Bawat Piyesa

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Ritwal sa Antipolo

 

Bawat ngiti, bawat luha

Bawat gising, bawat pikit

Bawat hangin na tinatanggap, bawat buga

At habang ika'y yinayakap nang maigi

Binubulong ang dalanging huwag sana maglaho sa hangin

*stan munimuni*


 

Hindi ata ako nakatulog buong gabi kahit na sobrang pagod ako at may tama pa.

 

Iniisip ko kasi lahat nung nangyari.

 

Iniisip ko lahat ng possibilities kung bakit ko nararamdaman ‘to.

 

Isa na ‘to sa early signs na may nararamdaman na nga akong hindi dapat.

 

I’m overthinking, which is hindi ko madalas ginagawa.

 

I swear, bilang ko pa sa daliri ko kung ilang beses lang ako nag overthink sa buong buhay ko.

 

Simple lang naman kasi ako mag-isip at hindi kadalasan pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay bagay.

 

In short, hindi ako nag-iisip. Charot.

 

Base sa aking memorya, unang beses akong nag overthink nung grade 7 dahil stay in na si Mama sa bahay ng mga Mendoza at ako naman ay mag-isang tumutuloy sa dorm near UST.

 

Nag overthink ako kung ile-let go ko na ba talaga yung passion ko sa piano dahil hindi nga ito practical na profession para saming kapos palad.

 

Nag overthink din ako kung may gusto nga ba talaga ako kay Wonyoung or sanay lang ako na kasama sya lagi.

 

Nag overthink ako nung na-ospital si Mama.

 

Nag overthink ako nung biglang nagbago si Wonyoung.

 

Nag overthink ako nung nawala sya bigla.

 

Nag overthink ako nung Grade 12 kasi gustong gusto ko talaga makapasa sa UP.

 

And now, nag-ooverthink ako kung may gusto ba ako kay Winter.

 

Or kung ano yung possible na mangyari kung meron nga talaga akong gusto sa kanya.

 

Anong mangyayari samin?

 

Magugustuhan nya din ba ako?

 

Paano yung social status namin?

 

She’s effin rich na maraming kotse tapos ako, hindi lang masuklian ng dos sa jeep halos magwala na.

 

Paano ko ipaglalaban yung samin if ever na may meet the parents na?

 

Should I just go with the flow?

 

Pero walang magandang dulot ang pag go with the flow lang..

 

Ewan.

 

Bahala na.

 

One step at a time muna tayo.

 

Dalhin muna natin si Winter sa Antipolo.

 

Pag meron nga akong gusto sa kanya, tsaka nalang natin isipin.

 

Hay.

 

Ang bilis masyado ng pangyayari, medyo nakakagulat.

 

Medyo hindi ko pa matanggap.

 

Kailan lang ba kami nagkakilala? Last month?

 

Pero kahit last month lang, araw araw ata kaming nagkikita.

 

If hindi nagkikita, we always talk on the phone.

 

Am I just attached? Sanay lang ba ako sa presensya nya?


 

Ang confusing diba?

 

Ito yung reason talaga kung bakit gusto ko muna i-confirm talaga.

 

Hirap kasi gumawa ng move kapag hindi ka sigurado, ang daming pwedeng mangyari at mawala.

 

And just by thinking na mawawala si Winter sakin if I this up scares me.

 

Hindi pa ‘ko sigurado if I like her romantically sa lagay na yan ha.

 

I'm doomed.

 

Mag-iisang oras na ako sa harap ng cabinet pero hindi pa din ako nakakapili ng isusuot ko.

 

Eto na naman ako, I’m overthinking things again.

 

Hindi ako makapili agad kasi medyo naco-conscious ako kay Winter which is hindi naman nangyari dati.

 

Wait, nangyari na.

 

Pero yung reason ko naman before kaya gusto ko mag-ayos is because ayoko mag mukhang kawawa kasama nya.

 

Ngayon para bang gusto ko maisip nya agad na ang ganda ko.

 

Well, alam ko naman na maganda ako pero hindi ako satisfied sa mga nakikita kong outfits.

 

It’s either sobrang plain or sobrang gara.

 

Bago pa ‘ko mawalan ng pag-asa, nahagip ng mata ko yung dalawang paper bags sa ilalim na cabinet.

 

Right, ito yung binili sakin ni Winter nung sinugod kami nung kaibigan nyang Chinese.

 

Hindi ko pa nabubuksan kasi sobrang busy. Nawala na sa isip ko ‘to.

 

Ito nalang gamitin ko kasi baka magtampo pa sya.


 

Pag H&M naman hindi gaano strong yung amoy kaya pwedeng pagtiisan kahit di pa nalalabhan.

 

Sobrang dami nyang pinamili, sa totoo lang.

 

Merong mga t-shirts, crop tops, hoodies and even sweatshirts.

 

Bakit yung vibe ang lakas maka girlfriend ko na binigyan ako ng regalo for our first monthsary?

 

Kung ano ano na pinagsasabi ko.

 

Ito ang effect ng walang tulog.

 

Ang daming magaganda pero I settled dun sa sky blue relaxed fit hoodie na mukhang saktong sakto sakin.

 

Galing nya tumantya!

 

Pero hindi ko muna 'to isusuot kasi medyo mainit pa.

 

Meron din dung beige crop top at nag decide ako na yun nalang ang panloob tapos high waist jogger pant na kulay white para cute.

 

I look comfy, parang ang sarap ko yakapin.

 

Yup, mas magandang comfortable yung look para mas natural yung datingan.


 

“After 100 years, nakapag-decide ka na din ng susuotin. May himala talaga.” Sarkastikong comment ni Aeri nang makita akong nakapang-alis na

 

“OA ka, Aeri.”

 

“It’s surprising to see you like this, I’m enjoying it.”

 

“Ewan ko sayo.” Umupo na ako sa kama at inilabas ang 'pokpok' kit ko “Hindi ka ba uuwi sa inyo ngayong weekend?”

 

“Uuwi, pero hinintay muna kita. Gusto ko makita yung itsura mo.”

 

“Crush mo na ako nyan?”

 

Nakita ko naman syang napairap, “Tanga, gusto ko makita kasi outfit mo para sa date nyo ni Winter. And I must say, I’m disappointed.”

 

Nag panic ako, “Disappointed? Sa suot ko?”

 

“Yup.”

 

“, magpapalit ulit ako wait.”


 

Maya maya naman ay tumawa sya at dun ko napagtanto ng ginagago nya lang ako.

 

Tinaga ko nga sya sa leeg para manahimik sya dyan, pero ang Aeri lumalaban!

 

Nagawa pa akong hampasin kaya eto kami ngayon, may mini wrestling na agad.

 

Agad kong kinurot yung magkabilang pisngi nya dahil alam ko kung gaano sya mayamot kapag ginaganito ko sya.


 

“Gago ka! Wag yung mukha ko , yan ang magdadala ng success ko sa buhay.”

 

“Trip mo ko ha, alam mong di kita inuurungan sa ganito Aeri.”

 

“Sorry na, sorry na!”


 

Napangisi ako at bumalik na sa sarili kong kama nung nag-surrender na sya.

 

Itinuloy ko nalang ulit yung pagkikilay sa sarili ko.


 

“Nakakatuwa lang kasi makita kang ganito. You usually never care about anything kasi alam mong maganda ka na.”

 

“Maganda naman talaga ako.... ”

 

“Pero..?”

 

“Pero, baka hindi ma-appreciate ni Winter. Takot ako.”

 

Tumawa naman sya, “Rina, grabe sobrang bobo mo talaga sa ibang bagay no?”

 

Tinignan ko sya ng masama “Gusto mo ulit makatikim ng kurot sa pisngi tapos dagdagan ko pa ng kiliti?”


 

Uy may rhyme!


 

“Sorry na!" Agad nyang tinakpan yung pisngi nya "Pero totoo naman kasi. Winter obviously likes you, ikaw lang yung tatanga tanga.”


 

Bakt parang may gigil dun sa tatanga tanga? Nakaka-ooffend ha!


 

“Walang makaka-convince sakin hangga’t di ko naririnig sa bibig nya na gusto nya talaga ako.”

 

“So hihintayin mo sya muna umamin?”

 

“Gago, syempre hindi. Ang duwag ko naman kung ganon.” Nag-apply ako ng pink lip tint “Aamin ako pag may naisip akong pakulo ganun at syempre pag na confirm ko na.”

 

“Pakulo amputa, ang corny mo pala ma-in love.”

 

“In love agad? Ni hindi ko pa nga naco-confirm kung may gusto ako sa kanya.”

 

“Dun na din naman yun pupunta, tanga.”

 

“Hindi naman kami nagmamadali.”


 

Napatingin ako sa orasan at 4:30 na pala. Tagal kong mamili ng susuotin! Sumanib ata si Winter sakin.

 

Kinuha ko na yung mini backpack ko from Givenchy at nilagay dun yung ‘pokpok’ kit ko pati na din yung wallet ko.

 

Inabot din sakin ni Aeri yung powerbank nya kahit hindi ko naman hinihiram pero syempre, kinuha ko yun at nag thank you.

 

Grasya na yan.


 

“Jimin.”

 

“Uchinaga Aeri, masasakal na kita”


 

Trip ako ng bwisit na 'to.

 

 

Tumawa si Aeri, “Tinry ko lang, masyado kang ano dyan. Exclusive ba kay Winter ang Jimin?”

 

“Parang ganun na nga” Hindi ko na itinaggi

 

“Landi nyo hayop.” aba nagawa pa akong hampasin ng malakas sa likod ko, “Break na ba tayo?”

 

“Duh, parang nakipag-break ka na din kaya sakin nung kumanta tayo.”

 

“Huh? Di ko maalala.” Isa pa ‘tong makakalimutin

 

“Tanga ka, ikaw nagsabi nung team single diba?”

 

“Ay, oo nga. Bobo ko dun.”

 

“Will you be fine ngayong break na tayo?” Syempre, nag-aalala pa din ako

 

“Of course, baby. Tsaka I may or may not have found someone else.”

 

“No way, sino?”


 

Hindi sya sumagot at binibigyan lang ako ng nakakalokong ngiti.

 

Sino kaya?

 

Hindi ko naman sya nakikita makipagharutan sa iba.

 

Well, she’s always with other people pero alam kong hindi sila naghaharutan.

 

So sino..

 

Wait..

 

Parang kagabi may nakita akong kasama ni Aeri sa dance floor.

 

Think Karina, think..

 

Oh my god.


 

Tinignan ko si Aeri, “Si Ningning?!”

 

“Congrats, di ka naman pala sobrang bobo.”

 

“Gago ka!” hinampas ko sya ng unan. Di ko inexpect yun ha! Kala ko pa naman pwede sila ni Yeji “So nagkamabutihan na kayo?”

 

“Nagkamabutihan agad? Hindi lang ikaw ang mahilig sa slow pace dito no. We’re nowhere near friends pero magkikita kami bukas, kakain kami.”

 

“Tangina ka, ang lakas mo din no?”


 

I’m happy for Aeri.

 

Hindi naman importante sakin kung sino pa yung magustuhan nya. Basta hindi lang kriminal.


 

“I’ll post sa ig na officially break na tayo para naman makagalaw kayo ng maayos ni Winter at ako din syempre.”

 

“Okay, ikaw na bahala. Gamitan mo ng matinding drama para convincing.”

 

“Ay, di mo ko tutulungan sa captions?”

 

“Kaya mo na yan, may date pa ko."


 

Nagsuot na ako ng loafers at kinuha na din yung white low cut converse ko. Yan ang una kong sapatos na nabili gamit ang sarili kong ipon kaya ginagamit ko lang to kapag may importanteng occasion.


 

“Walang sisihan sa kung ano man ilalagay ko dun ha?”

 

Tinignan ko sya ng may halong pagbabanta “Alam ko namang hindi mo din susubukan, Aeri.”

 

“Tignan natin.”


 

Isinuot ko na yung bag ko at nilagay sa balikat yung hoodie. Kinuha ko na din yung susi ng pickup ko mula sa cabinet.


 

“Una na ko ha?”

 

“Best of luck, baby. Sana may mapala ka naman ngayong araw.”

 

“Thank you, .”


 

Alright, let’s go and pick up Winter.


 

----------------------------------------------------------------------------------------------------


 

Andito ako ngayon sa lobby ng condominium ni Winter.

 

Hindi na ako umakyat pa sa unit nya kasi ang hassle naman kung akyat baba ako.

 

I already texted her and nagalit pa sakin kasi bakit daw ang aga aga ko.

 

4:50 palang kasi.

 

Sorry na, excited ako eh.

 

Kaya ngayon, nakaupo ako sa isang malaking couch sa lobby nila. May mga iilan ding nakatambay na guests siguro ng isa sa mga owners dito.

 

Tahimik lang akong nagbro-browse sa instagram nang may nag notif.

 

“@aeri_selle mentioned you in their post”

 

Nag post na ang gago, ano kaya to.

 

Agad kong tinignan yung pinost nya and ito yung picture namin nung nag maskipaps kami last december tapos naka b&w filter pa tangina ganap na ganap talaga.

 

Lakas maka couple goals nung vibe namin.

 

Kaya nga din siguro ang dami naming nalilinlang kasi cute kami together.

 

And there’s a mid length message sa baba.

 

aeri_selle: You tore my heart into million pieces and still kept lying to my face. I really cannot take this anymore. I am done with everything of yours. Good luck finding someone suitable for you! I don’t feel betrayed at all. I take it as a lesson learned. And the lesson is, never trust a liar. I wish no one does the same to you as you did to me! I would never fall in love with you if I knew from the start that you’d hurt me this much. But I don’t blame you. I was blind for the whole time!

 

PS: Sana masaya ka na sa bago mo, wag ka na magpapakita sakin kahit kailan. Tinapon ko na yung mga damit mo sa kalsada, good luck finding all your clothes, cheater. We’re done. @jimin0411


 

Putangina ni Aeri!!!

 

Saang site nya naman kaya hinanap ang kagaguhan na ‘to? Nakakabwisit talaga, mamaya sya sakin.

 

Yung mabait ko pong image ngayong college sirang sira na!!

 

At ayan na nga, ang daming DM sakin ng mga kaibigan namin from UP at pinagmumura ako.

 

Makakakuha ka talaga sakin ng malakas na sipa pagkauwi ko, Uchinaga.

 

Pinatay ko muna yung data dahil feeling ko mahihimatay ako sa sobrang inis.

 

Hindi ko talaga sya dapat pinagkatiwalaan sa ganitong bagay.

 

Hindi na sya yung Aeri na nakilala ko noon kaya hindi na dapat ako magulat na ganito na din sya.

 

Pumunta nalang ako sa notes app and binrowse yung pinaglalagay ko sa checklist.

 

Guide lang naman ‘to para hindi ako nanghuhula kung may gusto ba ako kay Winter.

 

Pwede kasing bugso lang ng damdamin tapos pag tumagal wala na din. Nangyayari yun ha!

 

Sinearch ko lang sa google yung iba tapos dinagdagan ko nalang ng sarili kong experiences. Yung iba na cross out ko na kasi inisip ko sya buong gabi dahil di naman ako makatulog


 

Nakuha ko sa google

 

You’re happy and just a little nervous around her

Everything feels new and exciting kahit lagi nyo naman ginagawa

Your relationship feels easy, hindi ka naiilang masyado

She’s literally on your mind, every single time

You get a little jealous

You become more affectionate towards her

You want to bring her around your family and friends

You start feeling a sense of empathy towards her

You’re becoming a better person for her (but, I’m the best already??)

You start planning for the future with her


 

Base sa aking nakalap mula sa survey and personal experiences

 

Lagi mo syang naiisip out of nowhere kahit busy ka sa ibang bagay

You feel safe with her

You think she’s the prettiest girl you have ever seen

Nagseselos ka kapag meron syang ibang kasama (winter doesn’t have friends so just imagine)

Kinakabahan ka around her (in a good way maybe?)

You feel really happy kahit presence nya lang

You can’t wait to see her again kahit na kakahiwalay nyo pa lang

Magbibigay ka ng oras sa kanya kahit super busy ka

Mapapansin mo yung mga maliliit na bagay sa kanya and you’ll find it beautiful (like yung smile nya, the way she talks, the way she laughs, everything)

You feel really comfortable to the point na hindi mo kailangan magpanggap around her (i don’t really do this kahit sa strangers..)

You make big efforts for her (small din siguro)

You can’t imagine your life without her (this is deep na, pag ganito run for your life na karina)

Make sure na hindi mo na iniisip si Wonyoung totally (wag ka magte-take ng risk if may mahal ka pang iba, wag kang gago)

You’re interested in getting to know literally anything about her

You’re willing to take risks

 

Pag na check ko lahat yan then may gusto nga ako kay Winter. If may bakanteng isa or dalawa, pakikiramdaman ko muna.

 

Dami kong alam no?

 

Pero okay na yung sigurado.

 

Mamaya nyan infatuated lang ako.

 

Ayoko mag take ng risk para sa infatuation lang, sayang friendship.

 

Alam kong hindi magtatagal pag infatuation lang.

 

Tama nga sinabi ni Yeji, I’m so simple yet complicated

 

Pero wala naman masama maging sigurado.


 

“Jimin.”


 

Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Winter wearing a yellow long sleeve knitted sweater with denim jeans, and a pair of ace leather sneakers from gucci.

 

Winter really is out here looking like my future girlfriend no?

 

Char ½

 

She's just wearing casual clothes pero bakit naman po ganyan kaganda?

 

You really have your favorites, Lord.

 

Damn.

 

Meron na agad akong pwede i-cross out sa list.

 

Kasi I literally can’t name anyone prettier than Winter. Even Myoui Mina can't compare.

 

I'm sorry, mahal pa din kita my ultimate bias pero mapapatawad mo naman ako.


 

“Ang tagal tagal mo.”

 

Inirapan nya ako “Hindi ako matagal, sobrang bilis mo lang dumating.”


 

Sabay na kaming lumabas ng condominium nya at dumiretso sa parking lot kung saan naka park yung Hilux ko.


 

“Actually, hindi pa ata ako nakakasakay ng ganitong car. We prefer sedans and SUVs”

 

“Really? Edi at least may nakuha akong first sayo”

 

“You took a lot of first from me naman.”

 

“How about being your first girlfriend next?”


 

Napatigil naman si Winter sa pagbubukas ng pintuan at tinginan ako, obviously bewildered kaya natawa ako.


 

“I’m just joking, wag ka magalit.”

 

“Tigil-tigilan mo ‘ko sa ganyan, Jimin”

 

“Sorry na.”


 

I really should stop.

 

Mahirap magbiro ng ganito kapag hindi ka pa naman sure sa feelings mo.

 

Pumunta na ako sa driver’s seat at binuksan na ang makina.

 

Binuksan ko din yung phone ko at hinanap yung playlist na ginawa ko kagabi.

 

Halos mabiyak ulo ko habang inaalala yung mga kantang gusto ni WInter kasi hindi talaga ako familiar sa karamihan.

 

Tanga ko sa part na hindi ko hiningi before kasi di naman ako interesado.

 

Tulog naman na si Aeri kaya hindi ko sya matanong.

 

Baka mapaslang nya ‘ko kapag bigla ko syang ginising lalo na’t lasing sya.

 

I connected my phone sa speakers and shinuffle ko yung playlist dahil hindi ko naman alam ang uunahin.

 

How to Love ni Lil Wayne ang unang nag play.

 

Agad naman nakuha nun ang atensyon ni Winter kasi napatingin sya sakin pagkatapos nyang mag seatbelt.


 

“You listen to songs like this?”

 

Umiling ako, “But you do.”


 

Hindi sya sumagot at nagsimula na akong paandarin yung kotse.


 

“You don’t have to adjust your preferences. Just play whatever you want.”

 

“Okay lang, gusto ko din malaman kung ano ba mga gusto mo.”

 

“What..” napatingin si Winter sa bintana “Why are you being so sweet? Hindi ako sanay.”

 

“Ayaw mo?”

 

“May sinabi ba ‘ko?”

 

“Wala.”


 

Okay, why the hell am I being awkward around Winter?

 

Wala akong maisip na topic, parang tanga.

 

This is so not me.

 

Hindi pa nga nagsisimula yung gabi namin pero parang sira na.

 

And now, I'm panicking.



 

“There’s something wrong with you, I can feel it.”

 

“Pansin mo din?”

 

“It’s painfully obvious.” She sighed, “So what’s wrong?”

 

“Secret walang clue.”

 

“I won't force you pero just so you know, I’m always willing to listen" Napangiti naman ako dun

 

"Give me a few minutes, mag-aaway na ulit tayo."

 

"That's more like us, Jimin."



 

Nasa may bandang Gibson's na kami pero hindi pa din ako umiimik.

 

Nakakabingi ang katahimikan.


 

“Winter.”

 

“What?”

 

“You look very pretty today.”


 

And there goes that smile.

 

Yung dull mood sa kotse biglang ang bright na. Yan ang effect ng ngiti ni Winter.


 

“Hindi mo ako madadaan dyan, Jimin. Try again.”

 

“Sinuot ko yung binili mo sakin na croptop and dala ko din yung sky blue hoodie. I liked it a lot, thank you.”

 

“Didn’t you thank me for that already? Try again, Jimin.”

 

“Um.. Ngayong araw, can I pay for everything? Pwede bang wag ka gumastos kahit piso?”


 

Yun lang pala ang makakakuha ng buong attention nya.


 

“Why?”

 

“Gusto ko lang..”

 

“I'm a little lost, why are you doing this?”

 

“Trip ko nga lang?” paulit ulit tayo dito, Winter? “Kasi ikaw yung nanlilibre sakin lagi, parang wala pa akong naibigay sayo.”

 

Tinaasan nya ako ng kilay and bakit ngayon ko lang napansin na she looks hot kapag ginaganyan na ko? “That’s literally our deal, Jimin.”

 

“Oo nga, pero kahit ngayong araw lang sana pwede mo ba akong pagbigyan?”

 

“Bigyan mo muna ako ng magandang reason para pagbigyan ka.”

 

“Gusto lang kita ilibre para hindi unfair sayo.”

 

“Hindi naman sya unfair sakin.”


 

Napakamot ako sa ulo ko, hirap naman i-convince ng taong ‘to.


 

“Gosh, pumayag ka nalang!”

 

“Bakit mo ‘ko sinisigawan?!”


 

Yes, this is more like us. Magbangayan nalang kami kasi hindi samin bagay ang calm talks.


 

“Kasi ayaw mo pumayag, ikaw na nga ililibre dyan!”

 

“But you don’t have mon-- I mean, may pinag-iipunan ka!”


 

Muntikan nya pa masabi na wala akong pera. Yes, Winter, salamat sa pagpapaalala.


 

“Pwede naman ulit ako mag ipon, tsaka hindi naman masyadong mabigat kung kahit ngayon gabi ako naman manlibre sayo.”

 

Winter looked at me suspiciously, “Hindi ko gusto yung dating. Parang sinasabi ng guts ko na may masamang mangyayari. Iiwanan mo na ba ako?”

 

Nahawa na talaga sya kay Aeri “Oa ka, masama ba na i-treat din kita paminsan-minsan?”

 

“But you never did! Ang out of nowhere lang kasi tapos idagdag mo pa na super odd mo ngayon!"

 

Natawa ako, “Baliw, you think too much. I simply want to treat you to dinner and maybe some ice cream after. Makapagsalita ka kala mo gagastos ako ng 10k sayo.”

 

“Sa kuripot mong yan, I know you won’t. Pero ako ang mas nakakaluwag dito so why don’t I just pay for today?”


 

Hindi ako kuripot, Winter. Wala lang talaga akong pera.


 

“No, ako ang nagyaya this time kaya ako na yung magbabayad.”

 

“Just save it, Jimin. Marami kang pwede mabili sa pera mo.”

 

Napairap ako, “Now, you’re lecturing me about sa pera kahit na sobrang gastos mo.”

 

“Kasi may pang gastos ako. Mas need mo ng money so just save it, okay?”

 

“You know, may pinanghahawakan din ako na pride.”

 

“I’m sorry, pero I still won’t let you pay for our meal. Labag na nga sa loob mo nung nilibre mo ko nung unang araw nating nag meet diba?”

 

“Iba naman kasi yun!”

 

“Panong iba?”

 

“You’re a stranger before and ngayon..”

 

“Ngayon, ano na?” Winter grinned and looked at me expectantly

 

“F-foodtrip buddies and friends.” Bakit nautal ka pa dzai?

 

“Hmm, okay. Pero hindi pa din ako papayag.”

 

“Sige na, Winter. Let me pay kahit ngayong gabi lang! May reason naman ako.”


 

Ngayon lang ako nakakita ng tao na grabe kung tumanggi sa libre. Ibang klase talaga.


 

“Then tell me the real reason. Hindi ako naniniwalang gusto mo lang ako ilibre.”

 

“Hindi pwede.”


 

Hininto ko ang sasakyan dahil traffic na sa bandang masinag, as always.


 

“See, kaya ang suspicious! Meron kang balak pero ayaw mo sabihin sakin”

 

“Hindi ba pwedeng pagkatiwalaan mo nalang ako dito, Winter?”

 

“I want to, pero it scares me. Bakit ka ba ganito ngayon?”

 

“Personal reasons, hindi mo pwede malaman”

 

“Kakainis ka.” I’m glad na hindi pushy na tao si Winter pag sinabi mong ayaw mo talaga

 

“After this, pwedeng ikaw na ulit manlibre sakin.”

 

“Hindi ka mawawala?”


 

Sino ba naman kasi nagsabi na mawala ako?


 

Ngumiti ako at tinusok ang kanyang kaliwang pisngi, “hinding-hindi.”

 

“Then fine. Do what you want.”


 

Okay, Operation: Gusto ko ba si Winter starts now!


 

----------------------------------------------------------------------------------------------------

 

6:30 na kami nakarating sa restaurant na napili ko.

 

Jusko, sobrang traffic amputa.

 

Nakakatamad pa naman mag drive kapag stuck ka sa traffic.

 

Si Winter naman buong ride, sinasabayan nya lang yung kanta.

 

Oh diba, ako pa ang nakinabang dahil narinig ko ang maganda nyang boses.

 

Sobrang distracted ako habang nagda-drive kasi wala na akong ibang marinig kung hindi ang boses nya.

 

Kala ko may anghel na kumakanta at nasa heaven na ko kaso naalala ko na masamang damo pala akok kaya baka kahit anino ng langit, di ko makita.

 

Sobrang sayang talaga na hindi nya balak i-pursue yan since she looks so passionate and happy habang kumakanta.

 

Ngayon ko lang na-realize na hindi din naman pala masama yung mga gusto nyang kanta.

 

Ang chill pakinggan and ang ganda ng beats.

 

Taympers muna tayo sa OPM, oras na para pasukin ang mundo ni Winter at ako naman ang mag adjust sa mga gusto nya.


 

“Ang ganda ng view dito.”


 

Sa Oscar’s ko sya dinala na along Sumulong Highway lang.

 

They have the best view and food kasi tapos ang ganda pa ng interior nila.

 

Medyo pricey pero pwede na din since sobrang sulit talaga.

 

Nagpa-reserve na ‘ko kanina pa para dun kami sa magandang view maka-upo.

 

At dun nga kami dinala nung isang waiter.

 

Dun kami sa tabi ng bintana mismo wherein merong 180 degree view of metro manila. Sobrang ganda ng overlooking dito, nakaka-relax.


 

“Ang ganda din nung parang garden sa baba, let’s take a picture bago umuwi?”


 

Nakakatuwa naman na si Winter na mismo ang nagyayaya saking mag picture ngayon.


 

“Sure.”

 

“Mukhang pricey dito, are you sure you’ll be okay?” Tanong nya habang lumilinga-linga

 

“Duh, dadalhin ba kita dito kung hindi ko kaya?”


 

May budget naman akong 5k ngayon, masyado nya akong ginagawang mahirap. Which is true pero.. heh.

 

Malaking halaga na ang 5k no!


 

“Fine then.”


 

Parang first time ata namin kumain ni Winter sa isang semi-formal restaurant no? Madalas kasi samgyupsal or local restaurants around katipunan and maghinhawa lang.

 

Yung ganitong atmosphere.. Parang date talaga.

 

Ghad, lakas maka anniversary date ng ganitong setup!

 

Baka di ko na i-confirm yung feelings ko and just straight up ask her out.

 

Char, ang impulsive.

 

Wala kang mapapala sa pagiging mabilis.

 

Natigil naman yung train of thoughts ko nang bigyan kami ng Menu.

 

Parang nabilaukan naman ako sa hangin nang makita ang presyo.

 

Alam ko naman dati pa na medyo mahal pero putangina naman hindi to ganito kamahal dati.


 

“Sabi na eh, ang pricey dito. Wag tayo dito.”

 

Agad ko syang pinigilan, “Anong pricey? Sakto lang kaya yung presyon.”

 

“Sakto? A ing soup costs 375 pesos and yun yung pinaka-cheap.” turo nya pa dun sa laminated na menu

 

“Kailan ka pa namahalan sa ganyang presyo? Kaya mo nga bumili ng Louis Vuitton bag without batting an eye.”

 

Inirapan ako ni Winter, “It’s not about me, Jimin. Worried ako sayo.”

 

“Ilang beses ko bang sasabihin na okay nga lang? Ano, gusto mo ba ipakita ko pa sayo yung pera ko?” Umiling naman agad sya nung bubuksan ko na yung wallet ko

 

“Seeing you this persistent is giving me bad vibes talaga.”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
546 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha