her in your fantasy
Coz when it's over, you gotta make sure
That it's you who'll be with her

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭