Kasama Kita

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Maging Malaya

 

Sa totoo lang, hindi pa kami titigil ni Winter sa pagdradrama dun sa parking lot kung walang gugulo samin. 

 

Nawala sa isip namin kung nasaan ba talaga kami at wala na kaming pake sa paligid, basta we’re having a moment!

 

Kaya naman muntikan pa kami mapaaway kasi parang babanggain pa kami nung isang kotse dun na kating kati na ata lumabas akala mo mauubusan ng kalsada. 

 

Uso naman magsabi o bumusina, diba? 

 

Di naman kami bingi! 

 

Susugod pa nga sana si Winter pero napigilan ko na lang sya. 

 

Nakita ko kasi na parang ang laki nung katawan nung lalaki tangina kahit taekwondo black belter ako, mas okay na yung umiwas sa mga ganyang tao. 



“So, san na tayo?” Tanong ko habang naglalakad kami palayo dun sa parking lot 

 

“The reason why I’m here in the first place is because bibili sana ako ng home decoration kasi you told me na ang patay ng condo ko.” 



Napangiti naman ako dun. 

 

Finally, cinonsider nya na rin lagyan ng design ang sobrang dull nyang condominium.

 

Ngayon pa lang, ang dami nang pan-decor ang tumatakbo sa isip ko na maaring bumagay dun sa bedroom nya. 

 

Well, may pera naman sya kaya mas mapapadali ang buhay namin. 

 

Pipiliin ko nalang lahat ng magagandang decorations dun without worrying about the money. 



“Then, tara?”

 

“Wait let’s fix ourselves muna, we look stupid.” 



Natawa naman ako dun kasi totoo nga naman. 

 

Para kaming mga bata na kakatapos lang sa mahabang iyakan dahil hindi kami pinagbigyan ng magulang namin lumabas para maglaro. 

 

Gulo gulo ang buhok tapos mugto pa ang mga mata. 

 

Medyo lukot na rin yung damit ko dahil kapit na kapit si Winter sakin kanina. 

 

Grabe, mukhang basahan na nga ako tapos nalukot pa yung damit. 

 

Hindi naman siguro ako paalisin sa mall no?

 

Buti nalang nga rin at waterproof yung makeup ni Winter kaya hindi nagkalat yung eyeliner nya and mascara dahil ewan ko nalang kung hindi. 

 

Probably tatawanan ko pa sya imbis na magsagutan kami kanina kung sakaling kumalat yung make up nya. 

 

Bago ko sya i-comfort sa pag-iyak nya, tatawanan ko muna sya.

 

Jusko, ang chaotic isipin. 

 

Ako naman hindi ako nag make up dahil malay ko bang makikita ko sya dito. 

 

Pulbo at lip tint lang ata ang nilagay ko kanina bago umalis kaya tamang punas nalang ako ng natuyong luha at ayos ng buhok. 

 

Maiksi na rin pala ang buhok ko kaya hindi na masyadong hassle sa pag-aayos. 

 

Grabe, i can't believe na papasok ulit kami ng mall na ganito ang mga itsura namin. 

 

Napansin ko rin yung difference ng suot ko sa suot nya at once again, nagmukha na naman akong kawawa.

 

Parang bibili lang ako ng suka sa may kanto tapos sya parang pupunta sa isang mamahaling restaurant or something. 

 

Ayoko na.



“Jimin, your hair looks good on you pala.”



Napangiti naman ako kasi the moment na natapos yung paggugupit sakin, inaabangan ko na agad yung mga posibleng sasabihin ni Winter. 

 

Yung takot and insecurity ko, nawala na parang bula.

 

Pag sinabi ni Winter na maganda, edi maganda.

 

Feeling ko sobrang ganda ko na talaga! 



“Syempre, maganda ako.” 

 

Winter giggled, “You didn’t change that much pero your whole aura changed, babe.”

 

“B-babe?”

 

“You don’t like it?”



Winter, tangina ka naman. 



“I like it… kaso medyo hindi lang ako sanay sa call signs.” Explain ko sa kanya at sana hindi sya magalit

 

Winter sighed in relief, “Really? Ako rin but akala ko mahilig ka dun since you’re so corny kaya I called you that.”

 

“Grabe ka sa corny!” Tinulak ko sya ng mahina, “Since hindi tayo fond parehas sa pet names, tawagin nalang natin yung isa’t isa by our first names?”

 

“Sure, I like saying your korean name more than any call signs.” 

 

“Dapat lang, bilang ko lang kaya sa daliri yung tinatawag ako ng korean name ko.” 



Kahit mga tropa ko hindi ko hinahayaan na tawagin ako sa Jimin pero hindi naman ibig sabihin nun ay di na sila importante sakin. 

 

Sadyang ayaw ko lang na tinatawag akong Jimin ng mga tao dahil feeling ko iba ako sa kanila.

 

Masunurin naman yung mga kaibigan ko kaya tinawag nila akong Karina. 

 

Si Mama tapos Mendoza fam naman understandable na Jimin itatawag sakin nun. 

 

Sila Wonyoung at Winter lang talaga yung matitigas ang bungo at nagpumilit. 

 

And ayoko na magdagdag pa ulit dun. 

 

Winter is the last na, hopefully.



“And that makes me special?”

 

Tumango ako at nginitian sya, “Very.” 



Nang natapos na syang mag-ayos, naglakad na kami papasok ulit ng mall na parang walang nangyaring heated confrontation kanina lang. 

 

Hawak ko ang kamay ng girlfriend ko.

 

Kaninong kamay hawak ko?

 

Sa girlfriend ko! 

 

Hindi pa rin masyado nagpro-process sakin na kami na. 

 

Medyo mabilis kasi yung pangyayari. 

 

Nung nakita ko sila ni Kuya Soobin, nagalit ako at nalungkot. 

 

Nung nagkasagutan kami ni Winter, sobrang heated din nun at lumabas lahat ng emosyon ko. Sobrang vulnerable ko that time. 

 

Nung umamin sya sakin, sobrang saya ko naman. 

 

Oh diba, kung hindi ako mabaliw dyan edi ang tibay ko naman.

 

Hindi ko alam pero parang panaginip lang yung nangyari kanina. 

 

Parang ilusyon lang na gawa gawa ng isip ko dahil sobrang nalulumbay ako. 

 

Pero everytime na titignan ko sya, at ngayong hawak ko ang kamay nya, masasabi ko na totoo nga ‘to. 

 

How did I manage to get this lucky? 

 

Minutes ago, si Kuya Soobin pa ang nakaakbay sa kanya. 

 

Ngayon, ako na ang may hawak ng kamay nya. 

 

Di pa rin ako makapaniwala. 

 

Pipiliin ako ni Winter kahit na si Kuya Soobin na may gusto sa kanya? 

 

Aba! 

 

Hindi na ako magugulat kung magigising nalang ako sa panaginip na ‘to! 



“Ano pala sinabi mo kay Kuya Soobin?” 



Na-curious kasi ako bigla kung ano ba yung sinabi nya kay Kuya Soobin bago nya ako sundan. 

 

Nagdahilan ba sya kunwari na meron syang gagawin? 

 

Sinabi nya ba na magccr lang sya?

 

O baka naman-



“I just said na I can’t be with him because ikaw lang yung gusto ko.” 



That was straightforward. 

 

Very Winter. 

 

Expected ko naman na direct talaga sya pero medyo nakakagulat pa rin na yun lang ang nirason nya. 

 

Medyo ang tangina ko kasi nagawa ko pang kiligin sa sitwasyon na ‘to kahit nasaktan na ni Winter si Kuya Soobin.  



“At hinayaan ka lang nyang umalis?”

 

Winter nodded, “Of course, nag sorry pa nga sya sakin kasi baka daw napipilit nya ‘ko gumawa ng mga bagay na sobrang against ako.”



See? Sobrang bait ni Kuya Soobin! 

 

Sya na yung sinaktan, sya pa yung nag sorry! 

 

He’s so damn perfect. 

 

Kaya nga tanggap ko na kanina kahit sya pa piliin ni Winter kasi alam kong hinding hindi sya sasaktan nito. 

 

But this lucky still managed to snatch Winter’s heart. 

 

And that lucky is me. 

 

But then, may naalala ako bigla. 



“Then, yung crush na tinutukoy mo is ako?” Tanong ko sa kanya at inirapan nya naman ako

 

Inirapan nya ako, “Duh, who else?”

 

“Pero may sinabi ka na never ko naman pinagawa sayo.” 

 

“And that is?”

 

“Magpahaba ng buhok and to dye your hair.” Tumango naman sya, "Winter, just tell me the truth na hindi nga ako yung crush mo. Okay lang sakin.”



Never ko mamandohan yung isang tao about sa itsura nya no! 

 

That’s a no no. 

 

Never ko ginawa yun sa buong buhay ko kaya hindi ako makapaniwala na ako yung crush ni Winter. 

 

Naghihinala na talaga ako na ibang tao yun. 

 

Which is okay naman sakin. 

 

Okay lang talaga sakin! 

 

Basta magsabunutan muna kami kung sino man yon! 

 

Winter smiled and leaned on my shoulders. 

 

Parang syang baby, jusko napaka-cute naman ng girlfriend ko. 

 

Pero please, wag mo akong daanin sa ganyan. 

 

Kasi bibigay ako. 

 

Kailangan ko malaman kung sino yun para matahimik ang buhay ko.



“Hindi mo naman kasi sinabi sakin yun directly, I made that choice myself.” 

 

Naguluhan naman ako dun, “Hindi ko gets, diba nagkakilala lang tayo last month? Sa Vinzons?”

 

Tumawa si Winter and gave me a teasing glance, “It’s because you’re stupid, really stupid.” 

 

“Huy, anong stupid? Winter, nagkakilala na ba tayo dati?”

 

“Hulaan mo.”



Aba, gusto nya pa talagang pag-isipin ako! 



“Alam ko hindi pa talaga kita nakikita kasi kung kilala na kita dati pa, bakit hindi kita matandaan? With that face, I highly doubt na makakalimutan ko yan. Ang ganda ganda mo kaya!” Pagrarason ko



Bigla namang napayuko si Winter at nakaramdam ako ng mahinang suntok sa kanya. 

 

Ooh, is she shy?

 

Ang cute talaga! 



“Wag mo nga ako daanin sa ganyan.” 

 

“Totoo naman yung sinabi ko ah?"

 

"Oo na, so shut up."

 

"So, saan nga tayo nagkita dati?” Pamimilit ko sa kanya

 

“Secret walang clue.”



Nakakainis! 

 

Ginamit nya pa yung favorite line ko! 



“Dali na Winter, pag-iisipin mo pa ko.”

 

“Para naman magamit mo yang utak mo, sa acads ka lang kasi magaling.” 

 

“Nakaka-offend ha!” 

 

Tinaasan nya ako ng kilay and smirked at me, “Very offending kasi it’s true?”

 

“Ang sama mo.” 



Tinry kong bitawan ang kamay nya pero hinawakan nya ito ng mas mahigpit at nagawa pa akong tawanan. 



“Kasi you’re so stupid, minsan nakakainis na.” Nakakailang stupid na sya ha

 

“I’m not stupid, sadyang hindi mo lang nililinaw!”

 

“Why are you shouting at me?!”



Napatigil kami bigla sa paglalakad at napatingin sa paligid. 

 

Grabe, sobrang lakas ata ng boses namin.

 

Ang dami pa namang tao. 



“You’re so embarrassing, Jimin.” Natatawa nyang sabi at naglakad na kami palayo dun sa eksena

 

“And sino may kasalanan? Just tell me kasi kung saan tayo nagkakilala.” Pamimilit ko ulit habang tinutusok yung tagiliran nya

 

“Wait, nakikiliti ako ano ba Jimin!” Hoy yung daliri ko parang mababali gago si Winter! “And it’s not my fault na hindi mo maalala because you’re stupid.” 

 

“Pang-ilang stupid na yan ha, I’ll break up with you.” Biro ko

 

“Don’t you dare.” 



Ito lang pala ang magic word kay Winter.

 

Charot, ayoko gamitin ulit dahil mamaya nyan ituloy nya pa.

 

Pag pumayag sya edi yun pa naging dahilan ng ikakasakit ng puso ko. 

 

Ahh, I’ve missed her so much. 

 

Sobrang cute nya na naman.

 

Para syang angry puppy kung makatingin sakin.

 

Ayaw nyang maniwala na mukha syang angry maltese when she looks like this? Pambihira! 

 

I want to kiss her tuloy. 

 

Kaso maraming tao at chismosa sa paligid. 

 

Panget naman kung dito pa kami mag live show. 

 

Pipigilan ko nalang muna yung panggigigil ko sa kanya at babawian sya kapag nakalabas na kami ng mall. 



“I’m just joking, I will never break up with you.” 

 

“Sus, you’re just saying that, Jimin.” 

 

“Hindi no. Kapag nagkagusto ako sa isang tao, hinding hindi ko na sya pakakawalan.” Pag-amin ko

 

“But you let Wonyoung go?”

 

“Kasi sya yung unang umalis. Ganun lang naman ako mag mahal, Winter. As long as hindi mo ako iiwan, I will stay loyal only to you.” 

 

“Edi wow.” Ayan lang ang nasabi nya kaya napangiti ako



Ang cute, namumula na naman si Winter.

 

Sarap talaga panggigilan! 

 

Pero okay, kumalma muna tayo. 

 

Nasa public place tayo.

 

Hindi pa ba sapat yung kahihiyaan namin kanina sa parking lot?

 

Sabay na kaming pumasok sa SM Home dito sa upper ground.

 

Lakas maka married couple vibes na wala pang isang buwan simula nung kinakasal at ngayon ay naghahanap ng bagong kagamitan sa bahay yung ganap namin. 

 

Kikiligin na sana ako kaso naalala ko na naman yung ayos ko. 

 

Kainis, gusto ko magpalit ng damit! 

 

Parang mukha pa akong PA imbis na jowa kasi sobrang artistahin ng mukha ni Winter. 

 

I made a mental note na hinding hindi na ulit ako pupunta ng mall while wearing casual clothes. 



“You choose kung anong maganda, I don’t know how to decorate my condo.” 

 

“Pero may naiisip ka ba na ideas kahit konti ganun?”

 

“Let’s see. Maybe I want it to be minimal lang, hindi ko lang alam kung pano.” 

 

“Alright, I got this!”



Mahilig din ako sa minimalist designs kaya may confidence ako rito. 



“Wait, may dala ka bang kotse?”

 

Umiling si Winter, “Oh, wala. Sumabay lang ako kay Kuya Soobin.”

 

“Sige, wag muna tayo bumili nung malalaking pan decor. For next time na yun.” 



Parang ngayon nalang ata ako makakatingin ng kagamitan personally kasi kadalasan sa online shopping nalang ginagawa namin. 

 

Si Aeri mahilig bumili ng kung ano anong estetik decors sa room namin dahil tiktokerist yun and mahilig sa mga aesthetic shots kaya ginawa nya yung room namin na ganun na mismo. 

 

Not complaining naman kasi sobrang ganda. 

 

Minsan nagpi-pictorial talaga kami ni Aeri dun kapag walang ginagawa. 

 

Half ata ng pictures ko sa IG is sa room lang namin. 

 

Nag-check na rin ako sa Pinterest kung ano ba yung babagay dun sa set up ng kwarto ni Winter at syempre, cino-consult din sya about dun. 

 

This will be fun.



----------------------------------------------------------------------------------------------------

 

10:20 na nung nakarating kami sa condominium ni Winter.

 

Nag grab nalang kami since wala syang dinalang kotse. 

 

Ilang oras din kaming nag ikot ikot para maghanap ng pwedeng mailagay sa kwarto nya. 

 

At sobrang dami ng nabili namin. Half walang kwenta at half kailangan talaga sa bahay.

 

Sya yung nagsabi na hindi nya alam ilalagay sa kwarto nya pero sya yung maya’t maya kung kumuha ng kung ano ano dun.

 

Napakagaling. 

 

Bumili kami ng common na nakikita sa mga kwarto ngayon which is string and led lights, mga organizers, blinds, bagong curtains tapos bed covers.

 

Bumili nga rin sya ng bookshelf anf bagong study table na ide-deliver nalang bukas. 

 

Sabi ko wag muna yung malalaking bagay pero nagpumilit sya kaya sige.

 

Meron din kaming nakitang levitating color moon at na amaze sya kaya binili nya na rin. I think nakita ko na yung somewhere sa social media, hindi ko lang inexpect na makikita ko sa SM Home. 

 

At least they’re improving.

 

Meron din kaming nakitang mini humidifier na may cute na figure dun sa gitna.

 

Kinuha nga agad ni Winter yun pagkakita nya pa lang kahit hindi nya pa alam ang purpose talaga. 

 

Napakagaling!

 

Bumili rin kami ng maliit na digital clock na nag-iiba iba yung kulay kasi ang satisfying lang tignan. Babagay to dun sa rainbow led lights nya. 

 

Sakto nga rin at dumating na rin yung package nya from Lazada kanina. Buli kasi sya nung Royal Kludge na keyboard. 

 

Tangina, hanggang ngayon di ko pa rin gets kung bakit sobrang hyped ng keyboard na ‘t0?

 

Bukod sa satisfying syang pan-type, ano pang unique feature nito? 

 

Normal na keyboard lang naman yan. 

 

Parang wala naman yan pinagkaiba sa classic keyboard na nakikita mo dati sa mga local computer shop. 

 

Yung tipong sira sira na yung spacebar tapos ASDW na keys. 

 

Medyo malagkit and oily pa minsan dahil kung sino-sino gumagamit. Lagi talaga ako may dalang alcohol nun tapos tissues kasi nakakadiri. 

 

Pero gagi, ka-miss! 

 

Tambay ako noon sa computer shop para mag search ng assignments na mamadaliin ko para makapag-tetris at pet society sa facebook right after. 

 

Good times. 

 

At diba si Winter mahilig yan sa mga eco kinemerut e sakto meron kaming nakita na ecosphere dun. Para syang closed ecosystem na nakalagay sa glass orb.

 

Di ko alam kung ano yung purpose nun pero mukhang ang astig kaya binili na rin namin. Madalas ko rin to makita sa tiktok kaya nga himala na merong ganito dun sa SM dahil sa online lang sya kadalasan makita. 

 

Hindi ko na rin alam kung ano pa yung tawag sa iba naming pinamili.

 

Basta mukhang maganda, nilagay ni Winter dun sa cart.

 

Iba na talaga ang may pera! 



“Jimin, your phone’s ringing.” 



Ang gago na Winter, binato sakin yung phone at parang inatake na rin ako sa puso kasi sobrang biglaan lang? 

 

Muntik ko pa na hindi masalo kasi kapos yung bato nya.

 

Seriously, anong meron sa kanya at ang hilig nya ibato ang mga bagay bagay?

 

Ang layo pa naman namin sa isa’t isa tapos ang mahal nung pinagbabato nya!

 

Di ko na alam gagawin sa babaeng ‘to, Lord.

 

Tinignan ko na yung screen at call pala mula kay Seulgi yun.

 

Anong meron? 

 

Kanina pa sila nagkakagulo sa GC pero hindi ko lang pinapansin kasi busy ako kay Winter. 



“Seul?”

 

“Karina, nasaan ka?”



I was taken aback kasi sobrang seryoso ng boses ni Seulgi. 

 

Kung hindi ko nakita kung sino yung tumawag, hindi ko maiisip na sya to!



“Nandito kila Winter, bakit?”

 

“Pumunta ka ngayon sa condo, andito lahat. May sasabihin lang kami.” 



Huh?



“Ano meron? Importante ba?”

 

“Importanteng importante.” 



Hindi ko alam pero napalunok ako dun. 

 

Ginagago lang ba ako ni Seulgi o seryoso talaga sya?

 

May kakaiba akong kaba na nararamdaman dahil mukhang seryoso talaga pero hindi ko ma-eliminate yung chance na baka may trip silang gawin sakin. 

 

Ginawa na nila sakin to nung 1st year college ako. 

 

Pinakaba nila ako one time at sinabi na meron silang importanteng sasabihin pero nung dumating naman ako dun sa sinabi nilang lugar, inuman lang pala. 

 

Nanlumo ako dun kasi ang dami kong papers na ipapasa! 

 

Gusto lang daw kasi nila na pumunta ako kasi matagal na akong di sumisipot dahil busy nga. 

 

Naintindihan ko naman na miss na nila talaga ako kaya pinagbigyan ko nalang din sila that day.

 

Ah, baka yun nga lang din yun. 

 

Ha! Ako pa nagawa nilang lokohin. 

 

Ang weird na magkakasama silang lahat tapos hindi ako aware! 

 

May binabalak ang mga tangang to. 



“Ayoko nga, kayo nalang pumunta dito sa condo ni Winter kung gusto nyo.” 



Ay wait, wala pa palang permission sa may ari! 

 

Agad akong lumingon kay Winter pero binigyan nya lang ako ng tango. 

 

Parang walang desisyon talaga ang tao na ‘to. 

 

Laging okay lang ang sagot. 



“Kila Winter?”

 

“Oo, sa blue residence lang naman.” 



Natahimik naman saglit si Seulgi. 



“Sabi ni Karina puntahan nalang daw natin sya sa condo ni Winter.” 

 

“Pwede naman, mas maganda yun dahil andun si Winter para malaman nya.” Boses ni Yeri yun ah. So kumpleto nga?

 

“Okay sige, sabihin ko.” Mukhang tinanggal na ni Seulgi ang walang silbi nyang pagtatakip sa mic. “On the way na kami dyan, salubungin nyo nalang kami sa entrance para di na hassle.” 

 

“Okay sige, tsaka sabi mo kumpleto tropa no? Tulungan nyo na rin kami sa pag decorate ng kwarto ni Winter. Seul, dalhin mo art mats mo tapos ibang gamit ha.” 



Grab ko na yung chance para matapos agad namin ni Winter yung pag-aayos ng kwarto nya.



“Gago ka.” 

 

“Dadalhin mo? Sige salamat!” 

 

“Hoy, Karina!”



Binaba ko na yung tawag at inilapag sa lamesa yung cellphone ko. Nilapitan ko si Winter na ngayon nandun sa study table at may inaasikaso sa laptop nya. 



“Sure kang okay lang sila pumunta dito?”

 

Tumango naman sya, “Oo naman, they’re my friends na rin.” 



Napangiti naman ako dun. 

 

I’m happy kasi Winter considers them as friends already. 

 

Yun naman ang gusto ko mangyari una pa lang. 



“Will you tell them na tayo na?” Tanong nya sakin

 

“Oo naman! Ipagmamayabang ko pa.” 

 

Winter laughed, “Hindi na tatalab yan because they realized my feelings for you earlier than you did.” 



Napabusangot naman ako. 

 

Totoo naman. 

 

Una pa lang inaasar na nila ako kay Winter. 

 

Ako lang yung mahilig tumanggi at mag deny.

 

Hindi nila ako masisisi dahil sigurista ako! 

 

Hindi ako mahilig sa sabi sabi lang, dapat mismo dun sa tao mismo para hindi mag cause ng conflicts. 



“Tamang hinala kasi yung mga yon, sadyang tumama lang talaga sila ngayon.” 

 

“Whatever you say, Jimin. Ilagay mo na yung string lights bilisan mo.” 




Ikinabit ko yung mga hooks na pagsasabitan nung string lights dun sa left side ng wall. Dito yung part na walang nakalagay na kahit na ano kaya dito namin naisipan na ilagay para cute.

 

Si Winter naman, nagpri-print sya ng pictures na ilalagay namin dito. 

 

Bumili pa nga ng instax yan kanina tapos sandamakmak na films dahil gusto nya gamitin namin yun bukas to savor the memory.

 

Jusko po, ano bang balak nya? Every kanta may picture kami? Ang gastos ha!

 

Tsaka akala ko ba she hates taking pictures? Bakit lately sya na mismo ang nagayayaya sakin?

 

And pwede naman i-develop yung mga pictures mula sa phone gaya ng ginagawa nya ngayon. 

 

Believe me when I say na nabanggit ko na yan pero muntikan pa kami mag eskandalo dun sa shop dahil ayaw nyang makinig sakin. 

 

Nakaka-bother na talaga ang pagiging magastos ni Winter dahil parang lumalala pero wala naman akong magawa dahil takot ko na lang sa kanya. 

 

Sana nga dalhin talaga ni Seulgi yung art materials nya para makapag-paint kami mismo sa walls ng kwarto ni Winter. 

 

Imbis na wallpapers, mas maganda kung painting talaga. 

 

Gusto ko rin maranasan ni Winter ang paggawa ng ganun dahil sobrang saya. 

 

Sa kanya na rin naman nanggaling na kaibigan na ang turing nya kila Ryujin and I’m sure ganun na rin sila kay Winter kaya magandang maisama na sya sa usual naming ginagawa. 

 

Isa na sa mga hakbang ang pagde-design ng kwarto nya. 

 

Pero habang wala pa sila, ilalagay na muna namin yung ibang decorations para mabilisan nalang. 

 

Along katipunan lang naman yung condo ni Seulgi kaya maya maya ay nandyan na sila.



----------------------------------------------------------------------------------------------------



Na-install na namin yung bagong kurtina, blinds, bed sheets, yung mga ilaw, pati na rin yung pictures. 

 

Alam nyo ba kinilig ako kasi puro pala pictures namin yung pinrint nya.

 

Meron ding mga stolen shots ko na hindi ko alam kung paano nya nagawang makuha. 

 

Sinabit nya yun dun sa may string lights at ang ganda ganda lang tignan. 

 

Dami na naming nagawa pero wala pa rin sila Seulgi! 

 

Napakatagal naman ata nila?



“Crush na crush mo siguro ako.” Pang-aasar ko habang tinitignan yung isang stolen picture ko habang nagmamaneho 

 

“Duh, of course. Hindi naman ako didikit sayo kung hindi kita gustong gusto.” 



Itong babae na to, kanina pa ko pinapakilig. 

 

Medyo na-threaten yun flirting skills ko. 

 

Nilingon ko sya at hinila papalapit sakin. 

 

Hindi ko na sya hinayaan pang magulat at binigyan ng mabilis na halik sa kanyang labi. 



“Kanina mo pa ko pinapakilig ha.” 

 

“B-bwisit ka! Hindi ako prepared dun!” 

 

“Oh, alam mo na feeling ng binibigla ng halik?” Pang-asar kong tanong



Naiinis nya akong hinampas pero niyakap din naman ako afterwards. 

 

Sobrang cute nya talaga pag nahihiya. 

 

Jusko kaya pa ba ng puso ko ang cuteness ng girlfriend ko? 



“You even wiped your lips after I kissed you, hindi yun counted.” Natawa naman ako dun

 

“Nagulat kasi ako. Nagsasalita ako tapos bigla kang manghahalik dyan.”

 

“It’s because you don’t know how to shut up, I had no choice kasi parang iiwanan mo na talaga ako that time.” 



Well, hindi naman sya mali dun. 

 

Kung hindi nya ako pipigilan that time, hindi ko talaga papakinggan yung kahit na anong explanations nya.

 

Sobrang kinain ako ng galit, selos at frustrations during that time at nilalabas ko lang lahat ng sakit na nararamdaman ko. 

 

I’m glad that Winter didn’t let me go kanina. 

 

Kasi habang-buhay kong pagsisisihan kung iniwan ko sya dun without hearing her explanation. 

 

Pero sana sinampal nya nalang ako or what tutal magaling sya manakit kasi hindi ako prepared sa biglaang paghalik mama. 

 

Tsaka nauna pa kiss bago maging kami amputa! 

 

Wala na, sobrang offended yung hopeless romantic self ko.

 

Babawi nalang ako bukas ng bongga bahala sya dyan. 

 

Habang nagmo-moment kami ni Winter dun, bigla na namang nag ring yung phone ko. 

 

Baka sila Seulgi na yan. 

 

At tama nga ako. 



“Oy.” 

 

“Andito na kami.” Tangina, ang seryoso pa rin ni Seulgi. Ganap na ganap yan?

 

“Okay, puntahan na namin kayo ni Winter dyan.” 



Nag-ayos lang kami ni Winter ng konti bago sabay na bumaba. 

 

Hawak ko ang kamay nya habang naglalakad kami at di mawala ang ngiti sa labi ko. 

 

Kainis. 

 

Kinikilig ako sa ganito. 

 

Ano ako, elem?

 

Heh, pero ang mga elem wala naman silang magandang girlfriend so angat ako. 

 

At ang magagaling kong tropa andun na nga sa lobby, sitting pretty. 

 

Pero parang merong heavy mood around them na hindi ko mawari. 

 

Medyo kinakabahan ako. 

 

Pero baka rin gumaganap sila masyado. 

 

Let’s not think too much. 



“Oy mga tanga.” 



Nakita ko pa kung pano sila sabay sabay na nagulat at napatalon pa ng bahagya sa kinauupuan nila. 

 

Kahit si Winter natawa sa reactions nila. 



“Kape pa. Gulat na gulat lang?” 

 

“Karina.” 



Si Yeji ang tumawag sakin. 

 

Bakit yung itsura nya parang maiiyak sya? 

 

Nakita ko ang pagtingin nya sa kamay namin ni Winter. 

 

Yung iba ko ring kaibigan ay dun nakatingin. 



“Kayo ni Winter..?” 

 

“Kami na,” Walang alinlangan kong tugon at itinaas pa ang magkahawak naming kamay, “Kanina lang.” 

 

“Oh.” 



Nakita ko silang nagkatinginan at parang hindi sila masaya. 

 

Medyo na-disappoint ako sa lack of reaction. 

 

Ano bang problema ng mga ‘to?

 

Baka ma-misunderstood ni Winter.



“Ang sabi ko, kami na ni Winter. Bakit ganyan ang mga reaksyon nyo? Diba kayo yung excited na excited na maging kami?” 



Hindi ko na naitago yung inis sa boses ko at naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak sakin ni Winter. 

 

Siguro pinapakalma nya ako. 



“Wait, medyo nagulat lang kami hahaha. Diba?” Pagdadahilan ni Yeri at siniko pa si Seulgi

 

“Ah. Oo! Tangina mo kasi ang speed lang.” Sabi pa ni Seulgi

 

“We’re happy for the both of you.” 



Hindi ko maramdaman. 



Inirapan ko sila at tumalikod na, “Bilisan nyo at sumunod na kayo para maayos na natin yung room ni Winter.” 

 

“Y-yeah.” 



Nagsimula na kaming maglakad ni Winter and she’s looking at me worriedly. 

 

Sorry, nag-iinarte yung girlfriend mo.

 

Nakakaasar kasi na parang tanga lang yung reaction nila. 

 

Ineexpect ko na magtatalon at magsisigaw sila dahil ganun sila pag natutuwa. 

 

Pero reaction nila ngayon kala mo may namatayan na ewan. Nakaka-disappoint lang. 

 

Kahit naman naiinis ako pag gumagawa sila ng mga nakakahiyang bagay, gusto ko pa rin makita yung saya nila dahil sa ibinalita ko. 

 

Ano bang mga problema nila?

 

Kung ginagago lang nila ako, hindi nakakatuwa. 

 

Hindi ko sila papansinin kung ganon. 

 

Talos nung sumakay kami sa elevator, wala lang man nagsasalita. 

 

Seryoso ba sila sa pinaggagawa nila? 

 

Naiinis na ‘ko, malapit na. 

 

Buti nalang at may dalang art materials si Seulgi kaya medyo nabawasan ng konti yung inis ko. 



“Um, so welcome to my unit?” Pag-welcome ni Winter once na makapasok na kaming lahat

 

“Hey, you have a nice unit ha kaso medyo patay ng vibe.” Sabi naman ni Ryujin habang lumilinga-linga

 

“Yeah, narinig ko na yan kay Jimin.” 



Umupo ako sa sofa ni Winter. 

 

Nag dekwatro ako at tinignan sila ng masama. 

 

Kailangan nilang malaman na hindi ako nakikipagbiruan. 



“So ano ba yung gusto nyong sabihin? Bakit biglang nagtipon tipon kayo?” 

 

“Gusto lang sana namin sabihin yung tungkol sa pag-” Hindi na natapos ni Sakura yung sasabihin nya dahil siniko sya ng malakas ni Ryujin

 

“Gusto ka lang sana namin pagtripan ulit, bumili kami ng alak tapos aayain ka namin uminom.” 



Sabi na.

 

Tangina talaga ng mga to. 



“Yun lang?”

 

“Oo, yun lang.” 

 

“Bakit ganun yung reactions nyo kanina? Parang hindi kayo masaya?”

 

“Masaya kami! Sobrang saya! Nagulat lang talaga kami.” Sabi naman ni Yeri

 

“Kailan pa kayo nagulat ng ganun? Ako pa niloko nyo, ilang taon na tayo magkakasama.” They’re not making any sense kasi

 

“W-We’re secretly betting kasi kung magiging kayo ba bukas or hindi pa. Turns out na mali kami lahat kaya ganun yung reaction namin. Sana hindi nyo minasama.” Pagrarason ni Yeji

 

“Ano kami sense of entertainment para sa inyo? Tangina.” 



Ano ba tumatakbo sa isip ng mga kaibigan ko?! 



“It’s okay, si Jimin lang naman yung dinamdam yung reaction nyo.” Medyo na-offend ako dun ha

 

“Winter?” Umiling lang sya, na parang sinsabi na wag ko na palakihin yung gulo



Pambihira! 



“Baby Minmin, sorry na babawi kami. Ayusin na natin unit ni Winter.” Agad ko naman tinulak si Seulgi kasi magtatangka pa sanang yakapin ako 

 

“Baby Minmin amputa, kilabutan ka sa pinagsasabi mo.” 

 

“Why? Ang cute nga eh. Siguro mas gusto mo Yuj-” Hindi ko na sya hinayaan matapos at kinurot sa tagiliran

 

“Manahimik ka.” 



Babanggitin nya pa yung bwisit na nickname na yun. 

 

Gusto nya pa atang mas magalit ako no? 

 

Di pa nga sila abswelto sa panggagago nila sakin tapos dadagdagan na naman. 



“Lapit na mag 11, bilisan natin mag ayos para naman makauwi rin kayo agad.” 

 

“Yes boss.”



----------------------------------------------------------------------------------------------------



Hindi naman extreme makeover yung ginawa namin sa unit ni Winter. 

 

Nag paint lang kami sa walls ng trees and leaves using only black and white paints with Seulgi’s guide tapos nag-arrange nung ibang furnitures pati na rin nung iba naming pinamili ni Winter kanina. 

 

Kaya puno and leaves yung nilagay namin para hindi gaanong excessive at minimal lang talaga yung maging designs.

 

Wala rin naman specific na gusto si Winter na design basta minimal.

 

Imbis na wall stickers ang inilagay, kami mismo yung nag paint kaya mas satisfying tignan nung natapos na namin. 

 

Winter’s not that bad sa art din. 

 

Hindi sya kasing galing nila Seulgi pero hindi sya kasing panget gumawa ni Yeri. Average kung tutuusin. 

 

My girlfriend is so talented! 

 

Malaking disaster kasi talaga yun si Yeri pagdating sa pagpipinta kaya never pinaghawak nila Ryujin ng brush yan. 

 

Sila Sakura at Yeji yung nag rearrange nung kwarto ni Winter kaya mukhang pang streamer yung kinalabasan ng kwarto nya. 

 

Natuwa naman sya kasi ang aesthetic daw tignan and maganda pa yung nabili naming lights dahil may relaxing effect. 

 

Naglagay din kami ng sandamakmak na glow in the dark stars dun sa ceiling nya kaya kapag nakapatay na yung ilaw, ang ganda tignan. 

 

Konting ayos lang sa patay nyang unit, biglang nagkabuhay na. 

 

Mukha na syang totoo na bahay. 

 

Na-satisfy naman ako at mas lalo na si Winter. Halata na sobrang natuwa sya sa pag-aayos ng unit nya.

 

Buti nalang talaga paulit-ulit kong sinabi sa kanya na ang panget ng unit nya.

 

Okay na sana, kaso medyo na weirduhan ako sa mga kaibigan ko. 

 

Sobrang tahimik lang kasi nila habang gumagawa kami kanina.

 

Kailan pa kami naging ganito katahimik ng magkakasama?

 

At kumpleto pa ha!

 

Wag silang magdahilan na gabi na dahil ang energy nila walang pinipili na oras yan. 

 

Wag din sila magdahilan na nasa unit sila ni Winter kaya sila ganyan dahil sinong niloloko nila? 

 

Ang kakapal kaya ng mukha nila!

 

Grabe, sobrang nakakabingi yung katahimikan.

 

Ayoko naman sila tanungin kasi nga ‘nagtatampo’ ako. 

 

Buti nalang nilalandi ako ni Winter habang nagpe-paint kami.

 

Hindi ko naramdaman masyado yung weird atmosphere dun sa living room because of her. 

 

Kung wala si Winter to distract me, baka nag away away na kami dun dahil sobrang weird nila today. 

 

Ayaw ko pa naman ng ganitong atmosphere.

 

After naming matapos, nag decide na kaming kumain at magpahinga. 

 

Nakaupo kaming pito ngayon sa living room ni Winter at kumakain ng fries and burger na inorder namin sa McDo kanina. 



“I’m really thankful sa ginawa nyo na pagtulong. I appreciate it.” Pasasalamat ni Winter

 

“Sus, para namang others ka samin. Wala lang yan.” Sabi naman ni Seulgi

 

“Oo nga, tapos girlfriend ka pa ni Rina kaya part ka na rin ng tropahan namin.” Dagdag pa ni Yeri



Buti naman at maayos na sila kausap ngayon. 

 

Hindi ko matatanggap kung iba pakikitungo nila kay Winter dahil ayokong may isipin sya. 



“Pano pala naging kayo?” Tanong ni Sakura



Nagkatinginan naman kami ni Winter at natawa kami pareho kasi ang chaotic lang nung confession namin kanina. 




“Nahuli ko syang may kabit.” 

 

“Huy hindi ah!” Grabe asar talo talaga, “May misunderstanding lang tapos yung heated argument namin napunta na sa aminan. Ganun lang.” 



Lahat naman sila nagulat, gaya ng inexpect ko. 



“Luh! Karina, pumayag ka dun? Ikaw pa naman pinaka-hopeless romantic na nakilala ko.” Gulat na tanong ni Yeri sakin

 

“Wala na akong nagawa, tapos ang corny pa kainis."



"Pano ba yung nangyaring aminan? At saan?" Tanong naman ni Ryujin

 

"Sa gitna ng parking lot nag aminan at galit pa kami pareho nun.” 

 

“Winter, gusto mo na ba si Karina nung birthday ni Yeri?” Gagong Sakura, napaka-straightforward 

 

Tumango naman si Winter, “Yeah, but this stupid can’t take a hint.” 



Nagtawanan naman sila habang ako ay hindi pa rin maka get over sa pagtawag nya sakin ng ‘stupid ’. 

 

Stupid lang dati tapos ngayon may na.

 

Ang gago lang ng jowa ko?? 



“Sinabi mo pa! Buti at hindi mo sya sinukuan?” Pati si Yeji hoy ano ba akala ko ba ikaw lang kakampi ko dito! 

 

“Well, if sinukuan ko then baka kung kanino pa sya mapupunta. I can’t let that happen.” 



Dun naman ako kinilig!

 

Winter’s really possessive and hindi naman ako nagrereklamo. 

 

Karapatan nya naman na bakuran ako.



“We’re really happy for you guys, sana magtagal kayo.” 

 

“Sana nga.” 

 

“Karina’s a keeper. Hangga’t di mo sya lolokohin, she will stay with you kahit na gaano pa katagal. Ganun sya ka-loyal when in love.” Seriously, hindi talaga ako sanay sa serious Seulgi

 

“Yeah, she told me na rin kanina. It’s not like I will leave her din naman so we’ll be stuck with each other muna.” 

 

“Naks, graduate na sa pagiging tanga!” Nagawa pang manghampas ng bwisit na Yeri sa likod

 

“Makasabi ka ng tanga parang hindi nahirapan sayo si Saeron kasi sobrang manhid mo?” 



Nako, harap harapan na nagpaparamdam si Saeron nun sa kanya pero sobrang in denial ni Yeri at sinasabi ng sweet friend lang daw si Saeron. 

 

Hello, sino po yung friend na kayang umuwi ng pinas in a heartbeat kahit busy sya sa overseas schedule dahil lang nag-iinarte yung ‘friend’ nya? Walang ganun na kaibigan! 

 

Tapos nadudulas dulas na si Saeron na she likes Yeri pero ang tanga iniisip na as a friend lang. 

 

Nako, di nyo alam kung gaano sumakit ulo namin sa bubwit na ‘to. 

 

Pinagtyagaan nalang namin kasi sanay sya makipag-date sa lalaki at nasa denial pa sya noon. 

 

Okay lang matawag na tanga ng ibang tao basta wag lang ni Yeri kasi mas malala sya sakin!



“Bwisit na ‘to, bakit mo kami dinadamay ni Saeron?” 

 

“Kasi di ko matanggap na matawag na tanga kung nag-eexist ka.” 



At ayun, bilang mapanakit, pinagsusuntok ako ni Yeri. 

 

Naiinis sya kasi totoo naman. 



“Yung inuman pala, gawin na ba natin ngayon?” Napatingin ako sa digital clock ni Winter at almost 2 na pala



Nakita ko na naman silang nagtinginan na para bang meron silang usapan na hindi ko alam. 

 

Bakit parang may telepathy na nagyayari dito?

 

I feel out of place bigla. 



“Maybe next time na lang. Sa celebration ng birthday natin?” Si Ryujin ang nagsalita

 

“Magsasabay tayo?” 

 

“Yeah, if okay lang. Sa 13 nalang. G?” 

 

“Wala naman na training so okay lang. San tayo?”

 

“La Union?” Hindi pa sigurado si Ryujin at napatingin kay Sakura

 

“Go lang.”

 

“La Union.” 



Oh diba, ganito lang kami mag arrange ng alis namin. 

 

Napakasimple. 



“Isasama nyo ba mga jowa nyo?” 



Ayan na naman sila, bakit parang sila lang yung nagkakaintindihan?

 

They are communicating silently. 

 

Bakit parang may alam silang hindi namin alam ni Winter?



“Hindi na muna siguro. Solohin muna natin yung isa’t isa tapos after nalang nung celebration ng birthday nyo tsaka tayo mag set ulit ng alis.” Sagot naman ni Seulgi

 

“Okay, kayo bahala.” 



Gusto ko na sana isama si Winter sa outing namin pero siguro okay rin muna yung kami kami muna.

 

I’ll just take her out sa birthday ko siguro. 

 

Speaking of taking her out, parang kailangan ko na ulit magplano para maging perfect yung araw na yun. 



“Hindi pa ba kayo uuwi? Anong oras na? Wag nyo sabihing gusto nyo makitulog pa dito?”



Sabay sabay naman silang napatingin kay Winter.



“Hindi pwede.” Di ko na sila hinayaan magsalita pa 

 

“Wala pa nga kaming sinasabi.” 

 

“Humihinga palang kayo alam ko na gusto nyo sabihin. Bilisan nyo at umalis na kayo matutulog na kami ni Winter.” 

 

“You’ll sleep here?” 

 

Tinignan ko ng masama si Winter kasi parang gulat pa sya, “Oo naman! Papauwiin mo pa ba ko?” 

 

“I’m not saying anything.” 

 

"Akala ko ayaw mo ko dito eh." 



Bago sila umalis, naisip ko na binyagan na yung instax ni Winter. 

 

Magandang may picture kami ngayong araw to savor the memory. 

 

Dun kami pumwesto sa living room at ipinatong nalang yung camera dun sa may pinagpapatungan nung TV. 



"Oh pwesto na." 



Oh tignan mo, napakatanga talaga ni Seulgi. 

 

Hindi lang man sinet yung timer kaya napicturan kaming mukhang tanga. 



"Sayang yung films!" Inis na sabi ko kahit di naman ako ang bumili nun

 

"Bibigyan ko nalang si Winter ng isang set, kumalma ka nga." 

 

"No need, Jimin is just being unreasonable." 



Aba, parang kanina nya pa kinakampihan mga kaibigan ko? 

 

Ako ho ang girlfriend dito!



"Bahala kayo sa buhay nyo." 

 

"Sobrang sensitive mo naman today, Rina!" 

 

"Sinong may kasalanan? Edi kayo." 

 

"Oo na, sorry na nga diba?" 



Ayan this time sinet na ni Seulgi yung timer at patakbong pumunta sa tabi ko at inakbayan ako.

 

Naka-side hug naman ako kay Winter tapos yung ulo nya nakapatong sa balikat ko as we smiled widely sa camera. 

 

We took a total of 3 shots bago talaga tumigil. 

 

Hinatin na namin sila ni Winter sa may pintuan. 

 

Nagsusuot na sila ng sapatos nila.



"Thank you pala sa pagpapapunta, Winter." 

 

"No problem, you can all go here anytime." 



Tinignan ko sya ng masama

 

Mali yang sinabi mo, Winter. 

 

Kasi gagawin na nilang tambayan 'to. 



"Edi babalik agad kami bukas." See?

 

"Hindi pwede." Agad kong kinontra yung sinabi ni Yeri

 

"Unit mo?" Pang-aasar ni Ryujin

 

"Hindi, pero girlfriend ko may-ari." 



Sabay sabay naman silang humiyaw na parang gago. 

 

I realized na mas prefer kong mapahiya nalang kesa wala akong makuhang reactions at all. 



"Ingat kayo mga tanga." Tapos na kasi sila magsuot ng sapatos nila

 

"Winter, ingat ka dyan kay Karina. From UST yan kaya baka maging tigre." Agad ko namang sinipa si Seulgi kasi kung ano ano sinasabi

 

"Bigla ko tuloy na-miss yung pagiging seryoso mo kanina." 

 

"Free trial lang yon." 



Nagulat pa nga ako nung bigla akong niyakap ni Sakura, sinundan ni Ryujin, Seulgi, Yeri and lastly si Yeji.

 

Sobrang higpit ng yakap sakin ni Yeji, yung tipong ayaw nya na akong pakawalan. 

 

Nakakapanibago na ganito silang lahat dahil usually nagmumurahan kang kami kapag maghihiwa-hiwalay na. 

 

Siguro hindi lang ako yung soft ngayon.



"Yeji? Are you okay?" 

 

Agad naman syang pumiglas sa yakap namin at binigyan ako ng tipid na ngiti, "Okay lang, na miss kasi kita bigla." 

 

"Aw, super miss na din kita. Lahat kayo miss ko na." 

 

"Group hug!" 



Hinila kami ni Yeji ng mga kaibigan namin at nagyakapan kami dun sa may pintuan. 

 

Napansin ko na nakangiti lang sa side si Winter at pinapanood kami kaya naman hinila ko na sya at sinama sa group hug namin. 

 

Ewan, sobrang simple lang naman nung ginagawa namin pero I felt so complete. 

 

Sobrang saya ko, hindi ko maipaliwanag kung bakit. 



----------------------------------------------------------------------------------------------------



After umalis nung mga asungot, naligo na kami ni Winter. 

 

And no, hindi kami sabay maligo. 

 

Baka himatayin ako please lang. 

 

Ako yung naunang maligo kaya andito na ako sa kama nya at tinitignan yung polaroid pictures namin kanina. 

 

Nakakatuwa kasi we look so happy. 

 

Sobrang saya ng pakiramdam ko sa puso and I felt really complete. 

 

Ewan ko why I feel emotional all of a sudden pero I'm thankful sa mga kasama ko rito. 

 

Si Winter lang pala ang bubuo sakin completely. 

 

Sana lang hindi rin sya ang sisira sakin. 

 

Kasi baka hindi ko kayanin.



"Kanina mo pa tinitignan yung picture na yan. Gusto mo sayo nalang?" Tapos na pala sya maligo

 

"No need, ilagay mo nalang dyan sa wall mo para cute." 



Nakasuot na ng pajamas si Winter at ang cute lang kasi mukha syang bata.

 

May panda print pa kasi. 

 

Ako naman naka-pajamas din na merong sharks na pattern. 

 

She bought this daw for me talaga in case na dito ako mags-sleep over kaya naman kinilig ako.

 

Advance mag-isip ng jowa ko! 



"Winter, pwede pahiram ng printer mo? Scan ko lang to and print para may copy ako." 

 

"Yeah sure, do what you want." 



Tumayo na ako sa kama nya at dumiretso sa study table nya. 

 

Nilagay ko yung tatlong polaroids sa scanner, kasama na rin yung epic shot namin dahil sa katangahan ni Seulgi. 

 

Ang cute kasi nung kinalabasan. 

 

I need to send this sa GC mamaya.



"I don't know if it's okay to ask you this…" 



Napalingon ako kay Winter. 

 

Nakaupo na sya sa kama nya pero may bothered expression sya ngayon. 

 

Anong meron? 



"Pakinggan ko muna yung tanong tapos sasabihin ko kung okay lang ba sagutin ko." Umupo ako sa tapat nya at hinawakan ang kanyang kamay, "What's bothering you, Winter?" 

 

"About Yeji." 

 

"Ano meron kay Yeji?" 

 

"I hope this won't change the way you look at her and baka ako lang nakakapansin pero may gusto ba si Yeji sayo?" 



Hmm. 

 

Observant si Winter pero hindi ko inexpect na ganito sya ka-observant. 

 

Napansin nya pa yun? 



"Actually, umamin sakin si Yeji nung senior high pero alam ko may gusto na sya sakin nung junior high school pa lang. Hindi ko lang sigurado kung gusto nya pa rin ako ngayon." 

 

"Really? I guess, I'm not completely wrong pala." 

 

"Yup. You did well, puppy." Pabiro ko pang ginulo yung buhok nya kaya sinukmurahan nya ko 

 

"Ginagawa mo na naman akong aso." 

 

"You're my puppy naman talaga." I sighed, "To tell you the truth, I used to like Yeji nung grade 8 ako." 

 

"Really? What did you like about her?" 

 

Tumango ako, "Palangiti kasi sya and alam mo naman na she looks the prettiest when she smiles kaya you have no choice but to like her. Tapos I feel special sa kanya kasi basta iba yung pakikitungo nya sakin compared sa ibang tao." 

 

"How so?" 

 

"Basta lagi nya akong sinasabayan umuwi kahit na sa gate pa lang naghihiwalay na kami. Naging routine yun na ganun lang. Nasanay na ako sa ganun and I felt comfortable around her. Siguro sya yung happy crush ko." 

 

"I see." Lumalabas na naman ang pagkaselosa ni Winter 

 

"Past is past, Winter. Ano ka ba." 

 

"I don't care. So bakit hindi kayo nagkatuluyan?" 

 

"May gusto si Ryujin sa kanya noon." 



Nakita ko naman kung paano nagulat si Winter kaya naman natawa ako. 

 

Kahit sino naman ata ang makakarinig, magugulat. 



"Pero hindi nila alam na alam ko. Hindi ko naman sinasadya na marinig at nag kunwari nalang ako na hindi ko alam para hindi sila maging awkward sa isa’t isa." 

 

"Wait, di sila aware, no? Ang complicated, Jimin." 

 

"Yeah, and hinayaan ko nalang na ganun. Kaya hindi ko na pinursue yung feelings ko kay Yeji kasi ayoko naman masaktan si Ryujin." 

 

Tinignan nya ako ng masama, "You're so stupid, di mo talaga iniisip sarili mo." 

 

"Iniisip ko ang sarili ko, Winter. Sadyang mas importante lang sakin dati yung friendship namin." 

 

"But what about your happiness naman?" 

 

"Aanhin ko naman yung happiness ko kung malungkot mga tao sa paligid ko?" 

 

Umiling si Winter, "Hindi yun ganun, Jimin. Ang mali mo is akala mo ginagawa mo yung mas nakabubuti para sa lahat pero hindi mo alam kabaliktaran pala ginagawa mo."



Di ko gets. 



"Explain it further pa nga."

 

"Gaano ba kababa tingin mo sa mga kaibigan mo? Especially kay Ryujin? You told me na sya yung bestfriend mo." 

 

"Oo nga pero hindi mababa ang tingin ko sa kanya ha!" Depensa ko

 

"Really? Kung hindi mababa tingin mo sa kanya bakit sa tingin mo mas better na hindi mo sinabi ang nararamdaman mo? Ryujin will understand you, I just know. Pero ikaw tong si tanga, you just assumed na yung pagiging oblivious kunwari is the right answer." 

 

"Hindi ba?" 

 

Winter sighed, "You still don't get my point? Ang akin lang, kung naging honest ka sa kanila about what you feel, edi hindi mo nasaktan si Yeji at hindi patuloy na aasa si Ryujin kay Yeji. Pero dahil hindi mo sinabi, nasaktan mo  na si Yeji at hindi mo pa binigyan ng chance si Ryujin to move on." 

 

"Pero baka magkasamaan kami ng loob ni Ryujin.. Ayoko naman nung ganon." Pagrarason ko

 

"Akala ko ba hindi mababa ang tingin mo kay Ryujin? Bakit inassume mo na magkakasamaan kayo ng loob because of Yeji?”



Natiglan ako dun. 

 

Right.

 

Hindi naman sinabi sakin ni Ryujin directly, ako lang ang nag assume na baka hindi nya matanggap yun. 

 

Tangina. 

 

All this time akala ko I’m doing the right thing. 



“Pero kung hindi ko ginawa yun, hindi kami magkakatuluyan ni Wonyoung.” 

 

“Ewan ko sayo, bakit ang bobo mo sa ganitong bagay?”

 

“Huy, malapit na ‘ko ma-offend, Winter.” Kanina nya pa ako sinasabihan ng masasakit na salita

 

“You should be.” Nagawa nya pa talaga akong isipan, “Tsaka ano yung sinabi mo? Kung hindi mo yun ginawa, hindi kayo magkakatuluyan ni Wonyoung? Pano kung wala si Wonyoung sa eksena, anong mangyayari sa inyong tatlo? Gosh, pag mga ganitong bagay talaga hindi mo ginagamit yang utak mo.” 

 

“Then what should I do?”

 

“Wala na kasi may kanya kanya na silang love life pati na rin ikaw. You lost your chance years ago unless gusto mo bumalik kay Yeji?” 



Agad ko namang niyakap ang nagmamaktol kong jowa. 



“Of course not, Winter. Para kang tanga.” 

 

“Mas para kang tanga.”

 

“Opo, tanga na ako. Let’s sleep na.” Hinila ko na sya pahiga

 

“Tapos na ba yung pinrint and scan mo?”

 

“Ay oo, thanks for reminding me.”



Tumayo na ulit ako sa kama nya at dumiretso sa study table nya. 

 

Hindi ko na muna cinut yung photo paper at pinatay na yung laptop and printer nya. 

 

Pinatay ko na rin yung ilaw at tumabi na kay Winter. 

 

Unlike nung una kaming nagkatabi, hindi na ako gaano pabebe ngayon. 

 

We’re facing each other.

 

Nagtaklob na kami ng kumot at hinila ko sya palapit sakin. 

 

Medyo nagulat sya sa ginawa ko pero she buried her head on my shoulders naman afterwards.



“Did you have fun today?” 

 

“I did.” 

 

“Let’s stay happy sa following days? Weeks? Months? Years?” 

 

Narinig ko ang mahina nyang paghalakhak at ang paghigpit ng yakap nya sa bewang ko, “As long as you’re with me, masaya ako, Jimin.” 



Masaya ako.

 

Sobrang saya dahil merong isang tao na nasusuklian yung pagmamahal na ibinibigay ko. 



“Then I will stay with you always para lagi kang masaya.”

 

“You should, kasi hindi ko alam ang mangyayari sakin kung wala ka sa tabi ko.” 

 

“Clingy naman. I’m not going anywhere.” 

 

“Hmm.” Humiwalay sya sakin ng konti at tinignan ako sa mga mata ko, “You will leave me one day.” 

 

“Huy hindi ah! Pinagsasabi mo dyan?” 

 

“I just know that you will, Jimin. Hindi rin naman ako magagalit.” 

 

Umiling ako at mahinang inuntog ang noo ko sa kanya, “I won’t leave you, Winter. Not when I love you this much.” 



Tanging ilaw lang mula sa lamp shade nya ang nagpapaliwanag ng kwarto nya pero kitang kita ko pa rin ang pamumuo ng luha sa mata nya. 

 

Bago ko pa ito mapuna, niyakap nya ulit ako ng mahigpit. 

 

Winter has her own share of insecurities and I will try my best na hindi nya yun maramdaman.

 

Hindi naman kasi porket meron ka na lahat, wala ka ng insecurities. 

 

Tao lang din naman si Winter kaya bilang jowa, hinding hindi ko ipaparamdam sa kanya yung kung ano mang insecurity ang meron sya. 

 

Naks, sweet yan?



“I love you too, Jimin. Basta lagi mo yun tatandaan.” 

 

I nodded my head and kissed her forehead, “Yes, I will. Good night, Winter.” 



----------------------------------------------------------------------------------------------------

 

First time ko ata bumangon ng sobrang late na. 2PM na kami gumising ni Winter para mag dinner. 

 

Hindi pa nga sana sya babangon kaso pinilit ko lang kasi sobra sobra na yung tulog namin. 

 

Baka sumakit na yung katawan namin at malipasan pa kami ng gutom. 

 

Tinatamad kami pareho kaya umorder nalang kami sa Rodic’s.

 

Medyo nauumay na kasi kami sa fast food, parang puro kami ganun lately. 

 

Hindi pa natitikman ni Winter yung tapsilog dito at ito na ang best time for that. 

 

Kakatapos lang maligo ni Winter nung dumating na yung delivery from Rodic’s. 

 

She’s now wearing her ‘concert’ outfit daw and I must say that my girlfriend is so damn hot. 

 

Ang swerte ko lang??

 

Sino ba ang niligtas ko sa past life ko at ganito ako kaswerte ngayon?

 

Sobrang galing magdala ng damit ni Winter, dagdag mo pa na sobrang ganda nya. 

 

Buti nalang madilim dun sa audience section kasi kung hindi baka hindi na nila tignan yung banda at tignan nalang si Winter. 

 

Gosh, need ko bumakod ng malala mamaya. 



“What’s this?” 

 

“Tapsilog tapos Sisig. Tikman mo pareho tapos pili ka ng mas gusto mo.” 

 

“Alright.” 



Alam ko namang tapsilog pipiliin nya. 

 

And I was right! 



“Tapsilog no? I’ll eat this one.” 

 

“Okay.” 



Umupo na sya sa tapat ko at nagsimula na kaming kumain. 

 

Hindi ko na alam kung ilang beses nya na sinabing ang sarap nung tapa. 

 

Hindi ko naman sya masisisi kasi masarap talaga. 

 

Pwede na pagtyagaan habang wala pa yung tapa ni Mama. 



“Alam mo ba, si Mama sobrang sarap nya gumawa ng tapa.” pagmamayabang ko

 

“Really?” Tumango naman ako

 

“Pupunta ako bukas sa kanya para kuhanin yung tapa tapos dadalhan kita para matikman mo.” 

 

“Pupunta ka bukas sa kanya?” Oh bakit parang gulat na gulat naman sya?

 

“Yup, isasama nga sana kita kaso sabi nya next time nalang daw pag tumagal na tayo.” 



Hindi sya sumagot at napainom pa bigla ng tubig. 

 

Tangina, ininom nya yung isang baso in one go. 

 

Kinabahan ba sya? 



“So you told her about me?” 

 

Tumango ako, “Oo naman. Bago pa maging tayo, nabanggit na kita.” 

 

“So, okay lang sa kanya?” Nag-aalala nyang tanong 

 

“Oo naman! Ipapakilala nga sana kita sa kanya bukas—Uy Winter!”



Ang bata, nabilaukan pa sa tapa. 

 

Agad ko naman syang inabutan ng tubig ko.

 

Tubig ko kasi naubos nya na agad yung kanya kanina. 



“Hinay hinay lang kasi.” 

 

Winter sighed, “Sorry, nagulat ako sa sinabi mong ipapakilala mo ako sa Mama mo.” 

 

“Ayaw mo ba?” Malungkot kong tanong 

 

“Of course, I want to! Kaso nga lang…” 

 

“Kaso nga lang ano?”

 

Napaiwas sya ng tingin sakin, “Umm.. I want to be prepared.” 



Jusko, yun lang naman pala! 

 

Kala ko kung ano na yung problema.



“No need, mamahalin ka agad nun ni Mama!” 

 

“Hindi mo sure.” 



Winter looked really nervous talaga. 

 

Ganun ba sya ka-worried sa possible na sasabihin ni Mama?

 

Tatanggapin sya nun no, baka nga mas mahalin nya pa si Winter kesa sa sariling nyang anak. 

 

Dapat nga mas matakot ako sa parents ni Winter. 

 

Hindi ko pa nakikita pero ramdam ko kaya akong patiklupin nung mga yon. 



“Nega mo ha. Nag-send na nga ako ng picture natin kay Mama and sabi nya ang cute daw natin.” 

 

“What?!” Napatalon pa ako sa kinauupuan ko dahil sa pagsigaw nya “Patingin nga ako.” 

 

“Seriously, are you that nervous?” 



Pumunta ako sa messenger at inopen yung chat box namin ni Mama. 

 

Iniabot ko naman sa kanya yung phone at bumalik sa pag kain. 

 

Pinapanood ko lang sya.

 

Nakakatawa nga kasi naka-witness ata ako ng 4 emotions in total.

 

Una, kinakabahan sya. Pangalawa, natutuwa sya. Pangatlo, natatawa sya. Pang-apat, parang nalungkot sya. 

 

Hindi ko alam kung bakit sya nalungkot. 

 

Binalik na nya yung phone sakin at napabuntong hininga. 

 

Hindi ko sya mabasa. 



“Winter, are you not happy?” Tanong ko at agad naman syang umiling

 

“No, I’m happy! Very! Medyo worried lang.” 

 

Hinawakan ko naman yung kamay nyang nasa lamesa, “Kung merong magwo-worry satin, dapat ako yun. Hindi ko pa kilala parents mo pero ramdam ko na nakakatakot sila.” 



Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Winter sa kamay ko at bumalik na naman ang worried expression nya. 



“Nakakatakot nga sila.” 



Aware ako pero iba pa rin pag cinonfirm nya mismo. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
546 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha