Tanikala

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Walang Title

 

Patak ng luha ng kandila

Sa sobre kong sinidlan

Ng liham nilathala

Para sa iyo



 

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero bigla akong naalimpungatan out of nowhere.

 

Alam nyo yun, yung wala namang rason pero biglang nagising diwa mo?

 

Ganun.

 

Sobrang bigat ng pakiramdam ko and feeling ko nananaginip pa rin ako.

 

Marahan kong binuksan ang aking mga mata.

 

Nasilaw naman agad ako dahil may nakabukas na cellphone at sobrang liwanag pa ng brightness.

 

Sino ba to?

 

Black hair?


 

"Aeri, bakit ka nasa kama ko? Dun ka, ang sikip."

 

"I’m not Aeri."


 

Napadilat na ako fully ng mata at tinignan yung babaeng nasa tabi ko.

 

Madilim ang paligid at tanging yung ilaw lang mula sa cellphone nya ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.

 

Wait, si Winter ba 'to?

 

Pero bakit black na yung buhok nya?

 

At bakit sya andito?

 

Ahh, baka nananaginip lang ako.

 

Ganyan pala ang itsura ni Winter kapag black yung buhok.

 

Mas maganda talaga kesa sa blonde.


 

"I must be dreaming pa, payakap nga."


 

Ang huli kong naalala ay ang mahinang halakhak ni Winter bago ako napikit muli.


 

----------------------------------------------------------------------------------------------------


 

Once again, naalimpungatan ako kung kailan nasa magandang part na ‘ko ng panaginip ko!

 

Gusto ko pa matulog.

 

Sige, pikit lang tayo.

 

Wag kang didilat dahil hindi ka na ulit makakabalik sa tulog at baka mawala yung panaginip mo.

 

………………

 

Walang effect, bwisit.

 

Di ko na maramdaman yung antok at sobrang gising na gising na yung diwa ko.

 

What time is it na ba?

 

Inextend ko yung kamay ko dun sa table pero halos atakihin ako sa puso nang may malamig na kamay na humawak sakin.

 

Literal na napaupo ako sa kama ko at muntikan pa akong mauntog sa pader dahil sa gulat.

 

Maya-maya ay may narinig akong pamilyar na halakhak kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.



 

“Winter?”

 

“Yeah?”

 

“Ang dilim, pabukas naman nung lampshade. Tsaka bakit ka ba andit-”


 

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil nasilayan ko ang mukha ni Winter.

 

Oo, nakakabigla talaga yung ganda nya lalo na kapag sya ang una mong makikita sa pagdilat ng mata mo.

 

Pero hindi lang yun!

 

Yung dati nyang blonde hair with blue highlights sa baba ay ngayon purong black na!

 

How is this possible..


 

“Winter?”


 

Napahawak pa ako sa magkabila nyang pisngi para matukoy kung totoo ba to o ilusyon.

 

Totoo nga!


 

“Ako nga.” Natatawa nyang tugon

 

“No, nananaginip pa rin ata ako.”


 

Mabilis kong inabot yung cellphone ko dun sa baba ng lampshade at tinignan yung oras.

 

Pero hindi nag on.

 

Drained na agad?

 

Parang naka-charge yan nung pauwi ako ah?


 

“10:30 na” Sagot ni Winter at pinakita sakin yung lockscreen nya

 

“Oh, 10:30 palang pala.”

 

“Pa lang? Jimin, you’ve been sleeping for 18 freaking hours.”

 

“Ha?!”


 

Hala oo nga.

 

10:30 PM na, hindi AM.

 

Bigla naman akong may naalala.


 

“Wait, yung intramuros natin..”

 

“Bukas nalang, you’re tired.”


 

Napatingin naman ako sa outfit nya at halatang nag-ayos sya for this day.

 

Nakonsensya naman ako.


 

“I’m sorry, hindi ko alam na hindi ako nakapag-set ng alarm.”


 

Akala ko magagalit si Winter pero binigyan nya lang ako ng tipid na ngiti.

 

Wait, hindi talaga ako naniniwalang totoo ‘to.

 

Black haired Winter na mabait tapos nakangiti sakin?

 

Siguro karugtong lang ‘to nung panaginip ko.


 

“It’s okay, medyo naging worried lang ako nung una kasi hindi ka nagre-reply or hindi mo sinasagot yung calls ko. Dagdag mo pa na naging out of reach bigla yung number mo kaya nag-alala ako.”


 

Hindi ko ma-imagine kung gaano karami yun para magawa nyang i-drain yung fully charged phone ko ng ganun ganun lang.


 

“Sorry ulit, baka kakatawag mo na lowbat yung phone ko.”

 

“I think so too.”


 

Tumayo na ako mula sa kama at nag unat unat. Chinarge ko na rin muna yung phone ko para magbukas na.

 

Baka mamaya may message rin si Mama at mag-alala pa yun dahil hindi ako nag-reply.

 

Medyo hindi pa nagsi-sink in sakin yung black haired Winter hanggang ngayon.

 

Feeling ko talaga nananaginip pa rin ako.

 

I mean, hindi impossible kasi 18 hours of sleep?

 

New record yun!


 

“Paano ka nakapasok dito? Di kita binigyan ng spare key and wala si Aeri.”

 

“Humingi ako ng spare key sa landlady, binilinan nalang ni Giselle that’s why nakakuha ako.”


 

Grabe, nag-effort pa sya para lang mapuntahan ako.

 

Nako Winter, kikiligin talaga ako sa kakagyanyan mo.


 

“Okay, sorry talaga. Sayang yung ayos mo.”

 

“It’s okay, nakapahinga rin ako.”

 

“Natulog ka?”


 

Pumunta na ako sa banyo para maghilamos and mag-toothbrush.


 

“Yup, I was about to leave rin sana agad kaso kapit na kapit ka sakin.” Pang-aasar nya pa at gusto ko nalang magpakain sa lupa

 

“Hala, I’m sorry. Akala ko unan yung yakap ko.”


 

Nakakahiya ka, Yu Jimin! Lakas mo maka-chansing tapos hindi ka lang man aware!

 

Sayang yung opportunity kasi di ko naman maalala kahit na ginawa ko talaga.


 

“It’s okay, comfy mo yakapin just like what I expected.”


 

Kahit ang lamig nung tubig, nararamdaman ko pa rin yung pag-init ng mukha ko.


 

“Sorry, parang I took advantage of you pa. Hindi excuse yung tulog ako.”

 

“It’s okay, why are you so tense? Nakakailang sorry ka na." Hindi ko sya nakikita pero alam kong nakangisi sya ngayon


 

Mabilis kong tinapos ang aking pag-aayos para makalabas din agad.

 

Muntik pa ‘ko lagutan ng hininga kasi andun si Winter sa may kitchen looking so goddamn beautiful.

 

Ngayong gising na gising na ang buong pagkatao ko, mas lalong hindi ako makapaniwala.

 

Pero one thing’s sure.

 

Hindi na nga ako nananaginip!

 

Black na yung hair ni Winter!!

 

Sino ba yung tanga na nagsabi na mag blonde si Winter eh mas maganda sya sa black!

 

Walang taste yung crush nya, napaghahalataan.


 

“U-uhm, sabi sayo eh mas maganda ka sa black hair.” Sabi ko nang hindi sya tinitignan sa mata. Di ko kaya beh


 

Winter chuckled at nakita ko pa ang pag-ayos nya ng buhok.

 

Namatay ata ako dun.


 

“Thanks.”

 

“Kailan mo balak pagupitan?”

 

“Wala pa sa ngayon, I’m enjoying my long hair kasi hindi ko naman na-experience yung ganito kahabang buhok before.”

 

“Tanga ka kasi, nakikinig ka sa crush mo.”

 

“Hindi nya naman sinabi sakin directly, ang sabi nya lang gusto nya sa babae yung long hair.”

 

Napairap ako, “Pareho na din yun.”


 

Napatingin ako sa mini dining table namin and meron dung 2 paper bags from Jollibee.


 

“Nagpa-deliver ako ng food kasi feel ko na magugutom ka pag gising mo.”


 

Ngayong nabanggit nya yan, nakaramdam bigla ako ng gutom.

 

18 hours of sleep din yun jusko!


 

“Thanks, kumain ka na?”

 

Umiling si Winter “Last na kain ko pa is nung 4 and chocolates lang yun.”

 

“Chocolates na naman? Hay nako, Winter.” Naiiling kong sermon sa kanya

 

“Shut up, ikaw nga natulog for 18 hours straight.”

 

“Hindi ko din alam kung bakit ganun kahaba yung tulog ko, swear.”


 

Umupo na kami at nagsimulang kumain.

 

Ang dami nyang inorder akala mo last day na namin sa earth.

 

Pero okay lang, feeling ko kayang kaya namin ubusin ‘to.

 

Una kong binuksan yung jolly spaghetti at kumuha ng isang piece ng chicken mula sa bucket.


 

“Gusto mo dito ka na mag sleep? Wala naman si Aeri kasi umuwi sya sa bahay nila.” Gabi na din kasi

 

“I don’t mind, pero dun ako sa bed mo.”

 

Tumango ako, “Ikaw bahala, dun nalang ako sa kama ni Aeri.”

 

“I mean, tabi kasi tayo”


 

Tinignan ko naman para alamin kung seryoso ba sya sa pinagasabi nya.


 

“Maliit yung bed?”

 

“Hindi mo nga yun pinansin when you hugged me.”


 

Napatakip ako ng mukha ko kasi ramdam na ramdam ko yung kahihiyan.


 

“Hindi ka ba maiinitan?”

 

“Jimin, sobrang lamig ng room nyo. Hindi ako maiinitan, malalamigan pa nga ata ako ng sobra.” Natawa naman ako dun

 

“Kapag wala kasi si Aeri talaga tinotodo ko yung aircon kasi mabilis ako mainitan pag natutulog.”


 

Tumayo ako at kinuha yung remote para i-adjust yung temperature.

 

Naka 18 degrees pala.


 

“Hindi sanay si Giselle sa lamig?”

 

“Hindi daw. Ang weird nga kasi anak mayaman yun and sanay sa aircon pero nilalamig sa sine-set kong temperature.”

 

“Because ang lamig talaga. Kahit sanay ako sa lamig, medyo giniginaw na ako sa room nyo.”

 

“Winter pangalan mo pero lamigin amp.”


 

Nagawa nya pa akong batuhin ng manok, gago talaga.

 

Wala na rin sigurong energy masyado si Winter kaya tahimik lang syang kumakain.

 

Ako naman gusto ko magsalita kaso nadi-distract ako sa ayos ni Winter.

 

Hindi ako sanay.

 

Sobrang nakaka-offend lang yung kagandahan nya ngayon.

 

Ni hindi lang man ako makatagal ng tingin sa kanya.

 

Pero okay lang, hindi naman awkward yung silence namin.

 

Ang comfy pa nga kung tutuusin.

 

Hindi namin namamalayan na unti-unti na naming nauubos lahat nung inorder nya jusme di ako makapaniwala.

 

Sobrang lakas namin kumain, hindi ko alam kung saan napupunta lahat ng kinakain namin kasi pareho kaming payat.


 

“Winter, ayusin mo na yung kalat.” Biro ko

 

“Ang kapal ng mukha mo, ako yung guest dito baka nakakalimutan mo?”

 

“Guest? Trespassing ka kaya!”

 

Winter scoffed, “Ako pa trespassing? Worried na nga ako sayo and pinuntahan pa kita dito tapos sasabihin mo akong trespassing? Then fine, I’ll leave.”


 

Sobrang pikunin naman ni Winter ngayon, balak nya talaga akong iwan!

 

Buti nalang nahablot ko agad ang kamay nya.


 

“Joke lang, ang sensitive mo naman ngayong gabi.”

 

“You’re just an insensitive , Jimin.”

 

“Binibiro lang kita, para namang may galit ka sa buong mundo.”

 

“Sayo lang naman ako galit.”


 

Natawa naman ako.

 

Galit ka sakin pero super worried ka? Cutie.


 

“Dun ka na ulit sa kama ko. If gusto mo malibang, kunin mo yung laptop ko dun sa study table.”

 

“Alright.”


 

Hindi naman kami gumamit ng plates kaya tamang punas lang ako at ipon ng kalat sabay tapon sa may labas.

 

Tinali ko ang pagkahaba-haba kong buhok at naglakad na papunta kay Winter.


 

“Anong oras mo balak matulog?” 11 pasado na din kasi

 

“Hindi na ako inaantok, I slept for like 2 or 3 hours din.”

 

“Anong oras ka ba dumating dito?”

 

“Around 6 ata?”


 

Tagal nya na pala dito, ni hindi ko lang man napansin!

 

Siguro kahit magkalindol, di ako magigising dahil sobrang lalim nung tulog ko kanina.

 

Buti nalang may tiwala ako sa sleeping habits ko.

 

Hindi ako humihilik at hindi din ako naglalaway.

 

Hindi din ako malikot kaya madalas pag nagigising ako, sobrang sakit nung isang side ng katawan ko.

 

Sobrang behave ko nga daw pag natutulog, parang anghel.

 

At least hindi nakakahiya kay Winter.


 

“Should we watch a movie or something?”

 

“Ikaw bahala.”


 

Parang ang ganda rin mag late night drive ngayon.

 

Well, tignan muna kung may mapipili si Winter na interesting na movie.

 

Umupo na ako sa kama ni Aeri at tinignan si Winter na busy dun sa laptop ko.

 

Wait ha, paulit ulit na ko pero sobrang ganda lang talaga ni Winter sa long black hair.

 

Parang ang sarap sambahin, no joke.

 

Maganda sya sa blonde hair, hindi ko naman maitatanggi yun pero iba lang talaga yung effect ng natural black hair kay Winter.

 

Checklist checklist pa pota, in love na ‘ko kay Winter!

 

Charot, kumalma ka.

 

Baka bugso lang ulit ng damdamin.


 

“Bakit pala nag black hair ka?”

 

Napataas ang kilay nya, “Didn’t you say na mas bagay sakin yung black?”


 

Ha?


 

“Kailan ka pa nakinig sakin, Winter?”

 

Nakita ko naman syang napangiti at napailing pa, “I always listen to your opinions, dummy.”

 

“Talaga?”

 

“Oo naman, ikaw lang naman yung tanga.”


 

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako dahil nakinig sya dun sa sinabi ko or maiinis kasi tinawag nya na naman akong tanga.

 

Nakakarami na sya sakin ha!


 

“Wala ako makitang interesting. You don’t watch horror kasi eh.”


 

Aba, ang gago nagawa pang ihagis yung laptop ko na akala mo papel lang!


 

“Huy, ingatan mo naman yan. Baka masira.”

 

“Edi bibilhan nalang kita ng bago.”


 

Ganito ba talaga logic ng mga ritsked? May masira lang, bibilhan agad ng bago?


 

“What should we do now, Jimin? Ayoko pa mag-sleep.”


 

Napaiwas ako ng tingin kasi bigla syang nag-pout. Ang cute lang punyemas.


 

“Gusto mo mag late night drive?” Suggest ko

 

“Saan naman tayo pupunta?”

 

“Ikot-ikot lang around Metro Manila.”

 

Tumango naman si Winter,“I guess mas okay yun, let’s go.”

 

“Ano yung dala mong kotse?”

 

“Civic.”


 

Ibang sasakyan na naman ampota.


 

“Gusto mo ikaw mag drive para ma familiarize ka?”

 

“I don’t mind.”


 

Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa cabinet.

 

Natulog lang naman ako buong araw kaya hindi na siguro ako maliligo at magpapalit ng damit.

 

Naligo naman na ako before I sleep kagabi.

 

Kumuha ako ng dalawang hoodie.

 

Isa para kay Winter at isa para sakin kasi baka magreklamo na naman syang malamig.

 

Hinagis ko sa kanya yung Supreme hoodie dahil yun yung medyo makapal while I settled dun sa pink hoodie na binili nya sakin.


 

“Hey, this is expensive ha. Sino nagbigay sayo?”


 

Nako, super expensive kamo.

 

Nagalit pa nga ako kay Yuna kasi sobrang mahal nung binili nya sakin samantalang si Jimin lang naman ako.

 

Ewan ko ba, mahal na mahal ako nung bata na yun.

 

Siguro kasi ako yung nakikita nyang Ate dahil laging wala yung panganay na anak ng mga Mendoza.



 

“Ah, binigay sakin ni Yuna yan nung birthday ko last year.”

 

“Yuna?”

 

“Bunsong anak yun nung pinagsisilbihan na family ni Mama, ka-close ko kasi yun.” Paliwanag ko

 

“Really? Buti okay lang sa family? I mean, other families ay mahigpit sa nakakasalamuha ng anak nila”


 

Bakit mukhang interested si Winter dito?


 

Tumango naman ako, “Yeah, I guess nakuha ko yung trust nila nung grade 10 ako.”

 

“Grade 1o?”

 

“Remember nung pinilit ko mabayaran yung hospital fees ni Mama kasi ayaw kong magkaroon kami ng utang sa kahit na sino? They admired my guts ata during that time kaya ayun, they sometimes invite me out sa dinner and di nila nakakaligtaan bigyan ako ng gift tuwing birthday ko and kapag christmas.”


 

Hindi ko din aakalain na mapapalapit ako sa pamilya nila no.

 

I mean, sila yung nag-provide sakin ng allowance and ng dorm before pero yun lang yon.

 

Ayaw lang nila masayang potential ko dahil alam nilang magagamit nila ako in the future.

 

Nagustuhan siguro talaga nila yung attitude ko back then kaya hindi na ako iba sa kanila.

 

Dagdag mo pa lahat ng achievements ko sa school kaya naman tuwang tuwa sila sakin.

 

Sana daw naging anak nalang nila ako ng totoo.

 

Hindi naman sa pang-aano pero ang insensitive lang ng statement na yun slight.

 

Ano nalang iisipin ng mga anak nila kapag narinig yun?


 

“Mukhang ang bait nila.”

 

“Yeah.. kaso sobrang intimidating pa rin nila, nakakatakot. Dagdag mo pa na sobrang strict nila sa academics, minsan nga overwhelmed na si Yuna."

 

“What do you expect from a family of lawyers?”

 

“May point.”


 

Of course alam ni Winter yan, mula din sya sa family ng Lawyers.

 

Chineck ko yung phone ko and 5% charged pa lang.


 

“Meron ka bang charging port sa car mo?”

 

“Yup, kakalagay ko lang kahapon.”

 

“Okay sige, tara na ba?”

 

Tumango si Winter at tumayo na din, “Yeah, I’m ready.”


 

Pinatay ko na muna yung aircon at hinugot sa saksakan lahat ng appliances dahil mahirap na, baka wala na akong mauwiang dorm!

 

Sabay na kaming lumabas ng kwarto and parang sinampal ako ng init, grabe.

 

Hindi ko alam kung nasanay lang ako sa lamig ng kwarto or mainit talaga ngayong gabi.

 

Yung Civic pala ni Winter, yung latest na labas ng Honda jusko po. Ang ganda ng porma!

 

Kailan ko ba hindi mararamdaman ang pagiging mahirap tuwing kasama si Winter?

 

The answer is never.

 

Dumiretso na ako sa passenger’s seat at sya naman dun sa driver’s.

 

Naalala ko tuloy yung biglaan nyang pagharurot ng kotse nya nung nag Magin kami.

 

Once na gawin nya ulit yun, hindi ako magdadalawang isip na bumaba ng sasakyan.


 

“I made a playlist earlier pagdating ko sa dorm mo.”

 

“Ikaw magpapatugtog?” Tanong ko habang sinasaksak yung phone ko sa charging port nya

 

“Yup, pinaghalo ko yung pareho nating favorite.”


 

That’s cute.


 

“You sent me your playlist noon pa and dinagdag ko lang yung favorite songs ko so we can both enjoy it.”

 

“Ang sweet naman”

 

Winter smiled, “I can be really sweet if I want to.”


 

Show me more, babe. Charot.

 

Inistart na ni Winter yung kotse at nagsimula nang magmaneho.


 

“So, where should we go?”

 

“Mag drive ka lang, familiar naman ako sa mga daan dito kaya follow your guts lang at dumaan sa kung saan saan.”

 

“Alright.”


 

Very good si Winter dahil hindi nga masyado mabilis yung pagtatakbo nya.


 

“I missed driving at night. I used to do this all the time sa Switzerland.”

 

“Hindi ba minor ka pa lang nun?”

 

“17 palang pwede ka na kumuha ng license and the moment I turned 17, drive na ako lagi nang drive.”


 

Tumango-tango naman ako sa kwento nya.

 

Na-curious naman ako bigla sa buhay nya sa Switzerland.

 

Okay lang naman siguro tanungin no?


 

“Pano yung naging buhay mo sa Switzerland?”

 

“Let’s see.” Ang cute, parang pinag-iisipan nya talaga “I guess masaya naman and peaceful. Never naman nagkaroon ng problem sa financial and my Tita is taking care of me well.”

 

“I see, any hobbies?”

 

“Sobrang dami, hindi lang halata.”

 

“Like?”

 

“I’ve tried Kendo, Bowling, Badminton, and I took vocal lessons din pala kaya naging ganito kaganda yung voice ko. I also like to read books dati, binabasa ko any genres”

 

“Kendo? Kaya pala ang bigat ng kamay mo.”


 

Sinabi ko na ngang mabigat ang kamay nya, nagawa pa akong hampasin!

 

Ang galing talaga.


 

“Nabanggit mo na meron kang friend dun diba? What’s her name?”

 

Pinanlisikan nya ako ng mata, “Aahasin mo rin?”


 

Wala na, sirang sira na image ko kay Winter.


 

“Judger ka, curious lang naman ako! Kung ayaw mo sabihin edi gawan mo ng codename.”

 

“Wag na, hindi mo din naman mahahanap yun kasi she doesn’t use SNS.”


 

May taong hindi gumagamit ng SNS??

 

Kailangan ko sya makilala at magpapa-seminar ako!


 

“Edi use her name na para hindi ka naman hirap na hirap magkwento tulad nung sa kapatid mo.” Pang-aasar ko kaya naman napairap sya

 

“Her name’s Vicky, mas bata lang sya ng ilang months sakin pero same kami ng year."

 

"Vicky? Ang cute naman ng name.”

 

“Name palang alam mo, ang landi mo na.”

 

“Wala pa nga akong ginagawa!” Depensa ko, causing her to giggle


 

Di ko alam kung trip lang ba ako ni Winter o ganun na kababa ang tingin nya sakin.


 

“Hindi ko alam if we’re friends kasi we mostly roast each other lang. Pag nagkikita kami parang lagi rin kaming nagsusungitan or binabash yung isa’t isa pero we know each other’s secrets. We’re weird, no?”


 

Parang ganyan lang naman sila Yeji and Ryujin. Puro bangayan pero they know each other well and super close sila.


 

“Para na nga kayong mag Bffs base sa description mo”

 

“Maybe. Sya lang naman kasi nakakaintindi sakin and sobrang dami naming similarities lalo na sa mukha. Takot lumapit samin yung students kasi parang ang laki ng galit namin sa mundo.”


 

Parang ang lakas nila maka mean girls kung iisipin, nakakatawa lang.

 

But I’m happy na merong tao na nasa side ni Winter habang nandun sya sa Switzerland.

 

Sobrang malulungkot ako kung kahit isang kaibigan talaga ay wala sya.

 

They might not label themselves as friends pero halata naman na they are more than that na.

 

Hindi lang sila vocal sa isa't isa about their friendship pero the fact na alam mo yung secrets ng isa't isa tapos hindi mo naman pinagkakalat, meron na kayong deep friendship non.


 

“Hindi ka naman nakakatakot talaga. Para ka ngang puppy.” Sabi ko sa kanya at pabiro pang tinutusok yung dimples nya

 

“A puppy? How dare you compare me to a cute animal, Yu Jimin?”

 

“Why? Ang cute cute mo kasi naaalala ko yung Maltese ni Tiffany Hwang sayo.”

 

“Tiffany who? And I don’t look like a Maltese! And I'm not cute!" Mariin nyang tanggi


 

Hindi ka cute?!

 

Winter, mahihiya ang mga sanggol sayo sa sobrang cute mo!


 

“Oo kaya, lalo na ngayon! Para kang angry maltese.”

 

Winter scoffed, "Angry Maltese? I don't look like one!"

 

"Tignan mo sarili mo ss rear view, mukha ka talagang galit na aso." Natatawa kong sabi at kukurutin nya pa sana ako pero hinawakan ko ang kamay nya

 

“Isa pang asar, pabababain kita dito sa kotse at maglakad ka mag-isa pauwi.”

 

“Hindi mo alam yung directions, Winter.”

 

“May waze application ako, wag mo ‘kong subukan.”



 

Edi shut up na ko dun. Pag sinabi ni Winter na gagawin nya, gagawin nya.

 

Ginrab ko na yung chance para hawakan yung kamay ni Winter habang nagda-drive.

 

Ang warm ng kamay nya, compared sakin na sobrang lamig lagi.


 

"Is this okay?"

 

"Hawak mo na nga, tatanungin mo pa?" Aba nagawa pa kong irapan

 

"Syempre, consent is important."

 

"You're ruining the mood."

 

"I'd rather ruin the mood than make you do something you don't want."

 

"Okay, lover girl. You can hold my hand. Ayan, happy?"

 

"Very."


 

I intertwined our fingers and ang cute lang na we fit each other perfectly.

 

Naalala ko tuloy yung kanta ng One Direction.

 

Your hand fits in mine like it's made just for me but bear this in mind, it was meant to be.

 

At that certain moment, parang ayaw ko na bitawan yung kamay nya kahit kailan.

 

Definitely not in this lifetime, magkakapatayan tayo.

 

Pero if she wanted to let go, hahayaan ko naman sya.

 

Basta hangga't willing syang hawakan ang kamay ko hanggang dulo, hinding-hindi ko 'to bibitawan.

 

Wow, ang sweet ko dun!

 

Drive lang nang drive si Winter at hindi ko naman inexpect na sa Pasay kami mapapadpad.

 

Sakto parang ang sarap tumambay sa seaside.

 

Dun na sana kami papunta agad kaso may nadaanan kaming isang peryahan.

 

Parang magandang ma-experience din ‘to ni Winter.

 

Tagal ko na rin simula nung nakapunta sa isang perya.

 

Pinapark ko nalang kay Winter sa gilid yung kotse nya at lumabas kami.

 

11 palang naman ng gabi at medyo madami pa ang tao.


 

“Where are we?”

 

“Peryahan.”

 

"What's a peryahan?" Tanong nya habang lumilinga-linga sa paligid

 

“Parang low budget amusement park kung ide-describe.”

 

“I see.”


 

Hinila ko na sya sa loob at tinignan ang paligid.

 

Syempre hindi mawawala sa perya yung ferris wheel na parang isang ikot nalang kakalas na.

 

Meron ding octopus and caterpillar ride na punong-puno na ng kalawang yung riles at parang anytime kakalas na din yung mismong ride.

 

Tinry na namin sakyan dati yung ferris wheel kasi tangina napilit ako nila Yeri at halos himatayin na ako after nung ride.

 

Nagwawala talaga ako sa loob kasi parang anytime kakalas na tsaka parang may tumutunog pa dun na screw kaya nakakatakot talaga.

 

Pati sila nagpanic din dahil sa reactions ko.

 

Ang ending, never na kami sumakay ulit dyan sa bwisit na ferris wheel na yan.

 

Dito rin lumala yung takot ko sa rides kaya kahit alam kong safe naman dun sa mga amusement park, hindi talaga nila ako mahahatak.

 

Marami namang mga palaro dito kaya dun nalang siguro kami.


 

“Jimin, bakit nakakatakot yung rides? Parang anytime kakalas na?”


 

Thank God at same kami ng pananaw ni Winter sa rides dito sa peryahan.

 

Hindi ko alam ang gagawin ko pag nagpumilit syang sumakay dyan.


 

“I know right. Kaya wag mo na subukan, maglaro nalang tayo dito.”


 

Madaming tao lalo na dun sa color game. Mamaya samin yan pag na explore na namin yung ibang palaruan.

 

Dinala ko sya sa isang stall kung saan nagpapalaro ng lobo tapos darts. Di ko alam yung tawag sa laro na yun.

 

Basta depende yung mapapanalunan mo sa kung gaano karami yung lobo na puputok.

 

Hindi naman magarbo yung mga prize, mga pagkain lang na mabibili mo naman sa tindahan pero syempre, yung excitement naman habol mo dito and experience.


 

“Try natin ‘to.”

 

“How do we play this ba?”


 

30 pesos limang darts. Parang medyo lugi ka naman dito pero sige na nga.


 

“Bibigyan tayo ni Ate ng 5 darts tapos kailangan marami kang maputok na lobo para manalo ka ng price.”

 

“What price? Will we get a macbook air or something?”


 

Gago, anong akala nya ba sa pinuntahan namin, casino?


 

“Hindi, ayun lang oh yung mga naka-box na snacks.”

 

“Yan lang? I have like 3 of those sa condo. Mas marami pa yung stock ko sa lahat ng yan.”


 

Hindi ko na napigilan yung bibig ni Winter kaya naman ngayon ay pinagtitinginan kami ng mga tao.

 

Sorry na po, naligaw po ang isang burgis na katulad nya. Hindi sya bagay sa mundo nating mga kapos palad.

 

Nahihiyang nagbigay nalang ako ng 60 pesos para makapagsimula na kami.


 

“Jimin, paramihan tayo?”

 

Nginisian ko sya, “Ako pa hinamon mo, ang galing galing ko kaya dito.”

 

“I always play darts at home no, meron pa nga ako nyan sa room.”


 

Pano ba yan Winter, uso ang dayaan dito?


 

“Sige, tignan natin yung pinagmamayabang mo.”


 

Meron kasing parang pampabigat dun sa dulong part ng darts at parang hindi sobrang talas kaya mahirap makaputok ng lobo.


 

“Kapag nanalo ako, may gagawin ka para sakin.”

 

“Sure.”


 

Binigyan pa ako ng confident smirk ni Winter bago tumayo ng tuwid at pumosisyon.

 

Putangina, ganap na ganap ang bata akala mo talaga professional dart player.

 

Confident nyang binato yung unang dart pero walang tinamaan at nahulog pa.

 

Hindi ko naman napigilan yung tawa ko kasi gulat na gulat yung reaction nya.

 

Nakita ko ding napatakip ng bibig yung mga nasa paligid namin.

 

Kahit si Ate na nagbabantay biglang napatalikod.


 

“I was just practicing.”

 

“Sige, sabi mo eh.”


 

Dun naman sa pangalawa nyang bato, nilaksan nya na pero pumagitna lang ito sa dalawang lobo.


 

“Wait lang, I need to exercise my wrist. Hindi na ako sanay.”


 

Nakakatawa lalo kasi nagdadahilan pa sya.


 

“Bilisan mo dyan, ang daming naghihintay.”

 

“Nagbayad tayo, maghintay sila.”


 

Talagang nilaksan nya para marinig nung group of friends na nasa likuran namin no?

 

Pag yan nanghamon ng away, labas ako dyan. Mahirap kalabanin ang mga ganyang tao! Parang kayang-kaya ako pabagsakin.

 

Kung ano ano pang warm up ang ginawa nya bago ibato yung dart.

 

Lahat nga kami nagulat nung bigla ba namang sumigaw si Winter at nagtatalon talon na parang bata.


 

“Nakita mo yun? I told you, I’m just warming up!”

 

Ang cute nya kahit medyo nakakayamot, “Then, ulitin mo sa next 2 para di ka naman mapahiya.”


 

Ayun, ang bata pinasukan na ata ng hangin sa utak dahil confident na confident syang bumato para lang tamaan yung isang malaking bakanteng space.

 

Syempre bilang gago, tumawa ako.


 

“May daya to, I swear to God! Ang ganda nung bato ko!”


 

Tinignan naman sya nung nagbabantay at agad ko nalang to sinensyasan na hayaan na.

 

Jusko Winter, baka ma-ban pa tayo dito.


 

“Wala yan, sadyang hindi ka lang talaga magaling.”

 

Winter scoffed, “Pakita mo mamaya yung galing mo.”

 

“Expert na ako dyan tanga, ako pa hinamon mo.”


 

Umirap lang sya at walang kagana-ganang ibinato yung darts at dun pa sya nakatama ng isang lobo.

 

Mas nagulat pa sya kesa samin.


 

“Kita mo yun? Hindi ako nagseseryoso pero natmaan ko pa din. I’m that good.”


 

Kung ano ano na sinasabi nya para maisalba ang kanyang pride, nakakatawa talaga.


 

“Nung nagseryoso ka nga, wala kang natamaan. Chamba lang yan.”


 

Finally, it’s my turn.

 

Pabiro ko pang tinulak si Winter paalis dun sa pwesto nya pero syempre, nagawa nya pa akong itulak nang mas malakas at muntik pa kong masubsob dun sa loob ng stall.

 

Ang gago talaga.

 

Casual lang akong nagbato ng darts, hindi masyadong malakas at hindi din masyadong mahina.

 

Tama lang.

 

And boom, 4 na lobo yung naiputok ko.

 

Binigyan ko agad ng pang-asar na ngiti si Winter habang kinukuha yung prize kong cheese ring at mini goya.


 

“Ano ang sabi mo kanina? Expert ka sa darts?”

 

“Shut the up, umulit tayo."


 

Yung definition nya po ng umulit is hindi sya titigil hangga't di nya napuputok yung limang lobo ng isang laruan lang.

 

Naka 10 games pa sya bago naging satisfied at imagine three ing hundred pesos na agad yung nagastos nya sa iisang game!

 

Isang game palang yan!

 

Tinry ko naman syang pigilan kaso muntik na akong masaksak ng darts dahil dun.

 

Mahal ko pa naman buhay ko kaya hinayaan ko nalang sya.

 

Sobrang competitive talaga ng babaeng to.

 

Next naming pinuntahan is yung tapat na stall kung saan may baril-barilan.

 

Puta, di ko talaga alam mga tawag sa laro dito.

 

Basta merong pellet gun tapos parang mga target na dapat mong mapatumba.


 

“I swear, magaling ako dito. May daya yung kanina so hindi ko naipakita yung skills ko.”


 

Ayan na naman sya.


 

“Wag ka puro yabang.” Pang-iinis ko at umepekto naman dahil hinampas nya ako ng wallet sa mukha


 

30 pesos lang din dito tapos merong 12 na bala bawat baril.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
545 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
545 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha