Marilag

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Maginhawa


 

 Hindi maitatago, hindi maikukubli

Ang mundo ay binabalot

Ng iyong pagbangon muli

*stan munimuni*


 

This will be the 4th time na magkikita kami ni Winter and last na din muna siguro to for the meantime kasi by next week, exams na namin pareho. 

 

Kahit na pa chill chill lang si Winter, halata namang grade conscious sya. 

 

Nakita ko sa unit nya kahapon kung gaano karami yung libro sa kanyang bookshelf at lahat yun related sa course namin tapos meron din syang mga reviewers nya na sya ata mismo ang gumagawa. Kapansin pansin na very detailed yung gawa nya, yung tipo na kahit bobo maiintindihan yung topic na yun.

 

Kaya naman for this day, nag decide ako na sa Maginhawa ko sya dadalhin. Magpapataba kami ng malala ngayong araw.

 

Best choice na din to kasi kahit anong type ng pagkain meron naman sa Maginhawa kaya marami kaming mapagpipilian.

 

Ayoko na nga sana sya padalhin ng kotse para mag jeep nalang kami kaso baka maging uncomfortable sya. Ayoko naman syang ipa-try sa mga bagay na alam kong alanganin. Mamaya mahipuan or manakawan pa sya don edi ako pa may kasalanan.

 

Tsaka baka mamaya magtaray pa yun dun sa loob ng jeep kapag may nagpaabot ng bayad edi ako pa yung mas nahiya. 

 

Sinasabi din ng guts ko na magbabayad sya gamit ang credit card o kaya naman isang libo, kaya ngayon palang gusto ko na pigilan yung possibility na yun. 

 

Hinihintay ko sya sa Vinzons as always, unofficial meeting place na ata namin to. Dapat ata ito nalang yung title ng story, eme.

 

Medyo nagdamit na 'ko ng maayos dahil mamaya nyan mukha na naman akong basahan sa tabi nya. 

 

Navy blue tshirt yung top ko tapos dark gray trousers and a pair slides para comfy kahit simple. Ginamit ko din yung Dior sling bag na niregalo sakin ni Yuna nung 18th birthday ko para cute. 

 

Actually, lahat ng suot ko ngayon ay bigay lang. Yung shirt ko mula sa off-white, ilang libo ata ang presyo. Si Ate Irene yung nagbigay nyan nung first meet up namin since sa tinder kami unang nagkakilala. Oh ano, san kayo makakahanap ng babaeng magbibigay agad ng mamahaling damit sa unang meet up? Y'all could never.

 

Pero next time na yung full chika tungkol dun! 

 

Yung trousers naman na inarbor ko lang kay Ryujin kasi ang ganda nung fit. Tapos yung slides, binili sakin ni Yeji dahil wala lang, trip nya lang ako bilhan. That’s my OG sugar mameh right there <3

 

Yung wardrobe ko, aakalain mong mayaman yung may-ari. Pano kasi spoiled ako sobra sa tropa ko pagdating sa damit dahil natutuwa din sila sa proportions ko. Parang lahat daw bagay sakin heh, iba na ang pretty.

 

Kaya naman ayun, kapag may natitipuhan akong damit, nag-uunahan pa silang bumili nun. Kaya minsan nananahimik nalang ako. Inaarbor ko nalang yung mga gamit nila, at hindi lang man sila nagdadalawang isip na pumayag. 

 

I love them.

 

Kaya kapag birthday ko, grabe gumastos ang mga gago para sakin. Hindi din sila nag-e-expect ng kapalit dahil alam nila ang sitwasyon ko.

 

Babawi nalang ako pag bumait na ang tadhana sakin. 

 

Anyways, asan na ba si taglamig? Anong oras na naman, lagi nya nalang akong pinaghihintay.

 

……..

 

Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang may kotseng bumusina sakin. 

 

Parang gago, sino ba to? Aatakihin ako sa puso!

 

Binaba nung driver yung bintana nya at ang tumatawa na Winter ang bumungad sakin. 


 

"Bwisit ka talaga." 

 

"Good morning to you too, Jimin."

 

“And that’s Karina for you, Winter.” 

 

“Whatever, Jimin.” 


 

Sinubukan ko lang naman kung susunod pero ano pa nga ba ang aasahan ko? Mas matigas pa si Winter sa bato pag ayaw nya talaga gawin. 

 

Napatingin ako sa kulay asul nyang kotse. 

 

Teka, ibang kotse na naman to? Last naming alis yung Benz ang gamit nya tapos ngayon Subaru naman? 

 

Sure ba syang law firm ang business nila at hindi connected sa mga sasakyan? Kung makapagpalit ng kotse kala mo nagpapalit lang ng damit amputek 

 

Binuksan ko na yung pintuan ng kotse nya at pumasok na. 

 

Syempre bumungad agad sakin yung car freshener at yung pabango nya. Opo naghalo sila kaya parang minu-murder na yung ilong ko.

 

 Nakakahilo!


 

“So where are we going?”

 

“Turo ko nalang directions. Basta drive ka na.”

 

“Okay.”


 

Huy gago, napahawak ako sa handles nung pinaharurot nya yung kotse.

 

Jusko maaga ata akong mamamatay sa babaeng ‘to, parang anytime mababangga kami or makakabangga.


 

“Huy bagalan mo naman yung takbo!” Nasulyapan ko yung speedometer nya at papunta na sa 80. Wala tayo sa commonwealth teh! 

 

“Why? Maluwag yung kalsada nyo here and no traffic pa, so it’s okay.”

 

“Okay ka dyan! 30 nga lang ata speed limit dito sa up.”

 

“Talaga? I don’t really care.”


 

Parang nalagutan ako ng hininga nung may muntik kaming mabangga na student ata, ang gago talaga. Pedestrian lane pero walang pake ang babaeng ‘to.

 

Hindi ko napansin na mabilis pala sya magpatakbo nung nag UPTC kami kasi sa malapit nya lang naman pinark yung kotse nya.


 

“Ako nalang magda-drive, please! Mahal ko pa buhay ko at ayokong may mapatay ka pa.”

 

“You’re OA.” Tatawa tawa nyang sabi


 

Ginilid nya naman yung sasakyan bago lumabas. Good, kala ko bigla nalang syang titigil ulit sa gitna. 

 

Hindi na ako lumabas at lumipat nalang ng seats sa loob kasi ang laki lang ng space? Iba talaga pag mamahaling kotse!

 

Automatic din yung car nya though I would’ve preferred it more kung manual since dun ako sanay.

 

Hindi naman bago sakin ang mag drive ng kotse. 16 palang ako tinuruan na ako ni Ryujin mag drive. Co-owner kasi sila ng Toyota kaya sanay na sanay na sya sa mga sasakyan.  

 

I think 15 sya unanag natuto mag drive. Kaya naman nung nahasa sya, tinuruan nya ako agad. 

 

At alam nyo ba, nung 18th birthday ko, niregaluhan ako ng pamilya nila ng Hilux? Oo gago tama kayo ng basa, binigyan nila ako ng pick up, tangina! Alam kong wala lang sa kanila yun pero nakaka-overwhelm? 

 

Hindi ko din naman ginagamit yung sasakyan at naka-park lang dun sa may dorm, mahal kasi ng gas tsaka di naman ako gumagala masyado. Ang weird naman kung nakakotse pa ko araw araw papunta sa building ko diba?

 

Pero bingyan naman ako ni Seulgi ng free gas card sa shell at walang limit yun, basta daw buhay pa ‘ko pwede kong gamitin yun anytime. Sila kasi yung nagma-manage ng  shell dito sa Philippines kaya wala lang din sa kanila yun pero dahil may kapal pa ako ng mukha, hindi ko talaga ginagamit madalas.

 

Minsanan lang, kapag kailangan talaga o kaya kapag may outing with friends kasi gusto nila na ako yung nagda-drive talaga dahil kaskasera sila Ryujin at Seulgi tapos tamad yung iba. 

 

Medyo sanay na din ako sa mamahaling kotse tulad nito kasi every summer, part time driver ako ni Yuna. Hatid sundo ko sya sa review center nya o kaya kapag may gusto syang gawin or puntahan. 

 

Malaki tiwala sakin ng mga Mendoza, minsan nakakatakot na nga.


 

“Marunong ka pala mag drive, sana sinabi mo before.” kumento ni Winter habang naglalagay sya ng seat belt

 

“Oo naman, alangang makipagpalit ako kung hindi ako marunong?” Sarkastikong sagot ko

 

“Pilosopo mo, kainis.”


 

Bwisit sya, di pa din ako maka get over sa nangyari. Parang nakita ko yung buong buhay ko sa maikling oras na yon!


 

“Buti di ka pa nahuhuli? Ganito ka ba lagi magpatakbo?”

 

“No, maingat ako. Gusto lang kita takutin ngayon and I guess I succeeded?” 


 

Tinignan ko lang sya ng masama habang sya ay tawa nang tawa sa kagaguhang ginawa nya. 

 

Winter won this time.


 

--------------------------------


 

Sa Caution Hot kami unang pumunta. Favorite kasi ni Winter yung maanghang kaya sige masubukan nga yan sa kainan na to. Noodle house sya and yung specialty nila is Spicy Chinese Noodle na wala akong balak i-try. Narinig ko lang kay Aeri na masarap daw dito. 

 

Umupo kami ni Winter dun sa lamesa na hindi masyadong nadadaanan ng tao and staffs. 

 

Ang hassle lang kasi na habang kumakain ka ang daming daan nang daan tapos mantatabig pa ng lamesa.

 

Knowing Winter's temper, baka magalit yan at magtawag ng manager and knowing my temper lalo na sa pagkain, baka magwala din ako. 

 

It's safer for them kapag malayo kami sa kanila.

 

Napatingin ako kay Winter na ngayon ay nasa tapat ko, may kinakalikot sa phone nya. Ngayon ko lang napansin yung ayos nya dahil sa sobrang kaba at inis ko kanina. 

 

Gago mga dude pare chong ang ate nyo Winter, ang ganda ng ayos ngayon! 

 

Naka yellow crop top kasi sya tapos black sweatpants. Suot nya din yung sapatos na binili namin sa sole academy nung isang araw.

 

Sobrang simple lang naman yung suot nya pero bakit yung aura parang rarampa sya somewhere around Europe? Ganda magdala amp.


 

“So what are we gonna eat here?” Tanong ni Winter habang inililibot yung tingin sa paligid nya

 

“Sabi ng roommate ko kilala yung kainan na ‘to sa spicy chinese noodles nila. Nabanggit mo na mahilig ka sa spicy foods kaya dinala kita dito.”

 

Napataas sya ng kilay, “But you don’t eat spicy foods diba?”

 

Naks, naalala nya “Yep, meron naman silang hindi maanghang na food kaya okay lang.”


 

Tumango lang sya at senyales na yon na tapos na ang convo for now kaya naman tumawag na ako ng isang waiter para mahingi yung menu. Aba ang gago ang lawak ng ngiti nang makita kami ng kasama ko. 

 

Oo gets ko na head turner talaga si Winter pero parang ako pa ata ang bet ni kuya. Jusko po, lapitin talaga ako ng u10 sobra, kahit na ayoko na sa kanila!

 

Girls are cuter huhu :<


 

“What will you order, Jimin?”

 

“Beef Classic Wheat Noodles tapos Kuchay.” Yan yung nirecommend sakin ni Aeri kasi alam nyang di ako kumakain ng maanghang

 

“Okay then I’ll have Seafood Szechuan Egg Noodles Ultimate Burn then Bao Bing.”


 

Tinignan ko sya, silently asking her kung seryoso ba sya sa inorder nya. 

 

Ultimate burn amputa? 

 

Pero she just gave me an assuring smile kaya hinayaan ko nalang.

 

Bahala sya sa buhay nya. 


 

“Serve na po ba agad yung dessert or mamaya nalang?” 

 

“Later nalang.”

 

“Okay ma’am.”


 

Bago pa makaalis ng tuluyan si Kuya ay nagawa nya pa akong kindatan my ghad, muntik na kong masuka dito sa totoo lang. Ang landi landi e mukha naman syang may limang anak. 


 

“Everyone’s creepy here, no? Parang hindi ka makakakilos ng maayos because a lot of people are like that guy. Nakakainis maging maganda to be honest.”

 

Napangiti naman ako sa confidence nya, “Uy totoo yan, parang sumpa pa ngang may maganda kang mukha kasi hindi ka nilulubayan ng mga tao kahit saan ka magpunta.”

 

“I know right. Sa Switzerland naman, meron ding ganyan pero not to this extent na wala ka naman sa bar pero may mga makakapal na face na lalandiin ka harap-harapan? Worse is mukha pang may pamilya na!”


 

Natawa ako. Magkadugtong talaga utak namin.


 

“Sanayan nalang, hindi naman natin kasalanan na maganda tayo.”

 

“But still, nakaka-bother diba? Parang hindi safe dito sa PH.”

 

Tumango ako, “Sinabi mo pa. Kaya ikaw, wag kang pupunta sa public places ng ikaw lang mag-isa as much as possible.” 


 

Mahirap na, parang magnet pa naman si Winter. Kulang nalang pati hayop mapapalingon sa kanya eh. 


 

“Hindi talaga since you will be there for me naman."


 

Ginawa nya naman akong bodyguard.


 

“Not always, lalo na after the exams. May practice na ako ulit.”

 

“What practice?”

 

“Member ako ng pep squad, hindi ko ba nasabi sayo?”


 

Biglang tumawa ang gago at medyo nakaka-offend yung tawa nya ha


 

“Ikaw? Member ng pep squad? As far as I could remember maganda ang standings ng UP when it comes to cheerdance. I think it's always UP, UST and NU who are competing for the gold."

 

Pinitik ko yung kamay nya na nasa table, pero mahina lang “Judger ka. Oo nga, kasali ako dun bahala ka kung di ka maniwala.”

 

“Hindi kasi halata. You look weak kaya.” Tinignan nya pa ‘ko from head to toe aba

 

“Excuse me, kahit ibalibag pa kita gamit lang yung isang braso ko kayang kaya ko.”

 

“You’re so mayabang." Umirap pa sya "Anyway, i don’t really care kung may practice ka, I’ll just watch problema ba yun?”


 

Tinignan ko naman sya kung seryoso ba sya sa pinagsasabi nya.

 

Hindi naman lasing si Winter pero kung ano ano ang lumalabas sa bibig nya. 


 

“Wala ka bang ibang ginagawa bukod sa pestehin ako? Tsaka as far as I could remember, strictly kain lang yung deal natin diba?”


 

Biniro ko lang sya dun. Halata namang hindi na strictly kain lang ginagawa namin dahil nag-inuman kami kahapon at may heart to heart sesh pa. 

 

Pano, di naman kasi ako makatanggi sa bwisit na taglamig na ‘to.


 

“Yes, wala akong ibang gagawin kundi guluhin ka because you’re my only friend dito, nakalimutan mo ata." Paalala nya. "Papanoorin kita mag practice tapos dadalhan na din kita ng energy drink tapos kakain pa tayo after. Oh diba, parang yung OG agreement lang natin."


 

Galing magdahilan ah? Nasa dugo nya talaga ang pagiging Lawyer. 


 

"Dapat una pa lang sinabi mo na yan.”


 

Grabe no? Kung hindi lang pretty to, maiinis na ako sa kanya kasi napaka-pushy nya. 

 

Hay, basta maganda talaga madaling palampasin ang ginagawa. 

 

Pero besides that, nakakaawa din dahil ako nga lang 'daw' kuno ang kaibigan nya dito sa pinas. Tsaka, ako din naman may pinakamalaking benefit kaya choosy pa ba ako? 

 

Sana lang di sya ma-overwhelm sa energy nila Seulgi at Ryujin. Medyo papansin kasi sila kapag may bagong tao na nakikilala. 

 

Pakilala ko na din siguro sya kay Aeri kasi mukhang magkakasundo sila. Baka pwede nyang i-train si Winter sa daan patungo sa pagiging lasinggera, chos!

 

Ilang minuto pa ang nakalipas at sa wakas, dumating na yung pagkain namin.

 

Tangina, halos maungkat na namin ni Winter yung buhay ng isa’t isa sa tagal nung inorder namin. Nilagyan pa ata ng gayuma nung bugok na yon.

 

Grabe din yung pagkain ni Winter, parang aapoy na sa sobrang pula. Pagkain pa ba yan? Parang nagbayad ka lang para magdusa. 


 

“Sigurado ka bang kaya mo yan?” DI ko maiwasang mag-alala

 

“Who knows? Di naman ako mamamatay sa anghang.” Nagawa pa nyang magbiro ha, tangina nya bahala sya pag umanghang yan ng sobra


 

Sinimulan ko nang kumain at gags, ang sarap pala talaga nito. I don’t really fancy noodles kasi rice lover ako. 

 

Ironic no?

 

Pancit canton madalas kainin pero ayaw ng noodles. 

 

Siguro nakasanayan nalang kaya ganun. Wala naman akong choice. Bawal magreklamo ang walang pera. 

 

Nakakadalawang subo palang ata si Winter pero nagpapaypay na sya sa sarili nya. Itinulak ko sa kanya yung tubig pero hindi nya kinuha yun.

 

Bahala sya sa buhay nya. 


 

“Ano kaya pa?” Pabiro kong tanong pero slightly worried na talaga ako

 

“Kaya pa, anong akala mo sakin?”


 

Sus, halata namang pride nya lang yung pinapairal nya. Halatang anghang na anghang na sya dyan. 

 

Di pa nakakarami yan ha!

 

Nilabas ko na din yung kinuha kong gatas kanina sa ref namin. Isang karton pa yun at walang bawas. Stock yun ni Aeri at binigay nya nalang sakin in case daw na maanghangan si Winter sa kinakain nya which is nangyari na nga. 


 

“Wag mo na pilitin kung di mo na kaya. Uminom ka nalang ng gatas oh.”

 

“No, I can perfectly handle it. Ano ba ang akala mo sakin?”


 

Hindi ko napigilang mapa-irap. I don’t normally roll my eyes pero hindi ko mapigilan dahil sa babaeng ‘to. Taas ng pride eh bahala nga sya dyan. 


 

-----------------------


 

Nandito kami ngayon ni Winter sa gilid ng kalsada, nagpapahangin. Gusto ko na din ibalibag tong babae na ‘to kanina pa. 

 

Siguro naman alam nyo na yung nangyari no? 

 

Mga dalawang subo lang siguro after ko syang pagbalaan, gusto nya nang sumuka. Buti nalang may cr dun sa kainan. Muntikan pa nga syang masuka dun sa table kasi hindi nya na kaya. Halos kaladkarin ko na sya papuntang cr dahil sa panic susmaryosep.

 

As of now, tinutungga ni Winter yung karton ng gatas habang umiiyak. 

 

Oo mga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
546 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha