Vampire Encounters: Not a Love Story (Part IV)

Scraps

“Ehem.”

Natigil ang pagbubungisngis namin ni Winter sa isa’t isa nang bigla naming marinig ang malakas na pag-ubo ng kaibigan niya.

Sino nga ulit ‘to? Yung bigla nalang pumasok sa kwarto ko ng walang pahintulot ko saka na ginawa ang kanyang gusto.

“Eto tubig Aeri oh,” saad ni Ningning na parang nagpipigil pa ng tawa.

“Hindi naman. Ayaw ko lang makaistorbo sa inyo, Minjeong but I think shouldn’t the both of you get a room? Respeto sa pagkain.” Flat ang tono, diretsa pang nakatingin sa ‘ming dalawa ni Winter.

Bitter ‘yarn?

“Oh, sorry Aeri. Karina was just saying something, hindi ko namalayan.”

“Yeah, I could see that.”

Ako lang ba o masyado talagang flat ang tono ng babaeng ‘to kung makapagsalita?

Nilalamig rin ako hindi lang sa boses niya kundi pati na rin sa mga kilos niya whenever she’s around.

Para namang hindi kami napagsabihan ng kaibigan ni Winter, nagtanong ako muli sa kanya, “Pinaglihi ba sa yelo ‘yang kaibigan mo?”

Natawa naman ‘tong katabi ko.

Tumingin ulit tuloy sa direksyon namin sina Ningning at Aerial.

“Ang haharot niyo naman. Naaalibadbaran na ako sainyo ni Karina, Minjeong.” Reklamo ni Ningning.

“Nagtatanong lang naman ako noh. ‘Tong kaibigan mo masyadong natutuwa sa ‘kin, siya sisihin mo.”

“Well, I can’t help it though. Rina’s too cute.”

Masyado ka, Kim Winter! Anong cute dun sa tanong ko?!

“You can have your bebe time after dinner. Magsikain muna tayo.”

Humupa ang pagtatawanan namin nang magsalita ulit si Aerial na busy sa pagkain niya.

Ang lamig lamig talaga guys. Kaya ba hangin yung pangalan niya?

Aerial, bagay sa’yo yung pangalan mo,” out of the blue kong sabing nakatingin sa kanya.

“What did you call me?” 

“Aerial. Kasi ang cold mo. Para kang simoy ng hangin around December. Alam mo ‘yon, malamig gano’n.”

Hindi ko mabasa ang isip niya nang tumingin na siya sa akin pagkatapos kong sabihin ‘yan.

Bibilangin ko na ba ang mga araw ko dahil mukhang malalapa niya ako sa sinabi ko? Hindi naman ako takot noh.

Kahit magbardagol pa kami ngayon, wala akong pake.

Humagikgik naman ulit yung dalawa pero muli rin silang natahimik nang sila na ang binalingan ng tingin ni Aerial.

“It’s Aeri, not Aerial.”

“Ehree? Parang yung nakakatakot na movie ni Bea Alonzo ‘yan ah. No wonder you’re intimidating sometimes.”

“You’re funny, noh?” Hindi niya tinago ang sarcasm sa boses niya.

“Oo naman.” Kaswal kong sagot saka pinagpatuloy na ang pagkain.

Kasalukuyan kaming nagdi-dinner ngayon dito sa apartment ko. Naisipan kong imbitahin si Winter na dito na maghapunan dahil gusto niya rin daw mamasyal sa tinutuluyan ko.

Ewan ko kung paano nakarating kina Ningning at Aerial yung balita pero bigla nalang may nag-doorbell kanina sa pintuan ko’t silang dalawa ang niluwa. It turns out na nakabantay pa rin pala si Winter sa care ni Aerial kaya minomonitor pa rin niya ito.

Sasalinan ulit ng dugo si Winter matapos nung insidente nung nakaraang buwan sa kanya.

Una palang, parang hindi ko maatim ang aurahan nung isa pa niyang kaibigan. Hindi lang naman kasi ito ang pagkakataon na nakasama ko yun si Aerial pero eto ang unang beses kong nakasalamuha siya ng matagal.

Hindi ko alam kung hindi lang talaga siya friendly. Sa bawat pagkikita kasi namin, malimit niya lang akong kausapin. Ay wait, hindi. Teka scratch that-

Hindi niya talaga ako kinakausap.

Tuwing magtatanong naman ako sa kanya, tango at iling lang. O kaya short phrases lang talaga ang isasagot.

Sa totoo lang, hindi ko rin nafeel na magkakasundo kami ne’to. Pero dahil nga kaibigan siya ni Winter, pinipigilan ko ang sarili ko minsan na ‘wag rin siyang sabayan sa pagsusungit. Ayokong magkaroon ng away eh.

Either sa pagitan nila ni Winter o sa ‘min mismong dalawa ni hangin.

“Let me do the dishes,” pagv-volunteer ni Winter na mabilis kong tinanggihan.

“Ako na diyan. Iwan niyo nalang sa mesa, liligpitin ko na rin kapag natapos na si Ningning.”

“Let Winter do the dishes. Kami ang bisita rito’t nakikain.” Napatingin ako kay Aeri.

Sino siya para utusan ako?

“Okay lang naman. Kokonti lang naman ‘yang mga ‘yan. Bisita ko nga kayo kaya magpahinga nalang kayo dun sa sala.”

“Winter can handle that. Besides, may sugat ka sa daliri, right?” pagpapaalala niya.

Kaninang nagluluto’t naghahanda kasi ako ng makakain, nasugatan ko ang sarili ko. Mukhang tanga lang. Kinilig masyado sa presensya ni Winter na tinutulungan akong isalin ang mga rekado.

“Baka kapag dumugo ‘yan, hindi natin magugustuhan kung ano ang pwedeng mangyari.” Habol niya nang nakatingin sa mata ko ng diretso.

Hindi ako threatened.

“’Di ko na problema ‘yon. Edi may desert kayo if ever,” saka ko siya nginitian, “Gusto mo ‘yon, Winter?” binalingan ko siya na ngayon ay parang naaamaze sa ‘ming dalawa ng kaibigan niya.

“I insist na, Rina. Or you can stay with me nalang dito while I’m washing them.” If I’m not mistaken, nakita ko rin ang paglunok ni Winter.

Si Ningning parang wala lang sa kanya dahil busy pa rin sa pag-lafang ng food.

“Well, kung gano’n mauuna na ako sa sala. And Ning, please ubusin mo ang food na kinuha mo. I’ll just wait you sa sala.” Pagpapaalala niya sa kaibigan saka na umalis sa hapagkainan.

Natapos na ring kumain si Ningning kalaunan kaya sinamahan na rin niya si Aerial sa sala. Sinabihan ko na rin si Ningning na pwede naman silang manood habang hinihintay si Winter.

Tuwang tuwa naman siya sa nalaman at sinabing sosolohin niya raw ang Netflix para mahabol niya yung series na pinapanood niya. Matutulog lang naman daw kasi si Aeri o kaya magbabasa.

“Rina,”

“Hmmm? Bakit?”

Naiwan na kami ni Winter dito at naghuhugas na siya ng mga plato.

Nag-offer nga ako na tulungan ko siya kahit yung pagbabad lang pero ayaw niya. Stay put nalang daw ako saka ko siya bantayan nalang, malaking tulong na raw ‘yon sa kanya.

“I’m sorry kung gano’n yung mga actions ni Aeri towards sa’yo.”

“Ay, ‘yun ba? Wala lang ‘yon.”

“No. I’m really sorry talaga on behalf of her. Ayoko lang din kasi mafeel mo na ayaw ka niya,”

Eh yun na nga, Winter. Ramdam na ramdam ko ‘yon sa kaibigan mo.

“Goods lang ako, Win. Naiintindihan ko naman yung kaibigan mo. May pinanggagalingan rin yung binubuntong niya sa ‘kin eh.”

“But that doesn’t mean she can just go all the way to the point it’s bothering you na.”

Hindi ko na napigilan dahil na rin sa bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Nilapitan ko si Winter at dahan dahang hinaplos haplos ang braso niya mula sa likod.

“As long as hindi ka niya nilalayo sa ‘kin, okay na ako do’n. Napagtitiisan pa rin naman yung coldness niya eh.” Panlalambing ko saka sinandal ang ulo ko sa may balikat niya.

“Saka para namang hindi mo kilala ang jowa mo. Palaban din naman ako ah?” pang-aasar ko kay Winter sabay patong ng baba ko sa kanyang balikat at hinarapan siya.

Ang ganda pa rin kahit side view. Ang cute cute rin ng cheeks!

“That’s the point. Baka mag-away pa kayo because of her actions na minsan napapasobra na. I don’t want to-“

Love…” napahinto siya sa biglaang pagtawag ko sa kanya, “I swear, I can still handle it. Though minsan napapaisip talaga ako bakit grabe naman ata pagiging wary niya sa ‘kin. Pero nakalimutan ko rin na magka-iba nga pala tayo. Then ayon, naiintindihan ko na ulit. After all, kaibigan mo pa rin naman siya.”

Siniksik ko ang mukha ko sa balikat niya. “Kaya ‘wag ka nang mag-alala okay? Sasabihan naman kita.”

Saglit siyang tumigil sa pagbabanlaw at tumingin sa ‘kin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, then naramdaman ko rin ang pagdampi ng labi niya sa may tuktok ng ulo ko.

“Thank you, love. I’ll try to lecture Aeri and discuss things over this matter.”

“Lecture daw oh. Eh mukhang ikaw nga madalas nalelecture sa kanya. Ni hindi mo man nga matignan ng maayos kaninang binigyan kayo ng tingin eh.” Asar ko kay Winter na tumuloy na sa paghuhugas.

“Love, this time is different naman kasi. Ikaw ang pinaguusapan kaya I’m confident.”

Napaikot nalang ang mga mata ko. Gusto ko siyang kurutin sa tagiliran!

“Oo na.” Ramdam ko na tuloy ang pamumula ng pisngi ko.

“You’re kinikilig noh?”

“Che!”

 

 

 

 

 

 

“Saan nga ulit tayo luluwas sa Sabado?”

“Sa Pangasinan daw ata tayo, Ning.”

“Pangasinan? Ah malapit lang noh. Akala ko kasi sa La Union pa tayo tapos diretso na sa Baguio katapos,”

“Yun ang hindi ko alam eh. Bahala na kung saan magd-drive. Si Winter naman yung mas may nakakaalam sa lakad.”

Kausap ko ngayon si Ningning sa phone. Nagf-follow up tungkol sa lakad namin sa Sabado.

Nagplano kasi si Winter na mag-get away daw kami. 2days and 1night lang naman. Gusto nilang maglibang muna bago sasabak sa mga gagawin nila sa mundo nila.

Magiging busy na raw kasi talaga niyan ang pagiging bampira nila dahil dun sa sinasabi nilang alay alay chenalu.

Nung una, nag-alala ako. Masyado na ba akong judger kung inakala kong hindi sila nab-beach? Eh malay ko bang pwede rin pala silang mag-dagat dagat.

May mga recreational activities rin pala silang alam.

Hindi niyo rin naman ako kasi masisisi. Malay ko bang halos magkasing-tulad lang pala talaga ang mga ginagawa nila sa ‘ming mga tao.

Si Winter ang initial na nagplano. Tinanong ko kung kami kami lang bang dalawa kasi, sinabi niya lang naman yun in the middle of our panonood sa Spirited Away sa kwarto ko. Sobrang random yung tipong bigla lang siyang, ‘Love, beach tayo this Saturday.’

Taray diba? Parang nag-aya lang na kakain dun sa kabilang kanto.

Isasama raw namin sina Ningning and of course, si Aeri.

Alanganin siya nung pinaalam niya sa ‘kin na isasama niya yung kaibigan niya. Sabi ko lang naman, ‘Hindi ko naman kakagatin ‘yang kaibigan mo. Baka siya pa nga mangagat sa ‘kin.’

‘Pero love if you’ll think about it, this is the perfect time para magkasundo kayo, don’t you think?’

‘Love, kahit anong ipilit natin, hinding hindi na kami siguro magkakasundo niyang si Aerial. Eh okay lang din naman ako with that. Ayoko nang dumagdag pa ng iisipin.’

‘I talked to her na rin naman. I think the two of you will be fine this coming beach get away.’

“Oh sige, ibababa ko na ‘to Ning ha. Andito na si Winter eh.”

“Asa labas pa rin pala kayo? Uwi na, gabi na ah. Masyado niyo namang sinusulit ang gabi.”

“Haynako Ning. Yung jowa ko kasi ayaw pang umuwi. Minsan lang din naman kami lumabas noh, ineenjoy pa namin ‘tong date eh.”

“Sinisi mo pa yun si Winter eh ikaw rin naman gustong gusto mo ‘yang palabas labas niyo ng kaibigan ko. Ingatan mo ‘yan ah! Ay hindi pala, mag-ingat ka diyan ah!”

“Siya yung mag-ingat sa ‘kin! Sige na, bye Ning!”

“Byeee”

Nakarating na si Winter galing sa CR kaya nag-ayos na ako ng gamit. Hinintay ko lang naman siya sa mga vacant na upuan, medyo marami na rin kasi yung dala namin. Mangangalay ako if hindi pa ako naghanap ng mauupuan.

“Sino yun, Love?”

“Si Ningning lang. Nagtanong lang naman ulit kung anong details about sa lakad natin.”

Kinuha na niya yung mga binibitbit niya kanina at nagsimula na kaming maglakad.

“Pagod ka na ba, love? Do you want to go home na?”

“Pwede naman na tayong umuwi kung nakumpleto na yung mga bibilhin. Wala ka na bang nakalimutan?” pag-aassure ko kay Winter at chineck ang mga plastic bags na hawak namin.

“Yung mga chocolates mo, nabili mo na ba lahat?” tinignan ko yung supot na bitbit-bitbit ko at nakitang naroroon nga yung mga sweets na binili namin kanina.

“I think nabili ko naman na mga kailangan ko, love. We can go shopping pa if you want something to add sa mga babaunin natin.”

“Take out nalang tayo for dinner tapos sa bahay na kumain.” Sabi ko nalang na sinang-ayunan naman ng girlfriend ko.

Nag-take out na kami ng makakakain. Nag-settle siya sa isang chicken burger na pwede naman pala nilang kainin paminsan minsan. After all, meat pa rin naman daw ‘yon.

Nasa kotse na niya kami at pauwi na sa apartment ko. Alas-siete ng gabi nung huling check ko sa oras pero ngayong tinignan ko ulit sa phone, quarter to nine na pala.

Medyo ginabi nga kami kakashopping ng girlfriend ko.

“Love, sa bahay ka nalang muna magpahinga,” saad ko habang chinecheck ang isang plastic na hawak ko.

“Really? I can go stay sa place mo, love?” taray, excited ang jowa ko, “But I don’t have any clothes para pamalit.”

“Pahihiramin naman kita. Ano ka others? Love naman,”

Natawa siya sa driver’s seat at tumango tango.

“For sure naman kasi pagod ka. Malayo pa uuwian mo, dun ka nalang sa ‘kin para hindi na rin ako mag-alala kung nakauwi ka na o hindi.”

“I’ll always make sure to get home safe naman love.”

“Iba pa rin yung nag-iingat noh,”

“Gusto mo lang ata ako ma-solo love, eh?”

Tinignan ko siya ng nanliliit ng mata. At ang gaga, may nang-aasar na ngiti ang naglalaro sa mga labi niya.

“Ano naman ngayon kung gusto kita ma-solo? Girlfriend naman na kita ah. Pwede ka namang tumuloy sa inyo kung ayaw mo,”

“Chill, love. I was just teasing you.” Natatawa niyang sagot na inikutan ko nalang siya ng mata.

Natahimik kami ulit. Sabay kaming napagod dahil na rin sa pag-aasaran namin kanina.

“Nag-enjoy ka ba on what we did today, love?”

Red light at muling nagsalita si Winter. 100 seconds ang timer sa traffic light kaya tinaas niya muna ang handbrake ng kotse.

Tumango naman ako. Binaling ko rin ang tingin sa kanya, “Oo naman. For the first time kasi, nakita kitang ibang kulay ang suot mong damit.”

Kanina kasi, nag-try try kaming mga damit na isusuot niya. Siya naman yung nag-insist na tulungan ko raw siya sa paghahanap ng mga colors na babagay sa kanya. Hindi niya alam kung ano anong kulay eh dahil nasanay lang daw talaga siyang black or shades of grey ang mga sinusuot.

“You sure na bagay sa ‘kin lahat ng ‘yon?” inabot niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko at pinisil ‘yon.

“Oo nga. Ako kaya ‘tong namili para sa girlfriend ko noh. Hindi kita papabayaang maging chaka,”

“What’s ‘chaka’, love?”

Natingin ako sa kanya dahil sa inosente niyang tanong.

Lord, alam kong hindi mo sila kampon pero pinapasalamat kong siya pa talaga ang binigay mo sa akin eh andami dami namang bampira diyan.

Ang cute cute niya!

“Chaka means pangit, love.” Natatawa kong sagot, tumango tango naman siya.

“Oh, parang yung mga iba naming kasama. They’re chaka,”

“Ba’t naman?”

“They keep on doing wrong things kasi eh. So chaka sila.”

Nakarating na kami sa apartment ko matapos ang isang mahigit na oras na byahe.

Binababa na namin ang mga pinamili namin at nabuksan ko na rin ang pintuan ko sa wakas.

Madilim nang madatnan namin ito pero buti nalang ay palagi kong iniiwan na nakaayos at malinis ‘tong tinutuluyan ko.

“Sa kusina na natin ituloy ‘tong mga ‘to, love. Then kain na tayo.”

Natapos na kaming kumain ni Winter. As usual, exchanging glances kami habang kumakain saka ngingiti na parang mga timang.

Anong magagawa namin hulog na hulog kami sa isa’t isa? Tipong makukuntento ka nalang sa pagtitig sa kanya, masaya ka na.

Bukod sa mahaharot naming tinginan napagusapan rin namin ang mga ginawa namin ngayong araw. Napakwento rin siya sa ‘kin kung ano yung ginagawa niya while waiting for me sa labas kapag nagf-fit ako ng damit.

Tamang browse lang daw siya sa toy section para malibang. Tapos babalik nalang kapag nas-sense na niyang matatapos na ako.

Ang cool lang kasi naaabutan ko talaga siyang naghihintay nun sa labas. Hindi rin siya nagmintis sa pag-compliment sa ‘kin every time na lalabas ako para ipakita sa kanya kung bagay ko ba yung damit.

“Love, I’m done na,”

Tumingin naman ako sa girlfriend kong bagong ligo at basa ang buhok, suot suot ang damit na pinahiram ko sa kanya.

Isang pares lang naman ng PJs pero cute na cute na naman ako sa jowa kong mukhang baby.

“Ako naman ang maliligo ngayon. Wait mo ba ako, love?”

She smiled at me, “Sure. Para sabay tayong mag-sleep.”

Hindi naman ako nagtagal sa pagliligo. Malamig na rin naman, baka sipunin pa ako at malamigan ang likod.

Mga sampung minuto siguro tapos na ako. Unsual sa karaniwan kong tagal ng paliligo. Baka tulog na rin kasi si Winter sa labas kapag hindi ko pa minadali.

Pero ayun siya, nakasandal sa headboard ng kama ko’t nagbabasa nung librong nakalimutan kong iligpit kagabi. Nakuha niya ‘to panigurado sa side table ko.

“Busy naman ng love love ko na ‘yan,” hindi niya ako napansin hanggang sa tinabihan ko na siya’t sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

“Oh, hey love. Andito ka na pala.”

“Oo. Masyado kang invested diyan ah.”

“It got me hooked eh, sorry I didn’t notice you.” Saka niya ako binigyan ng halik sa ulo at sinandal na rin ang ulo niya sa ‘kin.

“Okay lang, love. Sino ba naman ako para pansinin diba? Ganito lang naman ako. Sorry love, haha”

Mabilis ang pagbaling niya ng tingin sa ‘kin at nakakunoot ang noo.

Gusto kong matawa.

“Uhh love?” naguguluhan ang mukha niya kaya tuluyan na akong natawa.

“De love joke lang ‘yon. May mga nauuso kasing ganyan, nagaya ko lang.” Natatawa pa rin ako na kinuha yung kamay niya’t pinagsaklob sa ‘kin.

“Akala ko naman nagtatampo ka for real.”

Mabilis ang pag-iling ko.

“Hindi naman ako ganu’n kababaw noh. May substance rin naman ang ikakatampo ko,”

Niyakap at nilapit lalo ako ni Winter sa kanya to the point na nararamdaman ko na yung init ng katawan niya.

Perfect lang para sa weather na sobrang lamig these days.

“I’m not yet sleepy, love.” Nakasiksik lang ako sa may leeg ni Winter kaya damang dama ko yung init ng hininga niyang tumama sa tenga ko nung binulungan niya ako.

Nakikiliti ako.

“Anong gusto mong gawin?”

“I’ll probably finish this book while cuddling with you all night.”

“Mmmhhmm,” tamad kong sagot.

‘Di ko feel magsalita. Mas prefer ko nalang na damhin yung katawan ni Winter na malapit sa ‘kin.

Yung body heat. Eme

I feel comfortable rin naman kasi. Ano pa bang hihilingin ko? Tatapusin niya na rin naman yung libro kaya okay lang sa ‘kin na ganito lang.

“You’re sleepy na ba love?”

Umiling lang ako.

“If you’re sleepy na, sleep ka na ha. Matatapos ko na rin ‘to.”

Tumango lang ako.

Nakapikit ang mga mata ko pero hindi pa ako totally tulog.

Naririnig ko pa rin naman yung paglipat ng pages sa libro ni Winter. Tama nga siya, ang bilis niya ngang magbasa.

Yung librong halos inabot ako ng dalawang gabi para matapos, siya isang upuan lang matatapos na niya.

Ang incredible naman ng mga skills ng love ko.

Talo si Mr. Incredible sa mga nakakaamaze niyang abilities and skills.

Charing.

“Love,”

“Hmm?”

“Ano pang skills ang meron ka?” tanong ko habang siksik na siksik pa rin kay Winter at humigpit lalo ang pagyakap ko sa bewang niya.

“It depends.”

Tipid niyang sumagot ha. Focused masyado sa binabasa.

“It depends saan? Sa situation na naroroon ka gano’n?”

“Mm-hmm,”

“Pero may nagagawa ka naman sa kanila ng sa pilitan, like, out of your decision lang gano’n?”

“Yeah. But konti lang, love.”

At dahil do’n, may naisip akong ipagawa sa jowa ko.

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya pero siya, nanatili lang na nakabaling ang pansin sa librong binabasa.

“Love,” tawag ko ulit while looking at her sternly.

“Hmmm,”

“Gusto ko ulit makita yung mga pangil mo.”

And that moment, tumingin naman siya sa ‘kin. Yung mga mata niya nagtatanong, saglit ring napaawang ang bibig.

“Ano ulit ‘yun, love?”

“Yung mga fangs mo kako, gusto ko makita. Yung ngipin mo,”

Tuluyan na niya akong tinaasan ng kilay at napatikom nalang ako ng mga labi.

“Ano ba ‘tong mga tanong mo love.” Kinakabahan niyang tanong. She let out a nervous laugh at napakamot sa sentido niya.

“I don’t know. Curious pa rin kasi ako sa’yo eh. I can’t help but to wonder na kung pwede mo ba ipalitaw ‘yung mga ‘yun kahit trip trip mo lang ganu’n.”

“Baka I’ll scare you away na naman love…”

Umayos naman ako ng upo saka hinawakan ang dalawa niyang kamay. Dalawang kamay para assured na assured ang jowa.

“No, I won’t. I trust you naman eh. Saka, hindi mo naman ako kakagatin diba? Kakagatin mo ba ako?” umiling naman siya agad, “See? I’ll be fine, love. I just want to see… them…”

Nakita ko ang paglunok niya at nag-aalinlangan pa rin sa gagawin.

Napakagat rin siya sa kanyang labi, humigpit ang pagkakahawak sa aking mga kamay.

“Pero kung hindi ka comfortable, okay lang naman. I’m sorry for asking such random things na pwede mong ika-ilang-“

“I’m just worried baka matakot ka na naman sa ‘kin. I don’t want to see your face like that ever again because of me,”

I cupped both of her cheeks at hinaplos ang mga ‘yon.

“Love, I’ll probably see you more often na gano’n ang lagay niyan, diba? I won’t mind. Hindi na ako takot. Ikaw naman ‘yan eh.” Tinitigan ko ang mga mata niya saka siya nginitian.

“Trust me.”

Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa pisngi niya. Ang lamig ng mga ito.

Kinakabahan nga ang girlfriend ko.

“Okay. Here goes nothing, love.”

Muli siyang lumunok for the second time saka na inayos ang sarili.

Hinayaan ko lang siyang i-gather ang sarili niya at binigyan ng space para sa kanyang transformation.

Pumikit na siya’t tila ba’y nagco-concentrate sa ginagawa.

Paminsang minsan pang nagt-tilt ang ulo pati nagf-flinch ang mga kamay saka daliri.

To be honest? Hindi ako kinakabahan. Nakatingin lang ako sa jowa kong naga-ala Edward Cullen na sa sobrang puti.

Kapansin pansin rin ang mga ugat niya sa leeg pati kamay.

At sa wakas, dahan dahan niyang binuksan ang mga mata na nag-aadjust pa saka na rin tumingin sa ‘kin.

Naalala ko tuloy yung kantang pinapakinggan namin kanina sa kotse. Ikaw Lang ng bandang Nobita.

Para namang biglang nagplay ito nang nagkatagpo na ang aming mga mata.

‘Yung mga mata niyang kulay pula.

Inaral ko muna ang itsura ng girlfriend ko ngayon. Full vampire mode dahil sa kulay ng mga mata niya, yung balat niyang pumuti pa ng bahagya at banayad niyang paghinga, mga kamay niyang nakalabas ang mga ugat.

Sa huli, dumako ang mga tingin ko sa labi niya.

May pagkapula ito, may mga bahagyang sumisilip ring matalim na pangil na hindi rin nagtagal ay nakita ko nang buo dahil umawang ang bibig ni Winter.

“Love?” tawag niya sa ‘kin nang mapansin niyang tulala ako sa kanya.

“I knew it. Sana hindi ko na ginawa. I’m sorry I know nakakatakot ang itsura ko ngayon-“

“Baliw.” Pagputol ko kay Winter na nataranta bigla.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya muli at pinagdikit ang mga noo namin.

“Paano ako matatakot sa girlfriend ko? Wala namang rason para katakutan ko siya ngayon.”

Nanginginig ang mga kamay niyang humawak rin sa pisngi ko.

“Would you still love me kahit ganito ako? Kahit may malalaki akong pangil at nakakatakot?”

Tinitigan ko siya ng mabuti sa mata.

“Mahal kita.”

Binigyan ko ng halik ang ilong niya, sa magkabilang pisngi at sa baba.

“Mahal kita kahit ano ka pa, Winter.”

Hinalikan ko siya ng matagal sa noo saka muling bumalik sa pagtitig sa kanyang mga mata.

Andun ang pag-aalala’t takot.

I smiled at her warmly saka dahan dahang nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

I stopped midway nang maramdaman kong ilang inches nalang kami mula sa isa’t isa.

“Mahal kita at wala akong pake kung ano itsura mo o ano mang meron sa’yo.”

“Rina…”

“Mahal na mahal kita, love. Palagi.”

My lips landed on hers.

It was a soft passionate kiss that we shared.

Binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya para mabura ang mga bumabagabag sa kanya.

Bakit ba? Eh mahal ko naman talaga ‘tong girlfriend ko.

Mahal ko si Winter regardless ng kung anong klaseng nilalang siya.

Mahal ko si Winter dahil siya si Winter.

Tapos.

 

At sa paglisan ng araw, akala'y 'di ka mahal

At ang nadarama’y hindi magtatagal

Malay ko bang hindi mapapagal

Iibigin kita kahit gaano pa katagal

 

Tumingin ka sa aking mga mata at

Hindi mo na kailangan pang

Magtanong nang paulit-ulit

Ikaw lang ang iniibig

At kung ’di kumbinsido'y magtiwala ka

Hawakan ang puso’t maniwala na

Ikaw lang ang siyang inibig

Ikaw lang ang iibigin

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

kamusta kayo diyan mga tsong? pasensya't napatagal ang kasunod ne'to. mga 2 or 3 chapters nalang ang natitira para kina bampira minjeong at madam karina hahahaha uy, salamat talaga sa inyo ah. ang init ng supporta, ramdam na ramdam ko hanggang buto! eto muna regalo ko sainyo sa ngayon. sa makalawa, marami pa ang darating na kwento! eme. depende kung sisipagin, chz.

anyway, thank you talagaaa huhu mahal ko kayo *insert dara's iconic 'mahal ko kayo' gif here*

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭