Tiwala (1)

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Maaga kami pumunta ni Jimin sa venue ng concert para dun nalang mag kill ng time.

 

Pumunta kami sa timezone and tried various games. Lumabas yung pagiging competitive namin ni Jimin especially sa dance revo.

 

And guess what?

 

Natalo ko siya sa tekken but not in dance revo hmp. Pano kasi ang daya niya! Hindi niya siguro natanggap yung pagkatalo niya sakin sa tekken.

 

Speaking of tekken, tawang tawa ako sa reactions niya kanina habang tinatalo ko siya.

 

Maybe true nga na walang makakatalo sa kanya sa tekken before sa school nila but ibahin niya ako.

 

Meron kami sariling machine nyan sa bahay and I played it almost everyday.

 

Kahit matagal na simula nung last play ko, I know the game by heart na kaya confident akong hindi ako matatalo.

 

Take that Jimin!

 

Playing with Jimin but Lord, I’m so exhausted! Sobrang competitive niya in everything! Hindi rin naka help yung fact na pati ako competitive kaya halos di kami tumitigil kalalaro.

 

hindi ako sanay sa sunod sunod na dance revo kaya nag stop na kami after that.

 

Bukod kasi sa sobrang nakakapagod, baka mag away na kami ni Jimin dahil yung pride na namin yung kumikilos kanina.

 

Ang dami ko nang kalmot sa kanya, and baka may pasa pa or something kaya medyo nakonsensya din ako. Next time na kami ulit maglaban, pag wala sa mall at walang ibang pupuntahan.

 

Para tuloy kami walang pupuntahan na concert with how sweaty we are.

 

 

“Should we buy clothes? Sobrang napawisan tayo.” I told her while looking around the mall to see a decent boutique

 

“Wag na, bahala na bukas kung magkasakit tayo.”

 

I glared at Jimin, “Napakawalang kwenta mong girlfriend, what the hell is wrong with you?”

 

“Joke lang, masyado ka. Ang akin lang kasi, sayang yung outfit natin. Nilagay ko na rin yung panyo ko sa likod mo so bili nalang tayo ng bagong bimpo.”

 

“Paano ka? Hindi ka nagpalagay ng panyo kanina.”

 

“Sus, sanay na ko dyan. Di ko ikamamatay ang pawis, tara na.”

 

Ang ending, bumili lang kami ng towels para mailagay sa likod namin.

 

Is this even enough?

 

***

 

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa music museum and I noticed Jimin grinning habang hawak ang kamay ko.

 

She looks excited at patalon-talon siya. How cute.


 

“Is this your first time here, Jimin?” I asked

 

“Yes, kadalasan kasi sa open grounds yung venue nung mga pinupuntahan naming concert.”

 

“I see, this is not your first time seeing them live?”

 

Umiling si jimin, “Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na sila narinig live because lagi akong pumupunta sa kahit na anong gig ang meron sila.”

 

She looks really cute when she’s telling me something she likes. Halatang halata yung admiration sa voice niya.

 

Parang siyang bata na ineexplain sa Mom niya yung laruang binili sa kanya.

 

 

“I like it when you’re passionate about something, you look attractive.”

 

“I am always attractive, Winter.”

 

 

Hindi naman siya mali.

 

 

“Sigurado ako by the end of the concert, hindi mo na sila maaalis sa buhay mo.”

 

“They’re that good?”

 

“That good.”

 

 

Hindi naman ako gaano maarte sa mga music artist. As long as they make good songs, gusto ko na sila.

 

Sadyang mas may expectation ako sa munimuni ngayon because of how excited Jimin is at dahil gustong gusto niya yung band na yun.

 

Jimin excitedly pulled me papunta sa entrance, papasok na sana kami when her phone rang.

 

Hindi ko nakita kung sino.

 

Jimin excused herself first at hinintay ko lang siya by the entrance.

 

Sino kaya yun?

 

Whoever that is, ano kaya ang sinsabi niya kay Jimin for her to look that troubled?

 

Hindi mapakali si JImin even after taking that call.

 

It seems like Jimin noticed na nakatingin ako sa kanya kaya she composed herself first bago bumalik sakin.

 

Pinapakita niya na mukha siyang okay but I know her so well. Hindi kaya mag lie ng eyes niya.

 

She’s worried about something.

 

 

“Winter.”

 

“Ano daw yun?”

 

“Mauna ka na sa loob, may pupuntahan muna ako.”

 

“What?! No!” How could she leave me here alone? “Saan ka ba pupunta?”

 

“May emergency kasi sa bahay ng amo nila Mama. Hinahanap ako.”

 

Biglang lumakas yung tibok ng puso ko.

 

Nakaramdam agad ako ng matinding takot when I heard that.

 

Kahit di niya sabihin yung full details alam ko na agad.

 

Dumating na yung araw na kinakatakot ko.

 

Hindi ako makahinga.

 

Tinignan ko si Jimin at gusto ko nalang umiyak.

 

Please, God. Not today..

 

 

“Winter, what’s wrong? Why are you panicking? Please, huminga ka nga.”

 

 

hindi ako sumagot.

 

I just hugged Jimin sa sobrang takot.

 

Feeling ko anytime mawawala siya sakin.

 

 

“Don’t.. Don’t go there.” Please, don’t leave me.

 

“Winter, hindi pwede. Mukhang galit din yung among babae kaya mas kailangan kong pumunta dun.” Mas lalong ayaw kong pumunta siya dun

 

“Exactly! Galit nga! So bakit ka pa pupunta?”

 

 

They’re mad. They never get mad unless it involves themselves and the family

 

Natatakot ako.

 

 

“Winter, mas magagalit si Ma’am kapag hindi ako sumipot. Edi mas lalong lalaki yung gulo. Babalik din naman agad ako, I’m sure minor issue lang yun.”

 

 

No! Please.. no.

 

Hindi ko pa kaya.

 

Hindi ko kakayanin yung haharapin ni Jimin.

 

 

“Then, let me go with you.”

 

“Hindi pwede, ano ka ba. Bakit ako magdadala ng strangers dun? Baka mas magalit sila. This is my problem, Winter. I’m sure na hindi naman ‘to grabe.”

 

 

You’re wrong, Jimin. They’re no strangers. They are my parents.

 

at alam ko na kung ano yung sasabihin nila kay Jimin kaya mas hindi ko kakayaning harapin niya lang yun mag-isa.

 

 

“No, I won’t let you go.”

 

“Winter, just trust me. Wala naman akong issue sa kanila so I’m sure na minor misunderstanding lang yung nangyari. You worry too much sakin.”

 

 

No, it’s never too much to worry about you. Lalo na ngayon.

 

Konti nalang gusto ko na sabihin lahat sa kanya ngayon pero alam kong hindi ko kaya, at hindi ko maipapaliwanag sa kanya lahat nang maayos.

 

“No, please let me go with you.” Hindi ko kakayaning makarinig ka ng kung ano ano from them without me by your side

 

Umiling si Jimin, “Pumasok ka na sa loob and watch the concert para hindi naman sayang. If you will let me go now, mas makakabalik ako ng mas maaga.”

 

“No, Jimin.. I’m worried.” I’m scared.

 

“Baby, i’ll be right back agad. You don’t have to worry about me. Tsaka dyan lang naman yung bahay nila sa Mandaluyong. It’s a 10 minute drive.” Hindi ka na makakabalik, Jimin. Baka nga hindi ka na nila ipakita sakin ever again. Ayoko. Natatakot ako.

 

“Then, let me drive for you.” I just need to be there. Please.

 

“No, traffic ngayon. I’ll book angkas nalang para mabilis, and para mabilis din akong makabalik.”

 

“Jimin..”

 

Hindi ko na alam kung ano pa sasabihin para ma-convince siya.

 

Sabihin ko nalang ba agad yung lahat ng ginawa ko? Na I’m a Mendoza, the family that she and her mom are indebted to?

 

That I’ve been fooling her all along just because I’m so selfish?

 

Na being with me will just cause her pain? Na yung akala niyang relationship will last forever without any worries?

 

“Baby, you worry too much. Hindi naman nila ako gugulpihin siguro?” Jimin joked but it made me worried. Alam kong hindi ganun parents ko pero what if sa sobrang galit nila… Hindi ko kaya, “I’ll be back agad, okay?”

 

 

Jimin stared into my eyes and I stared back.

 

Parang kinakausap ako ng eyes niya, telling me to trust her.

 

Hindi ko alam ang gagawin.

 

 

“Promise me.. Jimin, promise me na kahit na anong mangyari, babalik ka dito.”

 

 

Jimin nodded her head. That’s all I need. Jimin never breaks her promises

 

 

“Of course, babalik talaga ako. Sayang yung ticket no!”

 

I smiled. Sobrang innocent niya. Sa sobrang inosente, nakokonsensya ako lalo “Then, go now.”

 

“Alright.”

 

 

Jimin’s now booking a rider sa angkas application niya and ako naman dito, hindi pa rin maalis yung kaba at takot.

 

Hindi ko maiwasang mag overthink sa kung ano yung mga pwedeng mangyari.

 

Nung may nakuha ng rider, she was about to say goodbye na but hindi ko siya hinayaang umalis agad.

 

I gave her a kiss, hopefully not our last one.

 

Kahit nasa public kami and I don’t like the attention, hindi ko maiwasang gawin.

 

Dahil baka yun na rin ang huli.

 

Ayokong pagsisihan ko yun.

 

Niyakap ko siya nang mahigpit. Sinulit ko yung bawat seconds na magkayakap kami.

 

 

“Winter?”

 

“I will wait for you, Jimin.”

 

"Alright."

 

"Jimin, I love you." I want to cry

 

"I love you too, Winter. See you later."

 

 

And there, I watched the back of someone I love walk away from me.

 

Bawat hakbang niya palayo sakin, parang hindi ako makahinga.

 

Gusto ko siya hilahin ulit pabalik at wag na siya paalisin. O kaya naman samahan siya sa laban na ‘to na ako mismo ang nagsimula at cause.

 

Jimin, baby. I trust you.

 

Come back to me, I’ll explain everything else. Tiisin mo muna yung sasabihin nila Mommy.

 

I’m sorry. I’m really sorry, Jimin.

 

Sorry dahil ang selfish ko.

 

With tears in my eyes, I fished out my phone from my pocket.

 

Nakasilent yun dahil ayokong ma-istorbo yung date namin.

 

I’m glad that I did dahil sobrang daming messages pala at calls ng parents ko.

 

Even Yuna is messaging me.

 

Hindi ko yun pinansin.

 

I dialed Ningning’s number.

 

 

“Hello? What’s up, Winter?”

 

“Are you home?”

 

“Yup. But aalis ako later ng 8. Anong meron?”

 

“I have a favor to ask..”

 

 

***

 

Pumasok na ako sa loob ng venue to prevent myself from going out and follow Jimin sa bahay namin.

 

Natatakot akong hindi na siya bumalik at mas natatakot ako sa magiging reaction ng parents namin.

 

Natatakot din akong mag-iba ang tingin ni Jimin sakin.

 

Will she hate me? Despise me?

 

Pero she promised that she’ll be back. I trust her.

 

Kahit galit si Jimin sakin, she’ll never break a promise.

 

I’ll just make sure to explain myself sa kanya mamaya without hiding anymore.

 

Hindi niya deserve na pagtaguan pa.

 

Ito na yung kinakatakot ko, at ito na yung sinasabi ni Ate Irene.

 

Mas masakit pag hindi ko sinabi agad at kapag malalaman pa ni JImin sa ibang tao.

 

Aaminin ko naman sa kanya, hindi lang sa ngayon.

 

But I guess ubos na yung luck ko sa katawan. Nalaman din ni Jimin eventually. Sa parents ko pa mismo.

 

Kanina pa ‘ko nandito sa loob ng venue, at kanina pa nag start yung concert.

 

Sa sobrang preoccupied ng mind ko, hindi ko lang man magawang mapakinggan sila nang maayos.

 

Lahat nag-eenjoy, kumakanta and sumisigaw. Ako lang yung nakayuko dito at any minute parang bibigay na.

 

I only forgot all of my problems when I heard a familiar melody.

 

The song that is so close to my heart.

 

The song that I first heard with Jimin.

 

Ang buhok mo’y parang gabing numinipis

Sa pagdating ng madaling-araw

Na kumukulay sa alapaap

 

Ang ngiti mo’y parang isang tala

Na matagal na ang kinang

Ngunit ngayon lang nakita kung kailan wala na

 

 

It took my everything not to break down dito.

 

I don’t want to make a scene.

 

Ayoko making mess because marami pa akong need i-explain kay Jimin.

 

If mawawala ako sa katinuan, hindi ko maipapaliwanag sa kanya ang lahat.

 

If I give in to my emotions, it will eat me up and I might mess up the only chance I have with Jimin.

 

Alam kong dadating siya.

 

Pupuntahan ako ni Jimin.

 

Come back to me, I miss you.

 

 

Kailan kaya mahahalata

Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa?

Kahit mawala ka pa

Hinding-hindi mawawala

Ang damdamin ko’y sa ‘yong sa ‘yo

 

***

 

It’s almost 8.

 

Almost 2 hours na akong naghihintay.

 

Medyo nawawalan na ako ng pag-asa. Ang sakit na ng paa ko. Ang sakit ng puso ko. Ang sakit ng lahat sakin.

 

Baka hindi na sumipot si Jimin, baka hindi niya ko kayang kitain, baka galit siya sakin, baka hindi niya na ako kayang mahalin pa after all that.

 

Yan ang paulit-ulit na pumapasok sa mind ko as the concert nears the end.

 

 

“Nasa huling kanta na po kami ngayong gabi.”

 

 

I want to cry now.

 

Jimin, where are you?

 

Are we gonna end like this lang?

 

 

“Awww.”

 

“Hays. Nais lang namin na magkaroon kayo ng baon na kilig pag uwi nyo. Kung ano man ang pinagdadaanan nyo kasama ang inyong mga jowa, ka MU, crush o kung ano mang relasyon meron kayo nung taong gusto nyo. Meron kaming paalala na kahit na anong mangyari, wag nyo sana iwan ang isa’t isa.”

 

The vocalist probably doesn’t know na yung sinasabi niya is hitting too close to home.

 

Sana yung sinasabi niya, madali lang gawin.

 

 

“Mahirap man ang pinagdadaanan nyo ngayon, maabot nyo rin ang kalayaan na inaatim ninyo kasama ang taong minamahal nyo. Wag nyo lang susukuan ang isa’t isa.”

 

 

Wag sukuan..

 

In our situation, we don’t have a choice but to give up on each other.

 

 

“Ang last song this night is Kasama Kita.”

 

 

Jimin, I wish you're here now.

 

Just like that, it felt like my wish came true.

 

I felt arms on my shoulders, hugging me from the back.

 

I instantly recognized the warmth that only she can give me and the scent that has been my favorite ever since.

 

 

“Ako to.”

 

“Jimin?”

 

 

I asked, kahit alam ko dahil hindi ako makapaniwala na nandito na siya.

 

I wanted to face her to confirm if siya nga ba talaga yun but she kept me in place. She hugged me tighter.

 

 

“Mamaya na natin pag-usapan yung dapat, Winter. Let’s enjoy the song muna. This is the last one”

 

 

Kinabahan ako.

 

 

“Y-yeah.”

 

 

'Pag kumalma na ang lahat

At tumila na ang ulan

'Pag malaya na tayong maglakad-lakad

Umupo sa damuhan at manahan

 

Ayokong makalimutan

Ang sinag ng araw

Ang awit ng hangin sa 'tin

Ang makasama ko ikaw

Oh, ang maging malaya kasama ka

 

 

Munimuni, you’re seriously good at breaking my heart even more.

 

Masyadong timely yung kanta niyo.

 

 

'Pag kumalma na ang balat

Sa kakahugas ng kamay

Aaminin ko ang lahat

Ako'y magiging tunay

 

Ayokong makalimutan

Ang sinag ng araw

Ang awit ng hangin sa 'tin

Ang makasama ko ikaw

Oh, ang maging malaya kasama ka

 

Gusto ko lamang makasama ka

Gusto ko lamang makasama ka

Oh, ang maging malaya kasama ka

 

 

Yung mga luhang pinipigilan ko kanina pa, ngayon na bumuhos.

 

Hindi ko na kaya pigilan. Parang lahat ng emotions ko kanina, ngayon lumalabas.

 

I cried even harder when Jimin I felt Jimin’s tears on my neck.

 

I wanted to comfort her, tell her that it will be okay, pero hindi ko magawa. At this point, alam na namin kung saan kami papunta.

 

 

Ayokong makalimutan

Ang sinag ng araw

Ang awit ng hangin sa 'tin

Ang makasama ko ikaw

 

 

Sabi ni Jimin magugustuhan ko sila pag narinig ko.

 

Pero mukhang hindi ko na sila kayang pakinggan after this night ever again.

 

Because I’ll only end up thinking about her and this night.

 

The night that we’ll leave each other.

 

 

Ayokong makalimutan

Ang sinag ng araw

Ang awit ng hangin sa 'tin

Ang makasama ko ikaw

Oh, ang maging malaya kasama ka

Oh, ang maging malaya kasama ka

 

 

I’m really sorry, Jimin. Because of me, nasaktan ka at yung mga taong mahal mo.

 

I’m sorry for loving you.

 

 

***

 

Sabay na kaming lumabas ni Jimin ng venue pero walang nagsasalita samin.

 

Nakahawak lang ako sa kamay niya, in fear of her losing my sight even for a second.

 

I looked at Jimin.

 

Parang gusto ko ulit maiyak.

 

Super red ng eyes niya and yung area around it.

 

Yung expression niya, hindi niya maitago kung gaano siya nasaktan.

 

I can’t take it anymore.


 

“I’m sorry, Jimin.” I cried out

 

“Bakit ka naman nagso-sorry?”

 

“Kasi ang selfish ko. I know your situation and mine, pero pinili ko pa rin i-push yung nararamdaman ko kahit na alam kong pareho lang tayong mahihirapan.”

 

“No, it’s okay. Nakilala naman kita, yun ang importante Winter.”


 

I shook my head. Hindi pwede yung ganito. Gusto kong magalit ka sakin, Jimin. That is what I deserve.


 

“No, dapat kasi sapat na sakin yung ako lang may kilala sayo, Jimin. But i’m very selfish. Hindi ko alam kung ano ang sinabi nila Mommy sayo but I’m sure na masakit yun. This is all my fault.”


 

Jimin didn’t reply and just held my cheeks and made me face her.

 

I feel like Jimin wanted to comfort me pero nung nakita niya yung face ko, naiyak din siya.

 

My Jimin..


 

“Winter, it’s my fault kasi hindi kita kinilala nung una pa lang. Hindi mo naman tinago yung name mo sakin, it’s just that sobrang tanga ko. Tama kayo, sa academics lang ako matalino.” She tried to joke around but hindi ako nagpatinag. Ayokong saluhin niya lahat

 

“No, Jimin. It’s my fault, I took advantage of you being oblivious kasi I’m selfish. Gnrab ko yung opportunity na yun to get to know you nang hindi mo nakikilala kung sino talaga ako.”

 

 

I finally revealed it to her.

 

Siguro if may lakas lang ako ng loob before, ginawa ko na yan agad.

 

Hindi na sana aabot sa ganito.


 

“Yun ba yung reason kung bakit hindi mo sinabi sakin na you’re part of that Mendoza family?”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
545 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
545 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
699 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
699 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha