Vampire Encounters: Not a Love Story (?) (Part II)

Scraps

“Minjeong, is there something wrong? Kanina ka pa hindi mapakali. What’s bothering you?”

Napatingin si Minjeong sa nagsalita at nagmula ang boses sa bagong dating lang na si Giselle.

“Aeri…”

“I saw you getting all fidgety. Kinakabahan ka pa rin ba kay Atchi?”

Mabilis ang pag-iling ni Winter sa tanong ng kaibigan na ngayon ay tinabihan siya sa kanyang pwesto.

Nasa pulong na sila ngayon.

Pulong ng mga nilalang na naghahasik ng kamatayan at lagim sa oras na bumilog ang buwan.

Nakapalibot ang mga nakaitim na pigura habang nakikinig sa mga litanya at diskusyon na kasalukuyang ginagawa ng kanilang Pinuno.

“No. May iniisip lang.”

Hindi rin naman kasi maipagkakaila na sa mukha palang ni Winter ay masasabi mo na talagang may bumabagabag sa kanya ngayon.

Idagdag mo pang matalik na kaibigan niya si Giselle kaya wala rin namang magagawa kung itatago pa niya ang paga-alinlangan na dinadama niya ngayon.

“I’m sure Yizhuo will be fine. She can handle herself if ever mahuli na naman siya ni Atchi na wala na naman ngayon sa pulong.”

Sana nga si Ningning nalang ang inaalala niya ngayon, panalangin ni Winter.

Kaso hindi eh.

Hindi niya pa rin malimutan yung horror at takot sa mukha ni Karina kanina nung nalaman nito ang tunay niyang anyo.

Pilit mang ‘wag munang isipin ni Winter ang pangyayari kanina, para bang nakapaskil na sa utak niya’t hindi mawala wala ang lagay nung dalaga.

Si Karina lang naman ang dahilan kung bakit siya nag-aalala ngayon.

Maraming dahilan para mag-alala. Mga what if’s ay walang prenong pumapasok na sa isip niya.

Paano niya ie-explain ang lahat. Paano yung lagay ni Karina ngayon. Paano kung lumayo ito sa kanya dahil sa nalaman. Paano kung isinusumpa na siya ni Karina sa mga oras na ‘to.

Anong gagawin niya kapag naging makatotohanan na ang mga pag-aalala niya?

Hindi naman siya si Jessa Zaragosa pero parang hindi niya yata kaya.

Magalit na ang lahat sa kanya, ‘wag lang si Karina.

Lumayo na ang lahat kay Winter, ‘wag lang ang babaeng kanyang sinisinta.

“Earth to Minjeong.”

Nag-snap pa ng fingers si Giselle sa harapan ni Winter.

“Oh, I’m sorry. May iniisip lang talaga ako.”

“Care to share? I’m all ears, Min.”

Instead of answering, nginitian nalang ni Winter ang kaibigan at muling humarap para makinig na ng masinsinan sa pulong.

Mahirap na. Baka siya pa ang pagdiskitahan ni Atchi.

“I just really hope may matinong reason si Yizhuo kung bakit wala siya ngayon dito.” Ani Giselle.

Hindi nalang sumagot si Winter. She knows very well kung ano ang rason at bakit wala siya sa pulong ngayon.

Siya lang naman din naman kasi dahilan eh.

“Kung kailan pa naman nalalapit na ang araw ng pag-aalay, saka pa siya aabsent sa mga ganitong meeting. Pagsabihan mo ‘yang kaibigan mo, Minjeong ha.” Seryoso niya pang habol.

Kung ide-describe natin si Giselle, isa siya sa mga mapagkakatiwalaang tao. May prinsipyong sinusunod at tapat sa tungkulin nito bilang isang miyembro ng mga nakatataas sa hukuman nila.

Strikto. Ibang iba sa pag-uugali ng dalawa na chill chill lang sa buhay nila.

“Bago ko tapusin ang pulong na ito, gusto ko lang ipaalam sa inyo ang mga dapat ninyong gawin para sa ating nalalapit na pag-aalay.”

At nagpatuloy na sa pagbibigay ng paalala ang pinuno sa mga miyembro.

Alay. Isa sa mga pinakahihintay na ganap ng mga bampira sa buong buhay nila.

Maghahanap ng mga taong pwede nilang makain at gagawing pista ng dugo’t mga walang buhay na katawan ng mga tao.

Gagawing salu-salo ang mga kate-katerbang fresh blood mula sa kanilang pagh-hunting.

Nakakakilabot, diba?

Natapos na ang pulong at nagsi-alisan na ang mga bampirang nagtipon tipon sa loob.

“Soobin.”

Malakas ang pagtawag ng kanilang pinuno sa isang lalakeng paalis na rin sana.

“Maiwan ka rito. At ikaw Minjeong,” tumingin sa direksyon ni Winter ang pinuno saka tinitigan ito ng mata sa mata, “samahan mo ako.”

Napa-mentally facepalm nalang si Winter dahil alam na niya ang mangyayari.

Habang si Giselle naman ay nakatingin lang sa kaibigan.

Ano na naman ba ang kailangan nila?

 

 

 

Winter

The moment Atchi called my name, alam ko na kung bakit niya ako pinaiwan dito ngayon.

It’s because of that stupid na ginawa ni Soobin kanina.

“Nabalitaan ko yung nangyaring sagupaan kanina.” Even when I’m not looking at Atchi, I can feel her stares bore into me.

Kami kami nalang ni Atchi, Soobin at Giselle ang natira dito.

Tahimik ang paligid.

Maski si Soobin na puno’t dulo ng kung bakit ako nandito ngayon ay nananahimik.

Ngayon ka pa talaga natakot? ing hell.

“Walang magsasalita sa inyo?”

I kept my mouth shut.

Ayokong maging defensive if I tried to explain my side without them asking it.

After all, hindi naman ako yung nanguna sa gulo kanina.

“Minjeong, I was told you were protecting a human,” doon na ako tumingin kay Atchi.

Seryoso ang mukha, namumula ang mata.

“Why would someone like you protect something na hindi naman dapat, Minjeong?”

“She’s innocent. At bakit hindi ko naman gagawin? There’s nothing wrong about it.”

This time, sumagot na si Soobin. “Well, that’s absurd, Winter. Eh kung hinayaan mo nalang sana akong kainin siya on the spot kanina, edi sana hindi tayo nagkakaroon ng diskusyon ngayon dito.”

As much as possible, I’m keeping myself calm.

I don’t think I can handle it kapag nagpatuloy pa kami sa diskusyon na ‘to.

“Who the do you think you are para gawin ko ‘yun ng basta basta?” I pointedly looked at Soobin who’s smirking on the other side of the table.

“I don’t know. Hindi ba normal naman sa ‘tin yung ganun? And I told you, wala pa akong iaalay-“

“Then go find another. ‘Wag kang mag-angkin ng hindi sa’yo, Soobin.”

“And so do you, Winter. Hindi mo naman siya pag-aari, hindi ba?”

“Silence!”

Naiinis ako.

Pero kung paiiralin ko ang inis ko ngayon, mas lalo lang ako madedehado.

I shouldn’t be letting my emotions take up on me. Lalo na nitong oras na ‘to.

“Minjeong ano ba talagang nangyari?” Aeri calmly asked. Mabuti nalang at nandito ang kaibigan ko.

Kahit papaano, I found sense of calmness amid this mess.

“I wasn’t even doing anything. Pauwi nalang kami ni Karina then I can sense someone’s stalking us. Before I knew it, isa pala siya sa mga tao ni Soobin na bigla bigla nalang ding susulpot just to put up some fight.”

Totoo naman.

Karina collapsed noong sinunggaban siya ni Yeonjun.

Mabuti nalang mabilis ang paggalaw ko at hindi siya nito nadapuan ng kamay.

Kaso I let my guard down easily forgetting there were five of them kaya nagalusan si Karina ng isa pang tauhan ni Soobin.

That’s when I felt the urge to attack this mofo.

Naramdaman ko yung galit nung napabayaan kong masaktan si Karina right before my eyes.

And I think that is enough reason para makipagbardagol sa lalaking ‘to.

“Anong tawag mo sa mga ‘to, Winter? Ikaw ang may kagagawan kung bakit ako nagkagalos,” may paturo turo pa siya sa mukha’t braso niya na puno ng sugat.

Man, I really did him bad kanina. They looked horrible as hell.

“I didn’t. Ikaw ang nanguna and you yourself was the reason why you had those stupid scratches.”

“Bakit ako? You attacked me!”

“Well, sabihin mo ‘yan sa kasama mong tanga na basta basta nalang sinugod si Karina! She’s innocent for ’s sake!”

“Minjeong, enough!”

ing hell.

Ako na nga ‘tong walang ginawa, ako pa ‘tong masama.

“Enough! Both of you enough!”

Humihinga na ako ng malalalim ngayon.

I’m getting stressed and all dahil lang sa kagagawan nila nung grupo ni Soobin.

Just when I thought Soobin was as calm as me, naisipan na naman niyang bumanat,

“None of this would’ve happened if you just let me devour that woman earlier.”

That’s when I lost all my control.

The next thing I knew, I’m holding onto his collar and had him pinned in the wall.

I could kill him in an instant at this very moment.

“At kung makaasta ka naman, bakit ganyan? Don’t tell me…” his smirk got even more annoying sa paningin ko, “…you have something deep para dun sa babae?”

 

 

 

 

 

 

 

Weeks passed since that incident happened.

There are no signs of Karina at all.

Hindi na pumapasok sa office, hindi ko na rin mahagilap kahit saan.

I tried contacting her number pero mukhang nagpalit rin siya. Either hindi sinasagot, madalas unattended yung contact.

I’m feeling hopeless.

I’m getting worried as days go by.

Wala akong balita sa kanya. Ni hindi ko nga rin alam kung saan yung sa kanila even if I wanted to go visit her.

Yung mga worries ko… they’re getting real.

Those never-ending what ifs after that fight, they are happening now.

I was wondering kung ano yung napag-usapan nila ni Yizhuo that night when I left her sa care ni Yizhuo while I attended the meeting.

That’s the reason kung bakit wala si Yizhuo, she’s with Karina because I can’t let her be na siya lang na maiiwan doon sa apartment ko.

I had to calm her down first before I left my space, with her in the care of Ning.

Kahit ayaw ko naman talagang umalis that time.

Nung hindi ko na siya makita sa office parang nawala na rin yung will ko para magtrabaho.

Don’t get me wrong. Kahit bampira kami, we still need to work ourselves out.

Mahal ang cost of living saka hindi naman kami makakasurvive ng puro pagh-hunt lang.

Of course, we need to be careful too para makapag-blend in sa mga tao.

We still look like humans after all.

Medyo nagiging pale nga lang sometimes kapag nagiging bilog na ang buwan, just like what happened noong napansin ni Karina ang pagkaputla ko.

I was really trying so hard to get a hold of myself dahil baka mag-iba ang anyo ko while I was with her.

May hunch na rin ako sa possible na mangyari that night because, una, late na masyado at ganung oras madalas nagsisilabasan ang mga bampira.

Pangalawa, full moon. Mas malakas ang power namin compared sa normal days.

Pangatlo, I just wanted to be with her talaga noon. Aside from gusto kong masiguro na safe nga siya, gusto ko talaga siyang makasama ng mas matagal.

Palagi naman.

Kaya I was happy when we started to get close with each other.

Masaya pa sa masaya.

Those moments we had na sabay kumain ng lunch, mag-aaya rin ng kape afterwards… they were always precious to me.

Para silang treasure na iniingat ingatan ko kasi gusto ko sa bawat saglit na kasama ko siya, naaalala ko lahat.

I wanted more of them, I wanted to have more moments with her.

I wanted more of her.

Kaya I can’t blame myself if hindi ko maiwasang hindi isipin yung what if ko: “what if tuluyan na siyang lumayo sa akin at hindi na nagpakita ever?”

“Tulala ka naman, kaibigan.”

Si Yizhuo na nilapag ang lunch sa desk ko.

Naaalala na naman kita, Karina.

“Kumain ka na kaya. Nangangayayat ka na rin, pagalitan pa ako ni Aeri pinapabayaan kita.”

“Thank you,”

Sabay na kaming naglunch ng kaibigan ko.

All our officemates went outside para kumain sa carinderia, kaming dalawa lang natira dito.

Good thing though, hindi kumalat yung incident.

They seemed to act normal pa rin at thankfully wala na namang panibagong chismiss na pinagsasaluhan ang officemates ko.

Yizhuo said they were all having a cup of tea sa ‘ming dalawa ni Karina just because we were often seen together.

We’re dating daw.

I don’t know but I always find myself smiling thinking at the thought of us being together.

Kaya pati si Yizhuo nagdududa na rin every time na tinatanong ako.

“Huy kain ka na. Ngingiti ngiti mo pa diyan? Subuan pa kita para hindi ka na mangayayat?”

“Sige nga?”

“Okay baby. Say aaaaahh”

Tinawanan ko nalang ang kaibigan ko.

Mabuti nalang I have Ning beside me.

Kahit papaano, nababawas yung worry ko sa pag-aassure niya sa ‘kin in regards kay Karina.

“I’m sure she’s fine, Minjeong. She’s taking her time to digest everything.”

Mga ganyang thoughts niya whenever napapansin niyang napapalalim na ang pag-iisip ko.

Knowing she was there for Karina kaya napapanatag rin ako tuwing sinasabi niya ‘yan.

I knew I could trust Yizhuo.

“You think so?”

“Oo naman. Understandable naman kasi na mabigat for her yung nalaman niya eh,”

“Baka kinasusuklaman niya na nga ako at this moment.”

Nginitian lang ako ng kaibigan ko.

“Siguro nga, nakakatakot ka kaya kapag nakalabas ‘yang mga pangil mo. Mukha kang nangangagat na maltese.” Saka niya ako tinawanan.

“Ang ewan mo,”

The day went well naman. Walang bago, puro trabaho pa rin inaatupag ko.

I’m on my way sa apartment ko nung nakababa na ako sa taxi, nagugutom na ako. I want something to eat.

Something fresh.

Nakapasok na rin ako sa wakas after all that lakad na ginawa ko.

Parang humaba nga yung nilalakad ko than the usual or baka sobrang gutom lang talaga ako at the moment.

Tumuloy ako sa kusina and to my surprise, nadatnan ko si Aeri dito.

Preparing pack of blood, a fresh one I can say.

“Oh, you’re here na pala. Good thing I have prepared your dinner beforehand.”

“Yeah. Kadarating ko lang. Do you need help?”

“I can handle it na, Min. Upo ka nalang diyan.”

Umupo na ako sa isa sa mga upuan as I watched her do her thing sa counter ko.

Sa aming tatlo ni Yizhuo, siya yung pinakamaasikaso.

She can be strict and serious sometimes, sure. Pero on the other side of her personality, she’s such a soft-hearted-caring woman.

Thoughtful, loyal, lahat na ata ng magagandang bagay nasa kanya na.

“Staring is rude, Minjeong.”

“I wasn’t staring at you.”

Not to mention, mas malakas na senses at mabilis na reflexes.

“Liar.”

Natawa nalang ako sa kanya.

Natapos na rin siya sa pagp-prepare ng makakain namin.

Ngayon, tahimik na naming ninanamnam ang freshly heated blood na inasikaso niya kanina.

“If I’m not mistaken, last na ‘yan sa storage mo. Nauubusan ka na pala ng pagkain. You should’ve told me para nadalhan kita from my crib.”

“I didn’t know na dadalo ka pala ngayon. Akala ko bukas pa yung punta mo eh,”

“You’re under my surveillance. Pwede naman akong dumalaw sa’yo whenever I want, diba?”

Oh, Aeri.

You and your mother-like instincts.

“Right. I’m sorry mom, pero atleast madadalhan mo na ako ng food bukas pagbalik mo.” I cheekily smiled at her which made her roll those eyes.

“Whatever.”

Atchi made the decision na ipabantay muna ako kay Aeri in case na gumawa ‘raw’ ulit ako ng gulo.

Eh hindi naman ako yung nanggulo in the first place.

But still Atchi insisted kasi nga, rules are rules. May sinusunod pa rin kaming batayan at batas.

The hell I care to that stupid notebook. Sheesh

I know I should be atleast grateful dahil si Aeri ang nagbabantay sa ‘kin. Kasi kung iba ‘to, hindi na ‘ko nakinig.

Inunahan ko na siya insisting I’ll be the one who’ll do the dishes. Because knowing her, gagawin niya talaga yung loob niya dito ngayon.

Buti nalang mapilit ako. I made her watch over me habang hinuhugasan mga pinagkainan namin.

“Who was that girl again? Karina?”

Upon hearing her name, I felt myself stiffened.

I wasn’t ready to have that conversation with Aeri.

“I’m a bit surprised because you went all the way through just for her sake,”

I let her speak, hearing her thoughts while still doing the dishes.

“You looked like you were even eager to risk everything, Minjeong.”

Humigpit ang paghawak ko sa sponge.

Damn.

I really am not ready to have this conversation.

“Seeing you behave like that is unusual, you know? First time kitang makitang mag-snapped out dahil lang sa isang tao, sa isang babae.”

“And nung nabalitaan ko kay Yizhuo both of you lost contact with each other, kapansin pansin na naman yung behavior mo. You looked unmotivated, ibang iba sa usual Minjeong na nakikita namin.”

Napalunok ako.

All her words… para silang tumatagos sa sarili ko.

“And that’s when I figured out, she’s not just a woman. Tama ba ako, Min?”

Because they were all true.

Karina is not just a woman.

Pinatay ko na ang gripo saka hinarapan si Aeri, looked her straight in the eyes and said,

“You’re right.”

No response. Aeri’s just staring right back at me.

“But you know what you want is not possible, right?”

reality.

She didn’t have to slap it in my face just like that.

“Right.”

 

 

 

 

 

 

 

(TW: Blood, dugo, more dugo, dugo, dugo)

I feel sticky and I badly wanna be home now then get all cleaned up.

I should’ve known better at hindi na sumama pa kay Yizhuo na mag-hunt.

Hindi niya napigilan yung urge niyang kumain ngayon ng taong buhay kasi nagc-crave daw siya ng ibang klaseng dugo.

Dugo ng mga walking red flag.

Us vampires can sense what type of blood yung meron ang isang tao; kung good samaritan ba sila or walking inferno a.k.a people with bad deeds and criminal.

If I were to ask, mapili ako sa dugo. I want the clean and good ones. Ayoko ng basta basta.

Curious on how I eat my usual preys?

Pinupuntahan ko sila sa morgue.

I can’t kill innocent people and have their blood drunken by me.

Ayokong pumapatay.

Kaya madalas, hindi fresh ang naiinom/nakakain ko but that’s fine. I can survive naman. After all blood is blood pa rin.

Pero ‘tong si Yizhuo? Walang pinipili. Good or bad, she’s fine with it.

Hindi ko lang gets yung eagerness niyang pumatay talaga ngayon just to have fresh blood.

But kung diyan masaya ang kaibigan ko, so be it. Baka ikamatay niya pa ‘pag ‘di nakakain ng gusto niya.

“Wala ka na ba talagang stock sa apartment mo?”

I’m getting bored already. Kanina pa kami naghihintay dito sa taas ng bubong para lang mahanap yung susunod na prey ni Yizhuo.

“Kung meron man ako, hindi sana kita kinaladkad dito.”

“I could just give you some you know.”

“Yuck. Ayaw ko yung sa’yo. Baka matagal na ngang naka-stuck ‘yon sa kwarto mo,” I automatically rolled my eyes.

“Isumbong kaya kita kay Aeri?”

“Ikaw naman ‘di mabiro. Joke joke lang eh, happy happy lang tayo dito Minjeong.”

Nanahimik nalang ako.

I wanna go home.

“I can’t take you seriously, Yizhuo. Pwede naman tayong mangain dun sa ‘tin bakit of all places, dito pa talaga sa kabilang probinsya?”

Masyado sigurong nawili ‘tong kaibigan ko para mag-hunt to the point na inabot kami hanggang kabilang probinsya.

And no. We weren’t using any cars or taxis.

Lakad, talon, takbo saka lipad lang ang ginawa namin makapunta lang dito.

“Sabi kasi nila maraming krimen na nangyayari dito. Malamang maraming kriminal.”

“At kapag nahuli nila tayo then what?”

“Talagang tinatanong mo pa ‘yan, Minjeong? Edi lapain natin! Kill all of them until walang matitirang magiging witness sakanila,” she’s suddenly getting excited, “plus, marami tayong dugo na makukuha diba? Good for two months! G?”

“No. Iiwan kita mag-isa mo rito.”

“Pangit mo ka-bonding!”

 

 

 

 

 

 

 

Third Person’s POV

(TW: Blood, blood-eating, dugo, more dugo, killing, malulutong na mura. Pasintabi sa mga kumakain habang nagbabasa)

Nakamasid lang ang dalawa mula sa bubong at abang na abang sa mga naglalakad sa eskinita.

Isa isa nilang sinisiguro kung sino sino yung mga papasa sa taste ni Ningning bawat dumadaan na tao dito.

Kasalukuyang minamasdan nila ang dumadaan ngayon sa eskinita, nagrereklamo na nga rin si Winter na uuwi na raw dahil sobrang tagal na nilang nakabantay sa bubong.

Hindi naman bilog ang buwan pero bakit ang lakas ng trip ng kaibigan niya ngayon?

Magrereklamo pa sana ulit si Winter nang bigla naman siyang hila hilahin ng katabi, “Minjeong!! Nakikita mo na ba sila? Ayan oh! They came as a group at mukhang sinusunod yung ate!”

Wala nang nagawa si Winter at nagpahila nalang sa kaibigan.

Saka niya doon nakita ang nangyayaring kababalaghan sa baba nila, sa eskinita.

Nakasunod ang tatatlong lalaki sa babae na parang hindi pa rin napapansin ang nangyayari sa likuran niya.

Winter didn’t know but suddenly she got intrigued din sa nagaganap.

Parang may something sa kanya na sinasabing ‘wag munang umalis at samahan ang kaibigan sa kalokohan.

“What do we do now?”

“Kapag humarap na yung babae sa kanila, doon natin sugurin.”

“Bakit hindi pa ngayon? C’mon Ning, libreng libre na nga oh. Para hindi na rin tayo mahuli nung ate.”

Ningning hushed Winter saka mataman ulit nagmasid sa ilalim.

Things are getting interesting dahil napansin na rin ng babae ang tatlong lalakeng sumusunod sa kanya.

Mga tawang manyakis at sigaw ng babae na ang naririnig mula sa baba.

“T-tulong!”

Tumingin na si Winter sa kaibigan na ngayo’y nag-iiba na ang anyuhan.

Lumalaki ang ngisi ni Ningning saka humahaba na rin ang mga pangil sa ngipin.

“Yizhuo ano na?”

“Let’s get it on, Minjeong.”

Doon na nagsimula ang aksyon.

Tumalon mula sa tatatlong palapag ang magkaibigan saka sumakto pa ang pag-landing nila sa harapan ng tatlong lalaki.

“Ano ba naman kayo? Tumabi nga kayo! Alis!” gumegewang gewang pang saad nung isa sa kanila na may hawak pang baseball bat.

“What if ayaw namin?” asar naman ni Ningning sa mga lasing.

“Edi isasama rin namin kayo sa langit! Hahahaha sakto! Tatatlo kami, tig-iisa kami dito oh.” Papunta na yung isang lalake dun sa babaeng kanina pa nanginginig sa sulok.

Nag-init ang dugo ni Winter sa narinig.

ing erts.

“Sabi sa’yo maraming krimen dito eh,” bumulong si Ningning kay Winter habang pinapanood ang dalawang lasing na todo ngisi naman sa kanila.

“Bitawan mo nga ako! Manyak!”

“Shhh… pretty pretty mo naman,” saka pa hinaplos nung lalake ang babaeng balot na balot.

Naka-beanie at scarf na nga lahat lahat, nababastos pa.

“I’ll take care of the girl. Kaya mo na yung dalawa noh?”

“Sus ako pa. Leave it to me, Minjeong. It’s showtime.”

Automatic namang naghiwalay ng direksyon ang dalawa.

Si Winter na pumunta sa side nung babae

At si Ningning na masayang makipagbakbakan sa dalawang lasing.

‘Maraming dugo rin ‘to, noh.’

“Hey tard,” tawag ni Winter na nakalabas na ang mahahabang kuko, “come here,” sabay hand gesture sa dalawang daliri ni Winter.

Nahinto naman sa paghahawak nung lalake dun sa babae saka marahas na humarap kay Winter.

“Anong sabi mo? Retard?”

“Either of the two. Bagay naman sa’yo eh.”

“Aba’y tarantado ka ah!”

Nakaiwas sa unang suntok si Winter dahil na rin sa walang direksyon na pagsuntok nung lalaki. Chill lang siyang nakamasid dito at binabasa kung ano ang susunod na gagawin ng lasing.

“Lasing ako pero kaya kitang harapin! Babae ka lang!”

Isang suntok ulit pero this time mas malakas na, nakailag pa rin si Winter pero hindi niya inaasahan ang susunod na suntok mula sa lalaki.

Natamaan siya sa tiyan. Aray! Masakit ang pagkakasuntok ni lasing.

“. That hurt ha,”

Panalangin nalang natin na ‘wag mapuruhan masyado ni Winter yung lasing. Baka wala ng makain si Ningning dahil baka mauubusan ito ng dugo along the run ng gulo nilang dalawa.

Ginamitan na kasi siya nung mahahabang kuko, may mga galos galos nang natatamo yung lalake.

Dumako tayo kay Ningning na napatumba na pala yung isa sa kanila. Mukhang marami ang nainom nila dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa mga lasing na bampira ang kaharap nila’t hindi mga ordinaryong tao lang.

“Ang lakas mo naman! Taym pers, hinihingal ako ah!” sita pa nung kalaban ni Ningning.

Natawa siya rito at napapunas ng bibig.

Goodness, natatakam na siyang lapain yung isang walang malay sa kanila.

“Uy ang ganda naman ng ngipin mo ah. Magkano magpalagay ng ganyan? Gusto ko rin ng ganyan!”

“Ang daldal mo para sa isang lasing na lasing,”

“Lasing? Sinong tinatawag mong lasing? Ako ba yung lasing?” tinuturo turo na niya si Ningning, “Gago ka ah. Hindi ako lasing! Patunayan ko pa sa’yo?”

Nakangisi yung lalaki at doon na narealize ni Ningning ang gagawin nung lalake.

Palapit na siya kay Ningning habang nakahawak sa butones ng shorts niya.

“Tangina mo ka hindi tayo talo! Manyak!”

‘Wag na natin i-narrate kung paano napatumba ni Ningning yung manyak. Ang mahalaga ngayon ay basag ang ulo nung lasing saka lumalabas na ang dugo nito mula sa ulo.

Balik tayo kay Winter.

Hindi pa rin sila tapos nung ka-sparring niya.

Masyado atang magaling manuntok para sa isang lasing.

Not until kumuha na siya ng kutsilyo saka ito sinaksak sa tagiliran ni Winter.

Ang lalim.

“AAAAAAAHHHHHH!!!”

“Minjeong!!!”

Napabalikwas ang si Ningning nang marinig niyang sumigaw ng malakas ang kaibigan.

Namumula na ang mata ni Winter.

Hindi dahil sa nagugutom siya, kundi dahil sa sakit na dinadama.

Ang sakit ng pagkakasaksak sa kanya.

Sa sobrang sakit, mahigpit niyang kinwelyuhan ang lalaki saka pinadaan ang mga mahahaba’t matutulis niyang kuko mula sa tuktok ng noo pababa sa dibdib

“AAAAAAAHHHHHH!! TULOOOOOONNNGG!!! BITAWAN MO AKOOOOOO!! ARAAAAAAAAAYY!!”

Mabagal at madiin ang pagkakagalos ni Winter sa lasing.

Walang patawad nitong pabagsak na binitawan ang lalaki na punong puno na ng dugo ang mukha ngayon, barely even breathing at nakuha pang magmakaawa sa harapan ni Winter.

Nilingon niya si Ningning na busyng uminom ng dugo nung pinatumba niya kani kanina lang.

Hinintay muna ni Winter na tapusin ang business ni Ningning sa mga lasing. Pagkatapos nito ay humarap na siya kay Winter saka nagpunas ng bibig.

Nakaupo’t nagpapahinga na ang magkaibigan ngayon habang nakatingin sa buwan.

“Tapos ka na?”

“Ang pait ng dugo nila. Halatang mga masasamang damo.”

Napailing si Winter sa sinambit ng kabigan dahil mukha pa ngang naduduwal ito habang inaalala yung lasa ng kanyang kinain.

“Patingin nga ng sugat mo,” nakakunot noong kinuha ni Ningning ang nagdudugong tagiliran ni Winter.

“ ang lalim ne’to. Umuwi na tayo para maagapan na ‘yan. Yari tayo kay Aeri.”

“Ikaw kasi dinala dala mo pa ako dito eh,”

Nag-aalalang nakatingin lang si Ningning sa nanghihina niyang kasama. Nakaramdam tuloy ng konsensya dahil sa inabot ng kaibigan para lang sa sarili niyang kagustuhan.

“Kaya mo bang maglakad? Sakay nalang kita sa likod ko ha. Uuwi na tayo,”

“Minjeong huy Minjeong,”

“Tangina Minjeong!”

Natataranta, hindi mapakali at sinisisi ang sarili.

Ano bang gagawin niya sa kaibigan niyang halos naghihina na? Hindi na rin tumitigil ang pag-agos ng dugo mula sa tagiliran niya.

Nakapalupot na ang braso ni Winter sa may leeg ni Ningning habang akay akay siya nito. Gusto niyang humingi ng tulong kaso papano?

Hindi naman pwedeng sumigaw nalang siya dito. Baka mahuli pa’t mabistado.

“Tangina naman kasi, Yizhuo.” Bulaslas niya sa sarili.

Kung kailan nagbabalak na siyang tumakas kasama ang kaibigang nawawalan na ng malay, may bigla namang nag-offer ng kamay sa harapan ni Ningning.

Napatingin siya dito at tumingala.

 

 

 

 

 

“Karina?”

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
786 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭