Oras

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

SC x OP x LP

 

Sa ilalim ng karagatang ulap

May ilog na tahimik na dumadaloy

Nasubukan niya na bang magtanong

May patutunguhan ba tayo

Pwede bang itigil na muna ang pag-alon

*stan munimuni*

 

Pagkapasok namin ay natanaw na agad namin sila Ate Irene. Agad naman syang sinalubong ng yakap ni Seulgi habang kinakawayan kami. 

 

Andun din si Saeron na mukhang plus 1 ni Yeri. 

 

Iba talaga yung vibes ni Saeron kasi kahit na ka-edad lang namin sya, veteran actress na sya dahil bata palang napapanood na sya sa TV. Kaya naman just the aura alone, alam mong iba sya. 

 

Di namin alam kung paano nakuha ng gago namin tropa ang isang kagaya nya. Sobrang blessed ni Yeri dito dahil bukod sa sobrang bait ay sobrang ganda. May niligtas bang isang milyong tao si Yeri nung past life nya para maging ganito sya kaswerte? Kidding aside, they look good naman. Gago lang si Yeri sa ibang bagay pero never in love.

 

Binigyan lang kami ni Saeron ng nahihiyang tango nung nakita kami. Teka, dapat nga kami pa mahiya sayo miss ma'am? 

  

Si Eunbi syempre di pwedeng absent yan dito. Nakayakap na nga agad sya kay Sakura. Still the same clingy couple na nakaka-umay yet very cute. Sila yung pag tinignan mo, it’s either maiinggit ka or mauumay. There’s no in between. PDA kasi masyado porket legal sila both sides.

 

Si Lia din andun, sya yung nililigawan ni Ryujin na taga La Salle. First time ko pa lang syang nakita ng malapitan ngayon dahil sa instagram ni Ryujin ko lang sya nakikita. 

 

Ang ganda pala talaga sa personal! And I kinda know why Ryujin likes her. Sobrang ganda ng ngiti, mahihiya yung araw sa sobrang liwanag! 

 

Tinignan ko ang mga kaibigan ko at hindi naman ako aware na bring your jowa pala ang assignment ngayon? 

 

Tinignan ko si Yeji at Aeri na ngayon ay nag-uusap. Hmm, mukhang close nga talaga sila ha.

 

Good for them, at least di sila ma-OP sa mga magjowa dito. 

 

Buti din at andito si Winter dahil kung hindi, ramdam na ramdam ko ang pagiging mag-isa sa buhay! 

 

Sakto naman at nakita kong papalapit si Eunbi kaya naman ni-ready ko na ang sarili ko kasi alam kong mangyayamot lang to.


 

"Hi ex!" Nakangiting bati sakin ni Eunbi

 

"Ex ka dyan! Hinaan mo nga boses mo, nakakahiya ka"


 

Tumawa lang sya pagkatapos ay niyakap na din ako. 

 

Alam nya kasing nayayamot ako pag tinatawag nya akong ex kaya naman yun lagi nyang tinatawag every time na nagkikita kami. Ang gago diba? 

 

Naalala ko tuloy yung Eunbi na nakilala ko nung Grade 11. Sobrang bait nya dati, sobrang tahimik nya lang at meron syang innocent aura pero simula nung naipakilala ko na sya sa tropa, naging gago na din. 

 

Para ngang ilusyon lang yung Eunbi na nakilala ko noon kasi ibang iba na sya ngayon!

 

Bilis talaga ng impluwensya ng mga kaibigan ko. 

 

Kinawayan nya si Winter na nasa tabi ko at nginitian lang sya nito pabalik. 

 

Wow, ang behave nya naman ata ngayon? I refuse to believe na si Winter ‘to! Pero okay din yun kasi at least di sya rude sa ibang tao. Okay na yung sakin lang kasi ako lang naman ang may kaya sa kanya.


 

"Sya na ba yung bago mo?" Turo ni Eunbi kay Winter habang nakayakap pa din sakin. Teka ha, medyo ang init na

 

"Baliw hindi. She's Winter, kaibigan ko from Ateneo."

 

"Di ako naniniwalang kaibigan lang." Pang-asar pa niya

 

“Tanungin mo pa sya, tila kayo tanga.”


 

Umalis na si Eunbi sa pagkakayakap sakin at lumapit kay Winter. Agad naman na naglabas ng maliit na ngiti si Winter, and she tried to look more approachable. Ang cute nya lang!

 

I know she’s trying her best right now, dahil takot syang pag isipan na snob or whatsoever. 

 

I proud of her. Keep it up, pup.


 

“Hi! I’m Eunbi. Friends lang ba talaga kayo ni Rina?”

 

“I’m Winter, not just friends, foodtrip buddies din.”

 

Tinignan ako ni Eunbi with her exaggerated surprised face “Nagkakainan na agad kayo? My god, Rina!!”

 

“Hoy!”


 

Natawanan naman ang mga kasama namin. Mukhang nasa amin ang atensyon nila kanina pa. 

 

Actually, tanggap ko pa kung sila lang yung nakarinig dahil sanay na sila samin ni Eunbi mag-asaran. 

 

Ang kaso hindi! Kahit yung mga hindi namin kilala nakatingin samin. Pinagbubulungan pa kami, jusko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako napahiya within this month lang. 

 

Tangina ni Eunbi sagad. Walang ka filter filter!

 

Ibalik nyo yung mahinhin na Eunbi sakin!


 

“What do you mean nagkakainan?” Inosenteng tanong ng bata na ito

 

“Wag mo nang alamin.” Tinignan ko ng masama si Eunbi, kung ano anong kabastusan talaga lumalabas sa bibig nyan “Dun ka na nga sa jowa mo!”

 

“Nasa jowa naman ako, sa ex nga lang.” Nakangising sagot nya

 

“Di naging tayo, tanga." Tinulak ko sya ng mahina "Alis na dyan, inosente ang utak ni Winter wag mo bahidan ng kalaswaan bwisit ka.”

 

“Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nagmulat sakin sa kalaswaan.”

 

Nanlaki naman ang mata ko dun, “Gago, hindi no!”


 

Nagtawanan ulit sila, entertained na entertained kayo sa hinagpis ko dito, ano?

 

Sa kanya lang talaga ako walang laban lalo na sa asaran. Nakakagulat kasi lahat ng lumalabas sa bibig ng babaeng yan kaya di ako maka-react agad. 

 

Pero hindi totoo yun ha! Wala namang nangyari samin before kasi ang innocent nung 'relationship' namin.

 

Ako kasi nakakuha ng first kiss nya kaya makaarte sya kala mo may nakuha akong hindi dapat.

 

Bwisit na ‘to, napaka-OA!!


 

“Tara na nga, Winter. Lumayo na tayo sa babaeng yan.”


 

Tatawa tawa lang si Eunbi nung tinignan ko sya ng masama. Tuwang tuwa talaga syang gaguhin ako eh no. Tapos si Sakura naman, hindi lang pinagsasabihan yung girlfriend nya. Supportive pa nga ata ang bugok. 

 

Nilibot ko ang tingin ko sa mga kasama namin at saktong nakita ko si Ate Irene at Seulgi sa bandang unahan. Hinila ko si Winter papunta sa kanila para naman magkakilala na yung dalawang atenista.


 

“Malibog ka talaga.” Bungad sakin ni Seulgi nang mapuntahan namin sila

 

“Shut the up, oso. Gaya mo pa ko sayo” Tinaboy ko muna sya palayo at nginitian si Ate Irene. Pakaganda ng taong ‘to “Hello po, Ate.”

 

Bumeso sya sakin, “Hello, Karina. You and Eunbi are still funny as ever.”

 

Sumimangot ako “Bad ka, Ate. Tuwang tuwa ka kapag nabu-bully ako ng ganun.”

 

“Of course. Hindi ka kasi kaya nila Seulgi that’s why it’s entertaining to see you feel ashamed din.”


 

Nginisian ko naman si Seulgi at pinakyuhan nya lang ako pabalik. Hindi talaga nila ako kaya no, si Eunbi lang nakakaasar sakin ng ganyan kaya tuwang tuwa sila. 


 

“Anyway, Ate. This is Winter, freshie sa Ateneo.”

 

“Hello po. I'm Winter” Magalang na bati nya kay Ate Irene. Good, I raised this child well!!

 

“Hi, I’m Irene. 4th year Mass Communication student ako. What program ka?”

 

“Political Science po.”

 

Tinignan naman ako ni Ate Irene “I see same program pala kayo ni Rina."

 

"Yes po, Ate."

 

"So from what school ka?"


 

Aba, nagkasundo na agad yung dalawang Atenista. Hindi gaanong awkward si Winter, tamang tama na kay Ate Irene ko sya dinala. Madaldal ang isang yun at kaya nyang mag adjust sa ugali ng kausap nya. 

 

Kapag alam nyang mahiyain yung kausap nya, sya yung mag-iisip ng pwedeng pag-usapan. Kapag alam nyang madaldal, sya yung tatahimik at makikinig. 

 

Sana maging close friends sila. Nararamdaman ko na Ate Irene will also spoil Winter gaya ng ginagawa nya samin ni Kkura. Parang ang cute lang isipin. 

 

Hinayaan ko na sya kay Ate Irene at kami ni Seulgi ay naiwan sa likod nila, binibigyan sila ng privacy para mag-usap. 


 

“Ano ba yan, hindi ko tuloy maharot si Irene!” Reklamo ni Seulgi at masama pa ang tingin sakin na parang sinisisi ako

 

"Para kang tanga, live in na nga kayo ni Ate Irene, hayok na hayok ka pa din makasama."

 

Inikutan nya ako ng mata. Aba kanino sya natuto gumanyan? "Bawal magbigay ng opinyon ang single."

 

"Pakyu, matauhan na sana si Ate Irene sayo."

 

"Tangina mo."

 

-------------------------------------------

 

"So, we'll split up na. Dito din tayo magkikita mamaya, okay? 11PM dapat nandito na lahat para makauwi na." Intstruct ni Yeri

 

"Pano pag 11 wala pa?" Gagong tanong ni Ryujin

 

"Edi maiwan ka dito hayop ka, hindi ka namin hihintayin." 

 

"Pano kung ikaw yung wala pa?" Tanong naman ni Seulgi

 

Ngumisi naman si Yeri "Edi kayo yung maghintay sakin."

 

"Unfair mo talaga kahit kailan, bubwit" 

 

"Kung ayaw nyo sumunod humanap kayo ng masasakyan pauwi! Bye na nga!" Nagpahabol pa ng irap si Yeri bago hilahin si Saeron palayo samin


 

Nagpaalam na din kami sa isa't isa hanggang sa kami nalang ni Winter ang natira dito. Sasama pa nga sana samin sila Yeji kaso pinigilan sya ni Aeri, bigyan daw nila kami ng ‘moment’ para mag-date. Tamang hinala na naman ang tanga. 


 

"So saan mo gusto muna pumunta?" Tanong ko habang iniikot ang paningin ko. 


 

I hate amusement parks talaga.


 

"Let's ride everything. Simulan natin here." Turo nya dun sa ini vikings

 

Bigla akong kinabahan "Ah eh.. sige sakay ka dun, wait nalang kita." 

 

"Luh, ako lang mag isa? Ayoko nga! Dali na, samahan mo ako!" Hinihila hila nya ako pero lumalaban ako

 

"Patayin mo nalang ako kesa pasakayin dyan."

 

"You're OA! Bakit ba ayaw mo?" Inis na tanong sakin ni Winter until she realized something "Wait.. are you perhaps scared of the rides?"

 

"Oo." Hindi ko naman na kailangan i-deny


 

Tinawanan lang ako ng gago. Hindi naman na ako nagulat kasi ganyan din ang reaksyon nila Ryujin nung nalaman nila na takot ako sa mga rides na ganyan. Laki laki ko daw na tao pero weak ako sa ganito.

 

Aba, kailan pa naging factor ang height sa pagiging matapang?

 

If there's one thing that I hate the most, yun ay ang pagsakay sa mga rides. Ayoko din sa heights pero I love looking at the city lights kahit sa mataas pa na lugar. 

 

Basta iba naman kasi yung actual rides sa mataas na lugar. At least dun alam kong safe ako! Dito kasi, parang anytime bibigay.

 

Dagdag mo pa na napanood ko yung rollercoaster scene dun sa final destination 3 kaya never nyo ako mapapasakay sa mga ganyang rides.


 

"I won't ride anything until you ride it with me."

 

 

Ayan na naman sya. 

 


 

"Then how about mag bump cars muna tayo?"


 

Tumingin naman sya sa tinutukoy ko


 

"What the hell? Pambata naman! And look, yung pila is so long!"

 

"Yan lang kaya ko sakyan, swear. Or mag grand carousel tayo, what do you think?"

 

Mariin syang umiling "No freaking way." 

 

"Then, I'll call Ate Irene nalang para sumama ka sa kanila ni Seulgi. Pareho silang mahilig sa mga nakakatakot na rides."

 

"Ayoko nga! We'll bother them pa!" 

 

"Then, wala tayong magagawa ngayon kasi di talaga ako sasakay ng rides unless pambata or games lang." 

 

"Kahit yung caterpillar di mo kaya sakyan?" 

 

"Hinding hindi!" Mariin kong tanggi. Ang bilis kaya nung ride na yun! Para ka ding nag rollercoaster!

 

"I can't believe you." 

 

"Sorry ha? Hindi ko naman kasalanang takot ako sa rides." 

 

"Face your fears, Jimin. Come on!" Sabi pa nya habang sinusubukan akong hilahin

 

Tinignan ko sya ng masama "No, and I hate the phrase. Anong face your fears? Kung takot ka, bakit mo ipipilit sarili mo na gawin yung ayaw mo? That's stupid."

 

"Hindi mo pa nga nasasayan, natatakot ka na." 

 

"I know my limits, Winter. I don't take risks sa mga bagay na alanganin ako."  Hindi naman to black clover wherein I have to surpass my limits diba? 

 

"Then how would you know kung nakakatakot talaga kung hindi mo susubukan?" 

 

"Ano ka ba, nature na ng tao ang matakot kapag sa tingin nila delikado ang isang bagay. That's what I feel sa mga rides na yan." 


 

Natahimik sya sandali, parang nag-iisip ng irerebat nya sakin. Sorry nalang sya, walang makaka-convince sakin. 


 

"You're always telling me that I'm the stubborn one when in fact, mas stubborn ka pa sakin!"

 

"I'm being stubborn kasi ayoko talaga. Pinagbibigyan naman kita kapag okay lang sakin, diba?" 


 

Inikutan nya lang ako ng mata kasi alam nyang tama ako. 

 

Pwede ko sya pagbigyan sa lahat, pwera lang dito. Magkakamatayan talaga kami! 


 

"What can I do to convince you?" 

 

Umiling ako "Walang makaka-convince sakin." 

 

"Hindi talaga kita titigilan hangga't di ka pumapayag." 

 

"Fine by me. Try mo ko i-convince hanggang 11 PM"


 

Ako pa sinubukan nya eh mas matigas pa 'ko sa bato kung ayaw ko talaga gawin ang isang bagay, lalo na ang kinatatakutan ko. 

 

Umupo ako sa isang bench dun sa gilid at si Winter naman naka cross arms sa harap ko, bahala sya maghintay dyan. Di ko sya pagbibigyan ngayon.

 

Ako pa sinubukan nya sa pataasan ng pride. Marunong din ako no!


 

"Kahit bilhan kita ng lahat ng gusto mo dito?"

 

Sounds tempting, "No thanks."

 

"Hmm, gawin ko lahat ng gusto mo for a week?"

 

Cliché masyado, surprise me more naman "I can do things on my own naman." 

 

"I'll let you use my credit card and buy all you want."

 

Ang gold digger ko naman kung pumayag ako diba "No need."

 

"Ipagamit ko sayo yung car na sinakyan natin kanina."


 

. Ang hirap naman ata tanggihan! 

 

Nakita kong napangiti si Winter dahil ang tagal kong sumagot. Kala nya siguro papayag ako. 


 

"Ayaw ko pa din."

 

"Bilhan kita ng car na ganun?"


 

Gulat akong napatingin kay Winter. 

 

Pinagsasabi nya?! Alam kong kaya nyang gawin yun without batting an eye kaya naman nakakatakot at super nakaka-tempt. 

 

Wag tayong magpapadala Karina, kaibigan mo yan hindi asukal de mama.

 

Malinis ang intensyon mo kay Winter at hindi mo dapat yun dumihan nang dahil sa ganyan! 


 

"Look, Winter. You're my friend, hindi kita sugar mommy kaya wag mo ko alukin ng mga ganyan ganyan."

 

"But I don't want this day to be wasted. Gusto ko lang naman ma-enjoy yung araw na ‘to because I was super stressed sa exams tapos di pa tayo nakalabas for almost two weeks." Pagrarason nya

 

I sighed, "I have an idea."

 

------------------------------------------


 

"Wow!! It's not as bad as you describe it to be!" Yan ang reaksyon namin pagpasok namin sa Ocean Park


 

Yes, mga kaibigan. Nasa ocean park na kami ngayon at wala na sa Star City. 

 

Sumagi kasi sa isip ko na pumunta nalang dito dahil gusto nya din naman kaysa naman maburyo lang sya sa Star City kasi hindi ko talaga sya sasamahan sa mga rides kahit na mag-inarte pa sya dyan.

 

Kahit lapagan nya pa ko ng isang milyon.

 

Buti nalang yung driver nya hindi umalis kaya nagpahatid kami dito. HIndi din naman kalayuan sa Star City kaya nakarating din kami agad.


 

"San mo gusto pumunta ba?"

 

"Puntahan natin lahat, please. Mega experience naman yung binili mong ticket so pwede mapuntahan lahat."

 

"Okay, tara na. Isa-isahin na natin."


 

Hindi naman talaga panget sa Ocean Park, pwede na sya pagtyagaan basta wag mo ico-compare sa ocean parks ng ibang bansa. 

 

I think it was 3 years ago nung huli kong punta dito. Kasama ko si Wonyoung at yung Ate nya. Birthday nya kasi nun at ako lang yung niyaya nya sa tropa. 

 

Jowa perks cheret. 

 

Since then hindi na ako bumalik dito.

 

No, more like hindi na ako bumabalik sa kung saan kami pumunta noon kahit na gaano pa kaganda dun.

 

Sorry, bitter ang ate mo girl.

 

Anyway, una naming pinuntahan ni Winter yung Sea Lion show kasi 11AM na agad yung start nun. Nakakatamad naman kung mamaya pa kaming 4 pupunta. 

 

Mamaya na kami mag iikot ikot sa ibang place

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Hayop na yan, kanina sobrang kulimlim pero nung pumunta kami sa stadium biglang ang tirik nung araw pagka-upo namin? Bastusan talaga tayo ano.

 

Ang init pa naman ng suot ko na polo since polyester yung tela. Kasalanan ko naman dahil nagsuot ako ng ganito but still, kala ko ba may bagyo?

 

Anyways, I tried my best not to squeal kasi sobrang cute lang nung mga sea lions habang nagpe-perform sila ng tricks. 

 

Gusto ko sila yakapin!

 

Nagpapicture pa nga kami ni Winter with the sea lions kahit na umaayaw sya nung una kasi parang nakakatakot daw. 

 

Talagang kinaladkad ko pa sya papunta dun pero ang ending, sya naman yung mas nag-enjoy. Tuwang tuwa nga sya dun sa pictures na tinake nung official photographer. 

 

Ngayon pa lang daw kasi sya nakanood ng ganyan and first time nya makakita ng sea lion malapitan kaya manghang mangha sya na parang bata.

 

Ewan ko ba dito, I'm sure naman na merong ganito sa Switzerland, mas maganda pa pero bakit di pa sya nakaka-experience ng ganito? 

 

Nakakalungkot lang isipin yung naging buhay nya dun.


 

"Jimin, I'm really hungry na," Sabi sakin ni Winter habang naglalakad kami

 

"Okay, hanap tayo kainan."

 

"I've already searched beforehand, sa White Moon bar tayo." 


 

Hindi naman halatang prepared sya no? 


 

"And where is that place naman?"

 

"Not really sure, let's ask nalang."


 

Nagtanong tanong kami sa guard na umiikot at sakto, may isang mabuting loob na guard ay inihatid kami. 

 

Well, nung una akala ko mabait pero pagkahatid nya samin bigla ba namang gusto kunin yung number namin pareho at nagawa pa kaming hawakan sa braso namin. Muntik ko na nga sya mabigyan ng malupitang spinning back kick sa inis. 

 

Pero bago pa ko makapagsalita, si Winter naglapag ng RA 11313 at tinakot pa talaga yung guard na ipapakulong sya.

 

Syempre, hindi naman tanga yung guard kaya natakot sya agad pagkabanggit paalng ni Winter na ipapakulong sya.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
546 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
355 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha