Bida ang H̶a̶r̶o̶t̶!̶ Saya!

Scraps

Sa sobrang boring ng buhay ko (walang halong sadgirl eme eme.), wala akong magawa kaya natripan ko na lang na magpasaya ng ibang tao.

Literal na magpasaya ng ibang tao.

“Ready na ba kayo mga bata? Pakitaas nga ang kamay ng mga may gustong makita si bestfriend!”

Nandito lang ako sa labas, inaantay ang cue kung kailan ako papasok (at makihalubilo na sa mga chikiting.)

“Mukhang ready na nga ang lahat! Heto na tatawagin ko na si bestfriend!” nag-ready na nga ako.

Sumilip-silip pa ako kuno sa transparent na sliding door at nakita ko ngang mukhang excited na akong makita ng mga bata.

Ang cu-cute lang, sarap paiyakin lalo na yung mga takot sa mascot.

“Everyone, let’s give it up for Bestfriend Jollibee!”

Pumasok na akong kumakaway kaway at najump-jump pa ng smol jumps. Matuwa lang ang mga batang naghihintay sa akin.

May mga nagtago sa mga mama, may mga sumigaw sa saya tapos tinatawag tawag ako.

“Jalibiiiiii!!”

“Mamaaaaaaa!!! Ayoko po sa clowns!!!”

“Apir nga tayo pare!” Nakipag-apir naman ako sa mga bata.

Ang cute lang!

“Okay kids dahil nandito na si Bestfriend Jollibee, pwede na nating tawagan yung ating birthday celebrant to blow the candle. Asan po sila Mommy and Daddy? Samahan niyo po kami dito sa harap para ma-blow na ni baby ang candle.”

Kids’ party nga pala ‘tong kinaroroonan ko. Ngayon ko lang narealize.

Kinukulit pa rin ako ng mga bata. Ako naman todo pakikipaglaro. Paiyakin ko kayo mamaya eh.

“Bestfriend Jollibee huy mamaya na muna ‘yan,” awat sakin nung emcee na kasama kong crew. Natawa pa si ate. Cute na cute na naman siguro sa’kin. “Samahan mo muna kami rito oh, andito na si baby.”

Nakipagfistbump na muna ako kay pare koy liit bago ko sila sinamahan dun sa center.

Nakahanda na rin yung cake, ako nalang hinihintay. Tabe, andito na ang bida!

Naghello muna ako kay baby na hawak-hawak ni daddy kaso mukhang naiiyak yung bata. Napapabungisngis na at nagtago sa leeg ng daddy niya.

“’Wag mo namang paiyakin ang celebrant huy!” Biro ni Ate Crew.

Tinuro ko naman sarili ko kuno tas tinignan ulit si baby.

Paiiyakin kita lalo wahahaha happy birthday, baby!

Lumipat nga ako sa kabilang side kung saan naman siya nakaharap ngayon. At ayun nga, tuluyan na siyang umiyak.

Natawa naman ang mga bisita nang magkunwari akong nalungkot. May paghawak pa sa dibdib, parang Bobbie Salazar lang na “Bakit parang kasalanan ko?”

“Mamaya na ‘yan naku paano magb-blow niyan si baby umiiyak.” Natatawa na ang mga audience dahil kunwari rin akong kinurot ni Ate Crew.

Kinuha naman na ni mommy si baby kay daddy para tumahan.

Kalaunan din naman tumahan na si baby kaya naghahanda na ang lahat para sa happy birthday song ni baby girl.

Syempre, katabi ko silang tatlo. Kinukulit ko pa rin si baby pero this time, mukhang nakapag-adjust na sa presensya ko. Ang laki ko ba namang bubuyog, tas pulang pula pa. Sinong hindi matatakot dun?

Pumapalakpak ako habang kumakanta kuno ng HBD song.

“Everybody, sing! Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you! Oh isa pa yung mas masaya at mas mabilis pa!”

Oh dahil bida-bida nga si Jollibee, nagpasiklab akong mabilis ngang pumalakpak at nagsasayaw pa ng konti.

Hit the woah!

“Isa pa bestfriend! Oh hit the woah!”

Di talaga ako nakuntento. Bida-bida rin naman kasi ako in real life kaya, nagthrow it back pa ako.

Hello? Main character ako dito eh.

“Ayon! Thank you so much bestfriend!”

Nagpatuloy lang ang party hanggang sa maggames ulit at makakain ang mga bisita.

Tawang-tawa ang mga bata, bisita maski yung mga matatanda pa. Si baby? Ayun, tumatawa na rin at pumapalakpak na.

Ano pa nga ba? Sa Jollibee, bida talaga ang saya.

 

 

Tapos na ang shift ko sa trabaho. Mga alas kwatro na rin akong nakauwi sa bahay. Gusto ko nang humilata at nang makabawi bawi naman ako sa sarili ko.

“Ateee, may praychiken kang dala?”

Napamulat nalang ako sa tanong ng kapatid ko. Kada nakikita nalang ako, manok tinatanong agad. Kulang nalang magkapakpak na eh.

“Magtigil ka. Puro ka na manok. Lilipad ka na niyan sige.”

Nanlambing naman at hinug ako sa bewang habang nakasandal ang buong katawan ko sa couch.

“Eh nagc-crave ako ng chikenjoy ehhhh, nireregla na ako.”

“Araw-araw ka nalang nireregla.”

“Ate Winter naman!” lumayo nga siya. Pustahan tayo nakapout na ‘to. Akala mo madadaan daan naman ako sa pagp-pout pout mo diyan.

“Masyado kang mabisyo ah. Next week ka na mag-manok, kakamanok lang natin nung Saturday!”

Umayos ako ng upo at hinarap na ang kapatid kong mabisyo.

“May peach mango pie ka dun saka coffee float. Magkakapakpak ka na kaya iba na inuwi ko.”

At sa isang iglap, nawala na nga ang kapatid ko sa aking harapan.

Ang galing.

“Tirhan mo ng burger si Beomgyu ah! Gutom yun pag uwi niya!”

“Akin na ‘to lahat!!”

Takaw talaga kahit kailan.

Tumuloy na ako sa kwarto para naman makapagpahinga na ng masinsinan. Nanlalagkit na rin ako ng pakiramdam kaya minabuti kong maligo bago humiga sa aking trono, ang aking napakalambot na kama.

Pinasukan ko ang pagiging crew sa Jollibee. Para kahit papaano, may maipon naman ako para sa sarili ko at may magamit sa mga luho luho ko sa buhay. Nakakahiya naman kasi kung hanggang ngayon, pati yun iaasa ko sa mga magulang diba.

Wala akong magawa sa bahay. Nakakabagot. Nag-apply ako para may abalahin naman ako, hindi yung nakatunganga lang sa kwarto. Tsaka, hindi rin naman ako enrolled ngayong sem kaya hawak ko pa rin yung oras ko.

Bakit hindi nag-enroll? Secret. No clue.

Uy ang ganda pala nitong Alice in Borderland, ngayon ko lang naappreciate.

Episode five na ako. Tampok kasi sa timeline ko. Puro mga retweets ni Giselle ang nakikita ko tas eto yung laman. Na-curious ako, oh heto ako ngayon binge-watching the series. Season one pa lang pero balita ko lumabas na rin yung season two.

Mamaya ka sakin. Wahahaha

‘Pikon calling’

Wow it’s been a while ah.

Sinagot ko nga after ilang rings. Kunware hindi ko miss.

“Oh? Nanonood ako eh.”

“Wow ah ang sungit naman. Hello din sa’yo,” Pikon talaga. Hahahaha

“Ano nga, bakit, sino, ano, kailan, paano”

“Tignan mo ‘to, ‘wag na nga!”

“Ano nga kasi? Nagtatanong nga ako oh” umayos na akong upo habang nanonood pa rin sa laptop.

“Punta ka dito, samahan mo ako,”

“Bakit?” Malapit nang mapuntahan nila Arisu at Usagi yung sinasabi nilang beach. Nacu-curious na aq ah.

“Kasi gusto ko.”

“Awit sa’yo. Nanonood ako dito eh,”

“Tuloy mo nalang dito.” Kapal talaga. Matapos niya akong hindi pinapansin after ilang weeks???? Che. Mga anong oras ba?

“Bakit ko itutuloy diyan?”

“Kasi ngaaaa. Ey jusko ewan ko sa’yo, Winter. Kung ayaw mo ‘di wag!”

“Pilitin mo muna ako,”

“Manigas ka.”

Omg nadakip sila Arisu at Usagi!

“Okaaaay. Byeeee”

“Winter naman kasi!!” natatawa na ako sa kausap ko.

“Kapal mong tawagan ako after mong di magparamdam. Akala mo okay tayo, okay lang sa’kin? Hah!”

Syempre, katulad ng kapatid ko… pabebe.

“Sorry naman kung priority ko mag-aral noh,” the sarcasm…  I kennat. “Basta punta ka na kasi dami mo pang dada. Alam ko namang miss na miss mo ako!”

“Weh dami mo namang alam, kulang ka na ata sa tulog.” 

“’Di mo lang maamin na miss mo ko. Sus”

“Ibababa ko na ‘to bye,”

“Dala ka foods ah! Open naman yung gate!!”

Apakademanding pa nga.

Pero syempre ano pa bang magagawa ko eh tinawagan na ako? Miss ko na rin yung tao, mapikon ko nga ‘to karating ko do’n.

Suddenly, ayoko nang magpahinga. Doon ko nalang din pala papanoorin ‘tong AIB o kaya parang mas better kung bukas nalang pala.

Lalabas na ako ng pinto nang makasalubong ko si Beomgyu na kadarating lang din.

“Oh san punta mo?”

“Tatambay lang saglit kina Karina. May meryenda ka dun sa kusina, tanong mo nalang kay Eunchae.”

Tinanguan lang niya ako.

“Sabihin mo kay mama ah. Baka akala hindi pa ako umuuwi,”

Tango lang ulit.

Kung ano kinakulit nung bunso, yun ang kinatahimik ng kuya niya. Hay mga kapatid ko talaga.

“Una na ako. Maglock kayo ng pinto.”

Nilakad ko lang yung kina Karina para makabili ako ng isang balot ng lemonsquare cheesecake, Hansel yung kulay blue saka stik-o dun sa nadaanan kong grocery on the way. Magluluto nalang kami dun ng disenteng pagkain.

Napakaga-good friend ko talaga, diba?

 Open gate nga. Nadatnan ko pa si Tita na nagluluto na pala sa kusina.

“Oh Winter, nandito ka na pala. Andun si Rina sa taas, katukin mo nalang.”

“Opo tita, thank you po.”

Kinatok ko nga. At ang lola niyo, mas mabilis pa sa alas kwatro akong pinagbuksan ng pinto.

Ayos ah. Miss na miss?

“Hi pikon,” bati ko at ngumiti pa sa kanya.

“Uy ano ‘yang dala mo? Foods ba ‘yan?” Tinitignan niya yung dala ko nga.

Tignan mo ‘to! Talagang yung mga pagkain yung una niyang binati?!

“Tapon ko kaya ‘to, ano. Kaltukin kita eh!” natawa naman ang loka. Pinitik pa yung noo ko.

“Tatampo naman agad. Agaw-pansin naman kasi yung dala-dala mo.” Wala pa ngang ilang minuto, nagpipikunan na kami agad.

Opo. Eto po talaga love language naming dalawa.

“Pasok ka na baka umuwi ka na eh.”

Pumasok na nga kaming dalawa.

Dumapa naman ako agad sa kama niya.

“Winter tignan mo ‘to daliiii” She sounded excited. Ano na naman kayang papakita niya this time?

“Anom myam?” Nakasiksik lang naman ang mukha ko sa teddy bear niyang yakap yakap ko.

“Tignan mo muna,”

Humarap na ako sa kanya at sinandal ang ulo ko sa kamay. Umupo naman siya sa tabi ko, tumambad sa’kin yung laptop niyang parang may nakapause na film.

“Magm-movie marathon tayo?” mabilis siyang umiling tapos pinlay na yung film.

“Video project namin ‘yan for finals,” tinignan ko nga yung film. Nakikinig lang ako sa sinasabi niya habang nanonood.

“Ganda ng pagkakaedit tsaka cinematography noh? Ako nag-direct saka nag-edit diyan.” Pagmamalaki niya. “Sure akong pasado na kami. Pasalamat nalang talaga groupmates ko, ako kagrupo nila.”

Hindi ko alam kung ilang tanke ng helium ang nilaklak ng bestfriend ko para maging ganito siya kahangin.

Pero… maganda nga ang gawa niya. Ewan ko ba bakit hindi nalang multimedia arts ang kinuha niya at ibang course ang pinursue niya.

‘To kasing si Katarina, mahilig siya sa mga ganyan. Nangangalikot ng video apps tapos nage-edit edit ng kung ano-ano. Montage and everything. Kada gala nga ata namin may mini montage siyang ineedit. Pero hindi naman niya inuupload. Ewan ko sa kanya.

“What do you think, Winter?”

“I think gusto kong matulog.” Loko ko habang nanonood pa rin sa video niya.

“Ewan ko sa’yo.” Iniwan niya ako sa kama at tumuloy sa desk niya kung saan iniwan ko yung snacks niya.

Short film lang pala. Mga 10 minutes siguro. Hindi ko nakita si Karina na umakting kaya baka nga siya na talaga nagpresintang mag-edit at mag-direct.

Ang cool talaga ng bestfriend ko.

Maya’t maya siyang tumabi ulit sakin at ginawa pang unan ang pwetan ko. Kapag ako nautot, kawawa ‘to.

“Pasensyahan nalang tayo kapag nautot ako ah.”

Pinalo nga ako sa pwet. Maldita talaga. “Kadiri ka!”

Aaand katulad nga ng usual hangout namin ni Katarina, tahimik lang kami. Nagce-cellphone na nga siya eh. Kumakain pa ng lemonsquare cheesecake. Tapos ako naman, tamang enjoy lang sa pinapakita niyang film kahit tapos ko na kanina pa.

“Kat, panoorin natin yung Alice in Borderland, itutuloy ko na dito.” Inexit ko yung video chena niya saka pumunta na ng Netflix.

“Yung parang Squid Game ba ‘yan?”

“Hmm-hmmm,”

‘Di na siya nagsalita pero ramdam ko yung pagkashift niya ng pwesto. Ako naman tuluyan nang dumapa ulit at kinalikot na ang laptop ni Karina.

“Ano ba kasi kwento niyan, like, survival thingy rin ba or may plot twist?”

“Ewan ko kaya nga papanoorin natin para malaman. Maganda naman ‘to noh. Ano bang inintroduce ko sa’yong pangit?”

“I don’t know, yung ex mo.” Nonchalant niyang sagot saka tumabi na ring sa’kin nang nakadapa. “Cheesecake?” sinusubo niya sa’kin yung tinapay.

Ewan ko dito sa babaeng ‘to. Maganda naman si-

“Ayyyy ’wag mo ubusin lahat!”

“Kuha ka nalang dun marami ka naman diyan eh!” natatawa kong sabi habang hinaharangan ko mga palo niya sa’kin.

“Tinatamad na akong bumaba! Isa! Winter naman ehhhh!” Wala na siyang nagawa.

Ang matured namin, diba?

In the end, nakalapit na samin yung mga binili ko na inakala kong magiging stock niya ay mukhang mauubos pa namin in one-sitting. Hindi naman kami gutom, ano? Dalang-dala rin kasi kami sa AIB. Syempre, sinimulan namin sa episode one at pinanood ko ulit yung mga nakaraang episodes para naman maintindihan ng bongga ni Katarina yung story.

Kalagitnaan rin namin ng binge-watching ay natawag kami ni Tita para kumain ng hapunan. Syempre, kumain na rin kami para hindi totally maubos yung snacks niya.

Pagkatapos kumain, back to business ulit. At tignan niyo nga naman. Mabisyo rin ‘tong bestfriend ko dahil andami-dami niyang unan, sa akin pa talaga naisipang humiga at yumakap habang nanonood.

Sige, okay lang naman sa’kin.

“Dito ka na matulog neh,”

Napatingin tuloy ako sa kanya. Tutok na tutok pa rin sa laptop ang ate niyo.

“Hindi pwede. May pasok pa ako bukas, ayokong umabsent.”

“Ilipat mo nalang yung day off mo tomorrow.”

Ang kulit talaga makuha lang ang gusto.

“Neknek mo. Ano ka, chicks? Kapal mo naman po, ‘di na kita ma-reach.”

“Sige umuwi ka ng ganitong oras. ‘Wag kang magpahatid sa’kin ah.” Unbothered queen ang peg niya at napatingin tuloy ako sa phone.

Takte. Mag-aalas onse na? Ano bang binabalak ko sa buhay oy. Katarina naman kasi eh!

“Oh? Anong oras uwi mo? Kung ako sa’yo, mauuna na ako. Mas delikado pa kung later gogora,” asar niya.

Pingutin ko tenga ne’to eh.

Wala naman na talaga akong magagawa alam kong hindi rin talaga ako ihahatid ne’tong babaitang ‘to.

Pinanggigilan ko nga habang yakap-yakap siya sa’kin.

“Hmmmmm!!! Ang cute cute talaga ng bestfriend ko. Pasakal nga Kat isa lang.” Pinuntirya ko rin cheeks niya.

“Winter masakit!!! Leche ka, hoy!!!” pinagpapalo niya yung mga kamay kong nangungurot sa kanya.

I guess dito na talaga ako matutulog. Andito pa naman siguro yung PJs na naiwan ko nung nakaraan o di kaya ay manghiram nalang ako sa kanya tutal siya ‘tong nagbida-bidang patulugin ako dito.

Okay na rin. Bonding time namin after ilang days ng walang communication.

Natatawa akong bumitaw sa kanya at nanood nalang ulit. Katarina being Katarina, siniksik niya lang ulit sarili niya sa’kin at niyakap pa niya braso ko sa kanya.

Wow hahahaha we’re really such good friends.

Really, really good.

 

 

 

Winter, 4:01pm: pst hoy

Winter, 4:01pm: kat

Winter, 4:01pm: katkat

Karina, 4:02pm: what

Winter, 4:02pm: wla. Bz k?

Karina, 4:03pm: yes

Winter, 4:03pm: ay

Winter, 4:03pm: cge

Karina, 4:05pm: why ba

Winter, 4:05pm: itatanong k lng sna kung want m b chimken

Karina, 4:05pm: yes please huhu kahapon pa ako ginugutom niyan :<

Winter, 4:06pm: ilan want m b?

Karina, 4:06pm: isang bucket :P

Winter, 4:08pm: ahh gnun b

Winter, 4:08pm: cge bili k

Winter, 4:08pm: hahahaha xD

Karina, 4:10pm: hahaha sige :)

Karina, 4:10pm: otw kami diyan actually so I’ll get my bucket ah

Karina, 4:10pm: tsaka bakit ka nagp-phone? Naka-duty ka diba??

Winter, 4:12pm: cr break aq

Winter, 4:12pm: hehe

Karina, 4:13pm: ang haba naman ng cr break mo?

 

 

“Hi ma’am welcome to Jollibee! May I take your order?” Masayang bati ni Winter sa customer na kaharap.

Na akala mo’y, hindi talaga kilala kung sino ang kausap.

“Hi, dalawang order ng C3 tapos…” humarap ang customer sa kasama niya, “Ano nga ulit yung kay Lia? Magpapalabok ba siya?”

“Oo. With drinks yung sakanya tas large yung fries kung meron.”

“Oh yung sa’yo?”

“Same order pero may peach mango pie saka sundae yung akin.”

Patiently waiting lang naman si Winter sa customer niya kahit dinig na dinig naman niya totally kung anong io-order nila.

Andami naman. Halatang galing sa school dahil bukod sa mga dala-dala nilang laptop at nakauniform pa, bakas din sa mukha nila yung pagod.

“Tsaka hingi ka rin ng disposable na utensils, Rina. Extra tissues rin ha.” pagkatapos ay umalis na sa tabi nung customer ang kasama niya para samahan yung mga kasamahan nila. (ano raw)

“Hello, sorry. Ahh dalawang order ng C3, noh? Then dalawa ring C4. Large yung fries nung isa kung meron. Isang peach mango pie, solo. Tapooos, sundae. Meron kayong available na sundae?” tanong naman ni Rina sa kahera.

“Yes, Ma’am meron po. Isang order lang po ba ng sundae?”

“Gawin mo nang apat sige,”

“Okay ma’am. Ano pa po?” nagsimula nang mag-tap sa counter si Winter para makuha na ng tuluyan ang order ni Rina at nang mapunch na.

“Pa-add rin pala ako ng Y3, ala carte.”

“Apat rin ma’am?”

“No, no. Isa lang.”

“Okay ma’am repeat order ko lang po: dalawang order ng C3, dalawang C4, yung isa large fries yung isa, regular fries…?” Nanigurado pa si Winter sa tinatanong na tinanguan naman ni Rina, “Isang peach mango pie solo, apat na chocolate sundae twirl at isang Y3, ala carte.”

“Yes.”

After maconfirm ni Winter yung order ni Rina, nagbayad naman na ito at pinunch na. Kunwari lang na hindi talaga nila kilala ang isa’t isa pero sa kaloob-looban nila, natatawa na dahil sa kung paano sila mag-usap through the counter.

Napaka-professional lang kasing tignan ni Winter. Kapag trabaho, trabaho talaga.

“Pahintay nalang po sa side ma’am para sa order niyo. Thank you!”

“Ahh Miss Winter,” chinecheck na ngayon ni Rina yung resibo nila para makita ang orders.

“May free bucket kayo ng manok niyo rito? May nagsabi sa akin kanina, akala ko free ‘yon. Ic-claim ko lang.” Ngumiti pa si Karina.

“Ay sorry ma’am wala pong available ganun na promo. Lumipad na lahat ng manok namin rito kaya naubusan na kayo.” loko naman ni Winter.

Natatawang inirapan nalang siya ni Karina at naghintay na sa side for her order.

Patuloy lang naman sa pagkuha ng order si Winter.

“Ahh ma’am excuse me po. Tawagin ko nalang po kayo if ready na order niyo, balikan niyo nalang.” Paalala ni Winter kay Karina.

“Mga ilang minutes pa ba?”

“10-15 minutes pa po. Hinuhuli pa yung mga manok eh.”

Kung wala lang nakaharang na counter sa pagitan nila, baka nahampas na ni Karina si Winter sa pagkapilya niya.

“Sige ma’am tawagin ko nalang po kayo. Matagal-tagal pa ‘to.”

“Okay, thank you.”

Pinuntahan na nga ni Karina yung mga kaibigan dala-dala yung resibo.

“Girl ano, nagugutom na ako. Akala ko naman dala-dala mo na yung pagkain.” Eksaheradang sabi ni Ningning.

“15 minutes pa daw, sis. Kaya pa?” Natawa nalang si Karina nang bumungisngis si Ningning.

“Sabi sainyo sa KFC na tayo eh, wala pang tao dun!”

“Eh gusto ko ng chickenjoy,”

“Patingin nga ako ng resibo. May inorder ka namang peach mango pie, noh?” Tanong ni Lia at kinuha yung resibo kay Karina.

Nakisilip naman rin si Yunjin para i-check ang orders nila.

“Oo ah. Pinag-order ko pa kayo ng sundae, alam ko namang gusto niyong macool down ang sistema ninyo.”

“Taray naman si anteh Karina. Libre mo?” tanong ni Yunjin.

“Ngayon lang ‘yan noh, sulit-sulitin niyo na.”

“Taray talaga! Eh pati yung 8pc chickenjoy bucket, libre mo?” nakangiti naman ng tagumpay si Ningning, probably because mabubusog siya because of the additional chimkenjoy!

“Anong 8pc ka diyan. 'Wag kang pampam ah." 

"Gaga. Pampam ka diyan, truebells nga! Masyado ka atang natuwa sa recit kanina at dinagdagan mo na ng bucket, sis!." Si Yunjin.

Nagtaka na si Karina sa sinasabi ng mga kaibigan.

"Weh nga? Meron diyan?” tanong naman ni Karina at kinuha ulit yung resibo para i-check nga.

Kasi baka pinagtitripan lang siya nung tatlo o baka pinagtripan siya ni Winter na ilagay ‘tong isang bucket ng chickenjoy sa order nila.

"Kaloka gurl ha. I never thought this day would come, yung magpapabucket si Rina ng chickenjoy. 8pc pa ah! Sana, palaging perfect uno ka nalang sa recit para may palibreng bucket!"

"True 'yan! Ang tugon natin ay, salamat Madam Katarina. Dahil sa'yo bida ang..."

"ANG SAYA!!" 

Kaloka rin ang tatlong friennies niya. Natuwa masyado sa pabucket ni Rina este ni ssob Winter. 

Eh kaya naman pala ang tagal niya kanina sa likod at pumunta rin yung manager para may gawin dun sa kahera ni Winter.

Hayyy. To have a bestfriend like Winter.

GBF goals. <333

Habang tuwang-tuwa naman ang mga sisteret niya sa meryenda nila, tumingin naman si Karina sa bestfriend niyang nasa counter at kumukuha ng orders.

 

Karina, 4:56pm: kaasar ka ha. i was just joking but thanks sa chickenjoy ><

Karina, 4:56pm: wait na kita 'til your duty's over, dito lang ako sa seat namin. thank you ulit :* <3

 

Bestie goals indeed. <33

 

 

 

(a/n: hindi ko alam kung posible ba yung ganyang instances in real life. sorry na agad huhu magawa lang para makaharot ng tunay ang mga bida diba. au naman toh, walang totoo. pawang kathang isip lamang at gawa gawa lang ang aking imahinasyon.)

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭