Banda Roon

Scraps

*sequel of Banda Rito

 

'Sing liwanag ng umaga

Noong muli kitang makita

Tayo ba ay nagkasalisi

O ikaw ba ay nagkukubli

O, Bulan

Matagal-tagal ka nang hindi nasisilayan

 

Tahimik ko lang naman inaawit ang kantang pinili kong kantahin para sa gabing ito.

Yung kaninang maingay na paligid, kalaunan ay tumahimik na rin magmula nung ako na ang sumalang sa entablado’t umawit ng malumanay na tugtugan.

Para bang nasa akin nalang ang spotlight ngayong gabi. Nakatayo sa harapan nila, nakatapat rin sakin ang katangi-tanging maliwanag na ilaw.

Gayun pa man, marami mang nakatitig sa akin, nasa iisang sulok lang din naman ang tinatanaw ko. Pinapanood kung gaano siya tahimik na nakikisabay sa pagkanta ko at bawat pagstrum sa gitara.

May ngiti sa labi niya, yung mga mata niya rin hindi maitatago ang tuwang nararamdaman habang nakatingin sa akin.

Hindi pa rin siya nagbabago. Ganun pa rin ang mga mata niya. Expressive.

 

O, Bulan

Inaawitan

Nagtatapang-tapangan dahil ika'y wala

Mayroon bang patutunguhan ang pagtingala

 

Buong unang verse hanggang sa chorus siguro ng kanta, magkatitigan lang kaming dalawa. Hindi ko napigilang ngumiti sa kanya bago ko nilihis ang tingin at pinasadahan ng tingin ang mga tao sa paligid.

May mga nag-iisa, may mga merong kasamang kadate, may mga group of friends habang umiinom pa rin at nagkekwentuhan. Sari-saring tao ang makikita sa loob. Yung barista doon sa may bar counter, busy pa rin sa pagbibigay ng tagay at drinks.


 

O, Bulan

Ako ba'y iyong iniwan?

Gabi-gabing sa langit ay nakatingala

Nag-aabang ang awit didinig ay wala

Dilim ay tumatangis

Dinaramdam ay labis

 

“Bakit ka ba nananakit? Palitan mo naman ‘yang tugtugan mo hoy!” Napatingin ako dun sa sumigaw. Isang lalakeng mukhang tumama na ang alak sa Sistema niya dahil nakarami na rin pala siyang bote sa table niya.

May hawak hawak pa ngang beer sa kamay na ginamit na panturo sa akin eh.

“Ang panget niyan gago. Nandito ako para magsaya tapos tutugtugin mo nananakit? Anong gusto mong iparating ha?”

Nakatitig lang ako sa kanya habang tumutugtog pa rin. Patapos na rin naman ng kanta, bakit ko pa ititigil?

“Ayaw mong tumigil ah. Gago ka nananadya ka na eh.” Nanalako nalang ang mga mata ko nang bigla siyang tumayo at gumegewang gewang nang naglakad papunta sa akin.

Doon na rin nagsidatingan ang mga guards at staffs para awatin si Kuyang Broken. Ayaw pa ngang paawat nung una at sinusumbat sumbat na sa akin ang ex-girlfriend niyang nakipagbreak sakanya ngayong araw.

Hanep nadamay pa ako. Tinutugtog ko lang naman kung ano yung bago kong sinulat na kanta eh. Ipaparinig ko lang naman sa girlfriend kong ngayong nag-aalala na dun sa pwesto niya.

Akala siguro matatamaan ako ng boteng ihahampas sa akin nung kuya.

 

Antok nilalabanan

Hinihintay ay nasaan?

 

Binalik ko ang tingin ko sa kanya.

Mataman na tinitigan ang kanyang mga mata

Nginitian ko siya habang magiliw na inaawit pa rin ang mga katagang iniaalay ko sa kanya.

 

Ngayong andyan ka na

Huwag nang lumisan pa

 

Ngayong nandito ka na sa tabi ko, ‘wag ka nang lumisan pa.

Karina.

 

 

 

“Jo, parang ngayon ko lang narinig yung kinanta mo kanina. Kailan mo sinulat?”

Naglalakad na kami ngayon ni Karina para mag abang na ng jeep pauwi nang natanong niya ‘yan.

“Last week lang, hindi ko talaga pinarinig sa’yo kasi nakaplano na siyang papakinig ko sa’yo ngayong gig ko.”

“Eh kahit sa bahay mo nalang sana pinarinig. Muntikan ka pang suntukin nung kuya kanina eh,” naiiling niyang sagot, “nananakit nga naman kasi yung lyrics, Jo. Okay naman na tayo these past days ahhh.”

Humigpit ang paghawak ko sa kamay niya.

“Jo, wala naman. Nainspire lang kasi ako sa mga nakikita ko, ano ka ba.”

“Naisip ko lang na baka may sama ka pa pala ng loob sa akin nung huli nating pinag-awayan.” Pagbibiro niya kaya bigla naman akong natahimik.

Yung last na away namin ni Karina, tingin ko yun na rin yung pinakamalala.

Umabot sa puntong nagkaroon ng cold war sa pagitan namin. Magkasama nga sa bahay, parang wala ka rin namang kasama dahil sa malamig na presensya sa isa’t isa.

Tumagal din ng ilang araw ‘yon.

Tumigil na rin kami sa paglalakad. Narating na rin namin ang paradahan ng jeep kaya tahimik lang kami ulit na nag aabang.

“Jo…”

“Joke lang ‘yon, Jo. Maganda naman yung kanta mo.” Nginitian niya naman ako at pinisil ang kamay ko. “I love it.” Habol pa niya.

Nakatitig lang ako sa kanya na parang naniniguradong okay lang talaga siya.

“Talaga?”

“Hmm-hmm. Gusto ko rin yung pagkanta mo doon, bagay na bagay sa’yo.” Kinindatan pa niya ako kaya hindi ko na napigilang ngumiti.

Iba pa rin talaga kapag kino-compliment ako ng girlfriend ko eh!

“Ano ba ‘yan namiss ko tuloy kumanta kasama ang banda.”

Hindi ko alam ang isasagot ko.

Parang nag-iba ulit ang ihip ng hangin dito sa akin.

“Pero Jo, masaya naman yung ganito diba?” pinisil ko ulit ang kamay niya at tinitigan siya.

Yung tingin niya, nasa kalsada. Hawak hawak niya ang kanang kamay ko habang ang isa niya ay nakahawak sa sling ng body bag niya, “Oo naman. Masaya.”

Sana nga masaya.

 

 

 

Nakauwi na kami ni Karina sa apartment namin at nagsabi siyang siya na muna ang mauunang maligo. Kaya heto ako ngayon, nagpapahinga sa couch namin habang nagche-check rin ng emails sa phone ko.

Hinihintay ko pa rin yung text nung pinagapplyan ko na trabaho.

Sabi nila tatawagin nalang daw ako kaya hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako.

Tatlong taon na simula nung grumaduate ako ng college. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na matinong trabaho. Ang hirap ng hindi pasado sa board exam. Kahit gustohin ko namang magkaroon ako ng sariling clinic, hindi ko magawa.

I failed to pass the BLEPP last three years ago. Fresh grad na agad nagtake ng board exam for Psychologists pero malas kasi hindi ko nakuha in my first try.

Nagreview after a year then sinubukan ko ulit.

Wala pa rin talaga.

Baka hindi pa ito yung tamang panahon sa akin, kako nalang sa sarili ko. Kahit gustong gusto ko na talagang magkaroon ng lisensya sa field na gustong gusto ko.

Napabuntong hininga nalang ako.

Kasabay no’n ay dumako ang tingin ko sa isang picture frame na nasa tabi lang ng tv. Hindi ko ito matapon tapon. Baka magrambulan lang kami ulit ni Karina.

Picture lang naman ng banda yung nasa frame. Sa pagkakatanda ko, may sinalihan ata kaming contest dito tapos pang-second place lang kami. Pero yung mga ngiti namin dinaig pa ang pang-first place dahil hindi kami nag expect na makakakuha ng title.

Si Giselle na nasa Left side ni Karina habang ako, nasa right side ni Ryujin. Tapos magkatabi silang dalawa sa gitna; nakaakbay pa si Ryu sakanya at halata sa mga ngiti’t mata niya na tuwang tuwa ang bestfriend ko.

Bestfriend.

Napangiti nalang ako ng mapait nang maalala ko siya. Kamusta na kaya yung ugok na yun? Sana okay lang siya.

Panigurado kinamumuhian pa rin ako nu’n.

Si Karina na ex-girlfriend niya, girlfriend ko na ngayon.

Diba, sinong hindi mapipikon doon?

 

 

 

3rd year college.

Ang gulo. Sa huling pagkakatanda ko kase, pauwi na kame.

Pero bakit naman kami napunta rito sa music studio at tumutugtog na naman? Partida may kasama pa kaming taga kabilang banda. Inaya ata ni Ryujin na sumama.

“Uuwi na ako, Ryu. May thesis pa akong aasikasuhin.” Kanina ko pa binubulungan ‘tong magaling kong kaibigan.

Konti nalang nga bibigwasan ko na kasi parang walang naririnig. Gago, grado ko nakasalalay dito!

“Chill ka lang naman diyan Win. Nagrequest sila ng collab kasama ng banda natin, hangang hanga nga sila sa’yo eh.” Paniniguro ni Ryu na inaareglo yung mga instruments na dala namin.

“Tangina mo. Rereviewhin ko pa nga mga findings namin dun sa papel. Kung gusto niyo tumugtog, kayo nalang. Uuwi na ako.”

Naiinis ako.

Okay lang sana kung sasaglit lang kami pero knowing na may collab palang mangyayare, I highly doubt it.

‘Tong kaibigan ko kasi ang galing mang entertain. Malamang hindi naman papaawat yung kabilang banda sa pagre-request lalo na’t kasama namin si Karina sa banda.

“Saglit nga lang ‘to pramis. Ano ba naman Win, parang hindi barkada oh. Kadalang nalang nga natin magkaroon ng session tapos collab pa.”

Kung hindi ko lang ‘to kaibigan baka nasuntok ko na.

“Andiyan naman nga sina Karina at Giselle. Kung wala kayong bahista, si Giselle papalit sa ‘kin.”

“Ikaw nga raw yung pinunta nila kaya sila pumayag.” Makulit na bilin pa rin ni Ryu at humarap na sa akin.

Ramdam na ramdam ko na ang pagkunot ng noo ko. Pero mas lalo pang humigpit ang paghawak ko sa sling ng gitara ko nang makita ko sa gilid ang isang miyembro ng kabilang banda na nagiging touchy kay Karina sa pagaasikaso ng keyboard niya.

“Ako ba talaga o ‘yung girlfriend mo na kanina pa nilalapitan nung kupal na ‘yon?” Matalim ko nang tinitigan yung lalakeng hindi tinatantanan si Karina magmula kanina.

Napatingin naman si Ryujin sa tinatanaw ko.

Nag iba tuloy ang aura ng kaibigan ko.

Iniwan niya ako rito saka nilapitan ang jowa niyang oblivious sa paligid.

Pinanood ko lang kung paano i-handle ng kaibigan ko ang sitwasyon. Masakit man sa mata yung subtle na paghapit niya ng bewang kay Karina at kinausap yung lalakeng kanina pa nangungupal.

Hindi ko naririnig usapan nila. Pero kilala ko ang bestfriend ko. Nakangiti man ang mukha, seryoso naman siyang tignan dahil sa matalim na titig niya sa lalaki.

Si Karina? Ayun. Pinakalma ang girlfriend niya matapos silang layasan nung lalake sa harapan nila. Hawak hawak ang magkabilang pisngi ng jowa, saka pa niya hinalikan ang cheeks ni Ryujin.

Kailangan ko bigla ng stress-reliever. that thesis. Hindi ko rin naman magagawa yun ng may bumubulabog sa isipan ko.

Kailangan kong ilabas.

Bago pa tuluyang maglampungan sina Ryu at Karina, nilapitan ko na sila.

“Hanggang anong oras tayo tutugtog, Ryu?”

Ngumiti nalang ng pilya ang kabigan ko.

 

 

 

Kanina pa tanong nang tanong ‘tong kasama ko. Sa’n daw ba kami pupunta at bakit parang ang urgent naman daw ata.

“Alam mo Ryu, kung nauuwi ka na, pwede na kayo mauna ni Rina. Okay lang din naman sa ‘kin na magdate kayo at ‘wag na ako samahan eh.” Bulaslas ko dahil kanina pa ako kinukulit ng kaibigan.

Si Rina ayon, natatawa nalang din sa amin. Not minding kung ang gulo gulo na namin sa harapan niya kanina pa.

“Win nag aalala daw kasi si Ryu sa’yo. Samahan ka na daw namin pauwi para sure siyang safe ka. Baka raw nambababae ka na.” pagbibiro naman ni Rina.

Karina, paano ako mambababae eh ikaw lang naman nakikita ko. Tangina naman.

“Itulad niya pa ako sa kanya.”

Nakaramdam ako ng sapok sa ulo. Gago ne’to, suntukin ko sa harapan ng jowa niya eh.

Hinayaan kong maglampungan yung dalawa habang naglalakad pa rin kami.

Choice naman nilang sumunod kahit hindi naman ako nagpapasama eh. Kaso ginagawa talaga akong third wheel kaya medyo naaalibadbaran ako sa presensya nila.

Hindi ako bitter. Respeto lang sana sa single.

“Win anong ginagawa natin dito sa tattoo shop…”

“Kakain siguro,” pabalang kong sagot nang huminto kami sa isang shop.

“Papa-tattoo ka?” tanong ulit ni Ryu.

“Kakain nga diba?” sasapukin na sana ulit ako pero nakaiwas naman ako.

“Gago ka, papatattoo ka nga? May pera ka ba? Ano nalang sasabihin nila tita?” nag-aalalang sunod sunod na tanong ni Ryu.

Pero buo na ang loob ko at tumingin sa kanilang dalawa ni Karina.

“Kung itakwil man ako ni mama, andiyan ka naman para saluhin ako diba?” maloko ang ngiti ko sa kaibigan.

“Gago ka talaga,”

Nakapasok na kami sa shop. Accommodating naman yung may-ari at hinayaan na muna kaming magtingin tingin ng designs sa loob bago tuluyang i-entertain.

Si Ryujin lumabas na muna ng shop dahil bibili raw ng yosi. Hihipak lang daw muna dahil medyo na-stress siya sa akin nang malaman niyang dead serious ako on getting a tattoo.

Naiwan kaming dalawa ni Karina sa loob. Tahimik lang siyang nagmamasdan rin ng mga disenyo ng tattoos.

“Ano ma’am, ready ka na ba for your tattoo?” rinig kong tanong nung Artist. Nakapili na ako ng design at binalik ko na sa kanya kaya ngiting ngiti siya sa akin nang makita niya kung ano yung gusto ko.

“Ang ganda naman ng napili mo. Bagay sa’yo.” Sabi pa niya bago ko hinanda ang sarili to get my tattoo sa may bandang right shoulder ko. May kalakihan na sakop niya hanggang siko pero hindi na ako mamomroblema kung paano ko ito itatago.

Long sleeves rin naman kasi ang uniform namin kaya alang problema.

Poproblemahin ko nalang kung ano sasabihin ko kay Mama.

Masakit man sa pakiramdam pero tuwang tuwa naman ako habang pinagmamasdan ko na magkaroon ako ng tattoo sa balat.

Tumabi na rin sa akin si Karina habang tahimik ring nakikinood sa ginagawa ni Ate Girl sa braso ko.

“Hindi ba masakit, Win?”

Tumingin ako kay Karina na fascinated pa rin ang itsura sa pagta-tattoo sa akin.

“Parang kagat lang ng langgam. Try mo para masaya,” biro ko sa kanya.

“Parang gusto ko nga.”

Amazed akong binatuhan siya ng tingin. Nakatitig lang siya sa braso kong namumula na at nakasalumbaba pa siya.

“Aayain mo rin ba si Ryujin na magpa-couple tattoo?”

“Hmmm, iniisip ko nga pero tatanungin ko muna siya kung sakaling pumayag pa rin. Alam mo naman bespren mo, takot sa karayom.” Natawa siya.

Pagkakita ko sa ngiti niya at sa mukha niyang maaliwalas tignan, parang nawala nalang bigla yung iniinda kong sakit sa braso.

Hindi na ‘to parang kagat nalang ng langgam.

Parang kinagat na rin talaga ako ng dinosaur called ‘pag-ibig’ dahil huminto lang naman ang mundo ko pagkatitig ko sa kanya.

Ang ganda talaga ni Karina.

Matapos ang ilang saglit, nagpaalam muna siya sa akin na pupuntahan sa labas ang jowa niya. Kanina pa yun ah. Hindi na pumasok.

Binaling ko nalang ang pansin ko sa tattoo kong unti unti nang natatapos. Wala naman ‘tong meaning sa akin. Natipuhan ko lang talaga kaya eto yung napili ko.

Matagal ko nang gustong magkaroon ng tattoo. Ang cool kasi nilang tignan sa katawan kahit na ang tingin ng iba rito ay kadugyotan.

Kalaunan ay pumasok rin ulit si Karina. Kung ikukumpara ang itsura niya sa kanina at ngayon, nawala ang ngiti nito na parang may bahid na rin ng pagkasimangot.

Si Ryujin siguro.

“Ate, ako rin po magpapatattoo pagkatapos niya.” Seryosong sambit niya.

Nakita kong nirolyo niya ang kaliwang sleeves niya hanggang siko at nagbuntong hininga.

Nagkasagutan siguro. Ibang iba yung dating niya bago siya umalis at ngayong pagbalik niya eh.

Hindi nalang ako nagtanong. Baka lalo siyang mabadshot.

Ilang finishing touches nalang ay tapos na rin ang akin. Awit naman mahapdi na ulit sa feeling.

Dahan dahan kong binalik ang pagkakasuot ko ng uniform ko dahil kinailangan ko pang hubarin ang right side ng uniporme ko para mailagay ng maayos eh.

Pagkatayo ko ay siya namang pag-upo ni Karina at pinwesto na ang kamay sa may table.

“Minimalist lang po yung sa akin, ate. Parang ganito oh,” pinakita niya yung cellphone niya dun sa artist na tumango pagkakita rito.

“May meaning po ba ‘yan ma’am?”

“Wala po. Trip ko lang ‘yan and out of impulsive decision rin,” mahinang tawa niya.

Nakita kong sa wrist pala yung tattoo niya. Ang minimal nga. May kaliitan kasi yung devil na may halo sa taas tapos nakabelat pa.

Parang mas lalo lang akong nahulog nung makita ko ang side na ‘to ni Karina.

“What do you think, Win? Cute ba?” tanong niya sa akin habang inaantay nalang na matapos yung kanya.

“Cute nga. Cute size na, cute pa yung design.”

Natawa siya sa sinabi ko. Tangina oo nga naman. Nonsense rin kasi yung sinagot ko.

“Sige cute na talaga ‘tong tattoo ko, Win.”

“Cute nga naman kasi talaga,”

“Gusto ko rin yung sa’yo eh. Ang angas kasi, bagay na bagay nga sa’yo,” napalunok naman ako ng di sa oras sa biglaang pag-compliment ni Karina. “You look so cool, Win.”

Napakagat ako ng labi.

Damn. Reference ba ‘yan sa paborito kong banda?

“Thank you…” pinilit kong ‘wag nerbyosin habang sinasabi ‘yan sa kanya.

“You look so cute rin, Rina.” Then I smiled sa kanya which made her smile even more.

Jusko po. Ano ba naman ‘to?

 

 

 

Napangiti ako nang maalala ko kung paano yung experience ko on getting my tattoo.

Ang special lang kasi, sabay pa kami that time ni Karina to get inked.

Kung noon ay hanggang shoulder lang yung tattoo ko, ngayon umabot na hanggang braso’t kamay. Nadagdagan nalang sila buhat na rin sa pagiging supportive ni Karina sa kagustuhan kong magkaroon nito.

“Nginingiti ngiti mo diyan, Jo?” napabalikwas ako nang marinig ko na ang boses ni Karina.

Tapos na pala siyang maligo. Nasa harapan na siya ng salamin at naglalagay lagay na ng skin care sa kanyan mukha.

Tumayo ako at nilapitan siya saka nanlalambing na yumakap sakanya mula sa likuran.

“Naalala ko lang kasi na sabay tayong nagkaroon ng tattoo,” tahimik kong sambit sakanya at hinigpitan lalo ang pagyakap, “to think na si Ryu ang inaya mo pero ako nakasabay mo magkaroon ng gano’n…” saka ko siniksik ang mukha ko sa leeg niya.

Ang bango bango ng girlfriend ko. Nakakaiyak.

Naramdaman ko naman ang isa niyang kamay na hinaplos ang buhok ko pababa sa balikat ko kung nasan yung tattoo placement ko.

“Ayaw niya eh. Hindi ko nalang pinilit.”

Hindi ako sumagot. Nanatili nalang ako sa pwesto ko.

“Wash up ka na Jo para makapagpahinga na tayo. Bibisita pa tayo bukas kina Mama. Sinabihan ko kasi na dadalaw tayo sa bahay para mangamusta,”

Ahh, uuwi pala kami sakanila bukas.

“Anong oras alis natin, Jo?”

“9 or 10? Hindi ko pa alam eh. Sabi kasi ni mama papasundo nalang niya tayo kay Kuya tutal uuwi na  siya dun sa bahay.”

Naramdaman ko yung pagtapik niya ng marahan sa braso kong nakayakap sa kanya.

“Wash ka na dun, Jo. ‘Wag na tayo masyado magpuyat para hindi na rin maghintay sa ‘tin si kuya.”

“Wala na tayo cuddle time before magsleep?” malambing pa ang pagkakatanong ko sa girlfriend ko.

“We will cuddle until we sleep, Jo. Kaya go na. I’ll wait for you here, hindi naman kita tutulugan.” She chuckled kaya napatango nalang ako.

Humalik pa ako sa cheeks niya bago tuluyang tumuloy sa banyo.

Cuddling to sleep is our thing.

Hindi ako makatulog nang hindi siya kayakap. Palagi ko nalang hinahanap presensya niya kahit ata tulog.

Sobrang down bad ko lang talaga for Karina.

To the point na I even took the risk of failing my friendship with Ryujin just to be with her.

I know I’ve said it before na hindi ko kayang ipatalo ang pagkakaibigan namin ni Ryujin dahil lang sa isang babae. Pero guess what? Kinain ko lang din pala mga sinabi ko.

Tandang tanda ko pa kung paano lumapit si Karina sa akin matapos siyang gaguhin ng kaibigan ko.

Ryujin cheated over Karina.

Kalagitnaan ng pagrereview ko for my board exams nang biglang tumawag sa akin si Karina in the middle of the night, nagpapasundo at may urgency sa boses niya.

Naalarma naman ako.

Kaya kahit alam kong mapupuyat na naman ako ng todo, pinuntahan ko siya. I can’t afford to abandon her ng ganun ang estado niya.

Nang makarating ako sa tapat ng apartment ni Ryujin, hindi pa man ako bumubusina ay lumabas na si Karina.

Sobrang bilis niya maglakad at galit na galit ang itsura.

Maluha luha ang mga mata, namumulang ilong. Habang si Ryujin sumunod lang naman sa kanya sa paglabas.

Naghihintay lang ako dito sa loob ng kotse na hiniram ko pa kay ate para lang makapunta dito ng mabilisan.

And at that moment, doon ko lang nakita kung gaano kadesperado at katakot yung itsura ng bestfriend ko.

Tangina, Ryu. Anong ginawa mo? Anong kagaguhang pinull off mo na naman to the point na napatawag sa akin si Karina ng madaling araw?

Napakunot na ako ng noo nang makita kong sinampal ni Karina ang bestfriend ko. Hindi ko na natiis. Lumabas na ako sa kotse at pumasok na ng gate nila.

“Hindi ako palamura Ryu pero tangina mo sobra. Tangina ng ginawa mo at ng babae mo. Magsama kayo.” ‘Yan ang narinig ko kay Karina bago siya tumalikod at naglakad saka nilagpasan lang ako.

Napatingin naman ako kay Ryujin na nakaluhod at umiiyak.

Ano raw?

“Ryu, anong nangyare?” Kalmado kong tanong.

“P-pre… T-tulungan mo a-ako… P-please… K-kailangan bumalik n-ni… ni Karina s-sa ‘kin…” hinawakan pa niya ang kamay ko na parang nagmamakaawa talaga sa harapan ko.

Punyeta anong nangyayare?

“Ryu,”

“Na-nahuli niya a-ako, W-win… Nahuli n-niya akong k-kasama si Y-Yeji…”

Pagkarinig ko palang sa pangalan na binanggit niya, parang hindi ko na magugustuhan ang mga susunod niyang sabihin.

“P-pre… Hindi ko naman s-sinasadya eh…” napapikit ako sa sinabi ni Ryujin.

Sinasabi ko na nga ba.

“Bitawan mo ako, Ryu. Kailangan ko nang puntahan si Karina.” Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa akin at pinipigilan ang sarili na ‘wag dapuan ng kamay ang kaibigan ko.

Hindi ko nga rin alam saan ko nahuhugot ang pagiging kalmado ko sa oras na ‘to.

Sinaktan lang naman kasi ng bestfriend ko yung babaeng pinakamamahal ko.

Yung babaeng pinapangarap ko.

Yung babaeng hinihiling ko na mapasa akin.

“W-win…”

“Ryujin, ayoko ng gulo. Kaya please. Baka masuntok lang kita dito ngayon dahil sa katangahan mo.” Matigas kong sabi.

“Winter please intindihin mo naman ako… First love ko si Yeji diba? H-hindi ko naman alam na m-may feelings pa palang natitira sa akin, sa kanya.”

“Eh gago ka pala eh!” Sinuntok ko siya sa mukha dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Bull na dahilan.

Kahit anong rason ‘yan, hindi majujustify ang pagch-cheat!

Kinwelyuhan ko si Ryu at ready nang paulanan ulit siya ng suntok sa mukha nang may biglang umawat sa akin mula sa likod.

Si Karina.

Galit na galit ako sa kaibigan ko.

Bukod sa sinaktan niya ang minamahal ko at initchapwera, may gana pa siyang magloko.

cheaters.

“Magmula ngayon wala ka ng kabigan na nangangalanang Kim Winter. Tandaan mo ‘yan at itaga mo sa bato, Shin Ryujin.”

Tinulak ko siya at hinila si Karina papalabas ng gate ng apartment niya.

Tahimik sa loob ng kotse. Pinipigilan lang na ‘wag umiyak ni Karina habang ako, kinakalma pa rin ang sarili.

Pakiramdam ko sasabog ako ngayon. Hindi ako makapag-focus. Hindi ako pwedeng magdrive ng ganito ang nararamdaman.

“Iuwi mo nalang ako sa inyo, Win.”

Tumingin ako sakanya, diretso ang tingin sa labas at humihikbi hikbi pa.

“Okay.”

Pero bago kami tuluyang umuwi sa amin, dumaan muna kami ng drive-thru sa Mcdo. Binilhan ko siya ng ice cream and nuggets para kahit papano kumalma naman siya at makakain. Malay ko bang baka hindi pala siya nagdinner dun kay Ryu.

Pero sa huli, ice cream lang kinain niya. Hindi pa nga naubos. Tahimik pa rin siya at hindi nagsasalita. Hinayaan ko nalang muna na pakiramdaman ang sarili niya.

Hindi naman ako aalis sa tabi niya eh.

 

Sa gabing kay dilim

Hinahanap ko ang kahulugan ng mga panahong lumipas lang

Nang walang pasintabi

Ako ay iniwan

Mga matang noon ay may kislap pa

Ngayon ay mugtung mugto sanay sa luha

 

Napasulyap ako kay Karina habang nagd-drive. Tahimik lang sa kotse dahil ayaw ko namang sabayan siya sa nararamdaman niya kung magpapatugtog pa ako sa car stereo.

 

Sadyang ganto nga ba ang buhay dito sa lupa

Kaya hihigpitan ko ang kapit sa mga

Kamay ng oras nang 'di 'to lumipas lang

Sana ay aking sinulit ang panahon na tayo'y mga bata pa

 

Inaalala ko ang kalagayan ni Karina pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay. Nakauwi na rin naman kami. Inalok ko siya ng tubig bago kami tumaas sa kwarto ko.

Ang kalat pa man din don dahil iniwan ko lang ng minsanan ang mga reviewers ko, sa kama, sa study table and meron pa pala sa sahig.

 

Ilang araw na rin na tuluy tuloy lang ang habulan

Hindi mawari kung ito ba ay malalagpasan

Pilit sa putik aking pupulutin nang isa isa

Mga pangarap kong nabasag tila bubog sa paa

Ang bahaghari ba'y nagpapakita lang at

 

Pagkapasok ko sa kwarto nadatnan ko si Karina na humahagulgol sa may kama ko. Galing ako ng banyo at nagpaalam naman ako sa kanya na sasaglit lang ako sa cr. Naiihi kasi ako eh. Napasobra ata yung coke ko kaninang nagmamaneho.

Medyo natagalan nga lang dahil kumuha rin ako ng tubig sa pitsel dun sa baba para hindi matuyuan ng Sistema si Karina kakaiyak if ever.

“Karina…?” nilapitan ko siya at tinabihan sa kama.

“Sorry ang kalat ng kwarto,”

Hindi siya sumagot.

Hindi ko na pinilit pang magsalita ang tao. Hinayaan ko lang na umiyak, eto ang kailangan niya ngayo eh.

“W-win…”

“Hmmm?”

Nagpunas muna siya ng luha niya at tumingin na sa akin ng mata sa mata.

Nasasaktan ako.

Para akong tinusok ng libu-libong kutsilyo nang matanaw ko na ang mga mata niyang malungkot at nangungulila.

Ang sakit.

 

Kaya hihigpitan ko ang yakap sa'yo

Alam kong hindi 'to magtatagal

Sana ako'y maalala mo na ganito

 

“May kulang b-ba sa akin? B-bakit nagawa p-pa niya akong l-lokohin?” kahit hirap na hirap sa pagsasalita dahil sa sobrang pag-iyak, sinubukan pa ring magsalita ni Karina.

Umiling ako sa tanong niya.

“B-bakit hindi n-niya sinabi sa a-akin agad… Sa-sana nabago k-ko ang sarili k-ko… e-edi sana h-hindi siya n-nambabae… Sana ako p-pa rin yung k-kapiling n-niya at h-hindi yun…”

Napaigting ang panga ko sa mga sinasabi ni Karina.

Hindi niya deserve na maramdaman ‘to.

Hindi niya deserve ang magago.

“Ang gago naman n-ng bespren m-mo, Win…” muli siyang nagbreakdown at hindi na ata nakayanan ng katawan niya dahil napasandal na siya sa akin at umiyak sa balikat ko.

“Oo, Rina. Gago talaga yun. Sobra.” Gigil na sambit ko.

Naiinis pa rin ako sa kaibigan ko.

Hinayupak na ‘yon.

 

Hihigpitan ko ang kapit sa mga kamay ng oras nang 'di na maiwan pa

Nais ko lang ang masilip ang nakaraan

Oh hihigpitan ko ang kapit sa Diyos

Maliwanag na rin

Eto na't parating

Matatapos ang lahat ng pagsubok na 'to

 

“Ang t-tanga tanga ko, Win… Hinayaan ko si-siyang mahulog s-sa iba…”

Kung may tanga man rito Karina, yun yung kaibigan ko.

Gago niya eh.

“Shhhh.. hindi ka tanga, okay? Tahan na, andito lang ako, Rina.”

Kaso pagkasambit ko no’n, lalo siyang naiyak.

Tangina mo talaga, Ryu. Ang tanga tanga mo.

Sinaktan mo ang babaeng siyang pinapangarap ko.

 

 

 

“Rina, do you intend to sit there sa likuran talaga? Hindi dito sa tabi ko?”

Nakasakay na kami ngayon sa kotse ng kuya niya. Nasundo na niya kami sa apartment kaninang qtr to 10 at ngayon naman ay paalis na kami galing gas station para sa stop over.

Mahaba habang byahe kasi ‘to.

“Kuya, kaya mo na ‘yan diyan. Driver naman talaga ang agenda mo today, diba.” Pilyang pang-aasar ng girlfriend ko sa kuya niyang naparolyo lang ng mata.

“Gagawin niyo akong third-wheel eh. Maglalampungan lang naman kayo diyan sa likuran through out ng byahe natin.”

“Get yourself a girlfriend then. At kung naiinggit ka na talaga kuya, pikit ka nalang.”

Natatawa nalang  ako sa girlfriend kong malakas mang-asar.

If I know, namiss niya lang talaga kuya niya. Hindi lang pinapahalata.

Reaction formation is the thing she’s doing right now. Hindi naman kasi normally nag anito mang-asar si Karina.

“Miss mo naman masyado kuya mo,” binulungan ko siya. She just rolled her eyes saka napailing nalang na ngumiti.

Oh diba? Tama ako.

Wala kang matatago sa akin, Jo. Psych major ang girlfriend mo.

“Oh wala pa nga naglalampungan na kayo diyan. Winter ah, ‘wag ka masyado malapit diyan sa kapatid ko.” protective na sambit niya kaya napalayo ako kay Karina.

“Sorry kuya,” natawa nalang din ako.

Little sister niya ba naman si Karina Yoo eh, malamang magiging protective brother talaga siya.

Haynako ‘tong magkapatid na ‘to.

Wala namang gaanong aberya sa byahe bukod sa paminsang minsang pag-aalitan at kamustahan ni Kuya Seungho dito sa amin sa likuran.

Halatang close na close sila ng kapatid niya.

Haynako ‘tong magkapatid na ‘to.

“Ikaw Win? Hanep sa mga tatts mo ah. Dumami na pala. The last time I saw you yung sa may shoulders mo palang ah.”

“Oo, kuya. Hindi ko na napigilan eh, saka ‘tong si Rina kasi grabe rin kung makasulsol sa akin.” Saka ko pinisil ang ilong ng girlfriend ko na ngayon ay nakataas lang ng kilay sa akin.

“Tatawagin mo pa akong sulsol eh ikaw nga ‘tong paalam nang paalam sa akin na pupunta sa shop para magpatatts.”

“Pinapayagan mo naman kasi ako, Jo. Kaya hindi ko talaga mapigilan.”

“Mahal kasi kita. Besides, you really look good on them naman. Buti nga magaganda sila,”

Eto na naman po tayo sa pag-compliment ng jowa ko.

“Maganda rin kasi inspirasyon ko behind my tatts.” Pagyayabang ko at inakbayan ang girlfriend ko saka hinalikan siya sa ulo.

“Ewan ko sa’yo, Winter.” Namumula niyang sambit bago tuluyang sumandal sa akin.

“Edi kayo na ang may jowa.” Bulaslas ng kuya niyang nagd-drive pa rin pero may ngiti sa labi niya.

 

 

 

Kinakabahan ako habang hinihintay namin ang mama ni Karina na bumaba dito sa sala.

Humihigpit ang kapit ko sa sling bag na dala dala ko dahil dito na rin daw kami mag-overnight. Andito na yung mga gamit namin ni Rina since isang gabi lang naman kami dito sa kanila.

“Jo, relax. Para namang hindi mo pa nakita si Mama.”

I can’t blame myself, Jo. I made an impression kay Tita na it will last a lifetime.

I didn’t know she didn’t like tattoos. Unlike her daughter na sobrang enthusiastic kapag nakikita yung mga tattoo ko, kulang nalang ay palabasin na niya ako ng mansyon nila on the spot nung makita niya akong nakatupi yung sleeves ng shirt ko exposing my shoulder tattoo.

Hindi lang ‘yon. Pinuntirya niya pa yung magkabilang tenga ko na may piercing.

Ang dumi ko raw pagmasdan.

Hindi raw ako bagay sa anak niyang disenteng tignan.

“Jo, hindi ko mapigilan kasi. Naalala ko lang na ayaw ng mama mo yung tattoo tattoo tapos nagdagdag pa ako,” kinakabahang sambit ko.

Naramdaman ko naman yung malambot na kamay ni Karina na humaplos sa palad ko at pinagsaklob ito.

“Wala na siyang magagawa dun, Jo. Wala na talaga siyang magagawa kasi mahal kita eh, girlfriend na kita.”

Ramdam ko na naman yung paru-paro sa tiyan ko.

Pero kinakabahan pa rin ako.

“Dapat pala nagsweat shirt nalang ako, Jo. Para atleast hindi niya makita diba-“

“Jo, I love seeing your tatts, okay? They’re hot so why bother covering them up?”

Nag-init ako sa sinabi ni Karina.

Hot raw amp.

‘Wag kang ganyan, Jo! Nandito tayo sa pamamahay ninyo, kailangan kong magpigil!

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan yung tattoo placement ko sa may likuran nito while looking straight into my eyes.

God, kinikilig ako.

“There. Feeling better na ba?”

Feeling hot, Jo. Tapos kagagawan mo pa.

“O-okay na….”

Nakita ko pa siyang natawa. Tuwang tuwa ang loka dahil sa nakita niyang epekto sa akin.

Porke hulog na hulog ako sa’yo!

“Ehem.”

Napahiwalay naman kami automatic sa isa’t isa nang marinig na namin ang striktong boses ng mama ni Karina.

Tumayo ako at inayos ang sarili saka siya hinarapan, kakababa niya lang ng hagdan pero yung tingin niya ay pumupukaw na sa akin at parang buong pagkatao ko ay pinapasadahan niya ng tingin.

Yung mga tattoo ko.

Kunot noo pa rin siyang nakatingin sa akin. Parang nung first meeting lang namin.

“Hello ma,” bati ni Karina at nakipagbeso sa mama niya.

“Ahh tita, bless po,” kukunin ko na ang kamay niya nang bigla niyang iniwas ito at nagpaypay.

Sabi ko nga po.

“God bless you, iha.” Mapait ang tono ng mama ni Karina at muli pa ang ni-head to toe na tinignan.

“I hope you enjoy your stay here. Rina anak, come help me sa kusina. Paghahanda lang natin ang bisita.” Ramdam ko ang authority sa boses ni Mama Yoo na nagpakaba naman sa akin.

Napansin naman ata ni Karina ang pagiging tense ko kaya pinisil niya ako sa balikat at ang kamay na hawak hawak niya kanina pa.

“Tulungan ko na po kayo, tita.” Pag aalok ko sakanya pero hindi na siya sumagot saka nalang tumuloy sa kusina.

Tumingin naman sa akin ang girlfriend ko. Alam kong inaalala niya na naman ako.

“Okay lang ako, Jo.” Saka ko siya nginitian bago kami sumunod sa mama niyang nasa kusina.

“Si Ryujin kamusta na? Wala ka na bang balita sa kanya, anak?” napatigil ako sa paglagay ng palaman sa tinapay.

“Ma, wala na kami ni Ryu. I told you na before diba.” halata sa boses ni Karina ang pagkailang.

“Oh, ganun ba? My bad anak. I forgot. Siya lang kasi talaga ang naaalala ko and she was super sweet saka gentle. I just thought na baka friends pa rin kayo until now,”

“No ma. We’re over na,” naramdaman ko naman ang kamay ni Karina sa balikat ko softly caressing my shoulder, “besides I’m with Winter na ngayon. Masanay na kayong siya na yung dadalhin ko dito pag uuwi every now and then.”

Natahimik nalang ang mama niya at napailing.

“Tita, sandwich po?” inalukan ko siya nung sandwich na pinalamanan ko.

Tinanggihan niya ito at naghand gesture pa na ‘wag’.

“I’m full, thanks.”

Ngumiti nalang ako sa kanya.

“Wait lang, may nakalimutan ako sa car. I’ll be back, Jo okay? Will you be fine here? or gusto mo sa kwarto ka nalang muna?”

Tumango naman ako sa girlfriend ko.

“I’m okay, Jo. Wait nalang kita dito.”

Pero knowing Karina, hindi siya basta basta aalis ng ganun ganun lang.

Tinignan niya muna ako for the last time assuring na okay lang talaga ako sa care ng mama niya.

After the assurance, binigyan niya ako ng kiss sa cheeks at tuluyan nang umalis.

Ngayon, naiwan na akong mag isa dito sa kusina kasama si tita.

Na kanina pa ata ako pinapatay sa ulo niya dahil sa titig niyang makamamatay ng tao.

“May I ask lang iha, anong pinagkakaabalahan mo?”

“Tumutugtog po ako,” sagot ko nalang.

“Oh. But I heard you were a Psych grad? Registered ka na ba?”

Napalunok ako.

Kaya mo ‘to, Kim Winter!

“Uhm nagtake po ako ng board exam pero, I failed din po. Kaya dalawang taon na akong unemployed. Pero naghahanap na rin naman po ng trabaho,”

“Ay you failed pala…” hindi ko madistinguish kung anong klasing tono ang meron siya, “What are your plans in the future? Do you have one with my daughter?”

Hot seat pala ang pupuntahan ko rito. Akala ko bonding with Tita.

“Meron po. I plan to take the board exams again.” Ngumiti ako sa kanya, “and with Karina po… well, I’m planning to have her for the rest of our lives. In good times and in bad po.”

“Hmmm. I actually thought you had plans on marrying my daughter just like what Ryujin has when she went here. She asked for my blessing na nga to marry my unica ija.”

Napaiwas nalang ako ng tingin sa sinasabi ng mama ni Karina.

Kailan ba matatapos yung comparison between me and my bestfriend?

Ang sakit lang kasi marinig na manggagaling pa mismo ‘to sa magulang ng babaeng mahal na mahal mo.

Ramdam ko po yung support, tita.

“Sad lang na they broke up. I wish my daughter gave her a second chance to explain herself, what do you think, Winter?”

“P-po?”

“Karina and Ryujin getting back together. What are your thoughts?”

Hindi ko mawari kung seryoso ba si tita sa tanong niya.

Pero nung tinitigan ko siya sa mga mata niya, hindi pala siya nagbibiro.

She was dead serious asking me this .

“To be honest iha, ayaw kita para sa anak ko. My daughter deserves someone better at ikaw? Hindi ka man lang lumalapit dun sa standard that I have for my daughter.” Diretso ang tingin niya sa akin habang walang preno niyang sinasambit ‘yan.

“Ayaw ko niyan.” Tinuro niya yung braso ko, “saka ‘yan,” yung tenga ko naman.

“To think na tumutugtog ka lang pala. Ano nalang mapapakain mo sa anak ko when the time comes? Buti pa si Ryujin. Licensed Architect na.”

Hindi ko na kinakaya.

Para akong malalagutan ng hininga kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipagusap sa mama ni Karina.

“M-mahal ko po ang anak niyo, tita.” Pinipigilan kong ‘wag maiyak.

“Love isn’t enough, iha. Kung pwede layuan mo na ang anak ko. Please lang.” walang emosyon niyang sambit, “kung may natitira ka pang decency sa katawan mo, layuan mo ang anak ko.”

Napaigting nalang ako ng panga para pigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas.

Tangina naman oh.

Ano ba naman ‘to?  

 

 

 

 

 

 

belated happy valentines siguro

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
785 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
193 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭