Kalachuchi

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Unang Pagkikita

 

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid habang hinihintay yung order ko. Konti pa lang ang kumakain ngayon dito at may iilan pang table na bakante. Pinili ko yung malapit sa may daanan para kung sakaling may makita akong kakilala, mahahatak ko. 

Combo meals are the best talaga dahil sa halagang 32 pesos, busog ka na! Syempre kapag medyo galante dun ako sa combo meal #45. Medyo mahal sya pero sulit pa rin dahil may dalawang pancit canton, palamig at isang stick ng kwek kwek. Kadalasan Combo meal #5 ang binibili ko. Pancit Canton at kwek kwek. Sa drinks naman, patos patos na yung tubig. Stay hydrated tayo sa tubig hindi sa soft drinks, mga mamsir! 

Dahil medyo mayaman ako ngayong araw, bumili ako ng buko shake para naman mas masarap ang kain. 

Dahil hapon na, hindi lang estudyante ang makikita mo sa loob ng campus. Madami na rin ang nagjo-jogging pero konti pa yan kung ikukumpara mo naman tuwing sabado at linggo.

 

"Karina, kunin mo na 'tong order mo tapos na!"

"Sige po!"

 

Kilala na 'ko ni Aling Menchie dito dahil araw araw ako kung bumili sa kanila. Masarap kasi yung sauce nila compared sa ibang stalls, dagdag mo pa na mas malaki yung space nila dito kaya di masyadong crowded. 

Medyo malayo sa Palma but patos na kasi exercise na rin kumbaga. 

Tumayo na ako para kunin yung order ko. Naglagay ako ng sandamakmak na sauce dun sa fish balls at tila sinabawang fish balls na ang itsura nito, medyo dugyot tignan pero ano bang pake nyo? Ako namang ang kakain! 

Maingat ko itong binuhat papunta sa table ko at sakto naman, may nakita akong isang babae na naka-upo dun sa inuupuan ko kanina. 

Napataas ako ng kilay. 

May bag na ngang nakalagay sa upuan, hindi pa din makaramdam na occupied yun? Hello, bakante din yung kaharap ko na upuan?? Bat yung mismong pwesto ko pa? At eto pa, pinatong nya lang naman sa table yung bag ko! Gago, mamaya nyan may sauce na natapon dun edi namantsahan pa bag ko! 

 

Sino ba to? 

 

Mukhang kakatapos nya lang mag-jogging dahil halata naman sa outfit at paghahabol nya ng hininga. She's wearing spandex shorts and a dri fit top. Naka-ponytail yung blonde hair nya na may... blue highlights? Forenjir ba to? 

Kita rin sa maputi nyang balat ang matinding pawis. Inikot ba ng babaeng 'to ang buong UP?

Wala naman akong lakas makipagtalo pa sa kung sino man yan kaya umupo nalang ako sa bakanteng upuan sa harapan nya. Wala akong choice, okay? Occupied na yung ibang table at ayoko namang maki-share dun sa lalaki, mamaya mapagkamalan pang tipo ko sya. Mas gugustuhin ko pang masaksak nalang! 

Inangat ko yung bag mula sa lamesa at muntik ko na itaob yung lamesa dahil may nakita akong mantsa.

Pasimple kong tinignan yung babaeng nagpupunas ng pawis sa tapat ko. I-confront ko ba o hayaan nalang? Pero kasi bigay to ni Mama.. Sige, confront na natin dahil sya naman may kasalanan neto. 

 

"Uh miss."

 

Muntik pa akong mabilaukan sa hangin nang tumingin ito pabalik sakin. 

 

Jusko po panginoon! Saan sya galing at bakit ang ganda nya?! Nanaginip na ba ko ng gising?! 

 

Let's see, almond eyes, plump lips, medyo may pagka-chubby yung cheeks at mistisa. Dagdag mo pa na parang ang inosente nyang tignan. She's my type!

Tinaasan nya ako bigla ng kilay.. Oh my, lord give me strength.. Nababakla talaga 'ko pag sinusungitan ako ng magandang babae. 

Ayoko na po bumalik sa pagiging malandi ko. Tapos na 'ko sa malanding phase at gusto ko na lang mag focus sa pag-aaral. Our father, who art in heaven, hallowed be thy name….

Iska kaya sya? Sana hindi please! Kasi pag makikita ko sya araw-away sa campus, baka bumigay ako.

Pero Karina, kalma. Wag mo kalimutan na pinatong nya yung puti mong bag sa lamesa na madumi. May malaking mantsya na dun sa babang part at dalawang taon mo yang iningatan dahil bigay sayo ng Mama mo kaya hindi ka pwede magpakabakla sa insensitive na babaeng yan. Repeat this until pumanget sya sa paningin mo!

Nawala bigla galit ko peste, bakit ba ang ganda nito?

Makabalik na nga lang sa pag kain! Ibabaabad ko nalang yung bag mamaya sa sabon, sana matanggal yung mantsa. Hmp.

 

"What's that?"

 

May chance na iska sya dahil sa kanyang buhok (lam nyo naman pwede lahat dito as long as di ka kriminal) pero based kasi sa accent nya, masasabi ko na Atenista to or Lasalista, possible din na Med Student somewhere in Manila. Gut feeling ko lang, isa to sa mga wala kong kwentang skills. Through mannerisms and personality, nahuhulaan ko na agad kung saang University galing ang isang tao, minsan pa pati kurso nahuhulaan ko pero bihirang bihira lang. Diyos na ko kung pati yun mahulaan ko. 

Walang kwentang skill pero minsan useful heh. 

 

"It's buko shake."

"Where can I buy that? I want it."

"Order ka dun." Sabay turo sa stall ni Ate Menchie

"Okay." Bigla naman syang nagtaas ng kamay "Miss, can I have the menu  but oh give me this buko shake in advance while I browse your menu, thank you." 

 

Masyadong mabilis ang pangyayari kaya bago pa 'ko maka-react ay tapos na 'to magsalita. Pinagtinginan kami ng mga tao dahil sa ginawa nya at gusto ko nalang magpakain sa lupa. Nagtakip nalang ako ng mukha at napabuntong hininga. Baka isipin pa nila na kasama  ko 'to. 

Hindi naman sa bawal yung ginawa nya pero duh, common sense?! Wala tayo sa restaurants kung saan sila mismo ang lalapit sayo. At seryoso ba sya sa menu?! Akala nya ba may ibibigay sa kanyang booklet dito or something? Kita mong nakalagay dun sa parang blackboard yung menu tapos manghihingi ka ng bukod? Gago??

 

"What are you looking at?" 

 

 

Aba! Pano kita hindi titignan kung may ginawa kang kakwestyon-kwestyon! 


 

"What I mean is, pumunta ka dun mismo at sabihin mo kung anong order mo, ganun ang way ng pag oder dito, miss." Explain ko nalang kasi baka ignorante lang sya

"Bakit naman ako mag-aabalang pumunta dun? They should come to me, ako ang customer." 

Napahawak ako sa aking sentido, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko, "Look, wala tayo sa restaurant. Hindi sila ang pupunta sayo."

"The hell? Anong klaseng kainan to?"

 

Jusko po, ako yung nahihiya para sa kanya. Taga saan ba to? Bakit parang ngayon lang naka-experience ng kainan na counter service ang way ng pag order? Hello, di ka pa ba nakakain kahit sa McDo?? Saang planeta ka ba galing? 

 

"Miss, pumunta ka nalang dun at sabihin kung ano gusto mo. Andun na rin yung hinahanap mong menu sa harap ng stall."

"No ing way, hindi ako mag-aabalang tumayo para lang dyan," Pag-iinarte nya pa

"Edi bahala kang magutom dyan, bahala ka rin sa buhay mo."

"Tch."

 

Nagsimula nalang akong kumain ng pancit canton at nakakadalawang subo palang ako nang biglang magdabog 'tong nasa tapat ko.  Hinampas nya lang naman yung lamesa causing na matabig yung shake ko. At syempre, natapon yun sa table and pants ko. Putangina.

 

"But I want that drink." Turo nya sa shake na natapon. Pambihira, natapunan nya 'ko pero yan lang sasabihin

"Hindi ka lang ba magso-sorry? Natapon mo yung shake ko!"

 

I rarely get mad, pero pag pagkain na ang usapan, kaya ko makipag-away kahit sa pulis pa! 

 

"Not my fault na mauga yung table." Kibit balikat nyang tugon. Aba talagang.. "I want that shake!!"

 

Parang bata jusko panginoon, bigyan nyo po ako ng lakas. 

Di ko na mabilang kung ilang beses na 'kong humingi ng tulong kay lord, kahit na di naman ako religious. Abusado na 'ko! Pero sensya na Lord, sumasakit kasi ang ulo ko dito! Can't believe na gandang ganda pa ako sa kanya kanina!

 

"Tumayo ka nga kasi at bumili mismo dun!!" Hindi ko na sya napigilang sigawan

"Why are you shouting at me?! Ayoko ngang tumayo, how many times do I have to tell you that?!" 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
545 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
545 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
699 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
699 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha