Bukang-Liwayway

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

The Beginning of the End

 

Salubungin, bukang-liwayway

At simoy ng hangin na dala

Ng bagong araw

*stan munimuni*

 

Ito na ang first day kong Winter-less.

 

Kanina pa nag message sakin si Winter na nasa airport na sya and papunta na sa Palawan with her family.

 

Tangina ng mga mayayaman no tamang Palawan lang pag trip?

 

Ang napupuntahan ko pa lang na Palawan ay yung Palawan Pawnshop dyan sa kanto ng street namin heh.

 

Wala pa kasing resort sila Kkura dun pero baka soon magkaroon na rin kaya excited na agad ako.

 

Nainggit tuloy ako at parang gusto ko na rin pumunta sa dagat.

 

Kailan ba magyayaya ang mga ‘to? Lapit pa naman na mag holy week.

 

Last year nung holy week pumunta kami sa Cebu and Batanes.

 

May bagong bukas na resort sila Sakura dun sa Cebu tapos sila Yeri, opening ata ng pinakamalaki nilang restaurant sa Batanes.

 

Dun kasi yung province nila and dun nagsimula yung family nila ng business.

 

Sarili at damit lang ang dinadala ko tuwing may alis kami kasi sagot naman na lahat.

 

Kahit nga di ako magdala kahit piso, mabubuhay na ‘ko dun.

 

Kaya we always look forward sa summer kasi ang dami laging ganap.

 

Nung nag college lang medyo na-lessen yung time dahil busy na kami sa kanya-kanyang buhay.

 

Hay.

 

Tanghaling tapat at nandito kami sa Tapsi ni Vivian para kumain ng lunch.

 

Kasama ko si Aeri, Ryujin, Seulgi and Chaeryeong.

 

Andito rin yung iba naming teammates pero kaming 5 yung magkakasama sa iisang table.

 

Namimiss ko na yung pagdadala ni Winter ng lunch everyday pero okay lang, wag tayo masyado maging clingy kasi nakakainis yun.

 

Tsaka kasama nya family nya so dapat nga mas matuwa pa ako.


 

“Hindi talaga masarap yung tapa dito.”


 

Napasipa naman ako kay Seulgi at tinginan sya ng masama nila Ryujin.

 

Ang gago kasi, napakalakas ng boses!

 

Lahat ng crew napatingin samin pati na rin yung mga kumakain!

 

Nagpipigil din ng tawa yung iba naming teammate at halos isubsob na yung mukha sa plato nila.


 

“Tarantado ka, gusto mo ma-ban tayo dito?”

 

“Sus Ryujin, totoo naman sinabi ko ah?” Irap pa nya, “Pero masarap naman barbecue dito so I guess pwede na.”

 

“Oo nga pero di mo kailangan ipagmalakasan!”

 

“I think this is one of the best tapa that I have tasted, mali ba ako?” Inosenteng tanong ni Chaeryeong

 

“Hindi ka mali, sadyang mas may natikman lang kami na mas masarap dito.”


 

Ah, alam ko na yan.


 

“Natikman nyo na ba yung tapa nung Mama ni Karina? Tangina, sobrang heaven!”

 

Napatango naman si Ryujin sa sinabi ni Seulgi, “Hindi ko maitatanggi yan. Mas masarap yung tapa ni Tita Soyeon sa kahit na anong restaurants na alam ko.”

 

“Rina, yun ba yung dinala mo last month sa dorm?” tanong ni Aeri

 

“Oo.”

 

“Gosh, I have to agree na super sarap. Hanggang ngayon nga parang hindi maalis sa taste buds ko yung lasa.”

 

“Gago, meron last month tapos hindi mo kami binigyan?!” Makatingin si Seulgi akala mo inutangan ng isang milyon amp

 

“Kaya nga, last year pa nga ata kami huling nakakain non.” Dagdag ni Ryujin bago kumagat dun sa barbecue

 

“Uwi ako sa sunday, sabihan ko si Mama na gumawa.”

 

“Yown!”

 

“Now, I’m curious. Gusto ko rin ma-try.” Sabi naman ni Chaeryeong

 

“Sure, papadagdag ako ng gawa para bigyan mo rin si Ate Chaeyeon and Kuya Soobin.”

 

“That’ll be great, thanks Karina.”


 

Ang cute cute ni Chaeryeong! Ang sarap alagaan ng bata na ‘to kahit magka-year lang naman kami.


 

“You’re welcome.”

 

“Miss ko na rin si Yuna gagi.” Sabi pa ni Seulgi

 

“Oo nga, kamusta na ba si Yuna?”

 

“Okay naman ata, kaso super stressful sya sa CETs grabe. Last month pa ata huli naming usap”

 

“Who’s Yuna?” tanong ni Aeri

 

“Ang baby bunso ni Karina.” Pang-aasar sakin ni Seulgi

 

“Kung ano ano talaga imbento na nickname ni Karina no parang tanga lang.” Gatong pa ni Ryujin

 

“Bakit ba?”

 

“So SHS pa lang sya? Kasi sabi mo busy sa CETs”

 

“Yup.”

 

“Paano kayo naging friends nun? Lawak ng circle nyo ha.”

 

“Buntot ni Karina yun tuwing summer, gusto lagi sinasama sya ni Rina sa kahit na anong gala.”

 

“Naging kayo?” Tanong ni Aeri at agad ko naman syang hinampas

 

“Tanga, kabahan ka nga sa sinasabi mo. Anak yun nung amo ng mama ko. Malapit lang sakin kasi laging wala si Ate Panganay.”

 

“Ate panganay amputa.” Oh ayan nabilaukan pa si Seulgi dahil sa kakatawa

 

“Bakit ba? Nagustuhan nga ni Ate Panganay yun.” Inis na sabi ko

 

"Pustahan di mo pa rin alam pangalan non." Tumawa lang ako kasi tama si Ryujin

 

"Gago, e diba si Wonyo nga isang taon nya mahigit na tinawag na 'junior neighbor' at di lang man tinanong yung pangalan kahit madalas silang nagkakasabay maglakad? Kung di pa mangyayari yung-"

 

"Oh shut up na." Sinalpakan ko ng barbecue yung bunganga ni Seulgi para manahimik dahil baka may mabunyag pa

 

“Wait, familiar yung name na Yuna. Is she a Mendoza?” Tanong ni Chaeryeong


 

Feel ko hinintay pa talaga ni Chaeryeong yung moment na 'to para maisingit nya yung tanong.

 

Ang cute.


 

Tumango ako, “Yup, kilala mo rin?”

 

“She’s popular sa Brent and family friend namin yung family nila.”


 

From Brent nga pala si Chaeryeong kaya narinig nya na yun si Yuna kahit di naman sila batchmates.

 

That girl excels in evereything tapos very pretty and friendly pa.


 

“Small world.”

 

“Pero diba Yuna and.. Wait, di ako sure.”

 

“Luh pabitin!” Sabi naman ni Aeri at nagawa pang tusukin si Chaeryeong nung barbecue stick sa braso

 

“I’ll confirm it muna, tapos sabihin ko agad sa inyo.”


 

Ano naman kaya yun?

 

Gusto ko man itanong pero nirespeto ko nalang sya sa part na ayaw nya muna sabihin dahil gusto nya i-confirm muna.

 

Marespetong chismosa naman kami nila Ryujin no kaya hinayaan nalang muna namin at hindi na pinilit.


 

“Hindi pupunta si Win ngayon?” Pang-iiba ni Seulgi ng topic

 

“Wag mo nga sya tawaging Win.” Sabi ko sa kanya, “Nasa palawan sya with her family.”

 

“Naks, palawan! Malapit na maayos resort nila Sakura dun, baka pumunta tayo sa Holy Week.” Sabi naman ni Ryujin habang umiinom ng mango graham shake nya

 

“Tanga, sa Bohol yung bago nilang Resort hindi sa Palawan.” ang gago ni Seulgi, may kasama pang pagbatok

 

“Ay sorry, pero basta dagat pa rin naman. Ready nyo na mga damit nyo.”

 

“Tangina neto ni Ryujin hindi naman sa kanila pero sya nag-iimbita.” Natatawang sabi ko

 

“Ayaw nyo nun at least ready na kayo? Para namang di nyo kilala si Kkura, hilig magpa-last minute na alis non.”

 

“Sabagay, tsaka malapit na rin birthday niyo ni Yeji. Gago, ano ba balak nyo?”

 

“Parang nabanggit nya last year gusto nya rin daw mag dagat?” Yun ang pagkakaalala ko ha "And wala akong plano sa birthday ko, as always."

 

"Kami na bahala dun." Pag-ako ni Aeri na akala mo sya may birthday


 

Ganun naman lagi, mga kaibigan ko nagplaplano kung ano gagawin ko every birthday kasi normal na araw lang sakin yun.

 

Sila lang yung nagbibigay ng importansya masyado sa simpleng araw na yun.

 

Last year, nag rent kami ng private pool sa tagaytay tapos buong gabi nag inuman, kainan, away at nag videoke.

 

It was really fun.

 

Tapos pag uwi, kami naman ni Mama yung kumain sa labas with the Mendoza fam.

 

Medyo nakakahiya kasi dinadala nila kami sa mamahaling restaurant tapos binibigyan pa ako ng regalo.

 

Si Yu Jimin lang naman ako?


 

“Puro dagat tayo ngayon ah, baka magkakaliskis na tayo nyan.” natawa naman ako sa sinabi ni Ryujin

 

“Pero nabanggit ni Yeri na trip nya mag Ilocos tayo, not sure.”

 

“Siquijor sana maganda rin, gusto ko ma-try mag skydiving.”

 

“Puta, mamamatay ako sa skydiving na yan.”


 

Ayon, tawang tawa ang mga bakla.

 

Sa eroplano pa nga lang halos himatayin na ako.

 

Pano pa kaya kung patalunin ako sa ere? Jusko.

 

Kahit bigyan nyo pa ‘ko ng bahay at lupa, 10 million, di ko gagawin yan.

 

Magkakamatayan tayo.


 

“Kayo, Chae and Aeri, san balak nyo this holy week?”

 

“Baka umuwi ako ng Japan, not sure pa.”

 

Napatingin ako kay Aeri, “Kailan ka pa hindi naging sure sa Japan?”

 

“Duh, pag naging okay kami ni Ningning, di muna ako uuwi. Lalandi muna ako.”

 

Pabiro ko syang tinulak, “Harot mo.”

 

"Di pa rin ako makapaniwala na may ugnayan kayo nun ni Nining." Sabi pa ni Seulgi at ramdam ko na sinadya nya yung ‘Nining’

 

"Ginawa mo namang bata hayop ka, Ningning yon!"

 

"Ganun na din yon!"

 

Nilingon ko naman si Chaeryeong, “Ikaw Chae?”

 

“Not sure pa. Busy sila Daddy kasi you know malapit na elections. Baka kami nalang nila Ate and Kuya yung umalis.”

 

“Oh, good luck sa Dad mo. I'll vote for him as the senator.”

 

“Uy kami rin!”


 

Isa sa mga tapat na politiko yung Dad ni Chaeryeong and mahal na mahal sya ng tao.

 

Nakikita namin ang bright future sa Dad nya.

 

Dagdag mo pa na super bait and matalino talaga.

 

Yung tipong hindi umaasa sa political advisor dahil sya mismo alam yung ginagawa nya at kung ano yung mas makabubuti sa bansa.

 

Di tulad ng iba dyan, pagsagot lang sa isang simpleng tanong kailangan pa lumapit sa political advisors nila. Yuck.


 

“I’ll tell him that.” I gave her a smile in return

 

“Si Winter ba isama natin sa trips?”

 

Tumango ako, “She doesn’t mind daw kasi kahit saan, sasama sya.”

 

“Naks, kamusta pala yung date nyo kagabi?” Kahit kailan si Aeri napakachismosa

 

“Date? Karina, you’re dating Winter?” Gulat na tanong ni Chaeryeong

 

“Hindi ah, hindi pa sa ngayon.” Nahihiya kong tugon, “Di pa ‘ko umaamin.”

 

“Wait, I thought.. Nevermind.”

 

“Na kami ni Aeri? Hindi naman talaga naging kami ng tangang yan.” naramdaman ko ang malakas na pagsipa nya sa ilalim ng table

 

“Hindi, I have eyes and I know that already but.. Ah, wag na.”

 

“Si Chaeryeong pabitin kanina pa, ano nga yun.” Pilit ni Seulgi at pabirong tinurusok pa ng tinidor si Chaeryeong

 

“Wala, ayoko sakin manggaling. I might cause unnecessary conflicts.”


 

Edi namatay naman ako sa curiosity!

 

Pero syempre, di talaga kami mapilit na tao kaya hinayaan na namin.

 

#MarespetongChismosa


 

“Okay sige, drop nalang natin yung topic.”

 

“By the way, Yeri just chatted na kung gusto daw ba natin manood tayo ng shooting nya?” nilapag ni Ryujin ang phone nya sa table

 

“Sure ba syang gusto nya talaga tayo sa set? Pag sya pinatawa natin baka magalit pa sya.”

 

“Gusto nyong sumama?” Tanong ko kila Aeri and Chaeryeong.


 

I’m sure Yeri won’t mind.

 

Mas gusto nga nun marami yung tao.


 

“I’ll go home mamaya, I have to talk to my parents about.. things.”

 

Nilingon ko naman si Aeri, “Ikaw?”

 

“Dinner with Ningning, sorry.”


 

Napahampas naman ako sa kanya kasi hindi pa rin ako makapaniwala.


 

“Pag sinabi mong bet mo, bet mo talaga no?”

 

"Ano ba akala mo sakin, nagbibiro?"

 

“Tanungin mo na rin kung nasaan ang bwisit na Wonyoung para makapag-usap usap na kami.” Sabi pa ni Seulgi

 

“Parang dati baby na baby mo si Wonyoung, ngayon tinatawag mo na syang bwisit?”

 

“Kasi bwisit sya.” Bakit ang galing na umirap ni Seulgi?! “Tsaka, ikaw bakit ang chill mo sobra? Pangalan palang ni Wonyoung nabanggit dati umuulan na ng mura.”

 

Natigilan naman si Ryujin dun at napailing, “I’m a changed person na kasi.”

 

“Pakyu.”


 

Napansin ko lang na napapadalas na yung pagbanggit sa pangalan ni Wonyoung these days.

 

I guess di na ganun kalaki yung galit nila sa kanya.

 

And hindi na rin talaga ako affected.

 

We’re finally moving forward.


 

----------------------------------------------------------------------------------------------------


 

Wala naman naging ganap sa shooting ni Yeri.

 

Pagkarating namin puta nagliligpit na yung staffs.

 

Sinadya pala nung bubwit na sabihin na 8 yung shooting nya para sakto na tapos na sila.

 

Nirason nya lang daw yun para pumunta kami at samahan syang kumain. Ang galing!

 

Hindi magpapapunta yan si Yeri kapag may trabaho sya, di na dapat kami nagulat.

 

Kaya naman kumain nalang kami sa Zark’s dito sa BGC.

 

Balot na balot si Yeri habang naglalakad kami. Kala mo naka PPE amp.

 

Mas lalo tuloy syang pinagtitinginan.


 

“Uy, YERI anong gusto mong orderin?”

 

“Putanginamo.” Mahinang bulong ni Yeri sabay kurot kay Ryujin

 

“Huy YERI VILLAVICENCIO, yung bungaga mo nga. Di pang-ARTISTA yan ha!”


 

Ako naman ay tawa lang nang tawa sa gilid habang pinagtitinginan kami ng mga tao.

 

Gago talaga ‘tong dalawa na ‘to, pinaglalandakan talaga yung existence ni Yeri e ang dami daming tao.

 

Dami tuloy nagpapicture kay Yeri habang kami nila Seulgi hinihintay syang matapos sa mini fanmeeting nya.

 

At ayan na nga, after 15 minutes ata, natapos na si Yeri i-entertain ang kanyang fans.

 

Hindi na rin sya nagsuot pa ng disguise dahil nakita naman na sya ng buong mundo.


 

“Tanginang yan, dapat talaga sila Yeji at Sakura nalang niyaya ko.” Mahinang bulong nya pagka-upo sa tabi ko

 

“Edi natuyuan ka ng laway, tanga.” Sabi naman ni Seulgi

 

“Worst tandem yon pag gusto mo ng lively na usapan.” Dagdag ko pa

 

“Nag-iingay lang naman si Yeji kapag inaasar kay Rina.”


 

That’s true.

 

Sila ni Sakura yung tahimik talaga samin.

 

Umiingay lang sila kapag kasama kami.

 

Pero kapag kasama mo sila Yeji at Sakura sa iisang kwarto, mabibingi ka talaga sa katahimikan.

 

Kahit ang madaldal na Yeri hindi sila kaya.


 

“Miss ko na sagutan nyo ni Yeji. Di pa rin ba kayo ayos, Jin?” Tanong ni Yeri bago sya kumagat sa burger nya


 

Oo nga no, even sa GC wala silang interactions.

 

Dati bawat reply ni Yeji, may sinasabi tong si Ryujin.

 

Lately wala talaga.

 

Akala ko after nung birthday ni Yeri, magiging okay na rin sila.

 

Pero hmm. Ewan ko sa kanila.


 

“Gaano ba kalala at hindi nyo masabi samin?” Seryoso na din si Seulgi


 

Napainom si Ryujin ng coke nya at palinga linga sa kung saan saan, without meeting any of our gazes.

 

Yup, ganito sya kapag may tinatago.

 

Alam kong hindi nya naman magagawa to kay Lia pero kailangan ko mag open ng topic.

 

Hindi magsasalita si Ryujin hangga't di sya triggered.

 

Ang bad ng way pero kailangan ko gawin.


 

“Did you fall in love with Yeji or something tapos you cheated kay Lia?”


 

Dun nya palang ako tinignan.

 

Kung hindi lang seryoso yung usapan, kanina pa ako natawa.

 

Gulat na gulat sya!


 

“Karina, please! Hindi ko kayang gawin yun kay Lia!”

 

“Now, you’re talking.” Nakangising sabi ni Yeri

 

"Tangina nyo."

 

"Sabihin mo na kasi samin, tanga. Parang others kami. Kung patuloy kayong ganyan, iisipin talaga namin yan."

 

“Tanga, walang ganun. May pinag-awayan lang kami ni Yeji and nagmakaawa sya na wag kong sasabihin sa inyo. I’m doing this for everyone’s sake, please. Wag nyo na ‘ko tanungin ulit about this.”


 

Ngayon ko nalang ulit nakita si Ryujin na sobrang bothered.

 

Huli kong kita sa kanya na ganyan is nung araw na nawala si Wonyoung kasi gustong gusto nya maipanalo yung competition para samin ni Mama.

 

Parang ang laki ng pinapasan nyang problema na hindi ko mawari ngayon.

 

I’m doing this for everyone’s sake?

 

Ano ba ang ibig nyang sabihin dun?

 

Ang daming tumatakbo na tanong sa isip ko.

 

Pero seeing how bothered she is, mas mabuting hindi ko na sya pilitin.

 

And ganun din sila Seulgi.

 

Baka mamaya nyan masapak kami ni Ryujin dahil sa inis edi nag eskanadalo pa kami dito.

 

Masama rin to sa image ng bubwit na Yeri.


 

“Calm down, Ryujin. Hindi na namin itatanong ulit.” Seulgi gave Ryujin a pat sa likod to calm her down

 

Medyo nahimasmasan na rin sya, “Yeah, sorry sa sudden outburst.”

 

“No, naiintindihan naman namin.”


 

Never nagkaroon ng malaking problema yung tropa namin.

 

Bukod dun kay Wonyoung.

 

Pero naman kasi, nung umalis si Wonyoung, hindi naman kami nasira.

 

Si Wonyoung lang yung nawala.

 

Pero bakit ngayon feeling ko kung ano man yung problema na ‘to, madadamay buong squad namin?

 

No, let’s not think of anything negative.

 

Trust them.

 

Kaibigan mo sila, hindi sila gagawa ng ikakasama ng lahat.

 

I know them.

 

Kilalang kilala ko na sila.

 

Ilang taon din kami magkasama diba?

 

...kilala ko nga ba talaga sila?

 

----------------------------------------------------------------------------------------------------


 

Thursday night and mag-isa lang ako ngayon sa dorm.

 

Hindi ko na maalala yung huling araw na umuwi ako sa dorm ng ganito kaaga.

 

Wala kasing ganap.

 

My friends are busy.

 

Aeri is busy with Ningning.

 

Wait, grabe di ako maka get over dahil araw araw na ata silang umaalis nun.

 

I don’t mind.

 

Pero ang speed nila.

 

Wala rin naman masama sa pagiging speed, as long as sincere.

 

I can see Aeri being sincere kasi never ko naman sya nakita maging ganyan.

 

Nag-aalala lang ako sa kanya kasi hindi pa naman namin kilala yung Ningning.

 

Bukod sa pagiging Chinese, future atenista, pinsan ni Wonyoung, at gangster, wala na kaming alam sa kanya

 

Pero malaki na si Aeri, alam nya na ginagawa nya sa buhay.

 

Winter’s also really busy.

 

Nakakausap ko lang sya every morning and night.

 

Lakas maka kabit feels, hayp.

 

Pero joke lang yun, alam ko naman na she’s enjoying her time with her family.

 

Okay lang kahit di nya muna ako kausapin kasi hinintay nya yung moment na yan all her life.

 

Andito lang naman ako, it’s not like mawawala sya kaya naman maghihintay na lang ako.

 

It’s so boringgg.

 

Nasanay na ako masyado sa presence ni Winter.

 

I miss her already.

 

I want to see her face.

 

Gusto ko sya i-hug.

 

Gusto ko marinig yung voice nya.

 

Gusto ko ulit makipag-away sa kanya tungkol sa mga walang kwentang bagay.

 

Sandali, ang clingy ko na.

 

Hindi naman ito yung unang beses na hindi ko nakasama si Winter ng ganito katagal.

 

Mas mahaba pa nga nung finals week pero hindi ko gaano naramdaman kasi lagi naman akong ginugulo ni Winter kapag dinner.

 

Ngayon kasi bukod sa gusto ko na sya, she rarely send me a message.

 

Ni hindi pa nga ata kami nakakapagusap sa call!

 

I miss her voice na.

 

Pero I respect her time with her family.

 

Deserve nya naman yun.

 

Tiisin nalang natin ang kalungkutan habang binabalikan ang pictures namin.

 

Sakto naman at may nag message sakin habang pinapanood ko yung video ni Winter habang nasa Antipolo kami.


 

Yuna Mendoza

 

Ate

 

Ate Jimin

 

Ateeee

 

Ate Jimin?

 

I miss you

 

Ateeee, are you busy?

 

Ate, I want to see you na.

 

It’s been so long, hindi ka na pumupunta sa bahayyy

 

Hindi ka rin daw magpa-part time job dito ngayong summer?

 

Ate, kapag nakapasa ako sa UP let’s be roommates okay?

 

And if makapasa ako, buy me an ice cream ha

 

I miss you, Ate Jimin. Visit me sometimes, para maipakilala kita kay Ate




 

Napangiti naman ako dun sa message ni Yuna.

 

Ganito sya mag message, hindi ka nya hahayaan makapagreply dahil tatadtarin ka muna nya ng sandamukal na messages

 

Jusko, sobrang hyper ng bata na ‘to.


 

Yuna Mendoza

 

K: Tapos na ba rants mo, Yuna?

 

Y: Yes Ate, tapos na :)

 

K: HIndi ako busy, nakahiga lang ako ngayon sa kama

 

K: Hindi rin ako magpa-part time muna dyan kasi busy na sa trainings zz. Maybe sa december nalang?

 

K: I’ll talk to my roommate kung possible pero don’t expect too much, Yuna ;]

 

K: I will buy you ice cream kahit di ka makapasa though na i highly doubt that.

 

K: I’ll visit you sa sunday, pakilala mo na sakin si Ate Panganay. Sana wala na syang sakit by then haha :)

 

Y: Ate, I really miss you. Can you send me a picture? Kahit selfie lang pleaseee or mirror selfie?


 

Napabangon naman ako dahil ang random lang nung demand ni Yuna.

 

Never syang nanghingi sakin ng selfie kahit na gaano nya ako ka-miss.


 

K: Anong meron?

 

Y: Wala lang, I want to see you!

 

K: Edi video call nalang tayo? Ang awkward ng selfie hahaha tapos para makita rin kita

 

Y: No Ate! Hindi ako nakaayos. I look ugly.

 

K: Yuna, wala na akong make up. I look ugly na hahaha kaya wag ka na manghingi ng selfie

 

K: btw, hindi ka ugly pls. Tignan mo ulit sarili mo sa mirror

 

Y: Ate, you look the best without your makeup! Super bata mo tignan

 

Y: and of course I know na hindi ako panget, I’m just testing you.


 

Natawa naman ako. Kahit kailan talaga si Yuna.


 

Y: Sige na Ate, send me a selfie para maipakita ko din kay Ate. She wants to see you!!

 

Y: I don’t!! - ate


 

Oh, she’s with her sister. That’s cute.


 

K: Ate panganay, hello. How are you?

 

Y: No, this is our conversation. Wag mong kamustahin si Ate, ako lang dapat

 

K: Alright, Yuna

 

K: if gusto mo makita yung pictures ko then puntahan mo na lang yung IG ko, ang daming magandang pics dun

 

Y: Ayaw kooo, gusto ko yung ngayon! Yung ngayong oras lang mismo!

 

K: Fine, magsusuklay lang ako.


 

Tumayo na ako sa kama ko at pumunta sa mirror.

 

Hindi naman ganun kagulo yung hair ko kaya pwede na siguro ‘to.

 

Tsaka, si Yuna lang naman ‘to.

 

Pagbigyan ko na kasi almost never naman nag request to sakin.

 

Maganda rin naman ako kaya oks lang.

 

I took 20 mirror shots at pumili nalang nung pinakamaganda dun.

 

Grabe, ganda talaga ng camera ng iPhone 11.

 

Kahit na labag sa loob ko ang pagtanggap sa cellphone ni Winter, hindi ko naman maitatanggi na ang-eenjoy ako.


 

Y: Ate, you look so pretty!!

 

Y: I wouldn’t mind kung magiging totoo na kitang Ate!

 

Y: Gusto mo ba ireto na kita kay Ate? Mabait naman to and very pretty din!

 

K: baliw, gusto mo ba patayin ako ng parents mo?

 

K: tsaka, i like someone else already

 

Y: OH MY GOD

 

Y: ATE YOU WHAT?

 

Y: NOOO, GUSTO KO KAYO NI ATE MAGKATULUYAN

 

K: i don’t even know your Ate’s name huy anong magkakatuluyan hahaha

 

Y: if alam mo na, will you consider?

 

K: no pa din ;p

 

Y: Damn, my Ate’s sulking! AHAHAH wala pa daw nakaka-reject sa kanya na kahit sino!

 

K: Uy ha, baka isipin ni Ate Panganay na nagmamataas ako. Kung nauna sya, why not? Lol, pero imposible pa din! Takot ko nalang sa parents nyo

 

Y: Ako bahala sayo, Ate!

 

K: sus, mag focus ka nalang sa advanced lessons mo. bakit mo ba inaatupag love life ko?

 

Y: Ship ko kasi kayo ng ate ko

 

K: Yuna, we barely interacted. Anong ship ka dyan

 

Y: Akala mo siguro hindi ko alam yung playground and kitchen moments nyo :3

 

K: Yuna, malisyosa ka

 

Y: malisyosa na kung malisyosa! I want u for my ate!

 

K: I’m sure your ate won’t like me ano ka ba

 

Y: ate, she’s ready to marry you the moment you choose her!

 

Y: gosh please, puro kalokohan si Yuna. -ate

 

Y: si ate sobrang pakialamera! We’re having our moment here oh

 

K: stop teasing your sister na kasi

 

Y: nakakatuwa kasi asarin si Ate. Ikaw kasi hindi ko maasar!

 

K: try harder, yuna hahahha


 

Hindi ko na nakita yung reply ni Yuna dahil bigla namang may incoming call from Winter.

 

Isang ring pa lang siguro, inaccept ko na.

 

Hindi naman halatang excited, no?


 

“Hello?”

 

“Hi, Winter. Musta kayo dyan?”


 

Bumalik na ako sa pagkakahiga sa kama at niyakap yung isang unan.


 

“We’re doing well, nag-eenjoy naman ako.”

 

“Really? Edi mabuti. Bakit ka pala napatawag?”

 

“Ayaw mo?”


 

Winter, kung alam mo lang kung gaano ko katagal hinihintay tawag mo.


 

“Gusto, syempre.”

 

“You missed me?”

 

“Yes.”


 

Bigla namang natahimik yung kabilang linya and I had to double check pa para malaman kung andun pa si Winter.


 

“I miss you too, sobra.”


 

Calm down, my beating heart.


 

“Kailan kayo uuwi?” Pang-iiba ko ng usapan

 

“Hmm, baka bukas pa ng gabi.”

 

“Sa gabi pa? Pwede ka naman magpahinga nalang tapos ako nalang aattend mag-isa sa concert.”

 

“Stupid, sa gabi naman yun. I can sleep hanggang hapon.”

 

“Hindi naman halatang gustong-gusto mo ko makasama no?”

 

“In your dreams, Jimin. I just want to see your favorite band live. Napamahal na ako sa songs nila.”


 

Dun ako pinakakinilig!


 

“Really? Pwede na ba kitang pakasalan?”

 

Narinig ko ang mahinang halakhak nya mula sa kabilang linya, “Hindi ka pa nga umaamin sakin tapos gusto mo na ‘ko pakasalan?”



 

Bigla naman kumabog ng malakas yung puso ko dun.

 

Wait, kumalma tayo.

 

Baka may masabi tayong hindi pa dapat.

 

Wag ka magpapadala sa emosyon, Karina.

 

Hindi romantic kapag dito palang umamin ka na.

 

Hinga muna tayo.

 

Okay.


 

“Ganun lang ako kasaya to find someone na nahihilig din sa munimuni. I say that to everyone.”

 

“You say this to everyone? What the hell is wrong with you?”


 

Oops, mali pa ako ng nasabi. Nagalit ko pa nga si Winter.


 

“I mean, parang expression lang kasi yun! It’s not like I want to marry them talaga, ano ka ba.” Kinakabahan kong tugon

 

“Then expression lang din yung kanina? You don’t want to marry me?”


 

Winter, tangina ka.

 

Why are you doing this to me?

 

Yung unan ko kanina ko pa na-murder dahil sa nararamdaman kong kilig.


 

“Hindi ka pa nga umaamin, pakakasalan na kita agad?” Panggagaya ko sa linya nya

 

“Then gusto mo ba umamin na 'ko?”


 

Putangina!

 

Oh my god, di na ‘ko nakakapag-isip ng maayos

 

Sandali.

 

Nagpapanic ako, mama.


 

“Ano yun, Winter? Medyo choppy? Ha? I can’t hear you! Panget ata signal nyo! Bukas nalang ulit Toot toot toot. Bye!”


 

Agad kong inend yung call at naibato yung cellphone bago isinubsob ang mukha ko sa unan.

 

Nung narinig kong tumama sa wall, agad din naman akong napabangon para i-check.

 

Karina, tangina ka! Mas mahal pa sa buhay mo yang cellphone na yan!

 

Okay, wala naman namang basag and dents.

 

Buti at may kwenta yung overpriced case na ‘to!

 

Tumayo na rin muna ako sa kama at dumiretso sa kusina para kumuha ngmalamig na tubig.

 

Puta.

 

Kailangan kong kumalma.

 

Muntikan na tayo dun kanina.

 

Ang daming mura na tumatakbo sa utak ko dahil sobrang nagpapanic ako.

 

Nung nag ring pa yung phone halos mabitawan ko pa yung baso dahil sa sobrang gulat.

 

Please, sana hindi na si Winter.

 

Please please please.

 

Dahan-dahan kong iniangat yung phone at si Mama pala yung tumatawag!

 

Agad ko naman itong sinagot.


 

“Mama!”

 

“Jimin, kamusta ka?”

 

“Okay naman po, kayo dyan? Kamusta trabaho ma?”

 

“Okay naman, wala yung mga amo ko. Nag palawan sila.”


 

Anong meron sa palawan at dun ang puntahan ng mga mayayaman?


 

“Oh, buong pamilya?”

 

“Oo anak, kaya nga nakatawag ako ng maaga.”


 

Napatingin naman ako sa digital clock namin at oo nga, maaga pa.

 

8 palang kasi at madalas tumatawag si Mama ng 9:30 bago sya matulog.


 

“I see. Mama, miss ko na kayo. Pupunta ako dyan sa Sunday.”

 

“Okay, ihahanda ko na yung tapa mo,”

 

Natawa naman ako, “Ma, wala pa nga akong sinasabi.”

 

“Yun naman ang dahilan lagi kapag gusto mo akong bisitahin. Mama mo pa yung niloko mo.”

 

“Grabe ka, ma! Para namang sinabi mo na yun lang ang habol ko”

 

“Hindi ba?”

 

“Syempre, hindi! Si Mama, nakakainis. Alam mo naman mahal na mahal kita diba?”

 

“Binibiro lang kita, bakit ang pikunin mo ngayon?” Pang-aasar nya pa, “At mahal na mahal din kita, anak.”


 

Ahhh.

 

Sobrang babaw ng luha ko kapag kausap si Mama.


 

“Si Mama, pinapaiyak na naman ako!”

 

“Okay na yun, at least hindi si Wonyoung nagpapaiyak sayo.”

 

“Ma, foul ha!”


 

Narinig ko naman ang tawa ni Mama sa kabilang linya. Tuwang tuwa talaga syang asarin ang unica hija nya!

 

Aware si Mama kay Wonyoung syempre.

 

Pinakilala ko na sya agad kay Mama bago pa naging kami.

 

Gustong gusto sya ni Mama kasi para daw baby lagi kahit na sobrang tangkad at mataray yung mukha.

 

Mas minahal nga ata ni Mama si Wonyoung kesa sakin!

 

Kaya isa sya sa mga nasaktan nung biglang nawala ang babaeng yun.


 

“Ma, padagdag din ako ng gawa sa tapa ha. May bibigyan ako na teammate. Pag nagustuhan nila yun Ma baka makaahon na tayo sa hirap kaya sarapan mo ha.” biro ko

 

“Anak, kailan ba ako gumawa ng hindi masarap?”


 

Yep, that’s my Mama right there.

 

Sa kanya ko lang naman nakuha ang aking nag uumapaw na confidence.


 

“Naks, lakas! Mama nga kita.”

 

“Syempre, kanino ka pa ba magmamana?”

 

“May point ka ma, kaya nga tuwang-tuwa ako at kayo ang mama ko.”

 

“Jimin, may kailangan ka ba? Kanina mo pa ako binobola.”

 

“Wala naman, si mama ang judgemental”


 

Sakto naman naalala ko si Winter.

 

Kwento ko na din ba sya kay Mama?


 

“Ma, meron nang bagong bumihag sa puso ng anak nyo.”

 

“Anak, totoo na ba yan? Baka yung flings flings mo lang ulit yan.”


 

Natawa naman ako dun.

 

Of course, aware si Mama sa dating history ko.

 

I dated anyone nung SHS basta pasok sa standards ko.


 

“Ma, grabe ka naman sa flings!”

 

“Hindi ba yun ang tawag nyong mga bagets dun?”

 

“Mama, kung ano ano naririnig mo. Bad yun.”

 

“Sige, ikwento mo nalang sakin yung bumihag sa puso ng anak ko.”

 

“Ma, from Ateneo sya at mas bata sakin ng isang taon. Winter ang pangalan nya.”

 

“Winter?”

 

“Nagulat ka rin no? Parang hindi pangalan ng tao, parang pangalan lang ng aso.” natatawang sabi ko, “Pero sabagay, mukha nga syang maltese.”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
546 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha