Bahay na Puti

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 Deal?

Dumating na ako sa rented apartment ko somewhere in Krus na Ligas. Medyo mas maganda ‘to compared sa ibang dorms/apartment since fully air conditioned kahit saang part ng bahay and malalaki talaga yung rooms, we even have our own bathroom which is already a luxury. Ito yung tulong na binigay sakin ng pamilya Mendoza. Ang gusto pa nga nila nung una ay bilhan ako ng sariling unit sa blue residences pero mariin akong tumanggi. 

Pano ba naman kasi, tuwang tuwa sila nung nakapasa ako sa UP at qualified pa para sa Political Science. 

Alam nyo naman ang mga quota course, matinding bakbakan ang haharapin mo bago ka maging qualified. Ready na nga sana ako i-consider yung offer ng Ateneo dahil baka di ako makapasok but thank God, nakalusot pa rin. 

I guess I'm meant to be here. 

Nilapag ko sa kama ni Aeri yung binili ko mula sa jollibee na 1pc chicken and coke float. 

Teka nga, ang alam ko may klase pa ‘to hanggang 8, bakit andito agad sya? 

Napansin ko ang sandamakmak na papel sa magulong table ni Aeri. Dun palang alam ko na kung bakit hindi sya pumasok. Kagabi pa kasi yan nagrereklamo tungkol sa backlogs nyang sya naman ang may kasalanan. May hinahabol ata syang papers na nakaligtaan nya dahil nag party sila nung orgmates nya last week. Tibay talaga. 

Hindi nya napansin na dumating na ko kasi busy sya sa laptop nya. Nakakunot pa ang noo at galit na galit mag-type ang loka. Naawa ako bigla sa keyboard. 

Ganyan yan kapag focused na focused sa ginagawa, hindi napapansin yung nasa paligid nya. Kahit siguro may sumabog na bomba sa likuran nya, di nya malalaman. Legit to. 

There was one time na naghahabol sya ng deadline tapos di nya napansin na naglalaro kami nila Seulgi at Ryujin ng PUBG mismo sa likod nya. Di nya lang man napansin yung murahan at trashtalkan namin (pero medyo mahina lang yun, may respeto kami kay Aeri). Mind you, di naman sya naka earphones kaya kahit bulungan, maririnig at maririnig mo yon. Pero walang kibo si Ate mo Aeri, di nya na-realize na andun kami for like 2 hours na. 

Bilib talaga ako sa concentration ng babaeng 'to. 

Anyway, kung nagtataka kayo kung para saan ang jollibee, pambawi ko lang yan sa palagi nyang panlilibre sakin.

Hindi sa galante ako, alam ko sa sarili ko kung gaano ako kakuripot. 

Sadyang binigyan lang ako ng pera nung babae kanina. Yung nilagay nya sa kamay ko ay isang libo lang naman. Feeling ko ginamit nya lang na diversion yung paghalik nya sakin para ma off guard ako. Smooth nya dun, not gonna lie. 

Parang gusto ko ng isa pa, charot. 


 

"Is this mine? Libre?" Tanong nya habang naglalakad papunta sa kama nya

"Yup."

“Huy seryoso ba ‘to? Baka binibiro mo lang ako?” Hindi makapaniwalang tanong sakin ni Aeri

 

Nakasarado na yung laptop na hawak nya kanina at ngayon ay tinitignan yung laman ng paper bag. 

 

Ngumiti ako “Oa ka, kala mo binigyan ng ginto.”

“Sa dalawang taon nating magka-roommate never mo pa akong nilibre.” Saglit syang napatigil sa pagsasalita and looked at me accusingly,  “Don’t tell me may ginawa ka saking kasalanan? Or baka gusto mong magdala ng babae dito. Karina, ang deal natin diba bawal magdala ng kahit si-hmps!”


 

Sinalpakan ko ng manok yung bunganga nya para manahimik. 

Nakakatawa nga kasi first impression sa kanya ng lahat ay very mysterious, elegant and chic pero once na makilala mo ang totoong Uchinaga Aeri, parang gusto mo bawiin lahat ng paghanga mo sa kanya. 

Sobrang kulit kasi nyan pag di busy sa acads nya. Di umuurong sa inuman ang gaga na yan kahit finals week pa, madalas din  akong ginugulo nang walang dahilan dahil gusto nya daw ng atensyon, mahilig pa makipag-wrestling sakin pag bored sya at lagi akong inaasar sa kung ano anong bagay. 

Very lively talaga ang kwarto namin, kaya lagi kami pinagsasabihan nung katabi namin na room. Sobrang ingay daw kasi namin. 

Pero mas stress ako kay Aeri sa pagiging tamang hinala nya. Isang beses ko lang nakwento sa kanya na I used to have many flings, lagi na 'ko pinagbibintangan na nagdadala ng babae at lalaki sa room namin tuwing wala sya.

Ginawa naman akong gago ni Aeri.

Pero despite all that, she’s nice and really sweet. Katulad sya ng tropa ko na kahit ubod ng yaman, hindi nila minamata ang mga katulad kong kapos palad. Tinrato ako ni Aeri bilang normal na tao, kaya naman add to heart to sakin (as a friend ha). 

Super dali pakisamahan ni Aeri lalo na sa inuman kaya kadalasan naisasama ko sya kapag nakikipagkita ako sa tropa. Ka-vibe na rin kasi nila si Aeri dahil pare-pareho kaming mga kalog at sabog. Dagdag mo pa yung fact na miyembro din sya sa PEP Squad kaya naturally close sya kila Seulgi at Ryujin. Even Sakura is close to her dahil pareho silang japayuki. 

Si Aeri rin ang lagi kong ginagamit tuwing may nakikipagbalilan sakin na fling.

Una kasi napagkamalan kami ng teammates and classmates namin na mag jowa. Madalas kasi kaming magsabay nyan kumain dahil sa Melchor Hall lang naman sya. Civil Engineer ang kurso ng gaga na yan, hindi lang halata. 

Dagdag mo pa na roommates kami. Kaya kahit anong tanggi namin, di sila naniniwala kaya eventually, pumayag nalang kami sa ganung set-up. Alam naman namin sa sarili namin na di kami talo kaya safe kami sa isa't isa. 

Pumayag sya sa ganung set up kasi tulad ko, gusto nya nalang muna mapag-isa, walang iniisip kundi acads at sarili lang. Marami din kasing naghahabol kay Aeri kaya naman beneficial daw to sa kanya.

We'll just 'break up' pag nahanap na namin yung 'the one' kuno. 

Si Aeri madalas ko hinahatak sa meryenda and minsan lunch kasi sila Ryujin at Seulgi malalayo building kaya minsan tinatamad na samahan ako. 

BA Film course ni Seulgi tapos si Ryujin naman BS Biology. Tangina non, nagulat kami nung sinabi nyang pasok sya sa UP at BS Bio pa sya qualified. Uga talaga kami lahat dzai! 

Di naman sya bobo pero tamad kasi yang mag-aral at gusto lagi happy happy. We kind of expected na sa UST pa rin sya, kasama si Yeji since gusto rin nyang mag doctor. 

Pero Ryujin surprised us and sobrang saya namin para sa kanya. 

Nagpakain at nagpa-inom pa nga sya nung araw din na yon. I think yun din yung first time na nagpaka-wasted ako since sobrang saya ko para kay Ryujin and para sa sarili ko. UP yun sis, hindi naman porket matalino ka, automatic na pasok ka na. Maraming factors ang kino-consider no. 

Pero teka, nalihis na naman tayo ng narration yawa, ayon na nga! 

Nagsasawa na rin kasi sila (RJ & SG)  sa pancit canton ko at ayoko naman magpalibre sa kanila lagi kaya si Aeri ang hinahatak ko. May pagkakuripot kasi si Aeri kaya hindi yan madalas nanlilibre which is an advantage para sakin dahil nahihiya talaga ako pag nililibre ng tropa. Di pa naman kami kapos na kapos sa buhay, kinakaya pa naman. 

 

“May babae na nagbigay sakin ng 1k. Tinulungan ko kasi sya kanina tapos bigla akong binigyan ng isang libo kaya mayaman ako ngayong araw.”

Halatang di naniwala ang gaga "Akala ko ba hindi ka na muna lalandi?”

“Hindi nga, di mo ba narinig yung explanation ko?" Tanong ko habang nagpapalit ng t-shirt sa CR

"Hindi ako naniniwalang tinulungan lang, Karina." Bakas na bakas ang panghuhusga sa kanyang tono

“Baliw, oo nga. Ganito kasi yung nangyari--”

 

“WATSUPP ES.”


 

Napatalon kami ni Aeri dahil sa gulat. Pano ba naman kasi si Ryujin bigla nalang binuksan ng malakas yung pintuan e may sinabit kaming chime dun, kaya sobrang lakas nung tunog. Dagdag mo pa yung impact nung pagtama ng door knob sa wall! Tangina neto, aatakihin ako sa puso.

Binato ko nga sya ng damit na kakahubad ko lang tapos si Aeri binato sya ng unan at diretso mismo sa mukha. Tatawa tawa lang nya yun na sinasalo, mukhang proud pa na ginulat nya kami. Napakagago kahit kailan.

 

“Bat ka ba andito, pandak?” Di maliit si Ryujin pero nakasanayan nalang namin sya tawaging ganyan dahil sobrang liit nya nung JHS

 

Umupo ako sa tabi ni Aeri. 

 

“Well, ano pa nga ba?! Inaantay ko yung chika mo!” Tinotoo nga ng gago “Hoy pahingi ako, Gi!”

Agad namang sinarado ni Aeri yung carton “Ayoko nga! Ito ang unang beses na nilibre ako ni Rina!”


 

Yung bunganga talaga ni Aeri! Sana hindi nalang nya sinabi. Ayan tuloy, ang sama na ng tingin sakin ni Ryujin.


 

“Hoy tangina mo pamasahe nga lang sa jeep, hindi mo magawang mailibre sakin tapos si Giselle may jollibee? Gago, kayo na ba totoo?”

“Tangina mo, oh eto bumili ka ng gusto mo pakyu.” Inabutan ko sya ng 100 pesos nang matahimik na sya “Tsaka hindi kami, tanga. Ito na kasi yung kwento.”

“Salamat, Rina babe.”


 

Hinalikan pa 'ko ng hayop na Ryujin na to sa pisngi. Napaka-clingy talaga nya kaya minsan nayayamot ako. Pano may laway laway pang iniiwan ang bwisit. Pag sya naman ginaganyan, nayayamot din. Pikon amp.

Ewan ko rin ba dito kay Ryujin, madami naman syang pera pero big deal sa kanya yung isang daan ko samantalang barya lang sa kanya yan. Kaya nya ngang bumili ng macbook air without batting an eye, akala mo candy lang ang binibili.

 

“Kadiri ka.” Inis na sabi ko sa kanya

“Arte mo, ang daming nagkakandarapa para sa halik na yon.”

“Edi sila halikan mo, gago.”


 

Pinakyuhan lang ako ni Ryujin bago kumuha ng monoblock at pumwesto sa harap namin ni Aeri.


 

“So ano na yung chika? Ang ganda nung babae, Rina!”

“Parang di naman.” Lol, who am I kidding? Halos lumuwa nga yung mata ko nang makita ko sya

“Bulag ka ba? Ganun na ganun mga type mo eh! Mga katulad ni-“ Binato ko sya ng unan bago pa nya maituloy yun

“Subukan mong ituloy yan.”

Tumawa ito “Hindi na nga. Chika na please, dami ko pang backlogs na gagawin pag-uwi.”

 

Inirapan ko lang sya at nagsimula nang magkwento. Sinabi ko lahat bukod dun sa hinalikan ako nung babae sa pisngi dahil alam kong aasarin lang nila ako. 

Tawa lang sila nang tawa dun sa nangyari. Na-iimagine siguro nila yung pagkayamot ko kanina. They know I can’t handle girls like that blondie, medyo turn off ako sa spoiled na babae na gustong nasusunod ang gusto nila. 

Saksi si Ryujin sa lahat ng naka-fling ko at alam nya kung gaano kadami yung ganyan ang ugali. Sila talaga pasakit ko nung SHS, sila din yung mga taong nagkakalat ng masasamang rumors sakin sa UST kaya medyo masama na reputation ko dun. Lakas magpa-victim ng mga gago kahit na sila naman may kasalanan bakit umayaw ako sa kanila.

Going back to the beautiful blonde haired girl earlier, I'm starting to feel na hindi naman totally masama ugali nya. Baka ganun lang sya lumaki at maraming hindi alam sa buhay. In short, ignorante. Yup, that's the right term. Ignorante sya. I mean, kung masama ugali nya hindi nya ‘ko bibigyan ng isang libo diba?

 

Ay Yu Jimin, binigyan lang ng pera okay na bigla ang lahat? 

 

Syempre! Pera ang nagpapa-ikot sa mundo and money is as important as breathing. Kayong mayayaman, hindi nyo mage-gets yan. 

 

“Atenista? I know someone from Ateneo, want me to ask them?” Tanong ni Aeri

“Ako din may mga kakilala. Se-send ko yung pic wait.”

Agad kong kinuha yung cellphone ni Ryujin “Tangina mo Ryu wag mong ise-send. Ikaw din, Gi. Okay na, hindi ko naman sya kailangan makilala.”

“You sure? She’s a great catch.” Sabi pa ni Ryujin

Napa-irap ako “You know naman na I’m focusing on acads at malapit na yung balik natin sa training, diba? Tsaka I don’t like girls tulad nya, mahirap i-handle.”

“Sabagay, ugh iniisip ko palang yung training nanghihina na ko." Angal pa neto  "Sayang naman, kung wala lang akong pinopormahan, add to heart ko yan.” 

 

Si Lia ang tinutukoy nya, nakilala nya sa bumble nung summer at since then, nililigawan nya. Ayaw pa sya sagutin pero kung umarte naman sila daig pa mag-asawa! Ewan ko ba kung anong pumipigil kay L

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
546 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha