Solomon

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Meeting the Tropang Iskwad


 

Bukas kaya

Makakakain na ako?

Kung puro ikaw ang nasa isip ko

Ang hiraya mo

Sa araw-araw ko

*ganda ng part ni clara benin dito*

*stan munimuni & clara benin*


 

After ng alis namin ni Winter last week, hindi na muna nasundan kasi super busy na kami sa kanya kanyang gawain sa school. 

 

Muntik ko na nga makalimutan na estudyante pa din kami. 

 

Kakatapos lang ng exams ko kaninang umaga at medyo nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko sure kung maayos ba magiging results nung exams ko pero wala naman akong magagawa kung mababa. Naibuhos ko na lahat ng lakas ko at kung babagsak talaga edi inom. 

 

SI Winter naman, super focused din sa acads kahit first year pa lang sya. Madalas kasi iniisip ng iba na pag first year dapat chill chill lang pero pag board exams naman, nakakapangsisi na hindi ka nagseryoso nung una pa lang. 

 

Nakayanan nya din talaga na hindi makipagkita sakin pero kahit na hindi kami nagkikita personally, lagi nya naman akong ginugulo tuwing gabi. Lalo na kapag dinner.

 

Gusto nya kasi magsabay kami kumain kahit through video call, para daw hindi nakakalungkot. 

 

Pag sinabi kong may gagawin pa ako, hihintayin nya talaga ako kahit gaano pa katagal. Ang tibay talaga ng babaeng yon.

 

There was one time na sinubukan ko kung gusto nya ba talaga ng kasabay kumain or kung gusto nya lang ako guluhin. 

 

Kumain na ako beforehand bago pa nya ako minessage na gusto nya na kumain ng Dinner. 

 

I told her na meron pa akong need na tapusin na papers na due kinabukasan at sabi nya hihintayin nya daw ako. 

 

Ay nako dzai! Hinintay nga ako hanggang 11 ng gabi! Muntik ko na makalimutan yung existence nya nun! 

 

I swear, patulog na ako nun pero buti nag message sya sakin at tinanong ako kung hindi pa daw ba ako tapos. 

 

Nagalit ako syempre kasi bakit ang tanga nya sa mga ganitong bagay? Nalipasan na sya ng gutom! 

 

Ako kahit na ayaw ko din ng walang kasabay kumain, hindi ko naman hinahayaan yung sarili ko na lipasan ng gutom! Sakit kaya sa tummy.

 

Tinanong ko kung bakit hindi nya ako tinadtad ng messages o kaya mauna na sana syang kumain.

 

Ang sinagot nya lang is ayaw nya daw akong abalahin dahil busy ako sa ginagawa ko tapos malungkot daw kumain mag-isa. Tapos while waiting for me, kumakain daw muna sya ng chocolates para di nya maramaman yung gutom kaya okay lang.

 

Syempre ako, sobrang na guilty sa kagaguhang ginawa ko. 

 

Ang tanga ko sa part na akala ko nakikipagbiruan lang sakin si Winter at gusto lang akong guluhin. 

 

Hindi ko lang man naisip yung feelings nya talaga.

 

Kaya kahit medyo busog pa ako, nagluto nalang ako ng sausages and eggs. May kanin pa naman na natira kaya hindi ako magtitiis sa tinapay. 

 

11:30 na nga nung nakakain kami and nag sorry ako sa kanya.

 

She told me it’s okay daw dahil wala naman syang magagawa kung busy ako. At least I’m honest daw. 

 

Edi okay, mas lalo akong na-guilty.

 

Bakit ba ang bait nya lately? Hindi sya si Winter! 

 

Hindi ko na din binanggit sa kanya na sinusubukan ko lang yung dedication nya dahil baka magkagulo pa kami. 

 

Babawi nalang ako sa kanya sa susunod. 

 

Oh, nakalimutan ko nga pala i-kwento yung nangyari samin last week. 

 

Nung sinabi ni Winter sakin na makipag-break ako kay Aeri tapos sya nalang yung jowain ko. 

 

Hindi pa ba obvious ang sagot?

 

Syempre, humindi ako! 

 

Bukod sa ang awkward lang na sya yung magiging pretend jowa ko, medyo weird lang dahil wala pa ata kaming isang linggo na magkakilala! 

 

Ayoko din syang ipasok sa problema ko, magulo ang buhay ko at tahimik yung kanya. It should stay that way.

 

Though aaminin ko na na-tempt din ako kasi duh, Winter na yan? Aarte pa? Pero may respeto naman ako sa pagkakaibigan namin gosh. Ang gago ko lang if tinanggap ko yun.

 

At gusto ko protektahan yung image ko at ni Aeri. Baka isipin nila na nambabae ako tapos iniwan sa ere si Aeri. Alam nyo naman kung gaano ka-extreme mag isip ang mga tao ngayon, sobrang nakakatakot. 

 

Tsaka, hindi naman one sided ang relationship namin ni Aeri. We both benefit from it. 

 

Kung tatanggapin ko yung offer ni Winter, pano si Aeri? Hindi naman sya makakahanap agad agad ng pwede nyang jowain. Maarte kaya yun! 

 

Kahit ako ramdam ko na hindi nya ako papatulan ng ganito kung hindi kami napagkakamalan na magjowa lagi. Para bang napilitan nalang din sya ganon, wala na syang choice kung tutuusin. 

 

Medyo ang saklap isipin, sandali. 

 

Habang ine-explain ko sa kanya yung reasons ko, nakikinig lang si Winter sa sinasabi ko. Hindi sya sumisingit sa explanations ko at hinahayaan ako masabi lahat ng gusto ko sabihin. Tinry ko din na ingatan yung words ko para hindi sya ma-offend kasi super sensitive nya back then. 

 

Baka di lang kurot ang makuha ko pag hindi ko iningatan pananalita ko. 

 

But somehow, Winter understood my point agad. 

 

She also said sorry kasi worried lang daw sya sakin. Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin dun pero tinanggap ko nalang. 

 

Ano naman ang inaalala nya sakin? 

 

I really can't understand her most of the time. 

 

Hinayaan ko muna syang kumalma before we decided to part ways. 

 

She gave me a long tight hug out of nowhere at nirason nyang isang linggo mahigit ko daw kasi syang hindi makikita kaya may pa hug sya na ganun. 

 

Hinayaan ko lang sya dahil kahit papano, mami-miss ko din sya. Sa apat na araw naming sunod-sunod na pagkikita, medyo nasanay na din ako sa presence nya. 

 

Anyways. 

 

Wala naman masyado nangyari after nun. Bumalik na kami sa dati na parang walang nangyaring heated confrontation which is very much okay sakin. 

 

Hindi din kasi ako yung type ng tao na mahilig mag-dwell sa isang argument na tapos na at buti at ganun din sya. Akala ko nagtatanim sya ng sama ng loob.

 

Kaya ayun, lagi nya na akong tinatawagan or minsan video call if we're free or vacant. She always text me din in between her classes. 

 

Jowa yarn? 

 

Pero hinayaan ko nalang kasi wala naman syang ibang nakakausap bukod sakin.

 

Minsan, habang naglalakad ako papunta sa Vinzons tumatawag na sya and ichichika lang yung mga nangyayari sa Ateneo. 

 

Ang amazing lang na kahit wala syang kaibigan na matatawag sa Ateneo, ang dami pa ding ganap sa buhay nya dun. 

 

There was one time daw nung nag groupings sila for their final output sa isang minor subject, hindi nya na daw alam kung ilang beses na syang nagalit dahil sobrang pabuhat ng groupmates nya.  

 

Diba wala namang friends si Winter dun kaya every time na may groupings tapos by peers, napupunta talaga sa kanya yung mga tinatakwil ng ibang blockmates nila. 

 

Yung tipong madaming reasons kung bakit hindi makakagawa ng ganito ganyan pero makikita mo sa ig story or sa snap na nakikipag-hangout lang naman sa friends. 

 

Kaya dun sa final output, sya lang mag-isa yung nagpasa at name nya lang ang nakalagay dun. 

 

Her groupmates begged daw na ilagay yung name nila at okay lang kahit may deduction kasi sobrang laki nung mawawala sa kanila pag naging zero sila sa final output. 

 

Well, sana una palang inisip na nila yun diba? Medyo bobo.

 

Her groupmates literally did anything to please Winter. There was one time na sobrang desperate na yung isang ka-group nya at sinabi na bibigyan daw sya ng pera, just name the price. 

 

Aba, dun nag alburoto si Winter. Muntik nya na daw masampal yung lalaking nagsabi sa kanya nun. Ginawa pa daw syang mahirap, kaya mas nagalit sya. 

 

Kaya ayon, bukod sa bumagsak sila sa minor subject, may sama na din ng loob si Winter sa kanila. Good luck sa magiging buhay nila. 

 

Nakakatakot pa naman si Winter magalit.

 

I swear, college na pero bakit may mga pabuhat pa din? Konting hiya naman mga sis. Tatanda na natin oh.

 

Kaya ako, ayoko talaga ng groupings kasi madalas ganyan ang nangyayri o kaya naman super galing ng groupmate mo to the point na nakaka-pressure kasi hindi sila makuntento sa kaya mong ibigay. That happened to me before jusko umiyak talaga ako that time dahil sa frustration. Ilang gabi kong pinaghirapan pero hindi pa din enough, dagdag mo pa na super busy ako nun dahil UAAP season na. 

 

Mas maganda pa din talaga yung individual kasi hawak mo yung oras at grade mo. Kung tatamarin ka, edi ikaw lang babagsak. Kung sipagin ka, edi ikaw lang din yung mataas. Ganun lang. Wala ding sisihan na mangyayari pag panget yung outcome at walang free pass na makukuha ang kagrupo mong pabigat. 

 

Kinuha ko yung laptop ko sa study table at binuksan yung PUBG application. 

 

Laging sinasabi ng mga kaibigan ko na bano ako maglaro pero I enjoy it naman. Pake ba nila? Pag ako gumaling, wag na wag silang makikipaglaro sakin. 

 

Dahil lagi nila akong niyayamot pag squad, lagi nalang tuloy ako nagsosolo. At least walang magagalit sakin. Hmp.

 

Sabihan daw ba ko ng bobo? Ang kapal ng mukha nila.

 

Wag silang ganyan, iiyak talaga ako. 

 

Pero lately, ako nalang din ata ang naglalaro ng PUBG sa tropa kasi it’s either valorant or cod na nilalaro nila.

 

Hindi naman kasi ako mahilig sumabay sa uso. Mas gusto ko pa din yung familiar ako kahit na bilang nalang ang naglalaro nito. 

 

Si Aeri ngayon ay syempre wala ulit sa dorm. Umuuwi lang ata yun dito para matulog o kaya maligo, most of the time nasa lansangan sya.

 

Di naman daw dati sya mahilig umalis ng bahay nila pero simula nung naranasan nya kung gaano kasaya outdoors, di naman na halos umuuwi ang bwisit.  

 

All of a sudden, biglang nag ring ang phone ko. Muntik na akong atakihin sa puso!

 

Akala ko si Winter na naman ang mang-aabala sakin pero mula sa GC pala namin yung call. 

 

Hindi ko sinagot at minute muna for 30 minutes yung GC dahil alam kong hindi naman yan importante. 

 

Hindi sila tatawag sa GC kung may sasabihin silang importante. Sure akong mangyayamot lang sila. 

 

Tapos na din kasi yung exams nung iba, sila Sakura nalang ata yung meron pa hanggang hapon kaya nagkakagulo na agad sila.

 

Pustahan, magyayaya sila umalis bukas. 

 

Hindi ko na pinansin yung phone ko at ibinalik yung atensyon sa screen. Magme-message naman sila mamaya kung ano man yung pinlano nila gawin. 

 

Now that I think of it, ilang linggo na din ata simula nung nagkita kami lahat. Busy kasi sobra sa kanya kanyang buhay and hindi naman kami possessive sa isa’t isa kaya may kanya kanya pa din kaming kaibigan outside the squad. We hangout with them pag school days. 

 

Okay let’s go. 

 

Sige, dito tayo sa pochinki kasi matapang tayo… oh tangina mo, nauna ako sa frying pan die… madami bumababa dito kasi ang daming loots pero nakaka-tense at the same time…. Okay buhay pa naman tayo...Takbo… crouch… takbo ult… uy gago m14… hoy sino yung bumabaril sakin? Di ko makita bwiset wala akong scope!!... nasa bangin ba?.. Sige tamang talon lang muna tayo… bwisit bakit ba ako nasa open grounds? Wala halos puno amputa…. Shet, malapit na talaga ako mamatay pero buti nakapagtago ako sa bato… buti madami akong first aid kit, energy drink at painkillers..

 

Tumunog ulit yung phone ko in the middle of the game. 

 

Ayaw ako tigilan ah? Talagang tumawag na mismo sakin?

 

Chineck ko muna yung phone ko sandali at nakitang si Winter pala yun. 

 

Sasagutin ko na sana nang may bumaril na naman sakin! Ayan, sige talon talon lang muna tayo. Tangina ka ha, ako pa papatayin mo e ngayon na nga lang ako nakapaglaro! 

 

Bigay nyo na sakin chicken dinner kahit ngayon lang mga bwisit kayo. 

 

At tuluyan ko na ngang naisantabi ang nagri-ring kong phone…


 

----------------------------------------------


 

Natapos ang game na pangatlo lang ako bwisit na buhay to. Hindi ko lang man magawang mag chicken dinner! Nakaka-frustrate! 

 

Napakusot ako sa mata kasi feeling ko na strain na masyado 'to dahil grabe ako makatitig sa screen. Wag po gagayahin. 

 

Isinantabi ko na muna yung laptop dahil feeling ko nahilo ako sa laro. Ngayon nalang kasi ulit talaga tapos medyo puyat pa kaya medyo naninilim ang paningin ko. 

 

Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. 

 

Sakto naman at may tumawag na naman sa phone ko. 

 

Right, parang kanina pa sya tunog nang tunog habang naglalaro ako. 

 

GC lang naman pala.

 

Sasagutin ko na sana nung biglang nag appear yung incoming call from Winter. 

 

Yung tawag ni Winter ang una kong sinagot. 


 

“Hello?”

 

“What do you mean hello? I called you hundreds of times already! Akala ko ba tapos na exams mo? Are you still that busy?” 

 

“Ah, sorry. Naaliw kasi ako dun sa nilalaro ko.” Sagot ko naman “Bakit ka ba napatawag?”

 

“Well, tapos na din kasi exams ko ngayon. I have free time na.”

 

“Edi magpahinga ka na. You did well this week.”


 

Bigla naman tumahimik yung kabilang linya at dinouble check ko pa kung binabaan nya na ba ako ng call.

 

Hindi naman


 

“Winter?”

 

“You really can’t take a hint, no?”

 

“What hint? Naglalaro ba tayo?”

 

“My god, it feels like I’m talking to a wall.” Reklamo nya “Sabi ko free na ako, kaya why don’t we hang out? Gosh, Jimin dapat ganun yung sinabi mo.”

 

Natawa ako, yun lang pala “Ay sorry naman, di ko alam.”

 

“Stupid.”


 

Umupo ako sa kama at pumikit. Ang sakit pa din ng mata ko. 


 

“Sa buong buhay ko, never ako natawag na stupid ng ganyan karaming beses.”

 

“Because they’re stupid too.”

 

Yung tabas ng dila ni Winter di pa din pala nagbabago “Then, saan mo gusto pumunta?” 

 

“I heard from my schoolmates nung kumakain ako sa jsec na pupunta sila sa ocean park. I searched it and it looks decent.”

 

“Okay, ingat ka papunta.”

 

“Anong ingat ka dyan, you’re coming with me!”


 

Kunwari nagulat ako


 

“Bakit sa ocean park? Ang pangit pangit dun.” 

 

“Hindi ko pa napupuntahan so let me be the judge of it. Wag mo ‘kong pangunahan.” ayan na, bumabalik na ang pagiging mando nya


 

Parang nung mga nakaraang araw sobrang understanding nya sakin ah? Naglaho na parang bula ang Winter na yun. 


 

“Wala akong choice diba?”

 

Nakarinig ako ng mahinang halakhak mula sa kabilang linya “Good to know na alam mo na yung situation mo.” 

 

“Abuso ka kasi.” biro ko “Kailan mo ba gusto pumunta dun?”

 

“Tomorrow, 1 in the afternoon?” 


 

Tomorrow’s sunday and napasa ko naman na yung mga mahihirap na requirements and konting essays nalang which is kaya ko naman gawin by this night. Guess I’m free. 


 

“Okay. Same meeting place?”

 

“Of course, unless gusto mo ‘ko puntahan sa condo?” 

 

“No need. Baka tamarin na tayo umalis.” 


 

Nabanggit kasi ni Winter na homebody talaga sya at gusto nya lang umalis para naman may alam sya dito sa Philippines. After daw nya mapuntahan lahat ng magagandang places dito, di na daw sya lalabas.

 

Pasalamat sya at sobrang gala akong tao kasi kung hindi, pareho kaming mabuburyo sa isa’t isa.


 

“You have a point.”

 

“Ikaw lang naman ang pointless dito.”

 

“Shut up, Jimin. I’ll see you tomorrow.”

 

“Okay, see you.”


 

Pagka-end ng call ay dumiretso na ako sa GC naming magtro-tropa


 

GC Name: Tropang Iskwad (6 members)


 

Yeri: Hoy Yu, napakahayop mo sagutin mo yung tawag namin!

 

Seulgi: Busy na yung line amputa may ibang kausap ata ang gago

 

Yeri: Hoy wala kang ibang kaibigan bukod samin tanga sino kausap mo?

 

Yeji: May exam pa si Gigi so it’s not her. Malabo naman atang mama mo ang kausap mo?

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
546 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
355 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha