Jowa on Duty

Scraps

"Bahaaaay namiiiin maliiit lamaaang pero pero pero pero malinis to, pati saaaa kusinaaaaa~" 

"Mahal ko si Yujiiii pagkat siya'y simple lamang, kahit anooong problemaaa basta't kami ay magkasamaaaa–"

"Winter pag di ka nanahimik, kakalbuhin talaga kita." 

Natahimik naman sa pagkakanta si Winter may tabi ko at tumigil sa paggigitara niya. Napatingin naman siya sakin.

"Bakit? Akala ko ba, gusto mo yung kinakantahan kita??" Inosente niya pang tanong saka sinimulang mag-pluck ng malumanay sa gitara niya.

"Ang ingay ingay mo kaya." Saka ko siya kinunutan ng noo. 

Patuloy lang naman siya sa pagp-pluck ng strings saka tumingin naman sakin at binigyan ako ng ngiti.

"Sorry na. Eto na, maayos na kitang kakantahan." 

Umubo pa siya at niready na ang sarili para kumanta. 

Hindi ko nalang siya pinansin saka nagbasa nalang ulit ng libro para makapag-advance reading na rin. 

Akala ko nga uuwi na tong si Winter at ihahatid lang ako pero dahil feel na feel na niya ang pagiging jowa niya sakin, inimbita niya na rin ang sarili niya na tumuloy muna sa kwarto ko.

Para masiguradong safe daw ako.

Ang sabihin niya, gusto niya lang ako makalampungan!

"Binibini sa aking pagtulog ika'y, panaginip ko~"

Kahit di ko siya tignan ramdam ko yung pag-ngisi niya sakin habang kumakanta. 

Pano ko ba to naging jowa? 

Hindi ko rin alam pano ako napasagot ng kumag na to.

"Oh kay ganda, oh kay gandang mag-alay sayo~" dama ko rin sa boses niya ang pang-aasar kaya mas tinuon ko nalang ang pansin ko sa pagbabasa. "Pst huy tingin ka naman dito, miss Ganda." 

"Baby ko uy, titingin na yan yieeeee." Inis pa akong lumingon sakanya at binigyan siya ng matalim na tingin. 

"Yun oh! Ganda pa rin kahit mangangagat na." Saka pa siya ngumisi at kinindatan ako.

Napairap nalang ako sa jowa kong malakas ang trip.

These days kasi, sobrang lakas niya mang-asar kung ikukumpara sa normal na araw lang. Tas sinabayan pa ng sobrang dali ko ring maasar sa mga nakaraang araw.

Yung konting trigger lang, maiinis ka na? Ganun yun!

Kung di ko lang din to jowa baka nasakal ko na eh. Ang kulit kulit kasi! Kanina ko pa pinapauwi, baka hinahanap na siya sakanila.

"I love you kahit masungit ka." Sabi niya habang tumutugtog pa rin sa gitara. 

"Heh! Hindi ka pa ba hinahanap sainyo?" Tanong ko saka tumingin na sakanya bago nung matapos ko ang binabasa kong lesson.

Umiling naman siya at tumigil saglit sa pag-gitara saka tinignan ako, "Dito ako matutulog." At ngumiti siya ng parang walang bukas. 

Kumpleto yung ngipin eh, ngiting ngiti ang tita niyo!

"Luh sinong nagsabi? Di naman ako pumayag." Saka ko siya tinaasan ng kilay.

Tinabi niya ang gitara niya sa may side table ko saka niya ako tinabihan dito sa may kama ko. 

Hindi pa rin naaalis ang tingin ko sakanya at kinuha niya ang kamay ko. 

"Ako yung nagsabi, baby. Bakit? Ayaw mo bang tabi tayong matulog?" Saka pa siya nagpa-cute sakin habang nilalaro na ang kamay ko.

Aba! Napaka-paladesisyon talaga neto!

"Ayaw ko. May problema ba tayo dun?" 

Nakita ko naman ang mas lalo niyang pag-pout at lumapit pa lalo sakin. 

Bat ba ako naiinis sakanya? Urghhhh 

"Ehhh! Baby naman weekends naman bukas eh. Dito na ako matutulog." Pagpupumiliti niya pa. 

"Wala ka namang damit paano ka magbibihis?"

"Edi pahiram ako! Grabe babe, para naman akong others ah." Saka na rin kumunot ang noo niya.

Tignan mo to. Mago-overnight tas wala naman palang dalang damit!

Nagtitinginan lang kami dito na para bang nag-uusap pa rin ang mga mata namin at nagaalitan dahil sa biglaan niyang pagdedesisyon na matulog nalang dito at wag nang umuwi.

Napabuntong hininga nalang siya at naging soft na rin ang mukha, "Baby naman kasi, masama bang gusto lang kitang makasama? Namiss rin naman kita ehh..." malambing niyang sagot saka tumingin na sa kamay naming hawak hawak niya at nilalaro mula kanina.

"Palagi naman tayong magkasama, namimiss mo pa rin ako?"

"Palagi ngang magkasama pero sinusungitan mo ako!" Saka siya muling nag-pout. 

Ang cute naman niya, kainis

"Lakas mo kayang mang-asar! Nakakainis ka kasi palagi mokong pinagtitripan." Saka ko pinisil ang ilong niya.

"Baby masakiiiiit! Araaaaay!" Sigaw niya kaya napabitaw na rin ako.

Sorry naman! Huhuhu nanggigil kasi ako sa kacutean ng girlfriend ko eh!

Nakita ko yung pamumula ng ilong niya habang hawak hawak niya ito at nakita ko na rin na parang paiyak na si Winter.

"Baby naman, ang sungit sungit mo na nga tas nananakit ka pa. Di mo na ba ako love?" Saka siya tumingin sakin ng may nangingilid na luha sa mga mata niya.

Para naman akong naging soft for a moment dahil sa jowa ko. Mukha siyang baby na kakagaling lang sa iyak kasi namumula ang ilong tas ang lambing lambing ng tono.

Jusko huhuhuhu sorry baby!

"Hindi naman masakit bat ka naiiyak? Halika na nga dito," saka ko siya niyakap at siniksik ang mukha niya sa may leeg ko. 

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sakin sa bewang ko at tuluyan nang bumigay sa yakap ko. Naramdaman ko yung paghigpit niya ng yakap niya eh.

"Hindi naman ako iiyak kung hindi masakit eh.." humihikbi hikbi pa niyang sagot at lumapit pa lalo sakin. 

Hinayaan ko lang siya na yakapin ako habang hinahagod ko naman ang likuran niya. Kahit mabasa ang shirt ko, sige lang.

Namiss ko rin naman tong girlfriend kong ubod ng kakulitan.

Makalipas ang ilang minuto, tumahan naman na siya at dahan dahang nilayo ang katawan niya sakin. Hinintay ko lang naman siya na ayusin niya ang sarili niya dahil pupunas punas siya ng mukha niya at mga mata.

"Ayaw mo ba talaga akong matulog dito?" 

Para akong nanlambot sa tono ng boses niya at itsura.

"Inaalala ko lang naman kasi baka hanapin ka nila tita eh." 

"Nag-text naman na ako sakanila, baby. Pumayag naman sila.." tahimik niyang sagot at tumingin na sakin. 

"Nakakatampo ka na nga eh. Pero, dinadaan ko nalang sa pang-aasar para kahit papano mapansin moko." 

At ayun na nga po. Nakaramdam nga ako ng tampo sa boses niya.

"Di mo na ba ako love? Tas tuwing magkasama kasi tayo, palagi mo akong inaaway."

Umiling naman ako at pinunasan ang mga luha niya, "Baby... hindi. Hindi sa ganun, okay? Sorry na. Babawi ako sayo." saka rin ako ngumiti sakanya.

"Tapos tapos, grabe ka pa mang-away, alam mo ba yun?" Saka siya nag-pout ulit. 

Natawa nalang ako sakanya at di sumagot. 

Siniksik ko siya ulit sa leeg ko saka niyakap ng mahigpit.

Namiss ko talaga girlfriend ko.

"I'm sorry, baby. Bati na tayo?" 

"Ayaw. Kiss mo ako muna," 

Lumayo siya ulit sakin at tumingin sakin, "yung ilong ko namumula hanggang ngayob. Kagagawan mo to oh." Saka niya tinuro to.

Kaya naman binigyan ko siya ng kiss sa ilong niya at nginitian pa pagkatapos.

"Eh ito? Dito babe oh, kailangan din dito." Nakaturo rin siya sa lips niya at bahagya pang naka-pout ito.

"Di naman yan masakit ehhh."

"Masakit kaya! Ilang araw akong walang kiss sayo, hindi masakit yun? Hindi lang pala masakit! Mahirap din! Kaya dapat–"

Pagkatapos ko siyang pakinggan sa pagra-rant niyang walang kiss, di ko na siya pinatapos at hinalikan ko na rin siya sa lips niya para magtigil na rin sa kakareklamo.

Madaldal to eh.

Humiwalay nako sa halik only to find out na ang luwag luwag ng ngiti niya ngayon. 

Parang di napingot sa ilong niya ng sobrang sakit.

"Ay grabe, parang kulang yun baby. Gusto ko pa."

"Heh, magtigil ka Kim Winter. Nagugutom na ako kaya– hmmmphhh"

Hindi ko rin natuloy ang sasabihin ko dahil hinila niya ako para sa isang halik ulit pero this time, medyo matagal. 

Hawak hawak niya ang magkabilang pisngi ko at marahang ginagalaw ang lips niya sakin kaya medyo napapasabay na rin ako sa galaw niya.

Na-feel ko pa nga yung pag-smile niya between the kiss kaya napangiti rin ako. 

Bago pa lumalim ang halik ay dahan dahan naman siyang tumigil at humiwalay. 

"I love you baby ko," mahina niya lang sinambit pero enough na para marinig ko.

"I love you more, baby." Saka ko siya hinalikan ulit sa lips niya pero smack lang.

Mga ilang segundo muna siguro kaming nagtititigan at natawa naman kalaunan. 

She pulled me for another hug but this time, ako yung nakasiksik sakanya. Naamoy ko na naman ang pabango niyang anlakas makahapit ng babae dahil sa cool scent neto pero sorry sila.

May jowa na si Kim Winter at ako lang naman yun ahihihihi

Nakasandal sa may headboard ng kama ko si Winter habang ako naman ay nakaside hug pa rin sakanya at nakapahinga ang ulo ko sa may dibdib niya. Nararamdaman ko rin ang paghaplos niya sa buhok ko habang nakadampi lang ang labi niya sa may ulo ko.

Oha. Ang sweet namin ng jowa ko noh? Mamatay kayo sa inggit. 

"Ate Rina, baba na raw kakain na tayo—" napatingin kami ng girlfriend ko sa nagbukas ng pinto at nakatayo dito si Ningning, ang pinsan ko. "–atleast man lang, mag-lock kayo ng pinto ano? Naglalampungan pa kayo diyan." Bitter niyang sabi at halatang di natutuwa samin ni Winter kaya naman biglang natawa tong jowa ko.

"Uso naman kasi ang kumatok, diba?" Sagot ni Winter habang kumakawala na kami sa isa't isa at inayos na ang mga sarili.

"Kanina ko pa kayo tinatawag pero walang sumasagot!" Asar na sagot naman ng pinsan ko, "Baba na kayo ah! Uubusan ko kayo ng tortang talong!" 

At sa isang iglap ay nakasara na ulit ang pinto kaya nagkatingin kami muli ng jowa ko saka natawa.

"Tara na bago pa umakyat ulit yun," pag-aaya ko sa girlfriend ko saka hinawakan siya sa kamay.

 

Nakakain naman kami ng matiwasay sa hapag kainan kanina pero syempre, di kami nakatakas kay Ningning na sobra kung mang-asar. Tawa nalang ang naiaambag ko sa usapan dahil si Winter at Ningning lang ang nag-aasaran.

Dito kasi namamalagi si Ningning samin habang nasa abroad ang mga magulang niya. 

Siya na rin ang naghugas ng plato dahil siya na rin ang nag-offer nito kahit pa sana kukunin ni Winter yung mga hugasin, di siya pinayagan ni Mama dahil bisita daw namin siya.

Ngayon, nasa kwarto na ulit kami ni Winter. Nag-uusap kung sino ang mauna sa banyo at maliligo.

"Baby ikaw muna ang mauna, gusto mo ba?" Malambing niyang tanong sakin habang pumipili siya ng damit sa drawer ko.

"Sure ka? Pwede naman ikaw muna. Medyo busog pa ako baby eh," sagot ko habang nakaupo sa may kama ko at nagtitingin tingin ng movie para sa papanoorin namin mamaya ng girlfriend ko.

"Oh sige ako muna." Sabi niya saka na niya bitbit yung mga damit niya at twalya niya. Pero bago pa siya lumabas, lumapit muna siya sa kinaroroonan ko. 

Tumingin naman ako sakanya saka naman niya ako binigyan ng kiss sa tuktok ng ulo ko, "I'll be back, baby. I love you!" habol niya pa saka tuluyang lumabas sa kwarto ko.

Ang sweet talaga ng girlfriend ko, kainis! 

 

 

Winter

Patapos na akong maligo dahil di ko rin naman kayang magtagal sa banyo nila Karina. Ang lamig ng tubig parang sa Baguio. Masarap naman maligo kaso baka sipunin ako. Ayoko naman nun.

Pabalik na ako sa kwarto ng girlfriend ko, nakabihis na rin ako at nakabalot ng twalya ang buhok ko. Buti nalang may mga bagong undies si Rina na sinabi niya sakin kanina kaya di ako medyo namroblema sa susuotin ko panloob.

Nang makapasok nako ng kwarto niya, nadatnan ko siyang nagb-browse pa rin sa laptop niya. Tinawag ko siya at sinabihan namang tapos na ako.

Agad agad naman siyang tumayo sa kama at kinuha na rin ang mga gamit niya para maligo, binigyan pa ako ng kiss sa cheeks bago lumabas kaya mukha akong timang na ngingiti ngiting mag-isa ngayon dito sa kwarto niya.

Sinabit ko naman ang twalya sa may mahahabang hanger niya dito sa kwarto at saka na tumuloy sa kama niya para makapaghanda na ng pwesto.

Panigurado, lampungan lang kami ng girlfriend ko magdamag. Feel ko nga di rin ako makakatulog agad kasi gusto ko pang makasama si Karina.

Nang kumportable na akong nakapwesto sa kama niya, tinignan ko ang screen ng laptop niya at nakita yung movie na nakahanda.

"Cloudy With A Chance of Meatballs?" 

Kakakain lang namin ng girlfriend ko pero pagkain na naman ang gusto niyang panoorin. Natawa ako sa choice of movie niya.

Sa itsura kasi ni Karina, hindi siya yung aakalain mong manood ng ganitong klaseng movie. Masyadong seryoso kasi sa buhay. Masungit at mataray, puro acads lang ganun.

Iba siya sa lahat. Hindi yung typical na babae lang.

Bukod-tangi ang pagkatao niya, bukod-tangi ang personalidad. At siya. Bukod-tangi siya mismo.

I guess dun ako nahulog sakanya.

Sa ugali niyang sobrang soft at warm, minsan ay hindi mo pa mabasa at malayong malayo sa itsura niyang intimidating at cold.

Sa personality niyang strong dahil may prinsipyo siya sa buhay.

Maraming rason at hindi ko na mabilang kung ilan pa ang meron para mahalin ko siya. 

Mahal ko siya dahil mahal ko siya. 

Ganun.

Sinilip ko yung oras sa cellphone niyang katabi lang ng laptop niya at nakitang maaga pa naman. Kaya pwedeng pwede pa ang mag-cuddle cuddle mamaya bago kami matulog.

Cuddle lang talaga.

Napangiti naman ako nung nakita ko yung lockscreen niya. 

Selfie naming dalawa, after class at may hawak hawak pa akong burger. 

Na siya rin yung kumain after kinuha yung picture dahil nagutom daw ang baby ko sa pagrereview niya for exams kinabukasan.

Speaking of, namiss ko talaga si Karina. Legit, real talk, peksman mamatay man tapon susi.

Sobrang busy niya kasi mag-review kahit na two weeks from now pa yung exams namin ulit. Kaya naman si ako, todo papansin kay girlfriend para makahalubilo naman siya kahit papano.

I mean, gets ko naman na she's doing it for herself. Wala namang kaso sakin yun. Ang sakin lang kahit konting oras lang, okay na.

Magrereview na rin kasi ako next week edi mas lalo kaming walang time sa isa't isa, diba? Pero I guess sa relationship, talagang maisa-sacfrice mo ang mga bagay bagay just make your relationship work.

Isa pa na sobrang dali niya ring maasar these days. Konti nalang, iisipin ko na talagang may dalaw ang baby ko. 

Grabe naman kasi yung pagtataray niya! Maski pagkurot napapadalas na rin. 

Pero dahil crush na crush ko naman tong girlfriend ko, okay lang. 

Kahit nga tapakan pa niya ako, ayos lang kasi I believe in Yu Karina supremacy.

Joke lang. 

Halos di ko na rin mahawakan kamay niya minsan kasi sakin ata binubuntong yung inis niya. Imagine diba. Ako yung kawawa.

"Babyyy I'm here naaa~" napatingin ako kay Karina na bagong ligo at kadarating lang sa kwarto. 

Ang cute ng girlfriend ko. 

Naka-pajamas siya na terno at nakamessy bun ang buhok niya. Nag-half bath lang pala ang baby ko.

"Lika na dito, tabihan mo nako," tinatapik ko pa ang tabi ko na maya maya naman ay tumabi na rin sakin. 

Kung ano yung pwesto namin kanina, ganun ulit ngayon. Yakap yakap ko siya at nakasandal siya sa may dibdib ko ang kaibahan lang ay hawak hawak ko ang isa niyang kamay ngayon.

"Game na baby?" 

Tumango naman siya kaya pinlay ko na ang movie. 

Nasa may hita ko ang laptop at mataman lang kaming nanonood ng girlfriend ko. 

Habang nasa kalagitnaan ng movie, nahuhulog na yung mga pagkain sa taas at umuulan ulan na rin ng malalaking different kinds of food.

Grabe, natatakam naman ako dun sa pizza na malaki.

"Babe, parang gusto ko ng pizza." Rinig kong bulong ni Karina habang nanonood pa rin. 

"Hmmmm?"

Di siya muling sumagot at nanood nalang ulit. 

"Baby, bili tayong ice cream tsaka pizza." Rinig ko ulit sakanya.

Gabi na saka diba busog pa tong girlfriend ko?

"Akala ko ba busog ka pa?" Sagot ko without taking my eyes off sa screen. 

"Baby nagc-crave ako ehh.." mahinang sambit niya saka humigpit ang pagyakap sakin.

"Bili tayo? Padeliver nalang para hindi na tayo lumabas."

Seryoso ba siya?

Naramdaman kong inabot niya yung phone niya sa may ilalim ng tuhod ko dahil di ko pala naligpit to kanina.

Pinagmamasdan ko lang naman siya sa ginagawa niyang pagtatype ng order niya at nawala na ang tingin ko sa movie.

Seryoso nga siya.

"Baby, anong gusto mo?" saka pa siya sumandal lalo sakin at tumingin naman ako sa screen ng phone niya, "hmmm? Kahit ano babe. Busog pa nga ako eh," sagot ko sakanya at inayos ang pagkakayakap ko sa girlfriend ko.

"Isang box ng pizza baby, keri na natin yun noh?"

Tumango nalang ako sakanya at nanood nalang ulit. 

Ano ba naman tong mga night cravings ni Karina. Baka dadalawin na talaga to.

"By, may dalaw ka ba?" Bigla kong tanong kaya kinurot naman ako sa tagiliran ng girlfriend ko.

"Ano naman kung may dalaw? Ikaw yung dalaw since bisita kita hahahaha" tawa niya sa sarili niyang joke. 

"Korni naman nun baby— Aray!!" 

Kinurot niya lang naman kasi ako ulit. 

Anong akala niya sakin, plushie toy. Bat grabe manggigil sakin tong girlfriend ko ngayon, Lord T.T

"Che! Wag kang hihingi sakin ng pizza mamaya ah." 

Nanood kami ulit at napagdiskitahan niya pa si Chicken Brent. Ewan ko ba pero tawang tawa siya dito kasi kinain daw siya nung whole roasted chicken tapos naging instant mascot siya ng manok.

Haynako, Karina.

"Baby..." malambing kong tawag sakanya.

"Hmmm?" 

"I love you.." 

Tumingin naman siya sakin at ngumiti rin after.

"I love you more." 

Tas kiniss niya ako sa lips.

Ng smack. 

Hihihi bwisit kinikilig ako!!

Ngumiti rin ako sakanya at mas nilapit pa siya sakin. 

Eto ang need niya ngayon. Alam ko na, kilala ko na tong girlfriend ko. 

"Anong date natin ngayon, baby?"

"Hmmmm? Aug 6, why?" 

Tama nga ako. Umiling nalang ako sakanya.

"Wala po." saka ko siya hinalikan sa side ng ulo niya.

"Ang lambing mo lately ha. May ginawa ka sigurong kasalanan noh?" Pa-suspicious niyang tanong sakin kaya mabilis akong umiling ulit.

"Grabe naman, di ba pwedeng namiss lang talaga kita?"

"Di ka naman ganito ka-lambing, ah??"

"Namiss nga kasi kitaaa. Babe naman eh," 

Tumingin siya sakin na parang binabasa ang mga mata ko kung nagsisinungaling ba o hindi.

Tinignan ko naman siya pabalik na parang nagtatanong rin at di ko napigilan matawa.

"Seryoso nga oh, ay nako wala akong ginawang kasalanan okiii?" 

"Eh bat natatawa ka??" Nakakunot na ang noo niya ngayon. 

Jusko po 

"Eh kasi naman wala nga kasi, okay?? Babe promise." Tinaas ko pa ang kamay ko na parang nagpa-panata.

Tinignan niya muna ulit ako ng masinsinan at bumalik sa panonood

"Sige, sabi mo eh."

Napailing nalang ako at nagpigil na sa pagtawa. 

Mahirap na. Baka maging dragon tong kasama ko.

May mga cravings: check

May change of mood: check na check

Mababaw ang kaligayahan: check na check

Boom! Oh diba, pasok lahat sa check list ko.

 

"Babe makakatulog pa ba tayo niyan?" Halos wala kong siguradong tanong sa girlfriend kong busy kumain ng pizza ngayon.

Pangalawang movie na namin to ngayong gabi at mukhang di pa matutulog si Karina.

"Hindi naman totoo ang mga nakita mo sa movie kaya makakatulog ka pa." Simpleng sagot niya at kumagat ulit sa pizza niya.

Nanood nalang ulit ako. 

Nakakatakot kasi ang movie. Kebs lang naman pero kasi baka di ako makatulog. 

Hindi naman ako takot noh.

"Hindi naman ako takot baby."

"Wala naman akong sinabing takot ka ah," 

Anabelle Creation lang naman kasi kaya keri pa. Ang ayoko lang yung mga jumpscare.

"Hahahahaha ampanget ni Annabelle mukha siyang chakadoll." 

Natawa siya dahil nakaflash sa screen ngayon yung mukha nung manika. Hindi ko na tuloy alam kung matatakot ba ako o matatawa nalang dahil sa mga side comments ng girlfriend ko.

Yumakap nalang ako sakanya mula sa likod dahil ngayong second movie na ang pinapanood namin, lumipat siya sa harap ko at naupo nalang between my legs.

Nakasandal ang buo niyang katawan sakin at ako naman ay nakayakap lang sakanya saka nakapatong ang baba ko sa balikat niya.

"Ay, yun na yon?" Tanong niya nang matapos na ang movie. 

"Tapos na pala hahahaha" comment ko naman at kumagat sa sinusubo niyang pizza sakin. 

"Nood pa tayo?" Tanong niya sakin habang naghahanap pa siya ng movies niya sa laptop, tumingin naman ako dun sa oras na nasa gilid ng taskbar niya at nakitang magwa-1 na pala ng umaga.

"Di ka pa ba inaantok? 1 na baby." 

"Ay oo nga noh." Tinuloy niya lang naman ang pags-scroll sa folder niya at muling nagsalita, "hindi pa naman ako nakakaramdam ng antok baby." 

Nga naman. Paano makakaramdam ng antok eh halos nakalahati niya yung box ng pizza. 

Mukhang gutom nga.

"Gusto mo na bang matulog?" Malambing niyang tanong sakin at pinisil pa ang braso ko na nakayakap sakanya.

Umiling naman ako.

"Naisip ko lang na baka gusto mo na magpahinga. Panigurado pagod ka sa kakakain."

Hinampas naman niya ako sa braso at tinignan ng matalim.

"Nagugutom kaya ako." 

Tumango tango nalang ako habang nagpipigil din sa pagtawa. 

"Manonood ka pa ba niyan?" 

"Hindi na. Halos natapos ko na kasi to lahat at napanood na natin eh," sabi niya saka na sinara ang laptop noya at nilagay yun sa side table. 

Umalis naman siya sa pagkakasandal sakin at kinuha na rin yung box ng pizza, "Tapon ko lang to saglit ha." 

Tumango naman ako sakanya at saka naman siya lumabas ng kwarto.

Naiwan ako dito sa kama niya mag-isa kaya napagisipan ko na pagpagin muna yung kumot at kama niya mismo para siguradong walang natirang particles ng pizza sa hihigaan namin.

Uminom na rin ako ng tubig dahil kumuha kami kanina ng pitchell para may tubig kami dito sa kwarto. 

Pagkatapos kong ayusin yung kama ni Karina, sakto naman ang pagbalik niya dito sa kwarto. 

Binigay ko sakanya yung isang baso ng tubig at ininom naman niya yun. Mahirap na, baka magka-UTI pa tong girlfriend ko pag di nainom pagkatapos kumain ng junk food.

Inaya kong mag-sipilyo saglit si Karina pero dahil kababalik niya lang sa kwarto syempre nag-tantrums pa siya ng very light. Sa huli, nagsabay rin kaming mag-toothbrush sa banyo at sabay na ring humiga sa kama.

"By, ayaw mo ba akong katabi?" Napansin ko kasing ang layo ng agwat naming dalawa sa kama.

"Wait lang, may chinecheck lang ako saglit." 

Nakasandal siya sa headboard ng kama niya tas ako, prenteng nakahiga na at ready nang matulog.

Lumapit naman ako kay Karina at yumakap sa may bewang niya.

"Sleep na tayo. Bukas mo na tignan yan." 

Late na rin kasi eh.

"Saglit nalang to." 

Napa-pout naman ako. 

Grabe, akala ko naman masosolo ko na siya after ng movie.

"Babe lika na kasiii sleep na tayooo,"

"Wait lang kasiii,"

Ano ba kasi yang tinitignan mo sa cellphone at parang mas importante pa sakin? Nakakatampo na ah.

"Ano ba kasi yan? Aso? Bat pinapanood mo aso?"

Bulaslas ko nang makita ko na nanonood siya ng videos from FB yung mga compilation ng aso.

"Baby they are so cute kasi! Huhuhu parang I want to adopt one tuloy." 

Napabuntong hininga nalang ako at umalis sa pagkakayakap sakanya saka tumalikod.

"Good night, baby. Sleep ka nalang mamaya ha." Sabi ko at pinilit pang wag magtampo ang boses ko.

Wala nakong narinig na response mula sakanya kaya inassume ko nalang na pipiliin niya ako over those damn dogs.

Char. Hindi ko naman kasi mapigilan ang wag magtampo. Gusto ko masolo tong bb ko eh.

Maya maya pa ay nakaramdam ako ng mga brasong yumakap sakin mula sa likod at ramdam ko rin yung mukha niyang nakasiksik sa may likuran ng leeg ko.

"Sorry na. I was about to sleep with you naman na kanina kaso napadaan yun sa news feed ko. Can't help it but to watch.." mahina yung pagpapaliwanag niya at talagang ramdam na ramdam ko sa may batok ko ang mainit niyang hininga.

Shems, para akong kinikilabutan.

"And baby believe me para akong maiiyak sa sobrang cute nila kasi, napanood ko rin yung video na mula pagkabata nila hanggang sa lumaki."

Hinayaan ko lang siyang magpaliwanag habang ako kinokontrol ko ang sarili ko para wag kabahan dahil sa sobrang lapit niya sakin. 

"Baby.. uy.. sorry na nga eh. Are you mad ba?" 

Hindi pa rin ako sumasagot kaya humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

Maya maya ay parang naramdaman ko naman na basa yung likuran ko kaya nilingon ko naman siya at nakitang nakapikit saka tahimik na umiiyak.

"Bat ka umiiyak? Hey.. hindi ako galit okay? Stop crying na." 

Nung siniksik ko siya sa may leeg ko saka siya tuluyang umiyak at niyakap ko naman siya pabalik dahil mahigpit na rin ang pagkapit niya sa shirt ko.

"Galit ka naman eh. Sorry na nga eh.." she mumbles while still crying pa rin at nakasiksik lang sakin. 

"Hindi nga. Bat naman ako magagalit? Hindi ako galit, okay??" Malambing kong paga-assure sakanya habang pinapatahan pa rin ang girlfriend kong sobrang soft ngayon.

"Hindi mo kaya ako sinasagot kanina.."

"I was trying to sleep kasi baby, sorry na hmmm?"

Kumawala siya sa yakap ko at tumngin naman sakin, "Oh kita mo matutulog ka pa ng di moko sinasabay." 

Napa-mentally facepalm nalang ako dahil sa bilis ng pag-change of mood niya.

"Baby kasi ayoko namang istorbuhin ka sa panonood, sorry na.." Mahina ko namang banggit at sinubukan siyang yakapin ulit na buti naman ay hinayaan lang ako.

Nakahiga siya sa may braso ko habang dinantay niya na rin ang kaliwang paa niya sakin. Mas matangkad pa siya ng bahagya sakin kaya medyo siksik talaga siya sa pwesto niya ngayon.

"Bati na tayo okay?" Sambit ko naman at sinimulang haplusin ang buhok niya habang nakatingin pa rin sa mga mata niya.

Pinunasan ko naman ang mga luha niya sa mata at pisngi niya.

Hindi siya sumagot at nakatingin lang din sakin. Maya maya ay binigyan niya ako ng halik sa labi at pagkatapos ay sumiksik na sa leeg ko. 

"Sing me a song, baby..." Mahinahon niyang sagot at ramdam ko na rin na may bahid ng antok sa boses niya.

"Okay.."

Umayos muna ako ng pwesto para maayos siyang makadantay sakin saka kinumutan na kaming dalawa. 

"You're the one that I want to be with.. Never wanna be separated.. I'm captivated..." 

Tahimik kong kinakanta ang favorite song namin ni Karina habang hinahaplos pa rin ang buhok niya at pinapatulog ng mahimbing.

"Oh, they don't see you as I do, you are so beautiful.. Come breathe within my soul, let go..." 

Sinilip ko ang girlfriend ko nang maramdaman ko na ang malalim niyang paghinga at nakapikit na rin. Tulog na siya. 

"Oh my love.. You don't have to listen to a word they say.. 'Cause all that really matters is that I... love you..." 

Pinikit ko na ang mga mata ko at dinampi ang labi ko sa tuktok ng ulo niya, "I.. really do..."

"Good night, baby ko..."

 

 

Karina

Nagising nalang ako ng maramdaman kong may brasong nakadantay sa may tiyan ko. Inadjust ko muna ang mga mata ko at kinusot kusot pa ng marahan ang mga ito para matignan ko ang katabi kong tulog pa rin hanggang ngayon.

Nakadapa siya at nakaharap sakin saka nakayakap ang braso niya. 

Ang cute pa rin kahit tulog. 

Tinignan ko ang oras sa phone at nakitang almost 11 na pala ng umaga. Shems, napasarap ata ang tulog namin ng jowa ko. 

Uupo na sana ako kaso nakaramdam ako ng sakit ng puson kaya napahawak ako rito. 

Putek. Is it the time of the month na ba?

Narinig ko naman ang marahang pag-groan ni Winter sa tabi ko nang mag-inat siya sa pwesto niya kaya tinignan ko to at nakitang nakapikit pa rin. Baka magising ko siya. 

Kinalma ko muna ang sarili ko dahil sobrang sakit talaga ng puson ko. Tinignan ko naman ang kama ko at napamura nalang.

Natagusan ang bedsheet ko.

Nakakahiya kay Winter, jusme. Paano ko mapapalitan to ngayon?

Pinilit kong tumayo kahit masakit talaga ang puson ko pero hindi pa man ako nakakaalis ay niyakap na ako sa bewang netong si Winter.

"Iiwan mo ako?" Inaantok niya pa ring sabi dahil medyo mababa ang boses niya.

"Magpapalit lang ako, baby. Saglit lang." paalam ko at dahan dahan namang tinanggal ang kamay niya sakin. 

"Baby..." tumingin naman ako sakanya dahil tinawagan niya ako. 

Pagkalingon ko ay nakatingin lang siya sakin. Parang alam na niya agad dahil agad agad siyang naupo at attentive na sakin.

"Makakatayo ka ba? Anong kailangan mo??" Sunod sunod niyang tanong at tumayo na mula sa pagkakaupo. 

"Kukuha sana akong pads.." tahimik na sagot ko sakanya. Tumuloy naman siya sa drawer ko at hinanap ang mga pads ko dun, "Dun sa kabilang drawer babe," pagi-instruct ko sakanya at nakita ko siyang kumuha ng pads saka undies.

Lumapit na siya sakin dala dala ang kailangan ko saka naman niya ako inalalayan tumayo.

"Masakit ba puson mo, babe?? Pag-iinit kita ng tubig para sa hot compress ha." Pagpapaalam niya habang tinutulungan ako makarating sa banyo. 

Hindi ako sumasagot. Wala ako sa mood sumagot dahil dinaramdam ko pa rin ang puson ko.

"Baby ako na sa bedsheet mo. May kailangan ka pa ba?" Maaruga niyang tanong at umiling naman ako.

"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka ha? Ako nang bahala dun." Tumango nalang ako at binigyan niya ako ng halik sa noo, "Good morning pala, baby ko." Habol niya pa bago ako tuluyang iwan sa banyo. 

Kaya naman pala. 

Kaya pala ang bilis bilis uminit ng ulo ko at mainis dahil dito.

Bat parang masyadong napaaga ang dalaw ko ngayong buwan? Parang kaka-mens ko lang nung isang linggo ah?

After I finished my business dito sa banyo, narealize ko lang na wala pala akong pampalit ng shorts. Natagusan kasi pati to eh.

"Babe!!!" 

"Po??!!?"

Narinig ko ang mga yabag ng paa mula sa labas ng banyo.

"Baby, wala pala akong shorts." Paalam ko naman sa jowa ko na nasa labas lang,

"Oh anong gagawin ko?" Pang-aasar niya kaya namab medyo nag-init ang ulo ko.

Kinakausap ko ng maayos eh.

"De joke lang baby, eto na kukuha na!!" 

Mukhang nakaramdam siya kahit nasa labas siya at buti nalang talaga may pintuan sa pagitan namin. 

Kung hindi baka nakurot ko na siya.

Matapos akong asikasuhin ng jowa ko, nakapagpalit na rin ako ng shorts saka shirt. Mabuti naman at pinandala na rin niya ako ng pampalit sa pantaas. 

Bago ako tuluyang lumabas sa banyo, nilabhan ko muna yung mga natagusan na damit. Pagkatapos ay nakita kong nakaabang na si Winter sakin sa labas ng banyo at parang hinihintay talaga ako.

"Yung hot compress mo, nasa kwarto na ha. Ayaw mo pang kumain??" Tanong niya sakin nang mapansin niyang pabalik kami sa kwarto.

"Busog pa ako atsaka tinatamad ako." Sagot ko nalang saka nagpahinga ulit sa kama kong bago na ang bedsheet. 

Shet, swerte ko naman sa jowa ko, Lord. Sarap maging asawa.

Aasawahin po!

"Sure ka? Pwede naman kitang pagdala ng pagkain dito." 

Nakatingin lang ako sakanya at umiling saka sinabihan siyang tabihan niya ako na buti naman ay tinabihan niya ako agad at nakatingin lang din sakin na parang sinisiguro na okay ako.

"May gagawin ka ba mamaya or bukas?" 

Napaisip naman siya at dahan dahang umiling. Ngumiti ako sakanya at hinila siya pahiga saka sumiksik sakanya. 

"Good. Sabay nalang tayo pumasok sa monday," 

"Ha? Diba sabay naman tayo palagi?" Naguguluhan niyang tanong. "Saka uuwi nako mamaya diba," pagpapatuloy niya pa kaya kumawala ako sa pagkakasiksik sakanya.

"Sino bang nagsabing uuwi ka? Dito ka, samahan moko. Quality time with your baby." Tuloy tuloy kong sambit sakanya.

Nakita ko naman kung paano nag-iba ang timpla ng mukha niya from naguguluhan to all smiley na ngayon.

"Seryoso ba?" tanong niya pa at tumango naman ako saka nagsalita, "Ayaw mo? Di wag–"

Kakasuhan ko na to!

Hilig magnakaw ng halik sa lips ko!!

Humiwalay siya sa halik saka niya ako nginitian ng pagkatamis tamis. 

"Mas gusto ko yon." Saka niya ako niyakap ulit kaya napasiksik nalang din ako sakanya.

Parang hindi ko iindahin ang sakit ko sa puson neto, ah? May pagbubuntungan naman kasi ako. 

Sino pa ba? Edi yung jowa ko! Hihihi

"Sana palagi ka nalang dinadalaw, baby."

"Bakit naman?" 

"Para nakakatulog ako sainyo." Saka siya bumungisngis kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran.

"Heh, ngayon lang to kaya sulit sulitin mo na."

Tumigil naman siya sa pagtawa saka hinarap niya ako sakanya by pulling my chin, shete mais ka Kim Winter. Kinikilig ako! Madali akong kiligin right now!

"I love you." 

Napangiti naman ako sa litanya niya, "I love myself too.." 

Nakita ko naman ang pagbabago ng expression niya kaya natawa nalang din ako. 

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at madalian siyang binigyan ng kiss sa lips saka sinabing,

"I love you too, Kim Winter my jowa." 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
786 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭