Player and Leader

Scraps

Sing a song and light up the lights+
We need to make this Christmas bright
Hang your favorite dream on a star
Wish upon it Christmas night
Sing about the better things
The friends we have, the joy they bring
Hang a dream upon a star and wish it Christmas night

 

Napamulat nalang ako sa tugtugan ng kapit bahay namin. Badtrip naman! Umagang umaga, ang lakas lakas pa ng tugtugan.

Ang layo layo pa ng pasko pero naririnig ko na si Jose Mari Chan mula sa aming kapit bahay na bongga kung makapag-soundtrip. Excited masyado sa pasko ha. Akala ko pa naman, masarap ang tulog ko ngayong weekend!

At dahil sa nagising na rin ang diwa ko sa pagma-marathon ng Christmas Songs ng kapit bahay namin, labag sa loob ko akong tumayo mula sa aking kama saka na tumuloy sa banyo.

Ano pa nga ba? Eh hindi ko na rin naman mahahabol pa yung antok ko dahil sa lechugas sa speakers na yon.

Matapos kong asikasuhin ang sarili ko sa banyo, lumabas na ako sa kwarto saka naman pumunta na sa kusina. At doon ko nakita si Mama na naghahanda na ng agahan.

“Karina? Karina anak, oh bat parang napaaga ata ang gising mo?” Umupo muna ako bago ko sagutin si Mama at nagsalumbaba pa,

“Eh Ma naman kasi, sinong di magigising sa trip ng shufit bahay natin? August palang pero palong palo na si Jose Mari Chan sa radyo nila.” May halong pagkapikon pa sa boses ko na sagot ko kay mama.

Eh kasi naman nga! Deserve ko ang mag-beauty rest matapos ang madugong practice for cheerleading namin kahapon!

Natawa naman si Mama habang nililipat na niya yung kanyang mga niluto sa pinggan saka inihain ito sa la mesa,

“Nak, September na tayo ngayon,” simpleng sagot ni mama kaya napatingin ako agad sa calendar na nakasabit sa may tabi ng ref namin.

Ang bilis naman? September na agad?!

“Dapat nga, isasalang ko pa si Mariah Carey sa player natin kaso naalala kong tulog pa kayo ng ate mo.”

“Eh ma, wala na rin naman. Gising na ako oh. Salamat sa kapit bahay natin,” bungisngis ko nalang kaya natawa siya dahil sa reaction ko.

Talagang paskong pasko na ang dating ng mga tao pagsapit ng buwan ng Setyembre, ano?

Tinulungan ko nalang si Mama na ihanda pa ang mesa pagkatapos ay tumuloy na rin ako sa sala namin kung saan naka-pwesto yung player.

In-on ko ito saka sinet sa may kalakasang volume pa ang mga speakers sabay pindot sa VCD na panigurado eh, nasa loob na nung player yung CD na naglalaman ng Christmas Songs.

Inantay ko munang mag-load habang nakahawak pa rin ako sa volume button dahil baka masyado namang mapalakas ito at mabulabog ng todo si ate na natutulog pa rin.

Maya maya naman ay narinig ko nang kumanta si Kumareng Mariah kaya ina-adjust ko pa rin ang volume,

 

I don't want a lot for Christmas
There is just one thing I need
I don't care about the presents
Underneath the Christmas tree

I just want you for my own
More than you could ever know
Make my wish come true
All I want for Christmas is you, yeah

 

Nung nakuha ko na ang tamang timpla ng player, para namang bigla akong ginanahan at gumanda ang mood ko bigla. Tumayo nako saka bahagya pang napapasayaw sa pinapatugtog ko ngayon.

Bilis ng change of mood, mga beh! Okay na rin to kaysa salubungin ko ang buong buwan ng September ng nakabusangot!

“Nak! Gusto ko yang ginagawa mo!” Sigaw naman ni Mama mula sa kusina at nag-thumbs up pa sakin.

Nag-thumbs up rin ako pabalik sakanya saka kinuha na ang walis tambo para maglinis sa sala.

With the guidance of kumareng Mariah Carey na tumutugtog sa background, feel ko kaya kong linisin ang buong bahay!

“I just want you for my own, more than you could ever knowm make my wish come trueeeee~ All I want for Christmas is you… You, baby~”

Kanta ko pa habang nagwawalis, papunta na pala ako sa kwarto ko nang hindi napapansin dahil dulot na rin sa energyng naibibigay sakin ng kanta.

Syempre, tutal sinisipag na rin naman ako kaya naisipan ko ring walisin ang kwarto ko.

Lahat ata ng sulok, nalinis ko na. Rinig na rinig hanggang dito sa kwarto yung tugtugan kaya inaalala ko tuloy si ate.

Sisilip na sana ako sa kwarto niya nang matapatan ko ang pintuan nito nang bigla namang bumukas at bumungad sakin ang gulong gulo pa ng buhok saka naka-busangot kong ate.

“Ano ba yan, Yuji! Umagang umaga at kulang ako sa tulog!” Bulaslas niya saka pa napakusot sa mata niya.

“Ate, ganyan talaga ang buhay. Merry Christmas!” Masayang bati ko naman sakanya saka nagpatuloy sa pagwawalis papuntang sala ulit.

Naramdaman ko naman na sumunod na sakin ang ate ko saka siya tumuloy dun sa player at hininaan niya yung volume.

Tumingin naman ako sakanya at tumingin rin siya sakin pabalik.

“Ate, bat mo naman hininaan? Nage-enjoy pa ako dito eh!”

“Ako hindi! Gusto ko pang matulog!”

“Eh gising ka naman na ate, eh! Bawi ka nalang ng tulog mamaya.”

“Hindi pwede! May date kami ni Sica mamaya!”

Mahina na tuloy ang player namin habang nag-uusap kami ni ate Taeyeon dahil binababa niya ang volume ng speakers.

Pero dahil sa malakas din ang tugtugan sa kapit bahay namin, nagsisigawan pa rin kami.

“Edi goods yan, ate. May time ka para maghanda for your date.”

Napakuskos nalang siya sa mukha niya. Wala ka ng magagawa ate! Napapaligiran ka na namin.

Magsasalita pa sana ulit siya nang narinig namin ang paglakas ng volume ng kabilang bahay.

Napataas tuloy ang kilay ng ate ko.

 

Santa, tell me if you're really there
Don't make me fall in love again
If he won't be here next year
Santa, tell me if he really cares
'Cause I can't give it all away
If he won't be here next year

 

“Ahh, gusto niyo ng ganyan, sige,” sambit lang ng ate ko at nakitang inikot niya ulit yung volume ng palakas.

 

Last Christmas I gave you my heart
But the very next day you gave it away
This year, to save me from tears
I'll give it to someone special

Once bitten and twice shy
I keep my distance, but you still catch my eye
Tell me baby, do you recognize me?
Well, it's been a year, it doesn't surprise me

 

Dumadagundong ang pamilyar na kanta ni mareng Taylor sa buong bahay. Naka-100 na ata yung volume ng player namin eh!

“Ate! Ang lakas lakas naman!”

“Hayaan mong ganyan yan! Merry Christmas sainyong lahat!”

Nagtawanan kami sa inasta namin.

At mukhang hindi pa matatapos dito ang pa-contest namin at nung kapit bahay namin dahil di pa sila nakuntento saka nilakasan pa ang tugtugan sakanila.

Bahala kayong mabingi diyan!

Basta ang mahalaga, buhay na buhay na ulit ang Christmas Spirit sa katawan ko!

 

 

“Ate, anong oras pala ang date niyo ni ate Sica mamaya?” Tanong ko kay ate Taeyeon na katabi kong nanonood ng Netflix ngayon dito sa sala.

“Bakit? Anong oras na ba?”

Sinilip ko naman saglit ang phone ko at nakita yung oras,

“1:36 na ate,”

“Mamaya maya, maga-ayos na ako niyan.”

Natahimik nalang ulit ako at pinagiisipan ng mabuti kung sasabay nalang ako sakanila mamaya dahil may bibilhin rin ako sa labas.

Para makatipid na rin sana sa pamasahe hehehe

“Ate, pwede ba akong sumabay sainyo mamaya?” Hindi na rin ako nakapagpigil. Sasabay lang naman! Di na rin naman ako nahihiya kay ate Sica kasi, close naman kami.

“Hmmm? Hindi ko man dadalhin yung kotse eh. Siya yung susundo sakin,”

Sakto!

“Saka san ka ba pupunta? Magd-date kami ng ate mo, wag mo sabihing bubuntot ka samin?” Minataan pa niya ako kaya napa-rolyo nalang ang aking mga mata.

Hindi ko pinangarap na maging isang third wheel noh!

“Ate naman, may bibilhin kasi ako for our research. Wala na akong stock ng papel sa kwarto.”

Napataas na naman ang kilay niya kaya tumaas rin ang kilay ko.

Oh sige ate, pataasan nalang tayo ng kilay dito.

“Sure ka ah. Sasabay ka lang samin ah.” May konting suspicion pa sa boses niya kaya napailing nalang ako at binalik ang tingin sa panonood.

“Alam ko namang gustong gusto mo ma-solo si ate Jessica, wag kang mag-alala, ate. Understanding ang little sister mo,” tumango tango naman siya sa tabi ko.

“Fine. Maligo ka na, parating na rin niyan siya,”

 

 

“Yuji! Tara na, andiyan na si Sica!”

“Oo ate, teka lang! Eto na papalabas naaaa”

“Jimin asan ka na?!”

“Eto na nga ate oh! G na g ka naman!”

Matapos akong madaliin ni ate Taeyeon na nag-aabang na pala sa front door, agad agad naman kaming lumabas ng bahay matapos rin magpaalam kay Mama at nag-abang na sa tapat ng gate.

“Ate sabi mo andito na si ate Sica?”

“Oo nga, on the way na nga raw.”

Di nalang ako sumagot dahil g na g si ate kanina na madaliin ako tapos malaman laman ko lang na wala pa pala sa tapat ng bahay namin si ate Jessica.

Hindi tuloy ako nakapag-ayos ng maayos!

“Ate, may kukunin lang ako sa loob saglit,” napatingin naman sakin si ate mula sa pagta-type niya sa phone niya saka ako tinaasan ng kilay.

Bat ba trip na trip niya itaas ang kilay niya today.

“Nandito na raw sila, malapit na. Wag ka na pumasok.”

“Eh ate naman, ni hindi pa nga ako nakakapag-ayos. Yung mukha ko parang sabog.”

Maktol ko naman sa ate ko na binigyan lang ako ng tingin ngayon, “Seryoso ka ba? Alam mo namang kahit di ka mag-ayos, maganda ka pa rin naman.”

Napangiwi nalang ako sa ate ko dahil gustong gusto ko talaga bumalik sa loob.

Parang… parang something is telling me to go inside ulit tas mag-ayos ng bonggang bongga!

I mean, everytime na aalis naman ako, I always make sure na maayos pa rin akong nakikita sa panimanman ko.

Pero this time parang gusto ko pang dagdagan yung pabango ko.

Gusto ko pa ngang palitan yung top ko dahil di ako confident sa suot ko ngayon na blouse.

“Oh, eto na pala siya. Halika na, Yuji.” Tawag sakin ng ate ko nang papasok na sana ulit ako sa gate namin kaso, nahawakan ako sa braso ni ate.

“Ate naman eh,”

“Tara na nga, o magc-commute ka?”

Napa-tch nalang ako sa sagot ng ate ko kaya naman ni-let go ko na yung thought na babalik pa ulit sa loob ng bahay.

Bigla namang bumaba yung bintana nung sa passenger seat, “Taeng, let’s go?”

Napatingin tuloy kaming dalawa ng kapatid ko sa nagsalita at nakitang nakaupo sa harapan si ate Sica.

“Sige, tara.”

Sumunod nalang ako sa kapatid kong pumasok na sa kotseng nakahinto sa harapan namin.

Nagtaka pa nga ako kasi hindi magkatabi sina ate sa harapan eh usually, either si ate Sica yung nagd-drive or si ate Taeyeon.

Pero mukhang may kasama rin si ate Jessica kasi, nasa passenger seat eh.

Nahirapan pa nga akong buksan ang pintuan ng kotse eh, parang ayaw akong pasakayin talaga.

“Oh, Winter. Hi!” narinig ko ang masayang pagbati ni ate Taeyeon sa tabi ko kaya parang nanigas ako bigla sa kinauupuan ko at napahinto sa pagaayos ng bag ko.

Winter?

Winter as in Winter?

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at doon ko nakita sa driver’s seat ang babaeng maikli ang buhok saka prenteng nakaupo habang nasa manibela ang isang kamay saka sa kambyo naman yung isa.

Ramdam ko naman ang panlalalamig ng kamay ko at paglunok nang biglang nagtama ang mga tingin naming dalawa mula sa rear-view mirror.

Hindi ko kinaya ang mga tingin niya kaya nilihis ko rin ang titig ko mula sakanyang mga mata at nagkunwaring may kinakalikot sa phone ko.

“Saan tayo niyan, ate?” Rinig kong tanong niya sa kapatid niyang si ate Sica.

“Ayan si Yuji, may bibilhin muna ata. Ibababa natin siya sa….??” Patanong na sagot ni ate Jessica saka nilingon si ate Taeyeon na sa tabi ko.

“Yuji, san ka nga ulet?”

Agad naman napataas ang ulo ko at hinarap si ate, “H-ha??”

“San ka namin ibababa?” pag-uulit pa sa tanong ni ate Taeyeon. Lihim muna akong sumulyap sa harap pero wrong move.

Muntikan ulit akong atakihin sa puso dahil nakatingin lang naman sakin si Winter.

“A-ah! Sa ano ate, sa tabi.” Tuliro kong sagot kaya natawa naman yung dalawa naming ate na kasama.

“Para kang timang, Yuji. Saan nga? Sabi mo may bibilhin ka?”

“Sa NBS na lang ate! Grabe to maka-timang ha,” asar na sagot ko naman pero tinawanan lang ako ng kapatid ko.

“Oh NBS daw tayo. Keri ba, Win?”

Binaba naman ni Winter yung handbreak saka na nagsimulang tapakan ang gas, “Sige,”

Muli ko namang kinalikot ang phone ko at inusyoso tong magaling kong ate na hindi man lang ako binigyan ng heads up.

Sasama pala si Winter! Kainis naman!

Kaya pala may feeling ako kaninang hindi mapakali kasi gusto ko maging maganda and presentable for her!

 

‘To: Ate Taengoo

Ate naman! Bat hindi mo sinabi sakin na sasama pala si Winter?’

 

‘From: Ate Taengoo

Bakit? Ayaw mo yon, surprise. Kilig ka ba? Yieeee’

‘To: Ate Taengoo

Ughhh. Para kang ewan diyan ate!’

 

‘From: Ate Taengoo

Ang sabihin mo, kinikilig ka lang! Ilaglag kita dito kay Minjeong eh.’

 

Tinignan ko nalang ng matalim tong ate ko na nakangiti ngayon ng pilya sakin at tinawanan pa ako.

Akala mo naman natutuwa ako, ate!

Hindi!

Hindi ako ready na makasama  si Winter sa iisang kotse! Bwisit.

“Text mo nalang ako kapag pauwi ka na ha, baka daanan ka nalang din namin ulit.” Paalala naman ni ate Taeyeon nang mapansin niyang malapit na kami sa bababaan ko.

Inayos ko na ang gamit ko at tumango tango naman kay ate.

“Sige, ate Sica mauuna na pala ako sainyo ha. Salamat!” Pagpapaalam ko naman at hinanda ko na ang sarili ko para bumaba.

“Anytime, Yuji. Ingat ka ha,”

“Oo ate. Sige, una na rin ako.”

Pero bago pa ako bumaba ay sumulyap ulit ako sa babaeng nakaupo sa driver’s seat saka na tuluyang bumaba sa kotse.

 

 

=====

 

few months later

 

Kasalukuyan kaming nags-stretching ng mga kasamahan kong varsity sa cheerleading.

May warm up game kasi ang school namin against sa kabilang university para sa upcoming Collegiate Meet sa buong region namin.

So syempre, need rin ng nangch-cheer ang mga varsities namin from other sports to hype them up sa game and support them.

“May practice ba yung basketball natin ngayon?” mausisang tanong nung katabi ko nang napansin naming papasok sa gym ang basketball varsity team.

Grabe, nakita ko na naman siya.

Pormang porma sa get up niyang naka-basketball shorts saka shirt. Nakasabit ang varsity bag sa isang balikat at neutral face lang.

“Shems, ang hot ni Winter kahit simple lang suotin niya noh?” kinikilig pang sambit ng kasama ko kaya bahagya akong nairita at diniinan ang pagtulak sakanya habang nags-stretch pa rin.

“Karina naman, ang sakit nun ha,” reklamo niya

“Ay sorry, napadiin pala.”

Bumalik naman ulit ang pansin namin sa mga nagsidatingan na basketball team. Ngayon, mukhang kumpleto na sila at inaayos ang mga gamit nila sa bleachers.

Marami man sila sa team, sa isang player lang naman nakapako ang tingin ko.

Kay Winter.

Ang cool niya lang tignan, para akong kikiligin sa bawat kilos na ginagawa niya.

Pero syempre, charot lang yon. Masyado naman akong patay na patay sa lagay na yon.

Nagsimula na ang routines ng team nila habang kami naman ay ganun din. Hindi ko rin alam kung paano ako nakapag-focus knowing na kasama namin sila ngayon na nagpa-practice sa gym.

Matapos ang madugong usual routines na ginagawa namin, napagpasyahan din ng team captain namin na tapusin na ang practice namin dahil sasakupin na ng basketball team ang buong gym. Tutal, kanina pa rin naman kami naririto’t nagbabanat ng buto kaya, matagal tagal na rin yung naging practice namin for today.

Karamihan samin ay nagpapahinga na, habang ang iba ay nag-wash up na at uuwi na rin pagkatapos. Ako naman ay isa sa mga nagdesisyon na magpahinga muna bago umuwi.

Pero ang totoo niyan, panoorin ko muna ang practice nila Winter bago umuwi.

Nakapag-wash up at palit na rin naman ako ng damit kaya wala naman akong aalalahanin mamaya sa pakikipagsabayan sa shower room ng gym.

Kumportable na akong nakaupo dito sa may taas na bahagi ng bleachers. Di kalapitan, di rin naman kalayuan.

Saks lang.

Nakita kong nagh-huddle pa yung team bago sila ma-divide sa dalawang group.

Si Ryujin, ang team captain nila, yung nagl-lead sa unang grupo. While Winter naman, on the other hand, leads the other half of the team.

Kitang kita naman ang game face nila kahit team up game lang.

Shooting guard ang posisyon ni Winter kaya di rin nalalayo sakanya yung tsansang bantayan siya ng maigi. Halos pumapasok pa naman lahat ng tira niya kaya hype na hype ang coach nila sa larong ipinapakita nila ngayon.

At habang patagal nang patagal silang nasa loob ng court, parang siya nalang ang nakikita ko at nagb-blur na yung iba.

Hawak niya ang bola, dinidribble dribble at naghahanap ng mapapasahan. Pero sa isang iglap, na-ankle breaker niya pa si Ryujin at pasok pa yung lay-up niya shot niya.

Parang ako pa yung natutunaw imbes na siya dahil sa paggawa ng pagtitig ko sakanya magmula kanina.

God, bakit ang attractive pa rin niya kahit pawis na pawis na?

Natapos na ang practice game nila and nagc-cool down nalang sa gitna ng court at kalaunan naman ay dumiretso na ang iba sakanila sa locker room.

Bumaba na rin naman ako dahil tapos na rin naman ang game nila. Uuwi na ako, maggagabi na rin naman.

Magt-text na sana ako kay ate Taeyeon na pauwi nako pero hindi ko mahanap yung phone ko.

Kinalikot sa kahit anong parte ng bag ko pero wala pa rin. Bumalik ako sa kinaupuan ko kanina, baka nahulog ko to habang busyng nakatitig kay Winter pero to my dismay, wala rin sa bleachers.

Nawawalan ako ng pag-asa. Kokonti nalang din ang tao sa gym dahil nagsilabasan na ang ibang bball players mula sa shower room. Grabe naman! Kung kalian pauwi na ako, doon ko pa napansin na may nawawala sa akin! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh!

Hinintay ko munang makalabas ang lahat ng players sa locker room bago ako tuluyang pumasok rito. Dali dali akong pumunta sa section namin kaso, may nakabungguan pa ako.

Putragis, kung kailan naman nagmamadali ako eh!

Hindi ko napansin kung sino pero inis ko tong hinarapan.

Kaso naging maamo rin agad agad ang mukha ko.

“Winter?”

Nakatingin lang siya sakin ngayon kaya bigla akong napaayos sa sarili ko.

“Ah Winter, nagmamadali kasi ako- sorry nabunggo kita-“

“Sayo to diba?” naputol ang pagsasalita ko nang ipakita niya sa akin ang phone na hawak niya.

Lumiwanag naman ang mukha ko at tumango, “Ay, oo! Eto nga sana yung babalikan ko.” Nahihiya ko pang kinuha yun mula sakanya at nagpipigil na ngumiti.

“Salamat ha,” humarap ako sakanya at ngumiti na rin sa wakas.

Syet, yes. Mahulog ka sa ngiti ko, fleece.

Pero tulad ng kanyang pangalan, mas malamig pa sa Winter ang sagot niya dahil tinanguan lang niya ako at nilagpasan na rin pagkatapos.

Tag-lamig naman!

“Ah, Winter!” sigaw ko sakanya nang makalayo siya sakin, pero buti nalang hinarapan rin ako matapos ko siyang tawagin.

“Good luck pala sa game ninyo bukas!” Sinabayan ko pa ng dalawang thumbs up saka ngiti na walang mata.

At sa ikalawang pagkakataon, tinanguan niya lang ulit ako.

Pero may kasamang pag-ngiti rin bago niya ako talikuran ulit at iwan.

Sapat na sakin yun, mga bakla. :”))

 

 

Game day na para sa mga basketball athletes namin. Kahit sabihing friendly game lang, well-known ang universities namin kaya marami rami rin ang dumayo from kabilang univ para manood sa laban ng dalawang university.

Halos mapuno rin ang gym, buti nalang, home court namin yung gamit nila para di hassle sa pagb-byahe.

Naghahanda na rin kaming mga cheerleaders na nakakalat rin sa side namin. Sa kabilang side kasi ng gym, halos sakupin ng mga students from the other univ. Nagre-ready na kami for cheering and mga chants para sa mga manlalaro namin mamaya.

Ilang sandal pa ay naghiyawan na ang mga estudyante dahilan para mapatingin ulit ako sa court. At tama nga ang hinala ko, naririto na ang mga manlalaro kaya todo todo ang hiyaw lalo na sa side namin.

Nagw-warm up na ang magkabilang campo saka na rin ginagawa ang shooting drills nila sa magkabilang side ng court.

At muli, ako naman ay nakatingin lang sa iisang player na sobrang chill lang tignan at cool pa ring nags-shoot mula sa three-point line.

“Go Winter my loves! Yakang yaka mo yarn!!!” hiyaw ng isang estudyante mula sa side namin. Napantig naman ang tenga ko.

Sino ba siya para angkinin si Winter? Hmp!

Palibhasa star player kaya habulin ng mga girls.

Narinig na ang malakas na pagpito hudyat para mag-gather na ang dalawang teams sa gitna para sa shake hands. Kalaunan ay bumalik sa kani kanilang benches at nagh-huddle na.

Mula sa pwesto ko, kapansin pansin ang pagl-lead ni Ryujin sa team nila habang nasa tabi niya lang naman si Winter at nakikinig sa sentimento ng team captain nila. Maya maya pa ay lumarga na ang first five ng both teams at pumwesto na sa gitna.

Nagsimula na ang laro kaya muling naghiyawan ang mga estudyanteng pumapalibot sa gym. Mga nagch-cheer sa kani-kanilang koponan at kami namang mga cheerleaders ay nagsimula na ring mag-chant after ilang puntos na na-shoot ng aming mga players.

1st and 2nd quarter, lamang ang kabilang university. 34-44 bago nag-half time at change court na.

“LET’S GO, LADY DANES!!!” Cheer pa ng kabilang side ng gym.

Kaya ang side namin, nananahimik na rin. Ang mga players namin, halata sa mukha nila ang pagod at kawalan ng pag-asa. Pero half time palang naman, sampu lang ang lamang at may dalawang natitirang quarters pa.

Hinanap muli ng mga mata ko si Winter. Nakatalikod siya at nakaupo habang nakapatong ang twalya niya sa ulo hanggang sa balikat. Umiinom ng Gatorade saka nakatingin ng diretso sa court.

Jersey #11. Ang araw ng birthday ko, yun ang jersey number na suot suot niya ngayon.

Ilang saglit pa ay tumunog ulit ang horn indicating na magsisimula na ang second half ng game.

Tinignan ko ulit ang line up ng players namin at nakitang nakapahinga ang dalawa naming star players, si Ryujin at Winter. Kapalit naman nila ay sina Heejin at Chaeryeong na malaki rin ang naiaambag nila sa team namin kaya nahabol na ang iskor.

Muli na namang nag-ingay ang mga estudyante sa side namin dahil nagsisimula na ring uminit ang laban.

“JEON HEEJIN SAKALAM!!!!”

“THE BEST KA TALAGA CHAERYEOOOONNGG!!!”

Pasok lahat ng tres ng magkabilang kampo, walang mintis. Palitan ng puntos kaya ngayong time out sa 3rd quarter, ay 73-75 ang score in favor of our side. Nahabol namin ang kabilang university magmula nung pumasok yung dalawa. Pero kitang kita na rin sa mukha nila yung pagod kaya sinub ulit sila ni coach saka pinasok ulit sina Ryujin at Winter.

Nagsimula na ulit maglaro at magpasahan ng bola sa court ang mga players, sa kabilang university ang bola kaya todo defend ang aming mga players. Bantay na bantay sa ilalim ng ring nang mag-shoot ang kalaban mula sa free throw line. At walang naka-block sa tira niya kaya pasok. 75-75 na ang score.

Samin ulit ang bola at pinasa na nila kay Winter. Lumakas naman ang mga cheer at mga drums na nangh-hype saming mga cheerleaders. Kahit naman ginagawa ko ang part ko as a cheerleader, I always look after our star player, Kim Winter.

Ramdam na ramdam ko rin sa sarili ko ang todong pag-cheer sa nakahawak ng bola ngayon. May mga nag-aabang sakanya pero Kim Winter being the great player she is, na-cross over niya lang naman yung matangkad na player ng kabilang univ at na-shoot pa ang kanyang tira.

“WOOOOOOOh GO KIM WINTEEEEERR!!!”

“LET’S GO RYUJIIIIIIIINN!!!”

“WINTER PAG NA-SHOOT MO YAN, AKIN KA NA”

At dahil hyped na hyped rin ang mga students namin, sumabay na rin kaming mga cheerleaders sa pagcha-chant at pagche-cheer sa laro, to add more fuel to the fire ganern.

At sa huli, nanaig ang kampo namin at tinalo ang kabilang university with the score of 102-99. Sobrang dikit lang ng laban. Nakakamangha ang mga players bawat team. Palong palo! Pwede nang isabak sa UAAP!

Todo todo naman ang mga hiyaw namin nang dumaan sa harapan namin ang mga players namin. Lalong lalo na kina Winter, Ryujin, Chaeryeong at Heejin. Kinawayan naman nila ang mga students saka pa nag-bow.

Bumaba na rin kaming mga cheerleaders para tumuloy sa shower room at makapag-palit na.

Nauna naman akong matapos sa mga kasamahan ko kaya nagpaalam ako sakanila na mauuna ako sakanila sa locker room para ayusin ang mga gamit ko.

Nang makapagpalit na rin ako sa kumportableng damit, lumabas na ako sa locker room.

“Karina?”

Muntikan naman akong napatalon dahil sa boses na narinig. Kakagulat ka naman, beh! May naghihintay pala sakin sa labas ng locker!

Napahawak tuloy ako sa dibdib ko at hinarapan ang taong naghihintay sakin, “Ryujin?” habol hininga ko pang sagot.

“Nagulat naman ako sayo,” natawa naman siya.

“Uy, galing niyo kanina. Congrats pala sa game ninyo ha!” bati ko naman at tinap pa ang balikat niya. Nakita kong medyo nahiya siya dahil napayuko pa at napakamot sa likod ng tenga niya.

“Ang gagaling ng mga kasama ko eh,”

Nagsimula naman kaming maglakad dahil nag-insist siya na samahan daw akong lumabas sa gym. May mga estudyante pa rin na bumabati sa katabi ko at tanging ngiti lamang ang binabalik niya sakanila. Pinupuri habang naglalakad kami ng kahit sinong makasalubong namin.

“Ang galing niyo rin kasing mag-cheer kanina,” pagpupuri naman niya.

“Nako, wala yon! Saya niyo kaya i-cheer. Worth it na worth it.” Saka ko siya nginitian at inayos ang pagkakabuhat ng bag ko sa kabilang balikat ko.

“Tulungan na kita,”

“Ay nako, hindi na. Kaya ko naman tong bag ko ano ka ba.”

Saglit naman kaming natahimik at bigla siyang huminto dahil nasa labas na kami ng gym.

“Ah Karina, may gusto sana akong sabihin sayo.” Tumingin naman ako sakanya mula sa pagkakakalikot ko sa bag ko, hinahanap ang cellphone para mag-text.

“Hmmm?? Ano yun?” attentive na tanong ko naman sakanya dahil napansin kong bigla siyang na-stiffen.

“Uhm, pwede ba kitang ayain mag-lunch mamaya? Treat ko.” Saka siya nahihiyang ngumiti sakin, “Pero kung may ibang commitments ka naman, ayos lang! No pressure.” Habol pa niya saka tumingin ng mata sa mata sakin.

“Hala Ryujin sorry kasi-“

“Sorry, Cap. May lunch date na kami ni Rina.” Sabay biglang may pumalupot na kamay sa bewang ko saka hinapit pa ako sakanya, at tanging boses ni Winter ang sumagot na para sakin.

Nakita ko naman ang pagtingin ni Ryujin sa kamay Winter sakin at tumingin sakanya, “Ahh, ganun ba? Pasensya na, Win. Hindi ko alam.” Paumanhin naman ni Ryujin saka ngumiti dito.

Binaling naman ni Ryujin ang tingin niya sakin at ngumiti, “I didn’t know, Karina. Pasensya talaga. Anyway, salamat sa pag-cheer niyo sa team kanina ah.” Saka pa niya ako tinap sa balikat.

“Tuwang tuwa ka ba sa pagch-cheer ng girlfriend ko, cap?” Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak sakin ni Winter kaya ngumiti na ako kay Ryujin.

May nararamdaman kasi akong tumataas na tensyon sa pagitan nila.

“A-ang galing niyo! Salamat rin sa magandang laro!” pilit na pagpapakalma ko sa namumuong mabigat na hangin saming tatlo.

“So, the rumors were true after all,” sagot naman ni Ryujin sa teammate niyang parang mangangagat na sa lalim ng pagtitig sa team captain niya. “Hindi ko kasi alam, Win. Chill. Now I know the truth, congratulations sainyong dalawa.”

After she flashed a smile saming dalawa ni Winter, iniwan na niya kami sa labas ng gym at nakahawak pa rin sakin si Winter.

“Hoy ikaw,” hinarapan ko naman siya at inalis ang pagkakahawak niya sakin, “Anong official? Akala ko ba nanliligaw ka muna, ha?” pinagsingkitan ko pa siya ng mata and she just rolled her eyes at me saka nag-smile rin after.

“Diba sabi mo, pag napasok ko yung shot kanina, sayo na ako?”

Namula naman ako sa sinabi niya.

Akala ko, hindi niya maririnig yun dahil halo halo yung mga hiyaw at sigaw kanina sa game.

Akala ko lang pala, mga bakla.

“So, it’s safe to say na that we’re official na, right?” saka pa siya ngumiti ng nang-aasar sa akin.

Nilayo ko naman ang mukha niya sakin gamit ang palad ko dahil naaasar ako sakanya. Naaasar talaga ako!

“Halika na, nagugutom na ako. We still have our lunch date, diba?” saka niya inabot yung kamay ko and intertwined it with hers.

Nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa parking lot at sa kotse niya.

Nasa loob na kami pero hindi pa rin ako umiimik. Namumula lang naman kasi ako magmula kanina! Sa dinami dami ng sigaw, yun pa talaga maririnig niya.

Kunwari lang akong nagsusungit pero ang totoo niyan, kinikilig ako! Mga bwisit!

“Wala ba akong reward galing sayo, Yuji?” pa-sweet niya pang tanong habang nagma-maneobra ng sasakyan.

“Reward mo mukha mo, matapos mo akong iwan kahapon sa gym ng mag-isa after mo ibalik yung phone ko? Huh, you wish.” Tuloy tuloy kong sambit sakanya kaya naramdaman ko naman ang paghaplos ng palad niya sa kamay ko.

“I thought you wanted us to be lowkey muna kasi, eh may mga nadaan pa ng mga tao nun diba?”

Di ako sumagot.

Pa-hard to get muna ako ngayong girlfriend nako ng star player na si Kim Winter.

“Sorry na. I’ll make it up to you, okay?”

Tumingin naman ako sakanya at binalik ulit ang tingin sa labas ng bintana.

Pinagsaklob ang aming mga palad habang ang isa niyang kamay ay nagmamaneho pa rin.

“Okay,”

After a while, nilabas ko naman ang phone ko at nag-type ng message para kay ate Taeyeon nang maghiwalay na ang aming mga kamay. Sakto naman ang pag-play ng car stereo niya na automatic palang naka-connect sa bluetooth ko.

Ang ganda ng tugtog.

 

What if I told ya
I can't take my eyes off of you
I wanna know ya
I wonder if you're feeling me too
You're throwing glances
From the other side of the room
So what if I told ya
I wanna love somebody like you

 

I wanna love somebody like you
I wanna love somebody like you
I wanna love somebody like you, yeah
I wanna love somebody like you
I wanna love somebody like you
I wanna love somebody like you, yeah

 

 

“Yuji, eto pa oh,” kanina pa walang tigil sa pagbibigay ng chicken skin sakin si Winter. Balak ata akong busugin ng todo todo.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya nang maisipan niya akong iuwi muna daw sakanila para mapasyalan rin sina ate Jessica at ate Krystal.

Nag-take out kasi kami ng Jollibee. At etong si Winter, kanina pa ako pinapakain ng balat ng manok.

Hindi ako makareklamo. Chicken skin na yan, tatanggihan ko pa ba? Syempre, hindi!

“Paborito mo to, diba?” habol pa niya habang inaasikaso pa rin ako sa pagbabalat ng manok, nakatingin lang naman ako sakanya at natawa.

“Winter, para mo naman akong papatayin sa sobrang cholesterol eh,” natatawa kong sambit. She looked at me naman at napa-pout nalang.

“Eh diba nga sabi ko sayo, babawi ako. Malaking bagay na rin to, Yuji noh. Love na love ko ang balat ng manok pero binibigay ko lang sayo,” she sulkily replied.

“Love language ko ang balat ng manok, Yuji.” Saka siya kumagat sa chickenjoy na hawak niya.

Napailing nalang ako at sinamahan siya sa pag-kain ng Jollibee Chickenjoy.

Isang bucket lang naman ang tinake home namin. Lunch date namin eh saan pa ba? Edi sa Jollibee, kasi bida ang saya!

At sobrang saya ko ngayon dahil mag-on na kami ni Winter.

“Winter,”

Tumingin siya sakin mula sa pag-nanamnam niya sa manok niya, “Ang galing mo kanina.”

Bigla naman siyang ngumiti at napailing na nakatingin sakin, “Syempre naman noh, ako pa!” pagmamayabang niya kaya kinurot ko ng bahagya ang ilong niya.

“Di pero, inspired kasi ako, kaya ganun.” Sambit niya habang nakatingin naman ng mataman sa mga mata ko.

“Ikaw lang yung napapansin ko sa bleachers kanina,” habol pa niya. “Ikaw lang naman kasi ang nakikita ko, wala ng iba.”

Napatawa naman ako sa huling sinambit niya.

“Ang corny mo talaga!”

Tumawa nalang din kaming dalawa at pinagsaluhan ang isang bucket ng Chickenjoy.

Looking back, I never thought I’d truly fall for this woman.

Siguro the way our personalities way back then clashed? I don’t know. Basta isang umaga nalang, nagising ako na gusto ko na pala siya. Na gusto pala namin ang isa’t isa.

Then she decided to court me. She insisted kahit naman na sobrang na-fall na ako for her, may pride pa rin naman ako at dapat lang na paghirapan niya ang matamis kong oo noh.

Kaso nga lang sa sobrang tuwa ko kanina, naibigay ko na rin to ng kusa sakanya.

Rupok diba.

 

 

 

 

 

Mukhang wala na talaga akong masasakyan, hindi ko naman akalain na gagabihin pala ako sa pamamalengke ko ng sandamakmak na papel dito sa National Book Store para sa lecheng research paper na yun.

Ako ang naatasan na mag-print at mag-asikaso sa mga survey forms na ipaparating namin sa mga respondents.

Badtrip lang na hindi ko naisip na magpatulong sa mga kagrupo ko at nag-bida bidang sasarilihin ko nalang ang lahat.

Maya maya ay may biglang nag-park na kotse sa harapan ko. Teka, sa pagkakaalala ko, hindi ako nagtawag ng uber ah?

Bigla namang bumukas ang bintana at bumungad sakin ang pagmumukha ni Winter, yung crush kong basketball player.

“Tatayo ka nalang ba diyan?” Masungit niyang tanong kaya napaayos ako ng tayo buhat buhat pa rin ang papel na binili ko. Meron pa nga sa tabi ko na nakalapag eh.

“Eh kung tulungan mo kaya ako na makapasok?” Pagsu-sungit ko rin dahil badtrip na nga eh masusungitan pa ako netong hambog na to.

Cute na hambog actually.

“Tch.”

Bumaba rin siya sa at tinulungan na rin akong ipasok ang mga pinamili kong papel sa kotse.

Sasakay na sana ako sa likod nang bigla siyang nagsalita, “Gagawin mo talaga akong driver?”

Ano bang problema neto at ang sungit sungit?

Napa-roll eyes nalang ako at bwisit na binuksan ang tabing upuan niya sa harapan. Tahimik lang kami sa sasakyan habang nagmamaneho na siya pauwi.

“Napag-utusan lang ako ni ate Taeyeon, wag kang ano diyan.”

“Di ko tinatanong.”

Sige, mag-sungitan tayo dito, Kim Winter.

Walang nag-uusap. Tahimik lang siyang nakatingin sa daan at nagmamaneho habang ako naman ay nakatingin lang sa labas saka nakapasak pa ang earphones para hindi talaga kami mag-usap.

Hanggang sa makauwi na ako ng bahay. Nalaman ko nalang na hinatid niya muna pala sina ate Taeng bago niya ako sunduin.

“Salamat.” Tipid na pagpapasalamat ko kay Winter na tinulungan akong magbaba ng gamit pero wala akong natanggap na tugon mula sakanya.

“Sige, salamat ha. Maraming salamat talaga.” Sarkastiko ko pang sambit at tinignan niya lang ako bago pumasok  ulit sa kotse.

Arghhh. Napaka-yabang!

Nang makapasok na ako sa bahay with the help of ate Taeyeon na sinundo ako sa labas after ako i-drop off ni Winter, kumakain na kami ngayon ng hapunan kasama si Mama.

“Hinatid ka pala ni Minjeong, Yuji.” Panimula ni ate.

“Diba pinasundo mo ako sakanya?” takang tanong ko naman sa ate ko na umiling,

“Hindi ah. She insisted na sunduin ka raw matapos niyang malaman na wala kang sasakyan pauwi. Kaya ayun, minadali kaming ihatid ng ate niya para masundo ka niya agad agad.”

Napatigil ako sa pag-nguya at tumingin nalang sa ate ko.

Ano raw?

Nahanap ko nalang nag sarili kong nagbabalak ng mag-send ng message kay Winter.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano simulan ang pag-compose ng message para sakanya.

Magpapasalamat lang naman ako diba? Bakit parang hirap na hirap pa ako dun? Matapos kong malaman yung sinabi ni ate Taeyeon kanina, bakit parang hindi na ako mapakali?

Gusto kong kiligin! Ishhh!!

 

Messenger: Today at 8:05pm

Karina Yu: Salamat nga pala sa paghatid kanina, sana di kita naabala.

 

Today at 8:09pm

Kim Winter: Walang anuman. Magdala ka na ng sasakyan mo sa susunod. Delikado ang magabihan sa daan.

 

Karina Yu: Maraming salamat talaga. Sorry sa inasta ko kanina.

 

Kim Winter: Haha wala yun. Sorry rin

Kim Winter: Sige na, good night

 

Karina Yu: Good night :)

 

 

Sa simpleng pag-uusap namin na yun, sapat na para makatulog ako ng may ngiti sa labi.

At di ko naman inakala na simula nung gabing yun, doon na rin nagsimula ang lahat ng pagbabago sa buhay kolehiyo ko at buhay pag-ibig ko.

Dahil kay Kim Winter. 

Ang star player ng Women's Basketball Team namin. 

Saya, diba? 

Cheerleader ako, basketball player siya. 

Pak na pak kaming dalawa! 

"Huy Yuji, nginingiti ngiti mo diyan??" Napabalikwas tuloy ako sa pwesto ko at tumingin sa bagong dating na si Winter dito sa may kusina nila. Nagliligpit na kasi ako ng mga pinagkainan namin ni Winter at ni-ref na rin yung bucket dahil nakatulog na siya sa kwarto niya kanina nung iwan ko para maglinis.

"May naalala lang ako, bakit?" Umiling naman siya saka pumunta sa may likuran ko at dahan dahan namang yumakap sakin habang naghuhugas na ako ng plato nila. 

"Bat ikaw nagta-trabaho niyan? Nakatoka naman ngayon si ate Krystal eh," saka niya hinigpitan ang pagyakap niya sakin. 

"Wala naman akong magawa dito kaya nilinis ko nalang." Simpleng sagot ko at hinayaan siya sa pwesto niyang nakayakap lang sa akin habang tinatapos ko ang mga plato nila.

"Yuji?" 

"Hmmmm??"

"Wala hehehe" 

"Ano nga??" 

Sakto namang natapos ako sa mga plato ay hinarapan ko na si Winter na nanlalambing sakin magmula pa kanina. Yung kamay niya, nanatili pa rin sa mga pwesto nila na sa bewan ko habang ako naman ay nakatingin na ng mataman sakanya at inaantay ang mga susunod niyang sasabihin.

"Ano yun, Minjeong??" 

Upon hearing me call her name, parang automatic na ngumiti siya sakin, "I just can't believe na tayong dalawa na..." mahina niyang sagot kaya natawa naman ako sakanya.

"Ayaw mo? Pwede ko namang bawiin eh, tutal di mo naman ako tinanong ng maayos."

"I didn't say anything na ayaw ko," bawi niya agad sa akin. 

"Yung team captain lang naman kasi ng cheerleading varsity ng school natin, girlfriend ko na." 

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"At yung habulin ng mga girls sa university namin dahil star player siya, girlfriend ko na rin." Sagot ko naman at hinawakan ng marahan ang magkabilang pisngi niya. "Nice game kanina, MVP," mahina lang ang pagkakasabi ko doon.

Naramdaman ko naman na papalapit nang papalapit ang mga mukha namin sa isa't isa.

Hanggang sa dumapo na ang labi ko sa noo niya. 

Naramdaman ko naman na kinulong niya ako sa yakap niya matapos ko siyang bigyan ng halik sa noo. 

"Halika na pabalik sa kwarto mo, pahinga na tayo. Deserve mo ng beauty rest," pag-aaya ko pa ilang saglit ang dumaan after ng mini lampungan namin.

Di ko na keri. Nakakahiya pag naabutan kami ng mga ate niyang dito pa sa kusina talaga nagla-lampungan.

"Tabi na tayong matulog?" Parang bata pa niyang tanong na tinanguan ko naman, "Oo. Inaantok na rin kasi ako," 

"Wag mo nakong iiwan habang tulog ako ha," 

"Oo na, tara na bago pa tayo mahuli nila ate Sica at pauulanan na naman tayo ng asar."

And just like that, borlogs na kaming dalawa ng girlfriend ko sa kwarto niya. Deserve naman namin ng pahinga noh, after nung heavy practices these days at sa game kanina.

Kahit masakit ang katawan, worth it naman ang lahat ng yun.

Walang wala na kasi ang dinaramdam kong sakit dahil tuwang tuwa ako sa aming dalawa ni Winter.

Ang girlfriend kong basketball player.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

a/n: kamusta kayo? sorry natagalan ang pag-update dahil naging busy na sa school lately. maraming maraming salamat sa pagbabasa at subscriptions! ^^

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭