Your Name (Final)

Scraps

"You guys should seriously need to care na sa paligid ninyo," paalala ni Karina sa katabi niyang si Minjeong na busy sa pagsusulat sa kanyang notebook.

Naririto sila sa library ngayon at napagpasyahan na dito nalang gawin ang kanilang paper dahil sila magka-pares for their seat work. Tanging isip lamang ni Minjeong ay tapusin na agad ang papel para hindi na niya kailangan pang makasama ang dalaga.

Halos murahin pa ng paulit ulit ni Minjeong ang tadhana dahil sa nalaman niyang si Karina pa talaga ang naging partner niya sa dinami dami nila sa kanilang block section.

"Bahala kayo, kayo rin ang kawawa sa huli." Habol pa ng dalaga saka nagpasalumbaba pa sa mesa. Tinignan niya naman ang katabi niyang kanina pa hindi kumikibo at tanging nakatuon lamang ang pansin niya sa papel na kanilang sinasagutan.

Inaalala pa nga nito na baka magka-stiff neck na si Minjeong dahil magi-isang oras na rin itong nananatili sa pwesto niya.

"You know kahit hindi mo sagutan yan, papasa pa rin tayo sa subject na to."

Wala. Wala pa ring kibo at sinasadya nalang na balewalain ni Minjeong ang magandang dilag na katabi niya. Gusto niya na lamang tumakas at magpakalayo layo rito ngunit parang hindi sumasang-ayon sakanya ang kanyang kapalaran.

"Crush ka nung prof natin," pahabol pa ni Karina at natawa pa.

Isang linggo na siyang kinukulit ni Minjeong at sinasabihan sa mga nangyayare o mangayayare palang.

Isang linggo na simula nung sila ay magkita.

Isang linggo na rin siyang hindi makapag-isip ng maayos at sobrang distracted dahil nawindang siya ng todo todo sakanyang nalalaman at nararanasan sa mga nakaraang araw.

Katulad ng sinasabi ni Minjeong sa sarili, pinipili niyang maging bulag at bingi kahit ginagawa naman ng lahat ni Karina para mapaniwala siya. May mga tanong din siyang naibabato sa babaeng gumulo sa buhay niya pero nasasagot naman ni Karina ang lahat ng ito ng maayos.

At may sense.

Kaya hindi niya rin mapigilan minsan na pagtuonan ng pansin ang 'kahibangan' ng kaklase niya saka malapit na ring kunsintihin sa kalokohan niya.

Kalokohan pa rin ba talaga? O realidad na pilit niyang itinatanggi dahil hindi siya makapaniwalang sakanya mismo nangyayari ang kaniyang mga deep thoughts about sa astronomy?

May kahiligan din kasi si Minjeong sa usapang universe at aliens.

Kaya sobrang surreal lang para sakanya na i-take lahat ng sinasabi ni Karina.

"Kung tutulungan mo ako, maaga tayong matatapos dito." Malamig na sambit ni Minjeong sa katabi niyang hindi na tinigilan ang paglalaro ang ballpen niya sa kanyang mga daliri.

"Sinabi ko naman sayo diba-"

"Totoo man yun o hindi, gusto kong sagutin to." Pagputol pa ni Minjeong sa pagsasalita ni Karina kaya natahimik nalang siya at tinulungan na rin ang kanyang kaklase.

Paminsan minsan pang kinukwentuhan ni Karina ang katabi niya kahit alam niya namang walang interes siyang makinig.

"Nagugutom ka ba?" Tanong naman ni Karina dahil nag-alala rin siya na wala pang kain ang kanyang kasama.

"Hindi."

Ngunit pagkasabi naman ni Minjeong no'n, biglang tumunog ang kanyang tiyan at napahawak nalang siya dito. Napaubo pa siya dahil natawa rin si Karina sa inakto ni Minjeong.

"Bili lang ako ng makakain natin ha. Wag kang aalis diyan!" Saka na tumayo si Karina at naiwan namang mag-isa si Minjeong sakanilang pwesto. Naisip niya na ito ang magandang timing para matakasan ang dalaga ngunit gustuhin niya mang umalis, napansin niyang nawala sa table niya ang kanyang cellphone.

"Bwisit." Tanging bulaslas niya na lamang nang naalala niya na hawak hawak pala ni Karina ito kanina habang nagsusulat siya sa papel.

Wala naman na siyang nagawa kundi ang maghintay nalang sa pagbalik ni Karina. Tutal, gutom na rin naman siya at napagod na rin kakasulat kaya pinaubaya na niya ang sarili niyang sumuko muna sa pagtakas mula kay Karina.

Makalipas ang ilang saglit at nakabalik na si Karina sakanilang pwesto bitbit ang isang supot na may lamang tinapay at dalawang sterilized milk.

"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya, tong mga tinapay nalang binili ko."

"Akala ko ba nakikita mo ang future?"

"Anong connect nun?" Balik tanong naman ni Karina nang makaupo siya sa tabi ni Minjeong at sinimulang kainin ang isang tinapay.

"Edi dapat alam mo kung anong gusto kong kainin," pabalang na sagot ni Minjeong saka siya kumagat sa tinapay niya.

"Nakikita ko lang ang mga mangyayari pero hindi ibig sabihin na kilala ko na ang buong pagkatao mo."

Natahimik nalang si Minjeong sa sagot ni Karina at naisipang kumain ng tahimik.

"Ayaw mo ba talaga akong makilala?" Curious na tanong ni Karina at binasag ang katahimikang namumuo sa pagitan nilang dalawa. Tinignan muna siya ni Minjeong at saka sumagot,

"Hindi ako interesado."

Napanguso nalang siya sa malamig na tugon ng babaeng sobrang tipid lang talaga kung sumagot.

At masungit.

Napatingin na lamang si Karina habang kinakain niya pa rin ang kanyang tinapay sa kasama niyang nagsimula ulit magsulat at kumakain sa kabilang kamay. Kapansin pansin dito ang mala-mamon niyang pisngi, matangos rin na ilong at hindi kalakihang mga mata na kung tititigan mo para kang nalulunod sakanya.

Dumako naman ang mga titig ni Karina sa labi ni Minjeong. Napansin niyang may natirang dumi sa gilid ng labi nito kaya naman dahan dahan niyang inabot ang mukha ng babaeng gumugulo sa isipan niya.

Naitigilan naman si Minjeong sa pag kain at pagsusulat niya nang maramdaman niyang may nagpunas sa may gilid ng kanyang labi kaya napatingin siya sa kasama niya na ngayon ay nakatitig lang sakanya.

Nagtama ang kanilang mga tingin at nasa may pisngi pa rin ni Minjeong ang kanyang kamay saka niya unti unting hinaplos ng hinlalaki niya ang malalambot na pisngi ni Minjeong.

"You really have a nice pair of eyes..."

Nabanggit lang ni Karina habang nakatitig pa rin siya sa mga ito at hinahaplos haplos pa rin ang pisngi ni Minjeong. Hindi niya alam kung siya lang ba o talagang nakita niyang namula ang pisngi ng babaeng kaharap niya ngayon.

Umiwas naman sa mga titig ni Karina si Minjeong at lumihis na rin sa pagkakahawak sa pisngi niya. Humihinga na rin siya ng may pagkabilis marahil ay sa pagaakto ng kasama niya na bigla bigla nalang manghahaplos ng pisngi at pupurihin pa na magaganda ang kanyang mga mata.

Tinuon na lamang niya ang kanyang pansin pabalik sa ginagawa niyang pagsusulat sa papel nila. Kinakalma ang sarili at pilit na kinakalimutan ang nangyari, kani kanina lang.

Dahil sa oras na hindi niya napigilan ang sarili niya sa pag-iingat, baka tuluyan na siyang mahulog sa kahibangan ni Karina.

At unti unti nang bibigay sa pagmamatigas niyang huwag kilalanin ang dalaga.

 


Lumipas na naman ang mga araw at ganun pa rin ang gawi ng dalawa. Lalapit si Karina kay Minjeong saka kukulitin na naman siya't dinadaldalan. Para bang kinukuha ang loob nung isa. Nalaman niya rin na matanda si Jimin ng halos walong na buwan kay Minjeong kaya naman minsan ay inaasar niyang binebaby ang nakababata. Hindi niya rin inakala dahil mukha siyang mas matanda pa kay Karina kung umasta.

Sa mga nagdaang araw rin, kapansin pansin naman na mas naging welcoming na si Minjeong kung ikukumpara sa mga naunang linggo nilang pag-uusap. Nakukuha na niyang asarin ito at minsan din ay pag-tripan. Natutuwa rin kasi siya dahil parang ang sarap rin paiyakin ni Minjeong kahit kadalasan ay wala itong kibo o di kaya ay tinataboy niya si Karina.

Tulad ngayon. Heto na naman sila't naga-astang aso't pusa. Ang dating tahimik na existence ni Minjeong ay naging maingay dahil kay Karina na bigla na lamang pumasok buhay niya.

"Minjeong, huling tanong, ayaw mo ba talaga akong makilala?"

"Hindi pa ba kita kilala sa lagay na yan? Araw araw na nga kitang nakakasama,"

Umiling si Karina at kinuha pa ang isang kamay ni Minjeong saka yun hinawakan ng mahigpit.

"Hindi mo naman tinatanong kung sino talaga ako eh," nag-pout pa ang dalaga dahil totoo nga. Sa dinami raming tinatanong ni Minjeong, ni isang beses hindi niya tinanong kung sino ba talaga si Karina.

Kilala lamang niya si Karina sa aspeto na isa siyang naligaw na kaluluwa at nanggaling sa hinaharap, sa ibang dimensyon.

"Ano ba dapat ang itanong ko?" Saad lamang ni Minjeong saka hinarapan ang babaeng hawak hawak ang kamay niya. Vacant nila ngayon dahil hindi nakapasok ang prof nila at napagdesisyunan nalang na sa classroom nalang nila sila habang hinihintay ang next subject.

"Kilala mo ako bilang time traveler, diba?"

Tumango naman si Minjeong, "Oo."

"Ngayon, gusto ko makilala mo ako bilang ako."

Halata namang naguluhan si Minjeong binanggit ni Karina. Napakunot ang noo at tinignan siya ng parang nagtatanong.

"Gusto ko, kilalanin mo ako na parang isang normal lang na nilalang." Pagpapatuloy pa ni Karina at pinisil ang kamay ni Minjeong.

"Hindi si Karina na nanggaling sa future, Karina na weird para sayo. O kahit anong version pa ng Karina na nakita mo at nakilala mo sa akin."

Nakikinig lamang si Minjeong sa litanya ng dalaga dahil mukhang nagseseryoso rin ito habang sinasambit niya ang mga katagang ito.

"Kilalanin mo ako bilang Karina. Na kaklase mo at pwede ring maging kaibigan," saka niya nginitian si Minjeong na nanatili lamang ang tingin niya sa dalaga.

"At pag nawala ka?"

Napahinto naman si Karina sa paglalaro ng kamay ni Minjeong.

"Edi mawala. Hindi mo naman ako kakalimutan, diba?"

Hindi sumagot si Minjeong bagkus ay inabot niya ang mga nagkalat na buhok sa mukha ni Karina at nilagay yun sa likod ng kanyang tenga.

"Para namang mawawala talaga ako, eh andito naman si Jimin." Natatawa pang biro ni Karina.

Ngumiti nalang sakanya si Minjeong at dahan dahan ring binawi ang kamay niya sa paglalaro ni Karina. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng parang may mabigat sa may parte ng dibdib niya nang marinig niya ang sagot ni Karina sa tanong niya.

Hindi naman sa parang affected siya pero diba dapat matuwa nga dahil wala na siyang masyadong iisipin kung ganon?

"Paano si Jimin?"

"Siya pa rin si Jimin. Hindi naman magbabago yun,"

Napatango nalang siya dahil sa oras na mawawala si Karina, pumasok na rin sa isipan niya ang posibleng hindi siya maaalala ni Jimin.

Dahil hindi naman talaga sila magkakilala.

Si Karina ang kakilala niya at hindi si Jimin.

Pero ano naman ngayon at pinoproblema niya to?

Natahimik ulit sila ng mga ilang saglit at pinapakiramdam ang isa't isa. Matatawag ng progreso ni Karina ito dahil napapalapit na rin sila sa isa't isa. Nararamdaman niya na rin ang pagbaba ng boundary na nakaharang sakanilang dalawa sa araw araw na lumilipas.

Iwinaksi muna ni Minjeong ang kanyang mga iniisip at hinarapan muli si Karina.

Nilahad niya ang kamay niya rito saka siya nagsalita,

"Kim Minjeong."

Napatingin naman si Karina dito saka kay Minjeong at unti unti na ring may bumubuo na ngiti sakanyang labi.

Tinanggap naman niya ang kamay na nakalahad sakanyang harapan at dahan dahan itong shinake hands,

"Hi Minjeong. Karina. Karina Yu."

 

~~~~~

 

"Min, you're getting close na with miss weird ha." Napansin kasi ni Aeri na halos magkasama na sila these past few weeks, they even hung out once sa labas ng school.

Syempre bilang kaibigan ni Minjeong si Aeri, she knows everything. Nakekwento na rin kasi madalas ni Minjeong si Karina kay Aeri at hindi alam ng kaibigan kung ikatutuwa ba niya ito o ano.

For the first time in a longest time kasi, ngayon nalang ulit naging interesado si Minjeong sa isang tao. Hindi naman masisisi ni Aeri ang kaibigan niya dahil sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa katulad ni Karina, diba? Halos lahat, nasa kanya na rin.

Ang pinagtataka niya lang ay kung paano sila naging malapit sa isa't isa dahil hindi naman inakala ni Aeri na matutumba ang mga walls ni Minjeong to keep herself from falling in love.

"May pangalan siya. Karina." Pagtatama naman ni Minjeong sa kaibigan. Nasa kwarto ni Aeri silang dalawa dahil napagpasyahan ni Minjeong na kamustahin ang kaibigan at inayang magtambay sakanila.

"I thought Jimin?"

"Karina."

Napatingin naman si Aeri sa katabi niya at tumigil muna sa paglalaro ng console niya.

“Dalawa ang pangalan niya?”

“She told me to call her on her second name.” Pagdadahilan ni Minjeong sa kaibigan dahil naalala niyang siya lang ang dapat makakaalam sa pagkatao ni Karina.

“Wow, that’s nice. Never knew she has one tho,”

“Yeah.”

Pagsang-ayon ni Minjeong at finocus ang sarili sa paglalaro sa PC ni Aeri. Tekken ang nilalaro nila ngayon at nilalabanan ang isa’t isa.

“Ang daya mo naman, mas maganda ata kapag sa keyboard eh!”

Natawa si Minjeong sa naaasar niyang kaibigan. Halos siya kasi ang nananalo sa mga rounds at bibihira lang makapanalo si Aeri sakanya.

“Mahina ka lang,”

“Ah hinahamon mo ako ah. Sige,”

Naging competitive na sila sa isa’t isa at natatawa na rin habang naglalaro. Paminsan minsan ng nananalo si Aeri sa kanyang kaibigan at aasarin naman niya ito kapag natalo si Minjeong.

Matapos silang maglaro ng iba pang 2 player games sa PC, naisipan rin nilang bumaba na at kumain na ng hapunan. Oras na rin kasi para mag-dinner at pinapakain na rin sila sa baba ng mama ni Aeri.

“Uuwi ka pa ba, Min?” Tanong ni Aeri sa kaibigan habang naghuhugas sila ng plato.

“Ewan. Baka matulog nalang din ako dito kung papatulugin mo ako,”

Sinikil naman ng pabiro sa braso si Minjeong ng kaibigan dahil sa pagsagot neto.

“Pano ba yan, pauuwiin kita?”

“Ihatid mo nalang ako kung ganon.”

Natawa nalang si Aeri sa mga sagot ng kaibigan niya. Hindi niya alam paano niya natitiis minsan ang mga pabalang na sagot ni Minjeong sakanya. Siguro dahil nakasanayan na rin niya ang ganitong personalidad ng kaibigan at natutuwa rin siya dito.

“Dito ka nalang matulog. Tamad ako mag-drive.”

Pagkatapos naman nilang mag-hugas, bumalik na ulit sila sa kwarto ni Aeri at napagpasyahan na maglaro ulit. Biyernes naman ngayon at wala silang pasok bukas kaya naman ayos lang kung magpapalipas ng gabi sakanila si Minjeong.

“Pa-valo ako saglit, Aeri.” Pagpapaalam ni Minjeong sa kaibigan niya nang mapagdesisyunan ni Aeri na mauna munang gumamit sa banyo at maligo.

“Gamitin mo nalang yung account ko para sa battlepass,” sagot naman ng kaibigan habang kumukuha ng mga damit niya sa drawer at tumuloy na sa banyo, “Sayang lang yun.” Habol pa niya saka na tumuloy na sa pagpasok ng banyo.

“Okay!” Sigaw naman ni Minjeong.

Nagsimula naman ng maglaro si Minjeong at naisipan niyang mag-rank para sa pandagdag na xp para sa battlepass ni Aeri. Sayang nga rin kasi kung hindi naman makukuha lahat.

Habang nasa lobby pa rin ng laro ang dalaga, nag-vibrate naman ang cellphone niyang nasa side lang ng keyboard. Sinilip niya lang ito at nakita ang sender ng message.

‘From: Ate Taeng

Minjeong, hindi ka pa uuwi? Nasan ka?’

Pagkabasa niya sa laman ng mensahe, doon niya lang napagtanto na hindi pa pala siya nakapagpaalam na hindi pala siya uuwi ngayon.

‘To: Ate Taeng

Nandito ako kina Aeri, ate. Dito na rin muna ako matutulog.’

From: Ate Taeng

O sige, sabihan ko nalang si mama. Mag-ingat ka ha.’

‘From: Ate Taeng

Hanggang kailan ka diyan?’

‘To: Ate Taeng

Uuwi na rin po bukas ate’

‘From: Ate Taeng

Sige’

Binitawan na niya muli ang cellphone niya at nagsimula ng maglaro.

Nasa mid-game na siya ng paglalaro at lamang sila ng dalawang rounds. Medyo inis pa sa dalawang kasama niya dahil mukhang nanto-troll lamang ang mga ito at hindi naglalaro ng maayos.

Nanta-trashtalk pa ng mga kasama.

Banas.

Nakatuon lamang ang pansin niya sa laro ng biglang umilaw muli ang screen ng kanyang cellphone kaya bahagya rin siyang nadistract. Ngunit binalewala niya lang ito at patuloy pa rin sa pagbabaril ng mga kalaban niya.

Muli na namang nag-vibrate at umilaw ang phone ni Minjeong kaya saktong namatay siya ay tinignan niya naman ang mga nagtetext sakanya.

Imbes na maasar, natuwa siya sa nakitang pangalan na nakaflash sa screen kasama nung mensahe niya.

‘From: Karina Cutie

Minjeong, nood tayo ng sine bukaaass’

‘To: Karina Cutie

Sure :)’

Tumingin muli sa PC screen si Minjeong at nagligpit na ng mga gamit niya sa kwarto ni Aeri.

“Aeri! Uwi na pala ako!” Sigaw niya sa kaibigan na naliligo pa rin hanggang ngayon.

“Akala ko ba dito ka na matutulog?!” Tanong niya mula sa banyo.

“Aalis pala ako bukas! Sige na, mauna na ako!”

Walang sabi sabi at iniwan na niya ang kaibigan niyang nasa loob pa rin ng banyo at umalis na sa kwarto niya.

Hindi niya rin alam kung bakit naisipan niya ring umuwi kahit tamad siyang mag-commute ngayon.

Ang alam niya lang, gusto na niyang makauwi para makatulog na ng maaga.

Bukod don, hindi rin siya makapaghintay na sumapit ang bagong umaga.

Excited kasi makakasama niya si Karina.

 

~~~~~

 

Siguro ilang beses na akong nagpabalik balik sa salamin tapos titignan kung ano ang itsura ko.

Kung okay lang ba ang shirt na suot, kung bagay ba ang pantalon na kapares ng pantaas ko, kung tama lang ba ang sapatos na sinuot ko at bagay siya sa get up ko ngayon.

Sa huli, all black rin naman ang suot ko. Black over-sized shirt, black knee-ripped jeans saka converse na high-cut classic.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakataon at naisipan ng lumabas sa kwarto ko.

10:00am ang call namin ni Karina. 9:50 palang pero ayaw ko naman na maghintay siya sa meet up place namin.

Nag-alok naman ako na susunduin ko nalang siya kaso, hassle naman daw.

“Oh, aalis ka? San punta mo?” Napansin naman ako ni Ate na nagluluto sa may kusina. Day off niya ngayon at himala pa ngang nagising siya ng maaga.

“Sa Mars, ate.” Kumuha naman ako ng isang pirasong tinapay at kumagat doon, “Pahiram ako ng kotse ha.” Tumango naman siya.

“Gayak na gayak ka naman para pumuntang Mars,” puna pa niya at napailing nalang ako. Kinuha ko na ang susi sa may lamesa at nagpaalam na rin kay mama na nasa sala. Nagtanong pa nga kung saan ako pupunta pero sinabi ko nalang na may kikitain ako na kaibigan.

“May date yan, ma. Bihis na bihis eh.” Pang-aasar pa ni Ate Taeyeon mula sa kusina bago ako tuluyang makalabas ng bahay.

Matapos kong mailabas ang sasakyan sa garahe, nag-drive na ako papunta sa meet up place namin na napag-usapan ni Karina.

 

“Minjeong!” Napalingon ako sa boses na tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Karina na kumakaway sa akin kaya lumapit na ako sa kinaroroonan niya.

“Kanina ka pa ba dito? Sorry traffic kasi,” tahimik kong sabi at napakamot din sa likod ng leeg ko.

Umiling naman siya at ngumiti sakin, “Kadarating ko lang din naman. No worries!”

May kinalkal naman siya mula sa bag niya at pinakita na sakin ang dalawang ticket.

“Tara na?” Masayang sabi niya kaya napangiti na rin ako sa tono ng boses niya.

“Tara!”

 

Hindi ko alam kung ano yung papanoorin namin ngayon. Inaantay nalang namin ang pag-flash ng film sa malaking screen na nasa harapan namin. Nandito kami taas at sa bandang gitna pa dahil ito ang napili niyang pwesto para sa aming dalawa.

Tinanong ko naman si Karina kung nagugutom ba ito para makabili sana man lang ako ng makakain namin habang inaantay ang movie o habang nanonood. Um-oo naman siya kaya sandal lang din ako nagpa-excuse sakanya’t lumabas ng sinehan para makabili ng popcorn saka tubig.

Hindi naman ako nagtagal sa labas at muli rin akong bumalik sa loob dala dala ang malaking popcorn saka dalawang soda cans. Naisipan ko rin na bumili ng chocolate bar dahil eto lang din ang nakita kong mabibili kasi wala namang tinapay na binebenta sa stall.

“Anong papanoorin nga ulit natin?” Tanong ko naman sakanya habang inaayos ang gamit namin sa may paanan namin.

“Secret. Tignan mo nalang kasi.” Ayaw papilit niyang sagot kaya napatango nalang ako at sumandal na rin sa upuan ko.

“Tingin ko, magugustuhan mo siya.”

“Nakakatakot ba?”

“Hindi noh! Ayokong nakakatakot.” Napatingin naman ako sakanya dahil napalakas ang boses niya. Ang tahi tahimik kasi dito sa loob ng sinehan. “Ay, sorry hehehe” saka pa siya nag-peace sign at ngumiti ng walang mata.

Ang cute naman niya.

“Karina, may tanong ako.”

“Hmmm?” Kumakain na siya ng popcorn ngayon.

“Hindi ba unfair kasi napanood mo na ang movie na papanoorin natin ngayon?”

Tumingin naman siya sakin at napataas na rin ng kilay.

“Ano? Panong unfair naman?”

“Diba you’re from the future? Kaya malamang sa malamang, napanood mo na to-“

She placed her finger sa may labi ko kaya natigil rin ako sa pagsasalita.

“I may or may not watched this pero gusto ko pa rin tong panoorin,” sagot naman niya at tinanggal muli sa labi ko ang daliri niya saka bumalik ulit sa pag kain.

“Tsaka diba, I told you na parang normal na tao lang din ako? Di mo sure kung sa dimension na pinanggalingan ko, napanood ko na to.”

Natikom nalang ang bibig ko sa explanation niya muli.

Nakalimutan kong hindi nga pala lahat ay nakikita niya o alam niya ang mga mangyayari at all times. Maaaring may mga bagay pa rin naman siyang hindi alam dahil nga sa pagkakaiba ng mundong pinanggalingan niya at ginagalawan niya ngayon.

“Ayan na mags-start na!”

Lumipat naman ang pansin ko sa screen na ngayon ay pinapakita ang mga previews at trailers ng ibang movies. After good 15 minutes siguro doon pa lang talaga nag-start ang movie.

Tahimik lang naman kami ng katabi kong nanonood na ngayon. Nagsimula ang film sa isang lalaki na bagong gising lang at pagkakuha sa kanyang cellphone ay may binabanggit siyang alarm para sa gabi.

Bakit kaya?

“Every Day?”

I murmured to myself and took a glance kay Karina.

Her eyes are fixed lang sa screen and para bang mataman niyang pinapanood to.

I guess I’ll just let myself enjoy the movie rin naman. Tutal, eto naman ang napili ni Karina eh.

 

I never knew that I would totally makakarelate kay Rhiannon. Parang bumalik lang ang mga alaala ko nung kinukulit ako ni Karina and telling her identity sa akin. Because basically the movie is about a soul that wakes up every day, in a different body.

The movie was interesting and it’s kind of giving me this vibe na parang katulad nung nangyayare kay Karina?

Now I understand why she chose this movie.  

“That’s sad,” sabi ko nang nasa may dinner date na sila A at Rhiannon.

“Yeah. Pero hindi rin naman kasi pwedeng habang buhay sila na ganyan ang lagay.”

Pinapaubaya na kasi ni A si Rhiannon nang marealize niyang Rhi deserves better. Hindi niya maibibigay ang mga ibang bagay na kayang ibigay ng mga normal na tao kay Rhiannon.

Tahimik na ulit kaming nanood.

“What the hell, yun na yon?” Bitin na bitin ko namang sabi.

Bakit ganun, ang bigat sa puso nung ending?

Natawa nalang si Karina sakin.

Siguro mga ilang minuto ko pang pinoprocess yung ending ng movie bago kami tuluyang lumabas sa sinehan.

“So, how was it?” Tanong ni Karina sakin habang naglalakad kami papuntang Shakey’s. Nagc-crave daw kasi siya ng pizza.

“It’s beautiful. Masakit nga lang sa heart.”

Muli na naman siyang tumawa at napailing nalang ako sakanya.

“Magd-dine in ba tayo o take out?” Nakaupo na kami at pumipili na ng mga orders namin.

“Take out nalang. May pupuntahan pa tayo.”

Napatingin naman ako sakanya at binaba na niya ang menu saka bumaling sa waiter na nag-aantay sa mga orders namin. Sinabi naman niya ang order niya at ganun na rin ako nang sakin naman tumingin yung waiter.

“Saan naman tayo pupunta?”

“Sa Mars.”

 

Nagda-drive na kami ngayon ni Karina matapos naming makuha ang pagkain namin. Nagtanong pa ako sakanya kung sure na ba siyang walang bibilhin sa mall at sure naman daw siya. Sine lang talaga ang sinadya niya.

Ngayon naman, hindi ko alam bakit hindi rin ako naiinis sa pagch-change of plans niya. Ang hassle kasi kung iisipin niyo. Pumunta lang ng mall para manood ng sine kung pwede naman manood sa laptop.

Ang spontaneous niya pala.

Papunta kasi kami ngayon sa isang museum. Di ko alam kung saan basta museum daw. Lakas din talaga ng trip netong babaeng to dahil ang lalayo ng mga museum na alam ko. Pero kahit ganun, ayos lang naman sakin.

Basta masaya siya at kasama ko siya.

“Minjeong, do you want a bite?” Tanong niya sakin habang nagd-drive lang ako at tumango naman ako, “Say aahhh”

Wala sa sarili akong kumagat sa pizza na nilapit niya sa mukha ko nang hindi naaalis ang tingin ko sa daan.

“Sarap?” Tumango tango naman ako at nginuya na ang pizza.

Mga isang oras na rin siguro kaming nagba-byahe at narating na namin ang destinasyon. Isang art museum dahil nabanggit niya nung isang araw na mahilig rin siyang tumingin tingin ng mga paintings.

“Alam na alam ah,” saglit akong tumingin sakanya habang tinitignan kung may mga nakalimutan pa ba akong hindi na-off sa sasakyan.

“Nabanggit mo kasi nung isang araw.” Tahimik ko naman sabi. Nakita kong palabas na sana siya kaso hinawakan ko siya sa kanyang kamay kaya napatingin naman siya sakin.

“Huwag ka munang lalabas.” Madaling sagot ko at saka mabilis na lumabas sa kotse. Dali dali pa akong umikot para makapunta sa kabila at mapagbuksan ko siya ng pintuan.

“Sweet mo naman.” Saka pa siya ngumisi sakin nang makalabas na siya kotse. Hindi ko nalang siya pinansin dahil nahiya rin ako sa pangungutya niya sakin.

“Halika na?” Aya ko naman. Tumalikod na ako sakanya para maglakad ngunit naramdaman ko naman na may malambot na kamay na humawak sa palad ko.

Napalingon tuloy ako sakanya na binatuhan niya lang ako ng isang malaking ngiti saka na tuluyang binalot ang mga daliri niya sa kamay ko saka lumapit na sakin.

“Tara na.”

Hindi ko na rin napigilan pang ngumiti dahil magka-hawak kamay kaming pumasok sa loob at mahigpit rin ang pagkakahawak ko rito.

Na parang ayoko siyang mawala.

Ayokong kumawala.

Pagkatapos naming mag-log para dun sa pagvivisit ng museum, tuluyan na kaming nakapasok sa loob at binigyan pa kami ng tag na nilagay sa pulso namin.

Muli na namang naghawak ang aming mga kamay nang nilibot na namin ang loob ng museum. Tahimik, kalmado at may mga tao rin na naririto. May mga nakaupo, tumitingin sa mga nakasabit na painting at mga piyesa.

“Minmin, halika punta tayo don.” Saka ako bahagyang hinila ni Karina at nagpasunod na lang ako sakanya.

Dinala niya ako sa isang section ng mga paintings na kung saan marami ang nakasabit at halos napapalibutan ang pader.

“Ang gaganda talaga.” Manghang mangha pa siya na nakatingin sa mga guhit at painting na nakapaskil sa kanyang harapan.

Ngunit ako, nanatiling nakatingin lamang sakanya.

“Sobra. Sobrang ganda.”

Sambit ko habang nakapako pa rin ang mga tingin ko sa babaeng katabi ko ngayon na punong puno ng saya at tuwa ang mga mata.

Walang wala ang mga piyesang nakasabit dahil bigla silang naglaho sa panimanman ko nang tinuon ko nalang ang pansin ko sa babaeng kasama ko at hawak hawak ang kanyang kamay.

Mukha siyang bata dahil halata sa mga ngiti niya.

Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Pakiramdam ko parang nahuhulog ako.

“Hindi ka naman nakatingin sa mga paintings eh,”

“Hindi ko na kailangan tignan yan,” panimula ko saka humigpit ang hawak ko sa kamay niya at tumingin muli sa mga mata niya, “sa lahat ng magagandang larawan na nakakalat dito ngayon, ikaw lang ang bukod-tangi ang kagandahan at hindi nakakasawang tignan.”

Parang gusto kong matawa sa reaksyon niya sa mga sinabi ko dahil natigilan siya at unti unti ring namula ang mga pisngi niya. Napa-purse pa siya ng lips saka umiwas pa ng tingin sakin.

Halatang pinipigilang ngumiti.

At kilig.

“Masyado ka naman, Minjeong.” Saka pa napatakip sa mukha niya gamit ang isa niyang kamay. Hindi ko na napigilang matawa at inalis naman ang kamay niyang nakatakip sa mukha niyang maganda.

“Huwag mo ngang takpan, gusto kong masilayan ang taglay mong kagandahan.”

Lumalabas ang pagka-makata ko sa dalagang kasama ko ngayon. Nakakabigla! Maski ako, nabibigla rin ako sa mga sinasabi ko.

Pero ano pa nga ba? Sinasabi ko lang naman ang nilalaman ng puso ko.

“Ihh ano ba Minjeong, may mga tao dito. Pag di ako nakapagpigil baka tumili ako,”

“Eh di tumili ka, totoo naman ang mga sinasabi ko.” Pabalang kong sagot at nilapit pa siya sakin saka pa inayos ang mga natitirang hibla ng kanyang buhok na nakaharang sa mukha niya saka nilagay yun sa likod ng kanyang tenga.

“Tara na nga, Makatang Minjeong.” Inirapan pa niya ako pero hindi pa rin nawala ang ngiti niya sa labi.

Hindi ko na kailangang pakiramdaman kung nahuhulog nako.

Dahil sa isang iglap, isang ngiti at isang irap,

Katabi at hawak hawak ko ang kamay niya ng mahigpit,

Nahulog na ako.

Nagpatuloy lang kami sa paglilibot dito sa museum at paminsan minsan pang nagpipicture. Kinukuhanan ko siya at minsan naman ay ako naman ang kanyang kinukuhanan.

Pero madalas, may mga candid shots siyang kinukuha ko ng palihim. Masyado siyang maganda para palampasin ko ang pagkakataon kong may remembrance ako mula sakanya sa araw na ito.

I’ll always remember this day.

“Upo muna tayo, napagod ako sa kakalakad eh.” Saad naman ni Karina at tinuro ang isang wood bench na nakapalibot sa isang punong maliit.

Nang maupo kami doon, inofferan ko naman siya ng tubig na dala dala ko. Tinanggap naman niya ito at nainom na sa water bottle ko.

“You draw, diba?” Matapos niyang uminom at tumingin tingin pa rin sa mga piyesa na nakakabit sa harapan namin.

“Yeah. Pero kadalasan out of boredom lang,”

“Nakita ko yung drawing mo noon at sasabihin mong out of boredom lang? Ang gaganda kaya ng mga guhit mo,”

Pagpuri niya pa. Nalala kong tinignan niya pala yung notebook kong punong puno ng drawings ko at sketches ng mga thoughts ko. Galaxies o kaya ay aliens.

“Pakiramdam ko ikaw si Jack tas ako si Rose.”

Napataas naman ako ng kilay sakanya.

“Napapa-‘draw me like one of your French girls’ ako sayo eh,” saka pa niya ako kinindatan at natawa sa sarili niyang banat.

Hala siya.

“Pwede naman.” Pag-sakay ko pa sa banat niya kaya nagkunwari pa siya ng pose at natawa rin sa kagagawan niya.

“Tawang tawa ka naman sakin. Pag ikaw na-fall nako.”

“Eh di mahulog. Ano naman ngayon?” Matapang na sambit ko at saka uminom rin sa water bottle ko.

Nakita ko naman siyang tumango tango pa at sinabing, “Matapang naman pala.”

“Basta para sayo.”

Nagkwentuhan lang kami ulit saka minsan ay pinapa-critic niya pa sakin ang mga nakasabit mga pader. Sinasakyan ko nalang mga trip niya at kung ano ano pang pagtatanong na naibabato niya sakin.

“Gusto mong making ng kanta?” Pag-aaya ko naman sakanya habang may chinecheck sa phone niya.

“Hmmm? Yeah, sure! Parinig akooo,”

Kinuha ko naman ang earphones ko saka sinaksak ito sa cellphone ko.

Mas lumapit naman siya sakin at pinapanood na rin ako mag-scroll sa playlist ko.

Hindi ko alam kung anong kanta ang ip-play kaya pindot ko nalang din ang shuffle, pinasak na niya ito sa tenga niya at ganun na rin ako sa akin.

Now Playing: Kung Wala Ka – Hale

Nakaramdam naman ako bigla ng nostalgia sa pakiramdam at hindi ko alam kung bakit.

Naalala ko rin na, eto pala ang kantang pinapakinggan ko noong una kaming nagkita.

Noong tumabi siya sa akin at kinulit ako. Hindi ko na tuloy napakinggan ng buo ang kantang to dahil kinausap ko na siya noon at nawawala na ang pasensya ko.

Pero iba ngayon.

Habang naririnig ko ito ngayon, siya pa rin ang kasama ko at ang naaalala.

Ang pinagkaiba lang ay hawak hawak ko ang kanyang kamay at nakasandal pa ang ulo niya sa balikat ko.

Tahimik lang kaming nakikinig at pinapakiramdaman ang tahimik na paligid saka malamig na hanging bumabalot sa dalawang sulok na aming pwesto.

Hindi mo maiisip
Hindi mo makikita
Ang mga pangarap ko
Para sa 'yo, para sa 'yo

Oh-oh-oh-oh
Hindi ko maisip kung wala ka
Oh-oh-oh-oh
Sa buhay ko

Tumingin ako sa mga kamay namin na nakasaklob sa isa’t isa at marahang hinahaplos ng hinlalaki ko ang likurang bahagi ng kanyang kamay. Ngayon ko lang din napansin na may singsing pala siyang suot sa hintuturo niya.

“Ang ganda naman ng singsing mo…” Tahimik kong sambit saka ito marahang hinawakan.

“Bigay yan ng mama ni Jimin sakanya…”

Tinaas ko naman ang mga kamay namin at nilapit ito sa mukha ko para mas matignan ko pa ng maayos ang singsing.

Rosary ring pala ito.

“Ayon sa nabasa ko sa journal niya, binigay daw ito noong birthday niya. 8th birthday.” paliwanag niya saka umayos ng upo’t bumalikwas sa pagkakadantay ng ulo niya sa balikat ko. Hinahayaan niya lang akong tignan ang accessory na suot suot niya.

Nariyan ka pa ba?
Hindi ka na matanaw
Kung mayro'n bang daraanang
Pasulong, pasulong

Matapos kong matitigan ng maayos ang singsing niyang suot, nahanap ko nalang ang sarili ko na nilalapit ang kamay niya sa labi ko at dahan dahang dinampi ito dito.

Napapikit nalang ako sa oras na nalapat ang labi ko sa likuran ng kamay niya at ramdam ko ring humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Bumukas nalang ang mga mata ko at unang natagpuan nila ay ang mga matang nakatingin sakin ng babaeng katabi ko ngayon.

Tahimik na nakamasid at nakatitig lamang sa mga mata ko. Diretso ang tingin na para bang walang balak lumihis.

“Minjeong…”

Tawag niya pa sa akin. Hindi ako sumagot bagkus inabot ko ang kanyang mukha habang hawak hawak pa rin ang kanyang kamay saka dahan dahan kong pinadaan ang likuran ng mga daliri ko sa kanyang kaliwang pisngi.

Nilibot naman ng mga tingin ko buong mukha ni Karina. Bumaba rin ang paghaplos ng mga daliri ko sa nunal niyang malapit lang sakanyang labi saka bumalik ang mga mata ko kung saan sila ay nakaramdam ng ibang klaseng pakiramdam.

Sa kanyang mga mata.

Kung saan nakaramdam ng tahanan at silungan sa puso kong kay tagal nang naliligaw at naghahanap ng makakasama.

Oh-oh-oh-oh
Hindi ko maisip kung wala ka
Oh-oh-oh-oh
Sa buhay ko

Sundan mo
Ang paghimig na lulan na aking pinagtatanto
Sundan mo
Ang paghimig ko

“Karina…”

Pagtawag ko sa pangalan niya.

Unti unting lumalapit ang mga mukha namin sa isa’t isa at napapababa na rin ang mga tingin ko sa labi niya.

Nararamdaman ko na ang hininga niya sa may labi ko at nakita ko namang dahang dahang pumikit ang kanyang mga mata.

Hanggang sa naramdaman ko nalang ang malalambot na labi sa labi ko.

Nakapikit lang ako at nakadampi pa rin ang mga labi namin sa isa’t isa.

Naramdaman ko namang kumawala siya sa pagkakahawak sa kamay ko at pinwesto ito sa likod ng ulo ko.

Parang bumigay ako sa paghawak niya sakin, napabaliko na lamang ang ulo ko nang maramdaman ko ring gumalaw ang labi niya.

Napapasunod nalang din ako at hinawakan ng dahan dahan ang magkabilang pisngi niya.

Mga ilang saglit rin ay nararamdaman ko naman ang paghiwalay niya sakin at tumingin ulit sa mga mata ko.

Nilalaro niya ng marahan ang buhok ko sa likod habang ako naman ay binigyan siya ng matamis na ngiti at hinalikan siya sa noo niya.

“Mahal kita…”

Bigla siyang yumakap sa leeg ko at siniksik pa ang mukha sakin. Niyakap ko naman siya pabalik at mas nilapit pa lalo sakin.

Hinalikan ko muli ang side ng ulo niya at sinabing,

“Mahal kita, Karina…”

Oh-oh-oh-oh
Hindi ko maisip kung wala ka
Oh-oh-oh-oh
Sa buhay ko

 

“Minmin, mauna ka na sa kotse. Naiihi ako eh, cr muna ako.” Paalam ni Karina habang papalabas kami ng museum. Nag-aya na kasi siyang umuwi, halos maggagabi na rin.

“Sige. Hintayin nalang kita don ha?” Tumango naman siya at binigyan pa ako ng halik sa pisngi.

Masaya naman akong bumalik sa kotse at tahimik na naghintay sa loob para kay Karina.

Sumagi na naman sa isip ko kanina ang nangyari.

Hinalikan ko ba talaga siya? Hinalikan niya ba talaga ako?

Pakiramdam ko ay parang sasabog na rin ang dibdib ko sa sobrang tuwa at saya.

Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil sobra sobra lang ang emosyon na dinaramdam ko at the moment.

Napahawak ako sa labi kong hinagkan ni Karina at parang tanga pang napasuntok sa manibela kaya bumusina ang kotse.

Tangina lang.

Hindi ko inakala na mahuhulog pala talaga ako sakanya.

Buong akala ko ay hindi siya matitiis ng sarili ko at ng pride ko pero heto ako ngayon.

Halos maulol dahil sa araw na ito.

Magmula kanina sa sinehan, habang nagmamaneho ako at sinusubuan, hanggang sa museum na kung saan mas grabe pa ang mga pangyayare.

lang talaga.

Hindi ko alam paano ko ikekwento kay Aeri ito dahil naisip ko rin kung ano ba talaga ang status namin ni Karina. Importante pa ba ang label? Parang kahit hindi na.

Ramdam ko naman sa halik niya yung sagot.

Napansin ko naman na parang tumatagal na ata sa loob si Karina. Ayos lang kaya yun? Puntahan ko kaya? Baka naligaw eh.

O baka naman nag-number 2?

Hintayin ko nalang siya dito. Babalik naman siya eh.

 

Halos sampung minute na akong naghihintay dito sa loob ng kotse ngunit wala pa ring lumalabas na isang matangkad na magandang babae mula sa loob ng museum.

Nagsisimula na rin akong mag-alala dahil tinignan ko ang cellphone ko at wala man lang message mula sakanya.

Puntahan ko na kaya, baka napano na eh.

Lumabas na ako sa kotse at muling pumasok sa loob. Nagtanong pa ako dun sa receptionist kung may nakita ba siyang babaeng matangkad na nakapulang long sleeves na lumabas pero iling lang ang natanggap ko.

Tinignan ko muli ang cellphone ko para malaman kung nag-text ba siya pero to my dismay, wala pa rin.

Kahit isang message lang sana.

Nagsimula na rin akong pumunta sa banyo dahil dun naman ang pinunta niya rito sa loob ngunit sa kasamaang palad, wala rin siya dito.

Iniisa isa ko ang mga cubicle, wala. Walang senyales na naiwan mula sakanya.

Nagsisimula na akong hindi mapakali. Pumapasok ang mga negative thoughts na pilit ko namang binabalewala at inaalis.

Hindi naman yun uuwing mag-isa.

Nagsimula ulit akong libutin ang museum. Sa lahat ng sulok na pinuntahan namin at section ngunit wala pa rin talaga.

Nagsimula na rin akong magtanong tanong sa mga tao sa loob per osa ksamaang palad, tanging iling at ‘hindi’ lang ang mga natanggap ko mula sakanila.

Lumalakas na ang kabog ng dibdib ko.

Hindi sa tuwa kundi dahil sa takot.

Nakakaramdam na ako ng takot dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya makita.

Lumabas nalang ako ng museum nang marealize kong hindi ko siya mahahanap dun dahil halos napuntahan ko na at nalibot na rin ang loob.

Tumuloy ako sa parking, kokonti nalang ang mga sasakyang naka-parke at may mga tao na ring lumalabas sa museum.

This won’t do. Tatawagin ko nalang siya.

‘The number you have dialed-‘

Bull!

Tangina. Nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Hindi rin naman ako makaalis at makauwi dahil baka maiwan ko lang siya dito.

Pero hindi ko rin naman siya mahahanap kung hindi ako aalis at magtatatanong sa daan.

Baka naglakad nalang pauwi at pinagtripan na naman ako.

Hindi to magandang trip Karina kung ganon.

Kasi maiiyak na ako.

Nakasakay na ako ngayon sa kotse at nagsimula na ring nagtanong tanong sa mga nadadaanan ko. Ganun pa rin ang sagot. Iling at hindi.

“Karina naman eh!” Frustrated na sigaw ko at napahigpit ang hawak sa manibela habang nakahinto sa gilid ng kalsada.

“Karina, asan ka naman oh? Kahit isang text lang…”

Dinial ko ulit ang number niya pero ngayon ay out of reach na. Inis kong binalibag ang cellphone ko at napadukmo nalang sa manibela.

Naiiyak na ako.

“Bat ka naman nang-iiwan, Karina. Ang daya daya mo naman eh.”

Napasinghot nalang ako at napapunas sa may ilong ko.

“Karina, nasan ka? Kailangan kita.”

Nakakaramdam na ako ng pagod.

Para akong nasa isang roller coaster of emotions ngayon dahil sa mabibilis ang mga pangyayaring kinagisnan ko ngayong araw.

Sana pala hindi nalang ako masyadong natuwa kanina.

Babawiin rin pala.

 

 

 

 

“Minjeong?”

“Minjeong?”

“Kim Minjeong???”

“Kim Minjeong gising!!”

Napatayo ako dahil sa paghampas ng libro sa may lamesa ko.

Huh? Nasan ako?

“Kim Minjeong, tawag ka ni sir.”

Napatingin ako sa katabi ko at nanlaki nalang ang mga mata ko.

“Karina?”

Hindi ako pwedeng magkamali. Siyang siya nga to!

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at bahagyang tumaas din ang kilay nito.

“How did you know my name?”

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Diba yun naman talaga ang pangalan niya?

“Sinabi mo sakin, diba? Na tawagin kitang Karina?” Halata namang naguguluhan siya sa mga sinasabi ko at niclear pa ng throat.

“I don’t remember you telling anything.” Nanlamig ako sa sagot niya.

“Pero kilala mo ako, diba?”

Umiling naman siya at sinulyapan ang prof namin na nagtuturo sa harapan.

“Prof told me to wake you up because you keep on murmuring words and even called out my second name. Mukhang umiiyak ka pa nga kaya inakala ni sir na binabangungot ka na at pinagising sa akin.”

Tuloy tuloy niyang sambit. Napaawang ako ng bibig.

Panaginip ang lahat ng yun?

Panaginip lang ang lahat?

“You’ve been sleeping since our first subject.” Habol pa niya.

“Panaginip lang ang lahat ng yun?” Bulaslas ko naman at napahawak sa dibdib ko.

Pakiramdam ko ay parang maiiyak talaga ako dahil sa narinig.

“And I’m gonna ask you once again, how did you know my name?”

Napatingin nalang ako muli sakanya at kamukhang kamukha niya ang Karina na nasa panaginip ko.

Umiling nalang ako sakanya at napalunok.

“I just knew that name would suit you.” Palusot ko na halata namang hindi siya maniniwala rito.

Nakakunot noo pa rin siya ng tingin sakin at muling binaling ang pansin niya kay prof na nagdidiscuss.

Habang ako, nakatuon lang ang pansin ko sa babaeng katabi ko ngayon.

Karina…

Good Lord, how could I ever forget such a beautiful name na pinangalan sa isang magandang babae?

Karina…

I guess you this is the thing na tinatawag nilang ‘girl of my dreams’?

Karina…

Oh God.

I’ll never ever forget…

Karina…

Your name.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭